By:Anonymous
Babala: Ang kwentong aking isasaad ay isang kathang-isip lamang. Ito ay isang kwento ng pagmamahalan sa dalawang binata. More of kilig and not sexual. Pero syempre may kasamang ganun kasi alam ko na gusto niyo yun at ako din.. hahahaha
(The rainy day)
Ang Nakaraan...
Nagising ako, naligo, kumain at nagbihis. Tinignan ko ang cellphone ko at nagtext pala siya sa akin. Ang dami niyang text, nagpupumilit na susunduin niya daw ako at
sabay kaming papasok. Ewan ko kung ano ba talaga ang pakay ng mokong na ito at gusto niya ako sabayan. Di ko pa din siya nireplyan. Lumabas ako ng bahay namin at
napansin ko ang kotse ni Miguel sa harapan ng bahay namin. Tumuloy nga si mokong sa pagsundo sa akin. Wala na akong nagawa at sumabay na sa kanya.
"Carlos, May sasabihin ako sayo..."
---------------------------------------------------------------------------------------------------------------
(Si Carlos)
ano naman kaya ang sasabihin ni migz sakin? Kinakabahan ako. Hindi ako handa sa ganitong mga eksena. Nakakapraning talaga.
"Oh, ano yun?" Mahinahong tanong ko sa kanya.
"Wala naman, wag na lang." sagot ni migz.
Naguguluhan ako sa kanya. Alam ko na may gusto siyang sabihin. Kailangan kong malaman yun.

(Si Miguel)
Alam ko na masyadong maaga pa kung magtatapat ako sa kanya, Kasi ako mismo ay hindi pa alam kung ano ba talaga tong nararamdaman ko. Mahirap para sa akin itong pinagdadaanan ko sa buhay. Alam ko na alam niyang may gusto akong sabihin sa kanya. Halata sa tono ng pananalita at kilos ko na may itinatago ako ngaun.
"Kalimutan mo na lang." Sabi ko kay carlos.
Tumahimik kaming dalawa. Napansin ko din na patingin tingin siya sa akin. Naguguluhan na talaga ako. Pero wala na e. Andito na ako sa point na kelangan ko nang sabihin. Kahit na hindi ko alam ang magiging reaksyon ni carlos ay ipagpapatuloy ko na.
"Carlos, amay sasabihin ako sayo." sabi ko sa kanya.
(Si Carlos)
Ano naman to? Bakit ba kasi hindi niya masabi ng diretso. Iba nang nararamdaman ko. May kasalanan ba siyang nagawa? Naiinis na talaga ako. Dalawa lang ang naisip kong dahilan para magkaganito siya. Ang ramdam kong gusto niya ako o kaya may nagawa siyang kasalanan sa akin.
"Ano ba kasi yun Miguel?" tanong ko sa kanya.
"Gusto kita." sabi ni miguel.
"Huh? di ko maintindihan." sagot ko sa kanya na kunwari ay hindi ko alam ang pinagsasabi niya.
"Alam kong mali to, pero gusto kita. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko para sayo. Gusto kita parang higit pa sa kaibigan." Naluluhang sabi ni Migz.
Naluluha na din ako. Parang sasabog na din kasi ang damdamin ko. Pero bigla akong nabunutan ng tinik sa dibdib, kasi naconfirm ko ang nararamdaman niya. Gusto niya talaga ako. Dito na ako nalinawan. Pinatigil ko sandali ang kotse.
"Itigil mo ang kotse." sabi ko kay miguel.
"Alam ko na hindi mo matanggap, kaya matatanggap ko kung bababa ka ngaun at hindi mo na ko papansinin." sabi niya sa akin.
Tinignan ko siya ng masama. Kunwaring galit ako. Umasta akong susuntukin ko ang mukha niya. Pero paiwas ang suntok kong ginawa, at nang makalampas sa ulo niya ang kamao ko ay hinila ko ang ulo niya malapit sa akin.
"OK lang yan. Gusto din kita." sabi ko kay miguel.
Hinalikan ko siya sa noo. Tanda na tanggap ko ang nararamdaman niya para sa akin.
(Si miguel)
Para akong nawalan ng dugo sa buong katawan ng halikan niya ang aking noo. Doon ko naramadaman ang security. Doon ko naramadaman ang halik nang pag-aaruga at pagmamahal. Para akong isang batang binigyan ng Candy.
"So tayo na?" Tanong ko sa kanya.
"ULOL! anong tayo na." Sagot ni carlos sakin.
"Eh gusto mo din naman ako." sabi ko sa kanya.
"Hindi porket gusto kita, eh makukuha mo ako ng ganun ganun na lang." sabi ni carlos.
Naguluhan ako. Pero alam ko ang gusto niya iparating. Patunayan ko sa kanya ang tunay kong nararamadaman.
(Si Carlos)
Hindi ako nakakasigurado kung totoo ang mga pinagsasabi ng mokong na to. Kailangan kong mapatunayan niya sa akin na gusto niya ako. Di ganun kadali ang lahat. Alam ko na gusto ko siya. Selfish man na dahilan ang sabihin kong gusto ko munang mapatunayan din sa sarili ko kung tama ba tong papasukin ko o masasaktan lang din sa huli. Hindi ko sinabi sa kanyang ligawan niya ako. Nakakailang para sa akin yun. Ang sakin lang ay ang seguridad na gusto niya talaga ako.
Nakarating kami ng school. Pinagbuksan niya ako ng pinto at hinatid pa ako sa aking classroom. Mukhang nagpapalakas si gago sa akin. Ako naman cool lang. Kinikilig talaga ako, pero hindi ko pinapahalata sa kanya. Masaya talaga ako sa mga narinig ko kanina. Parang gusto ko paulit ulitin yung eksenang sinasabi niya sa akin yun at ang paghalik ko sa kanyang noo. Ang sweet! Parang HighSchool lang na bago palang umiibig.
(Si Miguel)
Pagkahatid ko sa kanya, ay dumiretso ako sa aking mga kaibigan. Napakasaya ko ngaun. Sa kasiyahan ko ay inilibre ko ang aking mga kaibigan. Celebration kung tutuusin. Pero syempre tagong celebration. Hindi nila alam kung bakit ako nanlibre, pero sabi ko sa kanila, eh pabayaan na lang ako at maging masaya para sa akin. Tinext ko si Carlos at sinabing gusto kita at wala nang iba pa. Wala akong nakuhang reply, pero bahala na. Sinabi niya naman sa akin na gusto niya din ako, at yun ang panghahawakan ko. Buong araw akong nakangiti, mas naging aktibo sa klase. Talaga namang iba ang nararamdaman ng aking puso ngaun. Para akong nasa langit.
Maya maya pa ay tumawag si Carlos...
"Oh, bakit hon?" sabi ko kay carlos.
"Hon-hon-in mo mukha mo, tapos na klase ko." sabi niya sakin.
"San ka? Puntahan kita." sabi ko sa kanya.
"Andito lang ako sa tapat ng building namin." sagot niya.
"Sige wait mo ako diyan." sabi ko sa kanya.
Nagpaalam na ko sa mga kaibigan ko at agad na pumunta kay carlos.
(Si Carlos)
Ibang tindi ng tama sakin ng mga nangyari ngaun. Unti-unti ko nang nararamdaman ang mga pagbabago. Nginitian ko na ang aking kalapit sa upuan. Napansin niya ito at kinausap naman ako, at sa di ko alam na dahilan ay nakipagkwentuhan na ako sa kanya. Nag-iiba na ako. Magpapasalamat ba ako kay migz dahil dito? Ewan, pero mukhang maganda ang naging epekto nito sa akin. Mga ilang minuto pa ay papalapit na si miguel at hindi ko alam kung anong nararamdaman ko, bumibilis ang pagtibok ng puso ko.
"Kanina ka pa ba naghihintay?" tanong ni migz sa kin.
"Hindi naman." sabi ko sa kanya.
"Tara, snack tayo sa labas." sabi niya sa akin.
Sumakay kami ng kotse niya at tumungo sa isang coffee shop na malapit sa school. Mag 15 minute drive. Hinawakan niya ang aking kamay. Tinapik ko ang kaniyang kamay at agad niya naman itong inalis.
"Ayaw mo ata eh." malungkot na sabi ni Miguel
"Tandaan mo, hindi pa tayo. No touch muna migz." sabi ko sa kanya.
Nirespeto niya naman ang desisyon na yun. Nginitian ko lang siya. Napatitig naman siya sa akin. Pumasok kami sa coffee shop, umorder siya ng coffee para sa amin. Nang bibigyan ko siya ng pera ay hindi niya tinanggap. Nililigawan na ba talaga ako ni mokong? Ewan, pero ang sarap sa pakiramdam. Pag nalaman to ng mga babae at mga bading, for sure mahihimatay sila sa inggit. Ang gwapo kaya ni Migz.
"May tanong ako sayo, tinitigan mo talaga yung picture ko no?" tanong ko sa kanya.
"OO, dahil, di ko alam kung bakit, basta bigla na lang bumilis ang tibok ng puso ko nang makita ko yung picture mo na nakangiti ka." sabi ni migz sakin.
" Eh, bat mo kinopya sa USB mo yung mga pics ko? Nakita ko kaya yun habang ginagawa mo." sabi ko kay miguel.
"Eh, pakelam mo ba, eh gusto ko eh. Tinitititigan ko kaya yung mga pics mo bago ako matulog kagabi." sabi ni migs sakin.
Ewan ko, parang tuluyan na ata akong nagkakagusto kay gago. Pero, kelangan ko pa talagang mapatunayan yung nararamdaman namin sa isa't isa. Umalis na kami ng coffee shop, bumalik sa school. As usual, hinatdi na naman ako sa classroom ko at siya ay pumasok na din. Pagkatapos ng klase ko, ako naman ang pumunta sa classroom niya para maghintay sa pagtapos ng class niya. Pagkatapos ng klase niya ay niyaya niya akong lumabas at sinabing may sorpresa siya sa akin.
Ano kaya naman yun? Kinakabahan ako...
...Itutuloy....

Pbb teens...
ReplyDeleteNexxt please. Im inlove with this
ReplyDelete