Pages

Sunday, April 26, 2020

Roommate Romance (Part 15)

By: N.D. List

Ilang minuto din kaming nakatingin sa kawalan ni Mico bago sya nagsalita at basagin katahimikan.

"Anong gagawin natin, kuya?"

Halos hindi ko marinig ang boses ni Mico. Parang wala sya sa sarili. Halos usal lang kung magsalita. Hindi ako sumasagot kaya napilitan syang humarap sa'kin.

"Kuya...?"

Huminga ako ng malalim. Pinigilan kong humikbi. Pumikit ako. Gusto kong sumigaw. Halo-halong guilt, galit at awa sa sarili ang nararamdaman ko. Inisip ko kung bakit nangyayari sa'kin ito. Bakit ko pinabayaang mangyari. Paano aayusin. Putangina, ako nanaman ang mag-iisip. Huminga ulit ako ng malalim. Pinilit kong kumalma.

"Ano ba sa tingin mo? Nangyari na 'to, Mico. Pag-isipan mo ang gusto mo. Ang gagawin natin, nakadepende sa kung ano talaga ang gusto mo!"

"Bakit ba ang kulit mo? Sinabi ko ngang ikaw ang gusto ko. Sinabi ko na ngang ayokong mawala ka sa'kin. Kaya nga ako nakipaghiwalay kay Cams!"

"Magkakaanak ka. Papano kung pinapili ka ni Camille sakin o sa anak nyo? Kung ilalayo nya ang anak mo kung hindi mo'ko hihiwalayan?"

Hindi sya sumagot. Nanikip ang dibdib ko. Pero ang totoo nyan hindi ko din naman alam ang dapat isagot. Hindi ko din alam ang ine-expect kong sagot. O baka hindi lang matanggap ng konsensya ko ang gusto kong sagot.

"Sabi mo mag-isip ako. Nag-isip naman ako. Natatakot ako na iwanan moko. Yun ang naisip ko. Ikaw ang mahal ko."

Inalis ni Mico ang tingin sakin at tumingin sa malayo. Lumunok ng laway.

"Natakot ako. Baka ipagpalit moko kay kuya Josh"

Natigilan ako. Edi umamin din na nagseselos ang gago.

"Bakit, tingin mo ba papatol sa bakla ang kuya mo?"

Tumingin sakin si Mico. Tinatantyang mabuti ng sasabihin.

"Dati sinabi mo sakin minsan may tendency ang mga lalaking maging bading pag nalilibugan sila tapos walang available na babae. Alam kong naghiwalay na sina kuya at yung asawa nya."

Hindi ako kumibo.

"Alam ko ang dahilan kung bakit umalis sina kuya sa Meycauayan. Alam ko ang pinag-aawayan nila ng asawa nya... Si kuya saka si..."

Natigil si Mico. Halatang hindi sya komportable sa kinukwento nya kaya hindi na nya tinuloy.Hindi pa din ako kumibo.

"Nakikita ko nagiging close na kayo ni kuya. Masyado na nga kayong nagbibiruan. Alam ko yung mga biro mo pag comfortable ka na sa isang tao."

"O, e ano naman problema dun?"

"May gusto ka ba kay kuya Joshua?" mahinang tanong ni Mico. Halos bumara sa lalamunan nya pangalan ng kuya nya. May halong takot at sikip ng dibdib ang pag-usal nya.Matagal bago ako nakasagot. Tumingin ako kay Mico. Nakitang kong kumibot-kibot ang magkabilang gilid bibig nya. Naramdaman ko rin ang sikip ng dibdib nya. Lumunok sya ng laway at kumurap. Mabilis nyan pinunasan ang pumatak na luha sa mata nya.

"You were moving on. I had to move on na din. Pinilit kong mag move on from you. Hindi ko naman masyadong kakilala ang kuya mo pero alam kong mabait sya. Halos perpekto nga eh. Anong gusto mo maburo ako at magmukmok habang nagpapasasa ka sa saya?"

Nagsimula ang impit na iyak ni Mico. Tinakpan nya ng isang kamay ang dalawang mata nya. Pinilit nya pero hindi na nya nakayang pigilang kumawala ang kanyang iyak.

Naisip ko na walang mangyayari samin dun kaya tumayo nadin ako at umalis.

Masyado akong pagod para maawa pa sa kanya. Gusto ko lang mahiga at mag-isip. Matulog. Magpahinga.

***

Bagsak agad ako sa kama pagdating ko sa bahay. Mabigat at hinang-hina ang katawan ko. Naaawa ako kay Camille. Gusto ko syang puntahan at kausapin at bigyan ng konsolasyon. Alam kong kailangan nya ng kausap at ako ang una nyang naiisip pag kailangan nya ng kausap. Pero papano ko gagawin yon. Isa ako sa mga problema nya. Hindi ko alam kung gusto nyakong patayin ngayon o kung gusto pa ba nyakong makita.

Nadinig kong bumukas ang pinto na nagpaalala sakin kung bakit nagawa kong saktan ang kaibigan ko. Pumasok si Mico sa buhay ko at napamahal sya sakin. Ganin din ako sa kanya. Magiging selfish ako kung ipipilit ko ang gusto ko na sinasabi nyang gusto din nya... na hindi ko din alam kung totoong gusto nya. O kung patuloy na gugustuhan nya hanggang nabubuhay sya. O ipipilit ko ba sa kanya na gawin nya ang tama? Ano nga ba ang tama? Ni hindi ko na nga alam kung ano ang tama.

Umupo si Mico sa tabi ko. Bumubwelo ng sasabihin.
"Kuya, ano ba ang status nyo ni kuya Joshua?"

Nawalan yata ng peace of mind si gago.

"Tangina, Mico, hindi pa rin ba tayo tapos dyan? I'm too tired to have this conversation."

"E hindi mo naman sinagot yung..."

Hindi nako nakatiis sa inis at sinagot ko na sya bago pa sya matapos sa sasabihin nya.

"Punyeta, Mico. Ayoko muna pag-usapan 'to. Oo, may nangyari samin ng kuya mo! We had sex nung nag-usap kami tungkol dun sa business proposal nya. E ano naman ngayon sayo?"

Nakatagilid si Mico pero bakas sa mukha nya ang sakit ng mga sinabi ko. Umiiyak na naman si gago pero hindi ako nagpatalo. Direcho parin ako sa pagsasalita.

"Masakit ba? Edi ngayon alam mo na ang nararamdaman ko!!!"

Tumingin sya sakin.

"Nung nasa Meycauayan tayo alam kong sinadya mong makita ko kayo na nagsesex ni Camille. Kaya hindi mo sinoli yung bag na kinuha mo, diba? I'm not stupid, Mico. Kabisado ko ang bituka mo. Nagseselos ka na magkatabi kami sa kama ni kuya mo. Ngayon alam mo na yung sakit!!!"

"Kaya nga magsama tayo. Mag-ayos na tayo para hindi tayo parehong masasaktan."

"Mico, pagod na'ko. Wag na muna nating pag-usapan yan. 'Yaan mo muna akong magpahinga, please."

Tahimik na tumayo si Mico at lumabas.

Nakatulog nako sa sobrang pagod.

***

Nagising ako kinaumagahan sa ring ng cellphone ko. Si Carla.

"Hoy, kumusta kang bruha ka? Himala yata at ikaw ang tumawag ngayon?"

Natawa sya. Sinilip ko si Mico. Tulog pa.

"Dati-rati hanggat hindi ako magtext sa'yo at sabihin kong malapit nakong mamatay eh hindi kapa magrereturn call. Parang kang secret agent na may protocol pa ang pag contact!" pang-aasar ko sa kanya.

"Gab, ano kasi e... may kasalanan ako sa'yo eh." seryosong sabi nya.

"Bakit? Anong meron?" naging seryoso din ang boses ko.

"Pumunta kasi dito ang tatay mo. Hindi ko nga alam kung pano nya nahanap 'tong condo ko. Hiningi nya kasi sa'kin ang address mo. Binigay ko eh."

"Carla naman!!! Alam mo namang ayaw ko nang makita ang pagmumukha ng hayop na 'yon. Bakit naman nyako hahanapin. Halos patayin na nga ako nun nung huli kaming magkita."

"Pasensya ka na, Gab. Ayoko sanang ibigay ang address mo kaso... kaso kasama kasi nya si Grey, Gab... kaya naisip ko na baka may emergency."

Saglit akong natahimik.

"Gab, I don't care kung ano man ang problema ng tatay mo but i think it's about time na bumawi ka na sa kapatid mo. Ayaw magbigay ng detalya ni tito Ador pero baka ito na yung chance mo. Kaibigan kita but I'm not buying any of your excuses. Malaki ang kasalanan mo kay Grey. Iniwan mo sya. Mahal na mahal ka nung bata. Feel ko nga baka may trauma yun sa kanya."

Nanunuot sa utak ko lahat ng sinasabi ni Carla.

"Kumusta na si Grey" mahina kong tanong kay Carla.

"Niyakap ko sya nung nakita ko sya. Kahit ako miss na miss ko na din si Grey, Gab. Sinabi ko sa kanya na miss na miss na sya ng kuya nya pero kebs lang sa kanya. Feel ko masama ang loob nya."

Tahimik ako. Pinigilan kong maiyak.

"Basta Gab i-expect mo na baka sumulpot nalang dyang bigla ang tatay mo. Anyway, yun lang ang tinawag ko. Pasensya ka na kasi may mga ganap din ako, Gab. Madami din akong iniisip. I'm sure kaya mo naman yan. Also..."

Nag-iisip si Carla. Naririnig ko ang malalim na paghinga nya.

"Anong meron, Klang? May problema ba?"

Matagal bago sumagot si Carla.

"Klang! Uy"

"Hindi, wala, ano ka ba! Oy, alam mo ba, nakita ko si Zion nung isang araw sa Malolos. Kinakamusta ka nya. In fairness ha, na-touch ako para sayo nung kinamusta ka nya. At least naalala ka nya kahit papano."

Ako naman ang hindi nakasagot kaagad. Hindi ako ready sa sinabi nya pero pinilit kong maging casual.

"O, kumusta naman sya?"

"Keri lang naman. Wala namang bakas ng pagka-adik hahaha. Mukhang inosente pa rin ang baby mo. Lakas maka-peke. Charot! Pero mukhang cheap ng kasamang babae ha."

"Tingin ko kilala ko yung babaeng kasama nya. Pero jusko wag na nating pag-usapan yang batang yan. At least hindi pa sya natotokhang, diba? Matibay!"

Pinigilan ko ang sarili kong mag-isip. Matagal ko nang hindi nakikita si Zion at hindi na din sya sumasagi sa isip ko mula nang makapag-trabaho ako at lalo na nung makilala ko sina Mico.  Matagal bago ako naka-move on kay Zion. Tangina ni Carla pinaalala pa. Okay na, e. Iniba ko yung topic ng usapan namin at binalik ko ulit kay Carla ang tanong ko sa kanya kanina.

"Iniiba mo yung usapan, Klang. Alam ko may gusto kang sabihin kanina. Ano ba ang problema?"

"Hindi. Wala. Nothing I can't handle. Konting adjustment lang. Magli-leave of absense ako from work in a few months. Don't worry about me. Ayoko nang dagdagan ang iniisip mo ngayon. Pero for sure tatawagan kita. I'm gonna need you for sure. Madami kang atraso sa'kin kaya maniningil ako. Hahahaha!"

"Pasensya ka na, Klang. I haven't been a friend to you lately. Feeling ko tuloy parang parasite ako sa'yo. Basta sabihan mo'ko if I can help."

"Don't worry about me. Kumusta ba kayo ni Mico? Going strong?" iniba ulit ni Carla ang usapan.

"Hmmm... actually may malaki kaming problema. Pero... I'm actually too tired para ikwento sayo. Sa ibang araw nalang."

"Uy, Gab, may kumakatok. Mukhang andyan na yung pina-deliver ko. I gotta go. Tawagan kita ulit bukas or later today".

Nagpapaalamanan pa kami ni Carla nang magulat ako at biglang may nagsalita sa likod ko.

"Sino si Zion, kuya?" Si Mico.

No comments:

Post a Comment

Read More Like This