By: Chuck
Pagkatapos ba naman ng lahat ng pagpapahirap na ginawa niya sakin. Pagkatapos ng lahat ng sama ng loob, guguluhin pa rin niya ang buhay ko? Sinusubukan ko na nga siyang kalimutan pero ayaw pa rin niya akong tigilan. Nanatili lang siyang nakayuko at hindi ako pinapansin. Talagang nang-iinis nang todo. Magsasalita pa sana ako ng bigla siyang nag-angat ng tingin. Nanatiling nakabukas ang bibig ko dahil sa pagkagulat sa nakita ko. Naputol ang balak kong pagsasalita. Nakita ko ang mga namumuong luha sa mga mata niya. Si Chuck? Iiyak? Ganun ko ba siya nasaktang sa mga sinabi ko? Nakaramdam ako ng kalungkutan pagkakita ko sa kanyang mukha. Naalala ko na mahal na mahal ko pa rin siya sa isang iglap.
Aktong hahawakan ko ang kanyang mukha nang bigla siyang tumayo. Tumulo ang mga luha niya na agad naman niyang pinunasan. Tumalikod siya sa akin at nagtuloy-tuloy na lumabas umakyat sa hagdan papalabas ng El Potro. Naiwan akong nakatulala.
Nagulo ang aking isip pagkatapos ng gabing iyon. Hindi ko naman maintindihan ang sarili ko. Ang akala ko ay nagsisimula ko nang magustuhan si Kiko. Pero bakit ngayon ay si Chuck na naman ang nararamdaman kong mahalaga sa akin? Nakakalito. Pagkatapos ng gabing iyon ay hindi ko na alam ang dapat kong gawin. Nagi-guilty ako kay Kiko dahil napagtanto kong ginagamit ko lang pala siya para makalimutan ang taong talagang minamahal ko. Napaka-unfair para kay Kiko. Napakagago ko.
Nagpatuloy ang paglabas-labas namin ni Kiko pero hindi mawala-wala sa akin ang makaramdam ng guilt. Feeling ko kasi ay napakasama ko. Wala naman ako sa lugar para gawin ito. Hindi ako ganun ka-special. Bakit kung umasta ako ay para bang napaka-espesyal kong tao. Nanggagamit ako para lang makaiwas sa mga problema ko. Kawawa naman si Kiko. Ang bait-bait pa naman niya.
Simula rin ng gabing iyon, hindi na muli pang nagpakita samin si Chuck. Sa mga lakad namin ay hindi na siya sumusulpot. Siguro iisipin ng iba na sira na ang tuktok ko, pero parang nami-miss ko si Chuck. Para bang hinahanap-hanap ko ang presence niya. Para bang nasanay ako na lagi siyang nandiyan. Mahal ko pa talaga siya. Ang masakit nga lang doon, pinaalis ko pa siya. Ipinahiya ko siya sa harap ng maraming tao. Sinaktan ko siya at dahil dun, hindi na siya babalik pa. Hindi na siya magpapakita pa sakin. Hindi siguro talaga kami para sa isa’t-isa. Masyado nang marami ang aming pinagdaanan pero hindi naging maayos ang relasyon namin. Hindi na ako umaasa pa na kaming dalawa pa rin sa bandang huli pero patuloy ko pa rin siyang mamahalin. Oo, mamahalin ko pa rin siya. Mukha akong tanga no? Wala eh, ganun talaga. Alam ko naman na kasalanan ko ang lahat. Tanga pala talaga ako. Sinira ko ang lahat. At sigurado akong wala na akong magagawa pa para maibalik ang dati. Ang sakit isipin na mahal ko siya at siguro ay mahal pa rin niya ako pero nang dahil sa kahangalan ko ay wala na ngayong pag-asa ang pag-ibig namin.
Naging busy kami nina Ken at Kiko dahil sa papalapit na concert. Binabalak ko na rin na sabihan si Kiko na tigilan na namin ang paglabas-labas nang magkasama dahil sa gusto ko nang maging fair sa kanya. Ayaw kong palakihin pa ang pagkakamali ko. Nitong huli at nararamdaman ko rin na parang unti-unti nang dumidistansya si Kiko sa akin. Hindi na kami ganun kadalas magkasama tulad ng dati.
Palapit na ang concert at puspusan na ang practice namin. Minsan ay ginabi kami sa pagpa-practice. Hindi kasi namin napansin agad ang oras kaka-practice. Maya-maya pa ay nagpaalam si Ken sa akin.
“Paul, mauna na ako sayo, may dadaan pa kasi ako sa bahay ng Tita ko eh.”
“Sige, ingat ka na lang.” Sabi ko habang nag-aayos ng gamit sa bag. Naghahanda na akong umuwi. Natapos na ako sa pag-aayos ng gamit at hinihintay si Kiko para ayusin din ang mga gamit niya. Ihahatid daw niya kasi ako sa sakayan ng jeep kaya naman pinauna ko na ang mga kasamahan namin. Kami na lang ni Kiko ang naiwan sa auditorium. Maya-maya ay may limang kalalakihan na lumapit kay Kiko. Kinausap siya ng mga ito. Matagal-tagal din ang kanilang pag-uusap kaya naman inip na inip na ako. Hinintay ko pa rin na lapitan niya ako sa aking kinauupuan. Pero habang tumatagal ay parang hindi na niya napapansin na nandun pa ako at naghihintay sa kanya. Patuloy ang pagku-kwentuhan nila. Naiinis na ako dahil gustong-gusto ko nang umuwi dahil pagod na ako. Nais ko nang magpaalam sa kanya na mauuna na ako pero maya-maya lang ay lumapit na siya sa akin.
“Ah, Paul. Pasensya ka na, hindi na pala-…”
“Okay lang, sige, bye.” Putol ko sa sinasabi niya at agad akong tumalikod para umuwi nang mag-isa. Sobrang nainis ako sa kanya. Nilapitan lang siya ng mga kaibigan niya ay binalewala na niya ako. Bwiset. Wala pala siyang kwenta. Hindi ko akalaing ganun siya. Siguro ay nagsawa na siya sakin at ngayon ay wala na akong halaga sa kanya. May halaga nga ba ako sa kanya? Hindi ba ang sabi lang niya sa akin noon ay gusto niya ako. Hindi niya ako mahal. Kahit kailan ay hindi ko narinig sa kanya na mahal niya ako. Ang engot ko talaga. Naiinis ako kay Kiko pero mas naiinis ako sa sarili ko. Todo pretend ako na love niya ako. Pero okay na rin ang ganito, balak ko na rin naman na layuan siya. At least hindi ko na kakailanganin pang magpaliwanag sa kanya. Tuloy-tuloy na ito. As in plain na lang ang buhay ko simula ngayon.
Naglakad ako papalabas ng school at agad na pumara ng tricycle. Gabi na noon at nakakatakot nang maglakad sa daan. Malayu-layo kase ang school sa sakayan ng jeep pauwi sa amin. Naalala ko si Chuck. Naisip na sana ay nasa mabuti siyang kundisyon. Bumalik na naman sa isip ko yung masasayang sandaling pinagsaluhan naming. Para bang napakatagal na ng mga lumipas na panahon. Para bang ang layo ng nga mga ala-alang iyon sa akin. Lumilipad ang isip ko habang nakasakay sa tricycle. Nagulat na lang ako ng biglang inihinto ng driver ang tricycle sa parteng walang tao. Lalo akong nagulat nang makita ko ang isang patalim sa kanyang mga kamay. Nakatutok iyon sakin.
“Akin na ang cellphone mo.” Sabi ng driver na napansin kong medyo bata pa. siguro ay nasa 23-26 na taon na siya. Ganun pa man ay agad na lumukob sa akin ang matinding takot. Hindi ako agad nakagalaw.
“Yung cellphone mo sabi eh!” Sigaw sakin ng holdaper. Nanginginig ang mga kamay ko habang kinukuha sa loob ng bag ko ang aking cellphone. Hindi ako nanghihinayang sa cellphone ko. Ayaw ko yatang masaksak ng patalim no. Masakit kaya iyon at alam na alam ko ang mangyayari sa akin sa hospital once na saksakin ako ng walang hiyang ito. Baka maoperahan pa ako at tuluyan din naman palang mamamatay. No! Goodbye cellphone na lang talaga. Mag-iipon na lang ako ng pera para makabili ng bago. Iniabot ko ang cellphone ko sa driver.
“Yung pera mo naman. Lahat!”
Kainis ‘tong driver na ‘to ah. Gusto yatang kunin ang lahat-lahat sakin. Wag naman sana ang puri ko! Ahahahah! Pero ang totoo niyan ay takot na takot ako. Lahat ng sabihin ng driver na iyon ay susundin ko, iwanan lang niya ako nang may buhay. Medyo natagalan ako sa pagkuha ng pera ko dahil napailalim iyon sa mga gamit ko sa bag. Ang tanging nasa bulsa ko lamang ay ang saktong pamasahe ko. Ako namang si tanga ay hindi na naisipang sabihin na wala akong pera. Kainis no.
“Bilisan mo diyan!” Sigaw ulit ng driver na may gimik pa yata pagkatapos ng pangho-holdup niya sakin. Lalo naman akong natagalan sa paghahanap. Ang dami ko kayang gamit sa bag at napakahirap hanapin ang wallet ko na nasiksik yata sa mga damit. Takot na takot talaga ako sa mga mangyayari sakin. Nasisi ko pa tuloy sa isip ko ang hinayupak na si Kiko. Kung hindi dahil sa kanya ay hindi ako gagabihin ng ganito at hindi ang kumag na holdaper na ito ang masasakyan ko. Kainis talaga siya.
Ang bwiset namang wallet na yun ay ayaw pang magpakita sakin. Sobrang natatagalan na talaga si Manong Driver at panay na ang sigaw niya sakin. Maya-maya pa ay nakita ko na ang long lost wallet ko. Sa wakas, mapapasakamay na ng Manong Driver ang kayamanan ko. Iniabot ko na sa driver ang aking wallet pero sa laking gulat ko na wala na siya sa tricycle. Natakot naman ako na baka lilipat ng pwesto ang manong at pagsasamantalahan na nga ako! HAHAHA!
Pero natakot talaga ako dahil baka dikitan na ako nung mama at tuluyan na akong saktan. Pero namuti na ang mata ko sa kahihintay sa kanya ay hindi pa rin niya ako nilalapitan. Sumilip ako sa likod ng tricycle at todong pagkagulat ako sa nakita ko.
Si Chuck, kasuntukan ang Manong Driver na holdaper! Anong ginagawa ni Chuck dito? Masyado ang kaba ko habang nakikita ang pagsusuntukan ng dalawa. Basta basag-ulo, maasahan yata talaga si Chuck diyan. Nakita ko ang patalim na itinutok sa akin ng mama kanina sa gitna ng kalsada. Kinuha ko iyon. Mahirap na, baka makuha ulit ng Manong Driver ay masaktan pa ang savior ko. Sandali lang at napabuwal na ni Chuck ang bwiset na holdaper. Kinuha niya ang cellphone ko sa bulsa nito at iniabot iyon sa akin. Agad na tumakbo palayo ang bugbog saradong holdaper. Bilib talaga ako kay Chuck at lalo akong napamahal sa kanya. Actually umiiyak na ako niyan. Hindi ko akalain na nalagay sa peligro ang buhay ko. Mabuti na lamang at nandun si Chuck.
“Wala talaga akong katiwa-tiwala diyan sa Kiko na yan. Mabuti na lang pala at lihim ko pa ring ipinagpatuloy ang pagsunod ko sa inyo kung hindi ay baka napano ka na.”
Nagpatuloy pa rin ako sa pag-iyak habang kinukuha ni Chuck ang plate number ng tricycle. Pumunta kami sa Munisipyo para i-report ang pangyayari at para na rin mahuli ang may-ari nung tricycle na si Manong Holdaper. Inihatid ako ni Chuck sa sakayan ng jeep.
“Salamat sa pagliligtas mo sa akin.” Sabi ko habang diretsong nakatingin sa kanyang mukha.
“Wala iyon, sige. Umuwi ka na at masyado ka nang ginabi. Baka mapagalitan ka pa niyan sa inyo.” Napakabait talaga niya. Nakakainis. Wala siyang katulad. Niyakap ko siyang nang mahigpit bago ako sumakay sa jeep. Pagkasakay ko ng jeep ay nakareceive ako ng message mula sa isang number na hindi naman naka-save sa phonebook ko.
“Dalhin mo na ulit ung mga gamit mo sa boarding house bukas. Agahan mo ang punta ha. Wait kita. – Chuck.”
Habang nasa jeep ako ay todo ang pagkakangiti ko. Hindi ko maipaliwanag ang aking nararamdaman. Kanina lamang ay sobra ang inis ko nang dahil kay Kiko. Tapos, sobra naman ang naging takot ko nang dahil kay Manong Holdaper. At ngayon ay sobrang happy naman nang dahil kay Chuck. Haay.
Walang pasidlan ang ligaya ko hanggang sa makauwi ako ng bahay. Kinabukasan ay maaga akong pumunta sa boarding house ni Chuck. Pinagbuksan niya ako ng pinto at agad na niyakap. Sobrang higpit. Para bang ayaw na niya akong pakawalan.
“Sandali lang, hindi ako makahinga.” Sabi ko, ang laki ba naman kasi ng katawan niya no. Agad naman niya akong pinakawalan.
“Grabi, akala ko papatayin mo na ako eh. Akala ko galit ka pa rin sakin. Ehehehe.”
“Hindi, na-miss lang talaga kita.” Sabi ng mokong habang sobrang lapad ang pagkakangiti. Hindi ko naman pinansin ang paglalambing niya. Iniikot ko ang aking paningin sa buong bahay. Ganun pa rin, walang pagbabago. Katulad lang din nung dati na dito pa ako namalalagi.
“Isang tanong muna, paano mo nalalaman kung saan ang mga lakad namin ni Kiko?” Kagabi pa naglalaro sa isip ko ang tanong na ito. Nakalimutan ko naman kasing itanong sa kanya kagabi dahil sa bilis ng mga pangyayari.
“Si Ken.” Simple sagot niya.
“Talaga nga naman yung bruha na yun. Pakialamero.” Sagot ko.
“Wag ka nang magalit sa kanya. Ako naman kasi ang namilit sa kanya na tulungan ako eh. Saka ayaw mo ba yun, nagka-ayos tayo.” Ehehe, ang totoo niyan ay thankful ako kay Ken. Alam niya talaga ang mga nararamdaman ko. The best talaga ang bruhang yun.
“Kumain ka na ba? Naghanda ako ng breakfast.”
“Hindi pa nga eh. Nagmamadali kasi ako sa pagpunta dito kaya nakalimutan ko nang kumain ng agahan.”
“Sige, kumain muna tayo, mamaya na natin ayusin ang mga gamit mo sa kwarto natin.” Parang gusto ko namang kiligin ng todo sa narinig ko. Habang kumukuha siya ng mga plato ay niyakap ko siya mula sa likuran. Aktong haharap siya sa akin pero pinigilan ko siya.
“Sana ay maging maayos na ang lahat simula ngayon.” Sabi ko habang nakapikit at mahigpit siyang yakap. Maya-maya ay humarap na rin siya sakin. Niyakap niya ako ulit nang buong higpit at hinalikan mula sa noo hanggang sa umabot ang kanyang mga labi sa akin. Sandali lang iyon pero napakasarap sa pakiramdam.
“Don’t worry Mahal, simula ngayon ay magiging masaya na ang bawat sandaling magkasama tayo.” Namiss ko pala ang pagtawag niya sa akin ng Mahal. Hinalikan niya ako ulit. This time ay hindi na namalayan kung gaano katagal.
Napakasarap ng pakiramdam na babalik na ako sa taong mahal ko. Sana ay maging maayos na talaga ang pagsasama naming this time. Mahal na mahal ko siya at din a ako makakapayag pa na masayang ang pagkakataon ito para muli naming maibalik ang dati naming pagmamahalan.
END

Awe tapos na :(
ReplyDeletegreat story! Thanks for sharing! :)
-eriol
mukang nabitin ako sa ending pero nice naman kwento, salamat din sa pagshare mo paul,
ReplyDeletedrei05
grabe parang ayaw kong tangapin na ending na to.
ReplyDeletelage kong inaabangan ang kwento na to. sana may next chapter :)
thank's paul!
-andrew of cavite-
*thanks
DeleteYahooooo
ReplyDeleteayun ending na . maganda nman ang ending . Nkakakilig . Kso para sakin ha ? Mejo bitin eh . parang hinahanapan ko ng explanation yung mga bagay na nangyari katulad nung mga pinag gagawa ni Chuck kay paul ?! Parusa lang ba yon o galit tlga si chuck ? Sana may explanation lang sa mga gnung bagay . ang bilis bilis lang ksi , agad agad ok na . Although lahat nman tyo happy ending ang gsto . Ska asan na nga pla si Kristin ? Ano nang nangyari sa bruhang yon ? Ayon lang nman . POV ko lang po yan ha ? Sa kabuuan napakagandang istorya . Nakakakilig ! At nagbibigay ng inspirasyon sa mga bakla na may magmamahal parin sakanila o satin ng buo at totoo . May isang chuck na darating sa buhay natin , tiwala lang :))) .. Im gonna miss you Chuck and Paul :-) :-*
ReplyDelete-LittleMonster
oo nga eh! nageexpect pako ng bugbugan from kiko kasi bumalik siya kay chuck! kaso pagscroll ko lang ng konti may END na agad! CHUCKa ha! haha love the story! inabangan ko talaga to! kudos to the author! :)
Deletebitin talaga . ndi man lang tinanong ni Paul si Chuck kung ano ba yung dhilan nya bkit pinahirapan sya ng ganun . Sna mag comment sila dito hahahaha tas pahapyawan nila yung mga tanong ntin :)) . Wala na akong aabangan linggo linggo :(( .. Isa ito sa mga dahilan kung bkit ako Inspire ..
Delete-littlemonster
galing mo friend...
ReplyDeleteang ganda ng story mo. sana may chuck din ako
nice story. sana makilala ko na rin si chuck ng buhay ko..
ReplyDelete-Chinito
ang kulay ng storya nyo paul. Gaya ng iba medyo nabitin ako pero masaya ako happy ending na. Narealize ko kahit gaano kalaki ang pagkakamali maging sino sa relasy0n kung talagang mahal mo isang tao hahayaan mo na patawad para mas masaya. Lalo kong narealize kung gaano ako kasuwerte may "chuck" na dn ako sa buhay ko.
ReplyDeleteKudos paul!
Chinochriez
ILusyunadang badin
ReplyDeleteAno to teleserye ni kim chui? Haha
ganda ng story :)
ReplyDeletesalamt sa author
Bakit tapos na??? :(( NEXT CHAPTER PLEASE. :'(
ReplyDeletea fairy tale ending... good job!
ReplyDeleteVery nice story Mr. Author :) Thumbs Up ako sayo :)) sana may next chapter pa.
ReplyDeleteI had the same experienced like u author.. what an incidence.. my name is paul too.. hindi nga lang ako too much martyr lyk what u did.
ReplyDeleteI never xpek na may kuwentong ganito dto walang kalaswaan ang ganda ng story nag enjoy ako ng sobra... at ang saya ko dahil kabale kupa ang nag sulat... san ba skul mo sa hau ehehehe o au... cngrats nga pala good job...
ReplyDeletekudos to the author.. you really nailed this one..
ReplyDeleteA very nice story! THUMBS UP jud!
ReplyDeletebut medyo bitin, kahit sana dugtungan nila ito.. pero okaaaay na rin, nakakakilig.. at ang maganda pa doon, WALANG MALASWANG naganap di tulad ng ibang stories as if naman nakakalibog din... HAHA!
super relate talaga ako dito, kasi kahit anung nangyari at the end sila pa rin ang nagkatuluyan.. :D GOOD JOB! =)))
-azrhiel
Ok naman ang story parang indie film style. Yung protagonist view lang. Ang POV ng support cast are not elaborated. Maganda pero nakakabitin, just like short indies.
ReplyDelete