Pages

Thursday, November 22, 2012

Saltwater Room (Part 7)

By: Travis

Pagkatapos namin kumain ay nagpasya na si Xander na umuwi.

"Salamat Trav, hindi ko to makakalimutan"

"Ano ka ba parang yun lang eh"

"Sa uulitin ah?"

"Oo naman"

at hinatid ko sya sa sasakyan nya. Doon ko lang nakita na masayang masaya si Xander, kahit na simple lang ang mga ginawa ko nakita ko naman na na-appreciate nya ang mga yun at alam ko mauulit pa ang pag-over night ni Xander sa dorm.

Lumipas ang isang linggo na hindi pa ulit kami nagkikita. Martes yun wala akong pasok at napagpasyahan ko na pumunta sa parke na malapit sa dorm. Nagdala ako ng Chocnut at biskwit pati na din ang libro ko sa isang subject kasi balak kong magbasa basa doon. Maayos naman ang Park, maaliwalas na ito kumpara sa dati na parang gubat sa sukal. Bago ang mga benches kaya nakakaenganyo na mag-stay dun. Mga dalawang oras na lumipas ay may kumakalabit sa akin at si Xander pala.
"O bakit ka nandito? Tsaka paano mo nalaman na nandito ako?"

"Ayan o kitang kita ka sa kalsada"

sabay turo sa kalsadang katapat ng inuupuan ko. Totoong kitang kita ako dun kaya nung nakita nya ako ay pinuntahan nya ako.

"Anong ginagawa mo dito?"

ang tanong ni Xander sa akin.

"Eto nagbabasa basa lang"

"Ah ganun ba, Naku, baka naman nag-eemo ka kasi naalala mo si Aaron"

"Bakit ko naman sya iisipin?"

"Mukha ka kasing malungkot eh akala ko iniisip mo sya"

"Naku wala na kong panahon sa mga ganyan"

"Naisip ko lang, bakit hindi mo sila gantihan? Yung tipong iinisin lang"

"Hayaan mo na sila, masaya naman na sila eh"

"Sa akin kasi parang hindi ayos eh, ginanun ka lang nila"

"Tandaan mo Xander, digital na ang karma ngayon"

sabay tawa

"Xander, kumakain ka ba nito?"

sabay pakita sa kanya ng dala kong Chocnut at biskwit.

"Paborito ko 'to eh. Penge!"

at inagaw nya ang dala ko. Natuwa naman ako kasi kahit mayaman sya ay kumakain sya ng mga ganun.

Ilang saglit pa ay umalis na kami. May sumalubong sa amin na mga street children, binigay ko ang natitirang pagkain na dala ko, akala ko ay susungitan nya ang mga bata pero nagulat ako kung paano makihalubilo sa mga bata si Xander at binigyan pa nya ito ng pera.

"Sa pagkain lang yan ah wag sa kung ano anong bisyo, wag kayong mag aaway"

ang paalala ni Xander sa mga bata. Lalo akong humanga sa ipinakita ni Xander, talagang nagbago na sya at masayang masaya ako dun.

Dumating ang araw ng birthday ni Aaron, pero walang dumating na invitation. Naisip ko na dumaan na lang saglit sa venue at inabot ko sa kanya ang regalo ko, ayoko kasing isipin na ipinasawalang bahala ko ang imbitasyon na kahit na walang invitation na dumating sa akin. Tinext ko si Xander na kung pwede nya ako samahan at pumayag naman sya. Pagdating doon ay madami ng tao. Nakiusap ako sa security na kung pwede ay papasukin ako kahit sandali lang para iabot ang regalo ko, pero hindi ako pinayagan. Nagpasya na lang ako na umalis ng may tumawag sa akin.

"Travis! Travis! Sandali!"

at paglingon ko si Aaron pala at hinahabol ako.

"Bakit hindi ka pumasok sa loob? Tara"

at hinila nya ako papasok pero pumiglas ako ng konti.

"Hindi din ako papasukin wala akong invitation na dala"

"Ah naiwan mo? Sige ako bahala tara na sa loob"

"Wala akong natanggap"

"Ha? Paano nangyari yun pinadalhan kita, sa dorm mo ang address imposibleng hindi dumating, si Clyde pa nga ang naghatid daw nun sayo"

at natigilan sya at napaisip na baka sinadyang hindi ibigay sa akin ni Clyde ang invitation.

"Ok lang Aaron, iaabot ko lang naman yung regalo ko, Happy Birthday! Sige pasok ka na baka hinahanap ka na ng mga bisita mo"

"Please Travis pasok muna tayo sa loob"

May biglang sumingit na boses.

"Aalis na din kami pare"

at pinuntahan ako ni Xander, hindi na nagpumilit pa si Aaron at pumasok na pagkatapos ko sabihin na pumasok na sya.

Habang nasa byahe ay tahimik lang ako. Naisip ko kasi kung bakit ba talaga kami nagkahiwalay ni Aaron. May hindi kaya sya nagustuhan sa akin? O kaya mas magaling sa kama si Clyde kaya nya ako hiniwalayan, nanghihinayang man sa nasira naming relasyon ay naisip ko na lang na baka hindi pa panahon na ma-inlove ako at kung kelan kaya darating ang panahon na may magmamahal sa akin ng totoo.

Umuwi ako ng pagod na pagod, natulog na ako pagkauwi ko. Naisip ko na may extra na akong pera pambili sa ireregalo ko kay Xander, alam ko na magugustuhan nya yun.

Kinahapunan ay nagpunta ako sa mall at binili ang painting set. Tinext ko siya kung nasa bahay ba siya at kung pwede ba siyang puntahan at Oo lang ang naisagot niya.

Pagdating ko sa kanila ay nakita niya ang dala ko

"Ano yan?"

"Ah eto, regalo ko sayo"

"Regalo? Hindi ko naman birthday"

"Basta appreciate mo na lang" at dinala ko ang dala ko sa kwarto nya.

"Tara na Xander"

at inaya ko sya sa kwarto nya.

Nilabas ko ang Painting Set na dala ko, at binigay ko sa kanya ang brush at palette.

"Sige na Xander, simulan mo na"

at nakatitig lang sya sa inabot ko. Ilang saglit pa ay nagsimula na sya magpinta. Parang nabuhayan ulit si Xander ng mga oras na yun. Kitang kita ko sa mukha nya na masaya sya na nagpipinta sya ulit. Ayoko kasi mawala yung talento nya dun dahil lang sa walang nag-uudyok sa kanya na gawin ang mga bagay na dati na nyang ginagawa.

Inabot ng 35 minutes bago matapos ni Xander ang obra nya. Humanga ako sa ganda nito dahil sa alam ko na may katagalan na din na hindi sya nagpipinta pero nagawa nya pa din ito na maganda.

"Thank you Trav, thank you"

at binigyan nya ko ng halik sa pisngi at natulala ako.

Itutuloy..

3 comments:

  1. bitin nnman! lol upload na ung next! :))

    ReplyDelete
  2. bitin naman talaga oh.. please make the updates fast and long.. pleaseee.. im begging you...

    ReplyDelete
  3. john kevin bacarisaMarch 30, 2015 at 10:57 PM

    Ano po unt name ng room ng km? Di ko kase ma view sa mobile e. Thanks

    ReplyDelete

Read More Like This