Pages

Sunday, May 22, 2016

Axcel Sports (Part 8) FINALE

By: Axcel

2 years and 3 months passed. I still miss Axcel, pero hindi na ganun kasakit pag naaalala ko siya. 'Time can heal' ika nga. Kaso minsan may mga sugat parin na hindi niya kayang pagalingin, pero nagpapasalamat parin ako kasi kahit papaano, It became a tool to lessen the pain I'm feeling. Hanggang ngayon tinatanong ko parin ang sarili ko, kung tama ba o mali ang pagiwan ko sakanya. Ngunit wala parin akong makuhang sagot. Pinanghahawakan ko nalamang na “if we're meant to be, we will be.”

Tapos na ang business ng parents ko dito, and they decided na babalik na kami ng Pinas. Sabi nila sa Pinas ko nalang itutuloy ang pagaaral ko. Next week na ang pag balik namin sa Pilipinas. I can't wait! But I can't stop pondering kung ano ang magiging reaksyon niya pag nakita na niya ko. Will he be glad? Sad? Angry? Shocked? Scared? I don't really know. But one thing's for sure, I will get him back.

As I was laying in my room, biglang pumasok ang parents ko. “Anak can we talk?” Tanong ni mommy na ikinagulat ko. Umupo ako at tinanguan ko naman sila. “About your sexuality, we're sorry kung napagsalitaan ka namin ng masasama.” Pagpapatuloy ni mommy. “Sorry anak kung di ka namin natanggap noon, pero ngayon wala ng problema.” Sumilay ang ngiti sa aking labi. “Is this for real?” Di makapaniwalang sagot ko. “Ofcourse, pero syempre dapat mag mukha ka paring desente.” Paalala parin sakin ni mommy. “Syempre naman ma.” Tugon ko sakanya. “Basta become who you truly are! We are truly sorry nung napagsalitaan ka namin, nabigla lang siguro kami ng mommy mo. Tandaan mong nandito lang kami para suportahan ka.” Dagdag pa ni daddy. “Hindi niyo po alam kung gaano ako kasaya.” Masayang sabi ko sakanila at nagyakapan kaming tatlo. Okay na Axcel, hintayin mo nalang ako. Wala na silang magagawa. Wala nang makakapigil sa atin. Hihigitan pa natin ang pabebe girls.

Days passed so quickly. Halos wala naman akong ginagawa buong araw dahil hinihintay nalang namin ang araw na lilipad na kami pabalik ng Pilipinas. Inayos ko ang mga pasalubong na binili namin. Humiga muna ako saglit dahil napagod ako sa pagshoshopping. Naisipan kong kunin ang phone ko at nag on sa fb. I searched for Axcel's profile. I'm so glad he's fine. Then I saw a status saying, 'Sa bawat araw na dumaraan, iniisip kong lilitaw ka nalang diyan. Nakakapagod din palang maghintay, nakakapagod na...' Kaunti nalang Axcel, kaunti nalang. I logged off my fb tapos ay natulog na.

Nasasabik na talaga akong umuwi ng Pilipinas. Hangga't dumating ang araw na babalik nako, sa taong mahal ko. Maaga akong nagising at inayos ko na ang lahat ng gamit na dadalhin ko. Hindi mawala ang ngiti sa aking mga labi. “Kung makangiti parang wala ng bukas ah?” Tanong ni Dad nung sinasakay nanamin ang mga maleta samin sa sasakyan. “Super excited napo kasi ako e.” Masayang sabi ko naman sakanya. Tapos dumating na si mom at nagpadrive na kami sa airport. Grabe ang saya ko talaga. Di na ata mawawala to. Konting konti nalang Axcel. Maririnig ko nanaman ang boses mo. Matititigan ko nanaman ang mga mata mo. At higit sa lahat, matitikman ko nanaman ang mga halik mo.

Inayos nanamin ang mga kailangan gawin sa airport at pumasok na kami sa airplane. Umupo kami sa mga assigned seats namin. Sina mommy at dad ay magkatabi sa likod ko, at ako naman ay nakaupo nanaman sa tabi ng window. Sumilip ako sa window at di ko napansin na may umupo na pala sa tabi ko. He's a filipino, he's old and alone. Pero di ko nalang pinansin. Nang lumipad na ang plane nanood nalang ako ng movies. I watched 'That Thing Called Tadhana'. Nung nanonood ako napansin kong nanonood din pala ng movie yung katabi ko. At pinapanood din niya yung pinapanood ko. So yun nga, natapos ko yung movie, at nainis ako sa ending. Bat ganun? Ba't di sila nagkatuluyan? Nakita kong natapos narin ng katabi ko yung movie. Tapos ay nagkatinginan kami dahil pareho kaming naguluhan sa ending ng movie. “Naniniwala ka ba sa Tadhana?” Biglang tanong niya sakin. “Opo, lahat ng bagay nakatadhana. May mga bagay na para sayo, at may mga bagay na hindi.” Sabi ko sakanya. “Ako kasi hindi, huwag mong iasa sa isang bagay na hindi ka naman ganoon kasigurado ang mga desisyon na pwedeng mabago ang buhay mo.” His words are so meaningful. “Kung totoo ang tadhana, lahat siguro ng tao tamad na kasi naghihintay nalang sila ng mga tao o bagay na nakatadhana sakanila. Hindi totoo yung kapag kayo, kayo talaga. Dahil hindi naman magiging kayo, kung hindi ka mageexert ng effort na ipagpatuloy yung nasimulan na.” What the hell is he talking about? But I gotta admit medyo may punto siya kaso di ko maintindihan. I looked at him with a puzzled look. “Hindi mo siguro maiintindihan ngayon, ano, but someday, somehow, malalaman mo rin ang ibig kong sabihin.” Natatawang sabi niya. Tapos ay hindi na kami nagpansinan. Nanood pa siya ng ibang movie, ako naman ay inantok kaya natulog na.

Nagising ako, at oras na para kumain. Kumain kami, tapos ay chineck ko kung ilang oras nalang bago makarating kami sa Pinas. 3 hours left. 3 freaking hours left. Di na talaga ako makapaghintay. Nanood akong movies at nilibang ang sarili ko. Hanggang sa maglanding na kami sa NAIA. I can't remove the smile on my face. Basta lumalabas lang siya, naturally. Nagland na ang plane at ng huminto, tinignan ko sila mom at dad at nginitian nila ko. Tapos ay inayos ko ulit ang upo ko at hinintay kung kailan pwede ng bumaba. “Basta tandaan mo, ikaw ang may pakana ng nangyayari sa buhay mo. Walang kasalanan ang tadhana kasi wala namang ganun.” Seryoso ngunit natatawang sabi ng katabi ko. Bagama't di parin ako naniniwala sa sinabi niya, tumango nalang ako at nagpasalamat sakanya.

Nang pwede nang bumaba ay pinauna muna namin ang ibang nga pasahero. Nang medyo kaunti nalang ang lumalabas ay tumayo na kami at lumabas na ng plane. Inayos namin ang mga kailangan tapos ay lumabas na ng airport. Doon nakita naming naghihintay ang mga tito namin at tita. Nagyakapan kami tapos ay sumakay na sa kotseng dala nila at umuwi na sa bahay.

Namiss ko tong bahay nato. I missed the garden. 'dito ko nasaktan ng sobra si Axcel' Pumasok na kami sa bahay at nagpahinga. Nakakapagod ang byahe. Nahiga muna ako sa kama ko sa dati kong kwarto at naidlip sandali.

Kinaumagahan, hindi na mawala sa isip ko si Axcel. I want to surprise him. Andami kong plano para saming dalawa. Nagbreakfast muna kami, tapos ay nagkausap kami ng mga relatives namin na namimiss na daw kami ng sobra. Namigay ako ng mga chocolates sa mga batang pamangkin ko. Iba talaga pag nasa lugar ka kung san ka nanggaling. Ito ang tunay na hindi matutumbasan ng pera.

Nang dumating na ang gabi nagpasya akong surprisahin si Axcel sa bahay nila. Nagayos ako, nagdala ako ng chocolates and flowers, tapos nagpapogi. Nagpaalam ako sakanila at sumakay na sa kotse ko. Nagmaneho ako papunta sa bahay ni Axcel. Magkahalong kaba, saya, at excitement ang nararamdaman ko. Hindi talaga mawala sa labi ko ang mga ngiti. Nang makarating ako, napansin ko na agad ang imahe ni Axcel sa harap ng kanilang bahay. Masaya na siya, at buhay na buhay. Hindi niya alam ang kotse na ginamit ko dahil kay daddy to. Sinulyapan ko lang siya habang parang naghihintay sa tindahan. Dahil tinted ang salamin, marahil ay di niya ko mapapansin. Ganoon parin siya, gwapo at laging nakangiti. Napangiti ako habang pinagmamasdan siya. Nananabik nakong makapiling siyang muli. Nananabik nakong mayakap siya. Pinark ko na ang kotse ko tapos ay inipon ang lahat ng aking lakas ng loob.

Pababa na sana ako ng biglang dumating si Azrael at biglang tumayo si Axcel. Hinihintay niya pala si Azrael. Inakbayan ni Azrael si Axcel tapos ay malambing silang nagusap at nagtawanan. Yung ngiti at saya nila, purong-puro. Tumulo nalang bigla ang luha mula saking mga mata. Inisip ko kung bakit, tapos bigla kong napansin na may nabago na sa pagtingin niya kay Azrael. Kung paano niya ko tignan dati, ganon na ang way ng pagtingin niya ngayon kay Azrael. Tangina ang sakit sakit. Sumisikip ang dibdib ko, at nararamdaman ko ang pagtusok ng isang daang karayom sa puso ko. Ayokong magisip ng kahit ano, baka mali lang ako. Pinanghawakan ko yun, pero binitawan ko nung nakita kong hinalikan ni Az si Axcel sa cheeks. Kung gaano sila kasaya, ganon naman kasakit at kahapdi ang nararamdaman ko. Harap-harapan nila akong niloloko. Ang sakit pala kapag nakikita mo ang taong mahal mong may kasamang iba, tapos wala kang magawa kundi ang pagmasdan sila. Sa sobrang sakit na nararamdaman ko, humahagulgol nako. I can't stand watching the person I love, love someone else. Pero umaasa ako na mali ako. Na magkaibigan lang sila. Umaasa ako na ako parin. Sana ako parin. Sana ako lang.

Hindi tumitigil sa pagtulo ang luha ko. I want to know kung pano nila nagawa to. Kung pano niya nakayanang ipagpalit ako. Kung pano niya nakayanang kalimutan ako. May kaunting galit na sumiklab sa puso ko. Walang atubiling lumabas ako ng kotse at sinugod sila. Naglakad ako at napansin nila ang presensya ko. Bakas ang gulat sakanilang mga mukha. Sinugod ko si Azrael at sinuntok siya kaya't nadapa siya sa sahig. “Tangina mo! Pinagkatiwalaan kita! Yan lang pala ang ganti mo! Akala ko iba ka sakanila!” Galit na galit na sabi ko sakanya. Sinugod ko pa si Azrael pero humarang si Axcel. Di ako makapinawalang napatingin sakanya at umaasa na yayakapin niya ko o ano, pero wala. Tahimik lamang si Azrael at hindi lumalaban. Nakita ko ang pagaalala ni Axcel para kay Azrael kaya't lalong humapdi ang sakit na aking nararamdaman. Ang sakit sakit na. Tinulungan niya pang tumayo si Azrael. Tinitignan lang niya ko at parang nabibigla sa mga pangyayari. “Walang kasalanan si Azrael dito!” Sigaw ni Axcel sakin. Di ako makapaniwala sa mga sinasabi niya. “Pa-ano mo na-nagawa sakin to A-axcel?! Paa-ano?!” Humahagulhol na sabi ko sakanya. Paano na ang lahat  ng napagdaanan namin? Itatapon nalang ba niya yung lahat? Nakita kong lumungkot narin ang mga mata niya at nagbabadya narin ang luha na malapit nang bumagsak. “Anong expect mo?! I-iniwan moko bigla! Nangiwan ka Greg! Dalawang taon akong umiiyak nang dahil sayo! Dalawang taon akong naghintay! Da-Dalawang taon ako umasa na babalik ka! Hindi ka man lang nangamusta o kahit na ano! Tapos bigla ka-kang lilitaw?! Tapos sasabi-bihin mo paano ko to nagawa sayo na parang walang nangyare?! Nung mga araw na umiiyak a-ako kasi wala ka sa tabi ko, si-siya lang naman yung naging sandalan ko! Siya lang yung nagpapalakas ng loob ko! Siya lang ang nagbigay ng pagasa sakin! Siya yung nagbiga-gay ng rason u-upang ituloy ko ang buhay ko! Hi-hindi niya ko inagaw sa-sayo! Kasi nga pilit niyang sinasa-sabi na mas karapatdapat na ikaw ang mahalin ko! Iniisip ko rin ga-ganun. Kaso a-asan ka?! Naghinta-tay ako sayo. Kaso pagod nako, pagod na pagod nako. It's about time you give me what I deserve.” Humagulgol narin na sabi niya. Nawala yung galit na nararamdaman ko, napalitan ito ng hiya. Sino nga ba ang laging nandyan para kay Axcel? Si Azrael. Noong naaksidente si Axcel, siya ang nanguna sa hospital. Doon ko rin nalaman ang mga sakripisyo niya na hindi namin nakikita. Kung tutuusin, mas karapatdapat niyang mahalin si Azrael. Mahirap tanggapin ang katotohanan, na hindi na ako ang nagpapasaya sa taong nagpapasaya sakin. Kailangan kong tanggapin ang pagkatalo. “I'm so so-sorry, I-i'm sorry.” Nahihirapang sabi ko dala ng pagiyak. “Ti-tigilan mo na ka-kami please! Tapos na ta-tayo.” That's all I needed to hear. Tumalikod nako, at tumutulo parin ang luhang bumalik sa kotse ko. Mahirap palang makita mong inaalagaan na ng iba, yung dating pinakaiingat ingatan mo.

Akala ko siya ang masusurprise, pero mas nasurprise ata ako. Akala ko itinadhana siya sakin, na hanggang dulo kami parin. Akala ko may tadhana. Akala ko ako parin ang mahal niya. Akala ko lang pala ang lahat ng ito.

Ito na ang ending ng story ko. Ganyan talaga, no matter how hard we try, gaano man natin kagusto, some stories just don't have happy endings. Or kung hindi pa masaya, malay mo hindi pa ito ang ending ng kwento. Ang hirap hirap mag move on pero kailangan kong magtiis. Ano pa nga bang magagawa ko? Mahal na mahal ko yung tao e. Kaso narealize ko na hindi pala pwedeng mahal mo lang. Hindi pwedeng sayo lang iikot ang mundo niya.

Sobrang dami na naming pinagsamahan, di ko sukat maisip na nangyari pa to samin. Lahat ng plano, pangarap, at pagmamahal ko para kay Axcel, ngayon ay di na niya kailangan pa.

Tama nga yung lalaki sa eroplano. Hindi totoo ang tadhana. Huwag dapat nating iasa ang mga bagay sa walang kasiguraduhan, wag nating ipaubaya ang mga importanteng bagay sa hangin. Kung gusto nating makamtan ang isang bagay, huwag nating hintayin ang tadhana. Kumilos tayo at huwag nang magsayang pa ng pagkakataon. Gumawa tayo ng ating mga sariling desisyon dahil nasa kamay natin ang magiging resulta ng mga pangyayaring magaganap. Kasi kung umasa tayo sa tadhana, at nagpadala sa sakit na nararamdaman natin, siguradong magsisisi rin tayo sa huli.

Kaya't heto ako, nagsisisi.

No comments:

Post a Comment

Read More Like This