Pages

Monday, March 7, 2016

Tenth Floor (Part 8)

By: Terrence

Dalawang buwan na ang nakalipas mula nung maganap ang hindi ko makalimutang pangyayari sa roof top ng condo. Makailang beses kong nakikita si Aldo pero halatang umiiwas sya sa akin. Minsan ay nagkasabay kami sa elevator. Galing ako ng 12th floor at sya naman ay sa 10th floor. Tanda ko pa yung mukha nyang nag-aalangan kung sasakay sya nung makita nya na ako ang makakasabay nya. Sumakay din naman sya pero para kaming hindi magkakilala na hindi nag-imikan. Hindi ko tuloy malaman kung nahihiya sya sa akin dahil sa nalaman ko o dahil galit sya nung hinalikan ko sya nung oras na yun sa rooftop.

Naging regular na din ang pagpunta ni Michael sa unit ko tuwing Sabado at Linggo. Magdadala minsan ng lunch. Minsan dinner pero kadalasan ay breakfast. Tsumetyempo sya na wala o tulog si Brandon. At dahil nga laging puyat si Brandon kakagimmick ng Biyernes at Sabado kasama si Jerry ay lagi itong tulog sa umaga at hapon na ang gising. Kaya madalas ay umaga ako dinadalaw ni Michael. Hindi ko alam kung ano ang meron sa amin ni Michael. Oo, makailang beses na may nangyari sa amin. Pero parang tulad lang din nung una ang ginagawa namin. Roromansahin nya ako at tapos ay tsutsupain. Salsalsalin ko sya pagkatapos. Masaya na sya dun. Lagi nyang sinasabi na ayaw nya akong biglain. Sa totoo lang, handa na ako ilevel up ang ginagawa ko sa kanya pero pinipigilan ako ng konsensya ko. Ang laking gulo na ng pinasukan ko at ayoko nang mas palakihin pa.

Hindi kami ni Michael. Walang kompirmasyon. Hindi din pwede na maging dahil sila ni Brandon. Naguiguilty ako sa lihim na pagpunta ni Michael sa akin. Kung tutuusin pwede naman na ang pagkakaibigan naming dalawa ang idahilan. Pero hindi e. Pinaparamdam ni Michael sa akin na mahal nya ako. At kahit hindi ko sinasabi ay ganun din ang nararamdaman ko sa kanya.

Natatawa nga ako sa sarili ko minsan. Hindi pa ako nagkakaboyfriend pero eto lumevel up na kaagad ako. Daig ko pa ang kabit. Actually, para akong kabit. Hindi, kabit na talaga ako. Pinupuntahan at nagpapagalaw sa isang lalaki na may karelasyon. Niloloko ko si Brandon sa ginagawa ko pero binibigyan ko naman ng pabor si Michael. Parang ito na din ang ganti ko para kay Michael sa panloloko ni Brandon at Jerry.

Lunes, kakagaling ko lang ng trabaho. Mag-aalas onse na nang dumating ako sa condo. Dahil sa traffic ay nagtagal ako sa pagbyahe. Kanina pa ako naiihi at alam kong hindi na ako aabot sa unit ko kaya dumerecho ako sa CR ng lobby. Walang tao. Dumeretso ako ng urinal. Dahil sa sobrang ginhawa ng nararamdaman ko ay napaikit ako habang umiihi. Nagulat na lang ako nang biglang may tumawag sa akin na pamilyar na boses.

"Uy! Terrence!" bati ni Jerry.

"Jerry!" tugon ko sa kanya.

Walang anu ano ay tumabi sya sa akin para umihi. At dahil walang harang ang mga urinal ay maaring magkakitaan kami.

Dahil sa tagal ko nagpipigil ay napatagal ako sa pag-ihi. Gusto ko na umalis dahil naiilang ako. Pero hindi nakikiisa ang pantog ko dahil patuloy pa din ang pag-agas ng ihi ko. Ramdam ko na tapos na si Jerry.

"Ok ka lang ba? Nauna pa ako sa iyo ah?" Sabi ni Jerry.

"Ha? Ano kasi... kanina pa ako nagpipigil kaya madami naimbak sa pantog ko." naiilang na sagot ko sa kanya.

Naramdaman ko na lang ang bigla nyang pagsilip nya sa alaga ko.

"Ang laki nyan ah! Hehehe!" biro ni Jerry

"Uy! Ano ka ba?" sabay iwas sa kanya.

Kahit may pumapatak pa mula sa ari ko ay agad kong itinaas ang brief at pants ko.

"Oh. Nahiya ka pa. Nakita ko na. Pero tingin ko mas malaki ang alaga ko. Oh!" sabay pakita sa akin ng alaga nya.

Saglit ko lang nakita ang ari nya dahil agad kong inalis ang mga tingin ko. Akma na akong aalis nang maramdaman ko ang mahigpit na hawak ni Jerry sa braso ko.

"O saan ka pupunta? Dito muna tayo." pagpigil ni Jerry sa akin.

"Ha? Bakit? Pumanik na tayo." sagot ko sa kanya.

Bigla nya ako hinatak at niyakap. Ramdam ko ang paghawak nya sa puwitan ko. Bigla nya itong hinapit na naging dahilan para magdikit ang aming mga alaga.

"Jerry! Ano ba itong ginagawa mo?"  nagugulat kong tanong sa kanya.

"Bakit? Ayaw mo ba?" habang kinikiskis nya ang alaga nya sa alaga ko.

"Jerry! Tigilan mo nga! Ayo...." hindi ko pa natatapos ang sinasabi ko nang bigla nya akong hinawakan sa mukha sabay siniil ako ng halik.

Hindi ako nakapalag agad dahil sa pagkabigla. Pinipilit ko na kumawala sa kanya pero parang nauubos ang enerhiya ko. Masyadong malakas si Jerry.

Maya maya pa ay kumawala si Jerry sa paghalik sa akin. Muli nya akong hinapit sa puwitan na naging dahilan para magdikit ang alaga namin. Ramdam ko ang matigas na ari ni Jerry. Libog na libog siya. Nag-iisip ako ng paraan para makawala sa kanya nang bigla syang nagsabi.....

"Tangina! Ang sarap nga ng mga labi mo! Totoo ang sinasabi ni Michael!" libog na libog na sabi ni Jerry habang patuloy na pinipiga ang pwet ko at kinikiskis ang ari nya sa harapan ko.

Mula kung saan ay para bang may kung ano na nagpabalik ng lakas ko dahil sa nadinig ko. Agad kong inalis ang kamay ni Jerry at itinulak sya na naging dahilan para mawalan sya ng balanse at mapaupo.

"Tangina naman Terrence! Anong problema mo?" galit na sigaw ni Jerry.

"Anong sinabi mo? Anong sinabi ni Michael?" tanong ko sa kanya.

Ngumiti sya sabay sabi...

"Na masarap ang labi mo!" sabay ngiti ng nakakaloko.

"Ano ba yang pinagsasasabi mo?" nagulat kong tugon.

"Wag ka nang magkaila. Alam ko na may nangyayari sa inyo ni Michael! Sinabi nya sa amin!" rebelasyon nya.

Labis ako nagulat. Nagsimulang mamula ang mukha ko sa kaba.

"Hindi ko alam ang sinasabi mo!" Sabay talikod at akmang lalabas ng banyo.

"Akala mo hindi ko alam na pinupuntahan ka ni Michael tuwing Sabado at Linggo sa unit mo?" Sabi ni Jerry sabay bigay ng nakakalokong tingin.

"Oh ano? Nagulat ka? Alam ko ang kagaguhan nyo. Kaya wag ka na magmalilis! Halika na dito. Tigas na tigas na ako oh!" sabay pilit na kinuha ng kamay ko.

Hindi ako nagpatinag. Agad akong lumaban sa paghatak ni Jerry. Binigyan ko sya ng seryosong tingin.

"Bitiwan mo ako Jerry!" seryoso kong banta sa kanya.

Dahil na din siguro sa pagkabigla sa naging reaksyon ko ay binitawan nya ako.

"Hindi ako nakikipagbiruan sa iyo! Mamili ka ng babastusin mo! Huwag ako!" sabay nanggigigil na duro ko sa kanya.

Tumalikod ako. Lumakad palabas ng banyo na nagpupuyos sa galit.

"Tangina! Ahhhhhh! Ang bagal ng elevator." galit na sigaw ko sa isip ko.

Nangingilid ang luha ko sa galit sa nalaman ko mula kay Jerry. Gusto kong tawagan si Michael para komprontahin. Pero pinipigilan ko dahil baka hindi ko mapigilan ang sarili ko at makapagsalita ako ng masama sa kanya. Hindi ko naman maitext dahil nanginginig ang mga daliri ko sa inis. Hindi ako bayolenteng tao pero parang masasapak ko ang sinumang bibiro sa akin ngayon.

Bumukas ang pinto ng elevator sa 12th floor. Agad akong lumabas at nagmamadaling pumunta sa unit ko. Kinuha ko ang susi at binuksan ang pinto. Para bang butas ng karayom ang pinapasukan ko ng susi dahil di ko ito maipasok ng maayos.

"Tangina! Makisama ka naman!" inis sa sambit ko sa isip ko habang binubuksan ang pinto.

Ilang saglit pa ay naipasok ko na ang susi. Agad ko binuksan ang pinto at dali daling pumasok. Gigil na gigil ako. Hanggang sumabog na ang damdamin ko. Isinarado ko ng malakas ang pinto. Duon ko ibinuhos ang lahat ng galit ko. Pero hindi pa ako kuntento. Ibinato ko ang susi sa sahig. Kulang pa. Ibinato ko ang bag ko sa sofa.

"Ahhhhhhhhh!" sigaw ko sa isip ko.

Punong puno pa din ako ng galit kaya walang anu ano ay sinuntok ko ng buong lakas ko ang pinto. Dumaplis ang hinliliit ko sa may paka na nakakabit sa pinto. Alam kong masakit pero manhid ang katawan ko dahil sa sobrang galit. Ilang saglit pa ay unti unting tumulo ang dugo sa pinto.

Nakayuko lang ako. Sabay sa pagtulo ng dugo ay ang pagtulo ng luha mula sa mga mata ko. Nasasaktan ako dahil pakiramdam ko niloko ako. Alam kong dapat ay kunin ko muna ang panig ni Michael pero hindi ko alam kung paano ko sya haharpin. Baka sa unang pagkakataon ay makasapak ako ng tao.

Lumakad ako palapit ng sofa. Sa kabila ng pagpatak ng dugo mula sa kamay ko ay wala pa din akong nararamdamang sakit. Naupo ako at sumandal. Inihiga ko ang ulo ko sa sandalan. Kumukurot pa din sa puso ko ang nalaman ko. Muli ay tumulo ang luha sa gilid ng mata ko.

Kinuha ko ang cellphone ko. Huminga ako ng malalim. Hinanap ko ang number ni Michael sabay pindot ng call button. Ilang saglit lang ay nagring ang phone ni Michael. Agad ko itong kinansel. Hindi ko talaga alam ang sasabihin ko. Ibinaba ko ang cellphone sa tabi ko at muling ihiniga ang ulo ko sa sandalan.

Maya maya ay tumunog ang cellphone. Si Michael ang tumatawag. Tinitigan ko lang ang phone hanggang sa macancel na ang tawag. Muling tumunog ang phone. Hindi ko pa din sinagot. Nakalimang tawag si Michael pero hindi ko pa din nagawang sagutin.

Muling tumunog ang phone pero hindi na tawag. Text message na.
** Terrence bakit di mo sinasagot? Ok ka lang ba? Pasensya ka na kung di ko nasagot agad ang tawag mo. Dito kasi ako sa office at may kinakausap. I hope ok ka lang. ** text ni Michael.

** We need to talk! ** reply ko sa kanya kahit hirap sa pagtetext dahil di ko mahawakan ng maayos ang cellphone ko.

Ilang saglit pa ay muli na namang tumunog ang phone ko. Muling tumatawag si Michael. Akmang sasagutin ko na ang cellphone nang biglang may kumatok sa pinto. Hindi ako agad kumilos. Halos sabay na tumutunog ang cellphone ko at ang katok sa pinto. Lalong nag-iinit ang ulo ko sa galit. Kaya agad kong kinancel ang tawag. Tumayo ako at lumakad palapit sa pinto. Muli na naman kumatok kaya ako napasigaw na.

"Sandali lang!!!" sigaw ko.

Pagbukas ko ng pinto...

"Bakit ba?!!? pasigaw na tanong ko.

Ang gulat na mukha ni Aldo ang tumambad sa akin.

"So...Sorry Sir Terrence kung bad timing ako." nauutal na paumanhin sa akin.

Huminga ako ng malalim. Pinilit na ibinaba ang tono ng boses ko.

"Ano kailangan mo?" mahinahong tanong ko.

"Ibibigay ko lang po itong jacket nyo Sir. Naiwanan nyo po nung nasa roof t.." hindi na nya natapos ang sasabihin.

Agad kong hinablot ang jacket at hindi na nagsalita.

Isang malungkot na tingin lang ang binigay ni Aldo sa akin. Kita ko na naman ang pamumula ng mga mata nya na nagpahabag sa loob ko. Mali! Walang kinalaman si Aldo dito kaya hindi ko dapat sya idamay.

Akmang aalis na si Aldo. Agad ko syang hinawakan sa braso.

"Aldo. Pasensya ka na. Hindi ko sinasadyang masigawan ka. May pinagdadaanan lang ako." pagpapaumanhin ko.

"Ok lang Sir. Kasalanan ko naman. Pasensya na po." Nakayukong tugon ni Aldo.

"Pumasok ka muna. Kailangan nating mag-usap." Pag-aya ko sa kanya.

Halatang nag-aalangan si Aldo na pumasok. Kaya hinawakan ko sya sa kamay at hinatak papasok ng bahay.

Nauuna akong maglakad sa kanya papunta ng sofa. Marahil ay napansin nya ang dugo sa kanang kamay ko.

"Sir Terrence! Anong nangyari sa kamay mo? Bakit nagdudugo?!" gulat na tanong ni Aldo.

Agad syang lumapit sa akin sabay hawak sa kamay ko.

"Aray!" ang aking nasabi sabay hatak sa kamay ko.

Unti unti ko nang nararamdaman ang sakit ng kamao ko. Pakiramdam ko ay nabalian ako ng buto sa daliri. Napansin ko na din ang nagkalat na dugo sa sahig. Agad ako umupo sa sofa at sumandal. Hawak ko na ang kamay ko na nagsisimula nang sumakit.

"Sir Terrence dahil kita sa clinic. Baka napaano yang sugat mo?" pag-aalala ni Aldo.

Agad kong tiningnan ang pinagmumulan ng dugo. Natuklapan lang naman ako ng balat dahil sa pagtama ng hinliliit ko sa paka sa pinto. Medyo malalim lang kaya madaming dugo.

"Maliit lang naman ang sugat. Di na kailangan." Tugon ko.

Agad ako tumayo at hinugasan ang duguan kong kamay.

"May medicine kit ka ba" tanong ni Aldo.

"Nasa kawarto. Sa may drawer ng side table. Sa kaliwa." Tugon ko kay Aldo.

Agad syang pumunta sa kwarto at kinuha ang medicine kit ko. Pagkahugas ay agad kong pinunasan ang kamay ko. Umupo ako sa sofa at tiningnan ang sugat ko. Malalim nga.

Maya maya ay lumabas si Aldo mula sa kwarto. Dala ang Alcohol, Bulak, Betadine, surgical gauze at tape.

"Umupo ka lang dyan Sir. Gamutin natin yan." sabi ni Aldo.

"Ayan ka na naman. Sir na naman tawag mo." puna ko sa kanya.

"Sorry." sabay ngiti ng pilit

Sumadal lang ako. Pumuwesto sya sa harap ko at naupo sa sahig. Nagsimula nang gamutin ni Aldo ang kamay ko. Naramdaman ko ang pagdampi ng bulak na may alcohol sa sugat ko. Mahapdi. Kaya napaigtad ako. Pero unti unting nawawala ang sakit dahil naramdaman ko na hinihipan ni Aldo ang sugat ko.Napatitig lang ako sa kanya habang nagcoconcentrate sya sa paggamot ng sugat ko. Muli na namang sumagi sa isip ko ang pangyayari sa roof top.

Matagal na katahimikan ang namagitan sa amin ni Aldo. Kita ko ang pagkailang nya. Hindi sya halos tumutingin sa akin. Gusto ko sya tanungin pero hindi ko alam kung paano sisimulan. Hindi ko din sigurado kung gusto nyang pag-usapan yun.

Ilang saglit lang ay binasag ko ang katahimikan sa pagitan namin.

"Napansin ko na parang iniiwasan mo ako?" bungad ko.

Halata sa mukha ni Aldo ang pagkabigla. Saglit itong nag-isip bago nagsalita.

"Hindi naman sa ganun Terrence. Hindi ko lang talaga alam ang sasabihin ko sa iyo. Nasaksihan mo naman ang lahat ng nangyari di ba? Hindi ko alam kung paano ko ipapaliwanag sa iyo yun." sagot nya na hindi tumitingin sa akin.

"Hindi mo naman kailangang ipaliwanag. Aaminin ko na nagulat ako. Matagal na akong naiintriga sa mga biro nina Mang Nestor at Ramil sa iyo. Pati ang madalas mong pagpunta ng 10th floor. Pero hindi ako nagtanong kasi alam ko naman na wala akong karapatan. Kaya wala kang dapat ikahiya. Ni minsan ay di naman kita hinusgahan. Biktima ka lang ng pagkakataon at mga pangangailangan mo. Ang malungkot lang ay sinamantala ni Brandon at Jerry ang sitwasyon." paliwanag ko kay Aldo.

Tumingin si Aldo sa akin.

"Tama ka Terrence. Hindi ko naman talaga gusto ang mga ginagawa nila sa akin. Nakakababoy na e. Pero pikit mata ko na lang na ginagawa. Iniisip ko na lang ang pera na kikitahin ko sa paggamit nila sa akin." sabi ni Terrence.

"Nakita ko yun sa mga mata mo nung araw na yun. Sa totoo lang gusto ko nang umalis nun kasi nakakabingi ang mga daing mo. Alam kong hirap na hirap ka. Pero wala akong magawa." ang tugon konsa kanya.

Ngumiti lang si Aldo at muling yumuko. Kita ko ang bigat ng kalooban nya dahil sa mga namumula nyang mga mata.

Agad ko syang hinawakan sa balikat para i-comfort.

"Salamat Terrence. Sa totoo lang parang nabunutan ako ng malaking tinik sa dibdib ngayon. Hindi talaga ako makalapit sa iyo sa hiya. Ngayon lang ako nagkalakas ng loob kaya ngayon ko lang nadala ang jacket mo." Tugon nya sa akin sabay tingin sa mga mata ko.

"Salamat din at ikaw ang lumapit. Sa totoo lang ang akala ko talaga ay galit ka sa akin eh." sabi ko sa kanya.

"Bakit naman ako magagalit sa iyo?" nagtatakang tanong sa akin ni Aldo.

Bigla akong namula. Naalala ko na naman ang eksena.

"Hindi. Wala yun. Hayaan mo na." pag-iwas ko.

"Ano nga yun? Bakit ako magagalit?" pagpipilit ni Aldo.

"Ano? Kasi...... uhm.... kasi hinalikan kita. Parang sinamantala ko yung sitwasyon. Narinig ko naman na hindi ka nagpapahalik"  tugon ko.

Agad na tumahimik si Aldo at nag-isip. Ilang saglit pa ay.

"Bakit mo ba ako hinalikan?" seryosong tanong ni Aldo.

"Ewan ko ba. Ang alam ko lang ay yun ang naramdaman ko nung mga oras na iyon e. Gusto kita halikan." nahihiya kong sagot sa kanya.

"Wag mo sana isipin na katulad ako nina Brandon at Jerry. Marunong ako rumespeto ng tao." Dagdag ko sabay iwas ng tingin.

"Alam ko. Kaya nga ako pumayag na halikan mo ako dahil alam ko na iba ka sa kanila." sagot ni Aldo na nakatitig sa akin at nakahawak sa mga kamay ko.

Nabigla ako sa mga sinabi ni Aldo kaya ako ay napatingin sa kanya.

Maya maya ay lumapit ang mukha ni Aldo sa mukha ko. Para bang may stiff neck ako na hindi ko magawang makalingon para makaiwas sa kanya. Nang malapit nang maglapat ang mga labi namin ay hinawakan ko sya sa balikat para pigilan.

"Aldo...." sambit ko

"Hayaan mo lang Terrence. Huwag mong pigilan. Alam ko na gusto mo ito. Gusto natin ito. Angkinin mo ako ngayon at buong puso ko naman ibibigay." Parang nagmamakaawa nyang sabi sa akin.

Tinitigan ko lang sya ng saglit. Unti unti ay lumapit ang mukha nya sa akin. Galit ako pero sino ba ang hindi bibigay sa ganitong sitwasyon. Kaya ipinikit ko na lang ang aking mga mata at hinintay ang paglalapat ng aming mga labi....

(itutuloy)

No comments:

Post a Comment

Read More Like This