Pages

Monday, March 21, 2016

Tissues (Part 4)

By: Terrence

[ ANG NAKARAAN: Agad kong kinuha ang phone ko at inabot ko sa kanya. Inilagay nya ang number nya sabay pinagring ang cellphone nya para makuha ang number ko.

"So paano? Tara na. Putok na ang araw oh. Medyo antok na din ako." pag-aya ni Mark.

"Ok. Edsa ka naman dadaan di ba? Pakibaba mo na lang ako may Shaw Boulevard." paki-usap ko.

"No! Ihahatid kita sa apartment mo. Para next time, alam ko na kung saan kita ihahatid kapag lumabas tayo." ang sabi nya.

"Sure ka?" Agad kong tanong.

"Oo naman. Hehehe" ang nakangiting sagot nya. ]

"One Caramel Macchiato, grande?" ang nang-aasar na bungad ni Mark sa akin pagpasok ko.

"Ha! Ha! Ha! Funny!.... ewan ko sa iyo." sabay irap ko sa kanya.

"Hehehe. Sarap mo talagang asarin." nakangiting sabi nya sa akin.

"So what can I get you?" dugtong nya.

"Green Tea Frap. Grande." Sagot ko.

"Ok! One Green Tea Frap coming right up!" sabay bigay ng matamis na ngiti.

After ng celebration kuno namin ni Mark ay marami ang nagbago sa akin. Although, madalas pa din ang pagpunta ko sa Starbucks, hindi na ito araw araw. Hindi na din ako pumupwesto sa dulong table dahil magkakasakit ako sa baga dahil sa usok ng sigarilyo na nasa cigarette bin. Hindi na din ako umoorder ng Caramel Macchiato dahil simula't sapul naman ay hindi ko talaga gusto ang lasa nito. Green Tea Frap talaga ang paborito ko. Wala na ding tissue from Mark dahil hindi ko naman daw kailangan na. Hindi na daw nya kailangang magrequest ng smile dahil hindi ko na daw ipinagdadamot ang mga ngiti ko sa kanya. Higit sa lahat, hindi na ako pumupunta sa Starbuck para magself pitty at patayin ang sarili ko sa pag-aalala kay Aldred. Patuloy akong nagpupunta sa 6th floor ng Shangri-la para lang makita si Mark.

Oo. Tama kayo. Nahuhulog na ang loob ko kay Mark. Ewan ko ba. Ang galing kasi nya. Para syang magician na sa isang kumpas lang ng kamay nya ay nagawa nyang unti unting alisin ang sakit na nararamdaman ko mula ng iwanan ako ni Aldred. Halos hindi ko na nga sya naiisip. Naaalala ko na nga lang sya tuwing nababanggit ang pangalan nya.

Laging si Mark na lang ang nasa isip ko. Araw araw kong inaabangan ang smiley messages nya pagkagising ko at bago ako matulog. Napakasimpleng mga text pero sapat na para mabuo ang araw ko.

Minsan nga ay namimisinterpret ko na ang kasweetan nya sa akin. Maraming pagkakataon nang ninais ko na aminin ang nararamdaman ko sa kanya. Pero nangingibabaw sa akin ang takot na baka magalit sya at tuluyan akong iwasan. Siguradong di ko kakayanin yun. Kaya nanahimik na lang ako at ini-enjoy ang kakaibang atensyon na ibinibigay ni Mark sa akin.

"One special Green Tea Frap for a special customer... Sir Kenneth!" nakangiting tawag sa akin ni Mark.

"Special?" Tanong ko na nakataas ang kilay.

"Yup! Special! Super special! Hehehe!" nakangiting tugon nya.

Kinuha ko ang order ko at agad na chineck.

"Wala naman akong nakikitang special dito ah. Anong pinagsasasabi mo dyan?" nagtataka kong tanong.

"Special yan kasi special ka sa akin. Hehehe." nakangiting sabi nya.

"May pagkabolero ka din ano? Ewan ko sa iyo." sabay talikod at lakad papuntang smoking area.

"Seven pa ang out ko. Matagal ka pang maghihintay. Ok lang?" paalala nya sa akin.

"May choice ba ako?" sabay harap sa kanya na nakataas ang kilay.

"Wala. Hehehe!" pang-aasar nya sa akin.

Hindi na ako sumagot. Umirap na lang ako sabay pasok sa smoking area.

Sa loob ng halos apat na buwan ay naging routine na namin ni Mark ang gumimmick tuwing Friday. Malate. Metrowalk. Eastwood. Bluewave. Kami lang dalawa. After ng inuman ay dederecho kami sa mamihan. Dadaan sa convinience store para bumili ng kape. Derecho sa BGC para dun na magpaumaga bago nya ako ihatid sa apartment.

Masarap kasama si Mark. No dull moment. Hindi nauubusan ng kwento. Halos lahat na yata ay napag-usapan na namin maliban lang sa tatlong topics. Religion, Politics at lalo na si Aldred. Pansin ko na naiirita sya kapag naririnig nya sa akin ang pangalan ni Aldred. Binalaan na din nya ako minsan na kapag muling narinig pa nya na binanggit ko ang pangalang iyon ay hindi na daw nya ako kakausapin kahit kelan. Simula nun, hindi ko na muling nabanggit ang pangalan na iyon kapag kaharap ko sya.

Lumipas ang isa at kalahating oras.

"Out na ako. Hehehe." nakangiting sabi ni Mark sabay pabagsak na umupo sa upuan na nasa harap ko.

"Saan mo gusto pumunta?" agad na tanong nya sa akin.

"Kaw na bahala. Ikaw ang magdadrive." sagot ko sa kanya.

"Sigurado ka?" sabay tingin ng nalakaloko.

"Hala. Huwag po Kuya!" sabay hawak sa dibdib.

"Hahaha. Malisyosa ka talaga." Natatawang sabi ni Mark sabay bato ng nilamukos na tissue sa akin.

"Malay ko ba? Kung makapagsalita at makatingin ka kasi... para bang may binabalak kang masama." sabay bato sa kanya ng tissue na ibinato nya sa akin.

"Huwag kang mag-alala. Darating tayo dun. Hehehe." nang-aasar na sabi nya sa akin.

"Ulul! Ewan ko sa iyo. Tara na nga!" sabay tayo.

"Wait lang." Pagpigil nya sa akin.

"Ha? Bakit?" tanong ko sa kanya habang paupo ako.

"May sasama sa atin ngayon." sabi ni Mark habang lumilinga sa paligid.

"Sino?" Nagtatakang tanong ko sa kanya.

Hindi na sumagot si Mark. Naging abala sya sa pagtetext. Ilang saglit pa...

"Ayan na sya..." sabi ni Mark habang nakatingin sa isang babae na palapit sa amin.

Agad akong napatingin sa babaeng palapit sa amin. Maliit lang sya. Mataba. Maitim. Puro taghiyawat at oily ang mukha. Ang baduy ng porma. Parang may exam ang mga ngipin kasi one seat apart. Buhaghag ang buhok na para bang hindi naligo. In short....PANGET!

Nakakainis! May iba akong nararamdaman. Basta! Naiirita ako.

Ok! Ok! Ok! I lied. Matangkad sya. Sexy. Mestiza. Kutis artista. Parang model ang porma. Lalong nagliwanag ang mukha nya nung ngumiti sya. Dumagdag pa yung mahaba na waivy na buhok nya. Oo na.... DYOSA ang lola nyo. Dyosa! Magmumukhang katulong ang ganda ko kapag itinabi ako sa kanya.

"Hiiiiiii!" ang bati ng hitad sabay yakap kay Mark.

"Fuck! Namiss kita!" Tugon ni Mark habang mahigpit na nakayakap sa babae..

"Ouch!" ang sabi ng puso ko. Hindi ko kinakaya ang nakikita ko. Gusto kong umiwas ng tingin pero para akong may stiff neck at hindi ko maibaling ang ulo ko.

"By the way, this is Kenneth."

"Kenneth this is Gina." pakilala ni Mark.

Agad ako tumayo at nag-offer ng handshake. Pero laking gulat ko nang bigla akong hinawakan ni Gina sa balikat at nakipagbeso beso sa akin.

"Finally! Nameet din kita. Lagi kang ikinukwento ni Mark sa akin. Naibenta ka na nya sa akin. Hehehe." nakangiting sabi ni Gina sa akin.

"Ganun ba?" Sabay tingin kay Mark ng masama.

Napayuko lang si Mark ng nakangiti. Pasimpleng tumitingin sa akin. Ramdam ko na binubwisit ako ni gago. Gustong gusto nya kasi na nakikitang naiinis ako.

"Huy! Wag kang magalit. Wala naman syang sinabi na masama. Puro pasitive nga e." pagsita ni Gina sa akin sabay hawak sa braso ko.

"Hay naku! Kilala ko ang mokong na yan." ang sagot ko kay Gina.

"Wala nga.... promise!" sabay taas ng kanang kamay.

"So paano? Tara na." pag-aya ni Gina. Sabay talikod at lakad palabas ng smoking area.

Hindi agad sumunod si Mark. Tumingin muna ito sa akin at pasimpleng humagikhik. Isang mahinang kutos ang isinagot ko sa kanya.

"Aray!" ang tugon ni Mark habang nakanguso at nagkakamot ng ulo.

"Humanda ka sa akin mamaya! Hmp!" sabay irap at talikod.

Sinundot ako sa tagiliran ni Mark. Pero di ko na iyon pinansin. Nakita ko na lang sa reflection ng glass door ang natatawang mukha ni Mark habang sumusunod sa akin.

Habang naglalakad kami papuntang parking area ay pinagmamasdan ko ang dalawa mula sa likod. Nakasakbit ang kamay ni Gina sa mga braso ni Mark at masaya silang nagkukwentuhan. May mga pagkakataon na bigla na lang sila tatawa. Para bang may mga sariling mundo. Para bang walang kasama. Out of place ang ganda ko. Ramdam ko na naghahanap ng blade ang puso ko. Mukhang may balak na namang magsuicide!

"O ano? Saan tayo? Ikaw Kenneth? Saan mo gusto?" tanong ni Mark sa akin.

Sasagot na sana ako nang biglang....

"Metrowalk na lang para malapit." sabi ni Gina.

"Ok. Metrowalk tayo." sagot ni Mark sabay sakay sa kotse.

Hindi na ako nagreact. Binuksan ko na lang ang pinto ng passenger seat ng kotse ni Mark. Pasakay na ako nang....

"Bhe! Pwede ba na dyan ako? Ikaw na lang sa likod?" pakiusap ni Gina.

Isang makabasag-ngipin na ngiti lang ang isinagot ko. Pinaupo ko sya sa passenger seat bago ko isinarado ang pinto nito. Tsaka ako pumwesto sa may likod. Nakatingin lang ako sa may bintana. Imbyerna ang lola nyo. Ramdam ko na nakatingin sa akin Mark sa salamin pero hindi ako tumitingin sa kanya. Patuloy lang ang pagkukwentuhan nung dalawa habang para akong tanga na nananahimik sa likod.

Hindi halos magkasundo yung dalawa kung saang bar kami papasok. Kahit tinatanong ako ay di na ako nagsuggest at baka umepal na naman ang hitad. Hanggang sa napagkasunduan na lang na sa may open area na lang kami pumwesto. Si Gina na din ang umorder ng iinumin at pupulutanin namin.

Tatabi sana sa akin si Mark, nang....

"Uy! Bakit dyan ka? Dito ka sa tabi ko." pagpilit ni Gina.

Wala nang nagawa si Mark kundi ang pumuwesto sa tabi ni Gina.

"Imberna talaga! Grrrrrr!" ang sabi ko sa isip ko.

Hindi ko alam kung ano ang meron sa kanilang dalawa. Pero kung pagbabasehan ko ang pag-uusap nila, kung gaano sila kaclose, kung gaano kadami ang alam ni Gina kay Mark at kung gaano ka-touchy si Gina kay Mark ay hindi ako magtataka na magsyota sila.

"Ouch!" yan ang sigaw ng puso ko.

Nasa kalagitnaan kami ng inuman....

"Huy! Kenneth! Bakit ang tahimik mo?" ang nagtatakang tanong ni Gina.

"Ha? Ah! Eh. Wala naman ako maikwento. Hindi din naman ako makarelate sa usapan nyo." sabay tungga ng bote ng beer na hawak ko.

"Hala. Naa-out-of-place ka na ba? Pasensya ka na ha? Ganito lang talaga kami magkwentuhan ni Mark." sabay hawak sa bisig ni Mark at hilig sa balikat nya.

"Putang-ina ka. Umayos ka! Mapapatay kita!" panggigigil ko sa isip ko.

"No! Wag mo akong intindihin.... ok lang ako!" ang palusot ko sabay ngiti ng may konting kaplastikan.

"Ok... excuse lang ha? Magsi-CR lang ako." paalam ni Gina.

Nagsmile na lang ako at tiningnan sya habang papalayo sya papuntang CR.

Ilang saglit lang ay tumuon ang tingin ko kay Mark na nakangiting nakatingin sa akin.

"Ok ka lang ba?" tanong nya.

"Oo naman. Bakit?" nagtataka kong tanong.

"Para kasing nakakapanibago ka? Ang tahimik mo. Kapag naman nagsalita ka parang ang sungit mo." Tugon nya.

"Hala! Praning ka. Dati na akong ganito noh!" sabay irap.

"Nung una. Pero lately nawala na yun eh. Bakit ngayon biglang bumalik?" Nagtatakang sabi nya.

"Huwag ka ngang praning! Wag mo akong intindihin. Ok lang ako." naiiritang sagot ko.

"Nagtatampo ka ba?" tanong nya.

"Saan?" gulat kong tanong.

"Dahil nalaman mo na ikinukwento kita kay Gina?" tanong nya.

"Oo nga pala. Buti pinaalala mo." sabay taas ng kilay.

"Fuck! Bakit pinaalala ko pa. Lusot na pala ako dapat." naiiling na sabi nya.

"Sira ulo ka. Anong pinagkukukwento mo kay Gina. Binebenta mo ako ng wala akong kamalay malay. Hmp!" pataray na tanong ko.

"Wala. Sinabi ko lang na ikaw ang pinaka-espesyal na customer ko. Yun lang!" nakangiting sabi niya sa akin.

"Bakit ka ba nagsasalita ng ganyan? Mamaya kung ano pa isipin nun?" tugon ko.

"O. E ano naman ang iisipin nya? At tsaka totoo naman ah. Special ka sa akin." Sabay ngiti ulit.

"Matagal nang bilog ang ulo ko. Wag mo na akong bilugin! At kung nagpapacute ka... sorry... hindi tumatalab.... ewan ko sa iyo!" Pagsisinungaling ko.

Tangna! Effective na effective ang pambobola ni Mokong. Kaya nga nahuhulog ako e. Gusto kong tumambling at magsplit dahil sa mga sinasabi sa akin ni Mark. Pero ayokong mag-assume. Feeling ko ganun lang talaga ang personality nya.

"Huy! Ano? Bakit nakasimangot ka dyan?" tanong ni Gina sa akin. Hindi na namin namalayan na bumalik na pala ang hitad.

"Ano na naman ang ginawa mo?" sabay tapik nya kay Mark.

"Hala! Wala kaya!" nangingiting sabi ni Mark.

"Hay naku. Pagpasensyahan mo na ito Kenneth. Malakas talagang mang-asar ang gagong yan!" sabi ni Gina.

"Sige! Pagtulungan nyo pa ako." Inis na sabi ni Mark.

"Totoo naman!" sabi ko sabay taas ng kilay.

Biglang tumawa si Gina at nag-alok ng high five sa akin na agad ko naman sinagot at sinabayan ko ng tawa.

"Hahahaha. Ano? Wala ka pala e. Hindi mo pala kaya ang power namin eh." Pang-aasar ni Gina.

"Ewan ko sa inyo." inis na sagot ni Mark sabay iwas ng tingin.

Nagkatinginan lang kami ni Gina at sabay na napahagikhik.

Kami na ni Gina ang magkakwentuhan ngayon. Si Mark na ang parang OP sa aming dalawa. May kadaldalang taglay talaga ang lola nyo. Halos naikwento na nya sa akin ang buong buhay nya. Lahat na yata ng topic napagkwentuhan namin maliban lang sa tatlong bagay. Religion, Politics at si Mark. Gusto ko sanang tanungin si Gina kung ano ang relasyon nila ni Mark pero hindi ko magawa. For some reason ay nahihiya ako. Actually, natatakot ako sa isasagot nya.

Ramdam ko din na gusto akong tanungin ni Gina ng tungkol kay Aldred pero alam kong napipigilan sya. Tsaka hindi ko din naman magagawang magkwento. Dahil una, pagod na ako sa paglilitanya at pangalawa, alam kong mababadtrip si Mark. Gusto ko din namang inaasar si Mark pero hindi sa ganung paraan.

Nakaka-apat na bucket na kami ng beer nang mag-aya si Gina na umuwi. Mag-aalas kwatro na din kaya tama lang na umuwi na kami.

"Saan ka ba uuwi Gina?" ang tanong ko.

"Sta. Mesa. Ako." sagot nya.

"Mark pwede dun ka na lang dumaan sa Mandaluyong? Madadaanan naman ang apartment ko." pakiusap ko.

Hindi sumagot si Mark. Sa halip ay dumeretso sya pa-Greenhills. Sa may San Juan na kami dumaan. Hindi na ako pumengol pa. Para kasing badtrip na si Mark. Hindi na kasi nagsasalita.

Bumaba si Gina sa may tapat ng SM Sta. Mesa. May unit sya sa may Mezza Residence.

"Ingat kayo. Mark, ikaw na bahala kay Kenneth." habilin ni Gina.

Nagsmile lang si Mark.

"Kenneth! Thank you. Nice to meet you. Labas ulit tayo sa susunod ha?" sabi ni Gina.

"Sige ba! Huy! Ingat ka." sagot ko.

Hinintay lang namin na makapasok si Gina sa condo.

"Ano? Driver mo ako?" tanong ni Mark.

"Ha?" gulat at nagtatakang tanong ko.

"Ganun na ba ako kabaho para hindi ka lumipat dito sa tabi ko?" Nagpapacute na tanong nya sa akin.

"E nandyan si Gina kanina. Alangan namang magsiksikan kami dyan." pataray na sagot ko.

"O. E bumaba na sya. Dito ka na!" pag-aya ni Mark sa akin.

"Ayoko. Dito na lang. Mas ok dito. Pwede pa akong mahiga, o!" ang tugon ko sabay higa.

"Kanina ka pa. Nakakadami ka na." inis na sabi ni Mark.

"Asar-talo ka din no?" pag-asar ko sa kanya.

"Tara na kasi dito....." pagpilit nya.

"Tsaka.... miss na kitang katabi." paglalambing nya.

Napatahimik ako sa sinabi nya.

"Dug dug! Dug dug! Dug dug!" ang sabi ng puso ko.

"Oh! Kenneth! Ayan ka na naman. Maglubay ka. Hindi pwede. Binobola ka lang nyan. Masasaktan ka lang. Behave!" sabi ng isip ko.

"Miss ka dyan! Ewan ko sa iyo!" sabi ko habang nagbubukas ng pinto para lumipat sa harap.

"Sabi ko na e. Di mo ako matitiis eh. Hehehe." nakangiting sabi nya sa akin.

"Tse! Tara na at ihatid mo na ako!" pag-aya ko sa kanya.

"Dapat kasi sa Mandaluyong mo na lang idinaan. Madadaanan naman ang apartment ko." sabi ko.

"Bakit ba gusto mo nang umuwi? Magmamami pa tayo di ba? Tapos magkakape pa tayo sa BGC. Ganun naman ang routine natin kapag nagdedate tayo di ba?" sabay ngiti ng matamis.

"Ulul! Anong date ka dyan. Maglubay! Tsaka dapat si Gina na lang ang isinama mo." Inis na sabi ko.

"Tara na kasi. Pagod na ako." Dugtong ko.

"Ayoko! Mamaya pa tayo uuwi. Kung gusto mo matulog ka muna dyan." sabay paandar ng sasakyan.

"Hala. Bakit ba kasi?" seryosong tanong ko.

"Gusto pa kitang kasama e." sabay tingin sa akin ng seryoso.

Di na ako nakakibo. Napatitig lang ako kay Mark.

"Dug dug dug! Dug dug dug! Dug dug dug!" ang sabi ng puso kong parang sasabog.

"Kaya wag ka nang magpumilit. Ok?" sabay ngiti.

"Ewan ko sa yo. Bahala ka!" sabay irap sa kanya.

Sinundot ako ni Mark sa bewang kaya napakislot ako. Tiningnan ko lang sya.

"Tse!" Ang tangi kong nasabi sabay irap ulit.

As usual, dalawang Chicken Mami, dalawang Siopao Special, at malaking softdrink ang order namin. Tulad din ng dati kumuha si Mark ng kutsara at tinidor pati na din ng condiments. Nagpiga ng kalamansi at naglagay ng toyo. Pagkaserve ng order ay agad nyang hinalo ang mami ko sabay lagay ng sawsawang toyomansi na ginawa nya.

Agad kong kinuha ang Siopao pero tinapik ni Mark ang kamay ko.

"Ako na. Wag ka nang kumilos dyan." pagpigil nya sa akin.

"Hoy Mark. May mga kamay ako oh! Kaya ko yan! Akin na yan!" sabay hablot sa Siopao.

Dahil nga sa mabilis ang reflexes ni Mark ay agad nyang naiiwas ang hawak na siopao.

"Ako na nga. Wag ka nang makulit dyan at alam mong hindi uubra!" ang sabi nya sabay tanggal ng papel na nasa ilalim ng Siopao.

Hindi na ako nagpumilit pa. Nakunwari na lang ako na naiinis pero deep inside parang may bada ng mosiko na nagdidiwang. Wala na talaga. Hulog na talaga ako sa mokong na ito.

"Ganyan ka din ba sa iba?.... kay Gina?" tanong ko.

"Hindi! Sa iyo lang." sabay abot ng siopao sa akin.

"Ha? Bakit?" Gulat na tanong ko.

"Malaki na sila noh. At kaya na nila yun." sabi ni Mark na nakakunot ang noo..

"Langya ka. Ginawa mo pa akong inutil!" inis kong sabi.

"Hindi ah. Ginagawa ko ito sa iyo kasi special ka sa akin. Hehehehe." sabay ngiti.

"Lubayan mo nga! Naalibadbaran ako." pagsisinungaling ko. Ang totoo kinikilig ang ganda ko.

"Ah basta. Wala kang magagawa." sabay higop ng mainit na sabay.

"Tsk! Parang bata!" ang tanging nasabi ko.

After kumain at bumili ng kape ay dumerecho kami sa favorite spot nya sa BGC para hintayin ang pagputok ng araw. Nakatingin ako kay Mark habang nakatanaw sya sa pagitan ng dalawang building na nasa harap namin. Hinihintay ang pagsikat ng araw.

Abala ako sa pagtitig sa kanya nang bigla syang lumingon at nahuli akong sinisipat sya.

"Huli ka! Hahaha. Bakit mo ako tinitingnan?" Nakakalokong tanong ni Mark sa akin

Agad kong inalis ang tingin ko at nagpalusot.

"Ako? Bakit naman kita titingnan? Dun kaya ako nakatingin!" Saba turo sa building na nasa kanan nya.

"Palusot ka pa! Hahaha." ang natatawang sabi ni Mark.

"Ewan ko sa iyo." Sabay irap.

"Naiinlove ka na sa akin ano?" nakangiting sabi ni Mark.

Nanlaki ang mga mata ko sa pagkabigla. Totoo naman kasi. Ramdam ko na hulog na ang loob ko sa kanya. Pero syempre hindi ko aaminin yun dahil hindi ko alam ang magiging epekto kapag umamin ako.

"Excuse me! Huwag ka ngang assuming dyan! Tara na nga!" sabay tayo.

Agad akong hinawakan ni Mark sa braso para pigilan.

"Eto naman. Nagalit agad." ang sabi nya sa akin.

"Pagod na ako. Uwi na tayo." inis na sabi ko.

"Ayoko pang umuwi. Tsaka hindi ko pa nakikita yun araw. Mamaya na. Please." Ang pakiusap nya sa akin.

"Dapat kasi si Gina na lang isinama mo dito. Mukhang mas masaya ka naman na kasama sya." nagseselos na sabi ko.

"Bakit ba puro ka Gina? Kanina ka p....." hindi na natapos sa pagsasalita si Mark.

Binigyan ko lang sya ng ekspresyong nag-aabang ng susunod nyang sasabihin.

Hindi umimik si Mark. Tiningnan lang ako at binigyan ng isang nakakalokong ngiti.

"Anong nginingiti mo dyan? Aber?" sabi ko na nakakunot ang noo.

"Teka nga. Yung totoo?" tanong nya.

"Anong totoo?" nagtataka kong tanong.

"Nagseselos ka ba kay Gina?" nakangiting tanong nya.

Sobra akong nabigla sa sinabi ni Mark kaya hindi ako nakakibo agad.

"Hahaha. Sabi ko na eh. Ano ka ba? Wala kang dapat ipagselos. Bestfriend ko si Gina at ni minsan ay di ko naisip na lumagpas sa linya ng pagkakaibigan namin." Natatawang sabi ni Mark.

"Ano bang pinagsasasabi mo? Bakit ako magseselos? Huwag ka ngang assuming dyan! Nakakairita ka! Tara na! Alis na tayo." inis na tugon ko.

"Akala mo ba hindi ko napapansin ang kinikilos mo kanina? Damang dama ko ang pagkainis mo." nakangiti pa ding sabi ni Mark.

"Ewan ko sa iyo. Para kang tanga! Kung ayaw mo... ako na lang ang aalis. Bahala ka na dyan." sagot ko sabay talikod.

Nakakailang hakbang na ako ng bigla kong naramdaman ang pagtama ng mainit na sikat na araw sa batok ko. Dahan dahan akong humarap para tingnan ang araw. Pero ang nakangiting mukha ni Mark tumambad sa akin. Para syang anghel na may maliwanag na ilaw na nagmumula sa likod nya. Parang nagslow motion ang lahat! Ito yata yung slow motion na sinasabi nila na makikita mo kapag nakaharap mo ang taong mahal mo.

"Dug dug dug! Dug dug dug! Dug dug dug!" Yang ang pagwawala ng puso ko sa dibdib ko. Tangina! Mahal ko na talaga si gago.

Pero hindi pwede. Ayoko na. Masyado na ako nagsuffer sa mga pinaggagagawa ni Aldred sa akin. Masasaktan lang ako. Hindi ko alam kung kakayanin ko pa. Tama na.

Agad akong bumalik sa reyalidad. Umirap lang ako at saka tumalikod.

"Hindi mo pa din nageget ano?" ang agad na tanong ni Mark.

"Anong ibig mong sabihin?" tanong ko sabay harap sa kanya.

"Tsk! Hindi ka lang pala tanga e. Manhid ka din ano?" Seryosong sabi nya sa akin.

Hindi na ako nakapagsalita pa. Tanging ekspresyon lang ng pagkalito ang isinagot ko.

"Hindi mo talaga nainintindihan ano?" medyo dismayadong tanong ni Mark.

"Paano ko maiintindihan kung hindi mo ipapaliwanag sa akin ang pinatutungkulan mo." sagot ko.

Bumugtong hininga lang si Mark at inaya ako sa sasakyan.

"Alam mo ang gulo mo. Ano ba talaga ang ibig mong sabihin?" nalilito kong tanong.

"Wala. Isipin mo na lang na inaasar lang kita. Hehehe." Tugon nya sabay bigay ng pilit na ngiti.

"Pwes congrats! Nagtagumpay ka." sabay irap sa kanya.

Nasa kalagitnaan kami ng pagbagtas sa EDSA nang biglang tumunog ang cellphone ko. May isang message ako sa messenger na nagpagulat sa akin. Para akong nabuhusan ng malamig na tubig.

~ Musta ka na? Pwede ba tayo magkita? ~

Nagsimulang mamutil ang pawis sa noo ko. Hindi ko maialis ang pagkatulala ko sa cellphone ko. Agad itong napansin ni Mark.

"Huy! Ok ka lang ba? Bakit natanga ka na dy...." hindi na nagawang magpatuloy sa pagsasalita si Mark. Napalitan ng pagiging seryoso ang mga ngiti nya.

Hindi ko sya masisisi. Marahil ay nagulat din sya nang makita nya kung sino ang nagmessage sa akin.

Si ALDRED....

(Itutuloy....)

No comments:

Post a Comment

Read More Like This