By: Vaughn
At ang tanging naramdaman ko na lamang ay mahigpit niyang mga yakap sa akin…
Humihigpit ang mga yakap, pero mararamdaman ko sa aking puso ang paggaan ng loob, ang kanyang pagkalma… ang paghupa ng kanyang mabilis na paghinga. Nakatulog na si Jun, in my arms he fell asleep. Inangat ko siya at inihiga sa kanyang kama. Napagod siguro siya, pagod hindi lang sa pisikal kundi emosyonal. Minasdan ko ang best friend ko.
Ang gwapo pala talaga ni Jun, parang anghel ang mukha niya pero sa ngayon mababakas ko ang lungkot sa kanyang ekspresyon. Hindi ko alam kung bakit, naaawa ba ako sa kanya? O talagang nagcacare ako dahil mahalaga siya sa akin… at alam kong mahalaga nga siya sa akin. Dahil hindi naman talaga ako nakikipagkaibigan ng sobrang malapit. Tahimik lang ako at suplado kaya medyo misteryoso ang dating, ang tingin tuloy sa akin ng iba ay masungit. Tumagal ang pag-iisip ko ang pagtitig ko sa kanya at tila naaantig ang puso ko. Nang mga oras ding iyon ay ipinangako ko sa sarili kong hindi ko siya pababayaan, ituturing ko siyang bunsong kapatid dahil mas matanda naman talaga ako sa kanya ng ilang buwan.
Dahil maggagabi na rin ay iniwan ko siya habang natutulog, nagpaalam na din ako sa tita niya at nagpasalamat naman sila sa akin. Alam kong pagkagising ni Jun ay malulungkot na naman ito kaya’t nag-iwan na lamang ako ng sulat sa ilalim ng kanyang unan:
Bes, di na kita masamahan. Ipagpatuloy mo lang ang pagtulog mo ha. Wag ka nang malungkot at pumasok ka na bukas ha. Wag ka nang umiyak, andito lang ako para sayo.
Kinabukasan, araw ng Biyernes ay maaga akong pumasok. Wala pa si Jun at Xyryl, kaya’t minabuti kong magbuklat ng notes para sa quiz mamaya sa Science. Alam kong hindi makakapag-aral si Jun kaya’t gagawa ako ng paraan para makakuha siya ng maayos na score. Bumababa na rin ang kanyang mga marka at sobrang nag-aalala ako.
Dumating na si Jun at Xyryl nang halos magkasunod lamang, di sinasadya pero mas pinagtuunan ko ng pansin ang best friend ko. Pagdating ng lunch ay ayaw niyang kumain dahil wala daw siyang gana, sinamahan ko siya at hindi sumabay kay Xyryl. Sa quiz ay pinakopya ko siya ng mga sagot. Wala siya sa sarili at paminsan minsan ay mapapansing nakakaidlip siya sa gitna nang klase.
Umuwi na kami ng magkahiwalay ng araw na iyon. Dahil walang pasok kinabukasan ay maaga akong natulog. Pero hanggang sa mga panaginip ko ay dinalaw ako ng best friend ko, nakatindig siya sa aking harapan at umiiyak, humahagulgol. Nang akmang yayakapin ko siya ay tinabig niya ang mga kamay ko. At noon ko namalayan na lumulutang pala kami sa kawalan at walang kahit ano sa paligid kundi ang dilim, punong puno ng lungkot. At nakita ko ang imahe niyang palayo, palayo ng palayo sa akin hanggang sa hindi ko na siya makita. Naiwan akong mag-isa sa kawalan…
Nagising ako, hingal na hingal. Takot na takot ako dahil sa panaginip na iyon. Alas-siete na nang umaga. Inapuhap ko ang cellphone, marami text ang ilan ay kay Xyryl, sa nanay kong nasa ibang bansa, sa mga kaklase ko nang elementary, at sa ilan pang kaibigan. Baba, baba, baba. Nakita ko ang pangalan ni Jun at tila iyon ang talagang hinahanap ko:
Bes, salamat sa lahat. Malungkot ako, oo.Pero wala naman ito, sanay naman akong malungkot.At masama mang sabihin ay sanay naman akong iwan ng mga tao. Salamat sa pagpunta mo. Lalo tayong napapalapit sa isa’t-isa. Namimiss ko si nanay pero para naman akong binigyan ng kuya sa katauhan mo. Korni na kung korni. Pero mahal kita bes! Salamat sa lahat!
At walang patumpik-tumpik ay nagreply ako:
Ikaw talaga, bes. Wala yun, kaibigan mo ako at dapat lang na damayan kita. Andito lang talaga ako pramis. Gusto mo bang puntahan kita diyan?
At sumang-ayon naman siya sa akin. Pumunta ako sa kanila bandang ala-una nang hapon. Nagpaalam ako sa amin na doon na rin makitulog. At pinayagan naman ako.
Jun: O, andami mo naman yatang dala?
Ako: Dito na ako matutulog! Hehehe, ayaw mo ba? Nga pala dala ko yung PS2 para naman may malaro man lang tayo.
Jun: Maganda yan! Hehehe. Pero sa totoo lang hindi ko alam kung paano yan gamitin. Pang video game lang ako.
Ako: Akong bahala! Haha, tara pasok na tayo!
Maliit lang ang bahay nila Jun, mahirap lamang sila. Ayon sa kanya ay napagdesisyunan nilang doon na lamang siya sa kanilang bahay. Lilipat lang siya sa kaniyang tita para kumain at kung may importanteng kailangan. Malulungkot daw kasi siya kapag napabayaan ang bahay nilang iyon. At tumango-tango na lang ako.
Naglaro kami maghapon, at kumain sa kaniyang tiya. Matapos ang hapunan habang nag-uurong si Jun ay kinausap ako ng tita niya.
Tita: Anak, wag mo sanang mamasamain ha. Wag mo sanang sanayin si Jun nang palagi kang kasama lalo’t hindi naman kayo magkakasundo e iiwan mo lang. Masasakitin kasi yan.
Ako: Po? Hindi naman po ako ganun.Ano po ba ang meron?
Tita: Maramdamin si Jun lalo na kapag naattach na siya sa isang tao. Lalo pa ngayon na wala na siyang ibang masandalan.
Ako: Ahhh. Dahil po sa mga pangyayari. Uhmmm, iintindihin ko po lahat. Best friend ko po siya at ayos lang naman po sa akin na sa akin siya makahugot ng sasandalan.
Tita: Kung gayon, salamat hijo. Nga pala, tita na lang din ang itawag mo sa akin ha. At sana mapadalas ka dito dahil alam kong mas kakailanganin ka niya ngayon.
Lalong lumakas ang loob ko at parang lalong tumibay ang pakikipagkaibigan ko kay Jun. Naglaro pa kami ulit pagdating sa kanila. As usual, lagi siyang talo…
Ako: Lagi ka namang talunan. Hahaha. (sabay tulak)
Jun: E kasi naman… nakakapikon ka na ha!
Ako: Magaling lang talaga ako at gwapo. (sabay pa-cute)
Jun: Angkapal ng mukha mo! Mas gugustuhin ko pang magluksa habang-buhay kaysa tanggaping gwapo ka! (sabay suntok sa tagiliran ko)
Ako: Nakakasakit ka na ha! (tinulak ko siya at hinawakan ng dalawang kamay ang balikat) Anggwapo ko kaya! Hahaha.
Jun: Hahaha. Kadiri. Tara tulog na tayo!
Sa sofa na lang ako matutulog pero sabi ni Bes tabi na lang daw kami at parehas naman daw kaming lalaki, sumunod naman ako. Nakatulog na ako pero muling nagising dahil naririnig ko ang mga hikbi niya. Niyakap ko siya, “Bes, tama na yan, tulog na.” “Sige, pasensya ka na, masakit lang talaga. Fresh pa kasi lahat.” At naintindihan ko naman. Hinigpitan ko ang mga yakap ko.
Araw ng linggo ay sumimba kami ni Jun. Ipinagdasal ko siya. Pero damay na din ako. Na sana mas maging close pa kami, at sana mapasaya ko siya.
Lumipas ang isang buwan ay kay Jun na halos nakasentro ang buhay ko, sa iskul at maging sa pag-uwi. Naipakilala ko na rin siya sa bahay. Kila papa, kay ate, kay tita at pati na rin sa kasambahay namin na halos ay parang ituring na rin siyang parte ng aming pamilya. Madalas ay sa amin na siya umuuwi. Napuno na rin ang aparador ko ng ilan sa kanyang mga damit at uniporme. Kung hindi naman ay umuuwi siya sa kanilang bahay nang kasama ako. Para na talaga kaming magkapatid. Hindi na kami mapaghiwalay.
Isang araw ay kinausap ako ni Xyryl. At doon ko napagtanto ang lahat, isang buwan ko palang halos nakalimutan na may girlfriend nga pala ako. Tinetext ko siya, nag-a I love you. Pero hindi ko na siya halos nasasamahan maglunch at kung ano pa. Monthsary pala naming nang araw na iyon.
Xyryl: Nakalimutan mo, ano?
Ako: Ang alin?
Xyryl: Monthsary natin ngayon. (nakita ko ang namumuong luha)
Ako: Sorry, mahal. Hindi ko na naalala. Kasi e… Kasi…
Xyryl: Kasi si Jun, kasi busy ka sa best friend mo. At kailangan ka niya. Naiintindihan ko yon Vaughn pero sana alam mong kailangan din kita. (wala akong masabi, di ako nakapagsalita at tumitig lang sa kanya, mas ikinagulat ko ang susunod na tanong) Mahal mo pa ba ako?
Ako: Xy… ahhhh… eeee…
Xyryl: Alam ko na ang sagot Vaughn. Di mo na dapat sabihin pa. (tuluyang umagos ang luha sa kanyang mga mata) Sa loob ng isang buwan, bawat araw ay inaabsorb ko na ang lahat, sa mga ikinikilos mo, sa mga malalamig mong messages sa akin. Ok lang ako. Ayos lang talaga.
Ako: (hinawakan ko siya sa kamay) Magiging magkaibigan pa rin naman tayo, di ba?
Xyryl: (pilit siyang ngumiti at binawi ang kamay niya) Vaughn, oo naman. Napakabait mong tao at minahal kita talaga ng totoo at alam kong ganun ka rin sa akin. Di lang talaga siguro ito ang tamang panahon. Masyado pa rin naman tayong bata. Bigyan lang natin ng panahon. Malay natin, tayo pa rin talaga. Bahala na. Pero as of now, sige, friends.
Ako: Salamat! (sabay ngiti)
Xyryl: (umiyak uli) Yang mga ngiti mo, mamimiss ko yan. Nga pala, nagseselos ako ng sobra kay Jun. Buti pa siya.Mas pinili mo ang best friend mo. At alam kong masaya ka naman. Sana maging okay na siya. O sige aalis na ko.
Hindi na ako nakapagpaalam pa kay Xyryl. Sa mga susunod na araw ay nagpalipat siya ng upuan sa seating arrangement namin. Nagbabatian kapag nagkakasalubong. Ayos lang sa akin. Siguro nasaktan ko talaga siya.
Tuloy pa rin ang buhay. Kami ni Jun. Palaging magkasama. Isang araw katatapos PE time ay napansin kong may iniinda siya. Papalapit sana ako sa kanya pero narinig ko na ang mga bulung-bulungan, mga estudyante, lower sections.
Boy 1: Ayan, maglalapit na naman yung magboyfriend.
Girl 1: Anggwapo sana nilang pareho kaso bading.
Boy 2: Naku, uso naman yan ngayon.
Girl 1: Kadiri! Hahaha.
Boy 1: Live in na yata nag setup nila. Umuuwi sa bahay ng isa’t-isa.
Hindi ako nakapagpigil, nilapitan ko sila…
Ako: Ano bang problema nyo?
Hindi sila makaimik at napansin ko na lang na lumapit si Jun sa akin. “Bes, hayaan mo na.” Pero hindi ako nakinig dahil lalong nag-panting ang tainga ko sa mga susunod kong narinig.
Boy 1: Anggwapo mo sana Vaughn, lapit ko na sanang mabakla sayo kaso titi pala ang hanap mo! (nagtawanan silang apat)
Ako: Ganon ba? Di ko naman kailangang patunayan sa inyo ang pagkalalake ko. Tumawa lang kayo hanggang gusto nyo.
Boy 2: O Jun, masarap ba ang ginagawa ninyo ni Vaughn gabi-gabi? (Di umimik si Jun, nilapitan siya ng lalaki) O ikaw ang tsumutsupa sa inyo?
Ako: (nagdilim na ang paningin ko) Wag mo siyang idamay. (sabay suntok ng malakas sa mukha, isa pa, hanggang sa mabugbog ko na ang lalaking yon)
Hindi na nakalapit ang mga kasama niya. Alam sa iskul na magaling ako pagdating sa self-defense. Nagkagulo sa campus, dahil sa ginawa ko. Sumugod ang mga teachers at mga usiserong estudyante sa scene of the crime.
“Tara, bes. Umuwi na tayo!” sumunod naman si Jun sa akin at iniabot ang aking bag. Galit na galit ako at hindi ko pa maabsorb ang mga pangyayari. Pag-uwi sa bahay ay agad akong tinawag ni Daddy. Pinapatawag daw kami sa Guidance Office bukas ng umaga. In-explain ko sa kanya ang lahat. At tila naintindihan naman niya ako. Pero nadisappoint dahil hindi naman ako talaga nakikipagbasag-ulo dahil ayokong nakakasakit ng ibang tao.
Sa kwarto ko ay inabutan ko si Jun. Dismayado pa rin sa nangyari. Alam kong hindi nya gusto ang ginawa ko dahil naikwento nya sa akin na may trauma siya sa ganoong mga tagpo. Umupo ako.Tahimik, walang balak magsalita. Kaya’t nagpasya akong ako na ang bumasag ng katahimikan…
Ako: Bes, sorry. Hindi ko sinasadya.
Jun: Ayos lang. Kasalanan ko din naman, sana ako na lang ang lumaban. Sana malakas lang din ako gaya mo.
Ako: Ikaw talaga (ginulo ko ang buhok niya). Akong bahala sayo. Gusto kong ipagtanggol ka. Di ako papaya na aapihin ka ng mga panget na yun.
Jun: Kahit sila na nga ang inapi mo. Di nga sila nakalaban e. Bes, nagulat talaga ako. Di ko alam na ganun ka.
Ako: Sorry na nga. Di na mauulit yun.
Jun: Natatakot ako sayo. Paano kung may magawa ako o masabing di mo gusto baka bugbugin mo na rin ako.
Ako: magagawa ko ba yun sayo? Wag mo ngang isipin yan.
Jun: (namuo ang luha) Yung tatay ko dati binubugbog nya ako. Sinasaktan din nya si nanay. Kaya ayokong nakakakita ng binubugbog.Tingnan mo ito (ipinakita niya ang parte ng kanyang tiyan, maraming paso) pinapaso niya ako ng sigarilyo kapag lasing siya.Natatakot ako sayo kuya.
Tuluyan nang pumatak ang kanyang mga luha. Hindi ko alam pero nabigla ako sa susunod kong ginawa. Inilapat ko ang aking mga labi sa labi niya…
Itutuloy…

bitin... next chapter pls...upload agad
ReplyDeleteAng ganda nman ng story...kakaiyak..mkarelate lng..hmmmmm..sana mkahanap din ako ng bestfried katulad nu vaughn...
ReplyDeleteNice! Parang buhay ko .kaya lng pinanindigan ko ang pagiging best friend namin and after 25 yrs we're still best friend maski nasa malayong lugar ako. yung respeto at pagmamahal bilang kaibigan will never go away kc walang malisyang namagitan.pero, gusto ko yung story,very nice!
ReplyDeleteBitin.
ReplyDeleteantagal ng next chapter, andami kasing napapabayaan nang stories dito sa KM.
ReplyDelete