By: Rezso
"Kung hindi ka pa handang ipagtapat ang totoo. Sabihin mo na lang samen kung nasaan ang 'Mirage Renata'" si Wilbert
Tinitigan ko sya nang diretso sa kaniyang mga mata. "Nasa libingan ko." Maigsi kong sagot sa kaniya. Pareho silang natigilan sa aking sinabi.
"Anong kalokohan 'yang pinagsasabi mo?" tanong ni Guilrom
"Bakit? Ayaw mo? Ngayong nagsasabi ako ng totoo, bakit ayaw mong maniwala?" sabi ko habang nakatingin ako sa mga mata ni Guilrom.
"Guilrom? Pwede bang iwan mo muna kami?" pakiusap ni Wilbert
"Bakit? Wag mong sabihin saking naniniwala ka sa mga kalokohan nitong baliw na 'to?" may bigat na sambit ni Guilrom
"Pakiusap. Ako man gustong gusto ko nang malutas ito. Kung patuloy lang na iinit ang ulo mo sa lahat ng sinasabi nya, mas makakabuting umalis ka muna. Siguro nga, ako lang ang may kakayahang intindihin sya. At isa pa, mas kilala ko sya higit kaninoman. Alam ko kung kelan sya nagsasabi ng totoo at hindi." sabi ni Wilbert
"Siguruhin mo lang na may mapapala tayo sa pagkausap mo dyan? Masyado nang nasasayang ang oras naten." sabi ni Guilrom bago ito lumabas ng pinto.
Matapos lumabas ni Guilrom ay agad na ibinaling ni Wilbert ang kaniyang pansin saken. Seryoso itong nakatitig saken na medyo nakakunot ang noo.
"Ang tinutukoy mo bang libingan ay libingan ni. . .." putol nyang sambit
"Oo yun na nga. Inilagay ko iyon doon bago sya ilibing. Sigurado akong walang nakakita saken kaya nakasisiguro akong nandoon pa yun hanggang ngayon." sabi ko. Hinawakan ni Wilbert ng mahigpit ang kamay ko dahil hindi ko maiwasang matakot.
"Kailangan ka munang manatili dito pansamantala. Kami nang bahalang maghanap ng natitirang ebidensya. Patawarin mo ako kung kailangan ka naming ikulong. Wag kang mag-alala, ipinapangako ko sayong hindi ka magtatagal dito." sabi ni Wilbert.
Sa loob ng mahabang panahon ay ngayon lang ako nakahinga ng maluwag. Kinailangan ko ng mahabang panahon para maipon ang lakas ng loob na ito. Sa pagkakataong ito ay bibigyang daan ko na ang bagong mundong nakalaan para saken. Ang mabuhay ng malaya. Ang bagong buhay na walang itinatagong lihim. Kahit na ang katotohanang inilalahad ko ngayon ay maaari ring pagbabalik ng buhay na matagal ko nang tinalikuran.
Ikinulong nila ako matapos kong sabihin kung nasaan ang ebidensyang hinahanap nila. Si Wilbert na halatang mabigat sa loob ang ginagawa ay nagtiis na lamang para matapos na ito. Hindi ko alam kung bakit, pero parang unti unti ko nang natututunan na mahalin sya. Pero hindi pwede. Ayoko. Maaari ko syang mahalin, pero hindi buo. Dahil kahit anong gawin ko ay hinahanap hanap ko pa rin makalimutan ang taong minahal ko. Sya lang ang nagmahal saken ng ganun at wala nang iba pang makakapantay sa pagmamahal na iyon. Ang mahalin nya ay ang pinakamagandang bagay na nangyari saken. Ang mahalin nya ang nag-iisang bagay na pinangarap ko. Nang matapos ang buhay nya ay sya ring paghinto ng kakayahan kong umibig ng buo. Maliit na bahagi na lang ng puso ko ang maaari kong ibigay sa iba. Dahil ang malaking bahagi nito ay nalibing na rin sa hukay kasama nya.
Habang ako'y tahimik na naghihintay sa isang gilid ng selda ay bigla na lamang akong nabalik sa ulirat nang katukin ang rehas. Napatingala ako at nakita ko si Wilbert at Guilrom. Seryosong nakatitig saken si Guilrom. Ngunit si Wilbert ay nakatitig saken ng diretso at nakakunot ang noo. May hawak syang bagay sa kaniyang kanang kamay. Sa nakikita ko sa kanya ay alam kong may natuklasan sya tungkol saken. Ang titig na iyon ni Wilbert ang untiunting nagdala ng takot saken. Ang tunay kong kinatatakutan. Ang makilala ang isang taong nakakaalam ng buong katotohanan sa aking pagkatao. Pagkataong inilibing ko na.
Nang makita ko sila ay agad namang inilahad saken ni Wilbert ang hawak nya. Inalis nya ang pagkakarolyo ng bagay na hawak nya. At tumambad saken ang larawang akala ko ay hindi ko na muli pang makikita. Ang larawang iginuhit gamit ang maraming dugo. Ang mga imaheng nagpapakita ng mga karumal dumal na kasalanan ng buo kong kaluluwa. Ito na ang umpisa ng pagtanggap ko ng kaparusahan sa mga nagawa kong pagkakasala. Ang muling pagbabalik ng pinakamamahal kong likha ang 'Mirage Renata'.
"Pwede bang iwan mo muna kami?" sabi ni Wilbert sa seryosong so Guilrom.
"Nais ko rin syang makausap." tanggi naman ni Guilrom.
"Mas mabuti pang ipa-DNA mo na muna 'tong painting. Kailangang makuha naten ang resulta sa lalong madaling panahon." sabi ni Wilbert. Napatango na lamang si Guilrom at hindi na tumanggi pa. Atat na rin syang malaman ang totoo. Kaya hindi na sya nagdalawang isip pa.
Matapos kaming iwan ni Guilrom ay agad naman akong hinarap ni Wilbert. Muli itong tumitig saken na may pagtataka. Ako naman ay napatungo na lamang at hinintay ang mga sasabihin nya.
"Collin." tawag nya saken. Napaangat ako ng ulo at agad ko syang tinapunan ng tingin. "Sabihin mo saken ang totoo."
"Alam mo na ang totoo. Ano pa ba ang dapat kong sabihin?" sagot ko.
"Pakiusap. Gusto kong marinig ang totoo mula sayo. Magsalita ka lang. Paniniwalaan ko ang lahat ng sasabihin mo." pakiusap ni Wilbert. Maya maya pa ay mayroon syang inilabas mula sa kaniyang bulsa. Isang putol na kutsilyo. Napangisi ako sa nakita ko pagkatapos ay bigla na lamang sumabog ang emosyon ko. Ang kutsilyong iyon na inilibing kasama ng mga bagay na makakapagpatunay ng totoo.
Wala na akong balak na itago pa ang lahat sa kanya. Tumayo ako at tumalikod. Iniangat ko ang laylayan ng aking suot na t-shirt at ipinakita ko sa kanya ang dahilan ng pagsakit ng aking likod.
"Hayop sya! Hayop sya! Bakit mo sya minahal?!" mahina ngunit mabigat na
"Sabihin mo Wilbert. Kaya bang mamili ng puso?" ang napapahikbi ko nang tanong.
"Bakit nagawa nya ito sayo? Bakit sya? Bakit hindi na lang ako?" tanong ulit nya.
"Wilbert." sambit ko sa pangalan nya. "Sino bang minahal mo? Ako o ang pagkatao ko?"
"Si Connor ang minahal ko. Sya at ang pagkatao nya." sagot ni Wilbert. Sandali akong napangiti sa sinabi nya. Pagkatapos ay hinipo ko ang peklat na nasa likuran ko.
"Wilbert, pwede bang iwan mo muna ako? Gusto ko munang mapag-isa. Pakiusap sana mainindihan mo, mahirap na bagay ito para saken." pakiusap ko
"Ayoko, hindi ako aalis hanggat di mo sinasabi saken ang lahat ng dapat kong malaman." sabi ni Wilbert. Tinitigan ko sya nang may lungkot.
"Pakiusap." maigsi kong sambit. Hindi sya nagsalita, tinignan nya lang ako ng diretso sa aking mga mata at marahang naglakad palayo. Ako naman ay muling sumandal sa pader. Napahawak ako sa ulo ko dahil medyo sumakit ito. Pumikit ako upang maipahinga ang utak ko, pero nabigo ako sa pagpapahinga. Bigla ko kasing naalala ang isang boses na nagmula sa nakalipas.
- - - - - - - - - -
"Kuya! Ano pa bang gusto mo?!"
"Sabi mo saken handa kang ibigay saken ang lahat diba?"
"Ibinigay ko na sayo ang pagkatao ko. Ano pang gusto mo?"
"Kilala ka nya at ikaw pa rin ang mahal nya."
"Pero pinatay ko na ang pagmamahal ko sa kanya. Ikaw na lang ang nandito sa puso ko. Sabihin mo ano pang gusto mong ibigay ko sayo?"
"Gusto kong mamatay ka!"
鈥斺€斺€� Madilim na gabi. Nakahiga lamang ako sa kama at hinihintay ko ang kaniyang pagdating. Ito ang kauna unahang gabi na ibibigay ko sa kanya ang kaniyang hinihiling. Ang unang pagkakataon na magsisiping kami. May kaba sa aking dibdib na hindi ko mawari kung ano. Nagaabang ako kung ano ang maaaring mangyari. Hindi ako makangiti dahil isang malaking kasalanan itong gagawin ko. Napatitig ako sa gawi ng pintuan. Nakasara pa rin ito. Hindi ko alam kung bakit sya natatagalan sa labas. Naiinip ako kaya bumangon ako at lumabas.
Paglabas ko ay narinig ko ang isang boses. Kilala ko ito kaya bigla na lamang akong napabalik sa loob ng kwarto sa labis na kaba. Nandyan sya at mukhang nagtatalo sila. Hindi ko alam ang gagawin ko. Gusto ko nang lumabas ng bahay at umuwi na lang samen. Hindi ko na itutuloy ang kalokohang ito. Pero hindi ko alam kung saan ako lalabas. Natatakot ako dahil baka makita ako ni kuya. Siguradong magagalit sya. Siguradong hindi nya ako mapapatawad sa gagawin ko. Mahal ko sya kaya ayokong magalit sya saken. Pero papano ako lalabas? Saan ako dadaan?
Habang iniisip ko kung saan ako maaring lumabas para makatakas ay bigla kong narinig ang isang malakas na sigaw.
"Ilabas mo sya!!!" sigaw ni kuya. Alam na nya. Alam na nyang nandito ako. Anong gagawin ko?
"Tumigil ka na!!! Wag kang magiskandalo sa bahay ko!!!" sigaw ni Godfrey
"Alam kong nandito sya. Hindi nyo ako maloloko!!! Ilabas mo sya!!!" sabi ni kuya. Nagugulumihanan na ako. Hindi ko alam kung saan ako pupunta. Aligaga akong nagpaikotikot ng kwarto ni Godfrey. Hindi ako makapag-isip ng maayos dahil sa sobrang takot. Nang bigla na lamang bumukas ang pinto at agad na bumungad ang mukha ni kuya.
"Sinungaling ka!!! Sabi mo ibibigay mo saken lahat ng gusto ko. Pero ano 'tong ginagawa mo?" tanong ni kuya. Ako naman ay naestatwa na lamang sa kinatatayuan ko.
"Kukkuuya. Magpapaliwanag ako. Kuya." takot na takot kong sambit sa kanya
"Mahal mo ako diba? Sabi mo mahal mo ako." tanong nya saken. Sinagot ko na lamang sya ng isang tango. "Halika na umuwi na tayo. Kakalimutan ko ito kung sasama ka saken." pagaaya nya saken
"Oo sige, uuwi na tayo kuya. Aayusin ko lang ang sarili ko." sagot ko sa kanya pagkatapos ay nagbihis ako at tsaka ako tumungo sa kinaroroonan nya para sumama na sa bahay.
"Connor." tawag ni Godfrey "Wag kang umalis." nakatayo lamang sya sa harap ng pintuan ng kwarto at nakatalikod samen. Hindi namen sya pinakinggan at tuloy lang kaming naglakad palabas.
Malapit na kami sa pintuan nang bigla na lamang akong tanungin ni kuya.
"Sabi mo ibibigay mo saken ang lahat diba?" tanong nya
"Oo, naibigay ko na sayo ang pagkatao ko. Ano pa bang gusto mo? Sabihin mo lang at gagawin ko." sagot ko. Bigla na lamang akong niyakap ni kuya ng mahigpit at naramdaman ko ang marahang paghalik nito sa leeg ko.
"Sinungaling. Kung ibinigay mo saken ang pagkatao mo. Bakit nandito ka ngayon?" pabulong na tanong nya saken. Nanginig ako sa takot nang marinig ko ang malalim na hugot ng kaniyang hininga habang bumubulong sya. Ramdam ko ang pagpupuyos ng galit sa kalooblooban nya.
"Kkkuuya. Di ba't ikaw na ang kuya. Ano pa bang hindi ko naibibigay sayo?" tanong ko
"Marami. Gusto kong ibigay mo saken ang lahat." sagot nya. Makasarili sya. Pero gusto kong ibigay sa kanya ang lahat kagaya ng hinihiling nya.
"Sabihin mo. Ano pang gusto mo?" tanong ko ulit.
"Gusto kong mamatay ka." kumabog ang dibdib ko sa sinabi nya. Pero napangiti ako dahil sa wakas ay nasabi nya rin ang gusto nyang mangyari. Mahal nya si Godfrey higit kanino man. Higit pa saken, pero ayos lang. Mahal ko naman sya kaya malugod kong ibibigay sa kanya ang gusto nya. Napatulo ang luha ko dahil sa saya. Dahil sa wakas ay ibibigay ko na sa kanya ang pinakahuling bagay na hinihiling nya saken.
"Oo. Kung iyan ang gus.. . ..." putol kong sagot dahil bigla kong naramdaman ang isang bagay na bumaon sa aking likuran. Masakit. Napakasakit pero hindi ko nagawang umalpas dahil sa higpit ng yakap nya. Dahan dahan pang bumaon ng husto ang itinarak nya saken. Naramdaman ko na lamang ang panginginig ng katawan nya kasabay ng mahinang paghikbi.
"Ito ang kapalaran naten. Ito ang ibinigay saten ng tadhana. Sawang sawa na akong maging anino mo. Pero dalhin mo sa hukay ang pabaon kong pagmamahal. Magiging masaya ka sa langit at wag kang mag-alala dahil igaganti ka ng impyerno saken. Sa pagkakataong ito, hayaan mo muna akong maging masaya nang walang kahati." sambit nya.
"Kkuku-kuya." banggit ko
"Ugh!" si kuya. Habang nasa likuran nya si Godfrey at mukhang galit na galit ito.
"Ikaw ang mamatay demonyo ka." sabi ni Godfrey. Lumuwag ang pagkakayakap ni kuya hanggang sa makalas na ito.
"Godfrey, mahal na mahal kita." sambit ni kuya
"Patawarin mo ako pero hindi talaga kita kayang mahalin." sagot ni Godfrey. Pareho kaming humandusay sa sahig ni kuya pero agad akong binuhat ni Godfrey at isinakay ako sa sasakyan.
"Godfrey, si kuya. Pakiusap wag mo syang pabayaan." sabi ko kay Godfrey
"Dadalhin kita sa ospital. Kailangan mong magamot. Wag kang mag-alala sa kanya, hindi nya ikakamatay ang ginawa ko." sabi ni Godfrey. Maya maya pa ay nawalan na ako ng malay.
- - - - - - - - - -
鈥斺€斺€� Nasilaw ako sa liwanag ng maimulat ko ang mga mata ko. Napanaginipan ko ang isang alaalang ibinaon ko na sa limot. Malamig ang sahig na kinatulugan ko. Masakit ang likod ko ganun din ang ulo ko. Nakatulog na pala ako sa sahig sa labis na pagiisip sa nakalipas.
Bumangon ako at tumungo sa rehas upang sumilip sa labas. Hinahanap ko si Wilbert pero wala akong makita mula rito. Pagkatapos ay muli akong tumungo sa pader at sumandal. Walang ligo. Walang kain. Walang kahit ano. Pero hindi ko ito iniinda. Wala naman akong pakealam sa sarili ko. Ang mahalaga lang naman saken ay unti unti nang nagbabalik ang lahat lahat. Naglalabasan na sa utak ko ang mga lihim na itinatago ko at muli ring nagbabalik ang sakit na dulot ng mga pangyayari sa nakalipas. Masakit pa rin at hindi ko ito maiwasang damhin.
"Tapos na ang lahat ng iyon. Tanggapin mo na lang at wag mo nang itapong muli ang pagkatao mong pinipilit mong talikuran." si kuya na nasa labas at nakatitig saken.
"Kuya, bakit andami kong hindi maalala?" tanong ko sa kanya
"Walang malinaw na dahilan kung bakit may hindi ka maalala sa nakaraan mo. Siguro, dahil pinilit mo itong kalimutan. Tanggapin mo na. Siguro mula sa puntong ito alam mo na ang dapat mong gawin." sabi ni kuya. Tumango lang ako sa kanya.
Kuya. Kuya. Kuya. Paulit ulit kong sinasambit sa kanya iyon. Isang malaking kasinungalingang binuo ko sa isip ko upang takasan ang sakit na nararamdaman ko. Isang patay na bagay na pinipilit kong buhayin. At ang tunay na bagay na dapat kong angkinin ay patuloy kong iwinawaksi sa aking sarili. Pero tama ang sinasabi nya. Kailangan kong tanggapin ang mga nangyari. Pero para magawa ko iyon ay kailangan kong makumbinsi ang taong nasa harap ko ngayon.
Malungkot na mukha ang iniharap ko sa kanya. Malungkot ngunit bakas ang pagiging matapang. Napangiti sya saken. Inilahad ko ang aking kamay sa kanya at tumango naman ito bilang pagsang-ayon.
"Handa na ako para tanggapin ka. Patawarin mo ako kung matagal kitang tinalikuran. Inilayo kita sa lugar na dapat mong kalagyan. Halika na, bumalik ka na saken." sambit ko sa kanya. Muli itong ngumiti at naglaho na lamang na parang bula. Huminga ako ng malalim at muli ko syang tinanggap. Masaya akong tanggapin syang muli.
Pagkatapos ay pinilit ko na namang alalahanin ng malinaw ang lahat ng nangyari upang masabi ko na ito ng buo. Ang mga tunay na pangyayaring pilit ikinakandado ng isip ko na ngayon ay binubuksan ko na. Hawak kong mabuti ng dalawang kamay ko ang aking ulo at pinilit na mag-isip. Muli kong inaalala ang bawat bangungot ko. Pinagdudugtong dugtong ko ito upang muling buuhin ang isang alaala. Ang katotohanan. Literal itong nabubura sa aking isipan dahil sa labis na takot ko sa alaalang ito. Pero ngayon ay muli ko itong bubuhayin upang makalaya na ako. Hindi sa kulungang ito, kundi sa misteryo ng madilim kong nakaraan.

No comments:
Post a Comment