By: Lord Iris
Nasaktan ba kayo sa last chapter? Patikim lang po yun hahahah. There are 3 more chapters left. Let me offer this one for you to feel the road of shattered glass hearts hahahah lalim diba? I just wanted to share this agony. The pain that I'm bearing inside. Thanks for all the supports.
...........4 years later..........
Raypaul POV
Kring..... Kring.... Kring......
Anu bayan! Ang ingay naman ng alarm clock ko!!!
Naalimpungatan ako kaya bumangon ako at pinatay ko na ang maingay kong alarm clock...
7:00 na pala ng umaga at linggo ngayon kaya wala akong pasok...
Fourth year college na ako ng kursong accountancy at nakaka-stress talaga sa school...
Nakatira ako sa isang apartment malapit sa school ko para na rin hindi ako mahirapang umuwi dahil nakakapagod talaga ang college...
Nag-hire ang mom ko ng magiging personal assistant ko para merong tumulong sa akin sa mga sobrang nakaka-stress na mga works sa school at balita ko ngayon siya dadating...
Napatingin ako sa salamin at naramdaman ko na naman na parang may kulang sa buhay ko... Para bang may bagay na lagi kong hinahanap pero hindi ko maramdaman kung ano yung nawawala sa akin...
Sabi ng mom and dad ko ay naaksidente daw ako 4 years ago...
Bigla na lang may kumatok sa pintuan ng apartment ko kaya lumapit ako para buksan ang pinto...
Pagbukas ko ng pinto ay...
"Good Morning po Sir Raypaul...". Nakangiting bati niya sa akin.
Namangha ako sa hitsura niya at parang bumilis ang tibok ng puso ko. Ngayon lang ako nakakita ng ganito ka-perpektong mukha. Tan yung skin niya, light brown ang color ng mga eyes niya and his hair falls into his long eyelashes...
He look like an angel.....
"Totoo pala ang mga anghel...". Mahina pero namamangha kong sabi.
"Ano po yun?". Tanong niya sa akin.
"Uuhhmm... wala! Sino ka ba?". Nagtataka kong tanong sa kanya.
Ngumiti siya sa akin kaya parang bumilis ang tibok ng puso ko pero hindi ko maiintindihan kung bakit...
"Ako po ang magiging PA niyo...". Nakangiti niyang sabi sa akin.
"So... my mom hire you?".
Tumango lang siya sa tanong ko at inabot niya ang kamay niya sa akin na parang makikipag-shake hands...
"I'm Kith Castillo your new PA...". Nakangiti niyang sabi sa akin.
Inabot ko ang kamay niya at nakipag-shake hands pero nung nahawakan ko ang malambot niyang kamay ay para bang na-ground ako kaya kumalas ako kaagad at nag-init bigla ang mukha ko...
"Come inside my apartment...". Pag-aaya ko sa kanya kaya pumasok na kaming dalawa sa loob.
Nagmasid-masid lang ang PA ko sa loob ng apartment ko at nagsalita na lang siya bigla...
"Sir Raypaul... magulo po dito sa loob ng apartment niyo kaya maglilinis po muna ako". Nakangiti niyang sabi.
"Huh? PA kita at hindi kita maid". Natatawa kong sagot sa kanya.
"Pero gusto ko naman po ang gagawin ko at kayo po ang nagmamay-ari sa akin ngayon". Nakangiti niyang sabi.
"Huh? Nakakahiya naman...". Nahihiya kong sagot sa kanya.
Paano ba naman... makalat kasi ako sa gamit kaya nakakahiya sa kanya at naglilinis lang ako pag may bisita o pag pupunta ang girlfriend ko...
Kinuha ni Kith ang walis at nagsimula na siyang maglinis pero hindi siya umiimik tapos parang seryoso siya sa ginagawa niya kaya nahihiya na ako...
"Uuhhmm... Kith right? tell me something about yourself". Seryoso kong sabi sa kanya kasi gusto ko siyang makilala.
Dapat lang naman kasi talaga na kilalanin ko ang PA ko at malay ko ba kung anong klase siyang tao...
"Hindi naman po interesting ang life ko... Wala na po akong family at first year college pa lang po ako". Sagot niya habang nililigpit ang nakakalat kong bag.
"Paano ka na-hire ng mom ko?". Tanong ko ulit sa kanya.
Huminto siya sa ginagawa niya at ngumiti na naman siya sa akin kaya parang hindi ako komportable dahil sa nararamdaman ko...
"Long story po eh... pero masipag po ako at gagawin ko po lahat ng gusto niyo". Nakangiti niyang sagot.
Pumunta siya sa kwarto at parang natigilan siya bigla. Parang meron siyang naalala pero ewan ko...
"What's wrong Kith?". Tanong ko.
"Nothing Sir... May naalala lang po ako sa kama niyo". Sagot niya.
"Huh? Anong naalala mo? Anong meron sa kama ko?". Naguguluhan kong tanong sa kanya.
"Wala po... wag niyo na lang pong isipin yung sinabi ko". Seryoso niyang sagot sa akin at niligpit na niya yung kama ko.
Umupo na lang ako sa sofa at nagbuklat ng libro pero wala talagang pumapasok sa isip ko kaya naiinis ako kasi malapit na ang exam...
Yung PA ko ay naglilinis lang ng apartment ko kaya hindi pa niya ako matulungan sa mga letseng reviewer na ito pero inaamin ko kasi baka mamaya maging PA siya slash maid slash tutor... teka! Bakit naman ako mahihiya eh pinapa-sweldo naman siya ng mom ko...
"Sir! Tapos na po akong maglinis". Sabi ni Kith sa likod ko kaya nagulat ako bigla.
"Anu bayan! Wag mo akong gulatin!". Naiirita kong sabi sa kanya.
"Sorry po Sir... di ko po sadya". Sincere niyang sagot sa akin.
Tumabi sa akin si Kith sa sofa at tiningnan niya ang librong hawak ko tapos ngumiti siya... binuklat niya din ang mga notebook ko...
"Arithmetic straight line pala ang nirereview niyo Sir... siguro malapit na kayong gumawa ng feasibility". Sabi niya akin.
"Huh? Ano yun?". Tanong ko.
"Yun po ang requirements sa college kapag related po sa buisness or managing yung course niyo". Nakangiti niyang sagot sa akin.
"Paano mo naman nalaman?". Tanong ko sa kanya.
"Dapat po kasi fourth year college na din ako ngayon". Nalulungkot niyang sagot sa akin.
"Bakit? Anong nangyari?". Tanong ko ulit sa kanya.
"Wala po... mahabang kwento". Seryoso niyang sagot sa akin.
"Nahihirapan talaga akong mag-aral". Na-iinis kong sabi sa kanya.
"Edi tutulungan po kita... pwede po tayong mag-review at tuturuan po kita sa asignments niyo". Nakangiti niyang sabi sa akin.
"Talaga? Thank you kung ganun...". Sagot ko sa kanya at napangiti na lang din ako ng wala sa oras.
"Sabi ko naman po sa inyo gagawin ko po lahat ng iuutos niyo eh". Nakangiti na naman niyang sabi sa akin.
At tinulungan na nga niya akong mag-aral at hindi ko inaasahang matalino pala siya kaya mas naiintindihan ko pa ang tinuturo niya kesa sa prof namin sa school...
Bigla na lang napatitig si Kith sa suot suot ko na kulay pulang relo at ngumiti siya...
"Sir sino po ang nagbigay ng relo niyo?". Natutuwa niyang tanong.
Napaisip tuloy ako...
Sino nga ba ang nagbigay sa akin ng relong ito?
Teka... hindi ko maalala kung binigay ba ito sa akin o binili ko pero gusto ko talaga ang wrist watch na ito kaya pag maliligo ko lang siya hinuhubad kahit na waterproof kasi iniingatan ko...
"Hindi ko alam kung binigay ba ito sa akin pero iniingatan ko ito kasi parang importante to sa akin tapos maganda pa at mamahalin". Sagot ko sa kanya habang tinititigan ko ang wrist watch ko.
"Talaga po? Importante po iyan sa inyo?". Nakangiti pero parang naiiyak na tanong niya sa akin.
"Oo... ang alam ko may sentimental value ito sa akin". Sagot ko sa kanya.
Tumalikod bigla si Kith at parang naluha siya sa sinabi ko pero hindi ko alam kung bakit kaya nagtataka ako sa kanya...
"Why? Are you crying?". Nag-aalala kong tanong sa kanya.
Humarap siya sa akin at ngumiti siya pero parang pilit yun...
"Ok lang po ako... may naalala lang po ako Sir Raypaul". Nakangiti niyang sagot sa akin.
Ang weird ng actions niya pero parang matagal na niya akong kilala at mukhang mabait siya...
"Ay! 11:00 na po! Baka nagugutom na po kayo kaya magluluto na po ako". Sabi niya sa akin.
"Huh? Bahala ka...". Sagot ko sa kanya.
Pumunta siya sa kusina at nagsimula na siyang magluto. Naamoy ko na parang ambango kaya lumapit ako...
"Ano yang niluluto mo?". Tanong ko sa kanya.
"Yung favorite mong Bicol Express". Nakangiti niyang sagot sa akin.
"Huh? Hindi ko nga alam yun eh... kaldereta ang favorite ko yung luto ng girlfriend ko". Sagot ko sa kanya.
Parang nagbago ang timpla ng mukha niya at tumingin na lang siya doon sa niluluto niya...
"Malapit na po itong maluto, sana po masarapan kayo". Malamig na sagot niya sa akin at hindi siya ngumiti kaya parang may mali akong nagawa.
Umupo na ako sa table at pinagsisilbihan ako ng PA ko na parang syota ko siya kaya natutuwa ako pero parang antahimik niya kasi di na siya nagsasalita...
Tinikman ko ang luto niya at...
Grabe! Ang sarap! Ang anghang pero gusto ko at nakakagutom talaga...
"Ang sarap naman nito! Magaling ka palang magluto". Nakangiti kong sabi sa kanya at ngumiti na rin siya.
"Bakit? Hindi po ba familiar sa inyo yung lasa?". Tanong niya sa akin.
Napaisip ulit ako...
Parang natikman ko na ito dati pero..
Saan?
Kailan?
"Joke lang po Sir Raypaul! Alam ko naman po na ngayon niyo lang natikman yan eh". Nakangiti niyang sabi sa akin.
Pero hindi! Para kasing nakakain na ako nito dati at hindi ko lang matandaan kung kelan yun...
Ay naku! Kung ano-ano na naman ang iniisip ko...
"Wag mo na ako tawaging Sir... let's be friends na lang". Sabi ko sa kanya.
"Sige po... pwede po ba kitang tawaging Ray?".
Napahinto ako sa sinabi niya...
Hindi ko alam kung bakit pero parang naramdaman ko na lang na meron na naman akong hinahanap at hindi ko alam kung ano yun...
Ray?
Siya lang ang tatawag sa akin ng ganun...
"Sige... bahala ka". Alanganin kong sagot sa kanya.
Bakit parang kilalang-kilala na niya talaga ako? Pero sa pagkaka-alam ko ay ngayon lang kami nagkakilala...
Hindi kaya may kinalaman siya sa nakaraan ko?
Pero konti lang naman ang mga bagay na hindi ko maalala kaya siguro hindi na importante yun... sabi nga nila pagtuunan mo ng pansin yung present at hindi yung nakaraan...
Raypaul POV
Pagkatapos kumain at mag-review ay dumating din ang hapon at nagkaroon kami ng pag-uusap ng bago kong PA...
"Ray? Di ba may girlfriend ka?". Tanong sa akin ni Kith.
"Oo... paano mo naman nalaman?". Nagtataka kong tanong sa kanya.
"Sinabi sa akin ng mama mo... paano ka nagkagusto sa kanya?". Tanong ulit sa akin ni Kith.
"Kasi lagi siyang nandiyan para sa akin at maganda siya". Nakangiti kong sagot kay Kith.
"Mahal mo ba talaga siya?". Seryosong tanong niya ulit sa akin.
"Oo naman! Ano bang klaseng tanong yan ha?". Sabi ko sa kanya.
Napansin ko na yumuko siya at parang nagbago ang timpla ng mukha niya kasi di bagay sa kanya ang seryosong mukha pero kapag ngumiti naman siya eh parang may nararamdaman akong kakaiba...
"Ikaw? May girlfriend ka ba?". Seryoso kong tanong kay Kith.
Ngumiti na naman siya at tumitig sa akin. Matagal bago siya nagsalita at...
"Wala po... pero meron na pong nagmamay-ari sa akin". Nakangiti niyang sagot sa akin.
Di ko maintindihan... single siya pero devoted na yung puso niya? Ano yun? Parang ang gulo ng sitwasyon niya...
"Paano nangyari yun? Parang ang complicated naman...". Nagtataka kong tanong sa kanya.
"Magulo pero... meron akong lalaking mahal kaso may nangyaring...". Sabi niya at di niya matapos yung sasabihin niya.
Ano daw? Lalakeng mahal?
But he doesn't look like one...
"Lalake? Are you gay?". Nagtataka kong tanong kay Kith.
"Siya lang ang taong mahal ko at hindi rin ako nagkakagusto sa ibang lalake". Seryoso niyang sagot.
"You don't look like a gay or bi...". Naguguluhan kong sabi kay Kith.
Ngumiti siya ulit sa akin at parang naiilang na ako dahil parang may something sa akin tuwing ngumingiti si Kith...
"He is the only one that I love...". Nakangiti niyang sagot sa akin.
"Pero... mahal ka ba niya?". Tanong ko ulit sa kanya.
"Dati... pero ngayon, di ko na alam". Nalulungkot niyang sagot sa akin.
"Paano ka naman nag-kagusto sa lalake eh lalaking-lalake kang tingnan?". Nagtataka kong tanong.
"Di ko po alam...". Malungkot niyang sabi sa akin.
Parang komportable ako sa kanya kahit nagkakagusto siya sa lalake and besides, sabi naman niya isang tao lang daw ang mahal niya...
"Saan ka nakatira?". Tanong ko ulit.
"Secret po... pero kung kailangan niyo po ako ay dito na lang din po ako titira sa apartment niyo". Natatawang sagot niya sa akin.
Hindi ko alam kung bakit pero parang gusto ko rin na dito na lang siya, siguro gusto ko lang ng kasama...
Napangiti na lang ako sa kanya kasi ang cute niyang tingnan kapag natatawa siya...
"Alam mo ba... ang cute mo kapag ngumingiti ka".
Di ko alam kung bakit yun ang nasabi ko sa kanya pero totoo naman talaga...
Ngumiti siya sa akin at parang namula siya ng konti pero di naman masyadong halata at di na maalis sa kanya ang ngiti niya kaya nagtataka na naman ako...
"Bakit ngingiti-ngiti ka diyan ha?". Natatawa kong tanong sa kanya.
"Wala... masaya lang ako". Nakangiti niyang sagot sa tanong ko.
At bigla na lang may pumasok sa isip ko na kanina ko pa nakalimutan...
"Ay! Nyemas! Di pa pala ako naliligo!".
Nahihiya kong sigaw.
"Mabango naman po kayo eh...". Nakangiti niyang sabi sa akin.
"Wag mo akong bolahin... arrgghh". Naiinis kong sabi.
Mabilis akong pumunta sa banyo para mag-shower...
Grabe! Kanina ko pa siya kausap pero di pa pala ako naliligo... nakakahiya! Teka, bakit ako nahihiya eh sa iba kong kaibigan ok lang naman kung di ako maligo?
Hay naku! Kung ano-ano na ang naiisip ko... siguro dapat kong i-relax ang utak ko...
Binuksan ko na ang shower at nagsimula na akong maligo...
Kith POV
Hindi na ako kilala ni Ray...
Ang sakit...
Pero masaya ako dahil kahit papaano ay nakakalapit na ako sa kanya...
Matagal din niya akong hindi nakasama...
Pero ayos lang dahil maayos ang lagay ni Ray kaso lahat ng pinag-samahan namin ay nawala na lang sa kanya na parang bula...
Gusto ko na ipa-alala sa kanya ang lahat-lahat pero hindi pwede...
Kasi kapag ginawa ko yun ay hindi ko na siya makikita kahit kelan...
Napansin kong hindi na niya suot yung couple ring namin at may nakasulat doong Ray love Kith sa loob pero wala na yun sa kanya at yung sa akin ay hindi ko hinuhubad...
Mahal na mahal ko talaga si Ray at isusuko ko ang sarili ko para sa kanya...
Araw-araw nagdadasal ako na sana maalala niya ako kahit konti o ma-inlove siya ulit sa akin kahit na nakalimutan niya ang nakaraan naming dalawa...
Hanggang ngayon ay sariwa pa rin sa isipan ko ang madugong aksidente na nangyari sa amin nung nakaraang apat na taon...
Hindi masyadong malala yung nangyari kay Ray pero ako...
Dahil sa aksidenteng yun ay nawala ako sa tabi ni Ray. Sa loob ng apat na taon ay impyerno ang naging buhay ko sa loob ng ospital...
Pakiramdam ko ay ninakaw sa akin ang kalaayang mabuhay sa loob ng apat na taon...
Namalayan ko na lang ang pagtulo ng mga luha ko...
Sobrang sakit ng nakaraan...
Napatingin ako sa mga picture frame dito sa apartment ni Ray...
Wala na ang mga pictures naming dalawa...
May sarili na siyang buhay at may girlfriend siya...
Paano na ako?
Sino ng magpapasaya sa akin ngayon?
Ang hirap ngumiti sa harapan ni Ray at ipakitang masaya ako dahil nasasaktan talaga ako lalo na sa tuwing binabanggit niya ang girlfriend niya...
"Hi! Tapos na akong maligo!".
Halos tumalon ako sa sobrang gulat.
Lumingon ako at nakita ko si Ray...
Nakatapis lang siya...
Yung six pack abs niya...
Raypaul POV
Napatakip ng mata si Kith ng makita niyang nakatapis ako galing sa banyo
at parang nahihiya siya...
Ang weird...
Pero napangiti ako kasi nakikita kong namumula siya... Ano kayang meron eh pareho naman kaming lalake?
"Oh? Bakit nakatakip yung mga mata mo diyan?". Natatawa kong tanong kay Kith.
"Doon po muna ako...". Sabi ni Kith at nakatakip pa din ang mga mata niya.
Lumakad si Kith ng nakapikit at dahan-dahan lang siya pero nasagi niya yung lamesa kaya...
Nawalan siya ng balanse at...
Buti na lang nasalo ko siya at nakayakap ako sa kanya...
Unti-unting dumilat ang mga mata niya at nagkatitigan kaming dalawa...
Para bang bumilis ang tibok ng puso ko habang nakatitig ako sa mala-anghel niyang mukha...
Napakaganda ng brown eyes niya...
Namumula na siya pero hindi ko alam kung bakit at parang namumula na din ang mukha ko habang magkatitig kaming dalawa...
"Hoy! Anong ginagawa niyo?".
Nagulat kami pareho ni Kith at napatingin kami sa likuran naming dalawa...
Kumalas ako sa pagkakayakap ko kay Kith at...
"Oh honey! Bakit di ka nagsabing pupunta ka pala dito?". Tanong ko sa kanya.
Lumapit siya sa akin at hinalikan niya ako ng mariin sa labi kaya nagulat ako sa ginawa niya...
"Alexa! Biglaan naman, may ibang tao dito oh". Sabi ko at tumingin ako kay Kith.
Nanlaki ang mga mata ni Kith at parang maluha-luha siya kaya parang nagtataka na ako...
"I don't care! He is just your PA. Magbihis ka nga muna!". Naiinis na sabi ni Alexa sa akin.
"Opo! Wait lang...". Natatawa kong sabi at nagpunta na ako sa kwarto.
Kith POV
Magkaharap na naman kami ngayon ni Alexa at mukhang galit siya...
"Totoo pala... ikaw na ang PA niya". Mataray niyang sabi sa akin.
"Oo! Bakit natatakot ka ba?". Seryoso kong sagot sa kanya.
Biglang tumawa ng malakas si Alexa na parang nang-aasar at...
"Natatakot? What the fuck did you just say? Bakit naman ako matatakot? Ngayon pa na... hindi ka na niya maalala". Tumatawa niyang sabi sa akin.
"Akala ko pa naman pinagsisihan mo lahat ng ginawa mo". Naiinis kong sabi sa kanya.
"Oo totoo yun... pinagsisihan ko na nga yun pero iba na ngayon, mahal na ulit ako ni Ray at akin lang siya!!!". Galit niyang sabi sa akin.
"Balang araw may sisingil din sa mga kasalanan mo". Kalmado kong sabi.
"Bakit? Ipapabugbog mo ako? Ipapapatay mo ba ako? Oh come on! Si Raypaul mismo ang papatay sayo kapag binalak mo yan". Natatawa niyang sagot sa akin.
"Wala akong balak gumanti sayo... pero magdasal ka lang na hindi na maalala ni Ray ang lahat". Nakangiti kong sabi sa kanya.
Parang nagbago ang timpla ng mukha ni Alexa at natahimik siya...
"Kita mo na... kahit anong gawin mo kapag naalala ni Ray ang lahat ay hindi mo maitatangging bitch ka!". Sabi ko habang naka-cross arms.
"Shut up!!!". Sigaw niya.
"Worthless!". Sigaw ko.
"Stop! Your such a...". Di ko na siya pinatapos at humirit ako.
"Higad!". Nakangiti kong sabi.
"Kapag di ka pa tumigil...". Di ko ulit siya pinatapos at...
"Anong gagawin mo? Kapag di mo pa tinigil yan at kapag naalala na ni Ray ang lahat ay makikita na lang sa dyaryo ang katawan mong lumulutang sa ilog". Seryoso kong sabi sa kanya.
Bakas sa mukha niya ang takot...
At nagulat ako dahil bigla na lang niya akong sinampal...
Raypaul POV
Nagsuot ako ng red na polo shirt at brown na shorts dahil hindi naman ako aalis kaya yun na lang ang napili kong suotin...
Binilisan kong magbihis at pumunta na agad ako kila Alexa at Kith...
Pero nung makita ko silang dalawa ay nagulat ako sa nakita ko...
Sinampal ni Alexa si Kith...
"Alexa! Anong ginawa mo?". Sigaw ko sa kanya.
Tumingin siya sa akin at bakas sa mukha niya ang galit...
Napasulyap naman ako kay Kith at nakita ko na may tumulong luha sa mga mata niya at namumula ang kanang pisngi niya dahil sa sampal ni Alexa sa kanya...
"Kanina! Bakit magkayakap kayo ng PA mo ha?". Galit na sabi ni Alexa.
"Uy... aksidente yun". Sagot ko sa kanya.
"Bakla ka na rin ba Raypaul?". Galit niyang tanong sa akin.
"No I'm not! Ano ba Alexa! Hindi ako nagkakagusto sa lalake". Malakas kong sagot sa kanya.
Nakita ko na parang napangiti si Alexa sa sinabi ko at...
"Ray... uuwi na ako at babalik na lang ako bukas kasi pagabi na". Seryosong sabi ni Kith at parang naluluha siya.
"Sige... bye... ingat ka!". Alanganin kong sabi kay Kith.
Umalis na si Kith at kaming dalawa na lang ni Alexa ang naiwan ngayon dito sa apartment...
"Alexa... wala kaming ginagawa ni Kith kaya kumalma ka". Mahinahon kong sabi sa kanya.
"Naninigurado lang ako! At alam mo namang mahal na mahal kita". Seryosong sabi ni Alexa.
"Pero mali na sinampal mo si Kith...". Nag-aalala kong sabi.
"I don't care! Bakit ka naman nag-aalala sa lalaking yun?". Galit niyang bulalas sa akin.
"Ok honey... calm down hindi na kita pipilitin kung ayaw mo". Mahinahon kong sabi kay Alexa.
Lumapit siya sa akin at hinalikan na naman niya ako ng mariin sa labi...
Hinubad niya ang damit ko at nagsimula ng may mangyari sa aming dalawa...
Naalimpungatan ako kaya napamulat ang mga mata ko at napatingin na lang ako sa red na wrist watch ko...
6:00 na pala ng umaga at katabi ko sa kama si Alexa. Naka-kumot lang siya dahil may nangyari sa amin kagabi...
Napatitig ako sa kanya...
Why do I always feel this way?
Mahal ko si Alexa pero tuwing pagkatapos naming gawin ang bagay na ito ay parang may guilt akong nararamdaman...
Bakit parang mali?
Mahal ko siya at ilang beses ng may nangyari sa amin pero parang hindi yun tama at parang may kirot sa puso ko. Yung para bang nararamdaman mong hindi dapat yung ginawa niyo...
Hindi ko alam kung bakit pero parang may lagi akong hinahanap...
Parang laging may kulang sa akin at parang hindi ko alam kung paano ko mahahanap ang kakulangan na gusto kong maramdaman...
Hindi tuloy maalis sa isipan ko yung nangyari sa akin 4 years ago...
......Flashback 4 years ago.......
Naramdaman ko ang paghawak ng mainit na kamay sa pisngi ko at minulat ko ang mga mata ko...
Nakita ko si mom na umiiyak at ng tumingin ako sa paligid ay nakita ko na nasa loob ako ng isang ospital. Medyo malabo pa ang paningin ko...
Si dad naman ay nakikipag-usap sa doctor sa may pintuan...
Bakit ako nandito?
"Anak? Kamusta ka na?". Umiiyak na tanong ni mom sa akin.
"Medyo sumasakit po ang ulo ko...". Mahina kong sabi.
"Niligtas ka niya anak at critical ang lagay niya ngayon". Sabi ni mom at mas lalong lumakas ang pag-iyak niya sa harapan ko.
Sino ang nagligtas sa akin?
Wala akong maalala sa nangyari sa akin at hindi ko alam kung bakit nasa loob ako ng ospital na ito...
"Sino po ang sinasabi niyo?". Naguguluhan kong tanong kay mom.
"Anak... mahal ka talaga niya at kaya niyang isuko ang buhay niya para sa kaligtasan mo kahit niloko mo siya". Humahagulgol niyang sabi.
"Sino po? Ano po ba ang nangyari sa akin kanina?". Naguguluhan kong tanong sa kanya.
"Wala ka bang maalala?". Umiiyak na tanong ni mom sa akin.
Umiling lang ako dahil hindi ko talaga alam kung anong dahilan kung bakit ako nasa loob ng ospital...
"Nasaan po sila James at Alexa?". Tanong ko kay mom.
Nanlaki bigla ang mga mata ni mom nung sabihin ko iyon at natahimik na lang siya bigla...
"Nasa kabilang room sila James kasi nandun si...". Hindi pa tapos magsalita si mom at...
"Anak! Kakausapin ka daw ng doctor". Singit ni dad sa usapan namin.
Lumapit sa akin ang doctor at sinuri niya ang vital signs ko pati na rin ang katawan ko...
"Ok na po ang pasyente... na-damage lang po ang ulo niya pero yung body niya ay stable naman". Sabi ng doctor.
"Pero doc! Nahihilo po ako". Sabi ko sa kanya.
"It is normal in that kind of accident". Mabilis na sagot ng doctor.
"Doc? Bakit po may mga nakakalimutan ng ala-ala ang anak ko?". Umiiyak na tanong ni mom.
"His brain is still in shock because of the accident kaya magpapatuloy pa ang test namin hanggang sa malaman namin ang findings niya". Seryosong sabi ng doctor.
Umalis na ang doctor at kaming tatlo na lang nila mom at dad ang nandito ngayon sa loob...
"Mom nasaan po si Alexa?".
"Bakit?". Seryosong tanong ni mom.
"Girlfriend ko siya... dapat lang na malaman niya ang nangyari sa akin". Naiinis kong sagot.
"Si..ge ta..tawagan ko siya...". Na-uutal na sabi ni mom.
"Wag! Pagkatapos ng ginawa niya sa anak natin ganun na lang!!!". Galit na sabi naman ni Dad.
"Nakalimot nga si Raypaul! Hindi mo ba kayang intindihin yun?". Galit na sabi ni mom kay dad.
Natahimik na lang si dad at nagpahinga muna ako saglit at pumasok naman si James sa kwarto ko at naiiyak siya...
"Raypaul! Kamusta ka na?". Nag-aalala niyang tanong.
"Ok lang... medyo nahihilo lang". Sagot ko sa kanya.
"Hindi ka ba nag-aalala sa kanya?". Tanong ni James.
Lalo akong naguluhan...
Sino yung sinasabi niya?
"Bakit?". Yun na lang ang natanong ko sa kanya.
Tumulo ang luha ni James kaya naguluhan ako lalo sa mga kilos niya ngayon sa harapan ko...
"Maswerte ka dahil yan lang ang nangyari sayo pero siya...". Di pa tapos magsalita ay sumingit na si mom.
"Nakakalimot si Raypaul... konti lang ang mga naalala niya". Malungkot na sabi ni mom.
"Po? Pero ano po ang naalala ni Raypaul ngayon?". Naguguluhang tanong ni James.
"Diba mag-eenroll tayo para sa senior highschool?". Tanong ko sa kanya.
Nanlaki ang mga mata ni James sa sinabi ko at parang nag-iba ang timpla ng mukha niya...
May kumatok sa pinto at pagbukas nito ay nakita ko si Alexa at naiiyak siya ng lumapit sa akin...
"Ray... I'm sorry... kung hindi dahil sakin hindi sana nangyari ito". Umiiyak na sabi ni Alexa.
"Huh? Wala ka namang ginawa... dito ka lang sa tabi ko ah". Sabi ko sa kanya at hinawakan ko ang kamay niya kahit nakahiga ako.
"Malaking problema to...". Sabi ni James at lumabas na siya ng kwarto.
Bumukas uli ang pinto at pumasok na naman ang doctor...
"Ito na po ang result ng pasyente base sa CT scan... nagkaroon po ng damge sa cerebral anoxia ng pasyente and as a result meron siyang selective amnesia kaya nakakalimot siya". Sabi ng doctor.
"Po? Ano pong ibig niyong sabihin eh naalala naman po niya kami". Nagtatakang tanong ni Alexa.
"Iba ang selective amnesia... mayroong gap sa memory niya kaya may some events siya na di maalala". Sabi uli ng doctor.
"Pero paano po iyon magagamot?". Nag-aalalang tanong ni mom.
"Sa ngayon wala pang specific na research tungkol diyan pero madali pong makaranas ng familliarity ang pasyente kapag nangyari na ang isang event lalo ng kung importante". Sagot ng doctor kay mom.
Umiyak si mom at si Alexa pero nakangiti siya sa akin habang magkahawak kami ng kamay...
"Raypaul? Do you love me?". Alanganing tanong ni Alexa sa akin.
"Yes I do!". Mabilis kong sagot.
Umiyak si Alexa pero sabi niya ay natutuwa lang naman daw siya...
Inalagaan niya ako hanggang sa makalabas ako ng ospital at mas lalo siyang naging sweet sa akin...
Sabi nila mom college na daw dapat ako kaya nag-enroll na ako for college pero parang may hinahanap ako...
Parang may nagbago sa loob ko na hindi ko alam kung ano...
.......End of the flashback........
"Raypaul? May iniisip ka na naman ba ngayon". Tanong ni Alexa.
"Hhmm... medyo lang naman". Sagot ko sa kanya.
"Diba sabi ko wag ka ng mag-isip sa nakaraan kasi di na importante yun?". Naiinis na sabi ni Alexa.
"Oo na... hindi na nga uulitin". Natatawa kong sagot sa kanya.
Nagkatitigan kaming dalawa at napakaganda talaga ni Alexa at lagi siyang nandiyan simula pa nung una kaya napangiti na lang ako...
"Alexa... late na tayo sa school". Nakangiti kong sabi sa kanya.
"Hhmmpp!!! Wag ka ng pumasok at maglambingan na lang tayo". Sabi ni Alexa at ngumiti siya ng nakakaloko.
Napatitig na lang ako sa kanya...
Nilapit ni Alex ang mukha niya sa akin at hinalikan niya ako ng mabilis sa labi...
"Gusto mo ba ng round 2?". Seductive na tanong ni Alexa.
Natawa na lang ako ng malakas kasi napaka-addict sa sex ni Alexa...
"Tama na... bukas naman". Natatawa kong sagot sa kanya.
Sabay na kaming naligo at pagkatapos nun ay nagbihis na kaming dalawa...
"Alexa? Paano yung assignments nating dalawa?". Tanong ko.
"Diba may PA ka? Edi ipasagot mo sa kanya at ipasama mo na din yung akin dahil matalino naman yun". Nakasibangot niyang sagot.
"Huh? Paano mo nalaman na matalino siya?". Nagtataka kong tanong sa kanya.
Parang natahimik siya bigla sa tanong ko at matagal bago siya nagsalita ulit...
"Ewan ko sayo! Basta gawin mo na lang yun". Naiinis niyang sagot.
"Alam mo... mabait siya sa akin".
"Wala akong pake!". Galit niyang sigaw kaya parang nabingi ako.
Lumapit ako sa kanya at niyakap ko siya ng mahigpit kasi ganun ang ginagawa ko kapag nagsusungit siya...
"Alam mo parang matagal ko ng kilala yung si Kith". Seryoso kong sabi.
Nanlaki yung mga mata ni Alexa at parang kinakabahan siya... pansin ko din na napalunok na lang siya bigla...
"May mali ba sa sinabi ko?". Nagtataka kong tanong sa kanya.
"Hhmm... wala!". Sagot niya.
"Eh bakit parang kinakabahan ka?". Tanong ko ulit.
"Wala nga! Tumigil ka na lang sa kakatanong mo sakin". Galit niyang sabi.
Tumahimik na lang din ako at nag-isip ako ng mabuti...
Parang may tinatago si Alexa sa akin...
Ayoko ng may nililihim siya at aalamin ko kung ano man yun...
Tuwing mapapag-usapan namin yung PA ko ay nagagalit siya...
Siguro nagseselos lang siya pero kasi magaan ang loob ko kay Kith at parang kilalang-kilala niya ako kahit na kakakilala ko lang sa kanya...
Kith POV
Nandito ako sa loob ng condo ko nag-mumukmok, umiiyak at nag-aaral ako sa harap ng salamin kung paano ako ngi-ngiti sa harapan ni Ray...
Napaka-hirap ng sitwasyon ko ngayon at hindi ko alam kung hanggang kelan ko kakayanin ito...
Sobrang sakit na makalimutan ka na ng taong mahal mo pero mas masakit pa rin sa akin na may mahal na siyang iba ngayon at yun pa ang babaeng sumira ng relasyon naming dalawa...
Mamahalin niya pa ba ako?
Ano ng mangyayari sa akin kung sakaling wala na kaming pag-asa?
Ma-aalala pa ba niya kung gaano ko siya kamahal?
Lagi na lang akong umiiyak ng patago at ayokong makita ng mga kaibigan ko na umiiyak na naman ako lalo na si Kagura at Rogue pero sobra na talaga kaso ayokong sumuko dahil ayokong bitawan ang pagmamahal ko...
Siya lang ang pag-asa ko para sumaya ako ulit kaya lalaban ako hangga't kaya ko para wala akong pag-sisihan sa bandang huli...
Apat na taon akong nawalan ng ulirat dahil sa aksidente pero di ko pinag-sisisihan yun dahil kahit di na ako maalala ni Ray ay masaya akong makita na ligtas siya...
Sariwa pa din sa ala-ala ko ang nangyari sa aming dalawa kahit apat na taon na ang nakakalipas...
........Flashback........
Unti-unti kong minulat ang mga mata ko at nagmasid ako sa paligid... Nasa loob ako ng isang ospital at nakahiga ako sa kama...
May mga tubong nakakabit sa bibig ko at alam kong oxygen ang nilalabas nito kaya sinubukan kong tanggalin pero di ko maigalaw ang mga kamay ko at sobrang sakit ng mga ito...
Hindi ako maka-galaw... napatulo ang mga luha ko sa sobrang sakit ng katawan ko...
Biglang bumukas ang pintuan at nakita ko si Rogue...
Nanlaki ang mga mata niya at halos mangiyak-ngiyak siya ng lumapit siya sa akin...
"Kith... gising ka na". Umiiyak niyang sabi sa akin.
Hindi ako makapag-salita pero nakikita ko siya ng malinaw at naluluha na din ako...
"Kagura! Gising na si Kith!". Sigaw ni Rogue na sobrang lakas.
Biglang bumukas ang pintuan at nakita ko si Kagura na tumatakbo papunta sa akin...
Napatakip ang mga kamay niya sa bibig niya at nag-simula na siyang umiyak pero hindi ko alam kung ano ang dahilan...
"Kith... kamusta ka na?". Umiiyak na tanong sa akin ni Kagura.
Tinanggal ni Kagura ang mga apparatus sa bibig ko para marinig nila ang sasabihin ko...
Pinilit kong magsalita kahit mahirap...
"Na..sa.an si.. Ray?". Nauutal kong tanong kahit nahihirapan ako.
Tumahimik si Kagura at napayuko na lang siya habang umiiyak...
"Ok lang siya... kaya mag-pagaling ka". Seryosong sabi ni Rogue sa akin.
Napasulyap na lang ako sa may maliit na lamesa at nakita ko ang vase na puno ng mga puting rosas...
Napangiti ako ng makita ko iyon...
Lumipas ang isang linggo ko sa ospital at lagi lang naka-bantay sa akin si Rogue... hindi niya ako iniiwan at natutulog siya sa tabi ko. Sa ospital na din siya naliligo...
Si Kagura naman ay umaalis para maligo at magbihis...
Nagtataka ako kung bakit wala si Ray sa tabi ko ngayon at kung bakit di niya ako dinadalaw...
Umaga na pala at tulog pa din si Rogue... hindi ako makabangon sa higaan pero nagagawa ko ng umupo sa kama ko...
Dumilat ang mga mata ni Rogue at tumitig siya sa akin kahit na di masyadong makita ang singkit niyang mga mata...
"Good Morning Kith...". Nakangiti niyang bati sa akin.
Ngumiti na lang ako dahil nahihirapan pa din ako na magsalita kaya di ko sila maka-usap ng maayos ni Kagura...
"Kukuha lang ako ng breakfast mo...". Sabi ni Rogue habang kinukusot ang mga mata niya.
Tumayo na siya at lumabas muna saglit ng room at pagkatapos ay may dala na siyang tray na may sopas at oranges...
"Susubuan na lang kita...". Malambing na sabi sa akin ni Rogue.
Ngumanga na lang ako ng maliit at sinubuan ako ni Rogue ng sopas...
"Nasaan si Ray?". Mahina kong tanong sa kanya.
Parang nagbago ang timpla ng mukha ni Rogue at nalungkot siya dahil sa naging tanong ko...
Huminga muna ng malalim si Rogue bago niya sagutin ang tanong ko...
"Maayos naman siya... ayokong magsalita at dapat mo munang kausapin ang parents ni Raypaul kaya mag-pagaling ka na". Seryoso niyang sabi sa akin.
Naguguluhan na ako sa sinabi sa akin ni Rogue at nag-aalala na ako dahil gusto kong makita si Ray...
"Ano ba ang nangyari?". Tanong ko ulit sa kanya.
"Marami ng nagbago... 4 years ago". Seryosong sabi ni Rogue na dahilan para manlaki ang mga mata ko.
"A...no? 4 years...?". Di maka-paniwalang tanong ko.
Tumango si Rogue at nagsalita siya...
"Apat na taon ka ng natutulog".
Tumulo ang mga luha ko dahil sa sinabi sa akin ni Rogue at nahihirapan akong paniwalaan yun...
"Critical ang lagay mo nun... kaya na-comatose ka ng apat na taon". Seryosong sabi niya sa akin.
Tuluyan na akong umiyak dahil sa sinabi sa akin ni Rogue at hindi ko matanggap na nawalan ako ng silbi ng apat na taon...
Niyakap ako bigla ni Rogue...
"Wag ka ng umiyak nahihirapan ako". Sabi niya habang nakayakap sa akin.
Ayokong umiyak pero hindi ko mapigilan ang sarili ko... marami sana akong nagawa sa loob ng mahabang panahon na iyon...
Naalala ko na ligtas si Ray kaya tumahan na ako dahil mabuti at hindi siya ang nasa lagay ko ngayon...
Lumipas ang ilang buwan sa ospital at nagpa-therapy ako... para akong bata at inutil na tinuturuang maglakad...
Sobra akong nahihirapan pero kinaya ko dahil ayokong makita ni Ray na mahina ako at gusto kong maayos ang lagay ko kapag nagkita kami...
Pagkatapos kong gumaling ay inayos ko na ang sarili ko at hindi na ako kailangang alalayan ni Rogue...
Nabalitaan ko na namatay pala ang driver ng track na nakasagasa sa aming dalawa ni Ray...
Nung mga oras na yun... naisip ko na dapat mabuhay si Ray o kung hindi naman ay dapat pareho kaming mawala dahil alam ko na hindi ko kakayanin na makita siyang patay...
Pumunta na ako sa condo ko at malinis naman ito... siguro ay pinapalinis ito nila Kagura...
"Ok ka na ba talaga Kith?". Nag-aalalang tanong ni Kagura.
"Oo... salamat sa inyo". Nakangiti kong sagot sa kanya.
"Kung kailangan mo ako ay sabihin mo lang sa akin". Sabi ni Rogue.
Tumango na lang ako at ngumiti...
"Paano? Mauna na kami...". Sabi ni Kagura sa akin.
"Wag niyo munang sabihin kila Peter na gising na ako ha?". Tanong ko.
"Si..ge bahala ka...". Nagtatakang sagot ni Kagura sa akin.
Niyakap ko silang dalawa at pagkatapos nun ay umalis na sila...
Naglibot ako sa bahay at nakita ko ang piano na sinira ko dati... maayos na siya ngayon at siguro pina-ayos ito nila Rogue...
Sinubukan kong tugtugin ang piano pero nahihirapan na ako at hindi na ako kasing-galing ng dati kaya mas nalulungkot ako...
Naligo muna ako at nagbihis ng maayos na damit... Pagkatapos nun ay lumabas ako ng condo para maglibot muna sa paligid...
Napadaan ako sa kalye kung saan kami naaksidente ni Ray... biglaan akong natakot dahil parang nakikita ko ang puting track na bumangga sa aming dalawa...
Nagpatuloy lang ako sa paglalakad hanggang sa makarating ako sa dating cafe na kung saan nagtrabaho ako...
Binili ko ang cafe na yun last 4 years kaya ako na ang may-ari...
Papasok sana ako sa loob pero...
Nakita ko si Ray...
Napangiti ako dahil mas nag-matured ang look niya at mas lalo siyang naging gwapo...
Lalapitan ko sana siya kaso...
Nagyakapan silang dalawa ni Alexa at mukhang masaya sila...
Biglang sumikip ang dibdib ko at para akong binuhusan malamig na tubig...
Niloko ulit ako ni Ray?
Tumulo na lang bigla ang mainit na mga luha ko habang pinagmamasdan ko silang dalawa na masaya habang kumakain...
Sobrang sakit ng nakita ko...
Apat na taon... niloko lang ako ni Ray at kahit isang beses di niya ako nagawang dalawin sa ospital...
Napatakip ang mga kamay ko sa bibig ko habang umiiyak...
Niloko niya na ako dati pero minahal ko pa rin siya at sinakripisyo ko ang buhay ko para sa kanya tapos ganito lang din pala ang mangyayari...
Sana hindi na lang ako nagising!
Sana namatay na lang ako!
Tumalikod na ako at nakayuko ako ng subukan kong humakbang at...
"Kith?.... gising ka na?". Tanong ng isang babae sa harapan ko.
Inangat ko ang mukha ko habang umiiyak at nakita ko ang parents ni Ray sa harapan ko...
Tumingin sila kay Ray at Alexa sa loob ng cafe at pagkatapos nun ay tinitigan nila ako...
"Kith... kailangan nating mag-usap". Seryosong sabi ng dad ni Ray.
Pumunta kami sa condo ko at hindi ko pa din mapigilan ang pagtulo ng mga luha ko kahit kasama ko sila...
"Anak... alam kong napaka-sakit ng nakita mo pero sana makinig ka". Sabi ng mom ni Ray.
Tumahimik lang ako at tumutulo pa din ang mga luha ko...
"Salamat at sinubukan mong iligtas ang buhay ng anak namin". Sabi naman ng dad niya.
"Hindi ka niloko ni Ray...". Sabi ng mom niya kaya napatingin ako sa kanilang dalawa.
"Nahagip siya ng track at nagkaroon ng damage sa brain niya na dahilan kaya nagka-roon siya ng selective amnesia". Sabi ng dad niya.
Napalunok ako sa narinig ko... may amnesiya na si Ray? Lalong nadurog ang puso ko...
"Sana ako na lang ang nagka-amnesia". Umiiyak kong sabi.
"Wag mong sabihin yan! Mas malala ang nangyari sayo at wag mo ng saluhin ang lahat". Seryosong sabi ng mom ni Ray.
"Marami ng nagbago sa loob ng apat na taong na-comatose ka... kaya sana wag ka ng magpakita sa anak namin". Sabi ng dad ni Ray.
"Po? Hindi po pwede! Mahal ko siya!". Umiiyak kong sagot sa kanya.
"Magugulo lang ang buhay niya!". Sigaw ng dad ni Ray.
"Ano ka ba? Muntik ng ikamatay ni Kith ang pagsagip sa anak natin tapos ganyan ka magsalita". Naiinis na sabi ng mom ni Ray sa dad niya.
Tumahimik na lang ang dad niya at ang mom naman niya ang kuma-usap sa akin ngayon...
"Parang anak ka na din namin pero... maayos na si Raypaul kaya lumayo ka na lang sa kanya". Seryosong sabi ng mom niya sa akin.
Hindi ko kayang paniwalaan ang narinig ko... nilalayo na nila sa akin ang taong mahal ko...
Napaka-walang puso... alam naman nila kung gaano ko kamahal ang anak nila tapos ganito lang ang mangyayari sa akin ngayon...
Lumuhod ako sa harapan nila at...
"Parang-awa niyo na po... hayaan niyong makilala ako ni Ray...". Umiiyak kong sabi habang nakaluhod.
"Ano ba! Tumayo ka diyan!". Naiinis na sabi ng dad ni Ray.
"Wag mong gawin yan sa sarili mo! Maghanap ka na lang ng iba...". Sabi naman ng mom niya.
Hindi ako tumayo at nagpatuloy lang ako sa pagsusumamo at pag-mamakaawa sa kanila...
"Siya lang po ang mahal ko... gagawin ko po ang lahat wag niyo lang siyang ilayo sa akin". Umiiyak kong sabi.
"Tumayo ka diyan! Hindi mo kailangang gawin ito". Naiiyak na sabi sa akin ng mom niya.
"Kung ganun... hahayaan kitang lumapit sa kanya pero wag na wag mong sasabihin o ipapa-alala ang relasyon niyo dati!". Seryosong sabi ng dad ni Ray.
"Opo... gagawin ko po ang gusto niyo". Umiiyak kong sagot.
"Kapag nagkamali ka... hindi mo na siya makikita kahit kelan". Sabi ulit ng dad niya.
Tumango lang ako at pagkatapos nun ay iniwan na ako ng parents ni Ray...
Pumayag ako sa kasunduan para lang makalapit ako uli kay Ray...
Alam ko na magiging masakit ito pero susubukan ko pa din...
Hindi lang ako makikipag-laban para sa pagmamahal ko sa kanya kundi lalaban ako para mabawi ko ang pag-asa ko na maging masaya at para mabuhay ako...
Napaka-sakit pero susubukan ko...
............
Nandito ngayon si Rogue sa condo ko at minsan dito na siya natutulog kasi gusto niya akong bantayan...
Mas gwapo si Rogue kesa kay Raypaul, mas matangkad din siya, may disiplina at kilalang-kilala niya ako kaya palagi niya akong pinoprotektahan...
Ang bait talaga ni Rogue... sana sa kanya na lang ako nagkagusto pero kapag nangyari yun ay sigurado akong masisira ang buhay namin pareho dahil sa papa niya...
"Kith... gusto mo ba na lumabas tayong dalawa?". Tanong ni Rogue habang pinaglalaruan ang piano.
"Next time na lang... may iniisip kasi ako ngayon". Sagot ko.
Tumigil na sa paglalaro ng piano si Rogue at lumapit siya sa akin...
"Iniisip mo kung paano magkaka-gusto sayo si Raypaul?". Seryoso niyang tanong sa akin.
Tumango na lang ako sa kanya...
"Alam mo kasi... kung talagang mahal ka niya kahit makalimutan ka niya, ikaw pa rin ang mamahalin niya". Seryoso niyang sabi.
"Paano niya ako magugustuhan ulit?". Malungkot kong tanong.
"Uuhhmm... ano ba ang ugali ni Raypaul?". Tanong niya sa akin.
"Mabait... makulit siya, possessive at napaka-seloso tapos...". Hindi pa ako tapos magsalita at siningitan na ako ni Rogue.
"Exactly! Yun yung gamitin mo". Nakangiti niyang sabi sa akin.
"Ang alin?...". Nagtataka kong tanong.
"Diba sabi mo seloso siya?". Tanong niya din sa akin.
Tumango na lang ako at mukhang alam ko na ang iniisip niya...
"Edi pag-selosin mo siya para malaman niya ang halaga mo". Nakangiti niyang sabi sa akin.
"Tama ka... pero paano kung...". Hindi pa ako tapos magsalita at sumingit na ulit siya.
"Gamitin mo ako! Kailangan natin maging sweet sa harapan niya". Nakangiting sabi ni Rogue.
"Paano kung hindi umubra? Paano kung lalo lang siyang lumayo sa akin?". Nalulungkot kong tanong.
Tumawa lang siya at...
"Gagana yun... maniwala ka". Tumatawa niyang sabi.
"Paano mo naman nasabi na gagana?". Tanong ko sa kanya.
"Ikaw kasi! Masyado mong binibigay ang sarili mo sa kanya kaya kampante siya na hindi mo siya iiwan". Seryoso niyang sabi sa akin.
Dahil sa sinabi ni Rogue... napa-isip tuloy ako na tama siya at dapat maalala ni Ray ang lahat...
Alam ko na nag-seselos siya dati kay Rogue nung nililigawan niya pa lang ako pati nung kay Peter kaya sana gumana ang plano namin...
Itutuloy.............

No comments:
Post a Comment