Pages

Sunday, May 8, 2016

Peymus (Part 3)

By: Greyson

Maaga akong nagising at gumayak. Papunta ako sa isang bayan dito samin sa Quezon dahil piyesta sa lugar na yun. Although wala naman akong kakilala masyado dun, pumunta ako kahit solo ako. Roadtrip na rin kumbaga. Habang nasa bus ako, nagtext si Cris ng good morning at mag-ingat daw ako at nireplyan ko naman siya. Parang walang nangyari nung nakaraang gabi. Casual ang usapan, general topics pa rin. Walang anumang naiopen tungkol sa kalibugang ginawa namin kagabi. Pero iba na ang nararamdaman ko sa bawat pakikipag-usap ko sa kanya, may kung anong bagay dito sa puso ko na hindi ko mawari, kaya tinext ko siya.

    “Cris? Yung nangyari satin kagabi?”

    “Oh? Anong meron sa nangyari kagabi?”

    “Cris, simula kasi nung may nangyari satin, hindi ka na nawala sa isip ko. Iba na ang nararamdaman ko sayo. Cris, simula nung may nagyari satin kagabi minahal na kita”

    Kinakabahan ako sa maaari niyang maging sagot. Habang nag-iisip ng maaari niyang maging reply ay biglang tumunog ang phone ko, si Cris nagreply..

    “Ah, eh, naku, Greyson, pasensya ka na, hindi ko masusuklian sa ngayon ang pagmamahal mo kasi alam naman natin di ba na may boyfriend ako? Kung bakit ba naman kasi huli na kita nang makilala at may boyfriend na ako eh……”

    Hindi ko na naintindihan pa ang mga sumunod na sinabi niya. Agad na umagos ang luha sa aking mga mata. Para akong pinagsakluban ng langit at lupa. Wala lang ba sa kanya ang nagyari samin kagabi? Sabagay ako naman itong si tanga na alam ko nang may boyfriend na eh pinatos ko pa. Napatingin ako sa labas ng bintana. Nakatitig ako sa kawalan. Patuloy na umaagos ang luha sa aking mga mata. Namalayan ko na lang ay nagtext pala ulit siya.

    “Ito na nga ba ang kinatatakot ko, ang dumating ang araw na hindi ko masusuklian ang pagmamahal mo…..”

    Muling umagos ang luha sa aking mga mata.

“Tama na ang sakit na. Ang sakit sakit na”, bulong ko sa sarili ko.

Parang ayaw ko nang makatanggap ng mga text messages na galing sa kanya nung mga oras na yun. Baka kung ano lamang ang mabasa ko at sabihin pa niyang kalimutan ko na siya. Walang tigil ang pag-iyak ko nun. Ilang minuto ay natauhan ako dahil sa nakita ko na papalapit ang konduktor ng bus na sinasakyan ko sa may direksyon ko, inayos ko ang sarili ko at pinahid ang mga luha ko. Napansin siguro niya ang pag-iyak ko at ang mga basang mata ko. Pero tinanong ko ang sarili ko. Bakit nga ba ako umiiyak? Bakit nga ba ako nasasaktan? Di ba’t mas masakit itong ginagawa ko para sa boyfriend ni Cris na pinatulan ko si Cris at inaagaw sa kanya? Isa na lang ang malinaw sakin nung mga oras na yun, napakatanga ko. Nagiging third party ako sa relasyon ng iba. Wala na akong magawa. Hindi ko na mapigilan ang sarili kong mahulog pa sa kanya.

    Ilang oras pa ang nakalipas at hindi ko namalayan na okay na ulit kami. Balik sa dati naming pag-uusap.

    “Uminom ka ng maraming tubig ha. Tubig! Hindi juice, hindi softdrinks, hindi Gatorade. Tubig! Masama sa kalusugan ang nainom ng mga ganyan lalo’t hindi ka pa nakain”, paalala ni Cris na medyo ikinakilig ko naman dahil sa kabila ng nangyari ay concern pa rin siya sakin.

    “Opo! Dinaig mo pa tatay o nanay ko sa pagpapaalala mo! Ni hindi nga nila ako ma-ganyan hahaha!” reply ko sa kanya.

    “At syanga pala, may baon ka bang damit? Naku wag kang magpapapawis at baka magkasakit ka”.

    “Oo naman! Hindi ako pwedeng hindi magdala ng damit dahil napakapawisin ko. Ready ata ito”, reply ko ulit sa kanya.

    “Good. Oh siya mag-iingat ka diyan ha!”


    Holy Week na. Nalalapit na ang pag-alis ni Cris papuntang Pampanga. Magsasama na sila ng boyfriend niya dun at sa iisang bahay pa. Mixed emotions ang nararamdaman ko pero parang mas nananaig ang sakit at takot, takot na baka hindi ko na makita si Cris at mag-work talaga ang relasyon nila. Balisa na ako nung mga panahong iyon. Gustong-gusto kong makita si Cris dahil alam kong matagal na panahong hindi ko siya makikita. Uuwi naman daw siya sa birthday niya sa Mayo, pero kalhatian pa lamang ng buwan ng Abril, at sa huling linggo pa ng Mayo ang kaarawan niya. Matagal-tagal pa bago talaga kami magkita ulit. Pakiramdam ko hindi ko kakayanin kaya nakiusap ako na magkita kami.

Miyerkules Santo, nagkita kami sa parke, katanghaliang tapat. Medyo makulimlim nun kaya hindi mainit. Tamang-tama lang ang panahon para magdate hahaha. Sa buong maghapon naming magkasama ay kung ano-ano ang napagkukwentuhan namin, nandoroong magtatawanan kami, magtititigan tapos bigla niya akong hahalikan sa ilong o di kaya naman ay sa noo, at ako naman itong pilyo hihilahin ang mukha niya saka siya hahalikan sa labi.  Napakasarap sa pakiramdam na kasama ko ang taong mahal ko at hawak-hawak ang kamay ko. Ang ngiti ng kasiyahan ay unti-unting nawala at napalitan ng mukha ng pag-aalala. Napabuntong-hininga ako at saka tinanong si Cris..

“Cris? Isang tanong, isang sagot. Mahal mo ba ako?”

“Ahhh, hindi ko alam kung tama ba pero feeling ko mahal na rin kita”.

“Paano kayo ni Clark?”

“Hindi ko nga alam eh”

“Eh sino ba mas matimbang?”

Isang malalim na paghinga ang ginawa ni Cris bago ako sagutin sa aking tanong,

“Mas nauna ko siyang naging boyfriend, pero mas nauna kitang nakita, mas nauna kitang nakasama, kaya sa tingin ko mas mahal kita kesa sa kanya”.

Nakakakilig man ang mga linyang binitawan niya, hindi ko maiwasang mag-isip dahil sa maling gawa namin. Sabi nga sa kantang Somewhere Down the Road ni Barry Manilow “We had the right love at the wrong time”. Nahulog na kami. Mahal na namin ang isa’t isa kahit na alam namin na mali.

Dumidilim na ay nasa parke pa rin kami. Marami na rin kaming litratong nakuha na magkasama kami. Sapat na sigurong alaala namin yun sa kanyang pag-alis.

Habang nakaharap kami sa papalubog na araw ay bigla siyang dumukot sa kanyang bulsa at humarap sa akin. Inabot niya ang aking kamay saka inilagay ang bagay na dinukot niya sa kanyang bulsa. Nang tingnan ko kung ano ang inilagay niya sa kamay ko, medyo nagulat ako. Kwintas… isang silver na kwintas…

No comments:

Post a Comment

Read More Like This