Pages

Wednesday, November 14, 2012

Bulag (Part 5)

By: Rico Toledo

ang kwentong ito ay kathang isip lamang, may pagkatugma ngunit hinango sa realidad. anumang pagkaeksaherado at paglabis ay ginamit upang mapaganda ang istorya. masayang pagbasa..... VOX.

-------------------------------------------------------------------

Pahina 5 Bulag sa Paglalakbay

Natapos ang mainit na gabing iyon at nagpaalam kami sa isa't isa. Siguro nga ay nadala lang ng libog ang mga pangyayari. Umuwi na ko at naghanda para sa pagpalaot. Naabutan ko na si mang Enri na nagaayos ng lambat namin. Ilang sandali pa at lumayag na nga kami. Masaya ako at sabik ng pumasok sa eskewla dahil gusto kong makita si Tristan. Napansin iyon ng aking ama-amahan.

"Mukhang masaya ka iho?" tanong nito.

"Wala ho, may natutunan lang ako." sagot ko

"Tungkol ba ito sa pagkatao mo?" usisa niya

"Ano hong ibig ninyong sabihin?" nagulat ako sa tanong niyang iyon.

"Iho, halos sa akin ka na lumaki, kilala kita kapag umiibig. Gwapo ka pero ni minsan ay hindi mo nadala sa akin itong sinasabi mong kalaguyo, duon na ko naghinala sa iyo dahil di katulad ng ng ibang mga binata, ginagamit nila ang itsura nila para makapangbabae. At tungkol na din sa biglaan mong pagtatanong tungkol sa mga bayot. Kitang-kita ko kung paano ka maguluhan" paliwanag niya na siyang nagpatigil sa akin.
"Naguguluhan ho kasi ako talaga, kung bakit nagkakagusto ako sa kapwa kong lalaki." ang tanging nasagot ko.

"Iho, ikaw ang gumuguhit sa kapalaran mo, kung iyan ang napili mong tahakin, hindi kita pipigilan. Kaysa naman magpakabulag ka sa katotohanan. Teka sino ba itong nagpapatibok sa iyo ngayon?"

"Ahaha, si manoy talaga, huling huli ako"

At saka napalitan ng tawanan ang maalong umagang iyon.

----------------------------------------------------------------------------------------

Pagdating sa eskuwelahan ay agad akong hinarap ni Cha, tinanong niya kung bakit kami nagaway ng kuya niya. Sinabi ko na lamang na maliit na 'di pagkakaintindihan lamang iyon. Natawa siya dahil kung maliit daw iyon, bakit ganun ang nangyari sa kuya niya. Nagtaka ako kaya't hinanap ko si Tristan. Nakita ko siya sa sulok ng kwarto, namamaga ang pisngi. Nagalala ako at halos hindi makapagsalita nung lumapit ako sa kanya.

"Pasensya na sa ginawa ko..." hindi ako makatingin ng diretso.

"Mukha na tuloy akong butete.." ngiti niya habang nakatingin sa akin.

"Pasensiya talaga, hindi ko kasi alam na--"

"ssshh, Mahal kita... upo ka na dito" at bigla niya akong hinila sa tabi niya.

Masaya ako sa bawat klase, halos tumaas nga ang marka ko kasi araw araw kaming magkasama. Minsan pa nga ay pinapakopya ko na siya sa mga pagsusulit, ganun ba talaga pag inlab', gusto mo laging mataas ang tingin sayo ng mahal mo, yung tipong maipagmamalaki ka niya. Lagi din kaming tumatambay sa may dalisdis, minsan nagdadala siya ng pagkain at mapaglilibangan. Napansin din sa klase ang pagiging malapit namin , isa na dito si Trisha.

"Kamusta ka na?" tanong nito, nun lang ulit kami nakapagusap ng harapan.

"Ayos lang."

"Akala ko galit ka kay Tristan,"

"Hindi ba dapat mas magalit ako sa iyo? Pero kinalimutan ko na yun."

"Hindi mo na ba ako mahal?"

"Trisha, ikaw kusang lumayo sa akin, hindi ibig sabihin may mababalikan ka pa, kaya kong maglakad. Kaya kong lumayo." at saka iniwan ko siyang lumuluha.

----------------------------------------------------------------------------------------

Minsan pa'y inaya ako ni Tristan sa kanila, manunuod daw kami. Pagdating sa kanila'y naabutan ko ang kanyang mama sa may garden. Nun ko lang nakita ang mama niya pero natakot na ako, mukha kasi itong sopistikada at mataas. hanggang napansin niya ako sa harap ng bakod.

"Anong kailangan mo?" tanong ng matanda.

"Ah- kaklase ho ako ni Tristan, ako ho si Rico" sagot ko.

"San ka nakatira? Sino magulang mo?" sunod na tanong niya.

"Wala na ho akong tatay, Si Linda Toledo po nanay ko, sa may Sitio Asul ho kami, malapit sa may dalampasigan..."

"Linda-- Linda Toledo--" nabigla ito

"oho, kilala niyo ho ba siya?" pagtataka ko

"Aa-- Hindi! Hindi, sige na tumuloy ka na, nasa kwarto si Tristan." mariing utos nito.

At tumuloy na nga ako sa kwarto ni Tristan. Takang-taka ako sa inasal ng kanyang ina pero hindi ko na napagisipan pa dahil sinalubong ako ni Tristan at hinila papasok ng kwarto. Pagkasarado ay agad niya akong sinunggaban, mainit, mapusok na halikan at parang mauubusan na ako ng hininga. Mahigpit ang yakap niya sa akin kaya't nararamdaman ko ang matigas niyang alaga. Parang kuryenteng tinamaan ako ng kahayukan. Lumaban ako at kumilos habang dahan dahn siyang itinutulak papuntang kama. Nang mabunggo niya ang kama'y sabay kaming natumba pero hindi ko siya tinigilan.Nagkiskisan ang aming mga alaga, ang sarap sa pakiramdam kaya't kumakadyot ako ng marahan. Nakakarinig na ako ng mahihinang ungol habang nageespadahan kami ng dila.

Napatigil ako at panandaliang huminga. Ang ganda ng ngiti niya habang nagpapahinga sa ilalim ko. Ang gwapo niya sa mapula niyang mukha. Dun ko napansin ang maliit na pilat sa kanyang kilay.

"Napano yan?" sabay turo dito

"Aa mula pa daw bata ako meron na ko niyan, pati si Cha at si Daddy meron niyan. Traits na daw sa family"

"Aah nakita ko nga pala ang mama mo sa labas" pagiiba ko

"Oh anung sabi sayo? Inaway ka ba?" pagaalala niya

"Hindi naman, nagtanung lang kung sino ako tas pinapasok na ko" sagot ko.

Muli niyang hinila ang ulo ko padikit sa kanya at hinalikan ako. Lumikot na rin ang kamay niya sa aking likod. Napapasabunot naman ako sa kanyang buhok, mas lalong tumindi ang libog na aking nadarama. Humawak siya sa aking puwitan at iginigiya ang marahang pagkadyot ko. Halos mahubad na ang shorts ko sa kiskisang ginagawa namin. Hinawakan niya bigla ang alaga ko na siya namang ikinagulat ko.

Akala ko hanggang ganun lamang ang gagawin namin dahil may mga tao sa bahay nila.

"oh bakit" tanong niya

"Ah wala, kasi ngayon lang natin ginawa to"

"Mahal mo ba talaga ako?"

"oo Tristan, sayo ko lang naramdaman maging masaya ng ganito" sabay ngiti ko.

"Aangkinin kita ngayon Rico..." sabay sunggab niya sa kin dahilan para magkapalit kami ng puwesto.

At kasabay ng paglubog ng araw, ang simula ng aking pinaka mainit na gabi...

SUSUNDAN

3 comments:

  1. Hinintay ko tlga ang update nito at sa wakas! Eto nah! :)

    Pero bkit ang ikli?

    ReplyDelete
  2. Kaya nga 1st comment tama ka :D pwedeng try nating dalawa
    .
    .
    @trav

    ReplyDelete

Read More Like This