Pages

Sunday, July 15, 2018

M Twenty Five Bar (Part 7)

By: Bendo

Naalala ko pa noon

(Flashback)

Kung paano ako umamin kay Jam na crush ko siya. Mga katapusan nang 1st year college. Bago magtapos ang taon na iyon, binigyan ko siya ng tsokolate pero nakalimutan ko kung anong brand at anong lasa ang nakahalo dun sa tsokolate.

Ngumiti lang siya sa akin pero alam ko na rejected na ako kasi simula nun hindi niya na ako pinapansin o kinakausap pwera nalang kung kailangan talaga halimbawa kung may assignment, proyekto, o kagrupo kami. Hanggang dun lang kami nag uusap pero wala na akong mahalungkat tungkol sa pagkatao niya.

Ang alam ko lang, si Jam ay masayahin, corny at may pagkapilyo minsan. Palagi ko siyang tinitingnan sa malayo, at kung magtatagpo ang aming tingin ay umiiwas ako. Masasabi kong siya ang dreamboy ko, madami akong crush pero sa kanya parang iba, hindi mapapantayan nang iba kong crush.

May isang pangyayari noon na hinding hindi ko makakalimutan. Noong 2nd year na kami, isa ako sa mga nalate para sa aming field trip. Eh, iyong nakita kong naiwan na upuan ay sa 2 seater. Nag iisa doon si Jam nakaupo.

Naglakas loob na akong magtanong, "May nakaupo?" nerbyos ko.

"Sorry may nakaupo na rito" ngiti niya. Nadismaya ako pero mabuti nalang may tumawag sa akin. May upuan pa raw sa may bandang gitna medyo tatlong upuan malayo sa kinauupuan ni Jam. Iyong tumawag sa akin ay mga kaibigan ko sa kabilang section. Buti nalang at nakaupo ako.

Tinitingnan ko si Jam mula sa kinauupuan ko. May kinakausap siya kaya pilit kong pinakinggan. Hindi ko kilala ang kausap niya pero mukhang namumukhaan ko na galing siya sa kabilang section.

"Excuse me, may nakaupo rito?" tanong nang babae.
Iyong babae ay makinis, maputi, at maganda. Maganda ang ngiti at talagang nakakabighani. Siguro crush ng bayan nga itong babae.

"Sino yan?" panandalian kong tanong sa mga katabi ko kasi kaklase nila iyong babae.
"Si Gwen yan. Dinig namin Crush daw yan ni Jam matagal na." sagot nila. Napa okay nalang ako nun.

Binalikan ko din agad usapan kina Jam.

"Wala, sige umupo ka na" ganadong sagot ni Jam. Nagulat ako nang napansin ko sigurong napatagal ang titig ko kay Jam nang 2 segundo, nakatingin pala siya sa akin.

Pinilit ko sa buong trip namin na hindi maalala ang anumang nangyari pero ang hirap hirap kalimutan. Tulala ako magdamagan. Parang dinibdib ko ang nangyari kahit alam ko namang wala akong kinalulugaran.

Napansin din siguro nang mga kaklase na wala ako sa sarili, "Huy, anyare sa iyo, Bat kanina ka pa tuliro? " tanong ng kaklase ko.
"Inaantok lang siguro ako" pagsisinungaling ko. Natapos lang siguro ang trip na hindi ko inenjoy at wala akong natutunan.

Paunahan ulit sa pagpasok sa bus. Naubos na siguro iyong mga 3 seater na inuupuan ko kanina kaya konting 2 seater nalang natira. Kung bakit ba naman sa lahat ng pagkakataon nakaupo na ako, si Jam nalang iyong isang taong hindi nakaupo at iyong sa tabi ko pa ang may bakante.

Nakita na ni Jam na bakante iyong sa tabi ko. Umiwas ako. Ngayon siya naman ang nagtanong, "Pwede?".

Siyempre, hindi ko kayang pigilan na sa totoo ay may galit ako sa kanya kung kayat mas mainam sigurong iwasan ko nalang siyang sagutin.

Walang sagot mula sa akin at wala namang upuang natira kaya nga umupo na siya sa tabi ko. Walang kibuan nangyari sa amin. Bahala siya sa buhay niya ayaw ko siyang kausapin. Pero mga bente minutos siguro napansin ko, may kakaibang kilos si Jam. Parang dumidighay na ano.

"Nasusuka ka?" tanong ko.
"Oo" pagkilos niya na parang nasusuka.
"Lipat tayo" anyaya ko.
"Salamat" sagot niya.

Naglipatan kami ng upuan para mas makapwesto siya ng maayos para maiwasang masuka.

Napatingin si Jam sa akin, mistulang may gustong sasabihin. Hindi ko alam kung ano, magkahalo kasi ang pinapakita ng mukha at mga mata niya. Hindi ko matukoy kung nagpapasalamat ba, nagsosorry, o nagsisisi pero siguro hindi naman.

"okay ka na?" tanong ko ulit nang makaupo na kami ng maayos.
"parang" sagot niya.

May kahinaan din pala ang mokong ito. Naiinis parin ako sa kanya swerte niya napakabait kong tao, siguro kung bitchy lang ako, sinigawan ko na sigurong "MERON!" kahit wala namang nakaupo nung nagtanong siya o kaya bahala siya magsuka.

"Kell, sorry" sabi niya na may halong mukha ng isang batang inosente.

Puta talaga. Kinakalimutan ko na pero pinapaalala pa niya. Wala talagang magagawa sorry niya kasi naramdaman ko na iyong ayaw kong maramdaman. Pinalala niya lang.

"Doon ka kay Gwen mo, Puta ka" sa isip isip ko. Sa totoo, sarado lang bibig ko. Pagkahinto ng bus ay dali dali talaga akong umalis sa tabi niya. Sa dali dali ko naiwan ko ang isa kong bag.

"Kell, naiwan mo" sabi ni Jam. Kinuha ko na agad wala nang pasabi. Narinig ko din mula sa kalayuan may sumigaw kay Jam.

"Jam, byebye!" si Gwen pala. Sumagot lang si Jam gamit kamay niya. Hindi ko namalayan medyo masama pala tingin ko kay Jam nun. Napansin ko lang nang tumingin siya balik sa akin.

"Kell, ingat sa pag uwi" ngiti niya.

Simula siguro nung field trip, kinakausap ako minsan ni Jam. Sumasagot narin ako minsan kung kami ay nagkukwentuhan. Doon narin siguro lumala ang pagtingin ko kay Jam. Parang mas gusto ko na siya higit pa sa isang crush. Pinilit kong kalimutan pero mukhang handa akong magtake risk at bahala na kung masaktan.

(pagtapos ng flashback)

Paggising ko, katabi ko si Bond, nakayakap sakin. Ginalaw ko katawan ko, masakit nga ang likuran ko.

"Kell?" mahina niyang pagkakasabi.

Hindi ko alam anong isasagot. Dahan dahan akong umalis sa aming pagkakapwesto. Tumayo at may kumuha ng atensyon ko.

Nacurious ako nang may nakita akong may nakahurma sa pantalon ni Bond. Binunot ko. Laking gulat ko, singsing ang nakita ko. Nanginig ako. Napakagat ng bibig at napasara ang mga mata. Anong katangahan naman ang napasukan ko.

Ang mas nakababahala pa, ang mga text at miss calls sa phone ni Bond na nahanap ko din sa pantalon niya. Gem ang nakalagay.

"Daddy, asan ka? Hanap ka mama" nakalagay sa isang text message.

Napaupo ako sa kama at napatingin lang sa pader. Kinuha ni Bond phone niya na hawak ko. Nahalata niya narin siguro na alam ko na ang tungkol sa kanya.

Bahala na. Wala namang pasok ngayon. Nagbihis na kaming dalawa. Hindi ko alam saan pero sinama niya ako sa sasakyan hanggang may pumasok na bata. Hindi ko din alam kung nakita ba ako nung babae mula sa bahay na naghatid sa bata.

"Goodmorning daddy" sabi nung bata.
"Kumain kana Jemjem?" tanong ni Bond.
"Hindi pa po. Sabi ni mommy ikaw po magbigay sakin ng lunch" sagot ni Gem.
"Saan mo gusto?" habang nagdadrive si Bond.
"Jaaaliibee" laking ngiting may excitement ni Gem.
 "Sige ba. Para sa munting prinsesa ko" ganadong sagot ni Bond.

Hindi ako umimik hanggang nakarating na nga kami sa fastfood resto at nakaupo.

"Daddy, sino po siya?" tanong ni gem habang nakaturo sa akin.

"Si Tito Kell mo iyan, kaibigan ko. Nga pala ano gusto mo? " sabi ni Bond.

"Prayd Chikin po akin" ngiti ni Gem.

"Ako na oorder" anyaya ko.

Tumayo na ako at pumila sa cashier. Parang wala yata ako sa sarili kasi tinatawag ako pero hindi ko napansin.

"sir. Sir?" hindi ko napansin tinatawag na pala ako.

"sorry" paghingi ko ng pasensya.

"May I take your order sir" sabi niya.

Sumagot naman agad ako ng naalimputangan na ako.

Nag antay ako habang kinukuha niya order ko. Tumitingin ako sa mag ama. Nag uusap sila at nagtatawanan. Ano kaya pinag uusaapan nila. Mukhang ang saya saya nila.

Ano ako? Saan ako?

"Sir? Sir! Your order is complete" nabigla yata ako.

Kinuha ko na ang order at bumalik sa upuan. Nang kumuha ng straw si Bond sa tray na dala ko, nakita kong suot niya na ang singsing na nakita ko nung umaga.

"Ilang taon na?" tanong ko.

"6 years na" sagot niya.

Hanggang natapos nga kami kumain sila lang nag uusap at nakikinig lang ako.

Pumunta naman kami sa park para makapaglaro si Gem. Naglalaro siya sa slide, seesaw sa ibang mga bata at kung ano ano pang pwede.

"Kell" sabi niya.
"Naiintindihan ko" agad kong sagot. Pagtayo ko.
"Wala pa akong sinasabi" Pagpigil niya sa kamay ko.
"Alam mo Bond, ang bait bait mo. Maalaga ka. Kung pwede lang sana. Pero ayaw kong maging masaya kung kapalit nito ang kasiyahan ng bata." hinanakit ko.

"Kailangan kita" sabi niya.

"Para saan?" tanong ko. Hindi siya makasagot.

"Subukan natin" pagtigil niya sa katahimikan.

"Daddy? May gusto ka ba kay tito?" nagulantang kaming dalawa.

"Wala" biglaang sagot ni Bond kay Gem.

"bat po kayo kapit kay tito? Sabi kasi teacher kapag hawak kamay may gusto" at bumitaw nga sa akin si Bond pero napansin ko ako pala iyong mahigpit ang kapit kasi nadala ako ng kaunti sa pagkabunot ng kamay ni Bond.

"Tito? Ikaw may gusto kay daddy? Hindi pwede magagalit si mommy" pagkainis niyang may sungit ang mukha.

Mistulang bato ako sa kahihiyan.

"Isusumbong kita kay mommy" galit ni Gem.

"Anak wala. Walang ano ma" pagkarinig ko habang lumalayo na ako sa mag ama. Hindi yata napansin ni Bond hanggang sa tumingin ako sa malayo at nakatitig si Bond sa akin.

Malayo na kaming dalawa. Sumakay na ako ng taxi. Blanko nanaman.

Nasa bahay na ako. Tinitingnan kung may nagtext. Hinahanap ba ako ni Jam? Mukhang hindi naman. Kailan kaya siya uuwi? Bat wala pa siya? Kinalimutan na ba niya ako?

Bahala na. Pupunta ako sa bahay ni Jam.

Nakapatay lahat ng ilaw sa loob ng bahay ni Jam. Sarado pa ang pinto.

Hindi pa siguro nakakauwi si Jam.

Nag antay ako. Nalipasan na ng gutom. Bahala na, gusto ko siyang makita.

Laking ngiti ko ng may sasakyan na huminto sa harap ng bahay ni Jam. Sasakyan nga ni Jam ito. Lumabas na siya, ako naman ay napatayo sa pagkakaupo ko sa kahihintay.

Pero hindi kanais nais ang natunghayan ko. Binuksan ni Jam ang isa pang pinto ng sasakyan. Hindi ako nakita ni Jam pero nakita ako nang babaeng lumabas sa sasakyan.

Tama ang hinala ko, si Beth nga ito.

Hindi ako makagalaw sa pwesto ko. Namalayan ko nalang dalawa na silang nasa harap ko.

"Oh Kell gabi na, bakit andito ka pa?" tanong ni Beth.

"May nakalimutan kasi ako sa loob ng bahay ni Jam" pagsinungaling ko.

"Pwede mo namang itext iyon kay Jam diba?" pagtaas ng kilay at pagtataka ni Beth.

"Halika pasok muna tayo" pag anyaya ni Jam.

"Huwag na, uuwi na ako. Pasensya sa disturbo" sabi ko.

"Kumain kana ba?" tanong ni Jam.

"Oo" pero tumunog ang gutom ko.

"Sinungaling, sama ka samin kumain. Masarap magluto si Jam minsan lang ito." pagngiti ni Beth.

Wala akong magawa kaya naman napapasok na ako sa bahay ni Jam.

Umupo kaming dalawa ni Beth sa hapag kainan habang inaantay naming  si Jam magluto. Kinukwento ko sa kanya si Jam noong maging magkaklase kami. Nakikinig naman siya at nakikisabay sa pagtawa sa akin. Mukhang mabait naman si Beth. Nalungkot lang siguro nang mag iba na siya nang kompanyang pinagtrabahuhan kaya napapunta sa ibang lalaki. Iyon din daw sabi niya. Pero hindi niya ring magawang kalimutan si Jam. Kaya ito ngayon, masaya siyang nakipagbalikan kay Jam, at hindi niya na raw bibitiwan pa si Jam.

Tumulong na din si Beth sa pag ayos ng hapag kainan para kaming tatlo ay makakain na.

"Di ba sabi ko sa iyo? Masarap magluto si Jam" sabi ni Beth.

"Oo nga ang sarap" pagsakay ko naman kahit alam ko namang masarap magluto si Jam.

Napatingin ako sa kamay ni Beth. Napansin niya din siguro ako.

"Alam mo, kagabi, si Jam nagpropose sa akin. Kaya ito may singsing" ngiti ni Beth.

Mukhang nagflashback sa akin ang mga pangyayari kani kanina lang. Kung papaano maging maalaga si Bond sa kanyang anak. Magiging tatay din si Jam. Magkakaroon ng masayang pamilya.

"Kell?" nabigla ako kay Beth "napatulala ka" dugtong pa niya.

"Pasensya na. May naalala lang ako. Kaibigan kong may anak na. Masayang masaya na siya ngayon sa pamilya niya. Ganun nadin siguro mangyayari sa inyo. By the way congratulations sa inyong engagement" pagngiti ko sa kanilang dalawa.

"Salamat Kell. Alam ko namang tama pinili ko. Si Jam ay mabuting kasintahan, magiging asawa ko na at magiging maalagang ama sa mga anak namin balang araw. Pero hindi pa ako nagmamadali. Hindi pa ako handa maging nanay." tawa niya at sinabayan naman siya ni Jam.

"Hatid na kita sa inyo Kell" sabi ni Jam sa akin matapos kaming kumain.

"Kaya ko nang umuwi mag isa" sagot ko naman.

"Mukhang wala nang taxi dyan sa labas. Pahatid kana kay Jam tsaka mag ingat kayo sa biyahe" sabi naman ni Beth.

"Sige salamat Beth" sagot ko naman kay Beth.

Sumakay na ako sa sasakyan kasama si Jam. Bago umandar  ang sasakyan ni Jam tinanong niya ako, "Ang totoo, bakit ka nasa bahay ko dis oras ng gabi?"

Hindi ko siya sinagot ng derecho, "Gabi na. Hatid mo na ako at inaantay kana rin ni Beth" ngiti kong may nginig at pinipigilang umiyak.

Hinatid na nga niya ako sa bahay ko. Isa pang malalim na tingin sa mga mata ni Jam at sinabi ko sa kanyang, "Salamat sa lahat lahat" ngumiti ako, pumasok sa bahay. Sinarhan ang pinto at napasandal nadin.

Huminga ako nang malalim at pumikit.

Hindi ito isang panaginip lang, totoo lahat ito at binuksan ko na mga mata ko sa katotohanan.

Itutuloy...

No comments:

Post a Comment

Read More Like This