Pages

Sunday, May 22, 2016

Paligoy-Ligoy Lang (Part 1)

By: Ge

Madami na din ako nakilalang tao sa buhay ko. May ibang nagtagal, may ibang nawala na lang ng parang bula, may iba naman na sa kabutihang palad e nakakausap ko padin. Hindi ako yung typical na tao na gusto madaming kaibigan. Mas gusto ko yung magsolo and yung konti lang kakilala para mas konti din yung iniisip. Hindi ako palakaibigan, hindi ako yung tipong lalapit na lang basta basta para lang makipagkaibagan.

Itong ikkwento ko is totoong buhay. Sana e magustuhan ninyo ang aking kwento. Medyo may katagalan na din ito kaya hindi ko na tanda ang mga detalye pero susubukan ko ikwento lahat lahat.

Hindi ko pa masyado alam ang mga gay sites noon. Yung PR nga e G4M pa ata yun. And sa pagkakaalam ko hindi pa sikat ang Grindr nun or wala pang ganung app. Nagkakilala kami sa Friendster. Uso pa noon yung iaadd ka as friend nila and doon kayo maguusap.

Pangalan nya e Kris. Ako naman si Ge.

Nagpapalitan lang kami ng messages nun. Syempre wala pa ko masyadong experience sa mga ganito kaya sobrang tuwa ko na may pumapansin sakin. Tinignan ko ng mabuti ang profile nya and syempre mga pictures. Kalbo, maputi, mga kasing tangkad ko na 5’7 and taga Zamboanga. Akala ko nung una e asa Zamboanga siya pero laking gulat ko na nakikitira sya nun sa kanyang kamag anak sa parehong village na kung asan ako.

Simula nun parang ang gaan gaan ng loob ko sa kanya. Nung isang gabi nag message siya.

“Kita tayo.” sabi niya.

“Naku, baka mapagalitan ako, gabi na kasi and hindi naman sila sanay na nalabas ako pag gabi.” Sagot ko.

“Dali na. Kahit diyan lang tayo sa tapat ng bahay niyo. Uuwi na din kasi ako ng Zamboanga bukas para ituloy pagaaral ko dun.”

“Hindi talaga pwede e.”

“Hindi man lang kita nakita ng personal.”

“Okay lang yan. Babalik ka pa naman siguro dito sa Manila diba? And malay mo baka pumunta ako ng Zamboanga someday, baka masurprise ka.”

“Haha. Sige, aasahan ko yan a.”
“Uuwi ka na ba talaga bukas?”

“Oo e. Though babalik naman ako ng Manila pag bakasyon ko siguro sa school. Onting years na lang naman yun.”

“Yun naman pala e. Text text tayo.”

“Deal.”

Doon ko nalaman na ipagpapatuloy nya pagaaral nya sa isang kilalang kolehiyo doon sa Zamboanga. At nalaman ko na kilala siya dun dahil isa siyang personalidad sa local na station doon.

Noong mga panahong yun, iniisip ko, naku wala na ‘to. Wala ng pag-asa ‘to and for sure hindi na kami magkikita nito. Laking panghihinayang ko. Baket pa kasi ako nagpapaka dalagang pilipina nung mga time na yun. Ewan ko ba. Nagka boyfriend na din naman ako nun, siguro dahil sa hindi pa ganun katagal yung huling relationship ko kaya ganun.

Sinubukan ko naman. Nagtetext ako sakanya pero walang reply. Kung meron man bibihira lang. Busy sa work siguro and busy din sa pagaaral. Ako naman inatupag ko sarili ko sa trabaho.

Lumipas ang mga buwan hanggang sa unti unti na kaming nagkakalayo sa sarili. Pero ako naman si tanga, araw araw din naman chinecheck ang profile niya. Nagiging uso na din ang Facebook nun. Grabe ganun na pala katagal yun.

Hanggang sa nalaman ko na lang may boyfriend na siya.

Nung una ayoko pa maniwala kasi lagi may isang lalaki na nagcocomment at nagrereply siya. Pero pag ako ang nagcomment, bibihira lang yung reply. And napansin ko na ang laki nung lalaki, muscle kung muscle. Nung araw nay un patpatin pa ko. Para bang hindi ako pinapakain ng mga magulang ko. Kaya dun ko din naisipan na mag gym at kumuha pa ko ng personal trainer nun para lang makahabol dun sa lalaki na yun.

Mga ilang buwan pa ang nakalipas biglang nagpaparamdam na siya uli. May mga good morning texts na ko na natatanggap and tuwang tuwa naman ako na tuwing papasok ako nakakatanggap ako ng ganun. Kahit yun lang masaya na ko. Minsan nga pagkatapos nung good morning nay un hindi na siya magrereply uli.

Nagulat na lang ako ng isang araw tumawag siya.

Dali dali kong sinagot. “Oh, napatawag ka. Okay ka lang?”

“Oo naman. Bawal ba tumawag?”

“Hindi naman. Pasakay lang ako ng shuttle papasok ng work. Ikaw?”

“Andito ako sa station ngayon. Nagpapatugtog lang ako kaya pwede ako tumawag. Kamusta ka?”

Napaisip ako. Ano kaya meron at biglang nangangamusta ‘to. Sa isip isip ko baka naman wala lang makausap na iba kaya inentertain ko na lang din. Sa sobrang pagiisip ko, bigla na lang siya nagsalita, “Uy. May kasuap pa ba ko dito?”

“Oo.” Natawa ako sa sarili ko. “Sensya na nagbayad lang ako.”

“Uy patapos na yung song, saglit lang a, diyan ka lang, may paparinig ako sayo.”

“Ano yun?”

“Iguguest kita.”

“Uy nakakahiya naman. Wag na.”

“Okay lang yan. Dali na.”

“Wag…” hindi ko na natapos sarili ko kasi bigla na lang siya nagsalita.

“Okay guys.” Hindi ko na matandaan kung ano pang spiel ang sinabi niya noon pero bigla na lang ako nagulat ng bigla niyang inopen. “So I have a very special friend with me today. He’s a little shy so I don’t know if he’s going to talk. He’s all the way from Manila. Say hi to everybody my special friend.”

Tatawa tawa na lang ako nun sa telepono. Hindi ako makatingin sa mga kasabay ko nun sa shuttle at baka kung ano isipin nila.

“I told you guys he’s shy.”

May mga sinabi pa siyang iba hanggang nagpatugtog na uli siya ng panibagong kanta saka bumalik sa telepono niya. “Hindi ka nagsalita.”

“Adik ka ba. Ano naman sasabihin ko.”

“Kahit ano. Kahit mag hi ka lang.”

“Nakakahiya.”

“Sus. Wala yun.”

“E ikaw sanay ka na ako naman hindi ako sanay makipagusap sa mga tao.”

“Next time pagbalik ko diyan sa Manila dadalhin kita sa radio station na sister naming diyan.”

Natawa na lang ako. Next time daw? Kelan kaya yun.

“Nawala ka nanaman.”

“O sige ba. Sure yan a baka wala nanaman yan.”

“Aba humuhugot pa. Sure yan.”

“O sige.”

“Sige, babalik na uli ako. I’ll talk to you again soon okay? Magingat ka papasok.”

“Yeah. Thanks.”

No comments:

Post a Comment

Read More Like This