By: Rezso
Hanggang ngayon ay hindi pa rin kami masyadong nag-iimikan ni Winston. Siguro ay masyado na syang maraming nakitang mali saken kaya ayaw nya nang makipag-close saken ulit. Gagawa ako ng paraan para maging close kami. Mag-iipon lang ako ng lakas ng loob. Dahil hanggang ngayon ay nahihiya pa rin ako sa kanya nung makita nya akong nakahubo't hubad sa sala. Kaya ako man ay medyo umiiwas din sa mapagmasid nyang mga mata. Ayoko na isipi dahil sa tuwing maiisip ko ay para bang umiinit ang mukha ko sa hiya. "Tss.. Promise hindi na mauulit yun."
Dahil nga wala na akong masyadong nakakausap bukod kay kuya ay si Wilbert na lang ang madalas kong nakakasama. Yung iba naming mga kaibigan eh, hindi ko naman alam kung anong pinagkakaabalahan. Baka busy sa mga trabaho nila. Nakakatuwa nga si Wilbert eh, kasi hindi sya nauubusan ng panahon sa pakikipagkwentuhan saken. Pantanggal buryong. Medyo tinamad kasi ako doon sa pagpipinta ng mukha ni Godfrey eh, nasira na kasi kaya kailangan ko na namang ulitin.
Pinuntahan ako ni Wilbert sa bahay. Niyayaya nya akong mamasyal sa aplaya. Hindi naman ako tumanggi dahil bihirang bihira lang naman kasi akong nakalalabas. Hindi kasi talaga ako mahilig sa gala. Pwera na lang kung may magyayaya.
Hindi dinala ni Wilbert yung motor nya dahil wala naman daw mapaparadahang matino sa kakahuyan kaya naman naglakad na lang kami papunta doon. Habang naglalakad kami ay muli ko na namang nakita yung abandonadong bahay. Napansin ko ang isang lalake na nakatindig doon sa loob mismo ng bakuran ng bahay. Nakaharap ito banda sa may pintuan. Nakamaong na pantalon at naka-longsleeves na puti ito. May katangkaran at medyo blonde ang buhok. Nakatalikod sya samen kaya hindi ko makita ang mukha. Napahinto ako sandali ngunit bigla akong hinatak kaagad ni Wilbert.
"Tara na! Ang init init nakatunganga ka dyan." sabi nito. Agad naman akong napasunod.
Nang makalayo na kami ng kaunti ay nakita ko ang gilid na mukha nung lalake. Matangos ang ilong nito at may kaputian. Papalingon ito samen nang biglang hawakan ni Wilbert ang ulo ko at ibinaling sa daan.
"Baka madapa ka. Mabato eh, kung saan saan ka pa tumitingin. Diretso ang tingin! Nakakita ka lang ng lalake gusto mo nang hadahin kaagad. Kung gusto mo ng hotdog, meron ako dito. Pakakainin kita mamaya." sabi nito.
"Gago!" sabay hawi ko nang mukha nyang anlapit lapit na sa mukha ko. Nagtuloy na kami sa paglalakad at hindi na ako lumingon pang muli.
Nang makarating kami sa aplaya ni Wilbert ay niyaya ako nitong mamamangka. Agad namang pumunta si Wilbert doon sa isang bahay na hindi naman kalayuan mula dito sa dalampasigan. Siguro ay magpapaalam dun sa may-ari ng bangka. Dalawang mababait na matanda lang naman ang nakatira dun eh. Kaya alam kong hindi sya mahihirapan. Habang hinihintay ko si Wilbert ay hindi ko inaasahang makita si kuya Connor. Nakita ko syang nakaupo doon sa ilalim ng puno ng niyog at nakatingin sa malayo. Nang mapansin ako nitong papalapit sa kanya ay agad itong tumayo at kumaway saken.
"Kuya! Nandito ka pala. Anong ginagawa mo dyan?" tanong ko at ilang hakbang pa ay nakalapit nako sa kanya.
"Ah wala lang. Nag-iisip lang ng pwede ko ipinta. Ikaw anong ginagawa mo dito?" balik tanong nya.
"Kasama ko si Wilbert nag-aya mamangka eh. Tara sama ka samen." sabi ko.
"Hindi na, kayo na lang. Masayang kasama yan si Wilbert, hindi naman ako mag-aalala kapag yan ang kasama mo eh. Alam ko namang hindi ka nyan pababayaan." si kuya.
"Tara na sama ka na para mas masaya." pilit ko sa kanya.
"Hindi na, pauwi na rin ako eh. Nagugutom nako. Ah syanga pala. Inuulit ko sayo ah. Wag na wag ka nang pupunta dun sa abandonadong bahay. Kahit tumingin ay wag mo nang gagawin. Nakita ko yung demonyo doon kanina. Pakinggan mo ang paalala ko para hindi ka mapahamak, naiintindihan mo ba?" sabi nya. Tumango lang ako tsaka sya nagpaalam na aalis na.
"Collin!!! Tara na!!!" sigaw saken ni Wilbert at napatakbo naman kaagad ako doon sa bangkang itinutulak nya papalusong ng tubig.
"Akyat ka na para hindi ka mabasa. Ako na lang ang magtutulak." sinunod ko naman kaagad ang sinabi nya. Para akong batang sabik na sabik at tuwang tuwa habang umuusad ang bangka patungo sa tubig. At nang nasa tubig na ang bangka ay sumampa na rin sya. Ngumiti ako dahil pag namamangka ay talagang nananabik ako. Umupo ako paharap sa dagat. Pinapakiramdaman ko ang unti unting pag-andar ng bangka patungo sa mas malalim na bahagi ng tubig. Maya maya pa ay may naramdaman akong mainit sa batok ko kasabay nun ang biglang pag-init ng likuran ko. Si Wilbert. Umupong nakadikit sa likuran ko. Ramdam na ramdam ko ang tigas ng dibdib nya. Ganun din ang biglang pagpulupot ng mga bisig nya sa katawan ko.
"Ano bang ginagawa mo?" tanong ko na medyo kabado. Bigla kasing tumambol ang puso ko sa ginawa nya.
"Niyayakap ka, bakit may problema ba?" sabi nya.
"Eh, papaano tayo magsasagwan kung nandyan ka?" tanong ko ulit.
"Basta. Hayaan lang naten na anurin ng agos yung bangka. Tsaka na lang tayo magsagwan pag masyado na tayong malayo." sabi nito. Napalingon ako sa kanya at nagtama ang aming mga paningin. Seryoso ito sa pagkakatitig nya saken at ako naman ay parang nahihiya sa ginagawa nya kaya naman bumaling muli ako sa harapan ko. Yumakap ng mas mahigpit saken si Wilbert at bumulong ito sa tenga ko.
"Alam mo bang matagal kitang hinintay na bumalik? Malinaw sa isip ko kung saan ka nanggaling. Pero hanggang ngayon, hindi nagbabago ang puso ko para sayo. Kahit itago mo pa saken. Alam kong ikaw yan, dahil walang sinuman ang may kakayahang tunawin ang lakas ko sa pamamagitan lang ng isang titig kundi ikaw. Sana sa pagkakataong ito. Akin ka naman. Ako naman ang mahalin mo, pakiusap." sabi nito na may seryosong boses. Hindi ko nagustuhan ang sinabi nya kaya naman agad akong kumalas mula sa pagkakayakap nya.
"Nilamig ako bigla sa lakas ng hangin. Bumalik na tayo. Ayoko na mamangka."
"Ayaw mo pa rin ba saken? Maraming nagkakagusto saken. Maraming nahuhumaling saken. Kaya kong kunin kahit sinong gusto ko. Pero pag dating sayo, bakit anghirap? Alam mo bang nagtiis ako ng matagal na nag-iisa dahil umaasa ako na sa pagbalik mo. Ako naman ang mamahalin mo. Wala na sya. Ako na lang ang nandito. Kahit minsan lang. Mahalin mo naman ako." sabi nya.
"Umuwi na tayo. Pakiusap." sabi ko.
"Kahit katawan ko na lang. Sayo na 'to, kahit katawan ko na lang ang kailanganin mo. Kahit magmahal ka ulit ng iba basta pakiusap ko lang. Kahit papano bigyan mo naman ako ng puwang dyan sa puso mo." si Wilbert.
"Wilbert!" may diin kong pagtawag ng pangalan nya
"Pakiusap naman, hindi naman ako humihiling ng sobra. Ang akin lang bigyan mo naman ako kahit papaano ng pagkakataong patunayan ang sarili ko sayo." sabi nya. Anong pagkakataon? Wala akong maintindihan sa mga sinasabi nya. Ni wala nga akong ideya kung bakit sya nagkakaganito eh.
"Umuwi na tayo Wilbert." sabi ko na medyo napapasigaw na dahil nakukulitan ako sa kanya.
"Sana maalala mo naman na noon pa ako naghihintay sayo. Alam mo na noon pa, kung ano ang nararamdaman ko para sayo." paulit ulit nya. Nananakit ang ulo ko sa mga sinasabi nya dahil pinipilit kong halungkatin sa mga ala ala ko ang sinasabi nya, pero wala. Hindi ko maalala. Para na namang binabarena ang sentido ko sa pwersahang pag-iisip.
"Pasensya ka na. Nagkamali ako ng timing. Pero umaasa ako na isang araw maalala mo ang nakaraan, para matandaan mo kung gaano kita kamahal. Noon pa man masakit na, ano pa ba yung masaktan pa ulit ako ng isang beses pa. Basta para sayo, kahit ano matitiis ko." si Wilbert.
Naaawa ako sa kanya pero wala akong maisagot sa kanya. Marami akong hindi maalala sa nakaraan ko. Marami akong tinatakbuhan. Maraming gumugulo sa isip ko kaya hindi ko na kakayanin pang dag dagan pa iyon ng isa pang iisipin. Napapagod ako... Napapagod nako... Pagod na pagod nako sa kakatakbo...
Umihip ang malakas na hangin na para bang umuungol. Nakakarinig ako ng mga sigawan at mga daing sa hindi kalayuan. May mga sumusulpot na mukha sa ala ala ko pero hindi ko maaninag ng maayos. 'Ano bang nangyayare? Si papa! Si papa! Nakikita ko! PAPA!!!' Nag-umpisa na namang sumakit ang ulo ko. "waaaahhh!!!"
Mainit na apoy. Walang hanggang apoy ang bumabalot sa buong paligid. Lahat ay nasusunog. Lahat ng naabot ng aking tanaw ay tinutupok ng apoy. Si papa na tumatakbo papalapit saken. Pinipilit nyang abutin ang kamay ko. Umabot din ako sa kanya. Malapit na malapit na... Pppee... pppeerroo... nilamon ng apoy si papa.. "Papa!!!" sigaw ko sa kanya. At narinig ko na naman ang tawa ng demonyo. Masaya sya kapag nahihirapan ang damdamin ko.
"Ikaw na ang susunod! Mamamatay ka rin! Dito ka mamamatay sa mga kamay ko!!!" sigaw nya at umalingaw ngaw ang nakapangingilabot nyang boses sa buong paligid. Bigla na lamang syang sumulpot sa harap ko at sinakal ako. "Mamamatay ka! Mamamatay ka!" sabi ng demonyo. Nagpupumiglas ako ngunit hindi ako makagalaw dahil sa lakas na ipanapamalas nya saken. "Collin, mas malakas tayo sa kanya. Nandito ako. Hindi kita iiwan. Lumaban ka."
"Collin! Collin!" naramdaman ko ang isang mahigpit na yakap mula sa likuran ko. Nang mapalingon ako ay nakita ko si kuya. "Collin. Wag kang matakot, nandito ako. Pangako hindi kita iiwan." sabi ni kuya. Napansin ko na lang na ang mga kamay ko ay mahigpit na hawak hawak ni Wilbert. Namumula na ang mukha nya dahil hindi na ito makahinga. Bigla akong natauhan sa kung anong ginagawa ko. Mabilis akong napabitiw sa leeg nya. Wala ako sa wisyo. Napatayo ako at napaatras. Umatras ako ng umatras at hindi alintana ang nilalakaran ko. Bigla na lamang akong napatid sa kawayang kinakabitan ng katig at nawalan ng balanse. Agad na tumayo si Wilbert para habulin ako, nahawakan nya na ang mga kamay ko pero huli na ang lahat at nahulog na nga ako sa tubig. Sa kasamaang palad ay kasama ko syang nahulog. Hindi nya binitiwan ang kamay ko nang mahulog kami. Niyakap nya akong mahigpit at lumangoy sya papunta ng bangka. Isinampa nya ako sa katig at agad syang sumakay ng bangka upang ako ay abutin. Tinulungan nya muli akong makasampa ng bangka. Pagkaakyat ko ay naupo ako at tumahimik na lang sa isang tabi. Malakas ang hangin kaya naman napatalungko ako dahil sa labis na lamig. Nanginginig na ang katawan ko. Nang bigla ko na lamang maalala si kuya.
"Si kuya?! Wilbert, si kuya?! Asan si kuya? Baka nahulog din." paga-alala ko. Lumapit saken si Wilbert at niyakap ako nitong mahigpit.
"Wilbert! Tinatanong ko kung nasaan si kuya?! Tignan mo baka nahulog din sya. Hanapin naten sya Wilbert. Natatakot ako baka kung napano na sya." paulit ulit ko kay Wilbert. Naramdaman ko na lamang ang panginginig ng katawan ni Wilbert kasabay ang isang mahinang paghikbi.
"Wag kang matakot, nandito ako. Hinding hindi kita iiwan. Kung sinuman 'yung hinahanap mo, hindi sya totoo. Ako ang totoo at ipinapangako ko sayong hinding hindi ka na nila kaya pang saktan. Hindi ako papayag." sabi ni Wilbert
"Anong ibig mong sabihing hindi totoo? Hindi kita maintindihan!" tanong ko sa kanya. Hindi na sya sumagot at niyakap na lamang nya ako ng mas mahigpit pa.
Hindi na namen namalayan na napapalayo na kami ng husto. Kaya nang mapansin ni Wilbert na bumibilis na ang agos ay agad syang kumalas sa pagkakayakap.
"Sandali lang ah. Lumalayo na tayo eh, kailangan ko nang magsagwan tiisin mo lang muna ang lamig. Uuwi na tayo." sabi nya sabay hagilap ng sagwan at nag-umpisa na syang magsagwan pabalik ng aplaya.
Ilang minuto din syang nagsasagwan hanggang sa makabalik na nga kami dito sa tabing dagat. Nang maaninag nya na ang mababaw na parte ay agad syang lumusong upang hatakin na ang bangka pasampa sa buhanginan. Naisampa nya na sa buhanginan ang bangka tsaka ako bumaba. Hinatak nya ang bangka hanggang sa pinakamalapit na puno ng niyog at itinali ito doon. Muli syang bumalik doon sa bahay ng mga matanda upang sabihin na isosoli nya na ang bangka. Habang nandun sya ay nakita ko ulit si kuya. Nasa likuran ng puno ng niyog at tila ba hinihintay ako nito.
"Kuya?" agad ko syang nilapitan para ito ay yakapin. Yumakap din ito ng mahigpit saken.
"Kuya akala ko nalunod ka na. Buti na lang nandito ka lang pala. Kuya? May sinabi si Wilbert kanina tungkol sayo? Pero hindi ko sya maintindihan. Hindi ka raw totoo?" sumbong ko kay kuya. Ngumiti lang ito at muling yumakap saken.
"Wag kang maniwala sa kanya. Totoo ako basta naniniwala kang totoo ako. Mananatili lang ako sayo hanggang sa matanggap mo na ang katotohanan. Kagaya nga ng ipinangako ko sayo, hinding hindi kita iiwan." sabi nya saken.
"Ano bang totoo kuya? Sabihin mo na! Naguguluhan na ako!" sabi ko na medyo pasigaw na.
"Kailangang ikaw mismo ang makatuklas ng katotohanan. Walang makakatulong sayo pagdating sa bagay na yan kundi ikaw lang. Sumabay ka na kay Wilbert. Wag kang mag-alala hindi sya masamang tao kahit sinabi nyang hindi ako totoo." ngumiti muli si kuya tsaka sya tumalikod saken.
Nabawasan ang lamig na nararamdaman ko nang ilagay saken ni Wilbert ang hinubad nyang t-shirt. Umakbay sya saken at dahan dahan akong ginabayan sa aming lalakaran pauwi. Sinamantala ko ang pagkakataon para makahingi ng tawad sa nagawa ko sa kanya.
"Ahm, Wilbert. Pasensya ka na sa nangyari kanina ah. Hindi ko sinasadya." sabi ko.
"Alam ko, hindi mo kailangang humingi ng tawad saken. Kahit ano pang magawa mo saken, makakaasa ka na hindi ko magagawang magalit sayo kahit kaunti. Kilala kita at alam ko kung ano ka. Sa kabila ng mga mali sayo ay tatanggapin pa rin kita ng buong buo. Mahal kita at hindi kita iiwan." sabi nya na bigla ko namang ikinalungkot.
"Pero baka kasi, hindi ko masuklian yang pagmamahal mo." sabi ko.
"Hindi mo kailangang suklian ang pag-ibig ko para sayo. Handa ako, hindi man ako ang itibok ng puso mo kapag binuksan mo na ulit yan. Maghihintay ako sa wala, basta para sayo. Wag kang mag-alala, hindi ako masasaktan. Hindi ako magagalit. Makita ko lang yang mga ngiti mo, makakaya kong tiisin ang kahit na ano." sabi nya na para bang bigla akong nanghina nang marinig ko ang mga iyon.
Ilang sandali pa ay nakalabas na kami ng kakahuyan. May araw pa rin pero unti unti nang namumula ang langit indikasyon na papalubog na ang araw. Napadaan muli kami sa abandonadong bahay kung saan ko nakita yung lalake kanina. Wala na yung tao kaya naman agad kong ibinaling sa iba ang aking paningin dahil ayoko munang isipin ang tungkol sa mga demonyo. Nang makarating na kami ng bahay ay agad nakong nagpaalam sa kay Wilbert.
"Maraming salamat. Ingat ka sa pag-uwi." sabi ko.
"Pwede ba akong bumalik mamaya? Gusto ko lang sanang tumambay kasama ka. Medyo nasira kasi yung plano ko kanina eh." sabi nya sabay napakamot sya sa ulo.
"Pasensya ka na. Dahil saken nasira yung pamamangka naten. Sige balik ka lang hihintayin kita. Maliligo lang ako, medyo nangangati na din ako eh." sabi ko tsaka ko sya nginitian at pumasok na ako sa loob ng bahay. Tinawag ulit ako nito at agad naman akong napalingon.
"Ahm kasi ano..." utal nito.
"Ano yun sabihin mo na, gusto ko nang maligo." sabi ko
"Ahm yung damit ko kasi, baka pwede ko nang makuha. Nilalamig na rin kasi ako eh." napangiti ako dahil hindi ko na nga naisip na isoli yung damit nya. Iniabot ko sa kanya yung damit nya tsaka ako tuluyang pumasok sa loob.
"Oh basang basa ka ah." sabi ni mama nang makita nya ako pagkapasok ko ng bahay. "Anong nangyare?" dugtong nya pa.
"Ah nalaglag lang ako sa bangka ma." sabi ko.
"Naku, sa susunod nga mag-ingat ka. Sige na at maligo ka na." sabi ni mama.
"Ma, pwede ba akong magtanong?" sabi ko.
"Ano yun anak?" tanong nya.
"Pwede mo bang ikwento saken kung anong nangyare bago ako mawala dito. Kasi ma, may nangyayari kasi saking hindi ko maintindihan eh. Baka naman pwede mong ipaliwanag saken." sabi ko. Bigla na lamang napako saken ang tingin ni mama at tila ba wala itong maisagot sa tanong ko.
"Di bale na lang ma, mukhang wala ka namang balak sabihin saken eh." sabi ko na lang. Tama si kuya, wala ngang makakatulong saken sa pagtuklas ng katotohanan kundi ako lang. Hindi nila maitatago saken ang katotohanan sa loob ng mahabang panahon. Hahanap ako ng sagot sa mga katanungan ko. Ako mismo ang aalam nito.
Tumalikod na ako kay mama para umakyat sa kwarto. Tinawag nya ako at medyo kinabahan ako dahil ang buong akala ko ay handa na syang ilahad saken ang lahat. Pero...
"Anak, pasensya ka na. Mas maganda kung hindi mo na maaalala yung mga nangyare. Ayokong masakatn ka ulit." sabi ni mama.
"Hindi nyo ba alam kung anong hirap ang pinagdaraanan ko araw araw dahil sa pagtatago nyo saken ng katotohanan? Hindi nga nasasaktan ang damdamin ko pero unti unti akong pinapatay ng mga bangungot ko. Para akong pinarurusahan sa kasalang hindi ko naman maalala kung ano. Ma, pakiusap naman, sabihin nyo na saken." sabi ko.
"Pero anak. Hindi ko pa kaya, bigyan mo ako ng panahon. Ipagtatapat ko rin sayo ang lahat, maghintay ka lang. Mahirap din kasi 'yun para saken anak." sabi ni mama kasabay ng pagtulo ng kaniyang luha.
"Maghihintay ako ma. Bibigyan kita ng panahon, pero sana wag naman ganung katagal. Nakakapagod kasi ang ganito. Parang lahat ng tao sa paligid ko may nalalaman saken, pero ako mismong nagmamay-ari ng pagkatao ko wala man lang ni katiting na ideya sa nakaraan ko." sabi ko na medyo naiiyak na rin.
"Wag ka mag-alala anak. Mag-iipon lang ako ng lakas ng loob. Sana sa oras na pwede ko nang masabi sayo ang lahat ay handa ka nang tanggapin kung anuman ang malalaman mo. Iniingatan lang kita anak." sabi ni mama. At tuluyan na nga akong umakyat sa itaas para kumuha ng gamit sa paliligo. Maghihintay ako at maghahanda sa kung anuman ang dapat kong malaman. Pero isa lang ang napatunayan ko sa araw na ito na naging ugat para halukayin ko pa ang katotohanang ibinabaon nila sa limot. Hindi ako normal, ito ang unang katotohanang nagpakita saken.

No comments:
Post a Comment