By: Dean
(Don't say things that you can't prove, I'm gullible and expect that I'll believed in anything you say.)
Chapter 2
Dahil sa nakita ko na si Knight in shining armor ng buhay ko, naiinspire ako sa bawat paggising ko sa umaga. Well, once in a blue moon ako magkagusto, choosy kasi ako. Hmmmmmm, wag tumaas ang kilay, ibaba mo yan, kasi pagnakita mo ako eh masasabi mong may karapatan ako. Ang yabang ko daw eh no? Eh, yun kasi ang nakikita ko at ng ibang nakakakilala sa akin. So balik tayo sa love story namin ni Knight in shining armor. by the way his name is Antonov. Weird di ba? Antonov, ngaun ko lang kasi narinig yung pangalan na yan. Syempre dahil siya ang future hubby ko, nagresearch ako. And Antonov is a russian name pala. Hay, Ang gwapo niya at ng pangalan niya.
Pumasok ako sa bank. Super busy ako kunwari, syempre para naman hindi masabi ng co-workers ko na sumesweldo ako ng walang ginagawa, then biglang pumasok si Antonov my labs. So, ako pasulyap sulyap lang sa kanya. Nginingitian pag napapatingin siya sa direksyon ko. Ewan ko kung sa akin siya tumitingin, basta super smile ako pagnagkakataon na napapatingin din siya sa akin. Kelangan niya ako mapansin. Matagal-tagal din ang set-up naming ganun, patingin tingin lang ako sa kanya. Nahihiya din naman kasi akong lapitan at kausapin siya.
Pero masyado nang lumilipas ang oras, nasasayang. After three months, naglakas loob akong pumunta sa kaniyang kainan. Just to inform you, ang business ni Antonov ay isang First class restaurant. Pumasok ako, di naman mapagkakailang maganda ang takbo ng business niya, magaling siguro tong magmanage. Napansin ko lang sa resto niya, lahat ng crews ay magaganda at gwapo. Ultimo security guard ay may hitsura. Takam na takam naman ang mata ko sa mga gwapong waiter na nakikita ko. Pero syempre, hindi sila ang sinadya ko dito kung hindi ang kanilang bossing.
Masyado atang mailap ang panahon sa akin, nakailang order na ako, at halos masuka na ako sa kakakain ay hindi ko pa nakikita si Antonov. Kinabukasan, pumasok ako sa bank, normal pa din ang lahat. Hindi naman ako masyado nagdamdam sa hindi ko pagkita kay Antonov. Tas nagtaka ako, hindi si Antonov ang nag deposit ng pera nila, yung waiter na nakita ko ang nagpunta sa bank.
Ilang linggo din na yung waiter na yun ang nagpupunta ng bank. At dun ko naisipan na pumunta ulit sa resto ni Antonov. Swinerte naman ako at andun si Antonov. Ang gwapo talaga niya, hay, umupo ako sa isang lamesa na mejo nasa dulo ng resto, Lumapit sa akin ang waiter at ako'y umorder. Maya maya pa ay lumapit si Antonov at siya ang nagbigay ng order ko.
"Diba ikaw yung nagtatrabaho sa ****** bank?" Antonov.
"OO, ako nga, ikaw pala may-ari ng resto na to." Mirco.
"Yes, sige enjoy your food Mr. Manager." Antonov.
Umalis na si Antonov, Hindi maalis sa mukha ko ang ngiti, syet, kinausap niya ako. Hay, kung alam niya lang na gusto ko siya.Pagkatapos ko kumain, ay nagpasyang magbayad na. Tumawag ako ng waiter, nagbayad. Nagtaka ako ng bumalik si Antonov, siya pala ang magbibigay ng sukli ko. Pagkatanggap ng sukli, ay agad kong nilagay sa bulsa ko ang pera at ang resibo. Pati resibo tinabi ko kasi nahawakan yun ni Antonov. Natatakot na ako sa sarili ko, masyado na ata akong nababaliw sa kanya. Pati ba naman resibo na nahawakan niya ay nakuha kong itago.
Pagkagaling sa resto ni Antonov, ay nagpasya na akong umuwi. Wala din naman kasi akong balak na maglakwatsa, siguro pagod na din sa bank. Pagkauwi, ay agad akong pumasok sa kwarto para magshower. Tinanggal ko ang pera sa bulsa ng pantalon ko, ngunit nalaglag ang mga ito. Nang dinampot ko ang pera at ang resibo ay napansin ko na may isa pang papel na nakasingit sa mga pera. Binasa ko ito.
"092*******7 - Antonov." Mirco.
Natulala ako sa nabasa ko, totoo ba ito? Number ni Antonov? Binigay niya sa akin ang number niya. Namula ako sa kilig. Eto, eto na talaga ang oras. Hay, Eto na yung hinihintay ko eh. Tatalon talon ako sa kama, para ba akong nahihibang sa nakita ko. Mukha akong tanga sa totoo lang. Siyempre, sinave ko agad yung number niya sa phone ko. Tuwang tuwa talaga ako. Sa katuwaan ko ay napajakol ako habang iniisip siya!
"Tangina mo Antonov, sarap mo." Mirco.
Pagkatapos magjakol ay nagshower na ako. Nagbihis at humiga sa kama. Tinext ko si Antonov.
"Hi there Antonov, This is Mirco." Mirco.
Biglang nagring ang phone ko. Pagtingin ay si Antonov pala ang tuwatawag.
"Hi." Nahihiyang boses ni Antonov.
"Hello." Mirco.
"Akala ko di mo na ako itetext eh." Antonov.
"Ahh, bakit mo pala binigay ang number mo?" Mirco. Painosente kunwari.
"Wala naman, just want to be your friend." Antonov.
"Ahhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhh, ok." Mirco.
Nagkwentuhan kami ni Antonov. Para bang wala nang bukas nung kami'y nagusap. Siguro mga 3 oras din kami nag-usap. Natatawa nga ako kasi, ako ang nagpaplano para makafirst move, eh nauhan niya ako. Mukhang sinangayunan ako ng kalangitan sa mga gusto ko mangyari. Hindi pa rin ako makaget over sa mga nangyari ngaung araw. Isipin niyo naman kasi, ilang buwan di akong patingin tingin lang kay Antonov, tas ngaun, siya ang nagserve sa akin sa resto niya, kinausap ako at binigay pa niya number niya. Ganun ba kaatat ang mga bituin para maging kame ni Antonov? hahaha.
Kinabukasan, tinawagan ako ni Antonov.
"Goodmorning Mirco." Antonov.
"Goodmorning din, o bat napatawag ka?" Mirco.
"Wala naman, sunduin kita, on the way naman yang lugar mo papunta sa resto, at malapit lang naman yung bangko sa resto ko eh. Ok lang ba?" Tanong ni Antonov.
"Ah ehhh, nahihiya ako eh." Mirco.
"Sus, ok lang yun." Antonov.
"Ok, sabi mo eh." Mirco.
Ayun na nga ang nangyari. Pero kakaiba nung nagkita kami, ngitian lang kami ng ngitian. Siguro nahihiya pa din si Antonov, pero ako din eh. Di pa din ako makapaniwala. Emotional Shock baby! hahahaa. Pero naisipan ko na kausapin na siya, ang awkward kasi nung silence. Hindi ako sanay. Parang nasa alapaap pa din ako. Hay, sana magtuloy tuloy na to. At kung maging kame, naku, hindi ko na to papakawalan. Kahit siya makipaghiwalay sakin, hindi ako papayag. Ay, ano ba tong nasasabi ko, hindi pa kami, hiwalayan na kagad. So hanggang natungo na nga namin yung bank.Bumaba na ako ng kotse.
"Bye, Antonov, thanks for the ride." Mirco.
"Sige, salamat din." Antonov.
"For what?" Mirco
"Basta, hehe, sabay tayo maglunch later, sunduin kita." Antonov.
"Naku, wag na, hassle naman." Mirco
"Sige na, payag ka na." Antonov.
"Sige na nga." Mirco.
Pakipot pa ako, pero deep inside, kahit di pa siya maginvite, pumapayag na ako. hahahaha. Well, kailangan pakipot muna, hindi ako easy to get, kahit nabihag niya na puso ko. Hay, unexpected things happen for a reason. Well, swertehan lang yan. Nagkataon, na yung taong gusto ko ay may lihim din atang pagtingin sa akin. Sana naman, wag ako lokohin neto. Mabilis kasi ako maniwala at magtiwala, kaya mabilis ding masaktan, pero mabilis din naman makarecover. Ano ba yan, ang bilis ng mga bagay bagay sa buhay ko. Baka bukas mapadali ang buhay ko. Hahaha joke lang. wag naman sana. Hindi pa naisusulat ng writer ang love story namin, patay na kagad? hahaha.
Naging maganda ang takbo ng umaga ko. Nag-iba ang mood ko ng may nagreklamong client. Naku, yan ang pinakaayaw ko sa lahat. Baka kasi hanggang magkita kami ni Antonov eh badtrip pa din ako. Napagalitan ko yung teller, akala mo maganda, tatanga tanga naman. Pero siyempre di para sigaw sigawan ko yung teller, kinausap ko naman siya nga mahinahon. Pagkalabas namin nung teller sa office ay nakita ko si Antonov, at nakita niya akong nakasimangot. Lunch time na pala, lumapit ako sa kanya, at sabay kaming lumbas ng bangko.
"Bat, nakamangot ka?" Antonov.
"Ah, wala, may nagreklamo kasing client, eh ayaw ko ng ganun." Mirco
"Naku, wag mo na isipin yun, cute ka pa din pala kahit nakasimangot. Antonov habang pinipisil ang pisngi ni Mirco.
Ngumiti lang si Mirco, at nagtungo na sila sa resto ni Antonov para kumain.
"May gagawin ka ba mamaya pagkatapos ng work mo?" Antonov.
"Wala naman, bakit?" Mirco.
"Yayain sana kita sa bahay." Antonov.
"Ang bilis naman, di pa ako ready." Pabirong sagot ni Mirco.
"Ayy, to naman, ipagluluto lang kita ng dinner." Antonov.
"Akala ko naman, kung ano nang gagawin mo sa akin, Sige ba." Mirco.
Hinatid niya ulit ako sa bank, sana bumilis ang oras. Gusto ko na ulit makasama si Antonov. Naaadik na ata ako sa kanya. Para siyang isang sakit na patuloy akong nilalamon, at kung totoo man yun, ayaw ko nang gumaling.
...Itutuloy.....
No comments:
Post a Comment