Pages

Monday, March 21, 2016

Tenth Floor (Part 10)

By: Terrence

Halos madurog ang puso ko nang makita ang pagpatak ng luha mula sa mga mata ni Michael. Hindi ko matagalan na tingnan ito kaya agad akong yumuko.

Matagal na katahimikan ang namagitan sa amin. Paminsan minsan ay naririnig ko ang pagsinghot ni Michael. Nakakabingi ang katahimikan. Hindi ko kaya. Kaya agad ako tumayo, tumalikod at umakmang papasok sa kwarto.

"Terrence......!" basag ni Michael sa katahimikan.

Napahinto ako. Pero hindi ako lumingon sa kanya.

"May kailangan ba tayong pag-usapan?" mangiyak ngiyak na tanong ni Michael.

Huminga ako ng malalim. Humarap kay Michael at naupo sa harap nya. Gusto ko magsalita pero walang lumalabas sa bibig ko.

"Ano? Kausapin mo ako! Magsalita ka!" medyo inis na sabi ni Michael.

"Wala akong dapat ipaliwanag sa iyo Michael." matabang na sagot ko sa kanya.

"Anong wala?! Tinatawagan kita mula kaninang madaling araw! Hindi mo sinasagot ang mga tawag ko. Hindi ka din nagrereply sa mga text messages ko. Tapos!.... tapos....!" napahinto si Michael. Kita ko na sasabog na ang damdamin nya pero pilit nya itong pinigilan.

Pinunasan nya ang mga luha nya. Humugot ng hininga at muling nagsalita.

"Anong ginagawa ni Aldo dito?" seryosong tanong nya.

Tumahimik lang ako. Ramdam ko na naman ang pagkulo ng dugo ko. Naalala ko na naman ang sinabi ni Jerry.

"Tangina naman Terrence! Sagutin mo naman ako!" sigaw ni Michael sabay hampas sa lamesa.

"Nagmumukha na akong tanga dito.!" dugtong nya.

Muli ay humugot ako ng malalim na hininga.

"Mali ka Michael. Ako ang pinagmumukhang mong tanga dito." nanggigigil na tugon ko sa kanya.

"Ha? Anong sinasabi mo? Di kita maintindihan!" naguguluhang tanong ni Michael

"Bakit di mo tanungin si Jerry!?" Inis na sagot ko sa kanya.

"Si Jerry?! Anong kinalaman ni Jerry dito? At teka! Bakit ba inililihis mo ang usapan? Ikaw ang tinatanong ko. Anong ginagawa ni Aldo dito?" pasigaw na tanong ni Michael.

Tumahimik lang ako. Ayoko nang magsalita dahil nagsisimula nang umakyat sa ulo ko ang dugo ko. Baka kung ano ang masabi ko sa kanya.

"Ano? Dito sya natulog? Nagsex kayo? Ha?" sarkastikong tanong ni Michael.

"Michael. Umalis ka na! Please!" mahinahong utos ko sa kanya.

"Hindi! Sagutin mo ako! Ano? Nagsex kayo?" inis na tanong nya.

Tumayo ako at tumalikod para umiwas. Pero agad ako nya ako hinatak sa kamay. Agad ako napaharap sa kanya.

"Aray! Michael! Nasasaktan ako! Bitiwan mo ako. Ano ba?" sabay hatak sa kamay ko.

"Hindi! Sagutin mo ako!" utos nya.

"Please. Umalis ka na!" pakiusap ko sa kanya sabay talikod muli.

Bigla nya akong hinatak ulit at niyakap. Idinikit nya ang alaga nya sa alaga ko. Pilit nya itong pinagkikiskis.

"O ano? Nagsex kayo? Ganito ba ha? Ganito!" Habang pinagkikiskis nya ang mga alaga namin.

"Michael. Ano ba?" habang itinutulak ko sya.

"Ano? sagutin mo ako. Masarap ba? Ha? Mas magaling ba sya? Mas masarap? Mas malaki? Ha? Ano? Sumagot ka! Tangina ka!" pasigaw na sabi ni Michael.

Nagpagting na ang mga tenga ko. Parang dinamita na sumabog ang damdamin ko.

"OO! Michael! Nagsex kami! Ano masaya ka na?" pasigaw na tugon ko sa kanya.

Parang nabuhusan ng malamig na tubig si Michael. Agad nya ako binitawan at binigyan ng di makapaniwalang tingin.

"Wala akong dapat ipaliwanag sa iyo. Hindi kita kaano ano Michael." naiinis na sagot ko sa kanya.

"Akala ko iba ka Terrence. Katulad ka din nila. Sinaktan mo lang ako." mangiyak ngiyak na sabi ni Michael.

Hindi na ako nagsalita. Halo halo na ang emosyon ko.

Tumalikod si Michael at lumabas ng pinto. Hindi ko maintindihan pero parang gusto ng katawan ko na sundan si Michael pero ayaw naman ng puso at isipan ko.

Hinayaan ko na lang na umalis sya. Pumasok ako sa kwarto at nahiga. Ramdam ko ang bigat ng damdamin ko. Nananakit ang buong katawan ko. Napapaisip ako. Ano ba itong mga pinag-gagagawa ko? Pwede naman akong mabuhay ng tahimik tulad ng dati pero bakit ko hinayaan na pumasok sila sa buhay ko.

Nakatitig lang ako sa kisame. Maya maya ay naramdaman ko na lang pagtulo ng luha ko.  Hindi naman ako ganito dati. Biglang pumasok sa isip ko sina Nanay at Tatay. Hindi ko na napigilang ang mapaiyak. Sa mga pagkakataon na masama ang loob ko ay wala akong ibang nilalapitan kundi ang mga magulang ko.

Kaya napagpasyahan ko na umuwi muna. Tutal ay magdadalawang buwan na nung huling umuwi ako ng Malolos. Magpapaalam na lang ako sa boss ko. Magdadahilan na may sakit. Kukuha na lang ng Medical Certificate para maging valid ang absent ko.

Nasa terminal ako ng Bus sa Cubao nang magtext si Aldo sa akin.

** Kamusta ka na Terrence? Kamusta ang kamay mo? Nakapasok ka ba sa work mo? ** text nya sa akin.

** Eto namamaga na sya. Medyo masakit pero ok lang naman ako. Hindi ako nakapasok. Eto pauwi ako sa amin sa Malolos. ** reply ko sa kanya.

** Ganun ba? Mag-ingat ka sa byahe. ** text nya sa akin.

** Salamat! :) ** reply ko sa kanya.

Ilang minuto lang nag lumipas ay muling ngtext si Aldo.

** Ok lang ba kayo si Sir Michael? Parang nagtatalo kayo kanina. ** text ni Aldo.

Inaasahan ko nang magtatanong sya. Marahil ay nagdadalawang isip kaya natagalan.

** Wala yun. Wag mong intindihin yun. ** reply ko sa kanya

Hindi na nagreply si Aldo. Ako naman ay sumakay na ng bus pauwi sa amin. Habang nasa bus ay naiisip ko si Michael. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko. Galit na naaawa. Pero naiisip ko din na bakit ba ako magpapaapekto? Hindi naman kami. Wala syang karapatan na pigilan ako. Single ako. At pwede kong gawin ang lahat ng gusto kong gawin.

Saglit pa ay nasa Crossing na ako ng Malolos. Hindi ko naman natapos ang pagkain ko nung umaga kaya medyo kumakalam na ang sikmura ko. Papunta na ako ng karendirya nang may tumawag sa akin.

"Kuya Terrence!" sigaw ng tumatawag sa akin.

Paglingon ko ay agad na may pumarang tricycle sa harap ko. Si Karlo ang tumatawag sa akin. Bunsong anak ng kapitbahay namin.

"Pauwi ka ba sa atin?" tanong ni Karlo.

"Oo. Bakit ikaw ang pumapasada nyan? Asan tatay mo?" tanong kon
 sa kanya.

"Wala sila ni Mama. Nasa Malabon. Baka bukas pa uwi nun. Bakasyon naman sa school kaya sumasideline muna ako." sagot nya sa akin.

First Year College na si Karlo. 19 years old lang. Kahit na mabarkada ay masasabi ko na responsableng bata naman. Hindi nagpapabaya sa pag-aaral. Dati rati ay uhugin at dungisingbata si mokong. Pero ngayon ay binata na at marunong nang pumorma. Matangkad. Moreno. Slim pero may hubog ang katawan. Batak ang katawan sa paglalaro ng basketball. Minsan nang nagparamdam ang batang ito sa akin pero hindi ko pinatulan. Hindi ko pa talaga alam ang gagawin ng mga panahong iyon.

"Sakay ka na Kuya." aya nya sa akin.

Gutom na ako pero hindi ko naman matanggihan si Karlo. Kaya sumakay na ako sa tricycle nya at napagpasyahang sa bahay na lang kumain. Habang umaandar ay nag-uusap kami ni Karlo.

"Kamusta ka na Kuya? Ang tagal mong hindi umuwi ah?" tanong ni Karlo sa akin.

"Oo eh. Busy sa trabaho. Ikaw? Kamusta na?" tanong ko sa kanya.

"Ok lang din naman. Eto single ulet. Kakabreak lang namin ng girlfriend ko." Sagot nya sa akin.

"Kupo! Kasaklap naman!" natatawa kong tugon sa kanya.

"Ok lang yun. Ganun talaga! It's her loss. Ahehehe." natatawa din nyang tugon.

"O sya. Idaan na lang sa inuman yan mamaya! Ahahaha!" alok ko sa kanya.

"Ayos! Tamang tama. Dun tayo sa bahay Kuya. Walang tao." sabi ni Karlo.

"Sige. Itext mo na lang ako kapag pwede na." sagot ko naman sa kanya.

Hindi na umimik si Karlo. Maya maya ay napunta ang mga mata ko sa pagitan ng mga hita nya. Dahil naka khaki shorts na hapit ay kita ko ang matambok na bukol duon. Naglalaro aking isip sa kung ano ang hitsura ng nasaloob ng nakabukol na yun. Naisip ko tuloy na mag-iinuman kami mamaya. Kapag nagparamdam na naman sa akin ito ay malamang na pagbigyan ko na.

Matagal akong nakatingin sa pagitan ng hita nya kaya hindi ko namalayan na nasa tapat na pala kami ng gate ng bahay. Nagulat na lang ako nang magsalita si Karlo.

"Kuya! Andito na tayo." sabi ni Karlo na nakangiti sa akin. "Ok ka lang?"

Tumango lang ako. Bumaba ng tricycle. Kumuha ng pera at iniabot kay Karlo.

"Mamaya Kuya ha? Asahan kita." paalala ni Karlo.

"Oo. Basta itext mo ako kapag gagarahe ka na." sagot ko sa kanya.

"Okidoks!" sagot nya sa akin sabay paandar ng tricycle.

Nagulat ang mga magulang ko sa biglang pagdating ko. At lalo silang nag-alala nang makita ang nakabenda at namamaga kong kamay. Idinahilan ko na lang na naipit ako sa pinto. As usual, sinermunan ako. Nasaktan ka na, napagalitan ka pa. Pero, infairness, namiss ko ito. Yung pagbubunganga ni Nanay habang si Tatay ay pinagtatanggol ako. Kaya eto, nangigilid na naman ang luha ko. Kaya agad akong lumapit kay Nanay at niyakap sya.

"I miss you!" bulong ko sa nanay ko.

"Ayan. Dyan ka magaling! Magaling kang mambola! Kumain ka na ba?" tanong nya sa akin.

Ganyan ang nanay ko. Magbubunganga pero pagkatapos alalahanin ka.

"Di pa nga po. Anong ulam?" Sabay himas ng tiyan.

"Ginataang Tilapia." sagot ni Nanay.

"Ayos! Namiss ko yan! Mapapakain ako nito ng madami." masayang sagot ko.

"Dapat lang. Tingnan mo nga ang sarili mo. Nangangayayat ka. Puro ka kasi kalokohan sa Manila 'no?" sermon na naman nya.

"Nay. Ayan na naman e. Ok na di ba? Kain na po tayo. Gutom na ako eh!" sabay duck face.

Pagkatapos kumain ay dumerecho na ako sa aking kwarto. Nagbihis ng pambahay. Nahiga sa kama at nagmuni muni. Naiisip ko si Michael. Kumukurot pa din sa puso ko kapag naaalala ko yung eksena kanina. Naguiguilty ako sa nangyari. Pero dapat ba talaga ako maguilty? Wala naman syang karapatan magalit dahil hindi naman kami.

Pagod na ang isip ko. Gusto ko muna magpahinga. Parang ayaw ko na din bumalik ng Condo. Ang gulo dun e. Naloloko lang ang buhay ko. Pero di pwede. Kailangan ko magtrabaho.

Maya maya pa ay nakatulog na ako.

Mag-aalas nuwebe na ng gabi nang magising ako dahil sa pagtunog ng cellphone ko. Si Karlo ang tumatawag.

"Oh. Karlo?" Bungad ko.

"Kuya. Pagarahe na ako. Ano? Tuloy tayo ha?" Sagot ni Karlo.

"Oo. Kain lang ako. Tapos text mo ako kapag nasa inyo ka na. Bumili ka na ng iinumin natin. Abot ko na lang mamaya." Sabi ko sa kanya.

"Ok." sabay baba ng cellphone

Quarter to 10 nang pumunta ako sa bahay nila Karlo. Wala ang mga magulang nya. Nasa galaan ang mga kapatid nya kaya kaming dalawa lang ang nasa bahay. Duon kami sa may kubo sa likod bahay nila nagset. Kahit medyo malamok ay pinagtyagaan na lang namin. Bumili naman si Karlo ng katol. Malamig kasi sa pwestong yun kaya dun namin naisipang mag-inum.

Inilabas ni Karlo ang isang litro ng Emperador Lights.

"Hala. Bakit iyan?" pag-aalala ko.

Bigla ko kasi naalala ang roof top ng Condo. Emperador Lights din kasi ang ininum namin nun.

"Bakit? Di ka ba umiinum nito?" tanong nya.

"Umiinum naman kaya lang...." di ko na natapos ang sinasabi ko.

"O ok naman pala e. Ok na to. Nakakalaki ng tiyan ang beer. At tsaka para mabilis tayong malasing. Hehehe." biro ni Karlo sabay tingin ng nakakaloko sa akin.

Napakunot lang ako ng noo. Mukhang may balak ang mokong na ito ah.

"Huwag kang ganyan. Marupok ako ngayon!" sabi ko sa isip ko.

Nagsimula ang inuman namin ni Karlo. Kasabay nito ay kwentuhan ng tungkol sa buhay buhay namin. Ang dami ko nalaman tungkol sa buhay ni Karlo. Pati na din sa mga buhay ng tropa nya. Natatawa lang ako dahil kalalaking tao ay may pagkatsismoso ang lolo mo.

Lagpas kalahati na ang bawas ng alak na iniinum namin. Medyo pareho nang may tama. Kung kanina ay seryoso ang usapan ngayon ay nagtatawanan na lang kami dahil sa mga kalokohang ikinukwento ni Karlo sa akin. Maya maya pa ay tumunog ang cellphone ko. May nagtext. Si Michael.

** Nasaan ka? ** text nya.

Hindi ko inaasahan ang text nya dahil alam ko na galit sya. Pinili ko na lang na hindi sya pinansin. Hindi ako nagreply. Ayoko muna siyang problemahin.

"Ganda ng cellphone natin ah!" sabi ni Karlo.

"Tama lang. Hehehe!" Tugon ko sa kanya.

"May scandal ka ba dyan?" usisa nya.

"Wala. Hindi ako nagsesave ng mga ganun sa phone ko." sagot ko sa kanya.

"Aw! Sayang! Pero may internet ka sa phone mo?" Tanong nya.

"Oo. Meron naman." sagot ko sa kanya.

"Magsearch na lang tayo ng scandal sa internet." pakiusap nya sa akin.

"Ikaw. Wala akong alam na website e." sabay abot ng cellphone ko kay Karlo.

Agad na naghanap ng porn site si Karlo. Mukhang kinakati si mokong. Mukhang may magaganap.

Maya maya pa ay biglang may narinig ako na babaeng umuungol mula sa cellphone. Medyo malakas kaya agad kong inagaw ang cellphone ko at inistop ang video.

"Ang lakas Karlo. Hinaan mo kaya. Baka may makarinig" pag-aalala ko.

"Mas nakakalibog kaya kapag may sound." natatawang sagot ni Karlo. Halatang lasing na dahil wala nang pakialam kung may makarinig sa pinapanood nya.

"Magheadset ka kaya." Utos ko sa kanya. Sabay abot ng headset na nasa bulsa ko.

Ikinabit nya ang headset at nagsimulang manuod ulit. Tutok na tutok si mokong sa pinapanuod habang ako naman ay tumatagay at namumulutan. Maya maya ay naramdaman ko na naiihi ako. Kaya agad ako tumayo at pumuwesto sa gilid ng kubo para umihi.

"Apo apo makikitabi po. Umusod usod po kayo at baka po kayo tamaan." Bulong ko sa isip ko.  Yun daw ang dapat sabihin kapag iihi sa labas ng bahay para hindi mamatanda. Hehehe. Bulakenyo e.

Pagbalik ko sa kubo ay tutok pa din si Karlo sa pinapanood. Pinagpapawisan na ito. Kita ko na din ang bukol sa pagitan ng mga hita nya. Naintriga ako sa pinapanood ni Karlo kaya tumabi ako sa kanya para makinood. Mainit na ang eksena sa pinapanuod namin. Kita ko na ang madalas na paglunok ni Karlo. Sumandal ito sa dingding at inunat ang mga paa. Lalong namukol ang harap ni Karlo.

Ilang saglit pa ay biglang kinuha ni Karlo ang kamay ko at ipinatong sa bukol nya. Sa gulat ko ay agad ko itong inalis.

"Kuya. Kanina pa ako nag-iinit. Ang sakit na sa puson. Laruin mo lang. Sige na!" pilit nya sa akin.

"Sira ka ba? Mamaya may makaita sa atin." pag-aalala ko sabay tingin sa paligid.

"Wala yan. Wag kang mag-alala." tugon ni Karlo. Tumayo sya at pinatay ang ilaw sa kubo. Aninag pa naman namin ang isa't isa dahil sa liwanag ng buwan at ng cellphone.

Muling kinuha ni Karlo ang kamay ko at ipinatong sa bukol nya. Galit na galit na ito. Agad ko itong hinimas. Mas lalong bumilis ang paghinga ni Karlo.

Ilang minuto pa ay ibinaba nya ang cellphone. Inalis ang sinturon ng shorts. Binuksan ang butones at ibinaba zipper ng shorts. Sumilip saglit sa paligid. Tumayo si Karlo at biglang ibinaba ang shorts at brief hanggang tuhod. Biglang umigkas ang alaga nya. Hindi kahabaan. Siguro ay lima at kalahating pulgada. Pero mataba ang ang alaga nya.

Muli syang naupo sa tabi ko. Kinuha ang kamay ko at ipinahawak ang nagagalit nyang alaga. Agad din nyang kinuha ang cellphone at muling tumutok sa panonood. Sinimulan kong salsalin ang alaga nya. Nung una ay dahan dahan lang. Hanggang pabilis ng pabilis.

"Ahhhhhhh! Shet!"  ang ungol ni Karlo.

Namamaga ang kanang kamay ko kaya kaliwa ang ginagamit ko sa pagsalsal kay Karlo. Hindi ako komportable.

Maya maya pa ay naramdaman ko ang kamay ni Karlo sa likod ng ulo ko. Itinutulak nya ang ulo ko pababa sa harap nya. Alam ko ang gusto nya mangyari kaya agad ko itong pinigilan. Hanggang sa maramdaman ko ang mga labi ni Karlo sa tenga ko. Hinalikan nya at dinilaan ito sabay bulong.

"Ahhhh! Tsupain mo ako Kuya." libog na utos nya sa akin.

Para akong nahipnotismo sa mga bulong na iyon kaya para akong naging sunud sunuran sa mga gusto nya.

Ramdam ko na naman ang kamay ni Karlo sa likod ng ulo ko na marahang itinutulak papunta sa alaga nya. Humugot ako ng isang malalim na hininga. Ibinuka ko ang bibig ko at umakmang isusubo ang naghumindig na alaga ni Karlo. Nang biglang pumasok sa isip ko si Aldo at Michael. Bigla akong natauhan. Tumayo ako at agad na lumipat ng upuan.

"Kuya? Ok ka lang?" gulat na tanong ni Karlo.

"Uhmmm! Oo. Ok lang ako." nauutal ko na tugon.

"Nakakabitin ka naman eh." medyo inis na sabi ni Karlo.

"Pasensya ka na. Masakit na kasi ang kamay ko. Namamaga pa din e." palusot ko sa kanya.

"Ganun ba? O cya tapusin ko na to. Manood ka na lang." sabay tayo at binuksan ang ilaw. Saglit na tumingin at ngumiti sa akin. Inililis ang suot na t-shirt. Gumanda lalo ang katawan ni mokong. Hindi kakapalan ang pubic hair nya. Maganda ang hugis ng ari nya. Pinkish na bilugan ang ulo nito.

Muling naupo si Karlo at sinimulan ang pagsalsal sa sarili habang nakatitig sa cellphone.

Ang sarap panoorin. Nakakalibog. Pero nawawala ang libog ko kapag naiisip ko si Aldo at Michael.

"Ano ba itong pinaggagagawa ko?" tanong ko sa isip ko.

"Parang hayok na ako sa sex ah."

"Kahit kanino na lang bang lalaki ay papatol ako? patuloy kong tanong sa sarili ko.

Natutulala lang ako dahil sa kakaisip. Pero natauhan ako ng biglang umungol ng malakas si Karlo.

"Aaaaaahhhhhhhhhhhh!" sabay sirit ng malapot na tamod sa dibdib at tiyan nya. Nilabasan na si mokong.

"Tangna. Ang sarap. Ahhhhh!" sabi ni Karlo habang naghahabol ng hininga.

"Ano Kuya? Pwede na ba?" tanong ni Karlo sabay kindat sa akin.

Ngumiti lang ako tapos umiwas ng tingin. Tumayo si Karlo at pumunta sa may poso para maglinis. Pagkalinis ay bumalik ito sa puwesto at tumagay muli. Medyo awkward nung una pero nung lumaon ay bumalik na naman kami sa tawanan namin. Itsinismis sa akin ni Karlo kung sino na ang mga nakatikim sa kanya na babae at bakla. Kung sino ang mga pabooking sa tropa nya. Kung sino ang malaki at maliit ang alaga. Ang dami nyang naikwento kaya hindi na namin namalayan ang oras. Halos alas kwatro na nang matapos ang inuman namin.

Pagkaligpit ay nagpaalam na ako kay Karlo. Gusto sana nya ako ihatid pero di na ako pumayag. Malapit lang naman ang bahay namin.

Habang palakad ako sa amin ay muling tumunog ang phone ko. Tumatawag si Michael. Nung una ay nagdadalawang isip ako sagutin. Pero dala na din ng alak ay nagkalakas ako ng loob.

"Michael." bungad ko

"Dito ako sa labas ng unit mo." Matabang na sagot ni Michael.

"Ha? Wala ako dyan. Nandito ako sa amin sa Malolos." Tugon ko sa kanya.

Hindi nagsalita si Michael.

"Hello. Nandyan ka pa ba?" tanong ko.

"Kelan ang balik mo?" matabang na tanong ni Michael.

"Hindi ko alam. Hanggang gumaling ang pamamaga ng kamay ko. Siguro." nag-aalinlangang sagot ko.

"Paano pumunta dyan?" Tanong ni Michael.

"Pupunta ka dito?" gulat na tanong ko.

"Oo. Gusto kita makausap." Tugon nya.

"Magkausap naman tayo ah." Medyo inis na sagot ko.

"Gusto kita kausapin ng harapan." sabi ni Michael.

"Gaano ba kaimportante ang sasabihin mo at kailangang kaha...." hindi na natapos ang sasabihin ko.

"Importante!" Medyo mataas ang boses ni Michael.

Napatahimik ako saglit. Hindi din kumibo si Michael. Pero dinig ko ang paghinga nya.

"Sige. Babalik ako dyan mamayang hapon. Itetext kita kapag nasa unit na ako.

Hindi na nagsalita si Michael. Ibinaba na nya ang cellphone.

"Tingnan mo itong bastos na ito." sabi ko sa isip ko.

Hindi ko maintindihan si Michael. Kaninang umaga galit na galit sa akin. Ngayon naman gusto akong makausap ng person.

Ang hirap nyang ispelengin.

(itutuloy)

No comments:

Post a Comment

Read More Like This