Pages

Thursday, July 12, 2018

So Kiss Me (Part 1)

By: James Silver

Pababa nako ng barko galing Maynila. Sa totoo lang, hindi ko alam kung saan ako pupunta. Naisip ko lang talaga na dumalaw dito sa probinsya namin. Uhm, namimiss ko yung lugar, dahil naaalala ko yung kabataan ko. Pero ang pangunahing dahilan ko talaga ay, simple lang, broken heart.
Totoo, mahirap talagang kalaban ang broken heart. Masakit, talagang iindahin mo. Kahit na gaano kataas ang pain tolerance mo eh, hindi ka uubra kapag ito na ang dinaramdam mo. Wala kang magagawa, dahil kahit gaano mo pa man kumbinsihin ang sarili mo na 'ayos ka lang' eh, maya't maya mo naman mararamdaman ang kirot na hindi kayang gamutin ng Alaxan.

Marami akong iniisip habang naglalakad lakad. Iniisip kung gaano ba kalaking pagbabago ang haharapin ko pagnatapos na 'tong isang buwan kong 'sick leave'. Mahirap, masakit, lalo na kung nasa kalagayan kita. Imposible ang makalimot sa loob lang ng isang buwan. 5 years vs. 1 month? 'Di siguro! Pero ang pinakamalaking problema ko talaga ngayon ay kung saan ako pupunta. Kanina ko pa kasi tinatawagan yung tita ko, kaso lang, napudpod na daliri ko kaka-dial eh hindi pa rin sya nasagot.

"Nakababa ka na ba?" Si tita, kausap ko na sa telepono.
"Opo, halos dalawang oras napo ako dito. Di po kayo sumasagot."
"Ahy naku! Pasensya na anak. Nakatulog ako. Sanadali asan ba si Daniel. Ipapasundo kita." Sabi nya.
"Sino pong Daniel?"
"Ahy, yung taga deliver ng garden supplies ng tito mo. Dito rin kasi sa bahay tumutuloy yun."
"Ah, ganun po ba? Baka naman po busy, pwede namang ako na lang ang pumunta. Turuan nyo na lang ako kung papaano."
"Hindi naman sya busy ngayon. Medyo matumal kapag ganitong tag ulan. DANIEL! Pakisundo mo nga si Jeremy sa pier. Kanina pa raw naghihintay eh." Sabi ni tita sa telepono. "Ibinigay ko na yung number mo sa kanya. Kayo na lang ang magusap ah."

Nasa trenta minutos din akong naghintay, at sa wakas. Nagkita na rin kami.
Kayumanggi, makapal ang kilay, mahaba ang pilikmata. Sa unang tingin ay hindi mo iisiping pilipino sya. Mukha syang malinis sa katawan, at ang kahinaan ko, maganda sya ngumiti. Pogi.
Pinasakay nya ako sa isang maliit na truck.
Inilagay ko na lang ang mga bagahe ko sa likuran at tsaka ako sumakay sa tabi nya. Nakasandong puti lang sya at maong na shorts na mukhang sinadyang punitin. Maganda ang katawan nya at kitang kita mo ang pagkakahapit nun sa suot nyang sando. Seductive sya tumingin kaya hindi ako makatingin ng diretso sa kanya.

Hindi kami maysadong nagusap habang nasa byahe. Hindi rin ako nagabalang magtanong ng kung ano ano dahil inaantok ako. Pero hindi ako masyadong mapakali dahil sa tuwing titingin ako sa kanya ay napapatingin din sya sa akin. Nakangiti lang at mukhang wala rin syang balak makipagkwentuhan. Pero sa tingin ko ay duda na syang berde dugo ko.

Trenta minutos. Kung gaano nya ako kabilis nakita ay ganoon din katagal ang byahe namin. Medyo nangalay ang leeg ko kakalingon sa kung saan saan. Hindi na katulad ng dati ang lugar na 'to. Marami nang building. Hindi na sya mukhang probinsya. Ang hindi lang nagbabago ay 'yung amoy dagat. Basta, mahirap ipaliwanag. Ito yung amoy na hinahanap hanap ko sa loob ng matagal na panahon.

"Kumusta naman si ate Nida, balita ko, makakahabol pa ng baby ah." Si tita.
"Kaya nga po eh, menopausal baby. Sana nga po walang maging problema." Pangamba ko.
"Hayaan mo. Kaya yan ng mama mo. Tsaka magkakaroon ka na ng isa pang kapatid kaya dapat excited ka."
Tumakbo lang ng ganoon ang usapan habang kumakain. Kwentuhan at kumustahan hanggang sa dumatung na si tito at nakisali. Nakisakay lang ako sa kwentuhan. Tanong dito at sagot doon lang ang ginagawa ko. Hindi ako masyadong nagtatanong. Dahil ang totoo nyan. Kanina ko pa gustong magpahinga, kaya ayoko nang pahabain pa ang usapan. Sadya lang madal dal ang tito at tita ko.
Kasabay namin sa pagkain si Daniel. Paminsan minsan ay nakikisabat ito pero hindi talaga sya palasalita. Medyo nahihiya nga ako pag nagkakatinginan kami eh. Alam mo naman syempre yung pakiramdam na me crush ka sa isang tao. Crush lang naman eh. Hindi mo naman kailangan ng mahabang oras para masabi mong gusto mo ang isang tao. Hindi iyon ganoong kahirap, nagiging kumplikado lang naman ang mga bagay kapag lumalalim na eh.

Pinipilit ko umastang lalake sa harapan nila. Iniiwasan kong may makasilip ng kalambutan ko. Ang kaso lang, alam ng tito at tita ko ang lagay ko. Itinatago ko lang sana kay Daniel, kaso
"Eh, kumusta ka naman, okey ka na ba?" Si tito
"Opo, ayos naman po ako. Ayon lang eh medyo naburyo sa Maynila kaya naisip kong magbakasyon."
"Okey daw eh, ang drama mo sa facebook mo. Nagbreak na kayo ng boyfriend mo noh?" Si tita.
"PERSONAL TITA, PERSONAL." Sa isip isp ko. Nasayang lang tuloy ang pagpapanggap ko. Napatingin ako kay Daniel at sa mga tingin nya ay kita kong kinukutya nya ako. Ngayon ko lang naisip na hindi pala magandang maglabas ng sama ng loob sa social media. Bukod kasi sa nakapublic ang feelings mo eh, nawawalan ka pa ng personal space. Dapat sigurong baguhin ko na.
Agad kong pinutol ang usapan tungkol sa akin at ibinaling sa ibang topic. Humaba pa ng humaba ang usapan na natuloy sa tagayan. Ayos lang naman. Ramdam kong namiss nila ako. Parang anak na kasi ang turing nila saken eh, dahil wala silang anak. Namiss ko din sila, pangalawang magulang ko na sila eh.

Professor ang tita ko sa Palawan State University. Garden supplies naman ang iniintindi ni tito. May kaya sila, masisipag kahit mga sarili lang nila ang dapat nilang intindihin. Kaya halos si Daniel lang ang nakikita ko sa bahay sa buong maghapon. Sya kasi ang umiintindi ng bahay, ipapatawag lang sya kapag may kailangang ideliver.

Inaayos ko ang mga gamit ko sa kwartong ibinigay saken ni tita. Ibinigay. Oo ibinigay, dahil akin na daw yung kwarto para dalasan ko daw ang pag dalaw sa kanila. Alam kong mahal nila ako, dahil paborito talaga nila ako nung bata pa ako. Nakakatuwa nga na tanggap nila ako kahit ibang landas ang napili ko para sa sekswalidad ko. Ganun din naman ang mga magulang ko, yung papa ko lang talaga eh may issue pa rin paminsan minsan.

Bumaba ako para maglinis ng katawan. Patay na ang mga ilaw maliban sa kusina kung saan malapit ang banyo. Bukas din ang ilaw at pinto ng banyo. Muntikan na akong pumasok ng makita kong lumabas si Daniel, bagong paligo ito. Wala itong pangitaas at hapit na boxers lang ang saplot nito. Bakat na bakat ang batuta nya na nakasemi erect. Malamlam ang mga mata nitong tumitig sa akin na sya namang nagpapainit ng tenga ko.
"Sabi ng Google, uminom ka raw ng tubig 30 mins bago maligo at uminom ka ulit pagkatapos para maiwasan mong magkaroon ng abnormality sa temperatura ng katawan mo."
Nakaramdam ako ng matinding pagnanasa sa kanya. Nadedemonyo akong hubarin ang natitira nyang saplot para makita ko na lahat, hindi yung nanghuhula ako dito. Titig na titig ako sa kanya nang...
"Anlagkit ng tingin mo saken ah, gusto mo ba 'to." Sabay nguso nya sa ibaba.
"Huh?!" Sambit kong may kasamang panginginig.
"Ng tubig kako."
"Uhm, sige lang." Napangiti lang sya. At nagmadali akong pumasok ng banyo para alisin kung anomang init ang nararamdaman ko.

Noong anim na taong gulang ako, natutunan kong maglaro ng chinese garter. Nasa grade 1 ako noon at sinasabi ko sayo, feeling genius ako noon sa sobrang bilis kong matuto hanggang naging isa na ako sa pinakamagaling. Palagi akong pinagaagawan ng mga kaibigan ko kapag maglalaro na kami, dahil magaling ako. Ang simple ng buhay, nakukuha mo ang atensyon ng mga kaibigan mo, at ng mga batang hindi mo kaibigan. Namamangha sa galing mo kaya madali lang magpalit. Kapag inaway ka ng isa mong kaibigan, may iba pang batang gusto kang maging kaibigan. Simple. Hindi kumplikado. Pero habang tumatanda ka, natututunan mo kung gaano kahalaga ang isang kaibigan. Lalo na kung matagal na ang pinagsamahan nyo, kaya kahit isa lang ang magtampo ay hindi ka na makatulog. Natututo ka kasing magpahalaga. Pero may mga pagkakataong iniisip ko rin kung meron bang tao na takot mawala ako. Dahil parang pakiramdam ko eh hindi ako mahalaga at napakadali ko lang palitan. Ibig sabihin isip bata yung mga taong hindi marunong magpahalaga at hindi marunong makuntento, dahil hindi sila natutong magbigay ng importansya. Eh anong tawag sa mga taong binalewala na yung iba para lang pagtuunan ng panahon yung isa. 'Tanga' ba ang tawag dun?

"Oh, ayan magkape ka, para magising ka." Hindi ko alam kung yung pagiging antukin ko ba yung tinutukoy ni Daniel o yung katangahan ko. Ganun naman talaga pag broken hearted ka eh, lahat na lang ng bagay eh akala mo tungkol dyan sa nararamdaman mo.
"Thank you." Nasabi ko na lang sabay ngiti. Dalawa lang kasi kami sa bahay. Busy ang tita at tito ko. Madalas na sya lang ang naiiwan sa bahay, minsan kahit may idedeliver ay hindi na sya pinapatawag. Dahil siguro walang iintindi saken.
"Nakatikim ka na ba ng babae?" Tanong nya.
"Dapat ko bang sagutin yang tanong mo?"
"De, binibiro lang kita. Sabi kasi ng Google, kapag nakita mo ang isang tao na nakatulala, tanungin mo sya ng isang bagay na hindi nya inaasahang itatanong mo para ma-divert sayo yung consciousness nya." Si Daniel
"Maka-google ka ring tao eh noh."
"Wala kasi akong matanong kapag may bagay akong gustong alamin. Kaya Google na lang. Makikita mo naman lahat ng sagot eh, kahit hindi sakto, at least may idea. Ganun lang."
Unti unti ay humahaba na angnagiging kwentuhan namin araw araw. May sense sya kausap, at lahat ng yon ay nakuha nya sa Google.

Nasa tabing dagat kami ni Daniel, sa halos dalawang linggo ko dito ay ngayon ko lang naisipang pumunta dito. Angganda ng panahon at yung nalalapit na paglubog ng araw, ansarap hintayin.
"Inom tayo, maganda uminom ngayon eh. Hindi mainit, hindi rin malamig." Pagaaya ni Daniel saken
"Sige, ikaw bahala." Agad syang bumalik sa bahay at naiwan ako doong magisa. Ginamit ko ang panahong iyon para magisip isip. Hindi na yata ako makaka move on. Kahit na anong gawin ko, masakit talaga. Antagal naming nagsama eh. Hindi ko alam kung makakakita pa ako ng makakapalit sa kanya.

"Hindi lahat ng tao, naiisip ang iniisip mo. Kung gusto mong malaman nila kung anong laman ng utak mo. Huwag kang magsalita para marinig nila. Mas makabubuting gumawa ka para makita nila. Mas madaling tandaan ang nakikita ng mata kesa sa naririnig ng tenga." Biglang nasabi ni Daniel
"Google din?" Tanong ko
"Si Confucius, may utak ako noh. Hindi ko inaasa lahat kay Google ang mga alam ko. Pero nabasa ko talaga sa Google yun."
"Masipag ka magbasa ah. Ano pang alam mo?"
"Subukan naten, ano bang nararamdaman mo?" Tanong nya
"Papaano ba makalimot, alam mo naman na siguro kung bakit ako nandito. Isa talaga yun sa mga dahilan. Tumatakas sa katotohanan. Katotohanang wala na kami at niloko nya ako."
"Tunay na lalake ba yang pinaguusapan naten o malambot din."
"Hindi ako pumapatol sa straight."
"Alam mo, pare pareho lang naman ang pagibig eh. Masarap, masaya, masakit at nakakapagod. Sabi nga ni Confucius, simple lang naman ang buhay, tayo lang ang gumagawa ng bagay para maging mahirap ito. Mahirap yang lagay mo, oo, dyan lang kasi nakatuon ang isip mo eh, at kahit pa pilitin kitang magisip ng ibang bagay, yan ang gusto mong isipin. Wala tayong magagawa. Pero anliit nyang tao Jeremy, maliit kumpara sa mundong ginagalawan naten. Marami pang ibang bagay. Marami pang ibang tao. Marami pang pwede mangyari. Tinatapos mo lang ang isang bahagi ng kwento. Pero wala ka pa sa kalagitnaan ng libro. Marami pang pahinang bubuklatin. Kung hindi ka hihinto at itutuloy mo lang. Makikita mo, hindi sa kanya natatapos ang lahat."
"Tuwing iisipin ko yung pinagdaanan namin. Mahirap talaga, para akong masisiraan ng ulo."
"Buti nga ikaw, kaya mo pang ipaliwanag ng malinaw yang nararamdaman mo. Yung ibang tao, iiyak na lang sila ng iiyak dahil hindi na nila naiintindihan yung sarili nila. Malakas kang tao. Kaya mo yan. Walang shortcut sa pagmomove on eh, pero merong slowly but surely. Sa umpisa lang yan mahirap. Isang araw mapapangiti ka na lang kapag maaalala mo yan. Maiisip mo kasi kung gaano ka ka immature." mahahabang litanya ni Daniel.
"ULIT! IMMATURE?! IMMATURE TALAGA?"
"Kaya mo bang patunayang mature ka na?"
"Oo, kaya ko nga nararamdaman to dahil mature nako at capable na akong maramdaman to. Wala nang magsasabing puppy love to, sa edad kong to. Immature talaga? Wala bang ibang term?"
"Edi tinatanggap mong immature ka."
"Hindi."
"Ang malakas na tao, simple lang magsalita, pero mabagsik sa gawa. Ipakita mo sa kilos mong magmomove on ka nang hindi ka nagmumukhang engot. Hahaha."
"Syet! Sumusobra ka na ah. Ang OA mo na. Uminom na nga lang tayo. Tama na yan."
 Itinuloy namin ang inuman sa bahay. Nagpaalam ako kay tito at tita, pero hindi na sila makakasali dahil gusto na nilang matulog. Kaya dalawa na naman kaming naiwan.
"Isipin mong mabuti yung mga ginagawa nyo dati, at gagawin naten para mapalitan yang memories mo." Suhestyon ni Daniel.
"Kahit sex?"
"Sabi ko na nga ba eh, bakit? Malaki ba burat at hindi mo matanggap na nakikita, nahahawakan at naeenjoy na yon ngayon ng iba?."
"Ambabaw ng tingin mo saken ah."
"Laliman mo kasi para laliman ko rin."
"Gaano ba kalalim ang gusto mo?" Tumingin sya sa akin ng diretso at inilapit nya ang kanyang mukha sa mukha ko.
"Yung baon na baon ang gusto ko." Naginit ang tenga ko, pero nakuha ko ang gusto nyang sabihin.
"Let's see."

Tinulungan ko si Daniel sa pagsasampa ng mga halaman sa truck. May malaking order kaya hindi ako nagatubiling tumulong.
"Bakit mo ginagawa 'to? Eh sa napapansin ko sayo, may utak ka at higit pa dito ang pwede mong gawin."
"Tapos ako ng college dahil sa tito at tita mo. Ano ba naman yung dalawang taong trabaho ko dito kumpara sa utang na loob ko sa kanila. Kagaya mo, anak na rin ang turing nila saken. Sa madaling salita, halos kapatid na kita."
"Ouch. Kapatid talaga?"
"Bakit? Trip mo bako?"
"Ah, ewan. Trabaho! Trabaho!" At muli kaming nagsampa ng mga halaman sa truck. "Uhm, yung mga magulang mo? Nasan sila?"
"Oo nga noh, dadalawin ko nga pala sila."
"Sama ako?" Suhestyon ko.
"Tapos ano? Ipakilala kitang jowa ko? 'Di siguro!"
"Wala ring preno yang bibig mo eh noh, tss... TRABAHO!" Sabay simangot ko.
"Cute ka rin pag umaabnormal eh noh." Napangiti lang talaga ako sa sinabi nyang 'yon.

"Uhm, sige na anong ginagawa nyo dati? Pero syempre dito lang naten gagawin. Malapit sa bahay. Mahirap nang hanapin tayo." Si Daniel
"Alam mo, mali to eh, hindi naman naten magagaya yung mga ginawa namen dati. Bakit di na lang tayo kumilos ng normal at kunyare..." Napahinto ako, hindi talaga ako nagiisip.
"Kunyare ano?" Tanong nya
"Kunyare, boyfriend kita." Halos pabulong kong pagkakasabi dahil baka kutyain nya na naman ako.  Napangiti lang sya, pero napangiti din ako nung sinabi nya: "sige, ako ang boyfriend mo simula ngayon. Meron kang dalawang linggo para isipin yung bagay na gusto mong gawin."
"Hindi ka magiisip? Kung di ka kasali sa plano edi hindi normal yun."
"Tanga. Kunyare nga lang eh. Magkukunyari tayong mahal na mahal kita kaya lahat ng gusto mo, sinusunod ko lang. Ganun sya diba?"
"Hindi sya ganun. Plano nya nga halos lahat, wala nakong sabe."
"Irrational? Mas mahal mo sya kesa mahal ka nya?"
"Ewan. Di naman ako manghuhula para malaman ko kung anong iniisip ng ibang tao eh."
"Eh, papano pag nagkamali ako? Papano kung mas mahal kita kesa mahal ka nya."
"Basta ibigay mo lang kung hanggang saan ang kaya. Tsaka na naten alamin kung mas mahal mo ako kesa mahal nya 'ko." Ngiti lang ang iginanti nya at nagpatuloy kami sa ginagawa namin.

"Date tayo." Suhestyon ko.
"Tara, saan?"
"Sa dalampasigan."

Wala kaming usap. Hindi kami nagtatanungan ng kahit ano para hindi maungkat yung mga dapat kong kalimutan. Basta kung ano lang ang masabe, yun lang lumalabas sa bibig namen. Mga salitang iniisip, pero di makuha ng pandama ko.

"Mahal." Sambit ni Daniel. Biglang kumabog ang dibdib ko, dahil hindi ko nabanggit sa kanyang yun ang tawagan namen ng huli. Pero pinabayaan ko na lang at magpadala na lang ako sa agos.
"Uhm." Iniakbay nya ang braso nya at ipinulupot iyon sa leeg ko. Inilapit nya ako sa kaniya sabay himas sa buhok ko. Napapakunot na lang ang noo ko at halos gusto nang pumatak ng luha ko. Ganitong ganito si Bry. Naitanong ko na lang sa isip ko kung protocol ba ang ganito pag dating sa date o ewan. Ganito halos ang nakikita ko sa mga palabas eh.
"Sana, dito ka na lang. Sana, hindi ka na umalis. Anlungkot isipin kung mawawala ka. Nasanay na akong mahal kita eh."
"Nararamdaman kita gago." Sa isip isip ko lang. Dahil ayokong bawiin nya yung mga sinabi nya.

Ewan, hindi ko maintindihan kung ano na yung nararamdaman ko. Hindi ko naman masabing nahuhulog nako kay Daniel. Sa araw araw kasi na magkasama kami eh, mas marami yung katarantaduhan kesa dun sa mga sweet na bagay ang naiisip nya.

Mabilis lang lumipas ang mga araw. Para akong lutang sa kawalan. Nasa gitna ako ng pagmomove on, masakit pa din pag naiisip ko. Sa kabilang banda naman ay nakakasanayan ko na sa lugar dito, unti unti nakong nagiging masaya.

Hilig ko ang mangsorpresa ng tao. Parang angsaya kasing makita ang mga reaksyon nilang gulat na gulat. Kaya purgang purga sa sorpresa saken yung Ex ko eh, uhm, sino na nga yun?

Tanghaling tapat, napansin ko si Daniel na parang may pupuntahan. Nagbihis sya ng pormal, medyo di ko trip yung porma nya, pero di naman nakabawas ng kapogian nya yun. Hindi ko ipinahalatang minamatyagan ko sya. Stalker na stalker ang dating ko. Palihim ko syang sinundan na muntikan ko pang ikaligaw, dahil may binili pako sa isang tindahan ng mga souvenir. Kaso habang sinusundan ko sya eh, mukhang may kakaiba akong pakiramdam. Sa simenteryo kasi sya pumunta. Ang buong akala ko talaga eh, uuwi sya sa kanila.

Pumunta si Daniel sa isang puntod. Medyo may kasikipan ang lugar kaya naman hindi ko sya masyadong malapitan. Basta narinig ko na lang na umiiyak sya at panay ang hikbi.
"Namimiss ko na kayo." Ang malungkot nyang sambit. "Nay, tay, nagbabalak kasi akong umalis. Baka hindi ko kayo madalaw ng matagal. Pero babalikan ko kayo, at ililipat ko kayo sa mas maayos na lugar. Hindi dito sa masikip."
Nakaramdam ako ng labis na kalungkutan. Naiintindihan ko, kaya naman, binigyan ko sya ng panahon sa kanyang pagluluksa.

Hindi ko na sya inistorbo, umuwi na lang akong magisa. Umuwi. Sa madaling salita, naligaw ako. Hindi ko na pinilit pang magmarunong, kunyare alam ko pupuntahan ko. Kaya nag abang na lang ako ng sasakyan na maaaring dumiretso sa pangalan ng lugar na babanggitin ko. Taxi, tricycle, multicab kahit ano basta makauwi.
Nag aabang ako nang biglang umulan. Wala pa naman akong payong, meron namang masisilungan kaso nabasa pa rin ako dahil lumakas din ang hangin. Mahirap talaga kapag malapit sa dagat, hindi mo masasabing ayos lang ang ambon. Di mo masasabing ayos lang ang ulan. Dahil hindi mo mamamalayang bagyo na pala ang haharapin mo. Dapat handa ka lang palagi. Speaking of 'handa', hindi talaga ako boyscout kahit ilang beses pa akong nagpa register dun nung elementary ako.
Nakasakay ako papunta sa amin... nakarating naman ako... nakita ko nga kaagad si Daniel na nauna pa saken at mukhang naghihintay sa pagdating ko. Nasa tapat kasi sya ng pinto eh. Ewan, baka nag aassume lang ako.
Nakangiti lang si Daniel nang makita akong basang basa. Natutuwa naman ako at nakakangiti na sya ng ganun. Akala ko ay madadala nya pa sa bahay ang kalungkutang nakita ko kanina eh. Pero sa tingin, napakatatag nya at kaya nyang itago ang ganung klase ng kalungkutan. Nakakainggit, samantalang ako eh, broken hearted lang, parang nagunaw na mundo para saken.
Naririto ako ngayon sa harapan nya. Panatag ang kalooban. Puti ang labi, nangingitim ang kuko at mamamatay na sa hypothermia, habang sya nakangiti lang. Natuwa naman ako dahil may dala pala syang tuwalya.
"San ka ba kasi nanggaling? Ayan, basang basa ka tuloy." Tanong ni Daniel
"Dyan lang, naglakad lakad at naligaw hahahaha."
"Tara na, pasok ka na." Ibinalot nya sa likuran ko ang tuwalyang dala nya. Nakaakbay sya saken habang papasok kami sa bahay. Ito yung kauna unahang pagkakataon, na kitang kita ng dalawang mata ko, na bukod sa pamilya ko ay may iba pang taong pwedeng magalala saken. Isa sa napakaraming dahilan, para ingatan ko ang sarili ko.

May napala ba ako? Kailangan ko pa bang alamin yun? Ang mahalaga lang naman, kung naging masaya ka diba? Hindi na mahalaga yung mga sakit na pinagdaanan mo. Nakalipas na yun eh, matuto ko na lang sa sarili mo. Hindi lahat ng tanong eh kailangan ng sagot. May mga tanong kasi na nandun na din yung sagot. Iintindihin mo na lang. Naging masaya ba ako? Sa tingin ko, oo.

"Namatay sa sunog anh mga magulang ko. Yung tito at tita mo ang kumupkop saken. Noong una akong mapunta dito, halos araw araw akong tumatakas para bumalik doon sa bahay namin na wala ka nang makikita kundi abo. Sa tuwing gagawin ko 'yun, hindi nagsawa ang tito at tita mo na hanapin ako. Napakabuti nila saken, kaya ito lang ang maisusukli ko sa kanila. Ang maging mabuti tao din." Si Daniel

"Kinaya mo yun? Di ko alam ang gagawin ko kung sa akin nangyari yun." Sagot ko sa kanya.

"May mga bagay kasi na kahit ano pang gawin mo eh, hindi mo na mababago. Katulad neto, kahit sirain ko pa ang sarili ko, hindi ko na maibabalik ang buhay ng nanay ay tatay ko."

"Siguro tama ka. Pero papano ka naman nagsimula nun ulit. Syempre hindi naging madali yun. Kung ako siguro, nag-adik nako nun para makatakas sa katotohanan. Naligaw na siguro ako ng landas." Sambit ko

"Sabi ni Confucius, kung alam mo ang dapat unahin, tinatahak mo ang tamang daan. Hindi ko afford masiraan ng loob, dahil ako na lang ang iintindi sa sarili ko eh. Kaya kahit malungkot, tiis tiis na lang. Wala akong mararating kung mananatili ako sa nakaraan eh." Napahugot ako ng malalim na hininga sa mga sinabi nya. Ngumiti ako para iparating na naiintindihan ko ang mga sinabi nya. Well, hindi lahat, may pagka boplaks ako eh. Tsaka yun yung mga bagay na itinuturo ng buhay sayo na walang eksaktong instruction. Ikaw mismo ang aalam at hindi mo yun makikita sa Google.

"Uhm. Dalawang araw ka na lang dito. Uuwi ka na sa Maynila. Masaya ka ring kasama ah. Mamimiss kita." Si Daniel
"Boyfriend pa rin kita diba?" Tanong ko
"Oo, bakit may naisip ka bang gawin?"
"Diba talaga tayo magsesex?"
"Baliw, ginagawa lang yun ng mga tao na may parehong nararamdaman sa isa't isa. Hindi mo dapat yun ginagawa dahil lang sa taglibog ka. Bakit? Curious ka ba kung gaano kalaki batuta ko?" Si Daniel
"Uhm. Oo bakit ipapakita mo ba?"
"Oo ba, ipapakita ko sa panaginip mo. Hahaha. Tulog na tayo. May deliver pako bukas eh."
Hays, mukhang kailangan ko na talagang umalis dahil pag nagtagal pako dito eh baka magahasa ko na talaga sya. Hahaha.

"Oh, papano, magiingat ka ah. Dalaw ka ulit." Sabi ni tita habang isinasampa sa sasakyan ang mga gamit ko. May turo kasi sya, kaya hindi sya makakasama sa paghahatid. Inihabilin na lang din ako ni tito kay Daniel. Kundi ko pa alam, tinatamad lang silang bumyahe. Paglatapos nun ay niyakap ko na silang pareho bago ako sumakay ng sasakyan.

"Baka naman makalimot ka na kapag nasa Maynila ka na ah." Sabi ni Daniel,
"Sus, ikaw pa, makakalimutan ba kita eh di pa kita natitikman."
"Malibog ka eh noh, siguro gabi gabi mo akong chinuchupa sa panaginip mo. Kaya siguro nanghihina ako."
"Siraulo. Gwapong gwapo ka rin sa sarili mo noh."
"Biro lang... mamimiss kita."
"Talaga lang ah. Pakiss nga." Hamon ko
"Di nga, seryoso, gusto mo talaga akong halikan?"
"Bakit gusto mo bang halikan kita?" Tanong ko
"Nasasayo yan."
Hindi ako nagsalita dahil baka magkamali ako ng sagot. Okey na muna kami sa ganito. Magkaibigan.

Nasa barko nako, magpapahinga na sana nang biglang tumunog cellphone ko. Hindi pa man din umaalis yung barko eh nagmessage na kaagad si Daniel. Isang salita lang ang mensahe nya saken. Mula sa kailaliman ng loob ko ay natuwa ako sa kanya. Pinatay ko ang screen ng phone ko at humigang maayos na may ngiti.

Nakarating ako ng maayos sa Maynila... ayon balik sa dating buhay, papasok sa trabaho na parang walang nangyari. Pero ngayon ready nakong makita ulit sa trabaho yung Ex ko.

"Kumusta, ka na? Tagal mong nawala ah. Asan pasalubong ko." Sambit ng isang malapit na kaibigan habang naglalakad kami papuntang opisina.
"Mamaya na." Sagot ko.. hindi naman talaga maiiwasan eh. Magkasama kami sa trabaho kaya inaasahan ko na ring makita si Bry. Nagkasalubong kami at nagkatinginan.  Seryoso ang mukha nyang makita ako. Ako naman, ngumiti na lang ako sa kanya tsaka ako pumunta sa cubicle ko. Hinagilap ko ang cellphone ko at muling hinanap ang huling mensahe ni Daniel saken. Binasa ko ulit ito at sa ikalawang pagkakataon, muli akong napangiti.

THE END.

No comments:

Post a Comment

Read More Like This