Pages

Sunday, May 15, 2016

Photographic Lovers

By: Lord Iris

Hi! fellow KM readers, I'm Lord Iris. This is my first time to write a story here in KM blog. Sa wattpad talaga ako nagsusulat ng stories pero mas gusto kong magbasa dito sa KM kasi mas trip ko at magagaling din ang mga author. Hinding-hindi ko makakalimutan ang isang author na nagsabi sa akin na...

"Use your heart as your pen and your own blood as your ink".

Well by the way... may mga books ako sa wattpad at pwede niyo yung i-check kung sakaling magustuhan niyo ang isusulat ko ngayon. I'm still under age and I don't have any sexperience so very minimal ang scene na mailalagay ko kung meron man haha.

"Black and white are the colors of photography. To me they symbolize the alternatives of hope and despair to which mankind is forever subjected".

-Robert Frank

Sabi nila meron daw taong nakatadhana para sa ating lahat at gagawa ng paraan ang kapalaran para makita mo ang taong mahal mo. Kung ganun nasaan na siya? Nasaan na ang taong mamahalin ako? Antagal naman niyang dumating sa buhay ko!

We live in a society that is obsessed with beauty, buti na lang nabiyayaan ako ng sapat na kagwapuhan. Ako si Fin Castaniega... maputi, 5'9 ang height ko, singkit ang mga mata ko at sabi nila may hawig daw ako sa korean actor na si Lee jong suk pero hindi ko naman kilala yung tao na yun at pareho daw kaming baby face. Closeted gay ako at kahit kelan hindi ko binalak sabihin sa pamilya ko ang tunay kong kasarian kasi hindi naman maipagkakaila na lalaking-lalake talaga akong kumilos, yun nga lang lalake din ang nagugustuhan ko pero yung crossdress? Ayoko nun, ayokong magsuot ng damit na pambabae kasi feeling ko nakakababa ng pagkatao kapag nagsuot ng ganun and I absolutely hate those girly stuffs. Nagkakagusto lang talaga ako sa lalake but I never fell in love with anyone...
22 years old na ako, nagtatrabaho ako sa isang kompanya at maganda naman ang sweldo kasi mataas ang position ko dito sa Makati. Natutulungan ko na din ang pamilya ko sa mga gastusin kaya maayos ang buhay ko ngayon...

Day-off ko ngayon at bumaba na ako sa dining area para mag-almusal. Nakita ko naman kaagad ang napakabait kong nanay na si Rose... Oo tama kayo hahah. Rose lang ang tawag ko sa kanya kasi ayaw niyang tinatawag siyang mama kasi parang dumadami daw ang wrinkles niya at napaka-kalog nitong nanay ko tapos parang mag-tropa lang kami...

"Rose!!! Good morning! Anong almusal natin?". Nakangiti kong tanong sa kanya. Ganyan talaga kami tuwing umaga pero mabait talaga ang mama ko.

"Longganisa anak... at meron akong nilulutong itlog at sinangag". Nakangiting sabi ni Rose habang nagluluto ng itlog.

The best talaga ang nanay kong si Rosita Castaniega at gusto niyang Rose lang ang tawag sa kanya kasi naalala niya daw ang yumao kong tatay kapag tinatawag namin siya sa pangalang Rose.

Natapos ng magluto si Rose at sabay na kaming kumain kasama ang mga maliliit kong kapatid at ang ate ko na mas matanda sa akin ng isang taon. Siya si ate Roxan... halos magkamukha kami at parang siya ang babaeng version ko.

"Oh? Fin mukhang nakabihis ka... saan naman ang lakad mo?". Nagtatakang tanong ni ate Roxan.

"Wala naman... may lakad lang kami ni Lissa mamaya kasi day-off ko". Sagot ko sa kanya.

"Ayyiiee... may date sila ni Kuya!". Nakangiting asar ng isang kapatid ko.

"Hoy! May birthday party din yung pinsan niya kaya sinama ako, hindi kami magdi-date!". Naiinis kong sabi sa kapatid ko.

Paano ba naman kasi... hindi naman talaga kami magiging magsyota ng bestfriend kong si Lissa kasi nga wala akong interest sa kanya at hindi naman yun alam ng mga kapatid ko.

Nang matapos kaming mag-almusal ay nagpaalam na akong aalis kasi mukhang late na ako sa usapan namin ng bestfriend ko...

"Kuya! Yung baon ko?". Nakangiting sabi ng kapatid kong bunso.

Tinaas ko ang isa kong kilay at...

"Anong baon? Linggo ngayon". Seryoso kong sabi sa kanya.

"Kuya sige na please... love na love na love na love naman kita". Sabi ng kapatid ko at lumilingkis siya sa braso ko na parang linta.

"Oh siya! Sige na nga!". Sabi ko sabay bunot ng wallet ko sa bag.

Binigyan ko ng pera ang kapatid ko at bigla akong pinaghahalikan sa pisngi at sobrang lakas talaga ng topak ng pamilya ko at mabuti na lang hindi ako nagmana sa mga ketek nila...

"Rose! Ate Roxan! Alis na ako...". Sabi ko sa kanila habang naglalakad palabas ng pinto.

"Sige Fin ingat ka!". Sabay nilang sabi.

Pumunta na ako sa napag-usapan naming mall ni Lissa at mukhang wala pa siya kasi di naman nag-text. Pumunta naman ako sa mcdo at bumili ako ng paborito kong fries at pagkatapos naghanap muna ako ng mauupuan... maraming tao at may nakita akong bakanteng upuan kaso may naka-upong lalake doon sa harap nun at naiilang naman ako...

Naglakad ako palapit sa kanya at naramdaman ko na lang na parang madulas ang ang sahig kasi kakalinis lang at dahan-dahan akong naglakad pero may natapakan akong plastic na cup kaya nadulas ako...

Muntik na akong matumba at buti na lang nahawakan ko ang matigas na tuhod nung lalakeng naka-upo...

Napatingin na lang ako sa kanya habang nakatitig din siya sa akin... napansin ko na ampogi niya at mukhang hindi pa ako gumagalaw...

"So...so..rry". Naautal kong sabi sa kanya.

"Ok lang... mukha namang nag-eenjoy ka sa pagkakahawak sa alaga ko...". Sabi niya at nginuso niya ang ibabang parte ng katawan niya.

Tumingin ako at putek!!! Hindi pala tuhod ang nahawakan ko kundi yung part ng tite niya tapos parang matigas na matigas yun...

Nagmadali ako sa pagkaka-ayos ng sarili ko at naglakad na lang ako palayo sa sobrang kahihiyan... umupo ako sa ibang upuan kasi may umalis nang tao pero napapansin ko na habang kumakain ako ng fries ay patingin-tingin sakin yung lalake...

Napansin ko na parang may nag-flash na camera kaya hinanap ko kung saan yun pero wala naman...

Nag-iinit yung mukha ko at iniiwasan ko siya ng tingin pero nakikita ko siya sa giliran ng mata ko... kumakain siya ng sundae at tumitingin talaga siya sa akin kaya naiilang na ako...

Parang kasing pula na ng kamatis ang mukha ko dahil sa naalala ko ang nangyari dahil nahawakan ko ang pagkalalaki niya at first time ko kasing makakapa ng ganun... putek!!! Bakit kasi ang tigas nun? Aaarrgghh!!!

Sinubukan kong tingnan siya at dahan-dahan kong inikot ang ulo ko para makita siya tapos...

Nakatingin talaga siya sa akin... at bigla na akong umiwas ng tingin sa kanya tapos napansin kong tawa siya ng tawa doon sa table niya. Nakakainis! Nakakahiya! Bakit ba kasi nangyayari sa akin yun?

Nang maubos ko ang fries ay lumabas na ako ng mcdo kasi hindi ko na talaga kaya ang kahihiyan ko doon sa lalake... Pumunta ako sa may fountain at nakita ko ang bestfriend ko na nakaupo doon sa gilid ng fountain...

Ang bestfriend kong si Lissa ay sexy, maputi at maganda. Yung pwede mo siyang i-level sa pagiging dyosa pero yung bunganga niya... para siyang pinaglihi ng nanay niya sa pwet ng manok sa sobrang ingay...

"Bestie!!! Antagal mo naman!!!". Napakaingay niyang sigaw sa akin.

"Kumain pa ako ng fries sa mcdo". Sabi ko naman sa kanya.

"Samahan mo ako na maghanap ng regalo doon sa pinsan ko". Sabi niya sa akin sabay hatak paakyat sa 2nd floor ng mall.

Pumunta kami sa kung saan-saang botique dahil hindi daw siya makapag-hanap ng regalo para doon sa pinsan niya...

"Ano ba kasing gustong regalo ng pinsan mo na yan ha?". Tanong ko sa kanya habang nakataas ang kilay.

"Basta! Kailangan nating maghanap kasi 18th birthday niya mamaya". Sabi niya habang naghahalungkat ng mga damit sa botique.

"May naisip na akong regalo...". Nakangiti kong sabi sa kanya.

"Ano namang ireregalo mo?". Nagtataka niyang tanong sa akin.

Pumunta ako sa section ng mga pabango at habang inaamoy ko yun isa-isa ay kinuha ko ang pinaka-nagustuhan kong amoy...

"Bestie!!! May regalo na ako!!!". Malakas na sabi ni Lissa sa likod ko.

Muntik ko ng mabitwan ang hawak kong pabango dahil nagulat ko sa boses ng bestfriend ko...

"Ano ba! Nakakagulat ka!". Naiinis kong sabi sa kanya.

"Hahaha... bayaran na nga lang natin ito at mukhang may regla ka na naman". Natatawa niyang sabi at nakita ko na may hawak siyang dress.

Pumunta kami sa cashier at pinalagay na lang namin yun sa paper bag tapos nilagyan namin ng ribbon para magmukha namang sosyal...

Pagbunot ko ng wallet ko ay binuksan ko para humugot ng pera kaso nalalag ang nakaipit na picture doon kaya kinuha ko sa sahig... kaso biglang hinablot ni Lissa yung picture...

"Gosh!!! Sinech itech??? Ang cute naman ng mga batang nitis". Sabi niya na parang nababaliw.

"Ano ba? Para kang bakla magsalita". Sabi ko kaya Lissa.

"Huh? Sino kaya ang bak...". Sabi niya at bigla kong tinakpan ang bibig niya para maputol siya sa pagsasalita.

Si Lissa lang kasi ang nakakaalam ng totoong sexual preference ko kaya hindi na niya yun pwedeng ipagkalat...

"Ang ingay talaga ng bunganga mo!". Naiinis kong sabi sa kanya habang tinatanggal ang kamay ko sa bibig niya.

"Sorry na hahah... sino nga itong mga cute na nasa picture?". Tanong niya habang tinititigan yung picture.

Parang kinilig ako bigla sa tanong niya...

"Ako yung nasa kaliwa... tapos si Jayjay yung nasa kanan". Nahihiya kong sabi sa kanya.

"Alalalala!!! Shocks friend!!! Namumula ka bigla!". Maingay niyang sabi sa akin.

"Yung bunganga mo ang ingay!". Seryoso kong sabi.

"Friend... crush mo ba ito?". Nakangiti niyang tanong sa akin.

Tumango na lang ako sa kanya bilang pagsagot ng oo kasi nahihiya ako...

"Hahahha kinikilig si bakla!!!". Mahina niyang sabi sabay tusok sa giliran ko.

Lumabas kami ng botique at naglakad lakad doon sa mall at hindi pa rin binabalik sa akin ni Lissa yung picture namin ng Jayjay...

"Parang may kamukha si Jayjay mo". Sabi ni Lissa habang sinisipat ang larawan namin ni Jayjay.

"At sino naman ang  kamukha niya?". Tanong ko sabay taas ng kilay.

"Ewan... kwento ka naman kung bakit ka nagka-crush kay Jayjay". Nakangiti niyang sabi sa akin.

Umupo kami sa isang bench at iku-kwento ko sa kanya ang lahat lahat...

"Bestfriend ko si Jayjay nung grade3 kami at crush ko siya pero lumipat siya ng school kaya hindi ko na alam kung nasaan si Jayjay". Nalulungkot kong sabi kay Lissa.

"Aaww... sad naman! Siguro ang hot na ng Jayjay mo ngayon!". Nakangiting sabi sa akin ni Lisa.

"Syempre naman... Nasaan kaya siya?". Nalukungkot kong tanong.

"Malay mo destiny kayo ni Jayjay... wag kang mag-alala mahahanap mo din ang taong para sayo". Nakangiting sabi sa akin ni Lissa.

Kinuha ko na lang sa kanya ang picture namin ni Jayjay at nilagay ko na lang yun ulit sa wallet ko...

Palibhasa kasi may mga nanliligaw... kaya ganun na lang ang saya niya kasi maraming lalaki ang nagkakandarapa sa kanya at akala nga niya dati may gusto rin ako sa kanya...

"Wala ka ba talagang balak mag-girlfriend ha Fin? Lalake ka kasi talagang kumilos". Seryoso niyang tanong sa akin.

"Wala nga... at isa pa ayoko makipag-relasyon sa kung sino lang". Seryoso kong sabi sa kanya.

"Malay mo maging lalake ka kapag nakipag-sex ka sa babae". Natatawa niyang sabi sa akin.

"Ay nako! Baka mamaya tapyasin ko pa ang dede niya at ilagay ko sa akin". Natatawa kong sagot sa kanya.

Nagtawanan na lang kaming dalawa at pumunta na kami sa venue kung saan magbi-birthday ang pinsan niya. Maganda sa venue at may pool... halatang may kaya talaga ang pamilya nitong si Lissa kasi puro semi-formal ang mga suot nila...

Pinakilala ako ni Lissa sa mga kamag-anak niya at puro magaganda at mga nag-gagwapuhang mga nilalang ang mga pinsan niya kaya nabubusog ang mga mata ko dito hahah...

"Bestie!!! may gustong makipag-kilala sa iyo ngayon". Sabi ni Lissa na nasa likod ko.

Lumingon ako sa kanya at may nakita akong poging lalake na hatak-hatak ni Lissa kaya napangiti ako...

"Family friend namin siya at siya ang photographer ng event na ito". Nakangiting sabi ni Lissa sa akin.

Tinitigan kong mabuti yung lalake at parang namumukhaan ko siya...

Ay puta!!! Siya yung lalake doon kanina sa mcdo!!! Hala!!! Ano ng gagawin ko ngayon? Nakalimutan ko na nga yung nangyari kanina tapos ngayon may throwback pa!

"I'm Peejay...". Nakangiti niyang sabi sa akin habang inaabot ang kamay niya para makipag-shake hands.

Namumula na yata ako at nahihirapan akong wag maalala yung nangyari kanina...

Inabot ko na rin yung kamay ko sa kanya para makipag-shake hands at...

"I'm Fin". Sabi ko at umiwas ako ng tingin sa kanya.

"Aayyiieee!!! Love na itu!!!". Biglang sigaw ni Lissa kaya napatingin sa kanya ang ibang mga bisita.

Bigla akong kumalas sa shake hands naming dalawa kasi nahihiya ako at baka malaman pa ni Lissa yung nangyari kanina...

"Sige... iwan ko muna kayong dalawa ni Peejay". Nakangiting sabi ni Lissa sa amin na parang nakakaloko.

Umalis na si Lissa at tinabihan naman ako ni Peejay doon sa table kaya lalo akong naiilang sa kanya at nakangiti lang siya sa akin...

"Hhmmm... wag mo naman akong iwasan ng tingin". Sabi ni Peejay at ang lamig ng boses niya.

"Aahhh... kasi... ano...". Naiilang kong sabi sa kanya.

"Wag mo ng isipin yung kanina... let's be friends". Sabi niya at parang anlambing niya magsalita.

Tumingin ako sa kanya at nakangiti lang siya sa akin... naiilang ako at parang namumula na lang ako bigla kasi nag-iinit ang mukha ko...

"Ka..ka..limu.tan... na na..tin yun". Nauutal kong sabi sa kanya.

Ngumiti siya sa akin at parang nagpipigil siya ng tawa kaya medyo naiinis ako sa kanya...

"Anong tinatawa-tawa mo diyan?". Naiinis kong tanong sa kanya.

"Sorry... you're so cute". Nakangiti niyang sabi sa akin at tumigil na siya sa pagpipigil ng tawa niya.

Tinitigan ko siya ng masama kasi naiinis ako sa kanya kahit sabihin pa natin na pogi talaga siya... ang ganda ng mga mata niya, maputi siya tapos manipis ang mga labi niya na pinkish at ang ganda ng jawline niya...

"Pwede ba kitang picturan?". Seryoso niyang sabi sa akin.

"Picture? Sige... bahala ka". Nagtataka kong sagot sa kanya.

Kinuha niya ang camera niya at...

"Say cheese!". Nakangiti niyang sabi at sunod-sunod ang flash ng camera niya sa akin.

Nang matapos siyang picturan ako ay tinanong ko siya...

"Bakit andami mo naman yatang kinuhang shots?". Nagtataka kong tanong sa kanya.

Ngumiti lang siya sa akin at...

"Kasi dapat tini-treasure mo ang lahat ng moments". Sabi niya sa akin at bigla niyang hinarap sa aming dalawa ang camera niya.

"Picture tayo!!!". Nakangiti niyang sabi at sunod-sunod ulit yung flash.

Pagkatapos ng party ay hiningi ni Peejay yung number ko at hindi pa ako nakauwi sa bahay ay panay na ang text niya sa akin...

Naging mabuti kaming magkaibigan sa text at minsan lumalabas din kaming dalawa kapag day-off ko. Nanunuod kami ng sine, minsan pumupunta kami sa amusement park at minsan naman dinadala niya ako sa kung saan niya trip pero masaya ako kapag kasama ko siya... masaya ako at parang kumpleto ang pakiramdam ko kapag nandiyan siya sa tabi ko tapos parang may nagliliparang butterflies sa tiyan ko...

Tuwing magkasama kaming dalawa ay lagi niyang dala-dala yung camera niya tapos lagi niya akong pini-picturan, minsan naman kasama ko siya sa picture...

Naka-upo kami ngayon sa mcdo habang kumakain ng fries at ng sundae. Ang masaya pa dun ay hindi na ako naiilang kapag naalala ko yung nahawakan ko yung pagkalalake niya nung una kaming nagkita... nagtatawanan na lang kaming pareho kapag naalala namin yun...

"Fin? May girlfriend ka na ba?". Seryoso niyang tanong sa akin.

Halos mabilaukan ako ng itanong niya yun at pina-inum niya naman ako kaagad ng coke kaya lumuwag din sa wakas ang dibdib ko...

"Dahan-dahan lang kasi sa pagsubo". Sabi niya habang hinihimas yung likod ko.

"Wala akong girlfriend since birth". Seryoso kong sabi sa kanya.

"Ikaw? Siguradong may girlfriend ka". Pahabol kong sabi sa kanya.

"Wala akong girlfriend... pero may nagugustuhan na ako ngayon". Nakangiti niyang sabi sa akin.

"Sino naman yun? Kilala ko ba?". Nagtataka kong tanong sa kanya.

"Oo at sobrang close mo siya...". Seryoso niyang sabi sa akin.

Parang nalungkot ako bigla kasi may nagugustuhan pala siya at mukhang alam ko na kung sino yung sinasabi niya sa akin...

"Si Lissa ba yung gusto mo?". Seryoso kong tanong sa kanya.

Ngumiti lang siya sa akin at alam kong oo yung sagot niya... parang bumigat ang pakiramdam ko at parang nawalan na ako ng gana kumain kaya napahinto ako...

Tumitingin lang sa akin si Peejay habang nagbabago ang timpla ng ugali ko at hindi ko na rin maintindihan ang sarili ko...

"Hindi si Lissa ang gusto ko...". Seryoso niyang sabi sa akin.

Napatitig na lang ako sa kanya at parang seryoso talaga siya sa sinabi niya sa akin...

"Eh sino? Si Lissa lang naman ang close ko tapos yung ate ko at si Rose". Naguguluhan kong sabi sa kanya.

"Hindi ka pa ba nakaka-halata?". Naiinis niyang sabi sa akin.

"Diretsyuhin mo na kasi kung sino ba yung gusto mo!". Galit kong sabi sa kanya kasi naiinis na talaga ako at hindi ko alam kung bakit.

"Hindi ko alam kung nagtatanga-tangahan ka lang!". Galit niya ding sabi sa akin kaya naiinis ako lalo.

Tatayo na sana ako para umalis ng bigla niyang hatakin ang kamay ko tapos bigla niya akong hinalikan ng mariin sa labi kaya nabigla ako dahil nasa mcdo kami...

Tumitibok ng mabilis ang puso ko...

Hindi ko siya binalak na itulak kasi parang gusto ko yun at para bang huminto lahat ng nasa paligid ko... wala na akong pakialam sa mga nakatingin sa aming dalawa...

Kumalas na ang mga labi niya sa pagkakahalik at tumitig siya sa aking mga mata kaya kitang-kita ko ang sinseridad niya...

"Ikaw yung taong mahal ko". Seryoso niyang sabi sa akin at parang lalo pang nag-iinit ang mukha ko ng dahil sa sinabi niya.

"Ta..laga?". Nauutal kong tanong.

Tumango lang siya sa akin at ngumiti tapos itinapat niya ang kamay ko doon sa dibdib niya...

"Ikaw ang tinitibok niyan...". Seryoso niyang sabi sa akin kaya parang umaapaw sa tuwa ang nararamdaman ko ngayon.

Umupo na kaming dalawa at tumingin ako sa paligid...

Yung ibang tao parang diring-diri nung nakatingin sa aming dalawa ni Peejay pero yung iba naman nakangiti lang sa amin...

"Mahal mo din ba ako Fin?". Seryosong tanong sa akin ni Peejay.

Aba! Napaka-tanga ko naman kung hindi ako sasagot ng totoo sa kanya at isa pa ngayon lang may nagkagusto sa aking lalake kahit na puro babae ang lumalapit sa akin...

"Oo... mahal din kita". Sagot ko at ngumiti ako sa kanya.

"Picture!!!". Sigaw niya sabay taas ng camera kaya ngumiti ako.

Nag-picture na naman kaming dalawa at ang lakas talaga ng trip nitong si Peejay kasi tuwing magkasama kami ay laging may picture...

"Dapat pinicturan ko din yung paghawak mo sa tite ko eh". Natatawa niyang sabi sa akin.

"Sira ka talaga! Treasure ba yun?". Natatawa kong tanong sa kanya.

"Oo naman! At napaka-halaga ng araw na ito kasi... ito ang araw na nakita ko ang destiny ko". Masaya niyang sabi sa akin.

Napaka-pogi talaga ni Peejay at hindi ako makapaniwalang may magka-kagusto pala sa aking lalake...

"I love you Peejay...". Seryoso kong sabi sa kanya.

"I love you more Fin!". Sigaw niya kaya napatitig na naman sa amin yung ibang mga costumer.

Ang lakas talaga ng ketek nitong taong ito at hindi marunong mahiya kahit nasa public place kami...

"Fin... ipakilala mo na ako sa pamilya mo tapos pakasal na tayo tapos bubuntisin na kita". Sabi niya sa akin na parang bata.

"Baliw ka talaga... sige ipapakilala kita kaso kinakabahan ako". Natatawa kong sabi sa kanya na may halong kaba.

"Wag kang kabahan! Mabait ka namang anak at hindi mo dapat ikatakot ang love natin". Nakangiti niyang sabi sa akin.

"Eh kelan kita ipapakilala?". Seryoso kong tanong sa kanya.

"Ngayon na! Papatagalin pa ba?". Sabi niya na ikinabigla ko.

Wala talagang takot itong lalakeng to at ang laki ng tiwala niya sa sarili niya kaya parang nabawasan ang kabang nararamdaman ko...

Pumunta kami sa bahay... kinakabahan ako pero syempre hindi ako dapat magtago sa pamilya ko... naging mabuti akong anak at kapatid kaya sana matanggap nila ako...

Pumasok kami sa bahay at...

"Peejay... siya si Rose ang mama ko, si Ate Roxan at yung kapatid kong bunso". Seryoso kong pagpapakilala sa kanila.

"Rose, ate, baby... siya si Peejay". Seryoso kong sabi sa kanila.

"Nice to meet you po...". Nakangiting sabi ni Peejay pero parang seryoso ang pamilya ko.

Parang galit sila kasi mga naka-crossed arms sila tapos ang sama pa ng tingin sa amin ni Peejay kaya parang kinakabahan ako... dati naman masayahin sila at malakas ang tama sa utak kaya kinakabahan ako...

"Ikaw ba yung boyfriend nitong si Fin?". Seryosong sabi ni mama na ikinabigla ko.

Alam na nila na may boyfriend?

"Opo! At mahal na mahal ko po itong si Fin". Nakangiting sabi ni Peejay at hinawakan niya ang kamay ko.

"Oh talaga! Edi WOW!!!". Sigaw ni Ate Roxan at nagtawanan sila bigla.

Kanina lang seryoso sila tapos ngayon nagtatawanan... malakas talaga ang ketek ng pamilya ko haiisst!!!

"Alam na namin yan kanina pa...". Natatawang sabi ni Rose.

"Huh? Paano niyo naman po nalaman?". Nagtataka kong tanong sa kanya.

"Sinabi ko! Hahaha". Tumingin ako sa taas at nakita ko si Lissa na pababa ng hagdanan.

"At paano mo naman nalaman?". Seryoso kong tanong sa kanya.

"Siyempre nag-text sa akin si Peejay". Sabi niya at tumingin ako kay Peejay tapos kinindatan niya ako.

Napakamot na lang ako sa ulo ko...

"Kinabahan ka ba anak?". Tanong ni Rose at nagtawanan na naman sila tapos nakitawa din si Peejay.

"Mga baliw talaga kayo...". Natatawa kong sabi sa kanila.

"Pero ikaw ha! Talbog mo ang beauty namin ni Lissa. Ang pogi nitong Peejay mo". Natatawang sabi sa akin ni Ate Roxan.

"Tanggap niyo po ba ako?". Seryoso kong sabi sa kanila.

"Oo naman kuya! Matagal na...". Natatawang sabi ng bunso kong kapatid kaya nagtaka ako.

"Anong matagal na ka diyan?". Nagtataka kong tanong sa kanya.

"Alam namin na crush mo yung nasa picture doon sa wallet mo". Natatawang sabi sa akin ni Rose.

"Fin? Sino yung sinasabi nilang crush mo doon sa picture?". Tanong sa akin ni Peejay.

Kinuha ko ang picture at pinakita ko iyon sa kanya... parang nanlaki ang mga mata niya nung nakita niya ang picture namin ni Jayjay...

"Ikaw ba itong nasa kaliwa?". Naiiyak niyang tanong sa akin.

"Oo bakit?". Seryoso kong tanong.

Humigpit ang hawak niya sa picture at kitang-kita ko ang pagtulo ng mga luha niya...

Naiiyak si Peejay?

Hindi kaya siya si Jayjay?

Tumingin ako sa picture at nanlaki ang mga mata ko nung makita ko na malaki ang pagkakahawig nilang dalawa ni Jayjay sa picture...

"Oh my gosh!!! Wag mo sabihing ikaw ang Jayjay ni Fin". Biglang sabi ni Lissa at napatakip na lang ang kamay niya sa bibig niya.

"No... hindi ako yan". Umiiyak na sagot ni Peejay kay Lissa.

"Peejay... ok ka lang ba?". Nag-aalala kong tanong sa kanya at nakatitig lang siya doon sa picture.

"Iho... kamukha mo talaga yung bata diyan sa picture eh". Sabi ni Rose.

"Siya po si Jayjay... kapatid ko po siya at hindi ko akalaing ikaw pala ang matagal ng hinahanap ni Jayjay". Umiiyak na sabi sa akin ni Peejay.

"Hinahanap ako ni Jayjay?". Naguguluhan kong tanong sa kanya.

"Oo... at mahal na mahal ka ng kapatid ko". Malungkot niyang sagot sa akin at pinunasan na niya ang mga luha niya.

"Diba? May gusto ka din sa kanya?". Seryoso niyang tanong sa akin.

Tumango na lang ako bilang pagsagot sa kanya ng oo...

"Pero lumipat ako ng school... ganun din siya kaya wala na akong balita sa kanya ngayon". Seryoso kong sabi kay Peejay at parang nalungkot siya.

"Sino bang mahal mo sa amin?". Naiiyak na tanong ni Peejay.

"Siyempre ikaw! Mahal na mahal kita Peejay at ikaw na ang may karapatan sa akin ngayon". Seryoso kong sabi sa kanya at parang napangiti siya.

"Gusto mo bang makita si Jayjay?". Seryoso niyang tanong sa akin.

Tumango na lang ako sa kanya at...

Bigla niyang hinatak ang kamay ko at parang aalis kami...

"Sorry po... may pupuntahan lang po kami ni Fin". Pagpapa-alam niya sa pamilya ko.

Hinatak niya ako at isinakay niya ako bigla sa kotse niya...

"Saan tayo pupunta?". Nagtataka kong tanong kay Peejay.

"Pupuntahan natin si Jayjay". Seryoso niyang sabi habang nagda-drive.

Tahimik lang siya at medyo malayo ang pinuntahan naming dalawa...

Napansin ko na parang sa sementeryo ang ruta namin kaya kinakabahan ako dahil sabi niya dadalhin niya daw ako kay Jayjay...

Bumaba kami at naglakad... pagkatapos ay huminto kami sa isang puntod at nakita ko ang pangalan ni Jayjay sa lapida...

Parang nabigla ako at napatakip na lang ako sa mukha ko...

"Lumipat siya ng school kasi... nagpagamot siya, may leukemia kasi siya at binawian siya ng buhay". Sabi ni Peejay.

Napatingin ako sa kanya at kitang-kita ko ang pagpatak ng mga luha niya...

"Matagal ka na niyang hinahanap hanggang sa lagutan siya ng hininga kaya dinala kita dito".

"Jajay... sorry kasi di tayo nagkita". Sabi ko sa harap ng puntod ni Jayjay.

Napuno kami ng mga luha ni Peejay sa harap ng puntod at pagkatapos nun dinala niya ako sa mga magulang niya at pina-kilala niya ako. Tanggap nila ang relasyon namin at naiyak din sila nung nalaman nilang ako pala ang matagal ng hinahanap ni Jayjay...

Simula noon ay naging masaya na kaming dalawa ni Peejay...

Lagi niya akong dinadalhan ng kung ano-ano sa trabaho ko tapos sobrang sweet niya sa akin... lalo tuloy akong nahuhulog kay Peejay kahit na kami ng dalawa...

Kaso bigla na lang nanlamig ang pakikitungo sa akin ni Peejay at parang lagi siyang may problema...

Hanggang sa isang araw hindi na nagpaparamdam sa akin si Peejay... tinanong ko sa mama niya kung may babae ba si Peejay pero wala naman daw ibang dinadala si Peejay sa bahay nila maliban sa akin...

Hindi ko alam kung saan ko hahanapin si Peejay kasi hindi na rin siya umuuwi sa kanila... gabi-gabi akong nag-aalala sa kanya at balisa na ako sa trabaho ko. Napapansin na rin ng pamilya ko na lagi akong matamlay araw-araw kasi hinahanap ko talaga si Peejay...

Nasaan ka na ba mahal ko?

Gabi-gabi akong umiiyak kasi natatakot ako na baka hiwalayan ako ni Peejay at sabihin niyang ayaw na niya sa akin...

Hinanap ko siya sa kung saan saan pero wala talagang bakas ng Peejay ang makikita ko...

Hanggang sa napadaan ako sa may mcdo kung saan kami unang nagkakilala at natanaw ko na may naka-upo doon sa pwesto namin...

Hindi ako pwedeng magkamali! Si Peejay yung lalakeng yun... tumakbo ako palapit sa kanya at bigla akong umupo doon sa harapan niya... nanlaki ang mga mata ni Peejay at napansin kong pumayat siya. Tatayo na dapat siya nung nakita niya ako...

"Wag kang aalis! Magkakamatayan tayong dalawa!". Pagbabanta ko sa kanya at umupo na lang siya ulit sa upuan.

"Bakit?". Yun na lang ang naitanong ko at tumulo na lang bigla ang mga luha ko sa harapan niya.

"Maghiwalay na tayo...". Mahina niyang sabi na parang pauli-ulit na narinig ng tenga ko.

Parang may nagbuhos sa akin ng malamig na tubig dahil sa sinabi niya at nakaramdam ako ng sibat na tumagos sa dibdib ko...

Ano daw?

Nakikipag-hiwalay na siya sa akin ngayon?

Pero bakit?

"Anong dahilan mo?". Tanong ko at parang lumalakas na ang buhos ng mga luha ko.

Hindi siya sumagot sa akin at nakita ko din na tumutulo ang mga luha niya kaya mas lalo akong naguguluhan...

"Pinagpalit mo na ba ako?". Humahagulgol kong tanong sa kanya at wala na akong pakialam sa ibang nakatingin sa amin.

Umiling-iling lang siya sa akin habang umiiyak at...

"Parang awa mo na... iwanan mo na ako para hindi ka masaktan". Umiiyak niyang sabi na nag-pagulo lalo sa pag-iisip ko.

"Nasasaktan ako sa ginagawa mo ngayon! Sabihin mo ang lahat!!!". Galit kong sigaw sa kanya.

"Mamamatay na ako... may leukemia din ako Fin". Humahagulgol niyang sabi sa akin.

Para akong tinakasan ng kaluluwa ko ng marinig ko ang mga katagang iyon... sobrang sakit pero paano ko ito tatanggapin?

"Wala akong pakialam... gusto ko na palagi lang akong nasa tabi mo". Humahagulgol kong sabi sa kanya.

Lumapit ako sa kanya at umupo ako sa tabi niya... niyakap ko siya ng mahigpit dahil miss na miss ko na talaga ang Peejay ko pero paano namin haharapin ito ngayon?

"Lalaban ka Peejay... lalaban tayo". Humahagulgol kong sabi sa kanya habang hinihigpitan ko ang mga yakap ko.

Nalaman ko na sa ospital pala siya pumupunta kaya ayaw niyang magpakita sa amin... tinawagan ko agad ang pamilya niya dahil gusto ko na maging masaya at pagaanin ang hirap na dindala ni Peejay...

Hindi na ako umuuwi sa bahay...

Lagi lang akong nasa tabi ni Peejay habang nakaratay ang katawan niya sa higaan... Araw-araw ay pinag-babalat ko siya ng mga prutas dahil yun lang ang dapat niyang kainin...

Bumagsak na ang katawan niya at sobrang payat na niya. Nalalagas na din ang mga buhok ng minamahal kong si Peejay...

Araw-araw kong pinipigilan ang mga luha ko dahil ayokong makita ni Peejay na nahihirapan ako sa lagay niya dahil gusto ko siyang lumaban...

Ano ng gagawin ko ngayon?

Araw-araw ay parang may mga bubog na tumutusok sa puso ko habang nakikita ko siyang na nag-undergo ng chemotherapy at alam kong hirap na hirap na ang Peejay ko...

Pakiramdam ko ay durog na durog ang pagkatao ko sa tuwing nakikita ko ang lagay ni Peejay pero nagagawa niya pa ding ngumiti sa harapan ko kaya mas lalo akong humahanga sa kanya dahil alam kong mas matatag siya sa akin...

"I love you Fin...". Pilit na sabi ni Peejay sa akin at pinilit niya ding ngumiti sa akin.

"I love you more Peejay...". Naiiyak pero pinipigilan ko ang mga luha ko habang sinasabi yun.

"Wag kang malungkot... dapat maging masaya ka dahil nahulog ako sa ngiti mo sa akin". Nahihirapan niyang sabi habang nakangiti.

"Mahal na mahal kita...". Mahina kong sabi sa kanya habang pinipigilan ko pa din ang pagbuhos ng mga luha ko.

Ngumiti ako ng pilit sa harapan niya at nakita ko na parang nagliwanag ang mukha niya... alam ko na sobrang hirap ng lagay niya ngayon...

"Tanggapin mo ito... hindi na ako magtatagal mahal ko...". Halos pabulong niyang sabi na dumurog ng sobra sa puso ko.

"Hindi! Lalaban ka pa! Kaya pa naman natin to diba?". Tanong ko sa kanya at hindi ko napigilan ang pagbuhos ng mga luha ko.

Nilagay niya ang isang photo paper sa kamay ko at wala pang naka-imprenta doon na larawan kaya nagtataka ako sa kanya...

"Salamat... dahil sa iyo naging masaya ako at wala akong pinagsisisihan". Nakangiti niyang sabi.

Unti-unti ng pumikit ang mga mata ni Peejay kaya para akong tinakasan ng katinuan ko sa nangyari...

"Peejay!!! Peejay!!! Wag!!!". Sigaw ko habang nakayakap sa kanya.

.............

Lagi lang akong nakatulala hanggang sa ilibing si Peejay sa tabi ng puntod ni Jayjay at hanggang ngayon ay nahihirapan akong bisitahin siya dahil nahihirapan pa din ako na tanggapin ang pagkawala ni Peejay...

Hawak ko ang binigay niya sa aking photo paper at may nakasulat doon na address kaya sinikap kong puntahan ang lugar na iyon...

Napuntahan ko ang address at isa pala iyong condo kung saan nakatira dati ang Peejay ko... binigay sa akin ng mama ni Peejay ang susi ng condo kaya nakapasok na ako sa loob...

Pagbukas ko ng pinto ay napansin ko na parang dito ginagawa ni Peejay ang lahat ng picture na kinuha niya...

Nakikita ko ang maraming picture frame sa bawat pader at ang bawat isa ay punong-puno ng masasayang ala-ala naming dalawa ni Peejay... hindi ko na mapigilan ang pagluha habang tinitignan ko iyon isa-isa...

Nandun din yung picture ko na kumakain ng fries sa mcdo at siya pala ang kumuha ng picture sa akin noon kaya parang napansin ko na parang may nag-flash...

Simula ng magkakilala kaming dalawa... nung naging kami at lahat ng mga picture namin na masayang magkasama ay nakikita ko isa-isa. Bawat memories namin ay nakikita ko kaya lalo akong nangungulila kay Peejay ko...

Hanggang sa makarating ako sa dulo ng condo at merong malaking picture frame doon na walang nakalagay na picture sa loob kaya nagtataka ako habang umiiyak... merong nakalagay na sulat doon kaya kinuha ko...

"Mahal na mahal kita Fin at gusto ko na maging masaya ka palagi. Alam ko na wala na ako kapag binasa mo ito pero wag kang malungkot kasi ayokong nakikita na nahihirapan ka. Tuparin mo yung pangarap natin na magpakasal. Alam ko na hindi na natin yun magagawa at yung larawan sana natin na iyon ang ilalagay ko diyan sa malaking picture frame pero hindi na natuloy kaya gusto ko na tuparin mo ang pangarap nating dalawa at gusto ko na maging masaya ka habang nilalagay ang larawan niyo ng taong magpapasaya sa iyo diyan sa malaking picture frame. Gusto ko na palagi kang nakangiti at wag mo sanang kalimutan na mahal na mahal ka naming dalawa ni Jayjay...".

Napatulo na lang ang luha ko habang binabasa iyon at natauhan na lang ako bigla...

Napaka-swerte ko dahil may dalawang tao na nagmahal sa akin ng totoo... masyado lang exited ang tadhana kaya kinuha sila agad pero hindi ako dapat maging malungkot, dapat maging masaya ako dahil kasama na nila ang Diyos at alam kong balang araw ay magkikita rin kami ng mahal kong si Peejay pero tutuparin ko ang pangarap namin...

No comments:

Post a Comment

Read More Like This