Pages

Monday, March 7, 2016

Patintero

By: Kier Andrei

AUTHORS’ NOTE: To the moderators, sorry about the last story. Nagkamali po ako ng file na nai-attach. Tapos, hindi ko na din mahanapan iyong dapat sana ay ipapadala ko. So instead of sweating over it, here’s one. To EP. Sabi ko naman sa iyo, iyong kumento mo about sa Valentine’s Day celebration ko ang dahilan ng lahat ng ito. Hahaha Special thanks sa mga e-mails. Kayo na po ang nag-effort na i-e-mail pa talaga ako. And to everyone else who had been reading my stories here, MARAMING SALAMAT. I know that I may never be able to write something as “good” as Chasing Sunsets ever again, but I’ll at least try to come up with something you’ll enjoy. Again, this is a work of fiction. Kathang isip lamang po ang lahat.

“Are you two dating?”

Kabababa ko pa lamang ng motor ay iyon na ang ibinungad sa akin ni Hazel, nagpapalipat-lipat ang tingin sa amin ni Nathan na nakasakay pa rin sa motor niya. Nag-isip tuloy ako kung isusukbit ko ba talaga iyong bitbit kong backpack sa balikat ko o ihahampas ko iyon sa mukha niyang ngiting-ngiti.

Napatingin na lang ako kay Nathan at hinayaan siyang sumagot. Kung ako kasi iyon, mas mahaba pa sa buong Philippine Constitution ang maililitanya ko ng wala sa oras na magsisimula sa isang mura at matatapos sa isang mas malutong pang mura.

“Break na kami,” Tumatawa lang na sabi ni Nathan bago ako hinarap.

“Anong oras ka pupunta sa apartment?” Tanong niya sa akin na lalong ikinalaki ng mata ni Hazel. Halatang-halata sa mukha niya na iba na agad ang iniisip.

Muli ko na namang ikinunsidera ang hampasin si Hazel gamit ang backpack ko. Pasalamat na lang siya at may lamang laptop iyon at wala akong balak na isakripisyo ang susi ng kabuhayan ko para lamang matanggal ang malisyosong ngiti niya.

Concept Developer kami ni Hazel para sa isang maliit na film production at may meeting kami kasama ang isang indie film director ng araw na iyon.

“Tatawag na lang ako mamaya,” Sagot ko na lang. Hindi ko din naman kasi talaga alam kung anong oras matatapos ang meeting namin. Bago Iyong direktor na makakatrabaho namin nina Hazel kaya hindi namin alam kung ano ang diskarte.

Nagkataon na nagyayang mag-jogging si Nathan biglaan kaya kami magkasama. Dumating siya na naka-motor sa apartment na tinitirhan ko ng umaga pero iniwan na niya iyon doon dahil malapit lang naman iyon sa compound ng Provincial Capitol kung saan kami madalas tumakbo. Nakikain na din siya ng agahan sa apartment ko ng makita niya iyong niluto kong bistek. Paborito niya kasi iyon.

Nang malaman niyang may meeting ako sa kabilang bayan ay siya na mismo ang nagprisinta na ihatid ako para bawas pamasahe na lang din kumbaga. Bayad na daw niya sa paglamon niya. Umoo na lang ako. Sabado naman kasi noon at wala siyang pasok sa eskwelahan kung saan siya nagtuturo.

“Sige. Sunduin pa ba kita mamaya?” Tanong pa niya ulit. Sakto namang kapaparada din ni David, kasamahan din namin ni Hazel, ng motor niya sa tabi namin kaya narinig niya iyon.

“Uy! Dalagang Pilipina! Sinusundo!” Sabi agad ng mokong na ngiting-ngiti.

“Kayo?” Dagdag tanong pa niya na sa akin nakatingin. Ang sarap lang talaga nilang pagbuhulin ni Hazel.

“Break na kami!” Sabay pa naming sabi ni Nathan. Nagkatinginan tuloy kaming dalawa ng wala sa oras at natawa. Naki-fist bump pa siya sa akin na pinagbigyan ko naman.

Sinabihan ko na lang si Nathan na tatawag na lang ako kung anuman. Tumango lang naman siya at pinaandar na ang motor. Nang makaalis si Nathan, nauna na akong pumasok sa coffee shop at literal na hindi pinapansin ang mga makahulugang tingin nina Hazel at David sa akin.

Kumpara kay Nathan, mas matagal ko nang kaibigan ang dalawang kampon ng kadiliman. At kung meron mang tao sa buhay ko na atat na atat na magtawid bakod ako ay silang dalawa na iyon.

Openly gay naman kasi talaga si David kahit hindi halata sa kilos at galaw. Si Hazel naman ay isang bisexual. At dahil parehong single, ang pagiging malapit namin ni Nathan ang pinagdidiskitahan nilang dalawa na hindi ko din talaga maintindihan kung minsan.

“Para pare-pareho tayong malunod sa dagat-dagatang apoy!” Pabirong sagot lamang noong dalawa noong tinanong ko iyon sa kanila.

“I can swim,” Sabi ko na din lang noon at hindi na nagtanong pa ulit. Alam ko din naman kasi na kahit na anong sabihin ko, magagawan at magagawan nila ng paraan iyon para bigyan ng ibang kahulugan

Kung tutuusin naman ay hindi kami madalas na magkasama ni Nathan. Madalas na iyong magkita kami ng dalawang beses sa isang buwan dahil na din sa mga trabaho namin. Busy siya sa pagtuturo tuwing weekdays. Ako naman ay weekends din lang ang pahinga na itinutulog ko talaga maghapon at magdamag kung pwede. Literal na kain at ihi lang ang gising, kumbaga.

Iyon nga lang at pagdating sa Facebook, talagang halos araw-araw kaming magka-usap at alam iyon nina Hazel at David dahil imbes na sa chat, madalas na sa comments sa mga posts namin kami nagdidiskusyon. Iyon bang tipong literal na ginagawa naming chat box ang comment box madalas. Idagdag pa na madalas din niya akong itina-tag sa mga post niya at ganoon din naman ako sa kanya.

Kaya nga hindi na din ako nagtaka na may mga taong nag-iisip ng iba tungkol sa amin. Nangunguna na doon sina Hazel at David. Wala namang kaso sa akin iyon kasi alam ko naman kung ano talaga ang estado naming dalawa. Iyon nga lang at minsan, naiinis na din ako sa pang-aasar nina Hazel at David. Lahat na lang kasi ng bagay, nabibigyan ng kulay na ayaw ko sanang mangyari.

“Bakit ka pupunta sa bahay nila mamayang gabi?” Tanong sa akin ni Hazel hindi pa man kami nakaka-upo sa loob ng cafĂ©. Agad ding napatingin sa akin si David, halata ang interes. Tatatlo pa lang kami ng mga oras na iyon kaya mukhang balak talaga akong gisahin ni Hazel.

“Magkakamutan ng kati, bakit? May problema ka?” Pambabara ko na lang. Idiniretso ko na doon dahil sigurado ko din namang doon ang kapupuntahan ng usapan. Short cut kumbaga para matapos na agad.

“Saka pwede ba, tigil-tigilan na ninyo akong dalawa! Hindi ba kayo nag-sasawa sa pang-i-issue sa amin?” Dagdag ko pa.

“Ehhhhh, pagbigyan mo na kami! Sa inyo na nga lang kami kinikilig eh.” Sabi lang ni Hazel na sinang-ayunan naman ni David. Hindi na lang ako kumibo.

Simula pa lang naman kasi ay alam na nilang bukas ako sa isang alternatibong relasyon. Kaya nga kami naging malapit ay dahil na din doon at sa pagiging vocal ko sa aking pagsuporta sa LGBT community.

Ang sa akin naman kasi, walang karapatan ang ibang tao para sabihan ka kung sino ang dapat mong mahalin. Everyone has the right to live their life the way they see fit kumbaga at kasama na doon ang pamimili nila sa kung sino ang gusto nilang makasama habang-buhay.

Isa pa, sa industriyang ginagalawan ko, normal na din naman kasi ang mga ganoong relasyon kaya kumbaga, nasanay na din ako.

Iyon marahil ang dahilan kung bakit makita lang nila akong may kasamang lalaki ay nagtatanong na silang dalawa kung naglipat bakod na ba ako, lalo pa nga at magta-tatlong taon na din akong walang girlfriend. Para bang napakalaking bagay sa dalawang ugok na mag-ladlad ako, ganun. Tinatawanan ko na lang madalas.

Pero iba kasi iyong kaso namin ni Nathan.

Nahalata naman yata ng dalawa na wala ako sa mood na makipagdiskusyon tungkol sa relasyon namin ni Nathan at nanahimik panandalian. Tipo bang nananantiya kung pwede pa ba silang magtanong ng tungkol doon.

Kahit naman kasi gusto ko silang pagbigyan at i-entertain iyong idea na maging kami ni Nathan ay wala talaga. Unang-una, isa siyang Born Again Christian. Pangalawa, hindi man siya against sa LGBT community ay hindi din naman niya ito sinusuportahan.

“I don’t hate the person, just the act,” Iyon ang lagi niyang linya kapag napag-uusapan namin iyon.

Pero ang pinakamalaking dahilan ay ang katotohanang may asawa na siya. Nasa ibang bansa nga lang si Claudia, nagtratrabaho bilang nurse kaya hindi sila makasama.

Guwapo si Nathan kung itsura din lang ang pag-uusapan. Mas maliit lang siya sa akin ng tatlong pulgada sa taas niyang five-six. Medyo pahabang bilugan ang mukha niya, singkit ang mga mata, matangos ang ilong, mapupula ang sakto lang ang kapal niyang mga labi, may kakapalan ang kilay, at sa deskripsiyon ni David, nakakalaglag bayag kung ngumiti. Idagdag pang makinis ang maputi niyang balat na normal na yata sa mga katulad niyang may lahing Igorot.

Matalino din siya kaya nga kami naging magkaibigan. Sabihin nang mayabang pero hindi ko talaga matagalang kausap iyong mahina ang utak, at kung hindi ko pa nakakausap ng minimum of four hours na isang upuan ang isang tao, hindi ko pa siya kinukunsidera na kaibigan.

At iyon ang nagustuhan ko kay Nathan dahil kaya niyang makipagsabayan. Kahit na magkaiba ang opinion namin sa madaming bagay, lalo na pagdating sa relihiyon, ay hindi naman siya katulad ng mga ibang Kristiyano na wala nang ibang sinasabi kundi, “Iyon ang nakasulat sa Bibliya.”

Pareho din kaming mahilig sa panood ng pelikula at pagbabasa. Nagsusulat din siya ng mga short stories at essays katulad ko kaya kami talaga nagkasundo.

Nakilala ko si Nathan ng minsang maimbitahan ang grupo namin sa unibersidad kung saan siya nagtuturo para magbigay ng seminar para sa film production. Valentine’s Day noon pero wala lang, hindi uso sa akin kumbaga dahil nga matagal na ding single at wala pa talaga akong balak pumasok ulit sa isang relasyon. Magdadalawang-taon na akong walang girlfriend noon pero hindi ako apektado kahit pa nga ang dami-dami kong nadadaanan na mag-siyota.

“Bakit ang daming may dalang bulaklak? Undas ba?” Tanong sa akin ni David na kasama ko noong araw na iyon. Parte din kasi sila ni Hazel ng team na magbabantay sa workshop at seminar. Kabe-break lang nila ng long time boyfriend niya noon kaya bitter na bitter pa siya sa mundo.

“Magbe-break din kayo,” Pabulong pa niyang sabi nang may dumaang mag-jowa sa harapan namin.

Dahil inalihan ako ng saltik, inulit ko ang sinabi ni David pero mas malakas. Pinatulan ko lang iyong trip niya kumbaga. Napatingin tuloy sa amin iyong mag-jowa bago nakasimangot na umalis.

“Ang bitter niyo lang!” Bara sa amin ni Hazel na may hawak ding bulaklak. Bigay iyon ng lesbian partner niya bago kami nagpunta sa university. Masamang tingin lang ang ibinigay namin sa kanya ni David.

“Tayo na lang kaya,” Maya-maya ay sabi ni David sa akin. Umakma pa siyang hahalikan ako sa labi pero binatukan ko lang siya.

“Hindi ako pumapatol sa pokpok!” Sabi ko na lang. Nag-make face lang sa akin ang kumag. Aminado naman kasi siya na kindatan lang siya ng konti eh sige na siya agad basta tipo niya. Kaya nga pokpok ang tawag sa kanya ni Hazel na nagaya ko na din. Imbes na mainsulto, mukhang proud pa ang gago.

“Correction, ang pokpok, binabayaran. Ang isang iyan, kalabitin lang, basta guwapo, tutuwad agad. Isa siyang naglalakad na pangkamot ng kati!” Buska pa ni Hazel kay David.

“And I’ll be taking that as a compliment!” Sabi lang naman ng huli, pero halatang malungkot pa rin.

Si James na kasi ang pinakamatagal na n naka-relasyon ni David at sa unang pagkakataon, talagang hindi siya nagluko. Ang kaso, nakarma yata, ayun, siya naman ang pinendeho.

Itinutok ko na lang ang atensiyon ko sa pag-alala ng mga dapat naming gawin ng araw na iyon at hinayaan silang mag-angilan.

Dahil ako naman ang head writer ng grupo namin, ako ang natalagang magpa-writing workshop sa mga estudiyante. Nagkataon namang siya pala ang adviser ng writing guild noong unibersidad kaya siya nandoon.

Napansin ko na si Nathan simula pa lang. May ugali kasi siyang basta na lamang tumititig sa ibang tao at ng mga panahong iyon, sa akin nakatutok ang mga tingin niya. Nailang pa nga ako noong una pero hinayaan ko na lang. Akala ko kasi estudiyante din kaya hindi ko masyadong binigyan ng pansin. Medyo inis din ako sa kanya noon dahil late siyang dumating. Iyon pa man din ang pinakaayaw ko sa lahat.

Nagulat pa ako ng bigla siyang lumapit sa akin pagkatapos kong magbigay ng activity sa mga estudiyante at magpakilala bilang adviser ng writers guild. Ang bata niya kasing tignan at talagang mapagkakamalan mong estudiyante.

“I like you,” Sabi pa niya na nakangiti. At dahil malapit sa akin sina Hazel at David noon, narinig nila ang sinabi ni Nathan. Ngiting-ngiti pa sa akin ang dalawa na kulang na lang ay maglabas ng banderitas at fireworks ng wala sa oras. Nagtatatalon pa ang dalawa na parang mga tanga. Tinignan ko na lang sila ng masama lalo na ng mapansin kong nakatingin na din sa kanila si Nathan.

“Thank you. I like myself too.” Sabi ko na lang na tinawanan lang niya ng malakas. Napatingin tuloy sa amin ang mga estudiyante ng wala sa oras. Si Nathan naman ang tinignan ko ng masama.

“Pwede ba akong mag-private lessons sa iyo?” Tanong pa niya na ikinataas na lang ng kilay ko. Ni hindi man lang ito naapektuhan sa pambabara ko. Kung ibang tao iyon, napahiya na at basta na lamang umalis. Napatitig ako sa kanya ng wala sa oras.

Medyo malambot siyang magsalita pero hindi mo naman masasabing bading. Lalaking-lalaki naman kasi siyang kumilos at idagdag pang lalaking-lalaki din ang pangangatawan. Hapit kasi ang suot niyang t-shirt noon kaya halatang-halata ang umbok niya sa dibdib at ang flat niyang tiyan. Kitang-kita din ang braso niya na may cuts talagang masasabi.. Meron din siyang paunang tubo ng balbas na nakarugtong na sa patilya niya.

“Nakakahiya kasing maging adviser ng writing guild tapos ako mismo ay hindi din naman pamilyar sa kung ano nga ba iyong basics man lang,” Dagdag niya kaya hindi na ako nabigyang mag-isip ng kung ano man.

Napangiti ako ng wala sa oras sa aking narinig mula sa kanya. Kung meron man kasing isang ugali na gusto ko sa isang tao, iyon ay ang kakayahan nilang aminin ang mga bagay na hindi nila kayang gawin o gusto nilang matutunan. Ang iba kasi, lalo na sa industriyang ginagalawan ko, lagi na lang may-I-buhat-my-own-bangko-I’m-so-great-sambahin-niyo-ako lang lagi.

He was a breath of fresh air, ika nga nila. Biglang ang gaan ng loob ko sa kanya ng dahil doon at mas naging friendly ako ng kaunti.

“Sige ba!” Sabi ko na lang. Hindi ko naman kasi sigurado kung seryoso siya o hindi. Hindi na nga lang ako nag-inarte pa noong kunin niya ang cellphone number ko at pati Facebook account ko.

Isa pa kasi, magkikita din lang naman kami sa mga susunod na araw dahil nga kailangan ko ding bantayan ang filming ng mga estudiyante niya dahil iyon ang magiging pinaka-output nila para sa seminar na iyon. Mabuti na iyong may contact kami sa isa’t isa

Pagkatapos ng parte ko sa seminar, niyaya niya akong magkape sa isang malapit na coffee shop at doon ko siya nakausap ng mas maayos. Medyo awkward pa nga ng konti dahil ang daming nagde-date na mag-jowa. Tinaasan pa kami ng kilay ng isang mag-asawang may edad na, iyon bang tipong nanghuhusga. Kulang na lang ay sabihan kami na umalis na lang. Nakipagtitigan din lang ako.

Doon ko na nalaman ang tungkol kay Claudia at sa relihiyon ni Nathan na wala naman problema sa akin. Ano ba naman kasi sana sa akin kung may-asawa siya eh pareho naman kaming lalaki. Hindi din naman siya ang unang Kristiyano kong naging kaibigan kung tutuusin. Wala din naman siyang makitang problema sa paniniwala ko. Nagdiskusyon pa nga kami tungkol sa LGBT rights sa bansa ng wala sa oras at kahit magkaiba ng paniniwala, hindi naman kami nagpatayan.

“I still believe that you will burn in hell for what you believe in but that doesn’t mean we can’t be friends.” Sabi pa niya sa akin na tumatawa pagkatapos naming magdiskusyon.

“I still believe you’re being a hypocrite but yes, we can be friends,” Sagot ko din lang sa kanya.

Pagbalik namin sa hall kung saan ginaganap ang seminar ay iba na ang tingin sa amin nina Hazel at David. Hindi pa man nakakalayo si Nathan ay lumapit na sa akin ang dalawa para mag-usyoso.

“Ang gwapo-gwapo mo lang kuya! Ikaw na ang nasabihan ng I like you sa unang pagkikita. Ano? Love at first sight na ba ito o kamutin mo ang pantal ko moment?” Dirediretsa pang litanya ni David. Patango-tango pa si Hazel sa tabi niya na halatang kinikilig.

Napatingin ako ng wala sa oras kay Nathan, nag-aalalang narinig niya ang pinagsasabi ni David. Mukha namang hindi dahil kausap na niya iyong coordinator na nag-anyaya sa amin. Iyon nga lang at napansin niya yata na nakatingin kami kasi bigla siyang bumaling sa amin at ngumiti. Kumaway pa siya sa amin.

“Putang-ina, Kyle, akin na lang siya! Ang sarap! Braso pa lang, ulam na.” Dagdag pa ni David.

“Kaya nga!  Sa akin, Kyle, okay na ang share-share!” Komento naman ni Hazel.

Hindi na lang ako umimik. Wala akong balak patulan ang kalokohan nilang dalawa. Sa pagkakakilatis ko na din sa personalidad ni Nathan nang nag-uusap kami sa coffee shop, mauuna pang maging straight si Vice Ganda kesa sa pagtatol niya sa kapwa lalaki.

Muli, may asawa na siya. He was also firm with his beliefs at gusto kong irespeto iyon kaya kahit pabiro ay ayokong mag-isip ng iba. Mutual respect na lang, kahit hindi magtugma ang pinaniniwalaan namin. At the end of the day, wala din naman kasi talagang nakakaalam kung sino sa aming dalawa ang tama o mali.

“We could both be wrong. Who are we to claim exclusive real understanding of what God wants us to be anyway? We’re not God.” Sabi ko pa sa kanya na ikinangiti lang niya noong nasa coffee shop pa kami.

Simula noon ay madalas na kaming nakakapag-usap na dalawa ni Nathan sa Facebook o sa text. Lalo pa nga at mga dalawang linggo din na lagi kaming magkasama dahil na din sa pagbabantay ko sa ginagawang short film ng mga estudiyante nila. Habang nagbabantay, tinuturuan ko na din siya ng paunti-unti about screenplay writing.

Sa lahat ng mga naging kaibigan ko, siya na yata ang pinakamabilis na naging malapit sa akin.

“I admire you,” Minsan ay biglang sabi niya sa akin habang naglalakad kami pauwi galing sa shooting. Gabi na noon at dumaan pa kasi kami ng unibersidad dahil na din sa mga iniwan naming gamit. Aminado ako, medyo iba ang dating sa akin noon.

Ikaw ba naman ang malinyahan ng ganoon habang naglalakad kayo sa dilim kung hindi ka din magitla ng kaunti.

“Paki-explain ang admire na iyan at baka magalit ang asawa mo,” Sabi ko na lang saka ko sinundan ng tawa.

“For everything,” Lang ang naging sagot niya. Binago ko na lang ang usapan.  Hindi naman na niya iyon nabanggit pa ulit.

Kahit noong matapos na iyong  project ay ganoon pa rin kami. Dumalang nga lang ng bahagya dahil na din sa trabaho namin pero hindi naputol ang communication namin.

Umabot na din sa puntong magyayaya ang isa sa amin na mag-inuman. Tropa-tropa lang kumbaga kahit pa nga sabihing madalas na kaming dalawa lang ang magkasama. Doon ko na din nalaman na madami din palang mga bading ang nagpaparamdam sa kanya na hindi ko naman ipinagtaka. Mukha naman kasi talaga siyang habulin ng beki mainly dahil mukha siyang pumapatol.

“Ang hinhin mo kasi,” Sabi ko na lang nang tanungin niya kung bakit ko nasabi iyon. Doon na natapos ang usapang iyon.

Sa totoo lang, pakiramdam ko, nagpapatintero kami kapag nag-uusap. Siyempre, ako, nasanay ako na ang mga kasama ay tulad nina Hazel at David na pwede kong balahurain in more ways than one. Kaya minsan, nakakalimutan kong hindi siya katulad ng mga to.

Kapag luminya na siya ng, “I’d rather not talk about that,” sa akin, alam ko nang sumobra na ako.

Mahirap din naman kasi siyang timplahin kung minsan. Sala sa init, sala sa lamig kumbaga. Kaya ako, diretso lang.

“Would you ever be in a relationship with a guy?” Bigla ay tanong niya sa akin minsang nag-iinuman kami sa isang bar. Nagtaka pa ako noon dahil iyon ang unang pagkakataon na siya ang nagsimula ng usapan tungkol doon. Madalas kasi ay ako ang nagsisimula dahil alam kong naasar siya kapag nababanggit iyon. Pang-asar lang talaga kumbaga. Kaya medyo gulat ako sa biglang pag-iba ng ihip ng hangin.

Kalalapit lang sa amin ng isang grupo ng mga parlorista noon na nagbigay pa ng isang bucket ng beer kaya siguro bigla siyang nagtanong.

“Bakit mo natanong?” Kako naman sa kanya.

Medyo naparami na ang inom namin ng mga oras na iyon at halata na ding medyo lasing na siya. Mas madaldal at makulit na kasi siya. Paakbay-akbay na nga din ang luko-luko kahit na pinagtitinginan kami ng mga tao pero wala siyang pakialam.

Hindi ko naman iyon binigyan ng malisya dahil ako man, kahit hindi lasing, touchy talaga akong tao. Medyo nagtataka lang talaga ako dahil hindi naman kasi siya ganoon umakto normally.

“Lasing na ito,” Sabi ko na lang sa sarili ko.

“Just curious,” Sagot niyang titig na titig sa akin.

“Sure. If I fall in love with a guy. Why not?” Sagot ko lang sa kanya. Iyon din naman kasi ang totoo.
Ngumiti lang siya sa akin saka niiya itinungga ang bote ng beer na hawak niya sa isang kamay bago tumingin sa labas ng bar na para bang nag-iisip. Hindi na ako nag-aksaya ng panahon na siya tinanong kung siya tungkol doon dahil alam ko din naman kasi ang magiging sagot niya: HINDI.

Sakto namang ako na pala ang kakanta sa videoke. Itinutok ko na lang doon ang pansin ko.

Fallin’ iyon ni Janno Gibbs, isa sa mga paborito kong kanta.

Pumalakpak pa iyong grupo ng parlorista na nagbigay sa amin ng beer ng mapansin nilang ako iyong kakanta kahit hindi pa ako nagsisimula. Nginitian ko na lang iyong grupo nila. Natawa pa ako ng bigla silang maghiyawan. Umakto pa iyong isa na hihimatayin.

“Ikaw na ang gwapo,” Kantiya sa akin ni Nathan na tumatawa pero hindi na ako nakasagot dahil nagsimula na iyong kanta.

Our little conversations are turning into little sweet sensations
And they're only getting sweeter every time
Our friendly get-togethers are turning into visions of forever
If I just believe this foolish heart of mine

Naramdaman ko ang biglang paghigpit ng pagkaka-akbay sa akin ni Nathan pero hindi ko iyon pinansin.  Mukhang lasing na talaga ang kumag dahil may pasandal-sandal na sa balikat kong nalalaman.

I can't pretend that I'm just a friend
'Cause I'm thinkin' maybe we were---

Hindi ko pa man natatapos ang refrain noong kanta ay inagaw na niya sa akin ang mikropono at siya na ang nagtuloy.

Meant to be
I think I'm fallin', fallin' in love with you
And I don't, I don't know what to do
I'm afraid you'll turn away
But I'll say it anyway
I think I'm fallin' for you
I'm fallin' for you

Medyo nailang ako ng konti nang tinitigan pa niya ako habang kumakanta. May kakaiba kasi sa mga mata niya na alam kong hindi dahil sa alak. Iyong mga tingin niya kasi, nanonoot. Tumatagos sa balat at laman kumbaga. Kinilabutan ako ng wala sa oras.

“Lasing lang ‘yan,” Sabi ko na naman sa sarili ko.

Ayokong pagbigyan ang sarili ko na mag-isip ng iba sa ginagawa niya. Mahirap na din kasi na bigyan ko ng kahulugan iyon lalo pa nga at kitang-kita naman na lutang na siya.

Inagaw ko na lang ulit mula kay Nathan ang mikropono nang matapos niya ang  chorus. Nginitian lang ako ng pagkatamis-tamis ng kumag saka bigla akong hinalikan sa pisngi. Naghiyawan tuloy ang mga parloristang pinapanood pa rin pala kami.

Natulala ako panandalian. Para kasing naiwan sa pisngi ko ang init noong mga labi niya kahit nga panandalian lang dumampi iyon.

“Tantanan mo akong hayop ka!” Kunwari ay galit kong sabi kay Nathan.Pero aminin ko, nabigla ako doon.

Lalo lang nagpa-cute sa akin ang hayop. Iniabot ko na lang sa kanya ang kaha ng yosi at lighter saka ako humarap sa videoke. Mukha namang nakaintindi din ang kumag at nagsindi na lamang.

Ipinagpatuloy ko na lang ang pagkanta.

Whenever we're together, I'm wishin' that goodbyes would turn to never
'Cause with you is where I always wanna be
Whenever I'm beside you, all I really wanna do is hold you
No one else but you has meant this much to me

Muli na naman akong nagulat ng bigla na namang hawakan ni Nathan ang kamay kong nakahawak sa  mikropono. Pero imbes na kunin iyon ay hinila pa niya ako gamit ang naka-akbay niyang braso sa balikat ko para magkaharap kami.

Nabahin ako ng wala sa oras dahil nakaipit pa rin sa mga daliri niyang pinanghawak niya sa mikropono ang yosing sinindihan niya. Tinanggal naman niya iyon agad pero sinabayan pa rin niya ako sa pagkanta, habang titig na titig siya sa akin.

I can't pretend that I'm just a friend
'Cause I'm thinking maybe we were meant to be

Dahil sumabay siya, nag-second voice na lang ako. Mukha trip na din lang niyang magbigay ng show sa lahat ng nandoon, sasabayan ko na lang siya.

“Ito ang gusto mo ha! Sige, pagbibigyan kita!” Sabi ko na lang sa isip ko.

Nakipagtitigan na din ako sa kanya kahit pa nga lalong lumakas ang sigawan noong ibang nasa bar. Mukha naman na kasi talaga kaming naglalandian doon.

I think I'm fallin', fallin' in love with you
And I don't, I don't know what to do
I'm afraid you'll turn away
But I'll say it anyway
I think I'm fallin', fallin' in love with you
And I don't, I don't know what to do
I'm afraid you'll turn away
But I'll say it anyway
I think I'm fallin' for you
I'm fallin' for you

Ang kaso, ako yata ang na-wrong move dahil naramdaman ko na lang na bumilis ang pintig ng puso ko sa habang lumalalim ang titigan naman. Pakiramdam ko pa nga ay tumigil iyon panandalian ng  bigla siyang kumindat at ngumiti sa akin ng pagkatamis-tamis.

Ang lapit-lapit ng mukha niya sa akin ng mga oras na iyon at sa hindi ko malamang dahilan, bigla ay gusto ko siyang halikan. Hindi naman ako maka-atras dahil nasa balikat ko pa din ang braso niya. Isa pa, ayaw ko ding magpahalata na naaapektuhan ako.

Saka lamang bumalik sa normal ng kaunti ang tibok ng dibdib ko ng hinayaan niya akong tapusin na lang ng mag-isa ang kanta. Ilang linya na din lang naman iyong natitira pero muntik pa akong pumiyok ng wala sa oras samantalang ang baba lang naman noong kanta.

Naubos pa namin iyong isang bucket na ibinigay noong mga parlorista ng gabing iyon kaya literal na bangenge na siya ng umalis kami. Pinag-isipan ko pa nga kung iiwan ko na lang ba muna sa bar iyong motor niya at babalikan na lang kinabukasan. Kilala ko din naman kasi iyong may-ari ng bar kaya walang problema.

Nang magsuka na sa gilid ng kalsada si Nathan, nagdesisyon na akong kausapin iyong may-ari ng bar na iiwan iyong motor. Kahit kaya ko pang mag-drive, sigurado akong hindi na kayang kumapit sa akin ni Nathan kapag nagkataon. Pumayag naman ang may-ari ng bar. Siya pa mismo ang nagppasok noong motor sa likod ng bar.

Pagkabalik sa akin noong susi, pumara na ako ng tricycle. Una ko nang ipinasok sa loob si Nathan na halatang hindi na alam ang ginagawa. Pagtabi ko sa kanya, umayos pa siya ng upo at sumandal sa dibdib ko. Hinayaan ko na lang.

“I like your perfume,” Sabi pa niya na sinabayan niya ng singhot sa leeg ko. Nangilabot ako ng wala sa oras lalo na ng bahagya pang dumampi ang mga labi niya doon. Iba na kasi talaga ang dating. Idagdag pang may tama na din ako noon.

Nairita na lang ako nang mapansin kong patingin-tingin sa amin iyong driver imbes na paandarin iyong tricycle.

“Manong, baka gusto mo nang umabante? Ngayon ka lang ba nakakita ng dalawang lalaking naglalandian o gusto mong jumoin?” Bara ko sa kanya. Imbes na maasar ay ngiting-ngiti pang kumindat sa akin iyong driver.

“Pwede ba?” Tanong pa niya.

Hindi na nangilabot ang hayop. Ang laki-laki pa ng ngiti niya samantalang  parang exam naman iyong lilima yatang ipin niya na one seat apart. Hindi ko na lang pinatulan at sinabi ko na lang iyong address ni Nathan.

Pagdating sa apartment ni Nathan, inabutan ko na lang ng isang daan iyong driver at hindi na kinuha iyong sukli. Iritable na din kasi ako sa mga tingin niya. Ang ugok naman na si Nathan, nakatulog na ng tuluyan. Kinailangan ko pa siyang yugyugin para gumising panandalian para makababa kami ng tricycle.

“Where are your keys?” Tanong ko sa kanya nang nasa tapat na kami ng unit niya.

“Pocket,” Sabi lang niya na nakapikit. Hindi naman siya gumalaw para kunin iyon kaya ako na ang kumuha. Nahirapan pa ako dahil medyo fitted iyong suot niyang pantalon. Hindi naman iyon skinny pero dahil mamasel ang hita at binti niya, ganun ang dating.

Namula na ako ng tuluyan ng pagpasok ng kamay ko sa bulsa niya eh ibang susi ang nahawakan ko. Hindi Naman iyon matigas pero may kalakihan at nakapaling sa kanan. Ang tarantadong si Nathan, biglang humagikgik ng malakas.

“Ibang susi ‘yan, brad. Susi ng langit.” Sabi niya. Agad kong tinanggal ang kamay ko mula doon at saka ko siya binatukan. Namula ako ng wala sa oras. Iyon kasi ang unang pagkakataon na makakapa ako ng hindi kalahai ni Eba.

“Asan nga?” Tanong ko sa kanya.

Sa wakas, siya na mismo ang dumukot noong susi na nasa kabilang bulsa pala. Iniabot lang niya iyon sa akin saka muling sumubsob sa may leeg ko. Kinilabutan na naman ako ng maramdaman ko ang hininga niya doon at sa unang pagkakataon, tinayuan ako ng dahil sa kapwa ko lalaki.

“Ang bango mo talaga,” Sabi pa niya sabay singhot sa leeg ko.

“Hoy! Tigilan mo nga ako! Kapag ako tinayuan, patutuwarin kita ng wala sa oras!” Saway ko sa kanya. Humagikgik na naman ang gago at lalo pang isinubsob ang mukha niya sa leeg ko. Tinamaan na ako ng tuluyan ng bigla niyang sipsipin iyon at saka dinilaan.

“Ang alat mo!” Komento pa niya. Gustong-gusto ko na siyang patulan ng mga oras na iyon pero nagigil ako. Hindi ako madasaling tao pero naka-tatlong Ama Namin yata ako ng wala sa oras sa isip ko. Inisip ko na lang si Claudia kahit hindi ko pa ito nakikilala ng personal.

Binuksan ko na lang iyong unit niya at saka ko siya iginiya papasok sa loob. Idineretso ko na siya sa kama. Ako pa talaga ang nagtanggal ng suot niyang t-shirt at sapatos dahil bagsak na talaga siya. Pinag-isipan ko pa ng kaunti kung tatanggalin ko din ang shorts na suot niya dahil nga sa nasukahan niya iyon. Sa huli, tinanggal ko na din lang.

Noon ko lang siya nakita na brief lamang ang suot. Muntik pa akong matawa ng makita kong Superman ang design noon. Kulay blue na may pulang waist band. May logo pa ng Superman sa mismong umbok niya. Lalo tuloy lumutang ang kaputian niya.

Gumapang ang mga mata ko sa kabuuan niya. Medyo balbon ang hita at binti niya pero hindi naman mukhang dugyot. Nakabuyang-yang pa siya noon kaya kitang-kita ko ang singit niya na maputi. Noon ko din lang nalaman na may itinatago palang abs ang loko. Hindi naman iyon kasing defined katulad ng sa mga modelo pero halata pa rin.

Umkayat ang mata ko sa dibdib niya na talaga namang maumbok. May kalakihan din ang nipples niya na pinkish at medyo malaki iyong tungki. Sakto pang nag-inat ang loko kaya pati kilikili niya ay nakita ko. Mabuhok iyon na hindi naman kataka-taka dahil balbon naman talaga siya. Napansin ko pang may balat siyang mamula-mula sa baba ng kilikili niya. Maliit lang iyon pero halata dahil nga sa maputi siya.

“May itsura nga talaga ang gagong ‘to…” Sabi ko na lang sa sarili ko. Bago ko siya inayos at saka kinumutan.

“Dito ka na matulog,” Biglang sabi niya sa akin ng akmang lalabas na ako ng kwarto. Napatingin tuloy ako sa kanya ng wala sa oras. Namumula pa ang mata niyang nakatingin sa akin.

Imbes na sumagot ay nagtanggal na lang ako ng t-shirt at sapatos  saka sumampa sa kama. Antok na antok na din naman kasi ako at dahil medyo may kalayuan sa main road ang apartment niya, siguradong kailangan ko pang maglakad ng malayo-layo para lang makakuha ng tricycle pauwi. Maluwang naman iyong bed niya dahil king size naman iyon.

“Goodnight,” Sabi ko na lang sa kanya bago ko siya tinalikuran. Picture nila ni Claudia noong kasal nila ang bumungad sa akin sa side table. Lalo ko tuloy inilayo ang katawan ko mula sa kanya.

“Night,” Sabi lang niya. Wala pa yatang isang minuto tulog na ako.

Paggising ko kinaumagahan, nadatnan ko na siya sa kusina na nagluluto ng agahan. Parang walang nangyari na kinausap lang niya ako ng normal. Dahil mukhang wala naman siyang balak na pag-usapan ang nangyari, hindi ko na din lang binanggit. Pagkatapos kumain, umuwi na din ako sa sarili kong apartment. Sinabihan ko na lang siyang balikan na lang niya iyong motor sa bar. Umoo na din lang naman siya.

Nang mga sumunod na araw ay hindi ko na sigurado kung talagang ganoon na ba siya kalambing dati pa o kung mas naging malambing lang talaga siya sa akin. Pero para makaiwas, pinilit ko iyong binalewala. Inuulit-ulit ko sa sarili ko na hindi pwede.

Wala namang nagbago sa pakikitungo niya sa akin kaya wala ding nagbago sa pakikitungo ko sa kanya. Kalma lang, ganun. Ang tanging nabago lang siguro na masasabi ay iyong mas naging open ako sa pang-aasar sa kanya sa mga beki na nagkakagusto sa kanya.

Hanggang sa umabot na ng isang taon na ganoon lang kami. Hindi na din naman naulit iyong nangyaring iyo kahit pa nga lumalabas pa rin kaming dalawa para uminom.

Pebrero na ulit ng sumunod na taon nang muli kaming ayain ng ng unibersidad nina Nathan para magbigay ng workshop. Mas maaga ang naging schedule para yata hindi na maitaon ng Valentine’s Day katulad ng dati.

Katatapos lamang namin ng isang indie film para sa Cinema One Originals noong mga panahong iyon kaya ipinasa ko na lamang kay David at Hazel ang pagpapa-workshop at lecture. Ang sabi ko na lang, ako na lang ang magbabantay sa mismong production. Itinawag ko na nga lang iyon sa kanilang dalawa kahit alam kong pagod din sila. Pumayag naman sila agad at sinabihan pa akong dadaan na lang sila pagkatapos ng workshop.

Nilalagnat na din kasi ako dahil na din sa stress at pagod. Idagdag pang kahol na ako ng kahol dahil sa ubo.

“Kulang ka lang sa Kiss-pirin at Yakap-sul, kapatid.” Kantiyaw pa ni Hazel. Narinig ko pa na sumabat si David na Biogesex na daw ang kailangan ko para mas matindi.

Tinawanan ko lang iyon. Kahit kailan kasi, mas frustrated pa sila sa non-existent kong sex-life ng mga panahong iyon.

Pagkatapos ko silang kausapin, nahiga na ako.

Ang himbing-himbing ng tulog ko nang may marinig akong kumatok sa pinto ng apartment ko. Wala na nga sana akong balak pansinin pero mapilit ang kung sino mang nasa may pintuan kaya napilitan din akong bumangon. Mahilo-hilo pa ako noon pero pinilit kong tumayo at buksan ang pintuan. Ang nag-aalalang mukha ni Nathan ang bumungad sa akin.

“Oh shit! Are you okay?” Tanong niya sa akin. Hindi ako sumagot.

Kahit naman kasi may sakit ako ay nahiya pa rin naman ako sa itsura ko. Suot ko pa rin iyong damit kong galing ng shooting at mahigit 48 hours ko na iyong napapawisan.

Isa pa, umaga pa ng nakaraang araw ako huling nag-toothbrush dahil literal na nasusuka ako maamoy ko pa lang iyong toothaste. Mahirap na at baka bigla siyang bumulagta kapag naamoy niya ang hininga ko, magkakaso pa ako ng wala sa oras.

Agad niyang idinaiti ang likod ng palad niya sa noo ko at lalong nag-alala nang maramdaman na mataas ang lagnat ko. Walang sabi-sabing pumasok na lang siya sa loob ng apartment ko at saka pilit akong idineretso sa sarili kong kwarto at pinahiga sa kama.

“Bahay mo?” Pambabara ko sa sa kanya pero tinignan lang niya ako ng masama bago sinuyod ng tingin ang kabuuan ng kwarto.

Nahiya tuloy ako ng wala sa oras. Hindi man kasi talaga ako OC pagdating sa gamit pero ng mga oras na iyon, daig pa ang dinaanan ng bagyo ang buong apartment. Basta ko na din lang kasi inilabas mula sa bag na dinala ko noong shooting iyong mga maduduming damit ko at itinambak sa sahig. Maging ang mga gamit kong iba ay nakakalat lang sa kung saan-saan.

“I guess you’re not perfect after all,“ Natatawa niyang komento pero kita pa din ang pag-aalala sa mukha niya. Inirapan ko lang siya. Gusto kong amg-react sa “perfect” comment niya pero hinayaan ko na lang.

Walang paalam na binuksan niya ang closet ko at agad na napakunot ng makitang dalawang brief at mga formal wears na lamang ang nandoon.

“Okay…” Sabi niya sabay lingon sa akin, tila nagtatanong. Inginuso ko na lang ang mga labahin ko.

Isang buwan din kasi akong hindi umalis sa location namin kaya dinala ko lahat ng mga damit ko at iyon lang talaga ang natira sa closet. Iyon nga ang dahilan kung bakit ko inilabas iyong mga damit ko sa bag. Balak ko sanang maglaba pagdating ko pero hindi na kinaya ng katawan ko.

Iyon din ang dahilan kung bakit kahit dugyot pakinggan ay hindi pa ako nagbibihis. Wala na akong damit na malinis. Ayaw ko namang magpalaba dahil noong huli ay nangati ako dahil mukhang hindi talaga nalinisan. Tipong pinabanguhan lang ng fabric conditioner.

“Nasaan ang susi mo?” Tanong niya sa akin pero nakita na niya iyon sa writing table ko bago pa man ako magsalita. Kinuha na lang basta ni Nathan iyon at saka umalis. Gusto ko sanang magtanong pero nakalabas na siya agad ng kwarto. Pumikit na lang ako.

Nang magising ako, tanghalian na at init na init akong hindi ko maintindihan. Pipilitin ko sanang bumangon pero hindi na talaga kaya ng katawan ko. Pakiramdam ko ng mga oras na iyon, bugbog na bugbog ang katawan ko. Ipinikit ko na lang ulit.

Medyo nagulat pa ako ng biglang bumukas ang pintuan ng kwarto ko at pumasok si Nathan na naka-shorts lang, dala ang breakfast table ko na anim na buwan ko na yatang hindi nakikita. Tinanong ko pa nga kung saan niya nahalungkat. Ang sabi lang niya, nasa likod daw ng washing machine. Hindi ko maisip kung paanong napunta doon iyon pero hindi na ako nagkumento.

May lamang bowl at isang baso ng juice na medyo kakaiba ang kulay ang breakfast table at saka kubyertos. Ibinaba na muna niya iyon sa lamesang katabi ng kama ko at saka niya ako tinulungang maupo na nakasandal sa headboard ng kama.

Amoy laundry detergent siya pero hindi ako nagkumento. May hinala na kasi ako kung bakit. Ayoko namang harap-harapang ipahiya ang sarili ko.

Iniayos niya ang breakfast table sa may hita ko at saka kinuha ang kutsarang nandoon bago sumandok sa laman ng bowl. Alam kong instant noodles iyon na hinaluan lang niya ng ilang hipon at pusit pero nahiya ako ng wala sa oras. Hindi naman kasi ako iyong tipo ng tao na paalaga.

Akmang susubuan pa niya ako kung hindi lang ako tumanggi.

“May trankaso ako, hindi imbalido,” Mahina kong sabi sa kanya. Kinuha ko ang kutsara sa kamay niya at ako na mismo ang sumubo. Medyo napangiwi ako ng konti nang malasahan ko iyong matapang na lasa ng luya. Napansin niya agad iyon.

“Sinadya kong damihan iyong luya para sa ubo mo kaya ubusin mo ‘yan.” Sabi niya sa akin.

Kung tutuusin ay masarap naman iyon pero hindi talaga ako mahilig sa luya. Pero dahil sa hiya, napilitan akong ubusin lahat ng iyon.

Nang maubos, iyon namang juice ang ipinilit niyang ipainom sa akin. Medyo hindi maganda ang itsura pero masarap naman at sa lagay na iyon ay hindi pa maganda ang panlasa ko.

“Ano to?” Tanong ko kay Nathan.

“Green apples, orange, grapes, peaches at saka gatas mula sa dow-dow ng carabao.” Sabi niyang nakangiti. Natawa pa ako ng bahagya dahil mukhang proud na proud siya sa sarili.

“Hello na lang dow-dow ng carabao mo,” Kako na ikinatawa lang niya. Inubos ko na din lang iyon sabay ng pag-inom ng gamot na dala niya.

Kinuha niya ang pinagkainan ko at lumabas ng kwarto pagkatapos. Pagbalik niya, may nasukbit ng bag sa balikat niya at may dala-dala na siyang palanggana na may lamang medyo umuusok pang tubig.  Kagat-kagat din niya ang isang bimpo na hindi ko malaman kung bakit hindi na lang niya isinabit sa braso niya. Napanganga na lang ako ng maintindihan ko ang balak niyang gawin.

“Uy! Sobra na ‘yan. Nakakahiya na…” Angal ko pero hindi niya ako pinansin.

Siya pa mismo ang nagtanggal ng suot kong t-shirt. Dahil wala na din lang naman akong  magawa, hinayaan ko na lang siya. Naglagay pa siya ng tuwalya sa kama bago niya ako pinahiga ulit. Sumunod na lang ako dahil nahihilo na din naman ulit ako.

Medyo napa-igtad pa ako ng simulan niyang punasan ang braso ko. Tawa pa ng tawa si Nathan ng makita niyang agad na nangitim iyong bimpong ginagamit niya. Nanlabi na lang ako. Nakadalawang palit pa yata siya ng tubig sa palanggana bago niya natapos na punasan ang upper body ko. Pati kilikili ko ay talagang kinuskos niya. Na-concious tuloy ako ng wala sa oras.

Nang ikaapat niyang balik sa kwarto dala ang palanggana, nagreklamo na ako.

“Ganoon na ba talaga ako kabaho?” Tanong ko sa kanya.

“Luko-luko! Eh iyong binti at hita mo pa?” Sabi lang niya sa akin. Napanganga na lang ako.

Nang hilahin niya pataas iyong kumot para iyong lower body ko naman ang nakalabas ay gusto ko nang mamatay sa hiya. Pipigilan ko sana siya pero ng makita niyang aangal ako ay tinignan lang niya ako. Kinuha ko na lang iyong unan at itinakip sa mukha ko. Ako mismo ang nagtanggal ng suot kong shorts.

Iyong init sa mukha ko ng mga oras na iyon, hindi na lang dahil sa lagnat.

Napabalikwas ako ng wala sa oras ng bigla niyang tanggalin ang brief ko. Ginamit ko ang unan sa mukha ko para takpan ang privates ko sabay tingin sa kanya na naniningkit ang mga mata.

“Oh come on! May titi din ako!” Aniya.

“Alangan namang magpalit ka ng brief na hindi iyan pinupunasan man lang?” Alam kong may punto siya pero siyempre, ibang usapan na iyon. Titi at bayag na iyon. Sabihin nang pareho kaming lalaki pero iba pa rin siyempre. Paano na lang kapag mas mangibabaw ang libog ko kesa sa lagnat ko at bigla akong tayuan? Mabuti sana kung choosy ang titi ng lalaki eh wala namang pinipiling kamay iyon.

Hindi ako kumontra pero inilahad ko ang kamay ko para kunin ang bimpo. Ngising-ngisi ang kumag na iniabot sa akin iyon. Siya na ang nagpiga noong tubig bago niya iniabot sa akin.

Naniningkit pa rin ang mata kong nakatingin sa kanya habang pinupunasan ko ang parteng iyon ng aking katawan. Ang kaso, nahilo na naman ako at napahiga ng wala sa oras. Nanghina na di ako ng tuluyan at nagsimula na namang manginig. Agad na bumakas ang pag-aalala sa mukha ni Nathan.

“Okay ka lang? Gusto mong dalhin na lang kita sa ospital?”

“Nahihilo lang ako.” Mahina kong sagot.

Ibinalot niya sa akin iyong kumot at saka kinuha sa kamay ko iyong bimpo. Siya na ang nagpatuloy noong ginagawa kong pagpunas sa privates ko at hindi ko na din nagawang magreklamo. Laking pasasalamat ko na lang na wala namang flag raising na nangyari.

Mabilisan din niyang pinunasan ang hita at binti ko, pati nga paa nang makita niyang nanginginig na naman ako. Pagkatapos noon, kumuha siya ng brief sa cabinet ko at isinuot iyon sa akin, bago niya inilabas ang isang shorts at long sleeve shirt mula sa bag na dala niya.

Nang mabihisan ako, walang sabi-sabing binuhat niya ako mula sa kama at saka inilabas sa sala. Medyo awkward pa nga dahil siyempre, mas malaki ako sa kanya.

Hindi pa rin ako umiimik ng ihiga niya ako sa sofa at binalot ng comforter na hindi pamilyar sa akin. Napangiti pa ako ng bahagya ng makitang Superman ang design noon. Kung hindi pa iyon sapat para makumpirma kong sa kanya nga iyon, ang amoy noon ang kumumpirma.

The clothes and the comforter had a distinct scent na sa kanya ko lang naamoy. It was like the smell of freshly cut grass with mint and orange na subtle lang. Kaamoy niya, in short.

“Dito ka lang muna. Kapag after two hours, hindi pa bumaba ang lagnat mo, dadalhin na kita sa ospital.” Sabi niya.

Tumango na lang ako at nakatulog na ng tuluyan. Ang laking tulong kasi noong ginawa niyang pagbabanyos sa akin para guminha ng kaunti ang pakiramdam ko kaya ang himbing talaga ng naging pagtulog ko.

Paggising ko, gabi na at nasa kama na ulit ako sa kwarto. Hindi ko na inisip na binuhat na naman niya ako dahil wala na din naman akong magagawa at nangyari na.

Ang maganda lang, medyo gumaan na din kahit papaano ang pakiramdam ko ng mga oras na iyon. Mukhang effective ang kanyang luya flavored instant noodles.

Ang una kong napansin ay ang beddings. Napapikit ako ng wala sa oras nang makitang iyong pinaka-tago-tago kong Harry Potter beddings iyon.Kumpleto iyon mula bead sheet, punda ng unan, hanggang may kakapalang kumot.

Paborito ko kasi ang Harry Potter series na mga libro. Maging ang mga pelikula niyon ay may original DVD version ako kahit pa nga napanood ko na sa sinehan. Sa cabinet, meron pa akong trunk na katulad noong kay Harry Potter kung saan nakatago ang lahat ng Harry Potter bubble heads ko at pati iyong wand at cloak. Bibili pa nga sana ako ng broomstick noong nasa Singapore ako pero medyo nahiya na ako ng kaunti sa sarili ko.

Napatingin ako sa kumot ng wala sa oras. Hindi naman sa ayaw ko iyong gamitin pero madalas kasi sa apartment sina David at Hazel at sigurado akong kapag nakita nila iyon, abot-abot na kantiyaw ang aabutin ko.OA dawkasi ang pagiging adik ko sa Harry Potter.

“Saka alam mo ba na tanging mga bakla lamang ang lalaking nahihilig sa Harry Potter?” Buska pa sa akin ni David noon. Sino daw ba kasing tunay na lalaki ang mahihilig sa isang teenage at sa “wand” niya.

Bumuntong hininga na lang ako at napatingin sa may pintuan. Hindi nakaligtas sa akin na malinis na ang buong kwarto. Wala na din ang mga nakatambak kong damit sa sahig. Maging ang lamesa ko ay na-organize na din.

“Teacher na teacher lang,” Bulong ko sa sarili ko. Pati kasi mga libro sa lamesa ko, na-arranged na by height.

Nakabukas ang pintuan ng kwarto kaya dinig ko ang paggalaw sa kusina. Kahit nanghihina pa, pinilit kong lumabas ng kwarto, balot ng aking Harry Potter na kumot. Nadatnan kong nagluluto doon si Nathan. Pakanta-kanta pa siya habang nagluluto at hindi niya ako agad napansin.

I burned a hole in
In the map I made
And I’m not sure what I missed
And I just made the same mistakes
Can I be more than this?
If this is all, if this is all we ever were
At least I’ve loved enough to hurt
Enough to hurt

Napasandal na lang ako sa pader at nakinig. Hindi pamilyar sa akin iyong kanta pero maganda iyong lyrics at iyong melody kung ang pagbabasehan ay ang pagkanta niya. Malungkot nga lang. Iyon bang tipong kapag gagawa ka ng mix tape para sa iyong pagsu-suicide, isa ito sa mga dapat paulit-ulit na tumutugtog. Iyong tipong mapapamura ka kasi ang sakit-sakit na.

I played a fool
Yeah, I played a losing game
And let go of my innocence
And I don't know
I'll ever be the same
Could I just be more than this?
More than this?
If this is all, if this is all we ever were
At least I’ve loved enough to hurt
Enough to hurt

Siguro, dahil na din sa trangkaso at nanghihina pa ako, naluha ako hindi lang dahil sa kanta kundi dahil sa lungkot sa boses niya. Nagha-hum na lang siya ng mga oras na iyon pero paulit-ulit lang iyong linyang “If this is all we ever were, at least I’ve loved enough to hurt” sa utak ko.

“So mahal mo?” Tanong ng isang parte ng utak ko. Napapikit na lang uli ako at hindi iyon sinagot.

“Anong nangyari?” Narinig kong tanong ni Nathan sa akin. Pagmulat ko, nasa harapan ko na siya, alalang-alala. Pinilit ko na lang ngumiti at sinabing masakit lang ang ulo ko.

“Sana kasi hindi ka na bumangon…” Malumanay niyang sabi.

Hinilot-hilot pa ni Nathan ang sentido ko. Ang kaso, sibuyas yata iyong huli niyang hinawakan kaya ang tapang ng amoy.

“Brad, amoy kanal na nga ang bunganga ko, pati ba naman sentido ko gagawin mo pang amoy sibuyas?” Tanong ko sa kanya.

Wala sa oras na inamoy ni Nathan ang kamay at napangiwi bago tumatawang pinaupo niya lang ako sa may lamesa. Idinaiti pa niya ang likod ng palad niya sa noo ko para kamustahin ang lagnat ko. Napangiti siya ng kaunti nang makitang bumaba na iyon.

“Mukhang pagaling ka na nga,” Sabi lang niya saka bumalik sa pagluluto. Dahil wala din naman akong magawa, naupo na lang ako doon at pinanood siya.

Sinigang na tuna belly pala iyong niluluto niya. Tinanong ko pa kung bakit tuna belly pa talaga at hindi na lang bangus o tilapia. “Basta” lang ang naging sagot niya.

Nang mailagay lahat ng rekado at matakpan ang niluluto, nagsimula naman siyang gumawa ng juice. May dala pa pala talaga siyang juicer. Ang effort lang tignan. Nang matapos siyang makakalahating baso, saka niya kinuha iyong gatas mula sa ref at hinalo iyon bago niya inilagay sa microvable mug ko na kasing laki ng arinola at inilagay sa microwave.

Napanganga pa ako ng mapansin kong may limang bote pa doon. Hindi niya kasi isinara agad iyong ref. Fresh milk. Mula talaga sa dow-dow ng carabao, iyong nakabote na mataas tapos parang dahon lang iyong pinangsara. Akala ko joke lang iyon.

“Umaasa ka pang tumangkad?” Kantiyaw ko sa kanya. Nag-make face lang siya sa akin saka naglagay ng gatas sa isang baso at uminom mula doon. Natawa na ako ng tuluyan dahil nagka-bigote siya ng wala sa oras, puti nga lang.

Nang tumunog iyong microwave, kinuha lang niya iyong mug mula doon saka nakangiting inilagay sa harap ko. Hindi naman siya scalding hot, pero medyo umuusok iyon ng konti. Masagwa pa din ang itsura pero ang sarap ng amoy.

Ako naman si tanga, hinawakan ko agad iyong mug samantalang nakita ko na ngang gumamit pa siya ng pot holder para ilabas iyon. Ayun, napaso ako ng wala sa oras. Naiiling na kumuha na lamang siya ng yelo mula sa ref at siya na mismo ang naglagay noon sa parteng napaso. Ako naman ang nag-make face sa kanya na parang bata.

Iyon ang nadatnang eksena nina Hazel at David. Ang mga hinayupak, mukhang nag-practice pa talaga para lang makapang-asar. Mukhang handang-handa sila sa moment na iyon eh.

Bigla ba namang kumanta ng “Do You Want to Build a Snowman?” pero iniba nila iyong lyrics. May kasama pa talagang choreo. Muntik ko nang pagsisihan na ginawa ko ang version na iyon noong kanta.

DAVID: Do you wanna have a bromance?
HAZEL: Isn't that kind of gay?
DAVID: No it isn't anymore.
HAZEL: I'm walking out the door.
DAVID: Please don't go away! It's okay 'cause we're best buddies.
HAZEL: Oh no, it's not. I'd rather drown and die!
DAVID: Do you wanna have a bromance?
HAZEL: No fucking chance I'll do a bromance.
HAZEL:  Go away!
DAVID: Okay, bye...

Umarte pang kumakatok si David na may kasamang sound effects. Humahagalpak na sa kakatawa si Nathan pero ako, nagpipigil pa din.

DAVID: Do you wanna have a bromance?
HAZEL: I already told you no.
DAVID: I think it would be kind of cool
HAZEL: We'll be a fool
DAVID: Holding hands along the hall
HAZEL:  No freaking way!
DAVID: Together we won't be lonely, whatever comes
HAZEL: Please jump off a bridge and die!

Ang hayop na si David, nag-inarte pa talagang umiiyak. Mukha tuloy siyang tanga. Iyong literal na ginamit niya ang hintuturo niya para i-trace iyong dadaanan kunwari noong luha niya saka niya biglang ibabagsak sabay sabi ng, “Plok!”

DAVID:  Hey...
DAVID: Please, I know you're in there..
HAZEL: Why are you still alive?
DAVID: They say you can't kill what's true, I'm here for you
HAZEL: Please don't start again!
DAVID: We'll always have each other
HAZEL: Just let me be, I'll never do that with you!
DAVID: Do you wanna have a bromance?

Nag-sound effects pa si Hazel ng Baril bago nagkunwaring nagpakamatay.

DAVID: Okay, bye...

Kahit masakit pa din ang ulo ko, pati ako ay natawa na din ng tuluyan. Si Nathan, kulang na lang ay gumulong sa sahig sa kakatawa dahil sa dalawa. Nag-bow pa ang mga hinayupak sa amin.

“Iyan ang  theme song ninyo!” Sabi pa Hazel.

Maya-maya ay natutok ang tingin nilang dalawa sa kumot na nakabalot sa akin. Nagkatinginan pa sila bago sabay na sumigaw ng “Expecto Patronum!” Inirapan ko lang ang mga hayop.

“Sabi ko na nga ba eh…” Sabi ko na lang na umiiling.

“Sabi ko na nga ba, mahihilig ka din sa wand eh,” Sabi pa ni David sabay taas-taas ng kilay. Ginaya pa niya iyong pagsasabi ko ng sabi ko na nga ba.

Kung wala lang akong sakit, kinutusan ko na na siya.

“Sinong bumaboy doon sa kanta?” Biglang singit ni Nathan na noon lamang natapos sa kakatawa.

Tinignan ko lang siya ng masama. Sina Hazel at David naman, sabay pa na tumuro sa akin. Mga hudas!

“Ikaw ang gumawa noon?” Tanong sa akin ni Nathan, nagpipigil ulit ng tawa.

“Bakit? May reklamo ka?” Naka-angil kong tanong. Imbes na sumagot ay tumawa lang siya ulit. Napatingin na lang kami sa kanya. Naka-move on na kasi kaming tatlo, siya ayun pa din, tawa pa rin ng tawa.

Natapos din naman siyang tumawa pagtagal. Sakto din namang luto na iyong ulam kaya kumain na kaming apat. Nailang pa nga ako dahil asikasong-asikaso nila akong tatlo. Ipinilit pa talaga ni Hazel na subuan ako.

“Pagbigyan mo na ako, punyeta!” Aniya sa akin nang ayaw kong pumayag.

“Gusto kong mag-practice mag-alaga ng bata.” Dagdag pa ng hitad. Nang ayaw ko pa ding ibuka ang bunganga ko, hinawakan na niya ang panga ko at pilit iyong binuksan saka isinalaksak ang kutsara doon.

“Di ba? Motherhood suits me!” Proud pa ang hayop samantalang muntik na akong mabulunan. Nakangiting inabutan lang ako ni Nathan ng tubig. Napataas pa ang kilay ko ng malasan ang apple doon.  Itinaas lan niya ang isang bote na may lamang tubig, apple at grapes. Ang lakas lang maka-healthy living.

Si Hazel na lang ang binalingan ko.

“Bakit? Kailan pa nagka-semilya ang daliri, aber?” Bara ko sa kanya.

“Hoy! Excuse me! Pwede ako sa daliri, dila at titi! All around ang kepyas ko, neng!” Aniya na tuwang-tuwa sa sarili. Napansin kong medyo namula si Nathan pero hindi naman nagsalita.

“And I’m the slut?” Tanong ni David.

Sabay pa kaming sumagot ni Hazel ng “Naman!”

Tawanan lang kami ng tawanan hanggang sa matapos kaming maghapunan.

Nang magpaalam sina Hazel at David, akala ko ay aalis na din si Nathan kaya ganoon na lang ang gulat ko ng sumama siya sa akin sa kwarto at nahiga na din sa kama ko. Hindi iyon kasing luwang ng kama niya sa apartment niya kaya literal na nagsiksikan kami doon.

“Hindi ka uuwi?” Nagtataka kong tanong sa kanya.

“Magaling ka na ba?” Pabalang naman niyang sagot sa akin.

“Oo naman. Since birth. Bakit? Kailan ba ako bumobo?” Pambabara ko din.

Nag-make face lang siya ulit sa akin saka pumikit. Hindi na din lang ako nagsalita pa. Ako pa ba ang magpapalayas sa kanya samantalang inalagaan na niya ako?

Naalimpungatan ako kalagitnaan ng gabi pero hindi ako nagmulat ng mata kahit pa nga ramdam ko ang pagkakayakap sa akin ni Nathan. Pipilitin ko na sana uling matulog nang may maramdaman akong basa sa balikat ko kung saan siya nakasubsob.

“Why now?” Pabulong lang na sabi ni Nathan pero malinaw na malinaw sa aking pandinig iyon. Humigpit pa ang pagkakayakap niya sa akin.

Matagal-tagal din bago ako nakatulog ulit. Paulit-ulit lang na naririnig ko sa utak ko ang tanong niyang iyon. Hindi naman kasi ako bobo para hindi maintindihan ang ibig niyang sabihin. Kahit gustong gusto ko na siyang sagutin ay hindi ko ginawa. Alam ko din naman kasing hindi ako ang tinatanong niya kundi ang sarili niya. Sumiksik na lang ako sa kanya.

Kinabukasan, balik na naman sa dati ang pakikitungo sa akin ni Nathan. Wala na ulit iyong bakas noong taong nagtatanong kagabi kung ano ba ang mali sa sitwasyon namin ng mga oras na iyon. Wala na iyong taong umiiyak habang yakap-yakap ako.

He was back to being Nathan, a friend, nothing more.

Nang mga sumunod na araw, sumama na ulit ako sa mga estudiyante nilang gumagawa naman ng isang documentary film kahit pa kinagagalitan ako ni Nathan. Ang akin kasi, trabaho pa rin iyon at dahil nakakumpromiso na ako, kailangan kong panindigan.

Mas mabilis namang natapos iyon dahil tumulong na din iyong mga nauna nang nakapag-seminar sa amin kaya February 12 pa lang, post editing na lang at si Hazel na ang nagbabantay.

Ako naman, nagkukulong lang sa bahay at nanonood ng mga DVD ng television series.

Wala pa rin naman kasing bagong project at natapos ko na din naman iyong mga bagong spec script na hinihingi sa akin ng produksiyon kaya bakante na din talaga ako. Inaasar pa nga nila ako na inihabol ko daw lahat para bakante ang February 14 ko. Tinawanan ko na lang iyon.

Nang magsawa, ang laptop ko naman ang pinagdiskitahan ko. Nilinis ko ang lahat ng laman ng desktop ko at saka inayos ang filing doon. Pati iyong dalawa kong external hard drive ay pinagdiskitahan ko na din. Nang matapos, iyong personal at business e-mail ko naman ang binuksan ko para tignan kung meron bang importente doon. Wala naman masyado, puro update lang para sa mga susunod na project.

Dahil wala pa ring ibang gagawin, iyong e-mail ko naman para sa Wattpad account ko ang pinagdiskitahan ko. Napangiti pa ako nang makita ko na may e-mail mula kay Evan, isa sa mga “fan” ko daw sa mga kwentong isinusulat ko. Halo-halo naman kasi ang mga kwentong inilalagay ko doon sa Wattpad account kong iyon pero ang nagustuhan daw niya ay iyong mga gay love stories. Iilan lang iyon kung tutuusin pero tumatak daw sa kanya.

Hindi naman siya ang nag-iisang nag-e-e-mail sa akin ng tungkol doon. Meron pa ngang iba na medyo bastos ang dating dahil imbes na iyong kwento ang pag-usapan o di kaya ay simpleng conversations between two people lang talaga, nanghihingi na ng naked pictures.

Sa kanilang lahat, si Evan ang madalas na mag-message. Usapan lang, ganun, tungkol sa kung saan-saan at anu-ano pero karaniwan ay tungkol sa mga kwentong isinusulat ko.

“Kamusta? May sakit ka pa ba?” Tanong sa akin ni Evan sa e-mail. Nasa kalagitnaan ako ng pagta-type ng reply ng dumating si Nathan at nakisilip sa sinusulat ko.

“Sino ‘yan?” Tanong niya sa akin. Sinagot ko na lang na isa sa mga “fans” ko sa Wattpad.

Tumango lang naman siya bago dumiretso sa may ref at nagsimula na namang gumawa noong juice niyang may gatas galing sa dow-dow ng carabao. Pag-abot niya sa akin noong baso, sakto namang sumagot na si Evan na online pala ng mga oras na iyon.

“Mag-isa ka lang di ba? Buti at okay ka na. Mahirap ang ganyan na nagkakasakit tapos walang kasama.” Iyon ang reply ni Evan sa akin. Napansin ko ang pagtaas ng kilay ni Nathan pero hindi ako nagkomento.

“Hindi naman. May nag-alaga naman sa akin. Binantayan ako noong kaibigan kong si Nathan. Ipinaglaba pa nga niya ako at ipinagluto.” Type ko sa reply box saka ako tumingin kay Nathan na para bang humihingi ng paalam. Tumango lang naman siya.

“Personal mong kilala?” Tanong sa akin ni Nathan pagkatapos kong i-click ang send button.

Imbes na sumagot, binuksan ko na lamang iyong Wattpad account ko at ipinakita ko sa kanya ang profile ko. Pseudoname ko lang kasi ang nandoon at saka iyong e-mail address. Walang ibang impormasyon tungkol sa akin

 Kapag kasi na-trace ng production firm na ako ang may ari ng account na iyon ay siguradong magagalit ang mga boss ko. Bilang concept developer, bawal kasi talaga sa akin ang gumawa ng account a Wattpad o sa kung ano pa mang site lalo na kung kwento ang mga ilalagay ko.

“Eh bakit parang ang close niyo?” Tanong ulit sa akin ni Nathan. Napataas na ang kilay ko ng bahagya dahil medyo hindi na maganda ang tono niya.

“Bakit? Bawal?” Tanong ko sa kanya. Nag-iwas lang siya ng tingin.

Nawala tuloy ako sa mood ng wala sa oras. Mabuti na lang at tumunog ang laptop ko at nakita kong may bagong mensahe si Evan. Iyon na lang ang pinagtuunan ko ng pansin.

“Well your friend really does love you. He knows what will make you feel better and I admire Nathan because of that.” Sabi ng mensahe ni Evan. Napatingin ako kay Nathan ng wala sa oras.

“Oh ayan, you really do love me daw.” Sabi ko sa kanya.

“Asa!” Sabi lang niya sa akin na sinabayan pa niya ng pitik sa ilong ko. Eh kaso, inalihan na ako ng saltik.

“Kasi ako, mahal kita…” Sabi ko sa kanya sabay titig sa mga mata niya. Para akong tinadyakan sa dibdib nang makita ko ang takot sa mga mata niya kaya bawi agad ako.

“…in the most heterosexual way.” Sabi ko saka ko iyon pinilit na sundan ng tawa. Natawa na din siya ulit pero parehong bahaw ang naging tawa namin.

“Grabe ‘to, kinabahan ako doon!” Aniya sabay kunwaring suntok sa braso ko. Ngumiti na lang ako. Siya kinabahan lang. Ako, nasaktan. Hindi patas ang laban.

“Teka, may pupuntahan ka ba bukas?” Tanong niya sa akin bigla

“Bakit? Ide-date mo ako?” Pang-asar kong tanong sa kanya.

Valentine’s day kinabukasan kaya iyon agad ang pumasok sa isip ko.

“Date agad? Hindi pwedeng two friends hanging out muna?” Kontra naman niya.

“Eh siya din iyon eh. Friendly date, ring a bell? Masyado kang defensive!” Sabi ko na lang sabay patay ng laptop ko saka humarap sa kanya. Nag-make face na naman ang kumag.

“Ano nga?” Tanong niya ulit.

“Akala ko ba uuwi ka sa inyo? Magbabalikan ka lang? Ano yun? Iihi ka lang sa inyo?” Nasabi na niya kasi na uuwi siya sa kanila. Kailangan niya kasing tignan iyong kwarto na ipinapa-renovate sa bahay nila ni Claudia.

Kung tutuusin ay kabilang town lang naman talaga iyong sa kanila pero malayo. Nasa apat na oras din ang biyahe. Kaya nga madalas ay hindi na siya umuuwi ng weekend. Pinababantayan na lamang niya sa isang pinsan iyong bahay nila ng asawa niya.

Nakarating na ako dati sa lugar nila pero iyon ay bago pa kami nagkakilala. Nag-shoot na din kasi kami doon noon para sa isang documentary competition noong estudiyante pa ako.

“Nandito na ako ng hapon.” Sagot niya.

“Bakit? Saan ba tayo pupunta?”

“Basta. Sigurado ako, magugustuhan mo.”

Hindi na lang uli ako nagtanong.

Si Nathan na naman ang nagluto ng gabing iyon pero dahil bistek, pinagbantay niya ako. Mas masarap daw kasi ang timpla ko noon kesa sa kanya. Pagkakain, umuwi na din siya sa apartment niya dahil maaga pa daw siyang bibiyahe kinabukasan.

Wala din naman akong gagawin ng gabing iyon kaya nagpuyat na lang ako sa pagsusulat ng isang bagong script para sa susunod na project. Matagal pa naang kailangan iyon dahil abala pa ang buong firm sa promotion noong huling pelikula na dadalhin sa Cannes Film Festival pero gusto ko nang simulan. Ang sabi kasi noong director namin, kailangang kasama ako sa pagpunta sa Cannes kapag nagkataon. Kaya ayun, umaga na ng makatulog ako.

Gumising din naman ako ng alas-dos para magpunta sa gym. Wala naman akong balak na biglain ang sarili ko kaya nag-light training na lang ako. Pagbalik sa bahay, diretso ako agad sa harap ng laptop. May naisip kasi akong idagdag doon sa naisulat ko na.

Pagtingin ko sa orasan, tatlumpung minuto na lang bago mag-alas singko. Iyon kasi ang usapan namin ni Nathan na pagkikita. Mabilisan na akong nagbihis. Mabuti na nga lang at naisipan ko nang mag-shower doon sa gym.

Dahil hindi ko naman alam kung saan kami pupunta, nag-shorts at t--shirt lang ako na hapit. Saka naglagay ng pabango. Bigla ko tuloy naalala na gusto ni Nathan ang pabangong iyon. Napangiti ako ng wala sa oras.

Nang makuntento, bumalik ako sa harapp ng laptop at nagsulat lang ng kung anu-ano. Ang kaso, pagdating ng alas singko, ni wala pa rin kahit isang mensahe mula kay Nathan. Ayaw ko din naman siyang tawagan kung tuloy ba kami o hindi.

Magpa-five thirty na ng biglang tumunog ang cellphone ko at makita kong si Nathan ang tumatawag. Wala na ako sa mood ng mga oras na iyon pero hindi ko ipinahalata. Ayaw na ayaw ko kasi talaga ang pinaghihintay ako sa kahit na naumang bagay.

“Labas ka na, dali!” Sabi niya at saka pinatay ang tawag. Napasimangot ako ng wala sa oras pero lumabas na din lang ako.

Pagdating ko sa may gate ng compound, nakita ko siyang nakasakay pa din sa motor niya.

“You’re late.” Iritable kong sabi.

“Kaya ng mamaya ka na magalit!” Sabi lang niya sabay hila sa akin para sumakay na din sa motor. Napansin kong namumula ang mata niya pero hindi na ako nagkumento dahil na din sa bigla niyang pinaharurot ang motor. Napahigpit tuloy ang pagkakahawak ko sa balikat niya ng wala sa oras.

“Ang lamig!” Reklamo niya kapagdaka. Hapon pa lang noon pero talagang may kalamigan. Naka-jacket pa kasi siya sa lagay na iyon, nakabukas nga lang.

“Eh kung isinasara mo kaya iyang jacket mo?” Komento ko sa kanya pero wala siyang naging sagot.

Naramdaman ko ang panginginig niya habang nagda-drive kaya ako na ang nagpilit na magsara noong jacket habang patuloy ang pagtakbo noong motor. Ang problema, hindi ko talaga maisara. Hinawakan ko na lang iyon at saka pinagsalubong sa harapan niya kaya ang ending, nakayakap ako sa kanya ng wala sa oras.

Hindi naman niya ako pinagbawalan kaya ganoon lang ang pwesto namin sa motor. Dahil nakayakap, naamoy ko na naman iyong amoy na sa kanya ko lang talaga napansin. Napapikit na lang ako at isinandal ang noo ko sa batok niya lalo na ng binilisan na naman niya ang pagpapatakbo.

“Bahala na,” Sabi ko na lang sa sarili ko.

Saktong papalubog na ang araw ng makarating kami sa kung saan man niya gustong pumunta. Hindi naman kasi ako nag-angat ng mukha mula ng isandal ko ang noo ko sa batok niya kaya talagang na-surpresa ako ng makita kung nasaan kami.

Para kaming nasa isang clearing sa tuktok ng bundok na overlooking iyong lugar kung saan kami nanggaling at maging ang katabing town nito. Dahil padilim na, kitang-kita mo ang ilaw sa baba tapos ang backdrop niya ay mga bundok. Napanganga na ako ng wala sa oras. Saktong-sakto kasi na iyong lulubugan noong araw ay literal na pagitan ng dalawang bundok na parang sa isang painting lang.

“Holy shit!” Sabi ko pa sabay tingin sa paligid kung saan magandang pumuwesto. Nang makita ko ang isang malaking bato na medyo flat ang taas ay agad kong inakyat iyon at tumitig lang sa tanawin. Muntik na talaga akong magtatatalon sa tuwa ng wala sa oras.

“Fuck, Nathan! This is beautiful!” Sabi ko sabay tingin sa kanya. Ngiting-ngiting nakatingin din lang siya sa akin. Maya-maya pa ay umakyat na din siya sa may bato, may hawak na dalawang lata ng beer.

“Sabi ko na nga ba at magugustuhan mo eh.” Sabi lang niya bago siya naupo. Umupo na din ako sa tabi niya.

“To sunsets and being single!” Sabi ko sabay cheers. Pinatulan naman niya iyon. Pagkatapos ay pareho na lang kaming natahimik.

Pinanuod lang naming dalawa ang paglubog ng araw. Akala ko naman ay doon na matatapos iyon pero ng lumaganap ang dilim, mas lalong gumanda ang tanawin.

Kitang-kita mo kasi mula sa kinauupuan namin iyong mga ilaw sa dalawang bayan na magkatabi. Ang ganda-ganda lang niyang tignan lalo pa nga at mukha siyang napaggigitnaan ng mga bundok. Tapos, pagtingin mo sa langit, ang daming bituin.

“Damn it! I didn’t bring my camera.” Sabi ko.

“I can paint it for you.” Alok niya sa akin. Ngiti lang ang isinagot ko. Noon ko lang uli naalala na nagpipinta nga din pala siya.

Inilahad ko sa kanya ang kamay ko bigla sabay sabing, “Give me your phone.” Ibinigay naman niya iyon agad sa akin. Hinanap ko iyong recorder at saka sinimulang mag-record.

Let me drown in the songs of the crickets
Away from the roar of the life we left for a while
Letting myself get lost to nowhere just this time

When the conversations become mere distractions
From the pale half moon and the city lights
And I dare not to even utter a single word

Let the cool breeze of the wind on my skin linger on
For tonight, of all nights, unlike any other nights
Closing my eyes doesn't come with all its fears

Just a minute more, a second more, just a little longer
Until the grass finally stains my shoes
And the dust settles into the embrace of the night

Oh, no words need to come between us now
When the stars are near and just within my reach
Close enough to call them my own

Dirediretso lang ako sa pagpi-free verse ng isang tula. Nakatingin pa ako sa langit habang ginagawa ko iyon at nakapikit pero ramdam na ramdam ko ang titig niya sa akin. Saktang patapos na ako ng maramdaman ko ang paghila niya sa balikat ko para magkalapit kami. Ipinatong niya iyong isang dulo ng jacket sa balikat ko ng hindi nagsasalita. Andoon na naman iyong amoy niya.

A moment, a memory, a picture within the silence
Just standing still for a little while
'Cause right now, for once, it seems okay to dream

Pagtatapos ko sa tula, saka ko pinatay ang recording at pinindot ang save sa phone niya. Nang iabot ko ang phone niya pabalik, hinawakan pa niya ang kamay ko panandalian sakatumitig sa akin na para bang may sasabihin pero wala din namang. Ibinulsa na lang niya ulit iyong phone niya.

“Thank you for this,” Sabi ko na lang at saka muling ibinalik ang tingin sa tanawin. Pasimple ko siyang tinitignan at nang pakiramdam ko ay masasakal na ako sa katahimikan, ako na ang nagtanong.

“This isn’t a date, right?” Tanong ko sa kanya. Napansin ko pa ang paghigpit ng hawak niya sa lata ng beer. Bahagya pa ngang natapon ang laman noon.

“It isn’t…” Sabi niya na sinundan pa niya ng isang buntong-hininga. Napapikit na lang ako ako nagpakawala din ng isang buntong-hininga.

“I never thought that this place would be so beautiful at night.” Sabi ko na lang para baguhin ang usapan. Kaso hindi effective.

“Lahat naman ng bagay maganda sa dilim dahil hindi mo kita ang dumi niya katulad ng kapag maliwanag pa.” Aniya na may kasamang mapait na ngiti. Kahit hindi nia sabihin, alam kong hindi lang ang tanawin ang tinutukoy niya.

“Sa susunod, huwag ako ang dalhin mo dito kundi iyong asawa mo at iyong magiging anak ninyo” Sabi ko na lang sabay tungga noong natitirang laman ng beer.

Ako na mismo iyong nagyayang bumaba. Isang tingin pa ang ibinato ko sa tanawinat sa langit bago ako naglakad papunta sa may motor. Pagtingin ko sa may batong inupuan namin, nandoon pa rin siyang nakatayo.

He was beautiful under the pale moon light na halos maugto ang hininga kong nakatingin sa kanya. Tinignan pa niya ako at nginitian saka parang ewan na kumaway. Nasa likod niya ang langit na puno ng mga bituin and it suited him.

He was just like the stars after all, beautiful, warm, but unreachable. As for me, I’m the guy who was stupid enough to fall in love with a star. Nang nagsimula na siyang bumaba mula sa bato, bumalik ang tingin ko sa dalawang bayan na kumikislap pa din ng dahil sa mga ilaw.

Paghatid niya sa akin sa apartment, nagpasalamat lang ako at nagsimula nang maglakad papasok sa compound.

“I’ll see you tomorrow?” Pasigaw niyang tanong sa akin. Nilingon ko uli siya at tumango.

“Sure!” Sabi ko na lang.

Gulong-gulo ang isip ko ng mga panahong iyon kaya pasimple akong umiwas kay Nathan. Kapag nagyayaya siya, lagi kong sinasabing madami akong ginagawa. Kapag naman nagpuounta siya sa apartment ay nagpapanggap akong busy.

Siguro napansin na din niya iyon pero hindi naman siya tumigil. Kung tutuusin, mas dumalas pa nga ang pagyayaya niya sa akin.

“What is this?” Lakas loob ko nang tanong  sa kanya minsang pagbigyan ko siyang kumakain sa labas.

“Ang alin?” Aniyang nakakunot ang noo kahit halatang-halata naman sa mga mata niya na naiintindihan niya ang ibig kong sabihin.

“Us.” Matapang ko nang sabi  kahit na dumadagundong ang dibdib ko. Bigla siyang nag-iwas ng tingin.

Gustong-gusto ko nang mag-walk out pero pinigilan ko ang sarili ko.

“Did I ever lead you on?” Mahina niyang tanong sa akin, hindi pa rin makatingin. Naramdaman ko na lang ang pag-usbong ng galit sa dibdib ko.

“Yes.” Walang gatol kong sagot sa kanya. Hindi nakaligtas sa akin ang paninigas niya kahit hindi siya nakatingin sa akin. May parte ng isip ko na gustong bawiin iyon o sundan ng ‘biro lang’ pero iba ang sabi ng puso ko. Hindi naman kasi pwedeng tatakbuhan at ipagwawalang-bahala ko na naman ang lahat. Para na siyang taeng nakabalandra sa harapan namin.

“I’m sorry…” Iyon lang ang isinagot niya sa akin. Ang sakit pakinggan noon pero tinanggap ko.

Hindi na lang ako umimik at saka ipinagpatuloy na lang ang pagkain.

“Mas mabuti na ito habang maaga pa,” Sabi ko na lang sa sarili ko.

Wala kaming imikan hanggang sa matapos kaming kumain. Nang uuwi na, sinabihan ko na siyang magta-tricycle na lang ako pauwi pero ipinilit niyang ihatid ako. Pinagbigyan ko na lang. Wala sana akong balak na kumapit sa kanya pero bigla niyang pinaharurot ang motor kaya napayakap ako sa kanya ng wala sa oras. At imbes na ihatid ako, nagpa-ikot-ikot lang kami ng ilang beses sa buong bayan. Hindi na din lang ako nag-komento.

Mag-aapat na beses na kaming umiikot lang ng maramdaman ko na lang ang pagdapo ng tubig sa pisngi ko. Napatingin pa ako sa langit pero hindi naman makulimlim ng mga oras na iyon. Maya-maya ay isang patak ulit ang dumapo sa mukha ko. Sakto pa sa ilong kaya napabahin ako ng wala sa oras.

Pagtingin ko kay Nathan, nakita kong galing sa mukha niya iyon. Basa pa kasi iyong pisngi niya. Pagtingin ko sa salamin ng motor, nakita kong lumuluha siya. Hindi pa rin ako umimik. Ipinatong ko na lang ang ulo ko sa batok niya at nagsimula na ding pumatak ang luha ko. Walang salita, walang kung anumang kailangang sabihin. Walang tanungan kung mahal ba namin ang isa’t isa o ano pa man. Nagkaintindihan na lang basta kami. Isa din lang naman kasi ang malinaw eh. Hindi pwede.

Pagkahatid niya sa akin sa apartment ko, pareho kaming hindi makatingin. Akala ko nga ay aalis na siya agad pagbaba ko ng motor kaya nagulat ako nang bigla niya akong yakapin ng pagkahigpit-higpit. Hinayaan ko lang siya pero hindi ako yumakap. Alam ko kasing kapag ginawa ko iyon ay siguradong iiyak na ako ng tuluyan.

“Baka pwede mo naman akong yakapin... Consolation price man lang...” Mahina niyang bulong sa akin saka isinubsob ang mukha niya sa leeg ko. Naramdaman ko ulit ang pagtulo ng luha niya.

“Hindi ba dapat ako ang nagsasabi niyan sa iyo?” Sagot-tanong ko na lang. Hindi pa rin ako yumakap sa kanya kahit gustong-gusto ko na. I have enough memories of him and it would already be too hard to forget them. Ayoko nang dagdagan pa iyon.

Pagbitiw niya sa akin, hindi pa rin siya makatingin sa akin.

“I really like you’re perfume.” Sabi niya. Napangiti na lang ako ng mapait.

“Well, wala na…” Sabi ko. Technically, totoo naman iyon. Huling patak na yata iyong napiga ko mula sa bote bago kami nagkita. Pero alam namin pareho na hindi lang iyong pabango ang pinag-uusapan namin.

“I’ll see you when I see you,” Sabi ko na lang saka ako nagmamadaling pumasok sa apartment ko. Pagkasara ko ng pinto ay sumandal lang ako doon. Pinigilan ko ang sarili kong umiyak pero nang marinig ko ang pagbarurot papalayo ng motor niya, tuluyan na lang akong napahagulgol.

Para kaming tangang nagpapatintero lang. Ang masama pa, wala ni isa sa amin ang gustong mahuli o manghuli man lang.

Hindi pwede. Hindi pwede. Hindi pwede.  Iyon lang ang paulit-ulit na tumatakbo sa isipan ko at alam kong iyon din ang nasa isipan niya.

Papasok na sana ako sa kwarto ko ng muli kong marinig ang tunog ng paparating na motor. Maya-maya pa ay narinig ko na ang pagkatok sa pintuan ko. Ni hindi na ako nag-abala pang punasan ang luha ko nang buksan ko iyon.

“Fight for me… Please…” Iyon ang bungad sa akin ni Nathan na tulad ko ay tuloy-tuloy na din ang bagsak ng luha. Umiling lang ako.

“You have a wife, Nathan. There’s nothing to fight for…” Sabi ko na lang saka ko muling isinara ang pinto.

Sumandal lang uli ako sa pintuan pagkasara. Ang hindi ko alam, iyon din pala ang ginawa ni Nathan. Ni wala pang tatlong pulgada ang kapal noong pinto pero ang pakiramdam ko ng mga oras na iyon, daig pa namin ang nasa magkabilang dulo ng mundo.

“Why now?” Narinig kong sabi niya mula sa labas. Lalo akong napahagulgol.

I didn’t see Nathan in the next few months after that time. Nabalitaan ko na lang mula kina Hazel na dumating na daw pala si Claudia. At dahil wala naman talaga akong balak makibalita dahil hindi ko trip ang saktan ang sarili ko, hindi din ako masyadong nakikinig kapag siya ang topic nina David at Hazel.

Kung meron man sigurong ibang tao na nakakausap ko pa rin tungkol kay Nathan ay si Evan na iyon. I just thought that I could be honest with him dahil unang-una, hindi niya naman talaga kami personal na kilala ni Nathan, unlike Hazel and David. Pangalawa, kung hindi ko magugustuhan iyong sasabihin niya, pwede ko na lang basta i-delete iyong message.

Si Evan din ang nagsugsog sa akin na magsulat ng tungkol sa amin ni Nathan sa Wattpad account ko na sinunod ko naman. Ayun, ang daming nagalit sa akin dahil hindi daw happy iyong ending. Bakit daw ba kasi ang harsh na nga ng reality, hanggang kwento ba naman daw ay bokya pa din.

Tinawanan ko lang ang mga iyon hanggang si Evan na ang nagtanong sa akin.

“Is that how you wanted it to end?” Tanong niya sa akin nang pinag-uusapan namin iyong kwento.

“It is how it ended,” Maikling sagot ko lang sa e-mail niya sa akin.

“And you’re okay with that?” Tanong niya ulit.

“I should be. I’m trying to be.” Sabi ko na lang bago ko ini-log out ang e-mail ko.

Minsang wala akong magawa, tinawag ko si David para magpasama sa kung saan ako dinala ni Nathan dati. Papalubog na din ang araw noon pero nahabulan naman namin. Katulad noong unang punta ko doon, tuwang-tuwa din si David.

“Anak ng shit! Ang ganda dito! Ang sarap gumawa ng milagro,” Komento pa ng hitad. Natawa na lang ako ng wala sa oras.

“How did you know about this---“ Bago pa natapos ni Dai dang sasabihin ay nanlaki na ang mga mata niya.

Walang sabi-sabing hinila niya ako at pilit na pinasasakay sa motor. Halos magsisisigaw ako sa takot ng bigla niyang pabarurutin ang motor na dala namin pababa doon. Kung kailan nakarating kami sa highway ay saka pa niya lalong binilisan ang pagpapatakbo. Maihi-ihi na talaga ako noon sa takot at literal akong manghina ng huminto na sya ng tuluyan. Noon na din lang ako nagmulat ng mga mata. Nagulat pa ako ng makitang nasa provincial museum kami.

“Papatayin mo ba ako?” Angil ko sa kanya pero imbes na sumagot ay muli niya akong hinila papasok sa loob ng museum. Hindi naman kami pinigilan noong guard kahit pa nga malapit na silang magsara.

“You wrote this,” Sabi niya sabay turo sa isang painting na may kasamang tula.

Napanganga ako ng wala sa oras. Painting iyon noong lugar kung saan ako dinala ni Nathan at sa painting na iyon, dalawang lalaki ang nakaupo na nakaharap sa mga ilaw. Hindi nakaligtas sa akin na magkahawak ang kamay ng dalawang iyon. Sa mismong bato na inuupuan noong dalawang lalaki nakasulat iyong tulang ini-record ko sa cellphone ni Nathan.

Tumulo na lang ang luha ko habang pinagmamasdan iyon. He did paint it, but he never gave it to me. And the worst part of it all was the title. Patintero. Tarantadong buhay ‘to oh.

“He asked me to fight for him…” Mahina kong sabi. Nilingon ko pa si David saka ko dinugtungan iyon.

“When he didn’t even have the courage to fight for me…”

Niyakap na lamang ako ni David ng mga panahong iyon. Ako naman si gago, humagulgol lang ng humagulgol. At kung hindi ba naman talaga tarantado ang life, paglabas namin ng museum, siya namang daan ni Nathan at ni Claudia na naka-motor.

Gusto ko nang magwala ng mga oras na iyon at pagsisigawan ang langit pero siyempre, nagpigil ako. Hindi naman kasi teleserye ang buhay ko at hindi ko din talaga trip ang mga ganoong eksena. Baka mapagkamalan pa akong baliw ng wala sa oras.

Eh sa talagang gusto talaga yata akong sagarin ng langit, ayun, huminto pa talaga silang dalawa.

“Hi! It’s nice to finally meet you in person,” Bungad pa sa akin ni Claudia ng ipakilala kami ni Nathan sa kanya.

“Same here,” Sabi ko na lang. Nakatingin lang sa akin si Nathan at hindi nagsasalita. Kitang-kita ko ang pag-aalala sa mukha niya ng mga oras na iyon pero hindi ko pinagtuunan ng pansin.

“We should go out sometimes,” Sabi pa ni Claudia na inoohan ko na lang. Umalis din naman sila pagkatapos.

“Tulog o alak?” Tanong sa akin ni David nang makalayo sina Nathan.

“Tulog.” Sagot ko lang. Pagkahatid sa akin ni David sa apartment ay umalis na din siya.

Kinabukasan, nagulat pa ako ng mapagbuksan ko si Nathan sa pintuan.

“Anong ginagawa mo dito?” Tanong ko lang sa kanya pero hindi ko naman siya pinigilan noong pumasok siya sa apartment ko. Iyon nga lang at noong yakapin niya ako bigla ay isinalya ko na siya sa sofa saka galit na sinuntok sa mukha.

“Fuck you!” Sabi ko pa sa kanya. Lahat ng galit at frustration ko simula noong huli kaming magkita ay biglang bumalik ng ganun-ganun na lang.

“Hindi ko kayang mawala ka,” Sabi niya sa akin pero tinawanan ko lang siya ng bahaw.

“I was never yours to begin with!” Sabi ko sa kanya.

“Damn it, Nathan! You’re wife is back and you’re here, telling me na hindi mo kayang mawala ako? And that’s after months of not even saying anything to me? Eh putang-ina mo na lang to the moon and back.” Pasigaw ko nang sabi sa kanya.

“I asked you to fight for me!” Pasigaw din niyang sagot sa akin.

“I wanted you to fight for me. Na sabihin mong handa kang gawin ang lahat para hindi ako mawala sa iyo. I wanted you to tell me that you’d do everything just to be with me.” Dagdag pa niya.

“Even becoming your mistress, is that what you’re saying?” Tanong ko sa kanya. Hindi niya ako sinagot.

Gusto ko nang mapahagulgol ng mga oras na iyon. How can he be so selfish? How can he ask me to be just someone that needs to be hidden? But most of all, how can I still be in love withhim even after knowing that? Bakit mahal ko pa rin siya?

“I deserve someone to fight for me too, Nathan.” Sabi ko na lang.

“How can you give up on me just like that?” Mahina niyang tanong sa akin.

“I never gave up on you, Nathan.  I just gave up on us. Because you, you will always be worth fighting for, but not us. It never was. And as I see it now, it never will be. I don’t want to be a skeleton in someone’s closet, Nathan. Not even yours.”

Pag-alis niya ng araw na iyon, saka ko pa lamang hinayaan ang mga luha kong tumulo. Naisip ko pa nga na siguro nga, maling magmahal ng kapwa ko lalaki. Sumpa kumbaga. Dahil sa dulo, masasaktan ka lang.

Wala naman talagang happily ever after para sa mga kagaya kong tatanga-tangang nagmahal ng kapwa ko lalaki eh. Kung bakit ba kasi hindi pa ako natuto sa ilang beses kong nakitang masaktan at maiwanan si David. Kung hindi ba naman ako isang-libo at isang tangang naghanap pa talaga ang personal experience.

It was a few days after na nabalitaan kong nadisgrasya si Nathan nang araw ding iyon. Ang sabi sa akin ni David, lasing daw siyang nagmaneho ng motor at sumalpok sa isang poste ng kuryente. Natulala lang ako ng sabihin niya sa akin iyon. Nang makabawi, saka pa lamang ako nakapagtanong kung kamusta na siya.

“He’s still in a coma…” Mahinang sagot sa akin ni David. Nanghina ako ng wala sa oras. Gustong-gusto ko siyang puntahan ng mga oras na iyon pero pinigilan ko ang sarili ko. Wala akong karapatang pumunta, wala akong karapatang lapitan siya, iyon lang ang itinatak ko sa isip ko.

Iyak lang ako nang iyak sa apartment ng mga panahong iyon pero kahit noong minsang literal na hilahin na ako nina Hazel papalabas ng apartment para lang umunta sa ospital, hindi ako pumayag. Hindi na din naman sila nagpilit.

“Why are you being so stubborn?” Inis pa ngang sabi ni David sa akin pero umiling lang ako.

“I’d kill to have the kind of love that you two have, Kyle. I wouldn’t even care if I’m just a kept man just as long as I know that he would love me as much as Nathan loves you.” Sabi pa ni David.

“We can’t always be the first or the last person they would love, Kyle. Most times, we can’t really even be the only one. But we can always try to be the best that they ever had.” Sabi naman ni Hazel.

“Isn’t it enough to love someone enough to hurt?” Dagdag pa ni Hazel.

“Ganun na lang ba talaga ang role natin kung sakali? Iyong magmamahal na walang hinihiling na kapalit? Is this what you have always wanted for me as well when you kept on asking me to just let go and be gay? Because there is nothing gay about all these pain…”

“I honestly thought that you’d be the exemption to the rule,” Sabi na lang sa akin ni David saka ako niyakap.

“Malay ko ba namang wala pala talagang exemption sa sumpa,” dagdag pa niya na sinundan niya ng isang bahaw na tawa.

Dalawang araw pa pagkatapos ng MMK moment naming magkakaibigan bago si Claudia naman ang napagbuksan ko ng pintuan. Ang laki ng ipinayat niya sa loob lamang ng isang linggo. Halatang-halata din na halos wala siyang tulog.

“Pwede ba akong pumasok?” Tanong niya sa akin. Tumango lang ako at iginiya siya sa sala. Ikinuhanan ko na din siya ng kape sa kusina bago ako umupo sa tapat niya.

“Hindi mo man lang ba siya bibisitahin?” Tanong sa akin ni Claudia.

“Sorry… Naging busy kasi ako…” Sagot ko na lang. “Kamusta na siya?”

Imbes na sumagot ay isang malutong na sampal lang ang ibinigay niya sa akin. Mahilo-hilo pa ako ng ibalik ko sa kanya ang tingin ko. Kitang-kita ko ang galit sa mukha niya ng mga oras na iyon.

“I can’t believe that he would ask me for an annulment for someone like you,” Punong-puno ng panunuya niyang sabi.

“You can hate me all you want but I’m not going to give him up for someone who wouldn’t even fight for him,” Sabi niya sa akin saka ulit ako akmang sasampalin pero nasalo ko ang kamay niya.

“Then don’t give him up.” Madiin ko ding sabi saka ko binitawan ang kamay niya.

“Nathan would never be able to live with the guilt, Claudia. Alam kong alam mo ‘yan. And that’s the reason why I would never fight for him. Dahil ayaw kong ako ang maging dahilan para habangbuhay siyang kinakain ng kunsensiya niya. I’d rather give him up that giving him that kind of a life.” Sabi ko pa sa kanya.

All those things happened a just ago. Binisita ko din naman si Nathan sa ospital pagkatapos naming mag-usap ni Claudia pero hindi din ako nagtagal. Wala ako sa ospital noong magkamalay siya at hindi ko din alam kung hinanap ba niya ako o hindi pagkagising niya. Kahit noong muli akong dumalaw sa kanya ay normal lang ang lahat. Maging si Claudia ay civil din lang sa akin. Walang annulment na nabanggit. Wala ding aminang naganap. Wala naman kasi yatang ganoon sa totoong buhay.

I was a coward. So was Claudia. So was Nathan. We were all cowards, chosing to just ignore everything and pretend that there wasn’t anything to talk about. Hanggang sa muling bumalik sa London si Claudia ay wala ding nangyari.

Nang gumaling at nagsimula na namang makipagkita sa akin si Nathan, pinagbigyan ko na lang. I at least owe him that. I would never be his mistress but I can be his friend. Ganoon na lang.

Kung hindi pa siguro pumitik-pitik sa harapan ko si Hazel ay hindi pa ako babalik sa kasalukuyan. Namula pa ako ng makita kong nandoon na iyong direktor na kakausapin namin at kunot ang noong nakatingin sa akin.

“Ay ateng, muntik na kaming tumawag ng ambulansiya.” Bara pa sa akin ni Hazel na ikinatawa noong direktor.

“Sorry, may naisip lang ako.” Sabi ko na lang.

“It’s okay. Iyang mga tipo mong ganyan ang kailangan ko sa project na ito.” Sabi lamang noong direktor.

“You’re okay with writing a gay love story right?” Tanong pa niya sa akin na ikinatawa ko lang.

“Hindi pa po ba obvious?” Tanong ko na lang.

“You’re gay?” Tila hindi makapaniwalang tanong noong direktor.

“Once,” Sabi ko lang. Mukha namang nakaramdam na din ito na hindi ko gustong pag-usapan dahil bigla niyang inutusan iyong kasama niya na i-distribute sa amin ang isang print out. Mukhang short story iyon ppero may kahabaan.

“Ito sana iyong gusto kong maging basis ninyo sa pagsusulat noong script. It’s from a Wattpad account. I’m still trying to contact the author pero wala pa ring reply eh.Hopefully, makuha natin iyong approval niya bago tayo magsimula ng shoot.” Sabi pa noong direktor.

Napanganga na lang ako ng makita ko ang titulong “We Had the Night” sa print out. Natulala na ako ng tuluyan ng mabasa ko ang unang paragraph. Walang sabi-sabing binuksan ko ang laptop ko at saka nag-connect ako sa WIFI ng coffee shop.

After kasi noong huli naming pag-uusap ni Evan ay hindi ko na binuksan ang e-mail address kong kunektado sa Wattpad account ko. Tanda ko pa rin naman iyong e-mail at password kaya napatanga na lang ako ng makita ang mga mensahe doon. Nang i-click ko iyong isa na may pangalan noong direktor, ayun nga at humihingi ito ng permiso na gawing pelikula iyong kwento.

Dahil na-curious na din siguro sa ginagawa ko, napasilip na din sina Hazel at David sa laptop ko. Maging ang direktor ay tumayo pa talaga at nagpunta sa likuran namin para makiusyoso.

“Okay, this is kind of weird,” Sabi ko na lang na ikinatawa nilang lahat. Bumalik na din iyong direktor sa upuan niya pero titig na titig sa akin.

“I’m guessing this is based on a true story,” Aniya. Tumango na lang ako.

Ang hayop na sina Hazel at David, biglang naging seryoso sa pagbabasa sa print out. I never told them about that Wattpad account kaya sigurado kong iyon ang unang pagkakataon na mababasa nila iyon.

“Seriously? Pokpok?” Nakaangil na baling sa akin ni David.

“That’s accurate,” Bara lang sa kanya ni Hazel. Nang makita kong nakakunot na naman ang noo noong direktor ay kusa na akong nagpaliwanag.

“Sila iyong mga anak ng demonyo sa kwento.” Sabi kong natatawa. Parang lalo tuloy naging interesado iyong direktor.

“And Nathan?” Tanong niya sa akin.

“He’s real too.” Sabi ko na lang at ngumiti.

“And he’s still married?” tanong niya sa akin. Tumango lang ako.

Iyon kasing kwento sa Wattpad ay tinapos ko na lamang doon sa puntong pinagsarhan ko ng pinto si Nathan pagkatapos niya akong sabihan ng “Fight for me.”

“Could you change the ending?” Tanong ulit sa akin noong direktor.

“Sinong gusto mong patayin ko,” Biro ko na lang na tinawanan lang naman ng direktor.

“Ikaw ba? Kung ikaw ang masusunod? How would you have wanted it to end?” Tanong nya ulit. Hindi ako nakasagot. Hanggang sa mga oras kasi na iyon, hindi ko pa din alam kung paano ko gustong tapusin ang kwento naming dalawa ni Nathan.

“It’s just too painful to end it as it is. Even Love of Siam had a good enough almost happy ending.” Dagdag pa noong direktor.

“But this is not Love of Siam. This is my real life,” Sagot ko naman.

“And we are making a movie version. Bakit hindi mo bigyan ng happy ending kahit man lang sa pelikula.”

“Why does it feel like that you’re just way too afraid to believe that it could actually happen? A happy ending, I mean.” Komento pa noong direktor. Nag-iwas lang ako ng tingin.

“Because it’s never going to happen.” Sabi ko na lang.

“It’s either that or you can stop playing the victim. Tayo lang ang may karapatang magdesisyon kung paano matatapos ang kwento natin, Kyle. Tragedy, pain, self-scarifice, they are all overrated. But not love, never love.” Sabi niya.

“Think about it.” Dagdag pa niya.

“I don’t remember giving my consent na gawing pelikula ito.” Bara ko sa direktor. Feeling close na eh. Tinawanan lang naman ako.

“Kung may isang bagay ka mang kailangang malaman tungkol sa akin is the fact that I never accept no for an answer.” Sabi lang niya. Tumawa na din lang ako.

Nang matapos ang meeting ay halos hindi ako pansinin nina Hazel at David. Pansin ko din ang sama ng tingin nila sa aking dalawa.

“What?” Tanong ko na dahil naiinis na din ako.

“Bakit hindi ko alam iyong punas bayag eksena? How could you keep that from us!” Sabi ni Hazel sabay sabunot sa akin na sinang-ayunan din ni David. Anak ng putang malalandi talaga ang dalawang ito. Iyon pa talaga ang napansin!

“Punyeta! Ang dami-daming kadramahan doon sa isinulat ko, iyong pagpupunas lang niya ng bayag ko ang importante sa inyo?” Inis ko nang bara sa kanila.

“Kuya, matagal ka nang dramatic. Eh siyempre, iyon nang medyo x-rated ang mapapansin namin di ba? Like hello? Anyway, so noong mahawakan mo ang susi niya, how was it? Malaki ba?” Tanong pa ni David na mukhang interesado talaga.

“Che! Kaya ako minamalas ng dahil sa inyong dalawa eh!” Sabi ko na lang. Ang mga hayop, humagalpak lang sa kakatawa.

Tinawagan ko na lanng si Nathan at nagpasundo ako. Ang kaso, sakto namang nasa banyo ako at nagbabawas noong dumating siya. Nasobrahan ko yata ng kape kaya ayun, hindi na namili ng trono ang puwet ko.

Paglabas ko ng banyo at pagbalik sa lamesa namin nina David, siya namang pagbaba ni Nathan noong print out noong short story na isinulat ko. Alanganin pa ang ngiti niya sa akin nang lumapit ako samantalang ang dalawang anak ng lagim, abot-tenga ang ngiti.

“Tara na?” Tanong niya sa akin. Tumango na lang ako at saka pasimpleng binigyan ng dirty finger ang dalawa. Wrong move.

“Grabe ka naman! Hindi pa ba sapat iyong susi Nathan at pati kami yayayain mo?” Bara sa akin ni David.

Pinanlisikan ko na lang sila ng mata at saka hinila papalabas ng coffee shop si Nathan. Ang hayop na Nathan, imbes na mahiya ay mukhang natuwa pa. Ang sarap lang nilang pagbuhuling tatlo ng mga oras na iyon.

Nasa highway na kami ni Nathan nang mapansin kong hindi papunta sa direksiyon ng apartment niya ang tinatahak namin. Hindi na ako nakapagtanong ng tuluyan ng mapansin ko kung saan kami papunta. It was back to that place where the stars where closer.

Sakto pang sunset na ulit nang dumating kami doon.

“Di ba, sabi ko naman sa iyo na iyong asawa mo at magiging mga anak mo ang dalhin mo dito?” Sabi ko kay Nathan.

Imbes na sumagot ay binuksan niya iyong compartment ng motor at inilabas ang isang brown envelope saka nakangiting iniabot iyon sa akin. Pagtingin ko sa loob, nakita kong annulment papers iyon na pirmado na nila pareho ni Claudia.

“I never wanted you to be a skeleton in my closet either.” Sabi lang niya.

“Ilang beses kong tinanong ang sarili ko kung bakit noon ka lang dumating sa buhay ko, Kyle, until I realized that I had to meet you at that time so that I would come to understand just how much I am willing to give up just tobe with you.” Sabi niya.

“I never fought for you…” Nangingilid ang luhang sabi ko sa kanya.

“Mali… You have always fought for what was good for me… Now, I’m fighting for you, for us… This is me saying that we are worth fighting for, Kyle… Ayoko nang makipagpatintero sa iyo, sa atin… At gusto kong pati ikaw, mapagod na din…” Sabi niya sa aking nakangiti pero tumutulo na din ang luha.

Natawa pa ako ng literal na hinila niya ako sa isang parte kung saan may mga bato at saka siya tumuntong sa isa sa mga iyon bago niya ako hinalikan.

“Damn it! Now I’m actually counting the times we could have had sex if we didn’t wait this long,” Sabi pa niya na ikinatawa ko na ng tuluyan.

“Kyle, I know that I’m not the first one that you have ever loved and I know that there is a possibility that I’d never be the last. But I will try my hardest to be the best you have ever had.” Sabi niya bigla. Naningkit tuloy ang mata ko ng wala sa oras.

“Andoon na eh! Kikiligin na ako eh! Kailangan talagang linyahan mo ako ng ganyan na halatang-halata naang galing doon sa dalawa?” Sabi ko sa kanya sabay siko sa tagiliran niya. Tumawa lang ang ugok.

“Pina-memorize ni Hazel. Ang sweet kaya!” Depensa pa ni Nathan. Guso ko tuloy murahin si Hazel ng wala sa oras.

Napatingin na lang ako sa papalubog na araw. Natahimik na din lang naman si Nathan.  Nang lumaganap na ang dilim, saka ko pa lang naalala iyong itinanong ko sa kanya noong una niya akong dinala doon.

“This isn’t a date, right?” Tanong ko sa kanya. Ngiting-ngiti pa niyang kinuha ang kamay ko bago niya inilabas ang isang singsing sa bulsa niya.

“Of course it is.” Sabi niya sabay ng paglalagay noong singsing sa daliri ko.

Mukhang wala talagang konsepto ng romance ang kumag dahil pagkalagay noong singsing sa daliri ko ay naglabas pa siya ng isa at sinabihan akong siya naman daw ang suutan ko. Naiiling na sinunod ko na lang siya.

We stayed there over night. Walang tulog-tulog, usap lang kumbaga. For once, it was really okay to dream and believe that it can come true.

Pagdating namin sa apartment ko, muli kong binuksan iyong Wattpad account ko at binasa ang kwento namin ni Nathan. Ni hindi ko namalayan na ine-edit ko na pala iyon hanggang sa tumabi si Nathan sa akin at naki-usyoso. Nang masulat ko na iyong happy ending namin at akma kong irere-publish, pinigilan ako ni Nathan.

Tinaasan ko na siya ng kilay nang bigla siyang nag-type doon.

“And Nathan promised to give him the best sex of his life from that day on.” Iyon ang inilagay ng hayop doon. Tawa lang ako ng tawa at hindi ko na din siya pinigilan nang siya na mismo ang mag-re-publish noon.

“You do realize that we never had sex, right?” Sabi ko sa kanya.

“I can change that.” Sabi lang niya sabay kindat sa akin bago niya ako basta na lamang hinila papasok sa kwarto.

I would still be a mistress until the annulment is finalized at alam kong medyo matatagalan pa iyon. Pero sabi nga nila, mas mahal ang kabit. Magrereklamo pa ba naman ako?

At the end of the day, Nathan is still fighting for me, for us. Kaya sa parte ko, pilit ko ring sinusulat iyong dulo ng kwento naming dalawa, at sa unang pagkakataon, hindi ako natatakot na maniwalang sa dulo, pareho kaming magiging masaya.

No comments:

Post a Comment

Read More Like This