By: Cedie
(Hi guys, I changed the names of the characters in my story for privacy. Thanks! And I am still using my third person POV)
Dumating ang professor nila Ced at nagpakilala ito. "Good morning class, My name is Engr. Paulo Calderon. You can call me Sir Paul for short. Si Paul ay may taas na 5'9, malaki ang katawan at halatang nagbubuhat dahil sa mga muscle sa kanyang braso. So lahat ba ng estudyante dito ay block section?" Sumagot ang buong klase at nalaman nila na lahat pala sila ay magiging magkakaklase sa buong sem. "Ok sige class, pakipasa muna ang mga Adviser Slip niyo para makita ko at mapirmahan. Ipinasa ng mga estudyante ang kanilang mga A.S sa professor at tinawag niya isa isa ang mga estudyante para ibalik ang mga A.S matapos pirmahan. "Ok now, tutal magiging magkakaklase kayo for the whole sem, let us get to know each other, magpapakilala kayo, your name, nickname, hobbies, sports, at things about yourself and magsisimula tayo at the back." Biglang natahimik ang dalawang bagong magkaibigan dahil silang dalawa ang nakaupo sa pinakacorner ng classroom at nagtawanan ng itinuro ng professor si Kiko. Nagsimulang tumayo sa upuan niya si Kiko at sinimulan ang pagpapakilala sa sarili.
"Hi all, my name is Francois Tan, 17 years of age, the nickname's Kiko, mahilig akong mag drag race, basketball, at mag gym. I'm a full blooded Chinese but I grew up here in Manila kaya matatas akong magtagalog. Siguro ayos na to?" Sabay kindat sa mga babaeng nakatingin sa kanya. Nagmistulang artista si Kiko dahil sa mga babaeng kinilig sa pagkindat nito. "Okay, so your Kiko, next!"
Tumayo si Ced sa kanyang kinauupuan at nagpakilala. "Good morning fellow classmates, Cyrus Edward here, Ced/Cedie for short,16, Schizoprenic", biglang nagtawanan ang mga estudyante sa biro ni Ced. "Likes to play badminton, chess varsity player nung high school and mahilig din ako maglaro ng mga game consoles. Mahilig akong kumanta, makinig ng music during spare time and mahilig lumabas ng bahay. I think that would be enough." Natahimik ang lahat sa tono na parang may pagkamaangas bigla ni Ced, ngunit tumayo uli ito at nagsalita, "Mahilig din pala kong bumanat ng mga jokes, kaya kung nayabangan kayo saken, JOKE ko lang yun, hahahaha..", nagmistulang simbahan sa katahimikan ang klase at bigla namang binatukan ni Kiko si Ced, "Ikaw naman kasi umaakting ka pa, natakot tuloy sila sayo", sabay naghagalpakan ng tawa ang buong classroom.
Isa isa pang nagpakilala ang ibang mga estudyante, nandiyan si Sarah, 16 taong gulang na mahilig kumain ng kumain, si Emily, 17 taong gulang, isang dalagang may angking kagandahan ngunit may pagkasuplada, si Robert, 18, may katangkaran din ngunit payatot. Marami pang nagpakilala hanggang sa natapos nang magpakilala ang lahat.
Nagwika si Sir Paul sa mga estudyante, "May mga scholar ba dito sa inyo? Pakitaas nga ang kamay ng mga scholar sa inyo para malaman ko kung sino ang ihihiwalay ko kapag exams." Nagsitaasan ang limang estudyante, sina Emily, Sarah, si George na isang binata na nasa 17 taong gulang at may pagkawirdo ang pagsasalita, si Jared na isang binatilyo na nasa 17 taong gulang din na may pagkamoreno at hindi din maikakaila na gwapo, at ang huling nagtaas ng kamay, si Ced...
"So kayong lima pala ang mga magiging palay na tutukain ng mga sisiw tuwing exams, mula ngayon tatandaan ko na kayo para maiwasan naten ang pandaraya dito. Hindi ko tinotolerate sa classroom ko ang pandaraya, kung sa ibang mga magiging guro niyo ay papayagan ko, sa akin ay hindi niyo pwedeng gawin yan. Maliwanag ba?!" Sumagot ang buong klase, "YES SIR!"
Kinausap ni Kiko si Ced, "Langya ka pre, scholar ka pala, bakit hindi mo sinabi sa akin?", "Itinanong mo ba pre? Hindi naman diba? Tsaka ayokong magmukhang maangas, kasi dati nung high school kame eh naging nerd at geek ako, ayoko nang maulit sa college un, gusto ko namang magkaron ng mga kaibigan hindi dahil sa gusto lang nila ko kopyahan.", may lungkot sa mga mata ni Ced nung sinabi iyon kaya inakbayan ito ni Kiko at nagwikang, "Wag ka magalala, mula ngayon kaibigan mo na ko, pero pag nahihirapan ako tutulungan mo ko ha, haha.", natatawang sagot ni Kiko at tumawa na rin naman si Ced.
Matapos nun ay nagsimula na ang kanilang unang klase.
Itutuloy...

No comments:
Post a Comment