Pages

Sunday, March 27, 2016

Fort Agua State (Part 1)

By: Bear

Pagkatapos kong mag-ilusyon ng isang boung season ng cheerdance namin, naging normal ang buhay eskwela ko. Naging close ulit ako sa mga kaklase ko kasi nung ngche-cheerdance pa ako, miminsan lang ang makasama sila sa gimikan. Ngayon, eh kung Friday at Saturday nights sila ang malimit na kasama ko. Balik buhay projects, research at quizzes or exams. Nagkikita pa naman din kami ng mga ka-cheerdance ko pero di na ganun kadalas. Masasabi ko ngang nakaget-over na ako sa crush kong si Marvin Arellano. And then summer passed tapos enrollment na naman…

    Enrollment day, pagkatapos magpa-clearance, I went straight sa tambayan ng mga ka-cheerdance ko tas yun na naman, nakita ko si Marvin. Haaaay, meron pa ring jitters pag nakikita ko siya. By the way, naging super close kami after all what happened. To make it short, nag-confess ako sa kanya na crush ko siya, tinawanan niya ako, akala niya nagjo-joke ako pero hindi, yun nag-sorry siya kasi straight nga daw ang mokong tas inakbayan ako, kiniss sa cheeks tas naging close. Yun. So, eto ang nagmamahal na friend ang show ko.

“Bear, anjan ka na pala.”
“Ay hindi ako to bear, hologram ko lang naman to.”
“Peste, pinipilosopo na naman ako. Lika nga, may ipapakilala ako sa ‘yo.”

Tas he motioned me inside the tambayan. May mga nagtatambay na new faces sa loob. Sa isip ko eh pinagtitripan ako ng mokong na Marvin na to or hinahanapan ako ng boylet. Well, hindi naman masama ang mga hitsura, me isa nga na super na-attract ako eh.

“Well?”
“What?”
“Ano sa palagay mo?”
“Pwede na. (Nag-assume ako na tama ako sa hinala ko)”
“Hmmm so okay ka sa kanila. (Is he pimping me?)”
“Yeah, keri naman di naman masyadong pangit.”
“Panget? Tignan mo kasi built, pwede magbuhat ang mga yan di ba?”

    Peste iba ang iniisip ng gago, hanap palusot! CHEERDANCE ANG TOPIC, HINDI BOYLET! PALUSOT! Help mga Dioses ng Kabaklaan!
“Ay hindi bear, kailangan gwapo para hindi ako magsawang magpraktis tas ng me iba namang gwapo sa team.” (phew! Salamat dioses!)
“Tulad ko?”
“Isingit pa ang sarili. Hangin no? Me bagyo ata.”
“‘Bakit? Di ba ako gwapo?”
“Well, hindi ka naman panget bear.”
“Kaya nga naman nagka-crush ka sa ‘ken?”
“Haha, binabalik mo talaga yang topic na yan no?”
“Stating the truth bear.”
“Hindi naman dahil sa kagwapohan mo ako na-crush ako bear eh.”
“Weh?”
“Kasi malambing ka sa ‘ken, mabait. Dedicated ka sa craft natin. Caring ka sa lahat ng members tas love mo parents mo. Funny ka tas hinahatid mo ko nun pag-umuuwi tayo galing praktis.”
“Kasi naman po dinadaanan namin apartment mo! Eto naman talaga oh Assumera ka talaga!
“Basta yun yun. Teka nga, ba’t ba pinapaala mo sa ‘kin to ha?”
“Wala lang bear. Masarap lang pakinggan na may nagmamahal sa ‘kin maliban sa pamilya ko.”
“Gago to, dun ka sa jowa mo kung ganyan lang naman pala gusto mo uy!”
“Break na kami bear eh.”

    Sa limang buwan na pagkakilala ko kay Marvin, pag nasaktan to eh todo. Yung tipong iinom ng sobra na kahit isuka na kahit bituka eh tatagay pa talaga. Naku, naku. Wag ako ang gawing sandalan neto ngayon eh baka, mamatay ako sa kakaasa na sana ako na lang! (Move-on daw eh noh? Sarap kong batukan!) So, pilit kong iniba ang topic.
   
    “Kakapagod naman oh, libre ka naman softdrinks bear. Napagod ako kapapaenroll eh”
    “To naman oh, walang kwenta…”
    “Ba’t mo naman nasabi?”
    “Hinihingahan na nga ng problema, binabalewala pa”
    “Ba’t naman sa ‘ken pa kasi ka nagsasabi ng ganyan bear? Alam mo naming crush kita nun pa di ba?”
    “I have no one to turn to kaya bear, ikaw lang.”
    “Gago! Meron pa naman tayong ibang friends ah!”
    “Di naman ikaw sila bear.”
    “Bear naman eh, aasa na naman ako neto eh”
    “Sorry na po. Ikaw lang naman kasi ang meron ako bear eh”
    “Ano pa nga ba magagawa ko? Baka ka naman magpakamatay diyan ako pa masisi ng pamilya mo.”
    “Ay grabe to oh, di naman hanggang dun bear.”
    “Oh siya, dahil heartbroken ka bear, manglilibre ka ng tagay ngayon”
    “Kahit kelan kuripot ka talaga. Kaya walang nagtatagal na lalake sa ‘yo eh”
    “Ikaw lang bear?”
    “Oo bear, ako lang”

    At nagwala ang baklang budhi ko ng masabi yun ni Marvin. Tanong ko sa sarili eh, aasa na naman ba ako neto? Eh bahala na dadamayan ko na muna tong loko na to baka anong gawin neto pag napag-isa.

    Mula ng magsimula ang klase, hindi ko na ulit nakita ang bear Marvin ko. Wala naman sigurong masamang nangyari sa amin nung mag-inuman kami nung araw na yun kaya it left me wondering bakit di siya nagpapakita sa akin, madalang din lang kung magtext. Its almost time for the cheer auditions kaya umaasa akong makikita ko na ang bear ko kaya ng magpost ang coach namin na auditions na the following weekend, na-excite ako. Umiilusyon na naman ang drama ko. Alam kong hindi yun mangyayari pero attached na talaga ako sa taong yun. Ewan ko ba. Yun bang parang kulang ang araw ng hindi mo man lang marinig ang boses. In-love? Ewan ko lang din ba.

    Araw ng auditions. Naging practice na namin ang pagkikita ng auditions lalo na at meron kaming mga ‘manok’ na gusto naming mapasali sa team. Ngayong year lang na to ang wala akong nairekonmenda kasi medyo nabusy sa duty at sa projects, at sa kakaisip kay bear. Alas-dos ng hapon magsisimula ang auditions at sa latest na announcement, lahat ng members ay required na pumunta. Eksaktong alas-dos naman ng makarating ako ng gym at hindi ako nagkamaling dun lang kami magkikita uli ni Marvin. Hindi ko siya pinansin. I walked past him and went straight sa locker ko para ipasok ang gym bag at nagpalit ng damit para sa auditions. Tapos nakipagkwentuhan sa girls.

    “Be, madalang ka atang mapasama sa ‘min ngayon ah”
    “Nakaduty ako Trish di ba?”
    “Naman kasi Alex, sabi ko sayo sabay na tayo next sem”
    “Can’t Jen kasi alam mo naman terorista yung prof natin sa isang subject next sem di ba? Dapat focused ako dun”
    “At dito? Di ka focused?”
“Hindi naman sa ganun, kaya kong magduty ng eight hours at magpraktis kasi dalawa lang naman ang subjects ko, minor pa yung isa, keri lang kesa next sem”
    “Sabi mo eh, by the way, away kayo ni Marvz ngayon?”
    “Di ah. Pano nyo nasabi?”
    “Hindi mo pinansin kanina eh”
    “Ah eh---”
    “Teka tawagin ko lang, Maaaa---”
   
Binusalan ko ang gagang Trish dahil ayokong pansinin muna si Marvin. Naiinis ako na ewan. Nagbababae kumbaga, feelingera ako eh.

“Gagang to! Di mo nakikita na may endorsed sya ngayong?”
“Kebz ko sa kanila. Makakapasok naman ata yang mga yan eh”
“Pano mo nasabi?”
“Magaling magtumbling, tapos nakakapagbuhat pa”
“Weeeh?”
“Round-off back-tuck tas lay-out, sisiw sa kanila. Tas tanungin mo si Jen inuhat niyan ni Jon kanina eh”
“Sinong Jon?”
“Yung lakas makababae na yun”, tinuro neto ang Jon at nasamid ako sa iniinom kong tubig. SHET! Eto yung gwapo sa tambayan ah!
“Anyare te? Ba’t ka nasamid? Gwapo noh?”
“Nakita ko na kasi yan?”
“Nakita? O naging boypren mo yan?”
“Gagang to! Hindi ah. Tinuro lang sila ni Marvin saken nung tumambay kami.”

The auditions went well. Nakapasok nga yung Jon kasama ang mga friends nito. Then, our coach announced that the practice will start on Monday so we better prepare kasi we will hit harder this time. And he dismissed us…

“Bear, san ka after?”
“Apartment po bakit?”
“Tambay muna tayo oh”
“Ayaw”
“Ba’t ba iniiwasan mo ko ha?”
“Ikaw nga tong umiiwas eh”
“Hinahanap kita lagi sa school di ka naman nagpapakita”
“Tinitext din kita, madalang ka naman magreply”
“Eh sira keypad ng phone ko, sinabi ko na yan sa yo noon pa kaya ayaw ko magtext kasi mahirap magtype, eh ikaw?”
“Nakaduty ako, 5 na pasok ko at MWF lang”
“Kaya pala di tayo nagkakaabot na hayop ka”
“Di ka naman kasi nagpaparamdam”
“Ikaw din naman kasi”
“Sisihan na lamang tayo ganun?
“Gutom na ko bear, libre ka naman”
“La ako pera bear, ikaw na lang, heartbroken ka pa di ba?”
“Luh, ginagawang excuse yung pagkabroken ko oh!”
“Wag na maarte bear”
“Kuripot ka talaga”

We went sa tambayan tas umorder ng burger tas fries and softdrinks. While we were talking about something, me sumingit sa usapan.

“Bro, salamat sa tulong ah. Nakapasok kami sa squad”, si Jon ang gwapong member na ngayon ng team namin.
“La yon bro, magkababayan naman tayo so mas pas aka sa akin tapos may taga-bantay na rin at titestigo pag nagtanong si mama kung anong ginagawa ko”
“Loko to oh, ginawa akong witness. Teka si Marky ka di ba?”
“Yeah”, matabang kong reply. Sisingit-singit ba naman sa date namin ng bear ko.
“I’m Jon,” at inabot ang kamay. At ewan ko ba kung bakit kusa na lamang na kumilos kamay ko upany kamayan ang gagong to (or lumalandi ako ng di ko namamalayan). Tiningala ko siya at nakita ko ang pares na napakandang mata na nakita ko sa tanang buhay ko. Yun bang deep set tas brown na parang naiiyak na tumutusok sa kalamnan na nangtutunaw ng buto at kaluluwa.
“Ahhh bear? Ba’t ganyan ka makatingin kay Jon?”, naibalik ako sa aking ulirat ng tapikin ni Marvin ang aking balikat.
“Ah eh (Dioses help!), para kasing familiar sya bear eh”
“Siya yung tinuro ko sa ‘yo sa tambayan, remember?”, paalala ni Marvin sa akin. Of course kilala ko to kasi magkatabi lagi classroom namin, lagi siyang napag-uutusan ng professor sa aming room tas lagi niya akong nginingitian. Kaya, pilit akong ng-i-eavesdrop tuwing may kausap siya.

JON MARK AGONCILLO. BSTourism. Second year. Transferee from Fort Agua State University. Oh ha! Tapos kabe-break lang sa girlfriend!

“Oh oo nga bear, naalala ko na”
“Pasado ba bear?”, sabay kindat
“Okay na bear”, nagkibit-balikat lang ako kumbaga. Feelingera nga eh. Pakababae ang show.

Pagkatapos nun ay tinawag na kami ni coach para sa company call. Magpapakilala lahat ng team members lalo na ang mga bago. Tapos i-o-orient ang lahat sa rules at regulations ng team, mga benefits tapos responsibilities, basta ganun. Announcement din ng bagong team captain, kaya excited ang lahat. In all fairness, lahat ng mga nakapasok ngayong year na to eh may mga itsura kaya happy ako. And its Jon’s time to introduce himself.

“Hello po sa inyong lahat, ako po si Jon Mark Agoncillo, pakitawag nalang po akong Jon. BSTourism---”

Biglang lumapit si Jon sa akin at hinablot ako mula sa pagkakaupo. Wala akong nagawa kundi ang magpadala sa hatak niya at napatayo. Bigla akong napasinghap dahil napakalapit naming na isat-isa, hawak-hawak niya kamay ko, ramdam ko ang pintig ng kanyang puso at naaamoy ko ang napakabango niyang hininga. Lalo pang bumilis ang pintig ng puso ko ng dahan-dahan niyang inilapit ang kanyang mga labi sa aking---

“BEAR! ANO BA! TARA NA!”

Peste tong Marvin na to! Pinutol pa ang pagde-daydream ko! Yun na sana yun eh! Kakainis naman eh!

“Ano bang nangyayari sa ‘yo bear ha at lagi ka lang kitang nahuhuling nakatunganga? May problema ka ba?”, bakas sa tono nito ang pag-aalala. “Nakakapanibago yang behavior mo ngayon bear, may hindi ka sinasabi sa akin.”
“Ito naman oh. Marami lang akong iniisip, alam mo na projects ko, gagraduate na eh. Ikaw ba, di ka pa busy sa internship mo?”
“Hindi naman, Sir Geo actually assigned me on the morning sched so di apektado sa praktis natin, sa ‘yo ba?”
“Morning shift din ako bear. Sana kayanin ko to.”
“Tara na nga before ka magdrama.”
“San punta natin?”
“Secret”, sabay ngiting nakakaloko. Aba’y pinagtitripan ako netong gagong to! Wag siyang ganyan at baka mainlove ako uli sa kanya. Teka-teka, in-love pa nga ba ako kay Marvin? Haaaaist! Nanaksakit ng ulo isipin. Go with the flow lang muna sa ngayon and besides, di ko pa alam san ako dadalhin ng mga hinayupak na to.

Sa isang bahay sa isang subdivision kami nakarating, bandang alas-dyes na nun. Medyo may kadiliman kaya napahawak ako sa bisig ng bear ko. Matatakutin eh, bakla nga eh, feelingerang babae eh. So yun na nga at napansin ito ni Jon.

“Ba’t ka nakakapit kay Marvz?”, sita nito.
“Pake mo?” (sunget noh?)
“Hmmm takot ka siguro sa dilim no?”
“Pake mo?”
“Yan lang ba ang alam mong sabihin?”
“Pake mo?”
“Ke lalaking tao takot sa dilim”
“Bakla po ako”, pagmamariin ko sa sekswalidad ko.
“Ahhh yun naman pala eh”
“Pare, wag mong asarin at baka maupakan ka pa”, singit ni Marvin.
“Weeeh? Ito? Nananapak? Araaaaay!”, sinuntok ko sa tiyan ang gago. Naiinis kasi ako eh (o kenekeleg?)
“Yan, hininaan ko na para di ka mangisay”
“Ginu-good time ka lang naman Marky eh”
“Hmmmp!”

Normal na sa team naming ang tumambay at tumagay after ng practice, pampalipas oras kumbaga tapos usap-usapan naman ang mga kung anu-anong mga bagay, related man o hindi sa cheerdance. Parang getting to know more sa mga bagong members na rin para madali makapag-adjust sa kanilang mga attitudes and vice versa. At hindi kaibahan ang tagpong ito sa mga yon. Nagkataon na apartment ni Jon ang pinuntahan namin, mag-isa siyang nakatira dun kasi his mom is now working abroad after his father died. Yung younger sister naman niya eh andun sa probinsya kasama ang old maid niyang aunt.

“So pare, kelan ang uwi mo ng Leyte?”, tanong ni Marvin kay Jon
“End of sem pa ako uuwi pre, wala din naman kasi akong babalikan dun maliban sa kapatid ko”
“Kelan ba uuwi yung mama mo?”
“Two years from now pa pare eh”
“Hindi mob a siya namimiss?”
“Hindi naman masyado, parang nasanay na nga ako na wala si mama, pero namimiss ko pa rin naman siya”, may bahid na lungkot na sabi nito. Nakow, mama’s boy pala tong gagong to, sheeeet weakness ko pa naman ang mga ganyang lalaki, mapagmahal sa ina.
“Pareho pala kayo ng bear ko, walang tatay tas abroad ang nanay nito eh” (nananahimik ako dito, isinali pa ko sa usapan)
“Parang hindi naman pre, madrama ako, yang bear mo masungit eh”
“Aba’y binabadtrip mo kasi ako”, simangot ko kay Jon
“Hahaha, yaan mo lalambingin na kita simula ngayon, BABY”
“Baby mong mukha mo”
“Yan ka na naman, nagsusungit ka na naman. Me regla ka ba baby?”
“Wala po!”
“Kayo ah! Wala pa nga kayong bahay eh nag-aaway na kayo” “Meant to be” “Sweeeet”

Umalingawngaw ang tukso sa sala nila ni Jon ng kami ang pinagtripan ng mga lokong cheerleaders, si Marvin naman ay tumatango pang tumawa ang sarap hampasin ng baso. Di ko alam na namumula na pala ang pisngi ko sa hiya kaya tumodo ang tukso.

“Uyyy tama nay an, baka magalit ng tuluyan ang bear ko”, saw akas pinagtanggol ako ng hinayupak na Marvin.

At lumalim ang gabi na paiba-iba ang topic ng usapan. Mula sa karanasan sa buhay, sa buhay estudyante kung paano naging magulo ang lahat sa buhay namin at sa kung paanong paaran kami nakabangon dahil sa pagsasayaw. Di namin namalayan na lagpak na ang ibang kasama namin at kami nalang tatlo ni Marvin at baby este Jon ang natira. Iba na ang lalim ng usapan dahil sa pamilya at pagibig na. Ikinuwento ni Marvin kung paano akong nabaliw daw sa kanya non at kung sa paanong napamahal ako sa kanya. Na-touch naman ako kasi naalala niya ang panahong ako lang pala ang dumamay sa kanya nung maghiwalay ang papa at mama nito. Sinabi pa nitong ako ang itinuturing niyang pamilya ngayon dahil hindi sila in good terms sa kanyang pamilya dahil sa nagawang kamalian noon. Hindi nakaligtas sa mga mata ko ang pagdungaw ng masasaganang luha sa mga mata ni Marvin ng detalyado niyang ikwento ang paghihiwalay ng parents niya at paghihiwalay din nila ng girlfriend niya for two years. Nasasaktan pa rin talaga siya sa nangyari kaya pinigilan ko na ito at minabuting painumin na lang ulit. Ngunit sumingit si Jon at…

“Kaya nga pare. Mahirap talaga pag ikaw na kalalaking tao eh umiiyak. Minsan noong kamamatay pa lamang ni papa ay bigla-bigla na lamang umaagos ang luha ko. Ewan ko ba, pati gf ko noon ay tinatawanan ako dahil para daw akong bakla na iiyak-iyak. Hindi ko raw mapanindigan ang pagkalalaki ko. Tatay ko kaya ang namatay nun. Kaya hiniwalayan ko.”
“Hiniwalayan mo?”, sabat kong tanong
“Oo Mark, wala kasing respeto sa mga magulang ko. Tiniis ko siya dahil nga sa mahal ko. Hinayaan kong disrespetuhin niya ang aking mga magulang pero sa mga oras na yun di ko na nakayanan. Wala talaga siyang respeto eh. Ewan ko na lang kung nakatuluyan ko yun”
“Mabuti na ngang hiniwalayan mo yun, kundi di ka matatransfer sa school natin, eh di kita nakilala nun” (lasing o lumalande? Lumalandeng lasheng)
“Masakit din naman sa akin ang hiwalayan siya dahil naging kaagapay ko siya nung ako eh may mga problema sa school ko noon. Pero di ko na siya kayang i-handle.”
“Alam mo, malaki talaga ang hanga ko sa mga lalaking malaki ang tanaw ng utang na loob sa mga magulang, lalo na sa mga nanay nila. Bihira kasi akong makakilala ng ganun, sweet sa mama.”
“Bakit di kaba sweet sa mama mo? Ay teka, knockdown na tong si pareng Marvin. Tulong naman oh, ipwesto natin to sa kwarto.”

Pinagtulungan naming buhatin si Marvin at ipinuwesto sa lapag na nilatagan ng comforter kasama ang iba pa naming kasama sa tagay. At bumalik sa sala para ubusin ang natitirang tagay.

“Nga pala, balik sa tanong ko, about sa sweetness mo sa mama mo.”
“Ayyy naku, sweet sobra! Siya kaya tagabili ng pants ko at mga damit ko. Kung ano sout niyang pants, sout ko rin”
“Hiraman kayo?”
“Hindi naman lagi”
“Make-up din?”
“Hahaha gago, nakita mo ba akong nag-make-up ha?”
“Hindi pa, malay ko ba kung patago ka kung mag-make-up”
“Gago, nagme-make-up ako naman ako pero di yung pambabae talaga.”
“Bakit naman? Ayaw mo bang magmukhang babae? Magsout babae?”
“Ayaw. I have nothing against naman sa mga baklang nagsusuout babae pero di ko lang talaga kaya.”
“Mabuti naman”
“At bakeeeet?”
“Kasi di bagay sa ‘yo”
“At anong bagay sa ken aber?”
“Yung ganyan lang na sout, simple, presko at parang ansarap yakapin”

Kinilig man ako sa mga sinabing yun ni Jon ay binalewala ko. Ayaw kong mahaluan ang kung ano ang relasyon naming sa ngayon. O baka umasa na naman ako sa wala. Mafo-fall na naman ako at masasaktan. Iniba ko ang topic at hindi nagtagal ay naubos na namin ang natirang inumin. Time to sleep na kumbaga. I went to the bathroom muna to freshen up. Mabuti na lang at lagi ko dala ang magic bag ko na me sando, shorts at brief tas toiletries. Pagkalabas ko ng bathroom, naabutan ko si Jon sa sala na nakaupo at nagsusuklay ng buhok, fresh na fresh ang loko sheet! Nakasando ng white at nakaboxers ng checkered na baaaah! Sanlibong dasal ang inialay ko sa mga dioses na di ako gapangan ng libog!

“Tara baby, tulog na tayo”
“Babyhin mo mukha mo”
“Ayan ka na naman sa pagkasuplada mo, tara na nga tulog na”

Peste angsharap sha tenga pakinggan ng hinayupak. Haaaayst sana gabi-gabi ganto. Pagpasok namin sa kwarto yun ngat bulagta na ang mga tao, si Marvin sa tatabihan ko sana eh yung nakabulagta na parang kokak so wala akong pupwestuhan. Parang natunugan ni Jon ang plano ko at…

“Hindi naman ako mangangat baby, dito ka na sa kama kasama ko. Promise di ako mangangagat.”
“Wag na wag mong gagawin yan at tutuluyan ko talaga ang suntok ko sa yo kanina.”
“Hindi po. Takot ako dun”

Humiga na ako at pilit na ipinikit ang mga mata, hindi ko ipinahalatang kinakahan ako na katabi ko siya kasi alam kong good or bad things may happen between us lalo nat tulog ang mga kasama namin dito sa kwarto. Ilang minuto pa ang lumipas ng bigla ay niyakap niya ako, nabigla at napasinghap ako kasi hindi kenekeleg akeeh. Bwisit. Lalong bumilis ang tibok ng puso ko sa mga oras na yon. Parang me tambol ang dibdib sa lakas ng kaba. Pinagpapawisan ako ng malamig na naiinitan na ewan ko, hindi ko maintindihan. Humigpit ang yakap ni Jon sa akin ng…

“Huy baby”, bulong nito, “Humarap na naman sa akin oh. Ang layo-layo mo na nga eh nakatalikod ka pa”

Hehehehe imagination ko nga naman, ilusyunada talaga ako. Kasi naman totoong kinakabahan ako, di ako makatulog. Kubit ng kubit ang gago kaya napilitan akong humarap sa kanya. At anong pinagsasabi netong malayo ako eh halos di kami magkasya sa double bed na to. Sakto nga sa dalawang tao nga eh ayaw ko naman ng gantong sitwasyon. Pagkaharap ko sa kanya ay malademonyo itong ngumisi. Peste ansarap sampalin ng halik!

“At ano ngayon?”
“Usap na muna tayo baby oh”
“Akala ko ba matutulog na tayo?”
“Di ako makatulog eh”
“Ayaw ko, matutulog na ako”
“Weeeeh? Makakatulog ka kaya?”
“Oo naman!”
“Sure ka? Bakit kanina ka pa parang di mapakali?”

NAKU LAGOT! DIOSES HEEEEEELP!

“Namamahay lang, first time kong makitulog sa inyo eh”
“Masanay ka na baby kasi dito ka maninirahan poriber”
“Naku Jon ah, wag kang magloko ng ganyan baka seryosohin ko, masama akong biruin”
“Hindi ako nagbibiro”
“Oh siya, sasakyan ko trip mo ‘baby’. Pwede matulog na tayo?”
“Di nga ako makatulog eh”
“Ipikit mo mata mo at manahimik ka. Ganyan lang matulog baby.”
“Ansarap pakinggan ng tawag mo sa akin ah. Sana ganyan lagi.”
“O siya sige na. Matulog na tayo ha.”
“Pahawak ng kamay please”
“Hawak, tas matutulog na ha”
“Yes baby”

Bago ko pinahawak ko kay Jon ang kanang kamay ko, ipinikit ko ang kanyang mga mata tas hinawakan kamay ng loko. Ngumiti pa ito parang batang matutulog na. At sa ewang kadahilanan, parang gumaan ang pakiramdam ko. Unti-unti akong nakatulog.

“The competition is fast approaching and we are all hoping that you will do well. I would like to remind everybody, specially the new ones, the great sacrifices that we invested in this team just to reach where it is now”, maglelecture pa ata ang University president ngayon ah, “Yes we believe on how strong you are and how good is your choreographer but we want you enjoy your journey. Remember that we are so proud of you because of what you achieved. Keep our school proud. Keep the fire burning and fight till your heart is content! Go Sirens!”Kahit pagod na pagod na sila, parang nabuhayan ng loob ang team nang marinig ang mga salitang yun ng UnivPres. Pinalakpakan siya ng team at agad ng nagpaalam. Simula nun, may crowd na sila lagi na mga students sa gym. Laging may nagche-cheer sa kanila na nakakapagana naman sa pagsasayaw nila. In return, cheni-cheer din nila ang kahit anong team na nagpapraktis sa gym bago sila. Napakagaan sa kalooban na nagkakaisa ang buong unibersidad para sa isang adhikain. Iyon ang isa sa mga rason kung bakit nila nakuha ang kampeonato nila ng nakaraang taon.

“Naku naman kasi pinabayaan mo bear mo kagabi Marvz!”
“Ang cute tignan ng dalawa oh!”
“Himbing lang eh”
“Kulong sa bisig pardz eh”

Dahan-dahang kong iminulat ang mga mata ko dahil sa mga naririnig kong ingay. Ano bang meron bakit ke aga-aga ang ingay ng mga hinayupak na to? Kakainis!

“Bear? Alas dyes na po ng umaga”, sambit ni Marvin sa akin
“Ha? Bakit di mo ako---”, napatigil ako kasi nakadantay ang kamay ko sa dibdib ni Jon! At yung kamay niya ang ginawa kong unan! Sheeet ko! Sheeeeet! Landeeeee kooo! Noooooh! Tapos ang loko pangiti-ngiti pa!
“Haaaaay salamat at nagising ka na baby ko. Himbing ng tulog mo!”

Bumalikwas ako ng bangon at inihanda ang mga gamit ko. Dada ako ng dada kay Marvin kasi di ako nakapasok ng maaga, mageextend ako neto mamya.

“Bakit di nyo ako ginising? Ang duty ko! Bear naman eh”
“Kasi po bear, ang himbing ng tulog mo tapos---”
“Alam mo naming ayaw ko mag-extend ng duty eh. Alam mo ang—”
“Bear! Makinig ka nga muna”
“Late na ako bear! Ano pa ba sasabihin mo?”
“Sunday ngayon!”

Napanganga ako ng isigaw ni Marvin na Linggo nga pala. Walang duty sa firm. Walang internship. Free day. Rest day. Napabuntong-hininga na lang ako at napasalampak sa gilid ng kama ni Jon. Tiningnan ko ang mukha ni Marvin na alam kong napagsabihan ko at nahiya ako sa sarili ko.

“Bear… sorry…”, hingi agad ako ng paumanhin kasi alam kong ayaw ni Marvin na ginaganun siya. Ako kasi eh naaligaga.
“Kasi ikaw, naiwan lang kitang kasama si Jon, nakalimutan mo na kung ano ang kasunod na araw ng Sabado”, may halong panunukso sa tugon nito.
“Wag mo ko simulan bear, pag ako hmmm at teka,” bumaling ako kay Jon na nagkukunwang natutulog, “At ikaw? Akala ko ba hanggang dun lang yun?”
“Ang alin baby ko?”
“Hawak kamay lang?”
“Ikaw kaya yumakap sa akin”
“Ah eh ako pa talaga? San ebidensya mo? Kapal ng mukha neto!”
“Di po ako natulog baby ko, gusto mo makita picture mo na natutulog? Himbing na himbing ka pang nakaunan sa braso ko.”
“Suntok gusto mo? Burahin mo yan!”
“Ayaw ko baby,” sabay ngiting alademonyo
“Bago kayo magbangayan ng tuluyan na parang mag-asawa, kumain na muna tayo”, singit ni Marvin, “Punta na tayo sa kusina bago tayo maubusan ng pagkain ng mga gamahang andun. Tara na tayo na”

Umuwi akong lumulutang sa ere. Hehehehe. Sinusungitan ko nga si Jon pero deyp enysayd may hart, kenekeleg ako eh. Sheeeeet! Pinaglihi talaga ako ni mama sa kalan! Major Kalandian! Nakooooow! I don’t want this to end. Kasi kumbaga living the dream sa akin to. I-assumed na si Jon na nga ata ang magmamahal sa akin ng walang halong kapalit kundi pagmamahal din. Napuno ang imahinasyon ko ng walang katapusang masasayang alaala na bubuuin namin kung sakali. The dates, the silent walks by the beach, yung magdamagang pag-uusap hanggang sa makatulog kami na magyakap ang isa’t isa tas babangon the following day enclosed in each other’s arms. Ganeeern! Pinapahaba ko mashadow yung hairlalu ko kumbaga.

No comments:

Post a Comment

Read More Like This