Pages

Wednesday, April 22, 2020

Samurai X

By: Kenshin

Hi po mga ka-KM.. I'm back.. :)) si Kenshin nga po pala ito, marahil yung iba kilala po ako dahil nabasa na nila yung true to life stories ko na "Co Founder", "Clan Pageant", "May the Best Man Win", at "Ma at Pa" kasi sunod sunod na istorya ng buhay ko lang lahat ang mga iyan parang sequel at marahil nagtaka na din yung iba kung bakit di na siya na sundan kasi nahuli na ako ni Jay Sean na isinusulat ko siya at sabi niya na wag ko na daw ituloy kasi may ibang hindi maniniwala, may ibang magtataka, may ibang huhusgahan ako at may iba naman hindi kami maiintindihan kung bakit naging kami sa isa't isa dahil hindi nila nakikita ang totoong nangyari sa amin at huhusgahan lang ako. kaya itinigil ko na ikwento yung tungkol sa amin ni Jay Sean at may mga nagsabi naman sa comment na parang script writting daw ako magsulat ng kwento ko pero sa isip ko ginawa ko lang naman kaiba sa ibang pagkakasulat ng mga istorya nila rito para hindi kami pare-parehas kaya napagtanto ko na tama si Jay Sean na iba iba talaga tayo ng pananaw sa buhay at asahan na hindi lahat ay magugustuhan ang istorya ng isang tao kaya nagpatuloy nalang sa buhay.

Bakit ako bumalik?
Para siguro isara ang mga bagay bagay na naiwan ko taon na nakalipas sa page na ito. Nakakahiya naman kasi sa owner kasi siya nga nag-effort ipagpatuloy ito kaya gagawin ko na din kaya salamat sa owner ng page na ito at naging parte ka ng buhay ko at hinayaan mong maibahagi ko ang istorya ko sa page. :))

Sa haba ng panahon marami na ang nangyari at nagbago sa akin at kay Jay Sean at sa mga tauhan na nabanggit ko sa mga istorya ng buhay ko.

Hindi na kami ni Jay Sean pero naghiwalay naman kami ng maayos kasi hindi ako naniniwala sa Long Distance Relationship tiyaka feeling ko masakit sa ulo mag-isip ng mga ginagawa niya sa ibang bansa. Nakapagdesisyon kasi ang Daddy ni Jay Sean na dun nalang sila mamalagi sa Australia kaya andun na siya ngayon.
Magkaibigan naman kami ni Jay Sean sa ngayon pero hindi na kami masyadong nag-uusap kasi naging busy na siya magtrabaho, in short, nagkaroon na talaga siya ng sariling buhay niya. Masaya ako dahil ginawa niya ang mga sinabi ko at napagtanto niya na tama ako. Minsan pag-umuuwi ang Mommy niya rito sa Pilipinas ay tinatawagan niya ako para samahan siya magshopping kasi gusto daw niya ang pag-style ko sa kanya kaya siguro kahit wala na kami ng anak niya eh kinakausap pa rin niya ako at itinuturing na anak na din niya, minsan nake-kwento niya sa akin si Jay Sean sa mga ginagawa nila sa Australia kaya nalalaman ko pa rin ang nangyayari sa pamilya nila, wierd diba? pero para sa akin normal lang yun kasi ayun na talaga ang laging ginagawa namin habang nagshopping or kumakain sa restaurant.

Si Ralph naman ay nagtatatrabaho na sa isang IT Company sa BGC. Minsan nagkikita kami at mukhang naging matino na at nanglilibre na. Sabi niya dahil daw sa akin dahil sa mga sinabi ko sa kanya nung nahuli ko siya sa mga kalokohan niya pero hindi ko iniisip na dahil talaga sa akin iyung pagbabago niya marahil dahil iyun sa ginusto na niya ang maayos na buhay kaya naging friends kami sa mga nangyari.
Si Rose, Mia at Shella ay masaya na din dahil may mga asawa't anak na sila. Hindi ko sila nakikita sa personal pero nakakausap ko naman sila dahil sa GC na ginawa namin sa Messenger at pa-minsan minsan na Video Call. Nakakatuwa, kasi yung mga naging asawa nila ay schoolmates lang din namin kaya mga kilala ko mga asawa nila.

Si PJ naman ay ang pumalit kay Jay Sean noon pero hiwalay na din kami ngayon dahil naging lihim ang naging relasyon namin dahil sa parents niya pero naging masaya ako sa kanya dahil likas na mabait talaga siya at mapagmahal at pinagpala sa kalakihan ng burat niya, hahahaha. Siya ang dumamay sa akin nung naghiwalay kami ni Jay Sean kaya siguro nahulog ang loob ko sa kanya pero dahil sa parents niya ay naging lihim ang relasyon namin at katagalan ay ipinakasal siya sa anak ng kaibagan ng tatay niya kaya lumayo na ako at hinayaan na siya. Hindi na kami nakakapag-usap ngayon pero masaya ako dahil mukhang ok naman na siya sa pamilya niya ngayon. Marami din nangyari sa amin at talagang hindi ko makakalimutan ang mga iyun ramdam ko ang pagmamahal niya at laki talaga ng burat niya sa loob ko.

Si Raffy naman ay nagtatrabaho na sa isang BPO company sa Mandaluyong, minsan nalang din kami mag-usap dahil magkabaliktad ang mundo namin dahil ako ay gising sa umaga at tulog naman siya tapos gising naman siya gabi at ako naman ang tulog kaya minsan nalang kami nag-uusap at once in a blue moon nalang kami magkita. Sabi niya may jowa na daw siya ngayon kaso hindi ko naman nakikita sa mga post niya sa FB marahil ayaw niya mapag-usapan or sinabi niya lang yun para di ako mag-alala, bakit ko naisip na ganon? kasi ganon talaga ugali niya ayaw niya na inaalala siya ng ibang tao miski mga kaibigan niya may pagka-loner ang dating pero ayun na talaga siya ngayon.

Ako naman ay single na ngayon, hindi ko muna iniisip magjowa kasi mas gusto ko muna magfocus sa pagtulong sa mama ko at mga kapatid ko. Maraming naman dumating na mga lalaki sa akin lahat sila at naging kaibigan ko at yung iba naging ninong pa ako ng mga anak nila, nakakaloka noh, anak ng ex mo tapos ninong ka, hahahaha, pero ok lang atleast alam ko na may maganda akong natanim sa kanila kaya pinili pa rin nila ako na maging parte ng buhay nila hanggang ngayon. Nagtatrabaho ako ngayon sa SM Markets paikot ikot ako around the Metro Manila at nag-part time ako sa isang Insurance Company sa Ayala, Makati bilang Financial Consultant.

Sa dami ng nangyari sa akin, isa lang ang bagay na na-realized ko na ang buhay natin ay nakalaan para sa mga tao at hindi aksidente na makikilala mo sila dahil may purpose tayo sa bawat isa. Purpose na maintindihan ang mga bagay bagay na dapat mo malaman sa buhay na tatahakin mo pa, Purpose na para makatulong sa kanila at Purpose para ma-realized nila ang bagay na dapat nila malaman, in short, Give and Take dahil kung give ka lang ng give eh wala kang matututunan at kung take ka lang ng take eh wala naman silang matututunan kaya kailangan maging Two Way tayo sa lahat ng bagay upang pare-parehas tayong umunlad at maging pakipakinabang na tao sa mundong ibabaw.

Salamat po sa nagbasa sa mga istorya ko at sana kahit paano ay nagustuhan niyo ito kahit walang kalibugan na nailagay kasi isinara ko muna ang mga nakaraang istorya na naiwan ko. Kung gusto niyo pa naman po ako magkwento ay willing pa naman po ako. Katulad ng sabi ko madaming lalaki akong nakasama kaya madami pa talaga, ayun nga lang kung may interesado pa pero salamat dahil kahit paano ang alam kong may naging interesado din sa mga nangyari sa akin hindi dahil sa libog lang pero dahil din sa may natutunan ang narealized din kayo sa mga pang yayaring naganap sa akin. Ingat po ang lahat at salamat.
Sa susunod na istorya po ulit.. :))

No comments:

Post a Comment

Read More Like This