Pages

Thursday, March 24, 2016

Axcel Sports (Part 7)

By: Axcel

So yan di ko muna tatapusin kasi nirequest nung nagcomment haha. Thank you po sa pagbabasa and expect na I'll submit stories pa po. Pero last na talaga next update.

Greg's POV

As I was walking papunta sa kotse ko biglang nagring phone ko. 'Azrael Calling' Nakakapagtaka naman. I answered the call. “Hell--" Di ko siya nabati kasi nagmamadali siyang nagsalita. “GREG! Nabangga si Axcel.” Pagkaraan ng ilang segundo doon ko lamang napagtanto ang mga salitang binitawan ni Azrael. Walang atubuling tumakbo ako papunta sa sasakyan. “Asan kayo?! Okay lang ba siya!? Saang ospital yan?!” Nanginginig ako. Kinakabahan. Natatakot. Sinabi sakin ni Az ang address at pinaharurot ko ang kotse ko papunta sa hospital.

Kagad kong tinanong kung nasaang room si Axcel sa mga nurse na nandon. Kaya heto ngayon at naghihintay kami ni Azrael sa labas ng emergency room. “Kamusta na siya?” Pagbabasag ko sa nakakabinging katahimikan na bumabalot samin ni Azrael. “Wala pang balita.” Tangina, please paggaling ka na Axcel. Umalis muna ako dun at pumunta sa maliit na chapel doon sa hospital.

Lumuhod at nagpray. 'Sana okay lang po siya' Dumaan ang ilan pang minuto ng katahimikan at nagbalik ang mga alaala na nagsama kami ni Axcel. Miss na miss ko na siya. “Ang swerto mo lang.” Biglang sabi ng lalaki sa tabi ko. Nandito na pala si Az. “Kahit sinaktan mo na siya, pinagmukhang tanga pa nga, i-ikaw parin.” Medyo naluluhang sabi ni Az. “Tanggap ko naman, na ka-kahit papiliin si Axcel sa-sating dalawa, ikaw at ikaw parin ang pipiliin niya. Nung una di ako sumuko, sabi ko makikipaglaban ako, kaya kong manalo dito, pero nung nagtagal naisip ko, paano ako mananalo, kung simula palang talo nako.” Mapaklang sabi niya. Wala akong masabi sakaniya. Di ko inexpect na magoopen siya sakin ng feelings niya. “Pero okay lang. Wala akong magagawa e. Ikaw yung nagpapasaya sakanya, at ang hangad ko lang ay mapasaya siya kahit hindi ako ang dahilan. Ano bang meron sayo na wala ako? Nakakainis lang. Parang binabasura ng iba yung pinapangarap ko.” Medyo nainis ako sa sinabi niya. “Hindi ko binabasura si Axcel. Hindi mo alam ang mga rason ko kaya huwag mong husgahan ang mga desisyon ko.” Tinignan ko siya at di na siya masyadong umiiyak pero halatang nasasaktan siya. “At ang desisyon mo ay saktan siya? Hanep.” Ewan ko kung bakit di ko pa siya sinusuntok, dahil sa mga sinasabi niya. “Pero sino ba naman ako para manghusga? Sakin lang, huwag mo ng ulitin.” Alam ko. Nagkamali ako pero di ko naman yun ginusto. “Sorry Az, nasasaktan ka pala ng sobra.”
Ngumiti siya ng may lungkot sa mga mata at tinignan ako. “Okay lang, wag kayong magalala sakin. Kasi siguro nga may mga bagay na di natin mapipilit. Puso ang magdidikta ng gusto nating mahalin. At para kay Axcel, hindi ako yun.” Kung nasasaktan ako, at nasasaktan si Axcel, mas nasasaktan pala si Azrael. Nabalot ulit kami ng katahimikan dahil sa mga nalaman namin. “Oh ang tahimik mo? Ayaw mo bang magkwento kung baket mo ginanon si Axcel? Babatukan kita kung walang kwenta yan haha.” Pagiiba na niya ng mood sa paguusap namin. Kinwento ko na sakanya ang lahat ng nangyari. Siguro ay naiintindihan na niya ang sitwasyon ko sa ngayon. “Sorry kung nagsabi ako ng masasamang salita kanina.” Sabi niya ng may sinseridad sa mata. “Okay lang, sorry din kasi nasasaktan ka namin ng sobra ni Axcel.” Nagkasundo nga kami, at bumalik na sa loob ng hospital.

Pagkabalik namin ay nakita na namin ang parents ni Axcel. Nagbless kami ni Az at naghintay narin. Katulad namin ay hindi rin mapakali sila tita at tito. Pagkadating ng doctor ay kaagad na tumayo ang parents ni Axcel. “How is he doc?” Tanong ng daddy ni Axcel na medyo kinakabahan rin na katulad namin. “Good evening Mr and Ms. Sanchez, your son had a severe head injury. It's a good thing na napapunta agad siya sa hospital after the accident. To prevent further injuries. As of now, he's in a state of coma or unconsciousness. Di natin alam kung kailan siya magigising, o kung magigising pa ba siya. Pag nagising po siya, there is a chance na he will undergo short or long term memory loss. But memory may gradually improve over time.” Mahirap lunukin at tanggapin ang lahat ng sinasabi ng doctor. “Please do everything.” Biglang sabi ko. “ We'll do what we can.” Sabi naman ng doctor at umalis.

Weeks passed and this depression continues to kill me. Di parin siya nagigising. Hirap magfocus sa studies and my parents are alarmed sa mga pinanggagawa ko. Lagi akong nakikipaginuman. The desperation to see Axcel okay, slowly eats me up alive. Gusto ko siyang makitang okay, gusto ko siyang makitang nabubuhay ng normal, ayaw ko siyang makitang nakahiga sa isang kama at wala pang kasiguraduhan kung magigising siya. 'Gustong-gusto ko na siyang makasama' Everyday nag pupunta ako sa hospital, at bawat pagpunta ko, umaasa akong pagpasok ko sa room niya, nakamulagat na ang mga mata niya. Hindi man natutupad, pero di parin ako bibitaw. We can work this out.

I'm staring at him now while he's unconscious. Hay, gwapo parin ng baby ko. Swerte ko talaga sakanya. Di ko malilimutan yung gabi na unang beses kaming nagtabi sa pagtulog sa resort, sinadya ko yun e haha. Yung magkatabi kaming naupo sa bus. Yung mukha niya habang natutulog at tumutulo ang laway. Nung Valentine's day nung grade 7 siya at naglagay ng card sa locker ko haha. Kinuha ko ang bag na dala ko at nilabas ang card na binigay niya sakin dati nung grade 7 palang siya. Oo, sa lahat ng card na binigay sakin, ito lang ang pinahalagahan at tinago ko. Isang pink na papel na nakafold sa gitna at may ribbon ribbon pa sa gilid. Tapos sa gitna may nakasulat na Happy Valentine's Day! Unang kita mo ay maiisip mong galing ito sa isang babae. Napangiti ako habang tinitignan muli ang card. 'Dear Gregorymyloves, Alam mo ba unang kita ko palang sayo nastarstruck nako! Jusko ang gwapo mo kaso suplado ka haha. Ang galing mo pa magvolleyball, plus pogi points yun. Nangangarap ako na sana makilala moko. Famous mo kase e haha dami pa nagkakagusto sayo. Basta sana maging successful ka, sana maging friends tayo. Namimiss na kitang pinapanood pag nagvovolleyball busy kase sa studies e huhuhu. Basta ingat lagi! Papakasal pa tayo haha. Miss you and again Happy Valentine's Day. Love, 4xcHel_m4pHagm4Ha1' Tumulo ang luha ko sa papel habang ngumingiti kasi ang jejemon niya pa dati haha. Namamasa ang mata ko habang tinitignan siya at hinahawakan ang kanyang kamay. “Miss na miss narin kita, bangon ka na diyan, sabi mo nga papakasal pa tayo.” Umiiyak ng sabi ko. Biglang pumasok si Azrael. Binati ko siya, ganun din naman siya sakin. Hinawakan ko ang kamay ni Axcel. “Aalis lang ako saglit ah? Aayusin ko muna buhay ko. Dami ko ng bagsak sa school e. Di ako pumapasok. Haha basta huwag mokong kakalimutan ah? Magaaral ako sa ibang bansa e. May business kasi sila daddy sa America kaya magmimigrate muna kami dun. Ayoko man umalis, pero kailangan ko na e.” Tinignan ko ang kamay ni Axcel at suot parin niya ang singsing. “Pag balik ko, gusto mo parin kaya ako?” Sabi ko habang umaagos ang luha saking mga mata. “Kasi ako, I am and always will be, into you.”

Nauna ng nagpunta sa States sila mommy at dad. Nakiusap na nga lang ako na iextend ang stay ko here in the Philippines. Nasa airport nako dala na ang mga kailangan ko para umalis ng bansa. I don't wanna go, but I have to. Para sakin narin to. Masyadong tumigil ang buhay ko dahil sa sakit na naramdaman ko. It's about time I proceed and move on. Moving on doesn't mean forgetting, it means putting things back again in perspective. And I think it is the right time to do so.

Sa movies ganto diba? Pag tipong aalis na yung bida, bigla nalang palang hinahabol siya nung kapareha niya. Kaso realidad to e. I sat down to my assigned seat and I rested for a while. Binuksan ko ang window at nakita ang wing ng plane at ang malawak na paliparan. Nung lilipad na ang plane ay nakatulala lang ako sa window. Fascinating to know that I'll leave this place, I'll leave the people, and I'll leave the memories. Pumikit ako at binura ang mga iniisip ko. And I thought 'It's for the best'

At first it was hard. I had to adjust to the environment here in America. I missed the Philippines, I missed the people I left there. Specially him. Totoo pala yung home sick, kala ko kasi dati di totoo yon dahil may social networking sites naman para makaconnect sa mga taong iniwan mo sa Pinas, pero iba parin pala pag malayo ka na sakanila. Nakatulala lang ako minsan tas di mo alam yung feeling basta parang may nakabara sa dibdib mo. But eventually, nagaral nako, naging busy. Lahat ng atensyon ko itinuon ko sa pagaaral. Somehow, nagiging proud na parents ko sakin because my grades are better than expected. Minsan nga tinatanong nila ako kung inspired ako. Hindi ko naman sila sinasagot pero sa totoo, hindi ako inspired, tinutuon ko lang yung full attention ko dun para di ko maisip si Axcel. Dumaan ang isang year, parang nabura na talaga yung mga naramdaman ko dati.  As I was studying, a sudden thought came to me. I logged in, and stalked Axcel. Well, minsan lang kasi ako nag oonline kasi baka makita ko sila Axcel, malulungkot nanaman ako. And I'm not really into social networking sites. I prefer some though, like twitter. Kinabahan ako. Marami na siyang pictures. Glad to know na okay na siya. Si Axcel yung kabaligtaran ko, kung ako suplado, siya super jolly and papansin. Kung ako introvert, siya super extrovert. Madali kasi siyang makisama. As I was scrolling through his profile, I saw his status saying 'Sabi nga ni Popoy, baka tayo iniiwan ng mga taong mahal natin, kasi may bagong darating, yung taong di na tayo sasaktan at itatama ang lahat ng mali sa buhay natin. Naghihintay parin ako, kasi sabi nila kung mahal ka, babalikan ka. Pero minsan naiisip ko, kung mahal ka nga niya, dapat nung una palang hindi ka na niya iniwan.' May kirot akong nadama sa nabasa ko. Tama ba na nagpakalayo ako? O isa lang yung malaking kamalian? Nag log out nako at inayos ang gamit ko papuntang school. Pumunta ako sa sasakyan ko at nagdrive papuntang school.  Sa isa kong subject mayroon akong nagiisang kaibigan. Her name is Freya. First day palang suplado nako sakanya, di ko siya pinapansin, but she's consistent. Kahit na pag kinakausap niya ko di ako umiimik, pinili parin naman niya akong maging kaibigan. Maganda siya, matangkad, and american. “Hey Gregory!!!” Maingay na bati niya sakin. Tumingin ang lahat sa banda ko. Naiilang akong tumingin sakanila at dumeretso na sa upuan ko. Tahimik man ako, di ko parin mapagkakailang marami parin ang nagkakagusto sakin. Di lang siguro nila ako kinakausap kasi nga 'grumpy' daw ako. Sabi ng parents ko, dati daw okay na ko. Malamig ako nung highschool pero nagbago daw ako, at ngayon bumalik nanaman sa dati. Malamang wala na yung taong tumunaw sa malamig kong puso. Nabago niya ko, at ngayong wala na siya, nabago nanaman niya ako. “Ms. Smith, what is your definition of love?” Interesting. The girl stood up, siya yung tipo ng tao na walabg pakyelam sa mundo, well parang ako. “Love is nothing but a series of chemical chain reactions inside the brain.” Grabe siya. Bitter lang. Medyo nabigla ang prof. namin pero di naman niya pinahalata. “Okay, let's proceed.” Andaming mga sinasabi. Nagkwento pa ng lovelife ang prof namin. Kesyo may naging gf daw siya kaso ayaw ng parents ng girl sakanya, so hanggang ngayon binata parin ang prof. namin kasi nangako daw sila kuno sa isa't isa na sila parin sa huli. And now, dahil psychology is part of our topic, he questioned us na kung kami daw ang nasa posisyon niya anong gagawin namin, or what is our way of thinking about the situation. “Mr. Guevara, what would you do if you were into this kind of situation?” I already am but in different kind of reasons though. Walang emosyon ko siyang tinignan at tumayo. “What you're doing now is wrong sir. If I was in your situation, I won't wait, because I don't want to waste countless opportunities that can be gateways for a better future. If we're meant to be, we will be, without forcing or further desperations.” Heto ang dahilan ko kung bat nakaya kong iwan si Axcel. Kung kami, kami talaga.

No comments:

Post a Comment

Read More Like This