Pages

Wednesday, April 29, 2020

SM Southmall (Part 2)

By: Carl

Naghalong kaba, inis, at tuwa ang aking naramdaman noong malaman kong kanina pa siyang naghihintay sa baba. Ngunit tila ako'y naguguluhan kung bakit ganito ang nararamdaman ko. Binuksan ko ang aking aparador upang kumuha ng bagong damit at sandaling naupo sa aking kama.

Napakaraming katanungan ang bumabagabag sa aking isipan sa mga oras na iyon. Ngunit, Hindi ako ppwedeng magpadala sa aking nararamdaman bagkus masinsinan kong tinanong ang aking sarili upang maliwanagan. Sa pagkakataong iyon, alam kong kaibigan ko lang si Lerwick; isang matalik na kaibigan. At nakatitiyak akong ganon rin ang turi niya saakin, ayokong lumagpas sa linya dahil alam ko na kapag nangyare yon, hindi ko kakayanin. At may posibilidad na masira ang pinagsamahan namin.

"Ano nak? Hindi ka pa ba lalabas?" Tanong ni papa. Nagising ako sa pagkakatulala. Hinihintay niya pala ako.  Mabilis kong sinuot ang jersey na kanina ko pa hawak-hawak. Pag bukas ko ng pintuan, bumungad sa akin si Papa at bakas sa kanyang mukha na para bang siya'y may nais na itanong saakin.

"M-Mmay problema ba tayo diyan? Ikwento mo naman nak. Ano ba yan? Dahil sa Lovelife?" *Sabay ngisi*

"Wala po Pa, napagod lang po siguro ako sa lakad ko kanina." Inakbayan ako ni Papa at pinaunang makababa sa hagdan. Habang pababa sa hagdan agad kong natanaw si Lerwick na maayos na nakaupo sa aming sofa at para bang isang maamong bisita. Biglang nagkasalubong ang aming mga mata, at sa mga sandaling iyon parang nais niya akong lapitan.

"Oh, Cacarl. Bilisan mo't pumarito ka na. Kanina ka pa hinihintay niyan ni Iwi." Utos ni lola habang isa isang nilalagay ang mga plato sa lamesa. Dumiretso ako sa lababo upang mag hugas ng kamay, nagulat ako ng biglang may bumulong saakin.

"Alam kong galit ka. Sorry sa nagawa ko kanina." Pagmamakaawa ni Lerwick.

Agad kong binanlawan ang aking mga kamay na puno ng sabon at nagmadaling pumunta sa lamesa. Sobrang daming pagkain, at kinatuwa ko iyon dahil halos lahat ng putahe ay paborito ko. Adobong Pusit, Buttered Shrimp, Sinigang na Baboy. "Ayos ba nak? By the way, tikman mo muna yung sinigang ha. Feeling ko kase napasobra sa asim yan." Saad ni Papa sabay napakamot sa ulo.

"Ang dami nito tito ah, pwede ba akong mag-uwi?" Sarcastic na tanong ni Lerwick sabay upo sa tabi ko. "Aba, bakit hindi? Mamaya sasabihan ko sila Jenny para malagyan ka sa tupperware."

Hindi na lamang ako kumibo at sinimulan nang sumandok ng kanin, habang naglalagay ako ng ulam sa aking plato marahan akong kinalabit ni Lerwick rason upang tignan ko siya. "Lagyan mo din ako niyan, wag mo damihan yung sabaw ah." Utos niya at sinabayan niya pa iyon ng isang nakakaasar na ngiti.  Inilapag ko ang ulam sa lamesa at umasta na para bang wala akong narinig. Alam kong saakin nakabaling ang atensiyon ni Lola at ni Papa,

"*clear throat* Loko talaga itong si Cacarl, Akin na plato mo Iwi." Sabat ni Papa.

Hindi ko na lamang sila pinansin at nagpatuloy ako sa pagkain. Ilang minuto ang nakalipas, tila nagulat ako dahil nilagyan ni Lerwick ng tubig ang baso ko. "Baka kase mabilaukan ka. Advance ako mag-isip." Saad niya sabay kindat.

Medyo naiilang na ako sa inaasta niya, hindi ko siya mabatukan dahil nasa harap kami ng hapagkainan. Kasabay ng pagkailang ang mabilis na pagtibok ng puso ko na para bang naghahabol ako ng hininga. Para makaiwas, muli kong inisip lahat ng nangyare kanina at binilisan ang pagkain. Matapos kong kumain, sandali kong isinandal ang aking likod sa upuan, akmang pinipilit ang sariling dumighay.

"Tito okay lang bang mag inuman kami ni Cacarl ngayon? May problema kase ako. Dito na rin po sana ako makikitulog."

Agad akong napadighay sa pagkabigla. Wait? Seryoso ba siya? Parang sinasadya niya talagang asarin ako. Alam niya kaseng ito ang weakness ko, alam niyang ito ang tanging rason para pansinin ko siya. "Pagod ako. At wala ako sa wisyo mag-inom ngayon." Sabat ko sabay tayo at dumiretso sa aking silid.

Tila natahimik sila ng ilang segundo. Tanging boses lamang ng nagbabalita sa t.v ang nangingibabaw sa mga oras na yon. Pagkarating ko sa aking silid, hindi ako nag dalawang isip na tumalon papunta sa aking higaan. At habang nakadapa lumingon ako paharap sa aking bintana at tinignan ang mga nagkikislapang bituin sa kalangitan. Humahampas sa balat ko ang malamig na simoy ng hangin na nanggagaling sa aking bukas na bintana. Nais kong umiyak dahil hindi ko na lubos maintindihan ang nadaraman ko sa mga sandaling iyon. Ngunit wala ako sa wisyo para umiyak at mag mukmok kaya't sinipat ko na lamang ang aking alarm clock na nakapatong sa bed-side table ko. Alas otso na pala. Ilang sandali pa'y bumangon ako sa pagkakahiga at kinuha ang aking telescope na naka tago sa ilalim ng kama ko.

"Sakto mag sstar-gazing nalang ako." Bulong ko sa sarili ko.

Nilisan ko ang aking  silid at mabilis na umakyat sa aming Rooftop. Tatlong palapag lang ang aming bahay, ngunit dahil pinangarap ko noon maging astronaut, pinagawan ni erpat ng roof deck ang bahay namin. Dito ako madalas tumatambay lalo na kapag nakakaramdam ako ng kalungkutan. Sobrang nakakarelax kase. Tanging ang view dito sa roof deck namin ang nagsisilbing stress reliever ko, tanaw mo kase rito ang mga naglalakihang Building sa Alabang at sa Metro Manila. Tanging si Lerwick pa lamang ang kaibigan kong napaakyat ko dito dahil noon pa man ay parehas na kaming may hilig sa ganitong mga bagay-bagay. Habang busy ako sa pagsisipat ng mga tala mula sa aking telescope nagulat ako dahil may nagbukas ng pinto sa thirdfloor. Si Lerwick.

"Mas masarap mag stargaze kapag may amatz." Saad niya habang papaakyat sa roof deck bitbit ang bote ng alfonso at 1.5 litre ng coke. 

Nagfocus ulit ako sa ginagawa ko "Bakit hindi ka pa nauwi?" Tanong ko habang patuloy na sinisipat ang mga tala. "Dito ako matutulog. And wether you like it or not, magiinom tayo!" Sagot niya. Habang nakangisi sabay lapag ng mga bote sa sahig. Pinipilit kong magfocus sa aking ginagawa, hangga't maaari, iniiwasan kong tumingin sa kanya at pinipilit kong magpanggap na kunware ay wala akong oras makipag-usap sa kanya. Binuksan niya ang alak sabay tinagay ang unang baso ng walang chaser.

"Arghhh!! Grabe yung espiritu! Ilang buwan din akong hindi nakatikim nito tangina." Saad niya.

Patuloy parin akong naka-focus sa ginagawa ko. Pero palihim ko siyang inoobserbahan sa Peripheral Vision ko. Maya-maya'y muli niyang nilagayan ng alak ang baso at tinagay ulit ito sa pangalawang pagkakataon. At dahil don masyado na akong naweirduhan sa ginagawa niya kaya naglakas loob na akong mag-salita.

"Uhaw na uhaw ka ah?" Tanong ko in a sarcastic way.

"Mabuti naman. Akala ko hindi mo na ako kakausapin buong gabi eh." Sagot niya sabay ngiti.

"Tagayan mo nga ako" Utos ko

Natuwa ako sa inasta niya. Dahil para nanaman siyang batang binigyan ng kendi, at abot teynga ang kanyang ngiti. Napasarap ang aming pagk-kwentuhan, tamang tawanan, tamang reminisced sa mga katangahang ginawa namin noong Junior High. Hindi namin namalayang naka-kalahati na rin pala kami, kaya pala medyo namamanhid na din ang mga daliri ko. Masasabi ko ring may tama na tong isang to, dahil kung ano-ano na ang mga pinagsasabi at lumalabas sa bibig. Tanging liwanag lang ng buwan ang nagsisilbing ilaw ng roof deck sa mga oras na yon, ngunit tanaw na tanaw ko parin ang maamo niyang mukha, ang singkit niyang mga mata, ang mapuputi niyang ngipin, at ang matatamis niyang ngiti.

'When I look into your eyes

It's like watching the night sky

Or a beautiful sunrise

So much they hold

And just like them old stars

I see that you've come so far

To be right where you are

How old is your soul?

I won't give up on us

Even if the skies get rough

I'm giving you all my love

I'm still looking up'

Sa mga sandaling iyon, habang pinagmamasdan ko siya, bigla akong nakaramdam ng lungkot. Sana ganito nalang kami parati, sana ganito nalang siya saakin parati. Parang ayoko nang matapos ang gabing iyon, gustong-gusto kong huminto ang oras, dahil pakiramdam ko sa mga sandaling iyon ako ang panalo.

"Sorry sa nangyare kanina. Alam kong galit ka saakin Cacarl. Sorry kung pinaghintay kita, pakiramdam ko tuloy wala akong kwenta. I'm sorry" Pautal-utal niyang pagsusumamo habang nakaupo at nakatingala sa langit.

Para akong nabunutan ng tinik sa dibdib, dahil sa mga sinabi niya. Dahil nakuha ko na lahat ng sagot sa katanungan ko kanina. Lumalamig na ang simoy ng hangin kaya naman sinadya kong tignan ang oras, Ala una na pala ng umaga. Ang bilis talaga ng oras kapag kasama mo ang taong mahalaga sayo. Medyo nahihirapan na ako dahil sobra na din akong nilalamig. Dahil tanging Jersey at boxer lamang ang suot ko. Hindi ko din alam bakit nakalimutan kong mag dala ng jacket kanina. Habang nilalabanan ko ang lamig nagulat ako ng biglang hubarin ni Lerwick ang kanyang sweater, ibinalot niya iyon saakin.

"Loko okay lang ako. Kaya ko ang lamig sanay na ako dito." Pagpapaliwanag ko habang nakangiting nakatingin sa kaniya

"Suotin mo na yaann, huwag nang makulit" Sabat niya habang nakakunot ang kilay

Hindi na ako nag dalawang isip at tuluyang sinuot iyon. Amoy na amoy ko ang pabango niya, pakiramdam ko tuloy yakap-yakap ko si Iwi ngayon. Habang pinagmamasdan ko ang mga citylights na tanaw sa roof deck namin nabigla ako sa sinabi niya. "Cacarl, simula bukas lalayuan ko na si Vien. Feeling ko kase hindi ko pa naman talaga kailangan ng Girlfriend. Infatuated lang siguro ako. At isa pa, nandiyan naman kayo eh, lalo ka na." Saad niya sabay tingin saakin. Agad kong tinagayan ang sarili ko pinuno ko ang isang baso at agad ko itong ininom, napapaisip ako sa mga nangyayare.

"Papaanong infatuated? Alam mo, yan ka nanaman eh! Bagay kaya kayo!" Sagot ko sa kanya sabay balik sulyap sa mga citylights. Parehas kaming natahimik sandali, at tanging busina lang ng mga kotse at tahol ng mga aso ang naririnig namin. Bigla siyang umayos ng pagkakaupo at nakaharap na siya saakin.

"Bakit parang ayaw mo na akong kasama? Gusto mo na ba talaga akong magka-Girlfriend?" Tanong niya. Parang interasadong-interesado siyang malaman kung ano ang isasagot ko. Huminga ako ng malalim at tuluyan na din akong humarap sa kanya.

"Hindi naman sa ganon Iwi. Ang sakin lang, wala namang kaso kung maging kayo eh, diba? Kung kayo, edi maganda. Ayaw mo nun? Hindi ka na mag-iisa. May susuporta na sayo sa lahat ng laro natin, sa lahat ng gusto mong gawin." Sagot ko sa kanya. "Isa pa, sobrang komportable niyo nga sa isa't-isa kanina eh. Alam mo feeling ko nga siya na talaga eh! Yieeee" Pang aalaska ko pa. Nagulat ako sa naging reaksyon niya, para bang hindi siya masaya sa mga binitawan kong salita.

"Oh? May mali ba? Anong nangyare bat parang di ka masaya?." 

Tumingin siya saken at agad na tumayo, "Basta ayoko na, hindi ko na itutuloy panliligaw ko kay Vien." Sabat niya. Gusto kong tumawa ng malakas. Hindi ko rin alam kong bakit. Pero sobrang saya ko noong gabing iyon, tumayo din ako at nag-inat.

"Bahala ka, basta ako susuportahan kita sa kung saan ka magiging masaya. Baba na tayo ang sakit na ng ulo ko."

Akmang hahakbang siya, nagulat ako dahil bigla niya nalang kinapitan ang braso ko para hindi siya matumba, ngunit dahil na din sa kalasingan ko. hindi ko nakontrol ang katawan ko at parehas kaming natumba sa sahig.

*tug-dug.. tug-dug.. tug-dug..*

Sa mga sandaling iyon, para akong binuhusan ng malamig na tubig, hindi ko maigalaw ang katawan ko. Nakalapat ang pisngi ko sa tiyan niya. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko, at ramdam kong naghahabol din siya ng hininga.

"Tangina ang sakit! Gago ka talaga Lerwick!" Pag-angal ko.

Pinilit kong bumangon para maalis ang pagkailang ngunit dahil sobrang lambot na talaga ng braso ko muling sumubsob ang muka ko sa tiyan niya. Tuluyan na ngang naparalisa ang aking katawan. Halos nahihirapan na akong huminga dahil sa bilis ng tibok ng puso ko. Nagulat ako nang bigla niyang ipatong ang kanyang kamay sa aking ulo, kasabay ng paghimas niya sa buhok ko. 

"Wag ka na munang tumayo. Ilang saglit pa please" Pagsusumamo niya habang nakatingin sa kalangitan

No comments:

Post a Comment

Read More Like This