Pages

Sunday, May 29, 2016

Bi the Sea (Part 5)

By: BM

Thanks again po sa mga nakabasa at sumubaybay ng story na to. At sa mga nagcomment at nagcriticize po salamat din po. Godbless!

" Mas mabuting ituloy mo na lang ang kasal na yan Brad. Kawawa si Karen. Sayang ang future mo. Huwag kang mag alala pupunta pa din naman ako sa kasal mo tsaka mas okay na yung ganito. Tropa tropa lang pero walang iwanan. Alam ko naman na mahal mo din si Karen. King ina, magiging pamilyado ka na brad. Ayaw mo nun, makikita mo na produkto ng tamod mo. Naguguluhan ka lang dahil..."

Di pa man natatapos ang sinabi ko ay ibinaba na ni Will ang phone samantalang luhaan naman akong ibinaba ang telepono.

Pinilit kong pakalmahin ang sarili ko nung panahong iyon pero king ina, yun ang mga moment na ang sarap magwalling eh. Yung nakasandal ka sa pader sabay hagulgol. Pero siyempre iyak ganda na lang para hindi masagwa tingnan. Yung nakapokerface sabay tulo luha. Yun!

First trip ng ferry yung sinakyan ko the day before ng wedding ni Will papunta sa kanila. May mga laway pa ata ako nang umalis ng bahay. Bumawi na lang ako sa tulog sa ferry. Medyo excited din ako para kay Will at sa hindi maipaliwanag na dahilan eh masaya ako para sa kanya. Walang halong kaplastikan dre pero sa tingin ko ay tama ang naging desisyon kong hayaan siya.

" Oh Brad, san ka na?"
Isang text ang nareceive ko galing kay Will.

" Bahay. Bakit?" asar ko.

" Gatiks! Kala ko ba punta ka ngayon?"

" Oo nga. Ngayong araw diba? Eh hindi pa naman tapos ang araw ah."

" Hindi na kita masusundo ha. Send ko na lang sa'yo address namin. Kaw na bahala tumunton. Malapit lang naman kami sa pier Brad."

" Okay Brad."

Tumambay muna ako sa bahay ng Tita ko pagdating dun. Malapit lang bahay nila mula dun kaya mga 3 pm na siguro ako pupunta. Kailangan magrefresh.

" Oh Jake napadalaw ka? Di ka man lang nagpasabing pupunta ka ah. Kakaalis lang ng Tito mo. Sayang di kayo nagpang abot."
Medyo may pagkagulat na pambungad ng Tita ko nung binuksan ang gate.

" Okay lang po Tita. May pupuntahan lang po ako mamaya. Saglit lang naman ako. Siyempre na miss ko din dito kaya dumaan na ko. Tsaka iwan ko na din po iba kong gamit ha."

" Walang problema nak. Dun ka na lang sa kwarto ni Kevin."

" Kevin? Bumalik na po ba siya?"

" Andiyan sa kwarto. Wala atang trabaho ngayon."

Di ko na narinig ang mga huling sinabi ni Tita at tumuloy na sa kwarto. Patay ang mga ilaw at sarado ang bintana ngunit may sapat na liwanag para maaninag ang nakahiga sa kama. Binuksan ko ang bintana at tumambad ang lalakeng nakahiga. Walang damit pang itaas kaya kitang kita ang matikas nitong katawan. Nag gigym ata. Umupo ako sa kama sabay bulong sa nakahiga:

" Boi, shot tayo maya."

Biglang naalimpungatan si Kevin at pinilit akong tiningnan. Halata ang pagkagulat sa kanyang mata.

" Kuya! Musta? Long time no see ah. Grabe di ka na ma reach. Gumwapo pati." pinilit maupo ni Kevin at inayos ang sarili. Pagkatapos ay isang mahigpit na yakap ang binigay saken.

Natuwa naman ako sa ginawa ni Kevin. Halos sabay kami lumaki at nag aral. Nagkahiwalay lang nung bumalik siya sa totoo niyang magulang at kami naman ay lumipat sa ibang lugar. Kahit na adopted child si Kevin eh sobrang close kami dahil halos isang taon lang ang agwat ko sa kanya at kami lagi magkasama.

Gwapo si Kevin. Halos magkasintangkad lang kami. Maputi at medyo mestizo. Dating payat pero may muscle na ngayon. Makinis ang katawan niya at mukha. Di ko alam kung ano na ang trabaho niya ngayon pero mukhang ayos naman ang lagay niya.

Nagkwentuhan kami ni Kevin at maya maya pa ay nagpaalam na kong umalis muna. Itinanong ko ang exactong lugar kung san naroon ang address nila Will at nagoffer na ihatid na lang daw niya ako. Pumayag na din ako at baka malito pa ko mamaya.

Nagulat ako ng lumabas sa kwarto si Kevin. Hindi ko masyadong naappreciate ang kagwapuhan niya pero ngayon ay lalo siyang gumwapo sa liwanag at nakaporma.
Masama man ay bigla akong nilibugan sa pinsan kong iyon. Well, hindi naman talaga kami magpinsan by blood.

Nagtaxi kami papunta kela Will at buti na nga lang sumama si Kevin at hindi din pala kabisado ng driver ang lugar.

Sa hindi kalakihang bahay ngunit may malawak na lawn kami ibinaba ng taxi. Medyo tahimik ang bahay kaya minabuti na lang naming magtawag. Wala din kasing doorbell. Maya maya pa ay may lumabas na para pagbuksan kami.

" Oh Jake kamusta? Kanina ka pa inaantay ni Will. Mas excited pa ata makita ka kesa kasal namin." may laman pero may halong birong sabi ni Karen.

" Ah ganun ba. San na ba yung lokong yun? Maya pa nga sana ako punta eh. Init kasi. Si Kevin nga pala."

" Andun sa loob. Pasok kayo. Nice to meet you Kev."

Papasok pa lang kami sa bahay ay nakita ko na si Will na nakaupo sa sofa habang nanununod ng TV. Parang normal na araw lang iyon kahit na kung tutuusin ay mamaya ng gabi ang bisperas ng kasal. Tumayo siya nang makita kaming papasok at tila ba ay namagnet ang tingin kay Kevin.

" Musta Brad?" paunang bati ko.

" Kala ko di ka na matutuloy eh. Eto relax muna. May kasama ka pala."

" Ah si Kevin nga pala brad. Kev si Will kasama ko sa barko."

Isang awkward na handshake ang nangyari nang biglang naglabas si Karen ng meryenda.

Naging maayos naman ang hapon na iyon. Kaya pala tahimik doon sa bahay ay dahil mas pinili daw nilang maging tahimik ang gabi bago ang araw ng kasal. Ang reception ay sa isang malapit na hotel.

Nabanggit ni Will na magkakaroon siya ng konting inuman. Yun na kumbaga ang pinaka stag party niya. Dun lang sa bahay mismo dahil  aalis din si Karen kinagabihan para makapagpahinga. Hapon pa naman ang kasal kaya ok lang magpuyat.

Minabuti ko na sanang sa bahay na lang matulog para makapagpahinga pero nagpumilit na dun na lang ako matulog sa kanila. Umuwi na din si Karen kaya kami na lang ang naandon at ang mga parents niyang ubod naman ng tahimik. Halos di nga namin namalayang andun pala sila sa likuran. Pauuwiin ko na sana si Kevin ngunit nagpumilit itong sabayan ako. Ayos din at may mga darating na di ko kakilala.

Pagkatapos ng hapunan ay nagset up na nang maiinom si Will. Ang akala kong maliit na inuman lang ay tambak pala ang alak. Busy ako sa kakatext sa Tita kong naghahanap na sa amin habang nanunuod naman ng TV si Kevin ng biglang tinawag ako ni Will. Nasa pintuan siya ng kwarto at sinisenyasan akong lumapit na siya ko namang ginawa.

Di pa ko nakakalapit ay pumasok na siya sa kwarto kaya sumunod din ako. Nasa pinto pa lang ay hinila na niya ko papasok at niyakap ng sobrang higpit. Yung tipong hindi na ko makahinga. Inaamoy niya ang katawan ko na tila ba'y sabik na sabik. Walang halong libog ngunit punong puno ng emosyon. Nang sobrang pagka miss. Niyakap ko din siya at hinalikan sa pisngi. Pinilit kong hindi magpaapekto at bumitaw saka lumabas. Masama ang tingin ni Kevin ng lumabas ako ng kwarto. O baka dahil lang sa pinanunuod niya.

Maya maya pa ay dumating na ang ibang barkada ni Will. Anim silang dumating at halos kaedaran lang niya lahat. Tatlo sa kanila ay gwapo samantalang yung iba gwapo din- after drinks!

So the party started sa
mild na kwentuhan hanggang sa nagkapalagayan ng loob lahat at nag orgy. Joke lang. Dun ko nakilala kung anong klaseng barkada si Will. Maalaga, matapat at maasahan. Mga katangiang napansin ko din dati pa. Panay nakawan lang kami ng tingin ni Will habang nagsashot. Di ko namamalayang panay manman din pala ni Kevin samin nung time na yun. Sa magkakaibigan, medyo kaugali ko din ang bestfriend ni Will. Pero hindi siya kasama dun sa tatlong pogi. Sabihin na lang nating, pang bestfriend material siya.

Medyo hilo na ko nung lumapit saken si Kevin.

" Kuya dito ba tayo matutulog?" bulong ni Kevin na halatang may tama na rin at namumula.

" Yup." matipid na sagot ko naman.

Hindi na umimik si Kevin at tuloy ang pakikinig sa kwentuhan. Nagkakabukingan na ng kalokohan ang magkakaibigan ng pumasok ako sa kwarto. Gusto ko nang magpahinga at antok sabay hilo na rin. Nahiga ako sa kama. Halos mawala na ulirat ko nang may pumatong saken.

" Miss you so fuckin' much brad. I'm tired.Pagod na ko sa ganito. Pagod na kong magkunwaring hindi ako naapektuhan kapag nakikita ka. Gusto ko kasama kita minuto minuto, araw araw, gabi gabi. Bakit hindi pwede? Bakit bawal? " halos di ko na maintindihan ang mga sinasabi ni Will dahil nauutal na ito at luhaan ngunit tahimik pa din ako. Nagising ang diwa ko pero hindi ko alam kung paano magrereact. Natigilan ako.

Marami pang sinasabi si Will ngunit hindi ko na naintindihan. Hanggang maya maya ay nakatulog na lamang siyang nakadapa saken.

Itinulak ko si Will pagilid at inihiga ng maayos. Pagtayo ko at pabalik sa labas kung saan nag iinuman pa rin ang iba ay napansin kong may taong nasa pinto. Tulalang nakatingin saken si Kevin. Patay malisya akong lumabas at sumunod na din siya. Shot ng konti at nagpaalam na ko sa mga tropa na magpapahinga na ko. Maya maya pa ay nagsialisan na din sila. Dun sa sala natulog ang bestfriend ni Will samantalang ako at si Kevin ay sa kwarto kung saan naroon si Will.

Inusog ko si Will sa gilid para magkaroon kami ng space ni Kevin. Hindi pa din ito kumikibo. Nahiga ako sa gitna at si Kevin sa kabilang gilid. Naging tahimik ang silid hanggang sa nakatulog kaming lahat.

Wala na si Will kinaumagahan ganun din si Kevin. Bumangon ako at tirik na ang araw ng sumilip ako sa bintana. Kinapa ko ang phone at nakitang alas 9 na pala ng umaga. Dali dali akong lumabas at nakitang nagkakape ang dalawa habang nagkukwentuhan. Mukhang masaya ang pinag uusapan nila.

" Kape brad." yaya ni Will.

" Sige brad."

Nagkape muna kami ni Kevin bago tuluyang umalis. Habang nasa taxi ay wala pa din itong kibo.

" Alam mo Kev, yung nakita mo.. ah.." tinangka kong ipakiusap na huwag na makarating kahit kanino ang nangyari ngunit pinutol iyon ni Kevin.

" Walang problema Kuya. Naiiintindihan kita." wika ni Kevin sabay tapik sa balikat ko.

Naging tahimik muli hanggang narating namin ang bahay nila Tita.

Medyo maaga ako nang dumating sa venue ng kasal kaya minabuti kong magyosi muna sa labas ng simbahan. Saktong maaga din yung mga tropa ni Will kaya nakipagkwentuhan muna ako sa kanila. Hindi ko makita si Will. Baka busy siguro. Maya maya ay inakay na lahat papasok ng simbahan at magsisimula na daw.

Naupo ako sa bandang likuran para hindi agaw eksena. Nakita ko si Will na pumasok at tumungo sa altar. Hanep ang suot dre. Naka puting amerikana. Poging pogi at napakalinis tingnan. Haist, kung ako na lang sana ang peg ko nito. Nakita niya ako at kumindat. Maya maya pa ay andun na ang pari at bumukas na ang pinto. Tumunog ang " On this day" sa background at nagmartsa na si Karen na ubod ng ganda sa kanyang gown. Blooming na blooming ito at halatang masayang masaya. Sa isip isip ko, at least i have made that person's life happy and worth living kasama yung taong mahal niya.

Nang magsimula na ang exchange of vows, napansin kong saglit na tumingin si Will sa kinaroroonan ko. Bigla akong nakaramdam ng sakit. Biglang pumasok lahat ng hindi ko mapigilang pagkalungkot. Bumalik lahat ng alaala ko kasama si Will. Nung una kaming magkita, nagkaaminan, nagkapikunan, nag iyakan. Napag isip ko,nasa harap ko ang taong pinakamamahal ko ngunit di ko kayang ipaglaban dahil sa takot ko. Yung taong handang i give up ang lahat para makasama ako pero binalewala ko. Kung pwede lang sumigaw at itigil ang lahat ng to gagawin ko. Pero huli na ang lahat. Hindi ko napigilan ang pagtulo ng mga luha ko at kahit na nasa gitna ng ceremony ay lumabas ako ng simbahan at tumakbo hanggang sa kaya ng mga paa ko. Hanggang sa mawalan ako ng lakas. Naupo ako sa gilid ng daan at di alintana ang mga dumaraang sasakyan. Akala ko ay ganun lang kadali yun. Akala ko ay makakaya ko pero hindi. Pakiramdam ko nung oras na iyon ay hindi na muli ako mabubuo. Hindi na muli makakaramdam ng pagmamahal na ipinadama ni Will sa akin. Pagmamahal na pilit kong tinakasan at tinalikuran dahil sa lintik na takot na iyan.

Hindi ko alam kung paano ko narating ang bahay nila Tita pero laking pasalamat ko na nakauwi ako ng ligtas. Lupaypay ang katawan ko at halos pilit ang paghakbang. Tinungo ko ang kwarto at nadatnan ko si Kevin na naghihintay. Ibinukas niya ang mga kamay at walang pasabing niyakap ako ng mahigpit. Isang napakalakas na hagulgol ang binitawan ko. Sobrang lakas na nabulabog ko hindi lamang ang mundo ko kundi pati na din ang mundo ng isang taong minsan din palang nagmahal sa akin.

Itutuloy...

No comments:

Post a Comment

Read More Like This