Pages

Saturday, April 18, 2020

Lovers and Friends (Part 7)

By: Nickolai214

Nathaniel's POV

Nakarating ako sa bahay nang masama ang loob ko kay Mark. Napatitig pa ako sa litrato namin na nasa side table.

Kapag galit, dapat galit lang. Walang tauban ng litrato.

Napangiti ako ng mapait saka na ako humiga sa kama.

Halos ilang araw din kaming hindi nag-usap ni Mark. Sa school ay nakikita ko siya na palaging nakatingin sa akin pero hindi ko siya pinapansin.

Hindi ko na rin masyadong kinakausap pa si Trevor dahil sa ginawa niya sa akin sa play.

Madalas ay kay Kath na lang ako sumasama pero palagi na lang ay nakadikit si Errol.

Kasalukuyan kaming nakatambay sa pinakamalapit na kainan sa school nang lapitan kami nina Joey at Mark.

Inilapag ni Mark ang dala niyang tray sa may harapan ko dahilan upang mapaangat ako ng tingin sa kanya.

Nagtama ang mga mata namin. Isang tipid at alangan pang ngiti ang iginawad niya sa akin.

"Pwede ba akong makiupo?" tanong niya.

Hindi ako kaagad nakasagot at nanatili lamang ako na nakatingin sa kanya.

"Mag-usap na kasi kayo. Para kayong mga tanga. Sa tagal ng pagkakaibigan ninyo hindi makakatulong ang pride na yan." sabi ni Kath.

Sumulyap ako sa mga kaibigan ko. Nagthumbs up pa sina Joey at Errol sa akin.

"Nakalapag na ang tray mo diba? Bakit hindi ka pa umupo." baling ko kay Mark.

Ngumiti sa akin si Mark saka na siya naupo sa harapan ko. "Thank you Nat!" sabi niya.

Tumango lang ako bilang sagot.

"Ibig bang sabihin nito bati na tayo?" kumpirma niya.

"No more lies?" tanong ko sa kanya.

"Hindi na mauulit." nakangiting sabi niya saka niya inangat ang kamay niya sa mesa.

"Friends na ulit tayo?" sabi niya habang nakalahad ang kamay niya.

"Tanggapin mo na wag ka nang pakipot diyan." susog ni Joey sa akin.

Mabilis ko namang tinanggap ang kamay ni Mark saka ko nakangiting sinabi sa kanya ang salitang friends.

"Yun!" hiyawan ng mga kaibigan namin saka sila parang mga baliw na nagsasaya. Nakaagaw tuloy kami ng atensyon ng ibang kumakain.

"Pasensya na po kayo. Masyado lang po kaming natuwa." sabi ng baliw na si Joey sa mga tao saka na kami nagpatuloy sa pagkain.

"Basta sa sabado walang mawawala sa inyo ah." sabi ni Errol habang kumakain kami.

"Anong meron?" tanong ni Mark.

"Siraulo!" natatawang sagot ni Errol saka niya binatukan si Mark.

Natawa na lang kami. Kabisado naman kasi ni Mark ang birthday naming lahat kaya imposible na makalimutan niya ang birthday ni Errol.

Naaalala ko tuloy kapag birthday ko. Laging nauuna sa pagbati sa akin si Mark. Madalas pa nga ay doon na siya natutulog sa amin para lang mabati niya ako ng saktong 12mn.

Naging maayos naman ang mga sumunod na araw namin. Madalas na naman akong kinukulit ni Mark at palagi na lang ay nasa bahay siya.

Matinding kaba pa nga ang naramdaman ko nang isang umaga ay makita ko siya na hawak ang kahon na pinaglalagyan ko ng mga sulat ko sa kanya.

Kapag kasi hindi ko mailabas ang mga nararamdaman ko ay sa sulat ko idinadaan. Inilagay ko iyon sa pinakailalim na bahagi ng drawer ko at nagtataka ako kung paano niya nakuha iyon.

Pagkakita ko sa kanya ay mabilis kong inagaw ang kahon saka ko siya pinalabas ng silid ko.

Seryoso naman siya na lumabas. Nilock ko kaagad ang pinto saka ako naghanap ng ibang lugar na mapagtataguan.

Mukhang hindi naman niya nabasa ang mga sulat ko doon dahil kinabukasan ay parang normal lang ang mga kilos niya. Pero hindi na siya masyadong makulit kagaya ng dati.

Sumapit nga ang sabado at masaya kaming bumiyahe patungo sa Casiguran Beach sa bayan ng Rosales. Dalawang oras na biyahe mula sa Carmen.

Hiniram ni Errol ang sasakyan ng Papa niya kaya iyon ang ginamit namin patungo doon. Overnight ang plano nila na party.

May bonfire daw sa gabi. Magkakasiyahan at iinom kami ng beer habang ineenjoy ang paligid.

Hapon na kami nakarating doon at sinulit namin ang oras sa pagligo sa dagat.

Nang lumubog na ang araw ay umahon na kami saka kami sabay-sabay na nagdinner.

Matapos ang masayang hapunan ay nagpabaga na sila ng apoy sa may buhanginan.

Kanina ko pa napapansin si Mark na medyo tahimik pero kapag napapansin siya ng mga kaibigan namin ay nakikipagbiruan naman siya.

Tinanong ko naman siya kung ayos lang ba siya. Sinabi naman niya na okay lang siya kaya hinayaan ko na.

Habang nagkakantahan ang mga kasamahan namin ay nakita ko siya na tumayo bitbit ang isang bote ng beer.

Nagtungo siya malapit sa dagat kung saan nakatayo ang volleball net na hindi man lang namin nagamit dahil busy ang lahat sa pagligo kanina.

Dahil maliwanag ang ilaw na nanggagaling sa mataas na poste ay kitang-kita ko si Mark mula sa kinauupuan ko.

Hinayaan ko na lang siya. Mas mabuti na siguro na tahimik siya kaysa maibunton niya sa amin ang frustrations niya. Ngunit kahit papano ay hindi ko maiwasan na mag-alala sa kanya.

Naunang pumasok sa private room si Mark. Makalipas lang ang isang oras ay nagpaalam na rin ako sa mga kasamahan ko na susunod na ako sa loob.

Nakahiga sa dulong kama si Mark nang mapasukan ko siya sa silid. Mahimbing ang tulog niya at nakaawang pa ng bahagya ang mga labi niya na para bang napakasarap halikan.

Huminga ako ng malalim saka ako marahang umupo sa tabi niya. Pinagmasdan ko ang gwapong mukha niya na mahimbing na natutulog.

"Kahit hindi ka magsabi ay alam ko na may bumabagabag sa loob mo. Hindi ko gustong manghimasok pero lagi lang akong nasa tabi mo." mahinang bulong ko saka ko inayos ang pagkakakumot niya.

Ilang sandali pa ay muli ko siyang pinagmasdan. Halos ilang sandali akong nakatitig sa mapupulang labi niya saka ko siya panagmamasdan.

"Magalit ka kaya sa akin kapag nabasa mo ang mga nilalaman ng mga sulat ko sayo?" muli ay bulong ko.

Hindi siya nagkaroon ng reaksyon. Malamang ay mahimbing nga talaga ang pagkakatulog niya. Nakarami rin siya ng nainom na beer kanina.

Ilang sandali ko pa siyang tinitigan hanggang sa may pumasok na kalokohan sa maruming isipan ko.

Hindi mo naman siguro malalaman kung hahalikan kita ngayon. Gusto ko lang maranasan na mahalikan ng mga labi mo. Promise, minsan lang to. bulong ko sa isip ko.

Kinakabahan man ay nilakasan ko na ang loob ko. Gusto ko talagang maramdaman kung ano ba ang feeling na mahalikan ang mga labi ni Mark.

Dahan-dahan akong yumuko habang bumibilis ang kabog ng dibdib ko. Nang tuluyan na akong makalapit sa mukha niya ay marahan kong ipinikit ang mga mata ko kasunod ng paglapat ng mga labi ko sa nakaawang na mga labi niya.

Nang lumapat ang mga labi ko ay bahagya ko iyong iginalaw upang kahit papano ay maramdaman ko ang tuluyang pag-iisa ng mga labi namin.

Kahit sa nakaw na halik lang ay maramdaman ko na akin siya kahit ngayon lang.

Dahil sa pagpikit ko ng mga mata ko ay hindi ko nakita ang bahagyang magdilat ng mga mata niya habang magkahinang ang mga labi namin.

Kakaibang pakiramdam ang bumundol sa dibdib ko dahil sa kapangahasan ko.

Pinaghalong saya, kaba, lungkot at excitement. Lungkot dahil hanggang sa patago na lang ang pagmamahal ko sa kanya.

Nang marealize ko na hindi tama ang kalokohan na ginawa ko ay napapikit ako at sa naguguluhang isip ay tumayo na ako mula sa pagkakaupo ko sa kama.

Sakto naman ang pagpasok ng tatlo sa silid. Lasing si Joey kaya akay na lang siya ng dalawa hanggang sa madala nila sa kama.

Dahil sa guilt na nararamdaman ko ay hindi na ako nagtangka pang lingunin si Mark kahit na magkatabi kami sa kama.

Madaling araw na nang magising ako na nakayakap ng mahigpit sa akin si Mark habang mahimbing pa rin siyang natutulog.

Natulala ako at ilang sandali akong nag-isip kung ano ang gagawin ko. Sa isang sulok ng utak ko ay gusto ko na nakayakap siya sa akin pero kinokonsensya ako ng matinong bahagi ng kaisipan ko.

Marahan akong gumalaw upang alisin sana ang pagkakayakap niya ngunit umungol siya saka niya mas hinigpitan ang pagkakayakap niya sa akin.

"Bakit mo ba kinakalas? Gusto lang naman kitang yakapin. Naaaattt!" bulong niya sa unconcious na tinig.

Hinayaan ko na lang siya hanggang sa muli akong makatulog ng mahigpit kasabay ng tuwa dahil yakap ako ng mahigpit ni Mark sa pagtulog.

Nagising kami na parang walang nangyari. Pinapakiramdaman ko si Mark kung naaalala ba niya ang mga nangyari kagabi ngunit parang wala naman siyang alam.

Kapansin-pansin din na maganda ang gising niya ngunit hindi ko na siya inusisa kung ano ang dahilan ng pagbabago ng mood niya.

Napansin din siya nina Joey dahil kagabi lang ay medyo tahimik siya at tila napakalalim ng iniisip.

Binully tuloy siya nina Errol pero binalikan niya kaagad si Joey.

"Gago! Hindi ako lasing kagabi. Di tulad ng kinukwento sakin nitong tatlo. Suka ka raw ng suka. Nakakahiya ka." ganting asar niya kay Joey na ikinasimangot ng isa.

Katulad ng napag-usapan ay bumiyahe na kami pabalik ng Carmen matapos namin makapag-almusal.

Si Errol pa rin ang nagdadrive. Katabi niya si Kath na nakaupo sa front seat. Kami naman nina Mark at Joey ang nasa likod.

Nasa kalagitnaan na kami ng biyahe nang bigla na lamang iniunan ni Mark ang ulo niya sa balikat ko saka siya nakapikit.

Nagtaka naman ako dahil ang haba na nga ng tulog niya kagabi pero parang puyat pa rin siya?

"Hoy! Tingin kayo dito sa likod." biglang sigaw ni Joey sa dalawa.

Kaagad namang sumulyap sa amin ang dalawa saka sila sabay-sabay na nang-asar.

"Ayiiiieee!" hiyawan nila ngunit parang wala lang kay Mark. Teka nakatulog ba talaga siya? Seryoso?

"Sana totohanan na lang." banat ni Kath.

"Mga baliw kayo!" sigaw ko saka ko malakas na naitulak si Mark. Nauntog tuloy siya sa salamin ng kotse at tinawanan pa ng tatlong kolokoy.

"Aww!" sigaw niya saka niya hinawakan ang noo niya.

"Sorry!" sabi ko.

Nakasimangot siya na hinimas ang nauntog niyang noo saka na siya bumaling sa labas ng bintana.

"Ang sweet niyo." pang-aasar pa ni Joey. "Yieeee kinikilig ako." sabi pa niya saka siya umakto na para bang nasasapian.

"Tarantado!" sabi sa kanya ni Mark saka siya kinutusan nito.

Naunang inihatid ni Errol si Joey dahil nauna naming dinaanan ang bahay nila. Sumunod naman ako pero nagulat pa kami nang bigla na lang bumaba rin si Mark.

"Dito na rin ako." paalam niya sa dalawa. "Salamat!" malambing na sabi niya bago pinaandar ni Errol ang sasakyan.

Kinawayan pa ako ni Kath habang papalayo sila. Nagmano naman kaagad si Mark kina Lola pagkapasok namin at nagpaalam siya na makikitambay muna.

"Baliw ka ba? Magpapahinga pa ako." reklamo ko sa kanya. "Umuwi ka na kaya." dugtong ko pa.

"Edi sabay na tayong magpahinga. Mas gusto ko dito eh. May aircon." nakangiting sabi pa niya saka niya tinaas baba ang mga kilay niya.

Nakasimangot ako na pumasok sa kwarto ko. Nakasunod naman kaagad sa akin si Mark. Napalingon pa ako sa kanya nang bigla kong marinig ang paglock ng pinto.

Nagkatinginan kami ni Mark dahil sa akin na rin siya nakatitig paglingon ko sa kanya.

May kakaiba akong nakikita sa mga mata niya habang seryoso niyang sinasalubong ang mga titig ko.

"Hindi ako nakatulog kagabi dahil sa halik mo Nat!" seryosong sabi niya na kababakasan ng galit ang tinig niya.

Nanlaki ang mga mata ko kasabay ng pagtahip ng kaba sa dibdib ko.

"G-gising ka?" kinakabahang tanong ko.

Ngumiti ng mapakla si Mark.

"Kung mahal mo talaga ako bakit ka pumayag na magpahalik sa tarantadong Trevor na iyon?" aniya sa tonong nag-aakusa.

Bumuka ang mga labi ko upang magsalita sana ngunit wala akong maapuhap na sasabihin.

Naguguluhan ang isip ko dahil sa mga sinasabi ni Mark. Kung ganun nasa play din siya nung halikan ako ni Trevor? Pero bakit hindi ko siya nakita?

Lumikot ang mga mata ko.

"Oo, Nat! Nanood ako sa stage play ninyo. Nakita ko kung paano ka pinagsamantalahan ng gago na yun." aniya na may bahid ng galit sa tinig niya.

Nagsimula na siyang humakbang palapit sa akin. Humakbang naman ako paatras.

"Natikman mo na rin lang ang mga labi ko kagabi. Ngayon sabihin mo sa akin. Kaninong labi ang mas masarap?" seryosong tanong niya habang patuloy siya sa paghakbang.

Napahinto naman ako sa pag-atras nang maramdaman ko na ang kama sa likod ng mga paa ko.

Ngumiti ng mapakla si Mark saka siya huminto ilang hakbang mula sa kinatatayuan ko.

"Hindi pa nga pala kita hinahalikan." sabi niya.

Pagkasabi niya sa mga katagang iyon ay mabilis niyang tinahak ang ilang hakbang na pagitan namin at may pagsuyo niyang inangkin ang mga labi ko na labis kong ikinagulat.

Marahas at puno ng pagnanasa ngunit may halong lambing at nararamdaman ko na ingat na ingat siya sa bawat galaw ng mga labi niya.

Ilang sandali pa ay nagpakawala ako ng impit na ungol pero sinamantala iyon ni Mark at malayang nakapasok sa bibig ko ang napakainit na dila niya.

Napapikit na lamang ako dahil sa libu-libong sensayson na ipinaparanas niya sa akin.

Nanghina ang mga tuhod ko kaya napaupo ako sa kama. Ngunit hindi iyon naging hadlang upang maghiwalay ang mga labi namin.

Kasabay ng pagbagsak ko sa kama ay ang pagbagsak din ng katawan ni Mark sa ibabaw ko.

No comments:

Post a Comment

Read More Like This