By: Tim
Ako nga pala si Allen Timothy. Tim nalang. I'm 27 at currently employed as program director ng isang 8 hour evening program sa isang radio station dito sa Aklan.
Ang ico-conclude kong story ngayon ay nangyari 2 weeks ago during the quarantine period ng COVID 19.
Nang magbaba ng Executive Order ang Gobernador ng probinsiya na nagpapasailalim sa buong probinsiya sa total lockdown, agad ding nagpatawag ng emergency meeting ang station manager namin para sa magiging coverage ng estasyon namin sa buong duration ng quarantine period. Inabisuhan kami ni SM na kung maaari ay manatili sa station sapagkat kakailanganin ng buong team para sa magaganap na special coverage.
Dalawang bayan mula sa Kalibo ang tinitirhan ko kaya mabuti nalang at may inuupahan akong maliit na apartment malapit sa station at hindi ko na kailangang sa estasyon magstay at doon mamalagi katulad ng ibang mga co-employee ko. Nagpaalam na din ako sa mga magulang ko na sa Kalibo ko na gugugulin ang quarantine period at nagpaalala na din sa kanila na iwasan na munang maglabas-labas. Besides tatlo na ang positibo sa virus sa buong probinsiya at nakakabahala na.
"Timothy, apat ang magiging team natin. Kayo ni Andrew, Scarlet at Bob ang magiging team leaders. Provincial Hospital, Police Station, Checkpoints at dito sa Station ang magiging assignments niyo. Ikaw na ang maunang pumili ng gusto mong designation." Si station manager.
"SM, parang gusto kong ma-challenge ngayon. I'll take the hospital designation. Besides maraming balita doon. Nakakabagot din maghintay ng balita sa police station lalo na ngayon na naka-quarantine ang mga tao." Sagot ko.