By: Lord Iris
And nakaka 16 parts na pala tayo. There are 2 more parts and tapos na. Sana po mapublish dito ang finale sa January 1 kasi first anniversary ko iyon as a writer. I started writing this story at exactly 12:00 in the midnight. Thanks for all the supports.
Raypaul POV
Kakatapos lang ng mga klase namin sa school at medyo busy kami kasi malapit na ang graduation kaya napag-isipan naming magkakaibigan na gumawa ng mga memories at mag-bonding kahit busy...
Ewan ko ba kung bakit pero parang may galit ang mga kaibigan ko kay Alexa. Lahat sila parang ayaw kay Alexa kaya tuwing sasama ako sa mga kaibigan ko eh hindi nagpapakita si Alexa sa amin...
Naka-tayo lang kami dito sa hallway ng school at naka-upo naman sa tabi si Vincent at Dennis...
"Sino ba ang hinihintay natin?". Tanong ko sa kanila.
"Mag-hintay ka lang! Makikita mo din naman mamaya". Seryosong sabi sa akin ni Rogue.
Parang may galit sa akin si Rogue... Ni minsan di siya ngumiti kapag kausap ko siya at parang ayaw niya sa akin at hindi ko alam kung bakit...
4 years ago... pinakilala siya sa akin ni James kasama yung pinsan niya na si Kagura kasi bago daw silang tropa pero mukhang ayaw nila sa akin...
"Antagal naman! Aalis na lang ako". Naiinip na sabi ni Peter.
Tumawa ng malakas si Kagura kaya napa-tingin kaming lahat sa kanya...
"Sige... kapag umalis ka, pagsisisihan mo ang ginawa mo". Tumatawang sabi ni Kagura kay Peter.
"Sino ba kasi yung hinihintay natin?". Tanong naman ni Dennis.
"Secret nga! Maghintay kayo!". Naiinis na sabi ni Kagura.
"Any clues? Jusko! Kanina pa tayo naghihintay dito". Sabi naman ni Vincent.
"Well... Freshmen siya... at baka magtatalon pa kayo kapag nakita niyo siya mamaya". Sabi ni Kagura at ngumiti siya na parang may ibig sabihin.
"Freshmen? Eh wala naman tayong kakilala na 1st year college". Nagdududang sabi ni James.
Sino kaya yung hinihintay namin?
Kanina pa kami nag-iintay dito sa hallway at lagpas isang oras na pero wala pa din yung taong yun...
"Kagura? Rogue? Matagal pa ba?". Tanong ni Peter at mukhang naiinip na talaga siya.
"Oh! Nandiyan na pala siya...". Sabi ni Kagura at nakatingin siya sa may hagdanan.
Tumingin kaming lahat sa hagdanan kaya nakita ko na kung sino ang hinhintay namin...
Yung PA ko?
Kakilala ba siya nila Kagura dati?
Parang nagulat sila James at parang maluha-luha ang mga mata ni Peter nung nakita niya si Kith...
"This can't be real...". Di maka-paniwalang sabi ni James.
"Oh God! Panaginip ba ito?". Naiiyak na sabi ni Peter.
Tumakbo si Peter papunta sa hagdanan at bigla niyang niyakap si Kith ng sobrang higpit tapos umiyak na talaga siya kaya nagtataka ako...
"Kith! Miss na miss na kita! Bakit ngayon ka lang nagpakita kelan ka pa nagisi...". Umiiyak na sabi ni Peter pero tinakpan ni Kith yung bibig niya.
Niyakap ni Kith si Peter at nakangiti lang siya tapos iyak ng iyak si Peter habang magkayakap silang dalawa...
Tumakbo naman sila James papunta kay Kith at niyakap nilang lahat si Kith. Na-iiyak na din sila James at parang matagal na nilang kilala si Kith kaya nagtataka ako...
Matagal silang nagyakapan lahat at parang na miss nila si Kith kaya di ko alam kung ano ba talaga ang nangyayari ngayon...
"Kelan pa? Bakit di ka nagpapakita sa amin?". Naiiyak na tanong ni Dennis kay Kith.
"Last 2 months na... syempre nagpalakas muna ako bago ako magpakita sa inyo". Nakangiting sabi ni Kith sa kanila.
"Miss na miss ka na namin...". Umiiyak na sabi ni Peter.
"Miss ko na din kayo...". Sabi ni Kith at parang maiiyak na din siya.
"Tama na ang drama!". Natatawang sabi ni Kagura kila James.
"Bakit di ba kayo nagdramahan nung nakita niyo si Kith?". Tanong ni Peter habang nagpupunas ng luha.
"Syempre nauna na kami...". Natatawang sabi ni Kagura.
"Andaya niyo naman!". Sabi ni James.
"Na-miss din kita...". Sabi ni Rogue at lumapit siya kay Kith habang nakangiti.
Ngayon ko lang nakita na ngumiti si Rogue at dahil yun sa PA ko...
"Para namang hindi tayo magkasama kahapon". Natatawang sabi ni Kith kay Rogue.
Niyakap ni Rogue si Kith at parang sobrang close nila tapos tumingin sa akin si Rogue at ngumiti siya na parang may ibig sabihin...
Antagal nilang magkayakap tapos...
"Hoy! Tama na yan!". Sigaw ni Kagura kay Rogue at Kith.
Kumalas na sa pagkakayakap si Kith kay Rogue at bigla na lang...
Hinalikan ni Rogue si Kith ng mabilis sa pisngi kaya nagulat ako pero parang wala lang sa kanila...
Bakit niya hinalikan si Kith sa pisngi?
Parang naiinis ako bigla sa ginawa ni Rogue kay Kith tapos nakangiti lang si Kith at parang masaya pa siya...
"Uuhhmm Kith... ipapakilala ba kita sa pinsan ko?". Tanong ni James.
Ngumiti lang si Kith at tumingin siya sa akin...
"Kilala na niya ako... kasi ako ang PA niya ngayon". Nakangiting sabi ni Kith habang nakatitig sa akin.
"Huh? PA? Kelan pa?". Nagtatakang tanong ni Peter.
"Basta! Mahabang kwento yun". Natatawang sabi ni Kith.
"Punta na nga tayo sa cafe". Sabi naman ni Kagura.
Naglakad na kami papunta sa cafe at parang ang saya saya ng mga kaibigan ko dahil nakita nila yung PA ko...
Napatingin na lang ako kay Kith habang naglalakad at puta!
Magka-holding hands sila ni Rogue! Bakit sila magka-holding hands? Si Rogue ba yung sinasabi ni Kith na nagmamay-ari sa puso niya?
Pagpasok namin sa cafe ay parang kilala si Kith ng mga staff doon tapos umupo na kami sa isang table...
Kumuha na kami ng mga order namin... at nag-simula na ang mga usapan namin...
"Kith... treat na kita". Malambing na sabi ni Rogue kay Kith at ngayon ko lang narinig si Rogue na ganun.
Bakit ang lambing niya kay Kith?
Aaaaaarrrggghhh!!! Bwisit!
Bakit naiinis ako kapag nakikita ko silang dalawa na masaya at bakit ang lambing nila sa isa't-isa?
Hindi pwede to! Akin lang ang PA ko!
"Uuhhmm... ako na ang manlilibre kay Kith kasi PA ko siya". Seryoso kong sabi sa kanila.
Napangiti si Kith ng sabihin ko yun at parang nag-iinit na naman ang mukha ko...
Humahagikhik sila James at parang nagpipigil sila ng tawa dahil sa sinabi ko at ang weird na naman ng ginagawa nila...
"Nauna akong mag-alok kaya ako na ang manlilibre kay Kith". Seryosong sabi ni Rogue sa akin.
"Edi tanungin natin si Kith". Naiinis kong sabi kay Rogue.
Tumingin kaming dalawa kay Kith at naka-ngiti lang siya sa amin pero antagal niyang sumagot...
Bigla na lang kumanta si James...
"Sinong pipiliin ko?.... Mahal ko o mahal ako?". Kanta ni James.
Bigla silang nagtawanan sa kanta ni James at naguguluhan na naman ako sa ginagawa nila. Tawa sila ng tawa...
Mahal ko o mahal ako? Bakit yun yung kanta ni James? May something ba na di ko alam? Baka naman joke lang niya yun...
Tumingin ako kay Rogue at seryoso lang siya habang nakatingin kay Kith.
"Sige na Kith... piliin mo yung mahal mo...". Tumatawang sabi ni James.
"Wag! Piliin mo yung mahal ka". Sabi naman ni Kagura at natatawa din.
"Ako nalang ang piliin mo!". Sigaw ni Peter at nagtawanan ulit sila.
Natawa din si Kith sa sinabi ni Peter at hindi ko alam kung bakit...
"Wag na lang...". Sabi ni Kith.
"Anong wag na lang? Pumili ka sa aming dalawa!". Naiinis na sabi ni Rogue kay Kith.
"May pera naman ako...". Nakangiting sabi ni Kith.
"Hindi pwede! PA kita at sayang yung sweldo mo kaya ako na ang manlilibre sayo". Naiinis kong sabi.
"Mayaman yan... di mo kailangang ilibre yan". Sabi ni Vincent.
Nagtawanan na naman silang lahat.
"Ano bayan... antagal naman pumili. Sino ba kasi? Yung mahal mo o yung mahal ka?". Natatawang sabi ni James kay Kith.
Nagtawanan na naman silang lahat dahil sa sinabi ni James...
"Pumili ka na!". Sigaw ni Rogue na parang galit tapos ngumiti lang si Kith sa kanya.
Naiinis na din ako kasi di pa pumipili si Kith sa aming dalawa.
"Si Rogue na lang...". Sagot ni Kith.
Biglang ngumiti si Rogue at nag-thank you pa siya kay Kith...
"Ok tama yan... piliin mo yung mahal ka talaga". Natatawang sabi ni Kagura kay Kith.
Nagtawanan na lang sila ulit...
Parang nainis ako bigla!
Bakit hindi ako ang pinili niya?
Nakaka-inis! Letse! May relasyon ba sila nung Rogue na yun?
Ay ano bayan! Bakit ako naiinis eh hindi naman big deal yun pero kasi... Nakaka-inis talaga!
"Kith... dun muna ako sa restroom". Nakangiting sabi ni Rogue kay Kith.
Tumango lang si Kith at pumunta na sa restroom si Rogue kaya magkaharap kami ngayon ni Kith sa table at naiinis ako...
Gusto ko siyang tanungin... Nakangiti si Kith sa akin at parang nahihiya na naman ako bigla...
"Ehem! Kith? Bakit close kayo ni Rogue?". Tanong ko kay Kith.
Tumahimik din bigla yung mga kaibigan ko at napatitig sila sa amin tapos parang seryoso silang lahat...
"Kasi... parang baby brother ko na siya at close kami simula pagka-bata". Nakangiting sabi ni Kith sa akin.
"May relasyon ba kayo? Siya ba yung lalaking sinasabi mo?". Seryoso kong tanong sa kanya.
Hindi muna siya sumagot at parang seryoso na ang mga kaibigan ko na nakatitig sa aming dalawa...
"Hindi... close lang talaga kami". Seryosong sagot ni Kith sa akin.
Parang naka-hinga ako ng maluwag nung sabihin niya na hindi pala si Rogue yung lalaking mahal niya...
Bakit naiinis ako kapag naghaharutan silang dalawa?
"Pwede rin ba na maging close tayo?". Tanong ko kay Kith at hindi ko alam kung bakit yun yung natanong ko.
Napangiti bigla si Kith at parang maiiyak siya pero hindi naman...
"Syempre! Ikaw ang bahala". Sabi ni Kith sa akin.
"Ako na ba ang bestfriend mo?". Tanong ko ulit sa kanya at napangiti na lang ako.
Tumango lang sa akin ai Kith at ngumiti na lang siya...
"Ehem! Ehem!".
Tumingin kami sa gilid at si Rogue pala yung nandun...
Umupo na ulit si Rogue sa tabi ni Kith at bigla niyang inakbayan si Kith...
Naiinis na naman ako!
Nakangiti lang si Kith at nagtitigan silang dalawa ni Rogue...
Bakit parang may something sa mga kilos nilang dalawa? Sabi ni Kith wala daw silang relasyon pero ang lambing nila sa isa't-isa...
Kumain na lang kami at nag-uusap lang sila tungkol kay Kith pero tahimik lang ako sa tabi habang tinitingnan ko ang kalambingan ni Rogue at Kith sa harapan ko...
Tahimik lang ako at sinasaksak ko ng tinidor ang cake ko at nanggigigil na ako sa ginagawa ko...
"Kith... date tayo bukas". Sabi ni Rogue kay Kith sa malambing na tono.
Parang nag-pantig ang tenga ko dahil sa sinabi ni Rogue at nag-init na bigla ang ulo ko...
Bago pa sumagot si Kith inunahan ko na siya...
"Hindi pwede! Aalis kaming dalawa". Naiinis kong sabi kay Rogue.
"Huh? Saan naman po tayo pupunta?". Nagtatakang tanong ni Kith sa akin.
"May date tayo bukas kaya di ka pwedeng sumama kay Rogue". Seryoso kong sabi sa kanya.
"Date? Saan mo naman siya dadalhin aber?". Naiinis na tanong ni Rogue
"Oo! Bestfriend's date at secret na lang namin yun ni Kith". Sagot ko.
Ngumiti na naman si Kith at parang sobrang saya niya dahil sa sinabi ko...
Pero hindi ko alam kung bakit nasabi ko na lang bigla na may date kami... saan ko naman siya dadalhin?
Ay naku! Mag-iisip na lang ako dahil hindi sila pwedeng mag-date ni Rogue kasi akin lang ang PA ko!
Kumain na lang kami at umuwi na pagkatapos namin sa cafe...
Magkasamang umuwi si Rogue at Kith habang magka-holding hands kaya naiinis na naman ako pero atleast masosolo ko si Kith bukas...
Kith POV
Sobrang saya ko talaga ng sabihin sa akin ni Ray na aalis daw kaming dalawa ngayon... hindi ko alam kung saan niya ako balak dalhin pero masaya pa din ako kasi makakasama ko siya ngayong araw...
Bakit kaya niya ako inayang umalis?
Nag-selos kaya siya kay Rogue?
Ayokong gamitin si Rogue para pag-selosin si Ray pero kung yun lang ang paraan ay gagawin ko para lang magustuhan niya ako ulit...
Paano ba magka-kagusto ulit sa akin si Ray at paano ba niya ako mamahalin ulit?
Hindi ko talaga alam kung paano kasi sabi niya sa akin dati... hindi rin daw niya alam kung paano siya nag-kagusto sa akin at siya ang nanligaw sa akin kaya di ko alam ang gagawin...
Lagi akong nagdadasal na sana maalala ako ni Ray o di kaya naman mahalin niya ako sa pangalawang pagkakataon...
Hindi na ako mapakali kaya kinuha ko ang phone ko para i-text si Ray...
Tinanong ko sa text kung saan at anong oras kami magkikita...
Naghintay ako ng limang minuto pero wala siyang reply...
Tawagan ko kaya siya?
Hindi... mamaya na lang kasi baka natutulog pa ngayon si Ray...
Naiinip na ako ng konti kasi 30 minutes na ang lumipas pero wala pa din siyang reply maski isa man lang...
Ok... tatawagan ko na lang siya...
Kinuha ko na ang phone ko at hinanap ang number niya at tumawag na ako. Nag-ring yung phone niya pero walang sumasagot...
Antagal ng ring at sinagot din niya...
"Good Morning Ray...". Sabi ko.
"Uuhhmm... good morning". Sagot niya na parang tinatamad.
Hala! Baka mamaya tulog pa siya tapos na-istorbo ko...
"Sorry kung na-istorbo kita...". Mahina kong sabi sa kanya.
"Hindi... kaka-gising ko lang talaga at nabasa ko yung text mo". Sagot niya sa kabilang linya.
Natahimik na lang ako at hindi ko na alam kung ano ang sasabihin ko sa kanya kasi parang wala naman siyang gana na makipag-usap sa akin...
"Bakit ka nga pala tumawag?". Tanong niya sa akin.
"Hhmm... itatanong ko lang sana kung tuloy ba tayo mamaya". Mahina kong sagot sa kanya.
"Ay! Oo nga!". Malakas niyang sabi.
Mukhang nakalimutan na niya yung sinabi niya kahapon na aalis kaming dalawa kaya nalungkot ako...
"Ok lang naman kung busy ka...". Sagot ko sa kanya.
"Tuloy tayo... i-text ko na lang kung saan tayo magkikita at kung anong oras mamaya". Sagot niya at parang natataranta na siya.
"Sige thanks... hihintayin kita kahit anong oras ka dumating". Malungkot kong sagot sa kanya at binaba ko na ang usapan namin sa phone.
Mukhang nakalimutan niya talaga at napilitan na lang siya...
Hhhaaayyy... hindi na talaga ako importante sa kanya kasi kinakalimutan na niya ako ngayon...
Hindi ko maiwasan na bumigat ang pakiramdam pero kailangan kong maging masaya kasi magkikita kaming dalawa mamaya...
Raypaul POV
Jusko! Nakalimutan ko na nangako pala ako kay Kith na aalis kaming dalawa ngayon...
Kaka-gising ko lang at nakakahiya naman doon sa tao... tinatamad ako pero ayoko naman na silang dalawa ni Rogue ang magkasama...
"Uuhmmm... Raypaul sinong kausap mo kanina?". Sabi ni Alexa at mukhang kakagising lang niya.
"Yung PA ko...". Sagot ko sa kanya.
"May lakad ba kayo?". Tanong niya at parang naka-busangot ang mukha.
"Oo... mamaya pa naman". Sagot ko ulit sa kanya.
"Hindi pwede! Samahan mo ako sa mall at magsa-shoping ako". Sabi ni Alexa at parang galit siya.
"Pero nangako ako doon sa...". Hindi pa ako tapos at nagsalita na siya.
"Sige... wag na lang kasi mas importante naman sayo yung PA mo kesa sa akin". Sabi niya at parang galit na naman siya.
"Hala hindi! Mas importante ka siyempre. Ikaw na lang ang sasamahan ko ngayon". Malambing kong sabi sa kanya.
Ngumiti na si Alexa at parang good mood na ulit siya dahil sa sinabi ko sa kanya...
"Basta... hindi tayo gagabihin ha?". Tanong ko sa kanya.
Tumango lang sa akin si Alexa tapos ngumiti siya ng nakaka-loko at hindi ko alam ang ibig niyang sabihin...
Naligo muna si Alexa at kinuha ko ang phone ko para tawagan si Kith...
Nag-ring ang phone at mabilis naman niya itong sinagot...
"Uhhmmm Kith...". Alanganin kong sabi sa kanya.
"Bakit tumawag ka ulit? May problema ba Ray?". Nag-aalala niyang sabi sa akin.
"Wala naman... busy kasi ako kaya kung ok lang sayo...". Di pa ako tapos magsalita pero naunahan niya ako.
"Sige... naiintindihan ko naman kaya ok lang sa akin kung cancelled". Sabi niya at parang malungkot ang boses niya ngayon.
Hala! Baka mamaya umasa siya tapos hindi ko naman tinupad kaya nalulungkot siya...
Anong gagawin ko ngayon?
Alam ko na kung ano!
"Hindi... naisip ko na mag-dinner na lang tayong dalawa mamaya". Alanganin kong sabi sa kanya.
Tama! mukhang hindi naman aabutin ng gabi ang lakad namin ni Alexa kaya mabuting mag-dinner na lang kami ni Kith...
"Talaga? Sige ayos yun... anong oras naman tayo magkikita?". Tanong niya sa akin at parang sumigla siya.
"Mga... 5:00 ng hapon doon sa park". Sagot ko sa kanya.
"Sige! Hihintayin na lang kita". Sagot niya sa kabilang linya.
Natapos na din ang usapan namin at nakahinga na ako ng maluwag kasi hindi ko naman nasira ang pangako ko sa kanya...
"Ray! Maligo ka na din at aalis na tayo mamaya". Sigaw ni Alexa at pumasok na ako sa banyo.
Sabay kaming naligo at siyempre may nangyari na naman sa aming kababalaghan sa loob ng cr...
Ang hot kasi talaga ng girlfriend ko kaya di ko din mapigilan ang sarili ko minsan kaso...
Pagkatapos na may mangyari sa amin ay parang may kakaiba akong nararamdaman na parang hindi namin dapat ginagawa yun...
Pagkatapos naming mag-bihis ay pumunta na kami sa mall at nagsimula ng mag-shopping...
As usual ako ang taga-buhat ng mga pinamili ng girlfriend ko pero ok lang naman kasi masaya naman siya...
Nag-lunch na din kami sa mall at mukhang pagod na si Alexa pero ayaw pa niyang umuwi...
"Raypaul doon naman tayo sa skating rink pumunta". Masayang sabi sa akin ni Alexa.
Iniwan ko muna sa baggage counter ang mga pinamili ni Alexa at pagkatapos nun ay masaya kaming nag-skate sa yelo...
Tumingin ako sa wrist watch ko at 2:30 pa lang naman ng hapon kaya marami pang oras...
Pagkatapos naming mag-skate ay niyaya naman ako ni Alexa na manood ng sine. Mahirap tumanggi kay Alexa kasi nagagalit siya...
Nanood kami sa sine at nung natapos na ay nagyaya na ako na umuwi kami at mabuti naman pumayag na siya...
Naglakad kami sa mall at napadaan kami sa isang bookstore at nanlaki ang mga mata ko ng makita ko ang isang magazine...
Tumakbo ako papunta sa loob ng bookstore para makita yung magazine...
"Raypaul! Waaaait...". Sigaw ni Alexa at hinabol niya ako.
Pagkapasok ko sa bookstore ay hinablot ko ang magazine at nabigla ako dahil totoo nga... Si Kith ang cover ng magazine na ito at hindi ako pwedeng magkamali...
"Raypaul... ano bayan?". Tanong ni Alexa at napatingin din siya sa magazine.
Nanlaki din ang mga mata niya at tumitig ako ng mabuti sa magazine...
Grabe ang picture ni Kith dito... ang hot ng look niya... fierce tapos lalong lumitaw ang tanned skin niya dahil sa brown eyes niya...
Parang nakahiga si Kith sa spades at marami pang mga baraha tapos may kagat siyang casino chips kaya sobrang hot ng cover niya...
"Grabe... paano naging cover ng magazine si Kith?". Namamangha kong tanong kay Alexa.
"E..wan..". Nauutal niyang sabi.
Binasa ko ang magazine at may mga nakalagay doon...
The comeback of the youngest millionare in Asia...
The richest million dollar baby...
The Lord of Casinos...
"Hmmm... Alexa anong ibig sabihin nitong nakasulat?". Nagtataka kong tanong sa kanya.
Hindi siya sumagot at nakatitig lang ako sa magazine...
Si Kith Castillo... could it be? Siya kaya ang may-ari ng Castillo Royalty Casino? Pero bakit siya mag-aaply na PA ko kung mas mayaman pala siya kesa sa family ko?
Naguguluhan ako pero ang hot talaga ng picture niya sa magazine...
"Sana ako na lang yung casino chips na kagat niya...". Sabi ng isang babae na katabi namin ni Alexa at nakatitig din sa magazine.
"Ano? Bilhin mo na para makauwi na tayong dalawa". Naiinis na sabi sa akin ni Alexa.
Binili ko nga ang magazine pero marami pa ding tanong sa isipan ko at alam ko na si Kith lang ang makakasagot nun...
Naka-balik na kami ngayon sa apartment ko kaya nakahinga na ako ng maluwag kasi 4:30 pa lang...
"Hhmm... Alexa may lakad ako". Mahina kong sabi sa kanya.
Parang nagbago ang timpla ng mukha ni Alexa nung sabihin ko iyon at baka mamaya magalit na naman siya...
"Kasama mo yung PA mo diba?". Seryoso niyang sabi sa akin.
Tumango ako sa kanya at alanganin akong tumitig kasi parang nagbabago na naman ang mood niya...
"Mamaya ka na lang umalis...". Malungkot niyang sabi sa akin.
"Pero may usapan kami...". Mahina kong sagot sa kanya.
Lumapit sa akin si Alexa at hinalikan niya ako bigla sa labi kaya natahimik ako at hinubad na niya ang damit ko...
Nagsimula na namang may mangyari sa aming dalawa...
Kith POV
Nagbihis na ako ng maayos na damit at exited na ako sa dinner namin ngayon ni Ray...
Maaga pa naman pero pumunta na ako sa park para hintayin si Ray...
Malabo ang mga ulap at parang uulan ng malakas ngayon...
Umupo ako sa bench at napangiti ako habang pinapanood ang mga batang naglalaro doon...
Lumipas ang sandali at medyo dumidilim na ang langit pero wala pa din si Ray...
Umuwi na din ang mga bata at ako na lang ang tao sa park...
Tinawagan ko na siya pero hindi ko siya ma-contact...
Lowbat na siguro siya...
Baka busy lang talaga siya ngayon...
Naghintay ako ng magdamag at umaambon na pero hindi ako umalis sa bench at hinihintay ko lang na dumating si Ray...
Pinanghahawakan ko ang mga sinabi niya na pupunta siya kaya kahit matagal... maghihintay ako...
Dinner naman... kaya anytime ay alam kong dadating siya...
Inaabangan ko lang ang text niya o di kaya tawag sa phone ko pero wala...
Lumalim na ang gabi... madilim na at nagsimula ng pumatak ang malalaking buhos ng ulan pero hindi ako umalis sa bench at kahit anong mangyari ay maghihintay ako...
Lowbat na ang phone ko... at nakatulala na lang ako habang basang-basa na ng malakas na buhos ng ulan ang katawan ko...
Dati ako ang priority niya sa buhay...
Naalala ko kung gaano kami kasaya dati ni Ray at hanggang ngayon ayokong bumitaw sa pagmamahal na naranasan ko sa kanya...
Naramdaman ko na lang ang pagpatak ng mainit na luha sa mga mata ko kahit na basang-basa na ako dahil sa malakas na ulan...
Kasabay ng malamig na buhos ng ulan ang mainit na mga luha ko...
Madilim na ang paligid at masama na ang panahon pero wala akong balak umalis kahit na lalong tumitindi ang lungkot na nararamdaman ko...
Habang bumubuhos ang ulan ay lalong bumibigat ang pakiramdam ko at nangu-ngulila na naman ako...
Sobrang sakit...
Kailangan ko ng tanggapin ang katotohanan na hindi na talaga ako mahal ni Ray... na wala na talaga akong halaga sa buhay niya...
Raypaul POV
Naalimpungatan ako at kinukusot ko ang mga mata ko... napatingin ako kay Alexa at kakatapos lang na may mangyari sa amin kaya tulog pa siya...
Umuulan pala sa labas at ang sarap talagang matulog...
Hihiga na sana ulit ako sa kama ng maalala ko ang...
Dumilat ang mga mata ko at tumingin ako bigla sa relo ko...
Nanlaki ang mga mata ko at natataranta na ako ng makita ko na 10:00 na pala ng gabi...
Tumalon ako sa kama at binilisan ko ang pagbibihis ng damit...
Jusko! Sinira ko ang pangako ko kay Kith... baka mamaya galit na yun sa akin at mag-resign siya na PA ko...
Kinuha ko ang phone ko at putcha!!!
Lowbat ako at hindi ko makikita kung nag-text o tumawag si Kith...
Mabuti pa... puntahan ko na lang siya sa bahay niya...
Teka! hindi ko naman alam kung saan siya nakatira!
Pagkatapos kong magbihis ay napa-sulyap ako kay Alexa at tulog pa naman siya ngayon...
Binilisan ko ang kilos ko at kumuha na ako ng payong para hanapin si Kith sa labas...
Pagbukas ko ng pinto ay sobrang lakas pala ng hangin ngayon at malakas din ang ulan sa labas...
Tutuloy pa ba ako sa park?
Baka wala na dun si Kith...
Naalala ko na lang bigla yung sinabi niya nung tumawag ako kanina...
"Sige thanks... hihintayin kita kahit anong oras ka dumating".
Jusko! Paano kung hinintay niya nga ako ngayon? Paano ko siya haharapin? Nakakahiya ako!
Lumabas na ako ng apartment at nagmadali na akong maglakad papunta sa park...
Ang lakas talaga ng ulan at hangin kaya natatangay ang payong ko kasi masama ang panahon...
Pagdating ko sa park ay tinanaw ko ang lahat para makita ko kung hinintay ba ako ni Kith...
Wala akong nakita kaya mukhang umuwi na si Kith...
Pero paglingon ko ay nakita ko ang isang lalaki na nakatalikod. Naka-upo siya sa bench at basang-basa...
Kinakabahan na ako ngayon...
Lumipat ako sa gilid at natanaw ko na si Kith nga yun...
Para akong nabaril ng makita ko siya na basang-basa at nakatulala sa hangin...
Napatakip na lang ang isa kong kamay sa bibig ko at pakiramdam ko ay maiiyak na ako...
Ano ba itong ginawa ko?
Hindi ko aakalaing hihintayin niya talaga ako ngayon kaya parang may mga karayom na tumutusok sa dibdib ko habang pinagmamasdan ko siya...
Lumapit ako sa kanya at kinakabahan na ako sa magiging reaksyon niya sa akin ngayon pero tatanggapin ko kung may masabi siya na hindi maganda sa akin kasi alam ko naman na kasalanan ko...
"Kith...". Mahina kong sabi sa kanya.
Hindi siya tumingin sa akin at nakatulala lang siya pero nagsalita na lang siya bigla...
"Alam ko na dadating ka kaya naghintay ako...". Sabi niya sa akin at malamig ang boses niya.
Hindi siya tumitingin sa akin...
"Sor...ry...". Nauutal kong sabi at parang maiiyak na ako.
"Wag kang mag-alala... hindi naman ako galit. Ginusto ko naman na hintayin ka". Sagot niya sa akin at parang mas lalong lumamig yung boses niya.
Hindi na ako makapag-salita at lalong lumalakas ang buhos ng ulan...
Tumayo si Kith at humarap siya pero hindi siya nakatingin sa akin...
Nakita ko na namumula na ang mga mata niya kaya alam ko na umiyak siya at kasalanan ko yun...
Nagsimula na siyang maglakad palayo at hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko ngayon...
"Uuhhmm... Kith... i..i..ha..hatid na ki..ta". Nauutal kong sabi sa kanya.
"Kaya ko na ang sarili ko at sanay na akong mag-isa...". Matigas na pagkakasabi niya at parang basag na ang boses niya.
Naiwan na lang akong nakatayo at hindi ko alam kung ano ang gagawin ko ngayon...
Habang pinagmamasdan ko siya na basang-basa at naglalakad palayo ay para akong tinutusok ng maliliit na karayom at bigla na lang tumulo ang mga luha ko...
Hindi ko alam kung paano ko aayusin ang ginawa ko sa kanya...
Pagbalik ko ng apartment ay wala na pala si Alexa at may message siya sa akin kasi may pasok na bukas kaya umalis na siya sa apartment ko...
Hindi ako makatulog dahil sa nangyari kanina...
Paano ako hihingi ng tawad kay Kith?
Alam ko na galit siya at ramdam ko talaga na nasaktan ko siya... naging selfish kasi ako. Ayoko na magkasama sila ni Rogue pero hindi ko tinupad yung usapan namin...
Gusto ko siyang kausapin... gusto ko siyang puntahan pero hindi ko naman alam kung saan siya nakatira at hindi naman siya sumasagot sa mga tawag ko at text...
Why do I care for him? He is my PA pero masaya ako na kasama siya at ayoko na may lumalapit sa kanya na ibang tao... ayoko lalo ng may nagbibigay ng motibo sa kanya...
Bakit ganito ako? Bakit ganito ang nararamdaman ko eh bestfriend ko lang naman siya? Ang gulo! Sobrang gulo ng mga pakiramdam ko...
Hindi ko kayang isipin na galit siya sa akin at mukhang ayaw niya akong makita pero hindi naman pwede yun kasi lalo akong nakokonsensiya...
Alam ko na!
Mukhang alam ng pinsan ko kung saan nakatira si Kith...
Kinuha ko na ang phone ko at tinawagan ko ang pinsan ko na si James at medyo matagal bago siya sumagot sa akin...
"Ano ba? Anong oras na at tatawag ka pa sa akin". Tanong niya at mukhang nagising ko siya.
"Sorry insan... I know it's late pero may importante akong itatanong". Alanganin kong sabi sa kanya.
"Ano naman yun? Siguraduhin mo lang na importante yan at ginising mo pa ako ng ganitong oras". Sagot niya at parang may inis sa boses niya.
"Uuhhmm... alam mo ba kung saan nakatira si Kith?". Mahina kong tanong sa kanya.
"Ano? Yun lang ang itatanong mo tapos ginising mo pa ako!". Galit niyang sabi sa kabilang linya.
"Importante to! Maniwala ka!". Naiinis kong sabi sa kanya.
"Eh bakit hindi siya ang tanungin mo ngayon ha?". Naiinis niyang sabi.
Natahimik na lang ako bigla at hindi ko alam kung ano ang isasagot ko sa kanya ngayon...
"Uuhhmm... kasi... may nangyari kaya hindi niya sinasagot ang tawag ko". Mahina kong sabi kay James.
"Hhahaahaah!!! Lover's quarrel". Tumatawa niyang sabi sa akin.
Tama ba yung narinig ko? Lover's quarrel daw eh hindi naman kami...
"Hoy! Wag ka ngang mang-asar!". Naiinis kong sigaw sa kanya.
"Sus! Diyan din naman ang punta niyong dalawa". Tumatawang sabi sa akin ni James.
Biglang nag-init ang mukha ko at hindi ako makasagot sa sinabi sa akin ni James...
Bakit ganito? Parang tinutulak ako ni James kay Kith...
"Wala akong gusto kay Kith! Hindi ako bakla! May girlfriend ako!". Malakas kong sigaw sa kanya.
"Hey insan! Easy lang... pero wag kang pakaka-sigurado kasi si Peter nga may gusto rin kay Kith". Tumatawang sabi ni James sa akin.
Ano???!!! May gusto rin si Peter???
Tapos mukhang may gusto rin sa kanya si Rogue!
Tapos sabi niya meron ng lalaki ang nagmamay-ari sa puso niya! Sino naman kaya yun?
Hindi pwede! Bakit dumadami ang mga karibal ko kay Kith? Wait....... Ano ba yung inisip ko?
Hindi!
NO!
I just care for him and I don't like that guy! I'm a real man!!!
"Insan... bakit natahimik ka?". Biglang tanong ni James kaya nagulat ako.
"Ano ba? Ibibigay mo ba yung address niya o hindi?". Naiinis kong tanong.
"Text ko na lang mamaya...". Sabi ni James at bigla niyang binaba yung usapan naming dalawa.
Whoo... pinagpawisan ako doon...
Nakaka-inis naman! Marami na ang umaaligid kay Kith... tapos may nagawa pa akong hindi maganda sa kanya kaya lumalayo siya...
Biglang tumunog ang phone ko at nakita ko ang pangalan ni James...
Binasa ko ang text niya sa akin at nakalagay doon ang address ni Kith kaya pupunta na ako mamayang umaga bago siya pumasok sa school...
Ayoko din na makipag-ayos sa kanya sa school dahil baka umepal lang si Rogue at mag-away lang kami...
Nakatitig lang ako sa kisame habang naghihintay mag-umaga kasi hindi talaga ako makatulog...
Ano ba talaga kasi ang nararamdaman ko para sa kanya?
Nagseselos ako oo... pero ibig sabihin ba nun ay may gus...
Tsk tsk tsk delikado na ako... bakit parang nagugustuhan ko na siya...
Aaarrgghh!!!! Hindi pwede!!!
Hindi ako bakla!!! At meron akong napaka-ganda at hot na girlfriend kaya off limits ako...
Pero paano kung magkagusto sa akin bigla si Kith? Makaka-resist ba ako? Delikado na ako kapag nangyari yun sa kanya...
Napatingin na lang ako sa orasan at umaga na pala kaya mabilis akong naligo at pupunta na ako sa address ngayon ni Kith...
Habang tumitingin sa labas at nagda-drive ako ay parang pamilyar itong lugar na binigay ni James...
Nakita ko na ang building kasi sabi sa text ni James nakatira daw sa condo si Kith kaya hindi na ako pwedeng magkamali ngayon...
Nag-park ako ng sasakyan at pumasok na ako sa loob pero nagulat ako ng batiin ako ng guard...
"Good Morning Sir! Long time no see". Nakangiting bati ng guard.
"Huh? Ngayon lang po ako pumunta dito eh...". Nagtataka kong sabi sa kanya.
"Ay ganun ba? Sorry baka ibang tao yun kasi pareho kayong tsinito at kulay pula ang buhok". Naguguluhan na sabi nung guard.
Pumasok na ako sa loob at pumunta na ako kung saan ang condo unit ni Kith pero kinakabahan ako...
Nasa harapan na ako ng pinto ng unit pero natatakot akong pindutin yung doorbell...
Huminga ako ng malalim...
Kaya ko to! Nilapit ko na ang daliri ko at napindot ko na ang doorbell...
Matagal bago may lumabas at naghintay lang ako pero kinakabahan ako ngayon...
Unti-unting bumukas ang pinto at...
Nakita ko si Kith pero yung damit niyang suot...
"Anong ginagawa mo dito?". Tanong ni Kith at parang natulala ako.
Boom! Naka-shorts lang siya na maikli, ang ganda ng legs niya na ang kinis tignan at naka-suot lang siya ng sando na maluwag...
Napalunok ako sa nakita ko at natagalan ako bago sumagot...
"Uuhhmmm... ano kasi...". Kinakabahan kong sabi.
"Ano yun?". Boses naman ng isang lalaki at...
Nakita ko si Rogue na nasa likod ni Kith at naka-top less si Rogue tapos naka-suot lang siya ng boxer shorts kaya kita ang muscles niya at bakat yung pagka-lalaki niya!
Napa-nganga na lang ako ng tingnan ko ang mga suot nilang dalawa...
"What the heck!!! Bakit ba ganyan ang mga suot niyo? At bakit nandiyan ka sa condo ni Kith?". Naguguluhan kong tanong kay Rogue.
"Pakelam mo ba? Bakit ka naman nandito ngayon?". Maangas na tanong sa akin ni Rogue.
Naiinis ako sa kanya at hindi ko alam ang iisipin ko kasi...
Silang dalawa lang dito tapos ganun ang mga damit nila?
Parang kakatapos lang nila mag ano...
"May nangyari ba sa inyo?". Galit kong tanong sa kanila.
Nanlaki ang mga mata ni Kith pero bigla namang tumawa ng malakas si Rogue kaya naiinis ako at hindi ko na alam ang nangyayari...
"Sana nga meron...". Tumatawang sabi sa akin ni Rogue.
"Ang dumi talaga ng utak mo!". Galit na sabi ni Kith at parang nainis siya.
Sa sinabi niya ay alam ko ng mali ang iniisip ko kaya nakahinga ako ng maluwag ngayon...
"Sorry...". Mahina kong sabi sa kanya.
"Pumasok ka nga muna sa loob". Seryosong sabi ni Kith.
Pumasok ako at ang ganda pala sa loob ng unit ni Kith...
Grabe! Mukhang mamahalin yung piano niya at ang lawak sa loob... may sarili din siyang music room...
Siguro nga siya talaga ang may-ari ng sikat na Casino pero naguguluhan talaga ako sa kanya...
Umupo na kami sa sofa at nakatitig ng masama sa akin si Rogue...
"Kith? Bakit nag-apply kang PA eh mukhang mayaman ka?". Naguguluhan kong tanong sa kanya.
"Marami kang hindi alam sa akin... sandali at magtitimpla ako". Seryosong sabi ni Kith at pumunta siya sa kusina.
Naiwan kaming dalawa ni Rogue...
Ang sama talaga ng titig niya sa akin kaya naiirita ako...
"Ano bang dahilan at nandito ka at bakit ganyan ang suot mo? Magkatabi ba kayong natutulog?". Galit kong tanong sa kanya.
Ngumiti si Rogue na parang masama...
"Oo! Magkatabi kaming natulog pero may lagnat si Kith kagabi kaya pumunta ako para alagaan siya...". Seryoso niyang sabi sa akin.
Nagulat ako sa sinabi niya at...
"Lagnat? May lagnat siya kagabi?". Naguguluhan kong tanong.
"Naulanan daw siya kagabi pero ok naman na siya ngayon". Seryoso niyang sabi sa akin.
Grabe! Kasalanan ko yun! Nilagnat si Kith dahil naulanan siya at nilagnat siya kasi hindi ako dumating...
"Sorry natagalan...". Sabi ni Kith at may dala siyang kape.
Uminom na kami ng kape at umupo si Kith sa tabi ni Rogue...
Parang naiinis ako bigla dahil magkatabi sila at ganun pa ang suot nilang dalawa...
"Bakit ka naman pumunta ng ganito kaaga at anong sadya mo?". Seryosong tanong sa akin ni Kith.
"Hhmm... gusto ko sana na bumawi". Mahina kong sabi sa kanya.
"Bumawi saan? Anong ginawa mo?". Galit na tanong ni Rogue.
"Relax Rogue... usapan namin to". Mahinahon na sabi ni Kith.
Tumahimik naman si Rogue at nagsalita na si Kith...
"Ray... sabi ko naman wag mo ng isipin yun kasi ok lang sa akin". Seryosong sabi ni Kith.
"Alam kong hindi! Hindi mo sinsagot ang mga tawag at text ko kaya lalo akong nakokonsensya". Malakas kong sabi sa kanya.
Umiwas ng tingin si Kith at alam ko na galit nga siya sa akin...
"Ano naman ang gusto mong mangyari?". Seryoso niyang tanong.
"Gusto kong bumawi... yayayain sana kita na lumabas ngayon". Mahina kong sabi sa kanya.
"Wag na! Baka busy ka ulit". Sagot niya na parang may halong inis.
"Ngayon na nga mismo kahit ganyan yung suot mo at kahit saan mo gustong pumunta". Sabi ko sa kanya.
"Talaga? Kahit saan?". Tanong niya sa akin na parang seryoso.
"Oo basta mag-absent ka para magkasama tayong dalawa". Seryoso kong sabi sa kanya.
Ngumiti siya bigla kaya natuwa na ako pero alam kong hindi pa yun sapat sa nangyari...
"Sige... hindi ko ugaling mag-absent pero sasama ako at ako ang pipili ng pupuntahan natin". Nakangiti niyang sabi sa akin.
Ngumiti na lang din ako sa kanya at parang lalo yatang tumalim ang tingin sa akin ni Rogue...
Nagbihis si Kith at aalis na kami...
"Uuhhmm... Rogue pumasok ka sa school at mag-iingat ka". Sabi ni Kith kay Rogue.
"Oo na! Iiwan mo na naman ako". Malungkot na sabi ni Rogue.
Hinawakan ni Kith ang mga pisngi ni Rogue at nagtitigan sila...
"Alam mo naman na love kita...". Malambing na sabi ni Kith kay Rogue.
Biglang ngumiti si Rogue at nagyakapan na silang dalawa...
Tangina! Ano daw! Love niya si Rogue? Puta! Akala ko ba wala silang relasyong dalawa?
Mga traydor! Immoral!
Nagpipigil lang ako ng galit hanggang sa makalayo na kami at maka-sakay na kami ng kotse...
"Ehem! Akala ko ba wala kayong relasyong dalawa?". Galit kong tanong kay Kith habang nagda-drive.
"Wala nga... bakit ka naman nagtanong?". Tanong niya din sa akin.
Kumunot na lang ang noo ko...
"Eh bakit ang sweet niyo?". Galit kong tanong sa kanya.
"Para ko na siyang kapatid... at lumaki kami simula pagka-bata". Seryosong sagot ni Kith.
Sobrang close pala talaga nila...
"Eh bakit may pa love naman kita?". Galit na galit kong tanong.
Ngumiti lang si Kith at tinitigan lang niya ako...
"Bakit? Wala namang masama dun". Nakangiti niyang sabi.
Lalo na lang akong nainis sa sinabi niya sa akin...
"Hhhmmm... Ray love din kita". Nakangiti niyang sabi sa akin.
Bigla akong natigilan at pakiramdam ko nag-iinit na ang mukha ko dahil sa sinabi niya sa akin...
Ang saya! Pero mas masaya kung ako lang ang sasabihan niya nun...
"Love din kita...". Mahina kong sabi.
Teka? Bakit ko nasabi yun?
"Ano yun Ray?". Tanong ni Kith.
"Wala... sabi ko saan tayo pupunta?" Tanong ko sa kanya.
Buti nakahanap ako ng palusot... kinabahan ako doon...
"Basta mag-drive ka at ituturo ko na lang ang daanan". Sabi niya sa akin.
Sumunod na lang ako sa sinabi ni Kith medyo malayo yata ang pupuntahan naming dalawa...
Napatingin si Kith sa supermarket at pinahinto niya ang kotse kasi may bibilhin lang daw siya saglit...
Pagdating niya ay madami siyang dala na mga fruits at mga pagkain kaya nagtataka ako kung saan kami pupunta at bakit madami siyang binili...
"Uuhhmm... Kith bakit marami kang binili? Saan tayo pupunta?". Tanong ko sa kanya.
"Basta... malapit na tayo kaya mag-drive ka na lang". Nakangiti niyang sabi sa akin.
"Hhmmm... nakita ko yung magazine na ikaw yung cover... ikaw ba ang may-ari ng...". Di pa ako tapos magsalita pero inunahan na niya ako.
"Oo ako ang may-ari ng Castillo Royalty Casino at nag-decide ang board members na ako ang gawing cover sa magazine". Seryoso niyang sabi sa akin.
"Yung pic mo... ang hot...". Mahina kong sabi sa kanya.
"Thanks... galit na nga yung mga board members at gusto nila na i-cover ulit ako ng ibang magazines kasi bumenta at sobrang bilis naubos yung stocks... actually kahapon lang yun na-publish pero naubos agad kaso ayoko ng ulitin...". Nakangiti niyang sabi sa akin.
Naku! eh kahapon ko lang din yun nakita at mabuti nakabili ako ng isang copy kaya treasure yun... ang hot talaga niya dun at mukha kasi siyang anghel kaya di na ako nagtataka kung maraming naglaway...
"Talaga? Bakit naman ayaw mo ng mag-cover ulit?". Tanong ko.
"Baka mamaya hanapin na ako ng mga press at ayoko ng pinagkaka-guluhan ako ng mga tao". Seryoso niyang sagot sa akin.
"Diba mayaman ka talaga? Bakit ka nag-apply na PA ko?". Seryoso kong tanong sa kanya.
"Secret... ok naman ang performance ko sayo diba?". Nakangiti niyang tanong sa akin.
"It's not just ok... your the best!". Nakangiti kong sagot.
Ngumiti din siya sa akin at parang nag-blush siya ng kaunti...
Pa-mysterious talaga itong si Kith at hindi ko inakala na high-profiled pala talaga siya... kaso bakit ayaw niyang sabihin ang dahilan kung bakit siya ang PA ko?
Naguguluhan ako pero ayoko naman na pilitin siya na magsabi...
Nag-drive na lang ako at mukhang private yung lugar na pinuntahan namin ni Kith... Iniwan na namin yung kotse sa baba at umakyat kami sa hill...
Pagdating namin sa taas ay namangha ako sa sobrang ganda... ang ganda dahil tanaw ang paligid at malamig ang hangin dito...
"Paano mo nalaman na may ganito kagandang lugar?". Namamangha kong tanong kay Kith.
Natawa na lang siya bigla...
"Property niyo ang lugar na ito...". Nakangiti niyang sabi sa akin.
"Talaga? Hindi ko alam...". Nagtataka kong sagot sa kanya.
"Dito nagdi-date ang mom and dad mo nung kabataan nila at pumupunta din sila dito minsan...". Nakangiti niyang sabi sa akin.
"Hindi nila na-kwento sa akin... bakit naman alam mo?". Nagtataka kong tanong sa kanya.
"Close kami ng mom and dad mo... para na nila akong anak kaya ako ang kinuha nilang PA mo". Nagangiti niyang sagot.
"Talaga lang? Ambilis naman... pero paano kayo nagkakilala ng parents ko?". Nakangiti kong tanong.
"Mahabang kwento pero di naman ganun ka-importante at ikaw lang ang makakasagot sa tanong mo". Seryoso niyang sabi sa akin.
Lalo akong nagdududa sa mga sinasabi niya sa akin...
"Bakit naman ako lang ang makakasagot sa tanong ko?". Nagdududa kong tanong sa kanya.
"Secret.....". Natatawa niyang sabi.
Close pala sila ng mom and dad ko kaya pala kilala na niya ako...
May malaking puno sa gitna ng burol at doon kami pumunta ni Kith kasi malilim doon...
Naglatag siya ng tela at nilabas niya ang maraming prutas at pagkain pati cake kaya alam ko na may picnic kaming dalawa dito...
Umupo kami sa tela na nakalatag at magkatabi kaming dalawa...
"Uuhhmm... Kith lagi ka bang nandito?". Tanong ko sa kanya.
"Dati...". Malungkot niyang sagot.
"Ang ganda naman dito... ang sarap ng hangin at may peace of mind". Namamangha kong sabi habang nakatingin sa paligid.
"Yung lalaking mahal ko... dinadala niya ako palagi dito". Sabi niya at nakikita ko ang lungkot sa mga mata niya ngayon.
"Nasaan na siya ngayon?". Tanong ko at parang nalungkot din ako.
"Kinalumutan na niya ako... may girlfriend na siya ngayon". Sabi niya at parang maluha-luha na ang mga mata niya sa lungkot.
Hindi na ako makapag-salita kasi kitang-kita ko na mahal na mahal niya yung lalaki pero sinaktan lang siya nito...
"Pero masaya ako kapag nandito ako kasi may magagandang memories". Nakangiti pero may halong lungkot niyang sabi.
"Bakit mo ako dinala dito kung special pala ang lugar na ito para sayo?". Tanong ko sa kanya.
"Kasi special ka sakin... masaya ako kapag kasama kita". Seryoso niyang sabi sa akin.
Napatitig ako sa magandang brown eyes niya... at hindi ko maiwasang tanungin ang sarili ko...
Am I falling in love with this angel?
"Hhmm... matutulog muna ako at gisingin mo na lang ako kapag 6:07 na nang hapon". Nakangiti niyang sabi.
Bigla siyang humiga at inunanan niya ang mga hita ko kaya nabigla ako pero parang masarap sa pakiramdam...
Tulog siya... hindi ko maiwasan na mapatitig sa kanya dahil mukha siyang natutulog na anghel... sana ako na lang ang minahal niya...
Hindi ko alam kung bakit pero parang gusto ko siyang halikan... kaso baka magalit siya sa akin...
Hindi pwede... may girlfriend ako at magkakanda-letse letse ang buhay namin kapag hinayaan ko na mahulog ako ng tuluyan sa kanya...
Pero ayokong malayo kay Kith... ayoko din na may kasama siyang iba pero wala naman akong magagawa dahil hindi naman kami...
Mahal ko si Alexa pero iba ang pakiramdam kapag kasama ko siya... Hindi! Dapat kong gawin ang tama...
Siguro dapat itago ko na lang sa sarili ko ang nararamdaman ko sa kanya...
Tumingin na lang ako sa paligid at parang nangyari na ito sa akin dati pero ngayon lang naman ako nakapunta sa lugar na ito...
Napatingin ako sa orasan at malapit ng mag 6:07 kaya ginising ko na siya...
"Uhhmm... Kith gising na". Sabi ko habang tinatapik siya.
Bumangon siya at umupo siya sa tabi ko tapos sumandal yung ulo niya sa balikat ko...
"Ray... tingin ka sa araw...". Bulong niya sa akin.
Tumingin ako sa araw at napaka-ganda dahil unti-unti na iyong lumulubog at lahat ng nasa paligid ay nagkukulay kahel...
Parang may magic at napaka-ganda... tumitig ako sa mga mata ni Kith at lalong lumitaw ang kulay brown na mga mata niya dahil sa sunset...
Tumitibok ng mabilis at malakas ang puso ko at ngayon ko lang naramdaman ito dahil hindi ko ito naramdaman kay Alexa...
Lagi kong nakikita sa mga mata niya na may nakatagong lungkot kahit na nakangiti siya sa harapan ko...
Nang lumubog na ng tuluyan ang araw ay dumilim na ang paligid...
"Ray... uwi na tayo". Mahinang sabi ni Kith sa akin.
Tatayo na sana siya pero nahawakan ko ang kamay niya...
"Wait lang... may sasabihin ako". Hindi ko alam kung bakit pero...
"Ano naman yun?". Nagtataka niyang tanong sa akin.
"Hhmm... malapit na ang graduation kaya may grand ball kaming mga senior. Itatanong ko lang kung pupunta ka". Seryoso kong tanong sa kanya.
Parang nalungkot siya bigla...
"Malapit na ang graduation at hindi mo na kailangan ng PA". Malungkot niyang sabi sa akin.
"Bestfriend pa din kita... walang iwanan ha?". Nakangiti kong tanong sa kanya.
"Matagal mo na akong iniwan". Pabulong niyang sabi kaya hindi ko narinig.
"Ano yun?". Tanong ko.
"Ah... sabi ko invited ako sa grand ball kasi kakanta ako doon". Seryoso niyang sabi sa akin.
"Magaling ka palang kumanta... may gagawin din akong importante sa grand ball kaya gusto ko na pumunta ka para makita mo". Seryoso kong sabi sa kanya.
Umuwi na kami at hinatid ko siya pauwi... tapos dumiretso na ako sa apartment ko...
Masaya ako na kasama ko siya kaya nagdadalawang-isip ako kung itutuloy ko ang plano ko bukas... kapag ginawa ko na yung balak ko ay wala ng atrasan yun...
Ayoko kasing maramdaman ni Alexa na lokohin ng lalake kagaya ng nangyari kay Kith pero naiipit ang puso ko sa sitwasyon...
Itutuloy ko pa ba...
Ayokong masaktan si Alexa at mukhang imposible kung ipaglalaban ko si Kith kaya itutuloy ko na lang...
Lalong humigpit ang hawak ko ngayon sa isang kulay pula na maliit na kahon at sana tama ang desisyon na gagawin ko...
Itutuloy.............

No comments:
Post a Comment