Pages

Sunday, May 22, 2016

Tales of a Confused Teacher (Part 13)

By: Irvin

“Bakit sir, ibibigay mo po talaga ako ng ganon na lamang? Ganon lamang po ba ako sa iyo? Akala ko ba mahalaga ako sa iyo? Sir pag ibinigay mo ako sa kanila, maglalayas ako hindi mo na po ako makikita kahit kailan.” At tumakbo siya palayo sa akin. Nabigla ako hindi ko inaasahan na gagawin niya iyon.

    “Kenn, Kenn Lloyd, ano ba, bumalik ka nga rito.” Pero tuluy-tuloy pa rin siya, hindi naman ako makasigaw ng malakas dahil nasa harapan kami ng SM. Tuluy-tuloy siya sa mabilis na paglalakad at alam ko hindi ko siya aabutan.  Umuwi na lamang ako dahil wala naman akong magagawa.

    Mga 9:00 pm na wala pa siya kaya tinawagan ko na. “Nasaan ka ba, umuwi ka na at gabi na.”
Opo lamang ang isinagot niya.  Mga 30 minutes naramdaman kong nagbubukas na siya ng gate.  Pumasok na ako sa kwarto ko baka mapahiya pa siya kung uusisain ko kung saan siya nanggaling.  Ang importante ay safe siya. Isang araw sinabi ko sa kanya na ayokong mapalayo siya pero wala naman akong magagawa kung iyon ang desisyon ng pamilya niya pero hanggang kaya ko siyang ipaglaban, ipaglalaban ko para huwag siyang umalis. Iyon ang huli naming pag-uusap tungkol doon.  Hindi na namin pinag-usapan ang ang bagay na iyon sa pagdaan ng mga araw at hindi  na rin naman tumawag ang tita niya.

    Isang umaga, habang kami ay kumakain.  “Pauwi na ako bukas ng umaga, bakasyon na. Hindi raw tuloy ang Summer Camping ng Boyscouts understaff daw ang council dahil sa Palarong Pambansa. Ikaw ba ay sasama o magpapaiwan ka dito?” tanong ko habang siya ay abala sa pagkain.

    “Aba sir, sasama po ako sabi ni Kuya Lester ipinag volunteer daw po niya akong mag escort sa Santacruzan.  First time ko pong maexperience yun at sabi niya ang saya daw po ng fiesta sa inyo.” Ang excited niyang sagot.  Isa nga rin yun kaya tuwing May ay sa amin ako dahil sa fiesta parang reunion yun ng magkaka mag-anak at magbabarkada.  Halos sa probinsiya ang fiesta ay parang pasko din gumagawa ng paraan ang mga tao para makauwi.  At tuwing fiesta highlight doon ang Santa Cruzan at paparada ang lahat ng pinakamagaganda at pinaka gwapo sa aming lugar.  Isa yun sa pinakahihintay ng mga kabataan.

    “At pumayag ka naman kahit hindi  ko pa alam ha, nagpaalam ka ba sa akin na sasama ka? Saka pumayag ba ako na mag escort ka?” ang tanong ko na alam kong ikinabigla niya. Itinigil niya ang pagkain.

    “Sir sabi naman po ni Kuya Lester wala po akong gagastusin don kasi bago pa naman yung binili mong barong na isusuot ko sana sa kasal mo, ipina dry clean na raw po niya yun kaya ready na.” ang tila pagyayabang niya. Tumayo siya at lumapit sa akin. “Sige na sir, isama mo na po ako, nalimutan ko lamang pong magpaalam sa ‘yo.” habang hawak-hawak ang isa kong kamay.

    “Bumalik ka na sa pagkain mo, pag-iisipan ko hanggang bukas.” Kunwari ay naiinis ko pa ring sagot sa kanya. Nakasimangot siyang bumalik sa upuan niya. “Sasabihin ko sa iyo kung pwede.”

    “Sir naman, hanggang bukas? Sabi mo bukas na ng umaga ka po aalis, ano kaya yun, sasabihin mo kapag aalis ka na o pag nandon ka na?” ang may pagtatampo niyang sagot at ibinaba na uli  ang kutsara at parang ayaw ng kumain saka sumimangot. Alam ko na pag ganon na ang style niya wala na akong magagawa dahil kahit anong pilit ko hindi na siya magsasalita. Tutungo na lamang  at sisimangot.

    “O sige na batang makulit, hindi ka rin naman mapipigilan diba? Tapusin mo na iyang pagkain mo at magimpake ka na agad, magtatagal tayo do’n, isang buwan.  Nasabihan ko na rin ang Daddy mo na isasama kita kaya huwag ka ng mag-alala pumayag naman at padadalhan ka daw ng extrang allowance.”ang nakangiti ko namang balik sa kanya.

    Kumamot muna siya sa ulo niya at pagkatapos ng isang buntong hininga at namimilog na mga mata. “Ikaw na talaga sir, naisahan mo na naman ako tinakot mo pa ako, akala ko hindi mo po ako talaga isasama ang galing mo talagang magdrama idol!” Ang iiling-iling niyang sagot. Pero kita kong tuwang-tuwa.

    “Ikaw pa, alam mo namang malakas ka sa akin at gusto ko lagi kitang kasama, saka ayokong iwan ka na namang mag-isa baka balikan ka nong mga gagong pumasok sa bahay mo.” Pinag-usapan na namin ni Lester iyon na ipag volunteer siya na mag escort.  At ang sabi pa raw ng Hermana ay sa Reyna Elena siya mag e escort. Dahil kahit sino raw naman ang magsabi ay gwapo si Kenn.  Alam ko namang gusto niya yun kasi nabanggit daw niya iyon kay Lester at gusto kong maging masaya talaga siya. Kapag masaya siya parang ang saya na rin ng pakiramdam ko.

    Lumapit siya sa akin at kiniss ako sa labi kahit pareho kaming kumakain. “kaya love na love kita sir, alam kong love na love mo rin ako. Thank you sir, I love you.” Bago siya bumalik ulit sa upuan niya at parang batang masayang-masaya na itinuloy ang pagkain. Hindi na ako sumagot. Nagpatuloy na lamang kami sa pagkain. Pero hindi ko mapigilang pagmasdan siya.  Naisip ko na lamang kaawa-awa rin ang mga magulang niya, hindi nila naranasan ang pagmamahal at paglalambing ng batang ito.  Kahit sinong magulang ipagmamalaki siguro kung makikita mong ganito kabait at kalambing ang iyong anak.  Lihim akong napangiti kasi naisip ko napaka swerte ko dahil dumating ka sa buhay ko Kenn Lloyd.

    Hindi na naman mapaghiwalay ang dalawa pagdating namin.   Kaagad ipinagpaalam ni Lester si Kenn na isasama sa court at may pustahan daw sila.  Hindi na rin ako kumontra dahil alam ko namang iyon din ang gusto ni Kenn.  At kahit hindi pa nagsasalita ay kita ko sa mga mata niya ang pakikiusap. Ngumiti lamang ako sa kanya at alam kong nakuha na niya ang ibig kong sabihin. Nagpalit lamang siya ng damit at sumama na rin.  Iyon naman talaga ang dahilan kaya isinama ko siya ang makapag enjoy siya dahil bakasyon naman.

    Ilang araw lamang kaming naroroon ay nakikita ko ng kung sinu-sino ang kausap nila ni Lester.  Naisip ko talagang mabarkadang tao ‘tong si Kenn. Parang lahat ng tropa ni Lester ay ka-close na rin niya at pag nasa bahay ay nakikipagbiruan na. Kapalagayang loob na rin niya kahit yung mga tambay sa may tindahan. Naririnig ko ang tawanan nila, tuwang-tuwa sila sa mga kwento ni Kenn.

    Dumating ang araw na kinasasabikan niya.  Fiesta.  Dumating iyong mga kamag-anak namin pati ilang barkada ko dati ay naroon din. At siyempre walang katapusang batian at kwentuhan.  Pero sinabihan kami ng Hermana ng Santa Cruzan na dapat by 4:00pm nakaready na si Kenn kasi uso sa amin yung susunduin ng escort kasama ang musiko o banda ang Reyna Elena. At dahil 5:00 pm ang start ng prusisyon dapat ay masundo namin ang Reyna Elena ng mas maaga. “Sir may ganon pa pala, kinakabahan ako anong gagawin namin don?” bigla niyang naitanong sa akin nang malamang maagang pupunta sa bahay ng Reyna Elena.

    “Ayan kasi, pavolunteer-volunteer pa kayo, bahala ka ngayon” ang pang-iinis ko, tapos kunwari ay hindi ko pinapansin kahit sunud siya nang sunod sa akin.
   
    “Sir naman, huwag mo na po akong takutin, ninenerbiyos na nga ako e ganyan ka pa.” ang tila napipikon na niyang sagot saka naupo sa isang bangko.

    “Nako, Mr. Suarez, wala namang ibang gagawin, susunduin mo lamang yung girl, parang nong JS lamang, Hahawakan mo ang kamay niya ilalagay sa braso mo at maglalakad kayo mula sa kanila papuntang simbahan.”ang paliwanang ko.

    “Yun lang? Tapos po pagdating sa simbahan ano na ang susunod ano ang gagawin ko, wala po ba iyong rehearsal parang sa JS?” ang inosente niyang tanong.

    “Hmm,” sabagay bihira sa Manila ang Sta Cruzan, kung meron man sa TV lang napapanood kaya hindi nito alam ang mga ginagawa. “Ihahatid mo siya sa arko ninyo.  Nasa pinaka hulihan iyon, sa harap ng image ni Mama Mary. Pagkatapos noon, pupuwesto na sa likuran yung bandang naghatid sa inyo then umpisa na yun ng prusisyon. Kailangan lagi kang nakangiti, huwag tutungo at hindi rin pwede ang pakamut-kamot sa ulo ha.”ang mahaba kong instruction. Sanay naman akong mag escort noon kasi ang Mama ko dati nag e Hermana din kaya alam ko ang ginagawa.

    Kakamot sana siya sa ulo niya bago sumagot. “ Sinabi ng hindi pwede ang ganyan. Ano ka ba? At tila napahiya namang ibinaba ang kamay.  “Isa pa malayung lakarin yun ha, kahit pagod ka na smile lamang hindi pwedeng nakasimangot, baka paalisin ka ng mga tao bahala ka.”kunwari ay pananakot ko.

    “May napaalis na po ba dati pa, dahil lang nakasimangot?” ang inosente muli niyang tanong.

    “Wala pa baka ngayon pala lang, ikaw pa lang.” ang natatawa ko namang sagot. Sumimangot lang siya at hindi na ako pinatulan. Ramdam sigurong kinukulit ko lamang siya.

     Saktong 4:00 pm nga dumating ang mga musikero tapos na rin naman yung bading na taga parlor na ayusin ang buhok at make up niya.  Tuwang-tuwa ang bading sa kanya dahil muka daw siyang artista na alam ko namang sobrang hiyang-hiya na si Kenn sa mga sinasabi niya.  Gaya ng dati brown din ang ginawang kulay sa buhok ni Kenn kaya lang iba sa dati niyang ayos, pormal ito na at mukhang kagalang-galang hindi gaya noong JS na medyo gulu-gulo. Ngayon ay ibinagay sa suot niyang barong. Hinintay lamang namin matapos ang tugtog bago siya pinalabas ng gate.

    “O magkita na lamang tayo sa simbahan ha, hindi ka na namin sasamahan kasi hindi ka naman maliligaw may mga majorette naman na mag ga guide sa iyo.  Saka bawal samahan ang escort dapat ay siya lamang magagalit ang mga kamag-anak ng Reyna Elena.” Ang biro ko sa kanya kasi ramdam kong kinakabahan talaga siya. Nakita ko muli ang pamimilog ng maliiit niyang mata.
   
    “Wala namang ganon sir ah, niloloko mo lamang po ako,  sabi lang ni Tita ayaw nyo lamang daw maglakad ng malayo.”ang naiinis niyang balik sa akin.

    “O sige na big boi na pogi, labas na at naghihintay na sila, basta pagdating nyo sa simbahan naroon na rin kami.  Hintayin ka namin don.” At pinisil ko ulit matangos niyang ilong.

    Pero sumama si Lester dahil siya raw ang photographer at mahirap din naman ang wala siyang kakilala habang naglalakad.  Kami naman ay nagprepare na rin at maya-maya ay pupunta na rin sa simbahan, nagdala lamang ako ng tubig dahil tiyak ay uhaw na yun mamaya.  Si Irish naman at si Mama ay may dalang malalaking kandila para sa prusisyon.

    Sasandali pa lamang kami nakakarating sa simbhan nang marinig namin ang tugtug ng musiko kaya muli ay pinabalik na ng mga organizers ang lahat sa kani-kanilang pwesto. Pumasok na sa kani-kanilang arko ang mga reyna kasama ang kanilang mga escorts. Nakita ko sila sa unahan ng musiko na sinasabayan ng maraming tao.  At gaya ng sinabi ko sa kanya, inalalayan niya ang Reyna Elena sa arkong kulay puti na puno ng mga fresh flowers.

    Gwapong-gwapo si Kenn nang mga oras na iyon, hindi iyon maitatanggi.  Babae man o lalake ay napapatingin sa kanya lalo pa nga at hindi siya taga sa amin kaya marami ang nagtatanong kung sino at taga saan siya.  Kita ang paghanga ng mga tao sa kanya.  Muka naman talaga siyang artista.  Bagay na bagay sa kanya ang barong. Napakaganda rin ng Reyna Elena.  Ayon kay Irish, Micha daw ang pangalan non,  galing US daw iyon at kararating lang  sa Pilipinas last month  para magbakasyon  “Kaya naman pala iba ang kutis e,” naibulong ko sa kanya.  Bagay na bagay sila dahil matangkad din si Micka.  Nakasuot siyang ng puting gown, may korona sa ulo at may hawak na crucifix.  Ang ganda nilang tingnan.  Pagkapasok nila sa arko ay pumito ang majorette at tumugtog ang banda hudyat ng pagsisimula ng prusisyon.  Apat na barkada ni Lester ang may hawak sa apat na poste ng arko.  Tradisyon kasi yun sa amin dapat ang mag aasikaso noon ay ang escort at dahil hindi nga taga samin si Kenn ay inasikaso naman lahat ni Lester nasa tabi rin ang apat pa niyang barkada para mag substitute kapag may napagod na sa kanila. 

    Nagsimula na ang prusisyon, at panay ang kislapan ng flash ng camera sa harapan ng dalawa.  Nasanay na rin si Kenn, minsan ay nag-uusap sila ni Mika, minsan naman ay nginingitian ang mga bumabati sa kanya.  Medyo naiinis lamang ako sa mga ilang bading na panay ang pagpapa cute sa kanya, minsan magpapa picture at ilalapit pa ang mukha kay Kenn,  o kaya naman meron ding umaaakbay habang naglalakad.  Pero saan man may kumpulan ng mga tao na madaanan kami ay tiyak papalakpak pag tapat nilang dalawa.  Alam ko namang hindi lamang dahil kay Micka yun kasi meron ding sumisigaw na ang pogi ng escort.

    Nang dumilim na ay nagsimula ng magsindi ng dala nilang kandila ang mga tao.  Lalong lumutang ang ganda ng mga reyna dahil sila na lamang ang nakikita dahil nga madilim na sa paligid.  Maliwanag na rin ang mga LED lights  sa loob ng bawat arko kaya kitang-kita sila.  At syempre kitang-kita rin ang kagwapuhan ni Kenn.  Lalong dumami ang tao nang dumilim na, Dumami na rin ang mahaharot na bakla na alam kong nangtsa tsansing sa kanya. Marami ring babae ang nagpapa cute sa kanya.  Sa mga ganoong pagkakataon, titingin lamang siya sa akin.  Ngingitian ko lamang siya kasi gusto ko i-enjoy talaga nya ang moment na yun dahil sabi nga niya ay first time niya ma experience. 

    Ang layo ng nilakad namin.  Pagud na ako at masakit na paa ko, pero sure ako mas hirap siya kasi naka leather shoes siya.  Pero gaya ng bilin ko hindi siya pwedeng sumimangot o magreklamo.  Nakangiti pa rin siya kahit halos maubos na niya ang dala kong tubig.

    At last ay natapos din.  Nakapasok na kami sa simbahan at siyempre picture taking napakarami ng nagpa picture sa kanilang dalawa. Pagkatapos ng konting ceremony ay nag announce ang Hermana na may salu-salo sa kanila para sa mga kasali sa StaCruzan at lahat ay invited sa party sa covered court.  Dahil hindi sumama sa kainan ang Reyna Elena idinahilan niyang masakit ang paa niya at kailangang maipahinga dahil aattend siya ng party, hindi na rin sumama si Kenn.  Nagyaya na rin siyang umuwi para makapagpalit ng sapatos.  Sa bahay na rin kami kumain. Pero bahagya lamang ang kinain niya dahil excited, pag uwi na lamang daw mamaya saka babawi.

    9:30 pm nang kami ay sabay-sabay na pumunta ng sayawan.  Kasama si Lester at Irish.  Naglakad lamang kami dahil marami naman kaming kasamang kabataan.  Hinihintay talaga iyon ng mga taga sa amin kapag fiesta.

    At gaya ng dati, pinagkalipumpunan ulit siya ng mga bading at iba pang babae na lantarang nagpapa cute sa kanya.  Table-table kasi don at unang napuno ng tao ang table namin. Parang nasanay na rin si Kenn, nakikipag biruan na rin siya at nagtatawanan sila.  Pero kung gaano ka hinhin si Micka kanina sa prusisyon at kabaligtaran ngayon.  Nakadikit lagi siya kay Kenn at halos ayaw ng lumayo.  Minsan ay nakakapit pa siya sa braso na parang nasa prusisyon pa rin.  At pag sumayaw ay halos nakayakap na at nakadikit ang pisngi kay Kenn na pansin ko namang gustung-gusto ni Kenn.  Malalim na ang gabi pero parang enjoy na enjoy pa si Kenn.  Parang kinukurot ang puso ko pag nakikita kong nakapulupot ang braso ni Micha sa bewang niya o kung minsan naman ay pinupunasan siya ng pawis.  Kung mag-usap din sila kahit sa karamihan ng mga tao ay halos magkadikit na mga mukha nila.  Enjoy na enjoy din ang mga bading at yung iba pang babae sa umpukan namin. Hindi na rin siya tumitingin sa akin, parang nalimutan na niyang magkasama kami.  Parang hindi ako tatagal sa ganoong nakikita.  Ayokong panoorin sila.

    Nilapitan ko si Lester sa kabilang table. “Bunso uuwi na ako, antok na ako.” Bulong ko sa kanya dahil malakas pa rin ang tugtog. “Paano si Kenn, isasama mo na ba pauwi?” tanong niya.  “Hindi, nag eenjoy pa e, ikaw na bahala sa kanya, huwag mo lamang iiwan ha, pag uuwi ka isabay mo na rin.” Iyon lamang ang sinabi ko at lumabas na rin ako.  Nauna na ring umalis si Irish dahil dumating ang boyfriend niya at papakainin muna daw niya sa bahay. May nakasabay na rin naman ako sa paglalakad mga dati kong kakilala at nakakwentuhan habang pauwi.

    Pagdating sa bahay.  Naligo lamang ako at nahiga na, wala akong ganang kumain bagamat konti lang kinain ko kanina.  Pero pabali-baligtad lamang ako sa kama  hindi ako makatulog. Naiinis na ako pero hindi ako talaga dalawin ng antok.   Nagbukas na lamang ako ng TV at nanood ng lumang movie sa cable.  Nakatapos na ako ng isang movie hindi pa rin ako inaaantok.  Nanood pa rin ako.  Maya-maya narinig kong may paakyat sa hagdan alam kong sina Lester at Kenn iyon, binuksan ko ng bahagya ang pinto at nakita kong dumaan sila akay ni Lester si Kenn halatang lasing pero dahil patay naman ang ilaw  hindi nila ako nakita nang lumampas sila.  Nasa dulo kasi ang room na ipinagamit namin kay Kenn, Ito yung ginagawa naming guest room. 

    Pinabayaan ko na lamang sila. Nang makita kong lumabas na si Lester sa room ni Kenn, isinara ko na dahan-dahan ang pinto at pinatay ang TV saka ako nahiga.  Gaya kanina, hindi rin ako makatulog.  Maya-maya narinig kong parang sumusuka si Kenn,  Dali-dali akong bumangon at pumasok sa kwarto niya. Nakita ko siyang nakaupo sa may toilet bowl, hawak ang tiyan.  My suka din sa sahig.  Hinimas ko ang likod niya at hinayaang makasuka ng maayos.

    Maya-maya ay inakay ko siya papuntang kama. “Iinum-inom hindi naman kaya,  Tingnan mo nga yang itsura mo, ganyan ba ang matinong tao?” ang naiinis kong sita sa kanya.

    “Sorry sir, nagkasayahan lamang naman po kami. Saka pinilit kasi nila akong uminom, kahit sinabi ko nga po ayoko na kasi magagalit ka po, pero pinilit pa rin nila ako.” Ang pabulol-bulol niyang sagot sa sakin.

    “Pinilit o nagpapilit ka, enjoy na enjoy ka kasi sa pakikipaglandian sa kanila, kaya nalimutan mo na hindi ka naman sanay uminom. Kukuha lamang ako ng tubig at towel mapunasan ka ng umayos ang pakiramdam mo.” Iniwan ko siya sa kama.  Pagtalikod ko nakita ko si Lester nakatayo sa may pintuan. “Bakit kasi hinayaan mong uminom iyan ng ganyan hindi naman yan sanay na nag-iinom.” Bulong ko sa kanya.

    “Akala ko nga softdrinks lang iniinom ng mga iyan ang lalakas magtagayan, yun pala alak ayun kaya lahat bagsak.  Kami nga konti-konti lang katuwaan lamang.  Hindi pa nga ako dapat uuwi kundi lang nakita ko yan nakasubsob na sa table kaya iniuwi ko na.”  Hindi na ako sumagot bumaba na lamang ako.  Pagbalik ko may dala akong maligamgam na tubig sa planggana at  bimpo.  Pinunasan ko siya.

    “Sa susunod hindi na kita isasama dito pag uuwi ako, lalo lamang napapaloko ang buhay mo.  O mas mabuti pa siguro umuwi ka na bukas. Doon ka na lamang sa bahay.  Kasi doon walang inumang gaya nito.” Ang naiinis kong sabi sa kanya habang pinupunasan siya. Hinubad ko rin ang T-shirt niya.”taas mo kamay mo at nang mahubad ng ayos iyang damit mo.” Ipinaparamdam ko pa rin sa kanya na naiinis ako. 

    “Sir, ayoko pa pong umuwi, dito muna tayo, diba sabi mo buong month ng May dito tayo? Dito muna po ako please…”ang paglalambing na naman niya.

    “Noon yun hindi na ngayon, hindi ko naman alam na magpapakalasing ka lamang ng ganyan dahil kung alam ko kahit anong pilit mo hindi kita isasama dito.” hindi ako tumitingin sa mukha niya, patuloy ko lamang pinupunasan ang katawan niya.

    “Sorry na sir, promise hindi ko na po uulitin,” at hinaplos niya ang kamay ko.

    “Sorry ka dyan tapos malandi ka lamang no’ng mga babae at bading do’n e balik ka na naman sa ganyan.  Hubarin mo na yang pants mo at amoy suka mo na  rin iyan.“ Tumayo ako para ikuha siya ng pampalit sa cabinet. Paglingon ko naka boxer na lamang siya.  Ibinaba ko sa tabi niya ang isang t-shirt na walang manggas at isang short.  “Magbihis ka na baka magka sipon ka pa, malamig.” At kinuha ko yung planggana at towel at dinala ko ulit sa baba.  Pagbalik ko nakabihis na siya at nakahiga na.

    “Sir, sorry na  po ha, wag ka ng magalit please,”  at hinawakan niya ulit ako sa kamay.

    “Oo na sige na, matulog ka na at nang mawala yang epekto ng alak sa iyo.” Kinumutan ko siya at nilinis ko muna ang CR  saka lumabas na rin ako pagkatapos isara ang pinto. 

    Kinaumagahan, sinilip ko siya pagkagising ko.  Tulug na tulog nakabaluktot sa pagkakahiga.  Hininaan ko lamang ang aircon at isinara na ulit ang pinto.  Kumain lamang ako at naligo, tinulungan na rin namin ni Lester sina Mama sa paghuhugas nong ibang pinaglutuan at itinaas na rin sa dati nilang lagayan.  Maya-maya ay nagpaalam si Lester na lalabas daw at dahil wala akong makausap ay bumalik ako sa kwarto at nahiga.

    Naalimpungatan ako dahil naramdaman kong may katabi ako.  Pagtingin ko si Kenn pala.  Malungkot ang mukha. 

    “O  anong ginagawa mo dito, kumain ka na ba?” ang naiinis ko pa ring tanong

    “Hindi pa po.” Nakatagilid siya paharap sa akin

    “Bumaba ka sa kusina at kumain ka na, naroon naman si Mama.”walang kabuhay-buhay kong utos sa kanya, sariwa pa rin sa akin ang mga nangyari kagabi.

    “Ayoko pong kumain, wala po akong gana.” Saka tumihaya ng pagkakahiga

    “Bakit nagpapakamatay ka na ba, akala mo ba maganda yung nag-inom tapos hindi kakain gusto mo bang magkasakit?”

    “Hindi po ayokong magkasakit. Kasi sir, galit ka pa rin  naman po  sa akin.  Paano po ako kakain alam kong galit ka.” Umiral na naman ang parang bata niyang pagrereklamo dahil nakasimangot.

    “Kasalanan ko ba yun, ako ba nagsabi makipag inuman ka, makipaglandian at makipagharutan sa mga iyon?”

    “Hindi naman po ako nakipaglandian sa kanila sir.”muli niyang reklamo niya. Alam kong naiinis din siya kasi hindi nawawala ang pagsimangot ng mukha niya.

    “Ano bang tawag mo don, halos nakapulupot na katawan no’ng babae sa ‘yo, at kung mag-usap kayo magkadikit na mga mukha ninyo mabuti hindi nagkapalit mga mukha ninyo? ang naiinis kong pagdedetalye sa ginawa nila kagabi.

    “Si Sir ah, nagpapatawa ka po sir ano?”at medyo kiniliti ako sa tagiliran

    “Hindi ako nagpapatawa tumigil ka nga at hindi nakakatawa yung ginawa ninyo?” bigla siyang natahimik.

    Lumapit siya sa akin at pilit inihaharap ang mukha ko sa kanya.  “Sir nagseselos ka po ba?” biglang niyang tanong na ang lapit na ng mukha sa akin.

    “Bakit ako magseselos, may ginawa ka bang dapat kong ipagselos?” at iniiwas ko ang sarili ko sa kanya.

    “Iyong totoo sir, nagseselos ka po ano, kasi lapit nang lapit si Micka sa akin kagabi ano?” ang patuloy na pangungulit niya. Parang biglang lumabas lahat ng nararamdaman kong galit.  Bumangon ako at naupo. 

    “Oo, nagseselos ako, hindi mo ba yun  nararamdaman. Hindi mo ba alam na nasasaktan ako sa ginagawa mo, o sinasadya mo akong masaktan kaya kahit nakikita ko parang wala lamang sayo. Hindi mo ba alam ang sakit-sakit nong nakikita kitang kasama ng kung sinu-sino kasi natatakot akong mawala ka kasi mahal kita, hindi mo ba yun alam?” mahina ang salita ko pero alam kong punum-puno ito ng pagtatampo, ayokong ilakas dahil baka marinig kami sa baba, nakita ko siyang parang biglang natauhan at namutla.  Tumayo ako at iniwan siyang mag-isa.

    Pumunta ako sa likod bahay namin, meron kami  doong kubo na nakatayo na yun doon mga bata pa lamang kami.  Doon kami  dati naglalarong magkakapatid. May kanya-kanya kaming corner doon kung saan nakalagay ang mga laruan namin.  Pero kami ni Lester ay magkasama ang corner namin kasi maraming laruan si Lester dahil favorite siyang bigyan ng mga kamag-anak namin kasi nga bunso, kaya pati yung corner ko binibigay ko sa kanya.  Ganon kami ni Lester bata pa lamang ay close na kami talaga.   Naupo ako sa dulong corner kung saan naka assign yun sa akin.  Naaalala ko ang mga kabataan namin.  Si Kuya at si Irish hindi pwedeng mag share kasi bukod sa magkaiba ang laruan nila may pintuan sa pagitan ng corner nila kaya hindi sila pwedeng magtabi. Saka maingat si Kuya sa mga laruan niya.  Bata pa lamang ay masinop na siya sa mga bagay-bagay. Laging naka box ang mga laruan niya. Pati  yung mga laruan niya pang malaki na.  Hindi naman namin alam gamitin ni Lester at noong minsang pinakialaman namin nasira yung remote. Kaya hindi na namin unulit. Samantalang kami ni Lester, pagkatapos maglaro ay iniiwan lamang namin doon, at kukunin na lamang kung gagamitin ulit.  At halu-halo din ang mga laruan namin kasi nga magka share kami ng corner kaya kahit ano pwede naming paglaruan. Pero madalas ay mas magaganda ang laruan ko sa kanya dahil ibinibili ako ni Lola  maraming pera si Lola, basta nagustuhan ko binibili niya para huwag akong umiyak. Saka isinasama ako ni Papa pagbili kaya nakakapili ako ng gusto ko. Si Lester naman marami lamang ang laruan pero hindi naman magaganda.  Okey lamang naman sa akin na gamitin niya lahat mga laruan ko kasi yung iba naman hindi ko rin nagagamit.

 “Selfish ba ako?” bulong ko sa aking sarili.  “Bakit noon willing akong magshare kay Lester. Dati lahat ng laruan ko nagagamit ni Lester pati nga si Kuya minsan nanghihiram din. Minsan yung buong corner ko ginagamit ni Lester okey lang sa akin. Bakit ngayon natatakot akong makitang may ka share ako kay Kenn.  Naiinis akong makita na may iba siyang binibigyan ng attention.  Ayokong may iba siyang gusto.  Parang natatakot ako na mawala si Kenn sa akin.”  Ito ang naibulong ko sa aking sarili.

Ang tagal kong nakaupo doon, at nag-iisip, Nang biglang tumawag si Louie, iniivite ako sa kanila.  Naalala ko ang bestfriend ko.  Nangako nga pala ako sa kanya na isang araw ay dadayo ako ng kain sa kanila dahil sabi niya marami akong dapat ikwento.  Pagkatapos kasi ng hindi natuloy na kasalan ay minsan ko lamang siyang nakumusta.

    Sinabi ko lamang kay Mama ng madaanan ko na pupunta ako kay Louie. Kilala naman niya iyon kaya hindi na nagtanong.  Nagmotor lamang ako dahil hindi naman ganon kalayo ang bahay nila sa amin.  Nang dumating ako naroon din yung iba naming mga tropa.  Nag-iinuman na sila. 

    “O eto na pala ang balikbayan,” bungad ni Gerald.  Tawanan ang mga kainuman nila.  Si Gerald yung kababata ko na sabay at same school kami nag pre elem, elem, high school at same school din nag college, magkaiba nga lamang kami ng course.  Abay din siya noong kasal namin.  Pero mas close ko talaga si Louie.

    “Langya ka boy, pang movie ang kasal mo ha,” at muli ay tawanan ang lahat.  Pero gaya ng dati nang mapansin nilang hindi ako game sa biruan ay dahan-dahan nag subside ang tawanan.  Sumenyas sa akin si Louie, na mamaya na lang kami mag-usap.  Ganon kami kahit dati pa, nakakagawa kami ng silent na usapan na kami lamang nag nagkakaintindhan.

    Nauwi ang usapan sa mga kalokohan namin noong highschool.  Kung sino pinaka mangongopya.  Pinaka matakaw.  Laging late, laging namboboso sa classmates namin.  At lahat ng mga kalokohan noong nag-aaral pa kami.  Palibhasa ay sa isang school lamang kami nag-aral at nagkahiwa-hiwalay lamang nang mag college na.

    Alam naman nila eversince na hindi ako nag-iinom at ayos lamang yun sa kanila.  Minsan-minsan tine tempt nila ako. “Wala na naman si Lola mo ah, wala ng magagalit sayo” ang biro nila sa akin.  Yun kasi ang tumatak sa isip ko noong bata pa ako ayaw na ayaw ni Lola na mag-iinom ako kaya hanggang paglaki ko ay nadala ko iyon.  Pero hindi ko talaga nakasanayan at ayokong mangyari ang nakita ko kay Kenn kagabi. Pero masaya na rin naman kami ng ganon.  Sanayan lamang.  Taga kain lamang ako ng pulutan nila at tagatawa kung may nakakatawang kwento o minsan ako ang ina-aasign magpatawa. At madalas ay taga linis ng ikinalat nila kaya madalas okey na rin sa kanila na hindi ako malasing para may maglilinis pag alis nila.

    Madilim na nang magsi alisan  sila.  Sinabi ni Louie na dahil late ako dumating ay late din dapat ako aalis at isa pa gaya ng dati, liligpitin ko ang mga iniwan nilang basura.  Pero alam ko na ang totoong dahilan niya magkukukwentuhan pa kami.  Ramdam ko rin na bukod sa gusto niya akong magkwento may gusto rin siyang i-share sa akin, ramdam ko may problema rin siya, Naglinis muna kami ng pinag-inuman nila. Dahil nakakahiya sa biyenan ni Louie, nakikitira lamang kasi sila sa bahay ng asawa niya. Wala pa naman silang anak kahit 3 years ng kasal. Mag-iipon daw muna.

    Nagkwentuhan kami ni Louie tungkol sa buhay-buhay.  Hindi siya nagtanong ng tungkol kay Gigi.  Hinintay muna niyang umpisahan ko saka ipinadetalye sa akin ang lahat. Ganon kami, kung may gustong sabihin hindi na naghihintay ng tanungin kusa na lamang magsasalita.  Dahil bestfriend ko naman talaga siya.  Ikinuwento ko sa kanya pati kung paano natuklasan ni Lester ang lahat-lahat. Nabigla siya sa narinig dahil wala raw ni isa sa kanila ang may alam na may ganon pa lang nangyari.  Gaya ng sinabi ni Papa noong nasa Tagaytay kami, lahat ng narinig at nalaman namin doon ay doon na rin maiiwan.  Bilang respeto sa pamilya ni Gigi at sa mga taong involve wala kaming pagkukuwentuhan kahit sino.  At alam ko tinupad nila ang usapang iyon kaya walang kumalat na anumang balita kung ano ang nangyari.  Saksi si Louie kung gaano ko kamahal si Gigi.  Kaya alam ko ang panghihinayang niya sa nagyari sa amin.

    “Bro, matanong ko lamang, nakamove on ka na ba?” ang bigla niyang tanong pagkatapos kong magkwento,

    “Somehow. yes, sa umpisa lang naman mahirap, pag pala nandon na at wala ka ng ibang choice kundi tanggapin kaya naman pala.” Ang makahulugan kong sagot.

    “Next question bro, May, kapalit na ba?” nakangiti niyang tanong.  Kasi tingin ko sa iyo wala ng pain, ang aura mo parang ang liwanag na.  It seems hindi ka lamang naka move on, parang in love ka na ulit e.”

    Hindi talaga ako makapaglilihim sa taong ito. Nababasa niya pati expression ng mukha ko.  Pero gaya ng sinabi ko kay Kenn, as long as kami lang dalawa nakakaalam ng tungkol sa amin safe ang secret namin. Kaya gusto ko mang sabihin na diretsong oo iniwasan ko kasi hindi niya ako titigilan.

    Well, sabihin nating in a way, pwede, pero wala pa sa point na iniisip mo.  Kailangan pang I test ulit natin ang tubig kung kaya ba, kung pwede ba at kung magwowork ba.” Iyon ang makahulugan kong tapos sa kanya.

    Siya naman ang nagkwento tungkol sa buhay niya.  Yung hirap ng pakikisama sa biyenan.  At lahat din ng pinagdadaanan nilang mag-asawa.  Mula kasi ng magsara ang company na pinagtatrabahuhan ng misis niya hindi pa nakakahanap ng ibang work. Kaya pinagkakasya niya ang kanyang sweldo na pinag-aaral pa niya ang bunsong kapatid niya. Iyon ang dahilan kaya hindi sila makahiwalay sa poder ng kanyang biyenan. Pero nahihirapan na din siya kasi kontrolado ng mga biyenan niya ang buhay nilang mag-asawa.

    “Malalampasan mo rin yan bro,  makakahanap din kayo ng paraan diyan, ikaw pa, kilala naman kitang maabilidad.’ Pinapatawa ko lamang siya kasi napansin kong seryoso na ang usapan namin. Nasa ganoon kami ng magring ang phone ko. Si Lester tumatawag.

    “Kuya si Kenn, nabugbog!” iyon ang agad ang sinabi niya pagka accept ko ng call.  Hindi ko na natanong kung ano ang nangyari basta kung nasaan sila.  Sinabi niya ang name ng hospital kaya dali-dali akong nagpaalam kay Louie na bagamat nag offer na ihahatid ako dahil may sasakyan naman siya, tumanggi na ako dahil may motor naman ako.  Isa pa ay gabi na ring masyado nakainom pa siya saka baka magka problema pa siya sa biyenan niya.

    Diretso ako sa sinabi niyang ospital.  At pumunta sa room na sinabi nong nasa information.  Pagbukas ko ng pinto, naroon si Irish at si Lester.

    “Anong nangyari?” yun lamang ang naitanong ko nang makita ko siyang natutulog, may bakas ng dugo sa labi at maraming pasa sa mukha. May hawak na ice bag si Irish.

    “Napag tripan daw ng grupo ng boyfriend ni Micka.” Si Lester bagamat kay Kenn ako nakatingin alam niyang siya ang tinatanong ko.

    “Bakit nasaan ba kayo?” Iniwan ko lamang iyan sa bahay kanina ah”. Bago pa siya sumagot ay nagpaalam na si Irish.  Dahil sabi raw ng doctor ay hindi pa pwedeng lumabas ngayong gabi at kailangan pang magpahinga kaya kukuha muna siya ng damit na pamalit dahil madumi ang suot ni Kenn.

    “Sige, Irish, ikuha mo na rin ako ha, hindi na rin ako uuwi para magpalit.” Tumango naman siya bago lumabas.

    “Kuya, nasa bahay nga lamang iyan, niyaya ko ngang magbasketball noong hapon pero aayaw masama raw ang pakiramdam niya dahi sa pagkalasing niya kagabi. Hindi nga naglalabas ng kwarto, kumain lamang tapos umakyat na ulit.  Pero noong gabi na nagpaalam magpapahangin lang  daw sabi kay Mama tapos sabi sa akin hahanapin ka raw kasi galit ka raw sa kanya ayaw ko ngang payagan kasi sabi ko malayo yung kina Louie, Ayun napigil ko rin naman tapos nagyaya pumunta sa plaza dahil naiinip daw siya.  Ewan ko kung ano nangyari kasi sabi niya sa akin bibili lamang daw ng makakain.  Maya-maya  narinig ko na lamang na nagkakagulo na may binubugbog daw.” Hindi ko masisisi si Lester dahil alam ko naman hindi niya gusto ang nangyari.  Alam ko rin kung ano turing niya kay Kenn at sigurado akong hindi niya siya pinabayaan.

    ”Napa blotter ko na sa police yung mga yung apat kuya.  Madami naman kasi ang nakakakilala at hihintayin na lamang daw ang pormal nating reklamo para masampahan ng kaso.” Dagdag pa niya.

    “Ano ang sabi ng duktor?”

    “Marami ngang bugbog, pero wala namang malaking problema. Pinagpapahinga lamang saka binigyan lang siya sa pain reliever baka kaya nakatulog.  Mas mabuti nga siguro na tulog siya para makapahinga ng ayos at hindi niya masyadong maramdaman ang sakit ng katawan niya. Baka bukas daw pwede na rin siyang ilabas.  Hindi na rin tinahi yung putok sa labi niya maliit lamang naman daw iyon.”

    Lumapit ako kay Kenn at hinaplos ko ang kanyang noo.  Hindi ko na napigil ang pagpatak ng luha ko. Naisip ko na kasalanan ko ito.  Kung hindi ako umalis, hindi siya lalabas.  Alam niyang galit ako kaya hindi siya mapakali. Naupo ako sa isang bangko hindi ko alam kung ano ang iisipin at gagawin. Parang hinang-hina ako sa nangyari.  Nagi-guilty ako. Ipinagkatiwala siya sa akin ng Daddy niya tapos ganito ang nangyari. Naramdaman kong lumapit si Lester sa likod ko at hinawakan niya ang balikat ko.

    “Kuya, may relasyon ba kayo ni Kenn?” halos pabulong niyang tanong.

    Na shock ako sa tanong na iyon at hindi ako makasagot. Hinila niya ang isang bangko naupo siya sa tabi ko.

    “Kasi kagabi, habang lasing siya sabi niya sa akin, mahal na mahal ka raw niya at napakalaki raw ng utang na loob niya sa iyo.  Ikaw daw ang nag ayos ng buhay niya.  Alam ko naman yung kwento ng buhay niya kaya  wala sa akin yun, pero yung nakita kong pag-aasikaso mo sa kaniya kagabi.  Pati yung pag-aalala niya sayo kasi alam niyang galit ka sa kanya, kuya parang iba.  Hindi naman ako malisyoso kuya pero may nahahalata ako sa inyong dalawa kahit dati pa.”
   
    Hinawakan ko ng dalawang kamay ang muka ko saka sumubsob sa mga hita ko.  Gusto kong sumigaw, gusto kong umiyak.  Nagsisikip ang dibdib ko.  Hinaplos niya ang likod ko. Hindi ako makatanggi, gusto ko man hindi ko kayang magsinungaling sa kapatid ko. Alam niya ang lahat ng lihim ko, bata pa kami kilalang-kilala niya ako. Hindi na lamang ako nagsalita at alam na niya ang ibig kong sabihin.

    “Kuya huwag kang mag-alala, naiintindihan kita, may mga tropa akong may ganyang sitwasyon at alam kong mahirap ang pinagdadaanan mo.” Patuloy pa rin siya sa paghagod sa likod ko.

    “Hindi ko naman ginusto ito, noong una akala ko awa lamang nararamdaman ko sa kanya.  Gusto ko lamang siyang tulungan, Pero nagising na lamang ako isang umaga. Mahal ko na siya at gustuhin ko man hindi ko na magawa lumayo sa kanya dahil nasasaktan ako binabalak ko pa lamang. Kahit alam kong mali bunso, hindi ko maiwasan.  Natatakot din akong masira ang buhay niya kung pababayaan ko siya.”

    “Basta kuya, narito lamang ako, kahit anong mangyari, kahit ano ang maging pasya mo, lagi akong nakasuporta sa iyo.  Huwag kang mag-alala walang makakalabas sa pinag-usapan nating ito.

    “Salamat bunso, matagal ko ng kinikimkim ang bigat na ito, gusto kong may mapagsabihan pero natatakot ako.”

    “Sige, maiwan muna kita dito, don lamang ako sa labas. Text mo na lamang ako kung may kailangan ka.” At lumabas na nga siya.

    Nang makaalis siya, muli akong lumapit kay Kenn.  “Sorry baby boi ha, naging selfish lang ako.  Natakot lamang ako na mawala ka.  Alam ko naman na bata ka pa at karapatan mong mag enjoy sa buhay.  Sorry dahil hindi kita inintindi.  Sarili ko lamang ang inisip ko.  Hindi ko mapapatawad ang sarili kung may masamang nangyari sa iyo.  Promise paglabas mo dito, hindi na kita papagalitan, Kung gusto mong magpakasaya, hahayaan kita basta huwag mo lamang sisirain ang sarili mo.  Mas gugustuhin ko pa na makita kang masaya sa ibang babae kesa naman magkasama tayo tapos ganyan ka.”
   
    Nang tuluyan ng siyang gumaling, hindi na namin tinapos ang May, bumalik na kami sa Manila. Hindi na rin naman siya nagreklamo. Lagi siyang nagso-sorry at tinanggap ko naman iyon, nag sorry din ako sa kanya.  Gusto man nila na magtagal pa kami, idinahilan ko na lamang na pinagrereport na ako sa school.  Gaya ng ipinangako ni Lester hindi nagbago ang pakikitungo niya kay Kenn.  Pansin ko nga ay mas naging maasikaso pa siya siguro dahil alam niyang higit pa sa kaibigan ang turing ko sa kanya.  Sinasabi na lamang niya na ginagawa daw niya iyon kasi wala siyang nagawa noong mabugbog si Kenn.  At nangako siya na reresbakan ang mga tarantadong iyon oras na bumalik. Kasi mula ng ma blotter ay nagkanya-kanya ng tago ang mga walanghiya.  Ako na nga lamang ang nagsabi na huwag na at kalimutan na namin iyon tutal ay ayus na naman ang lahat. 

    Hindi rin matapos ang paalala ni Mama na bantayan ko ang batang ito dahil malapit pala sa disgrasya.  Hindi ko na lamang ikinuweno ang nangyari sa hiking.  Hindi ko alam kung gaya ba ni Lester ang magiging pagtanggap niya sa amin sakaling malaman niya ang totoo. Tanggap nila bilang anak si Kenn, pero paano kung malaman nila ang tungkol sa amin? Natatakot akong magalit sila kay Kenn, natatakot akong hindi na nila tanggap si Kenn sa bahay namin at higit sa lahat natatakot akong bumaba ang pagtingin nila sa kanya.  Iniisip ko na lamang na sana gaya ni Lester may malawak din silang pananaw at bukas ang pag-iisip na wala naman kaming ginagawang masama.  Kung mali man sa paningin ng marami na nagmamahalan kami   sana sa kanila bigyan nila kami ng pang-unawa.  Sana bilang anak ay huwag nila akong husgahan dahil higit kailanman ngayon ko kailangan ang pang-unawa nila.  Ngayon ko kailangan ang pagmamahal nila. 

    Nakakailang araw pa lamang kami sa Manila nang bumisita sa amin ang tita niya. Alam ko naman ang pakay niya kaya hinayaan kong naroon si Kenn habang nag-uusap kami.

    “Sir, kayo na nga po ang  kumausap sa batang iyan, ang hirap pagpaliwanagan.” ang pakiusap niya sa kin.

    “Mrs. Nazareno, alam ko po naman kung saan ako dapat lumugar sa sitwasyong ito,  Usapin po iyang pampamilya kaya mas makabubuti siguro kung kayo ang mag-usap.” Bagamat masakit sa akin ang desisyon nilang iyon.  Ayokong makialam  dahil alam ko kung ano ang gusto kong mangyari. Matagal ko ng sinabi kay Kenn  yun noong umalis siya. Pero after nang mga nagyari hindi na ako sure kung safe nga ba sa poder ko ang batang ito.  Masakit mang sabihin pero kung papayag siyang umalis hindi ko siya pipigilan dahil sa ngayon mas matimbang sa akin ang kaligtasan niya kesa pansarili kong nararamdaman.  Mahal ko siya kaya gusto kong maging maayos siya at handa akong isakripisyo ang kasiyahan ko kung para sa kanyang kapakanan.

    “Tita, sinabi ko na naman po sa inyo. Ayokong tumira sa Bulacan. Ayus na naman po ako dito. Malaki na po ako at nakaya ko naman sa loob ng 15 years ang ganitong buhay kaya pakisabi na lamang po sa kanila na salamat sa pag-aalala pero hindi na po kailangan.”ang mahinahong paliwanag ni Kenn

    “Anak, para sa iyo naman itong ginagawa namin, gusto lamang naming bumawi sa iyo.” Ang pagsusumamo ng tita niya.

    “Hindi ko na nga po kailangan, ang laki ko na po , kaya ko ng mabuhay mag-isa.  Sana noon nyo pa iyan ginawa, noong naghahanap ako nga mag-aalaga sa akin kapag may sakit ako.  Noong naghahanap ako ng  magluluto ng pagkain kapag nagugutom ako, Noong panahong gusto ko may mapagsumbungan ng mga umaaway sa akin. Noong gustung - gusto ko na may makausap at mapagkwentuhan ng mga nangyayari.  Noong pinagtatawanan nila ako dahil wala raw akong pamilya sana ginawa ninyo yun noon para may naituro ako sa kanila.  Dumaan ang pasko, bagong taon, birthday ko, kahit noong graduation ko diba tita teacher ko ang kasama ko sa paglalakad, alam ninyo ba kung gaano kasakit iyon sa  akin, pagkatapos ng graduation hindi ako kumain kasi gabi na at pagod na ako kaya hindi ko na rin kayang magluto, nahihiya naman akong lumabas para bumili ng pagkain dahil tiyak magtatanong sila.  Pero tita umiyak ako magdamag, kasi alam ko lahat ng classmates ko nagsasaya nang mga oras na iyon, may nakaalala ba sa inyo na tanungin ako,  hindi nyo naisip ang lahat ng iyon noon bakit ngayon tita? Ngayon na hindi ko na kailangang ipagluto ng pagkain ko, hindi ko na kailangang magsumbong kapag may umaaway sa akin, hindi ko na rin kailangang may masabihan ng gusto kong sabihin dahil sanay na akong mag-isa, bakit ngayon nyo ako kukunin, Para saan pa tita? Hindi ko naman po kailangan ang lahat ng tulong na sinasabi ninyo, para maging masaya ako kasi masaya na ako kung ano ako ngayon. Hindi nyo naman ako mapapasaya kung sasamahan ninyo ako, dahil sanay na po akong walang kasama at ayoko na ng may kasama.  Hindi na rin po pati maibabalik yung mga panahong nakaraan na. Siguro tita kung noon ninyo po ginawa iyan kikilalanin ko at tatanawing iyan na malaking utang na loob.” Panay tulo ang luha niya habang nagsasalita pero diretso siyang nakatingin sa mata ng luhaan ding tita niya, alam kong guilty ang tita niya kaya napapaiyak din siya.  Ako man hindi ko rin mapigil ang luha ko kasi naiisip ko lahat ng pinagdaanan niya sa buhay. Napakalungkot nga pala ng buhay ng batang ito.

    “Pumayag na rin ang Daddy mo tungkol dito ipinagpaalam na kita kahit hindi pa tayo nagkakausap.” Iyon lamang ang nasabi niya.

    “Tita, si Daddy ba, kung may magsasabing mag-aalaga sa akin papayag iyon basta may mapagpasahan  lamang siya ng responsibilidad niya, walang issue sa kanya.  Pera lang ang kayang ibigay ni Daddy kaya kahit sino ang magpaalam na hihingin ako kahit anong oras ibibigay niya ako, kaya tita hindi  po ako nagtataka na pumayag si Daddy na kunin ninyo ako.” Hindi ko alam na hanggang ngayon pala ganito pa rin kalalim ang sugat na dinadala ng batang ito,  sa kabila pala ng mga ngiti niya ay naroon pa rin ang pait ng nakaraan niya.  Akala ko ay nalampasan na niya ang lahat ng iyon.  Kaya lalo akong natakot kung iiwan ko siya sa panahong ito baka nga tuluyan na niyang hindi kayanin ang pagsubok na iyon. Sobrang awa ang nararamdaman ko sa kanya.  Pero hindi gaya noong magkausap kami. Bagamat puno ng sakit ang bawat salita niya mas matapang siya ngayon. 

        “Basta tapusin na natin ang usapang ito, sa pasukan ay sa Bulacan ka na titira at doon ka mag-aaral. Sir, pakiayos na lamang po ang anumang records  na kailangan niya, para isang kuhanan na lamang.” Tumingin siya sa akin. “At Kenn ihanda mo ang mga gamit mo at sa isang lingo susunduin ka namin dito.”iyon ang pagtatapos niya.

    Nabigla ako nang tumayo si Kenn. “Kahit anong gawin ninyo o kahit anong sabihin ninyo hindi pa rin ako sasama sa inyo.” Malakas ang boses niya at halatang galit na galit sabay takbo palabas,  At dahil kapapasok lamang ng tita niya hindi masyadong nakasara ang gate kaya dire-diretso siyang nakalabas.

   
Bagamat na shock ako dahil hindi ko ine-expect na gagawin iyon  first time kong nakita na nagalit siya ng ganon ay mabilis akong nakatayo upang sundan siya at kitang-kita ko ang lahat ng pangyayari. Pagkalabas niya gate. Tumatakbo siya patawid ng kalsada nang isang mabilis na kotse ang lumampas.  Napapikit ako. Dahil sa lakas ng preno at pagsadsad ng gulong kasabay ang sigaw ng ilang tao na nasa tabing kalsada.

    “Kennnnn…..!!!!!!” iyon lamang ang naisigaw ko sabay takbo para puntahan siya.  Ang tita niya ay nagsisisigaw din pero naunahan ko siya sa pagtakbo.

No comments:

Post a Comment

Read More Like This