Pages

Sunday, July 15, 2018

The Other Daddy (Part 2)

By Tencity

Hi! Naappreciate ko lahat ng positive comments ninyo.. Kinikilig ako kapag nababasa ko mga reaksyon ninyo.. Mwaaahhh. KissLagpok from Visayas po. Gusto ko mag magreply bilang pasasalamat pero hindi pwede to hide my identity.. I don’t know kung magugustuhan nyo ang karugtong. Hindi ko alam kung paano bigyang-kulay at dagdagan ng mga matatalinhagang mga salita dahil ito talaga ang kasunod na nangyari. Kung kulang sa spices, humihingi po ako ng paumanhin. But still, thank you and God bless po sa ating lahat.

Nakakadalawang bote na ako ng beer pero hindi pa rin humuhupa ang aking nararamdaman.. Gusto kong magwala, manapak, sumigaw ng malakas at manggulpi ng mga oras na iyon. Mabuti na lang at ako lang mag isa sa apartment ko sapagkat inihatid ko si Lance kina inay kasama ang katu-katulong ko sa bahay na si Aling Nelda para makapag isip isip ako. Pilit kong pinakalma ang aking sarili.
Muli kong nasilayan ang mukha ng taong sumira sa buhay at pamilya ko. Wala pa ring pinagbago ang hinayupak maliban sa tila mas lumaki lalo ang katawan nito. Matikas pa rin at taglay pa rin ang karisma na tila hindi mahihindian ng kahit sinong babae –at lalaki. Napaismid ako sa naisip. Heto at galit ako pero hindi ko pa rin maiwasang humanga at matakam sa kanya. Bullshit! Bakla na nga ako.
Tandang tanda ko pa kung paano nito titigan ang aking anak ng dumating ito sa guidance office kanina. Tila ba kinikilala nito ng maigi ang munting mukha na pilit na nag uugnay ng nakaraan namin. Hinding hindi mawaglit sa isip ko ang tagpong iyon.
........Good afternoon everyone. Sorry at medyo natagalan ako ng dating. I’m Redentor _________. Pinatawag ko kayo pareho mam and sir dahil may problema ang mga anak ninyo pareho. Naisend na sa akin ni Ms. Annie ang mga student’s profile ng mga anak ninyo at kailangan ng agarang aksyon ang insedenteng ito upang hindi na maulit pa dito, esp within the vicinity of this school and also not to create inconvenience  to other learners as well.
Maawtoridad ang boses ng hinayupak na parang kagalang galang at walang bakas ng kagagohan kung iyong pakinggan. Nakaramdam ako ng kaba ng mga oras na iyon. Hindi sa maging desisyon ng school kundi sa katauhan mismo ng school admin. Nangangatal ang kamay ko ng mga oras na iyon at gusto kong hatakin ang kamay ng aking anak at tumakbo palayo sa kanila sa mga oras na iyon.
Are you Lance? Tanong nito sa anak ko.
Yes, he is sir, and he is the one who made bugbog to my baby! Singit ni Mrs. Mendez bago pa nakasagot ang anak ko. Isa pa itong demonyetang ito. Nakakatatlo na ito. Baka hindi ako makapagpigil at matulak ko ang babaeng mukhang dragon fruit na ito. Kailangan kong makaisip kung paano makaalis sa lugar na iyon. Something is really wrong today!
Uhm, look sir, we guarantee you and Mrs. Mendez about our full cooperation about what happened today and I am sorry for that--- but, as what I have said, hindi ko tatakbuhan ang-----
Mrs. Mendez, can we still be professional in dealing this case... I mean, hindi sa kinakampihan ko si Lance but your son provoked him to do such. It was a form of bullying and your son must be fully responsible with his actions. Putol nito sa sasabihin ko at sinalubong ng titig ang ginang na halatang nagulat sa kanyang sinabi. Kahit ako ay nabigla sa aking narinig.
Whaaaaaaaaaat? Are you serious mister? Hysterical si Mrs. Mendez sa narinig. At kinakampihan mo pa sa lagay na iyan ang basagulerong bata yan????? This is insane! How could this school tolerate such kind of-----.

Maghinay-hinay ka sa pananalita mo Mrs. Mendez. I’m just being true here. And besides, hindi ko naman sinasabing abswelto na ang anak ni Mr. Lenoxx sa pambubugbog. The guidance committee will talk later about the fine na pwedeng ipataw kay Lance. At tumingin ito sa akin ng makahulugan.
Parang nanghihina ang tuhod ko sa narinig. What the heck is happening to my life? Eto na talaga yata ang sinasabi nilang “ayaw ko na sa Earth!”.
Sige! Magkampihan kayo! Palibhasa pare-parehas kayong mga bakla! Walang kapreno-prenong saad ni Mrs. Mendez sabay ng isang pamatay na irap.
Naoff guard ako sa narinig lalo na at nasa harap kami ng dalawang bata at ng guidance. Hindi na ako nakapagpigil pa.
Is that really the way you best define professionalism and sensitivity Mrs. Mendez? Dahil kung  OO, maybe I should suggest you na magbalik-aral ka dito sa school ng mahimasmasan ka sa pagiging balahura mo. Iyan ba ang magandang asal na ipapamana mo sa anak mo? No doubt then.. iiling-iling kong pambabara.
Aba’t------ si mrs mendez na tila palaban ngunit muli itong sinopla ng lalaking kaharap ko.
Watch your words Mrs. Mendez. You are free to choose another school kung ayaw mo sa pamamalakad namin dito. Magalang ngunit pinal na mga kataga ni Redentor para sa ginang. Just like the prerogative we have in choosing your company as my dad’s official partner with his project launching this coming December-- if everything will fall into right places. Dagdag nito habang ang mata ay tila nag-aapoy sa pagbabanta. But everything can be changed accordingly in just a click Mrs. Mendez..... mahina ngunit may diin ang huling salita ng binatang kaharap ko. Noon ko napansin na tila umurong ang dila ng mataray na ginang. Maging ang guidance ay tila natataranta na rin dahil sa naririnig mula sa school administrator. Isang rebelasyon sa akin na kasosyo pala ng pamilya nitong tampaladas ang kasing itim nya ng budhi na si Mrs. Mendez. Kaya siguro ang lakas ng loob nito kanina para magtalak.
Ms. Annie, pakisamahan na si Mrs. Mendez at ang anak niya palabas ditto. Taranta pa rin ang guidance counsellor habang si Mrs. Mendez ay walang imik na sumunod.
Kinuha nito ang phone sa bulsa ng suot na pantalon at may tinawagan. Hello, Ms. Vivian? Please make a memo for an emergency meeting right after the dismissal period this afternoon. Yeah, I’ll sign it up as soon as I’m done here. Tumungin ito saglit sa akin. Please don’t tell Dad about this. Thanks. Pahabol nitong bilin bago tuluyang pinutol ang kanilang pag uusap.
Hindi ko alam ang sasabihin ko ng mga oras na iyon. Noon ko naalala ang aking anak. He is sobbing in a corner. Lalapitan ko sana ito para kargahin at aluin ng lumapit ang lalaki dito na nag patigagal sa akin.
Bisaya ka man gali langga? Shhhhhhhh. Indi na mag hibi ah. Hindi naman galit si Daddy mo, hindi ba mister Lenoxx? Magkasinmanwa kita bala....
Tumikhim ako saglit. Auhmmmm, yeah, hindi ako galit anak pero mag uusap pa tayo mamaya. Hindi tamang------
O, hindi naman sya pala galit e. Tahan na. Big boy ka na bala. Patuloy nitong pag aalo sa anak ko.
Eh papa, hindi naman totoo yung sinabi nila kanina diba? Mula sa pagkakayuko ay kitang-kita ko ang mga mata nitong hilam sa luha at hindi ko napigilan ang aking sarili. Nilapitan ko ito at kinarga sabay niyakap. Parang may kirot sa aking puso, kailangan kong magsinungaling sa anak ko, at ang hirap. Of course not! Macho kaya at pogi ng papa mo para maging bakla lang.. Humalakhak ako kunwari kahit ang awkward ng sitwasyon namin. Tahan na.. uuwi na tayo mahal.
Nang kumalma ito ay parang nabunutan ako ng tinik sa puso. I love my son and I hate it kapag nakikitang umiiyak ito.
Where’s your bag anak. You bid goodbye to---naputol ang iba ko pang sasabihin ng muling umeksena si Red.
Lance, alam mo ba ang office ni Sir Red? Tumango ang paslit at tila nakabawi na mula sa eksena kanina. Okay, you listen, ask Ms. Vivian, the lady before my office’s door, to open the fridge and have some snacks first. Alam kong gutom ka na. May pag-uusapan lang kami ng daddy mo. Is it okay young boy? All out smile ito habang iniimbita ang anak ko.
Nanlaki pati ang butas ng ilong ko sa narinig. Nag-aalinlangang tumingin sa akin si lance. Pwede po ba papa? Inosenteng tanong nito.
Wala akong nagawa kundi pumayag. Una, may utang na loob ako sa kanya kahit hindi man hayagan nitong kinampihan ang anak ko kanina ngunit alam kong sinadya nya yun. Pangalawa, alam kong gutom na ang mga alaga ni Lance sa tyan. Ang hirap pa namang hindian nito. Pangatlo, I have to be good, sigurista mang maituturing pero hindi pa tapos ang gulong kinasasangkutan ng anak ko. Kailangan kong maging mabait para sa kapakanan nya.
Okay, but promise me, good boy ka doon okay? Don’t touch anything inside his office at huwag kang makipag away ulit. Mahigpit kong bilin.
Promise po papa. Thank you Mr. Red. Iyon lang at tumalikod na ang paslit.
Hey kid! Sigaw ni Red bago pa makalayo ang anak ko. Feel free to touch anything. Sagot kita doon. Ngumisi ito sa bata pagkatapos.
Wala akong narinig na sagot ngunit tumalilis na ang may anaconda yata sa tyan. Napailing na lamang ako dahil doon.
Heto na naman ako. Kailangan kong harapin ang taong ito sa pangalawang pagkakataon at sa mas pinaka kumplikadong sitwasyon pa. Napabuntung hininga ako.
Hinamig ko ang aking sarili bago magsalita. Anong pag uusapan natin Mr. Red? Kung tungkol sa kaso ng anak ko, I promise, hindi na mauulit ito----
Follow me at the conference room Mr. Lenoxx. Doon tayo mag uusap. Seryoso na ito.
Wala na akong nagawa kundi ang sumunod sa kanya. Lumabas kami sa guidance office at hindi na namin hinintay na makabalik pa si Ms. Annie. Lumakad kami sa hallway ng paaralan, lumagpas sa Head of Academic Program office at school admin office bago pumasok sa pintuan ng conference room.
Have a seat. Anyaya nito na hindi ko pinaunlakan at sa halip ay sinalubong ko ang kanyang tingin.
Deretsahin mo ako Mr. Redentor. I have so many stuff to do. Iniwan ko lang ang trabaho ko para sa anak ko, so please, I want to deal it para matapos na. Masususpend ba ang anak ko? Walang paligoy ligoy kong tanong habang hindi ko binibitawan ang kanyang paningin.
Huminga din ito ng malalim bago nagsalita. Itinaas nito ang paa sa mesa habang nakaupo sa swivel chair.
May bata ka na gali kabayan? Dasig lang ba. Sin o ang nanay sina niya? Ngumiti ito ng nakakaloko sa akin.
Para akong ipinako sa aking kinatatayuan. Ano ang gusto nitong palabasin? Inipon ko ang lahat ang brain cells ko and ask them to function well. Giyera ito ng nakaraan!
I believe pare, kung ano man ang tungkol sa buhay ko ay wala ka na doon. Don’t go beyond your limit at tsaka bakit interesado ka sa lovelife ko? Ang pag uusapan lang natin dito ay ang gulong napasok ng anak ko which is malinaw na hindi-----
Tiningnan ko ang mga records ni Lance. He’s not your son. Walang emosyon nitong saad at tumayo. Pinasok nito ang kamay sa loob ng dalawa nitong bulsa.
Nag tiim-bagang ako sa narinig.
Yes he is! Galit kong sigaw. Mabuti na lamang at kaming dalawa lang ang tao ng mga oras na iyon.
Ngumiti ito ng mapakla bago nagpatuloy. He is the son of Xhy at Alam kong naaalala mo ako pare. Tila nagmamakaawa ang mukha nito ng tingnan ko. 3 months pa lang akong naka uwi at dito ang first job na binigay sa akin ni Dad. Nang i-send sa akin kanina ang files ni Lance, nagulat ako dahil familiar ang apelyido kayat sinuri ko. Nang Makita ko ang name ni Xhy, dali dali akong pumunta dito kahit alam kong kaya na itong i-handle ni Annie.
Napakuyom ako ng kamao. I’ll have to get rid of this nonsense situation.
I don’t know what you’re talking about pare. Matigas kong sagot.
Yes, you do pare. Gusto kong itama ang mga mali sa buhay ko pare. Ito na lang ang natitirang meron ako. So, pleaseee. Gusto kong malaman ang totoo. Pagmamakaawa nito.
Nilapitan ko sya habang tinititigan ng masama.
Teka pare, ano ba problema mo? Ayaw ko ng gulo. Napaatras ito sa wall dahilan upang lalo akong manggigil dito. Mataas ako ng isang talampakan sa kanya kaya napatingala siya sa akin at tila nagulat sa aking ginawa. Itinukod ko ang aking dalawang kamay sa dingding para ikulong siya. Samyo na samyo kong ang kanyang pabango ng mga oras na iyon.
ANAK KO YUN! AT WALA KA NA DOON? NAGKAINTINDIHAN BA TAYO? Galit na galit na ako at alam kong ano mang oras ay bubugbugin ko na siya.
Papa, nag aaway ba kayo? Nagulat ako sa kung saan ay sumulpot si Lance akay ni Ms. Annie at mangiyak ngiyak na. Para akong binuhusan ng malamig na tubig ng mga oras na iyon.
No kid. Bahagya akong itinulak  ni Red tsaka pilit na ngumiti. Gadugsing lang kmi ni papa mo. dugay na kami sina kilalahay. Taga _____________ man ako. We are friends. Actually, close friends. Nagulat ako sa tinuran ng lalaki. FRIENDS? Hindi pa ito nakuntento at inakbayan ako sabay hapit ng aking katawan palapit sa kanya. Bigla akong nalito sa aking naramdaman.
Papa, uwi na po tayo. Si Lance ulit at tila hindi na komportable ang bata. Parang natrauma na yata sa talak ni Mrs. Mendez at sa naabutang eksena ngayon samantala si Ms. Annie ay naguguluhan na din sa nasaksihan.
Y--Yeah.. Let’s go son. Nauutal kong sagot at bahagya kong itinulak ang binatang nakaakbay sa akin. Hinawakan ko ang kamay ng paslit. Ramdam kong pareho kaming nanlalamig ng aking anak. Wala akong kibo hanggang sa makarating kami sa loob ng sasakyan. Maraming gumugulo sa aking isip. Samo’t saring emosyon na tila lalong nagpapasakit sa aking ulo.
Magmamaniobra na ako ng manibela ng napatingin ako dahil nagsalita ng mahina si Lance. Papa, naiwan ko po ang aking bag… babalikan ko po muna.
No. maagap kong tugon. Ako na Lance. Wala akong magawa kundi bumalik sa loob. You stay here, wag kang lalabas ng sasakyan. Maawtoridad kong bilin at tumango ito.
Mabilis pa sa alas kwarto ang aking mga paa na naglakad. Naabutan ko na nag liligpit ng mga gamit si Ms. Annie. Nagtaka ito ng Makita ako.
Good afternoon Ms. Annie, kukunin ko lang sana ang bag ni Lance. Magalang kong bati dito. Alam kong maraming katanungan ang nasa isisp nito ukol sa amin ng kanyang boss at wala akong balak na i-discuss iyon kanino man.
Uhm, Mister, kinuha ni Sir Red. Itatabi nya raw sa office nya. Sagot nito.
Shit! Napamura ako sa isip ko. Ano ba ang plano ng lalaking yun? Kung ano man yun, hindi ko ito uurungan. Kesehadong magpang abot pa kami sa lahat ng korte, hindi ko ibibigay ang anak ko. Hindi ito kailangang malaman ni Xhy. Malaking gulo ito pagnagkataon. Lumabas ako ng Guidance office na umuusok sa galit. Taalagang sinusukat ako ng Redentor na yun.
Walang sabi sabi kong binuksan ang pinto ng kanyang opisina para harapin ito.
What do you think you’re –ngunit ako ang nagulat sa aking nasaksihan.
“….palibhasa parehas kayong mga bakla!” Muling umalingawngaw sa aking t’enga ang tila boses ni Mrs. Mendez dahil sa bumulaga na eksena sa aking harapan ngayon.
Lenoxx? Gulat na sambit ng isang lalaking pilit kong iwinaksi sa aking isipan at kaluluwa. (read part 1 if you got confused mga pare. May issues.)
Hindi ako makapaniwala sa rebelasyong pilit na naghuhumiyaw sa akin, nangatal ang aking mga labi, sumikip ang aking dibdib at tila nanghihina ang aking mga kalamnan.
Si Redentor, nakaupo habang nakayakap sa beywang ng isang lalaki habang tila inaalo ito ng huli, si Russell –ang una at huling lalaki sa buhay ko. Ang lalaking nagdulot ng saya at pait sa aking bagong mundong ako lang din ang nakakaalam.

(Author’s Note: I know masasaktan ako (tulad ng kung paano nya ako sinaktan) kapag hindi ninyo magugustuhan ang part two but I have to be true to myself. Saka na ang part III, kapag okay sa inyo ang part II. Hahaaha)

Itutuloy.

No comments:

Post a Comment

Read More Like This