By: Neji Hyuuga
Sa pasilyo ng kaharian ng Fiore, isang madilim na bahagi bunga ng naglalakihang haligi.
"Anong balita sa mga planno natin?" tinig iyon ng isang lalaki na nagkukubli sa likod ng isang malaking haligi. Madilim ang bahaging iyon kung kaya walang pagkakakinlanlan ang nilalang na iyon.
"Sa lahat ay umaayon sa inyong mga plano, Kamahalan." wika naman ng isang matapat na alagad. Sa sout nitong kapa ay mababatid na ito'y isang mandirigma na kabilang sa Terra Knights. "Sa pangkasalukuya'y tinutugis na ng ating matatapat na alagad ang mga maaaring sagabal at balakid sa inyong dakilang adhikain." pagpapatuloy pa nito.
Napangisi ang nilalang sa dilim sa napakinggang turan ng mandirigma. Kaunting panahon na lang at mapapasakamay na niya ang kanyang pinapangarap, sambit nito sa sarili. "Maaasahan kang talaga.!" papuri nito sa kausap.
"Karangalan ko ang mapaglingkuran kayo." taos sa pusong pasasalamat ng mandirigma sa tinanggap na papuri.
"Ginoo?" nagtatakang tanong ng isang aliping babae sa mandirigma. "Sino ho ba ang kinakausap ninyo riyan?" wika pa nito.