By: Ross
Makalipas ang halos isa't kalahating buwan, nakasanayan ko na ang magtrabaho ko sa barko. Adjusted na rin ako sa pamumuhay sa loob ng barko. Halos araw-araw iba't ibang lugar ang aking nakikita at napupuntahan. Dati sa mga post cards at palabas lang sa TV ko ito nakikita. Naisip ko na kahit pala may mga sacrifices ang pagbabarko meron din pala itong magandang maidudulot. Bukod dito, maganda din ang pasahod sa barko. Malayo kumpara sa pasahod dito sa Pilipinas for an average worker. Kaya naman hindi nakakapagtaka na napakaraming Filipinong OFWs.Isang umaga habang ako ay naka-duty, nakatanggap ako ng email mula sa Training and Development Manager. Kabilang ang pangalan ko sa listahan ng crew members na kailangang umattend ng Diversity Training. Ito ay naka-schedule kinabukasan ng umaga. Ipinaalam ko ito sa aking Manager upang maabisuhan siya at maisaayos ang work schedule namin. Buti na lang at naka-docked ang barko sa araw ng training kaya naman hindi naging problema ito dahil karamihan kasi ng guests ay lalabas upang mag-tour o mag-ikot-ikot sa port.
Kinabukasan 9AM pumunta na ako sa Staff Mess, ang venue ng Diversity Training. May walong crew members na ang naghihintay. Tatlo pa ang dumating, kabilang ako. Maya-maya pa dumating na rin ang Training and Development Manager. Bumati siya sa amin at nagsimula na ang training. Unang tanong niya, “What is Diversity?” Isa-isa kaming sumagot at nagbigay ng opinyon.
Sinabi niya na lahat ng aming naging sagot ay tama. Ang diversity daw ay ang pagkakaiba-iba ng bawat isa, tulad na lang ng tao. Isang magandang halimbawa daw ay kaming mga crew members. Meron daw halos 60 different nationalities ng crew onboard. Sa ipinakita niyang graph kapansin-pansin ang mataas na rank ng Pilipinas, India, Indonesia, Latin America at European nationalities.



















