Pages

Monday, November 26, 2012

Payong (Part 1)

By: JohnXXX

Tumingin ako sa aking relo: 10pm nap ala. Madilim na sa labas at patuloy pa rin ang pagpatak ng ulan. Mabuti na lang may payong akong dala. Nagpaalam na ako sa aking mga kaopisina at lumabas na.
Ako nga pala si John, 22, 5’10 ang height, maganda ang pangangatawan (naggygym kasi ako), at confident akong sabihin na may itsura ako. Isa akong computer engineer na nagtratrabaho sa isang kilalang kumpanya sa Makati bilang isang programmer. Nagovertime na naman ako dahil sa pagdedebug ng isang program. Araw-araw nasa harap ako ng computer. Ayos lang, mahal ko naman ang trabaho ko.
Kinuha ko ang payong ko mula sa bag. Medyo lumakas ang ulan kaysa kanina. Sana hindi na to lalo pang lumakas. Mula sa aking opisina, ilang minutong lakad lamang ay ang nasa condo na ako. Mag-isa lamang ako dun at ang condo na iyon ay katas ng iilang taon kong pagtratrabaho.
Lumakas pa lalo ang ulan. Nagpatuloy ako sa paglalakad kahit ramdam ko na ang pagkabasa ng aking mga sapatos at laylayan ng pantalon. Ang malas ko at nakakainis ang ulan.
Napagpasyahan kong huminto muna sa isang coffee shop na nadaanan ko. Bumili ako ng tinapay. Hindi naman kasi ako umiinom ng kape. Naghintay ako ng kaunti, tinatantya ko kung hihinto ba ang ulan o kahit papaano ay hihina ito.
Lumingon ako sa paligid nang may nakita akong isang lalaki na nahuli kong nakatingin sa akin. Mga ilang segundo rin bago ko inialis ang tingin ko sa kanya. Maamo ang kanyang mukha, matangos ang ilong, malinis na gupit, at matangkad. Gwapo.
Nakasuot sya ng puting longsleeves at pantaloon at halata na maganda ang hubog ng kanyang katawan. Kumabog ang dibdib ko. Bakit nakatingin sa akin ang lalaking iyon?
Dahil lumalalim na ang gabi, umalis na ako ng coffee shop. Patawid na ako sa pedestrian lane nang may maramdaman akong umakbay sa akin at nagsabi, “Pre, pwede pasukob naman. Wala kasi akong payong.”
Kumabog muli ang dibdib ko. Tumingin ako sa kanya. Nagkatitigan kami. Ang mata nya sa mata ko. Ngumiti sya.
“Sige, ayos lang. Saan ka ba?” malugod kong sinabi.
Lalo syang ngumiti. “Malayo pa eh. Pwede bang makituloy ako sayo? Basang-basa na kasi ako.” Tinitigan ko ang kanyang mga labi habang nagsasalita sya. Maninipis at mapupulang labi. Mukhang masarap kagatin.
“Ha? Ganon ba. Sige, dyan lang naman ang condo ko.” Parang nagayumang sagot ko.
“Talaga? Salamat pre!” Lalong humigpit ang akbay nya sakin. Naramdaman ko ang matitipuno nyang braso na kumikiskis sa katawan ko. Basang-basa nga talaga sya at wala na rin akong pakielam kung mabasa rin ang suot ko dahil sa kanya.
“Ako nga pala si Aaron,” pakilala nya sa akin. Muli syang ngumiti, ngayon ay nakalabas ang mga ngipin. Maputi at pantay-pantay ito. Mukhang masarap halikan.
Ilang sandal rin bago ako nakabalik sa aking sarili. “John. Ako si John.”
“Salamat sa pagsukob sa akin, John. Siguro kung hindi ka dumaan kanina sa coffee shop na iyon, baka bukas pa ako nakaalis.” Dinikit nya ang kanyang katawan sa akin habang ako nakatitig lang sa kanya. Naramdaman ko ang kanyang matigas na utong na dumidikit sa aking braso. Wala syang tshirt na panloob. Bakat na bakat ang kanyang katawan. Patuloy kami sa paglalakad nang marating naming ang condo.
“Nandito na tayo.”
Lumingon si Aaron sa paligid. “Wow John, ang ganda naman sa tinutuluyan mo.”
Nginitian ko sya at pumasok kami sa elevator. Kaming dalawa lang ang naroon ng bigla nya akong hinalikan sa labi. “Salamat John,” sambit nya.
Kumabog na naman ang dibdib ko. Ang gwapong estranghero na ito ay hinalikan ako. Nanlaki ang mata ko sa ginawa nya habang sya naman ay nakangiti lamang. Tila nanunukso. Tila gusto pa.
Nasa 5th floor palang kami at sa 17th pa ang destinasyon naming. Lumapit syang muli sa akin. Alam kong wala naman ng masyadong sumasakay ng elevator ng gantong oras. Nilapit nya ang kanyang mukha sa aking mukha. Magkasingtangkad kami kaya saktong-sakto. Binuka nya ang kanyang mga labi at hinalikan na muli ako. Ngayon, mas senswal. Mas mainit. Torrid. Nakapikit lamang ako pero nang buksan ko ang aking mga mata, nakatitig pala sya sa akin. Lumaban na rin ako ng halik. Labi nya laban sa labi ko. Mapusok. Mainit. Masarap.
Niyakap nya ako. Hinawakan ang aking katawan. “Sa totoo lang John, may payong talaga ako. Pero nung nakita kitang dumaan sa coffee shop, sabi ko sa sarili ko, gusto kitang makilala.”
Para akong natunaw sa sinabi nya. Lumakas ang kabog ng dibdib ko.
Tumunog ang elevator at bumukas ang pinto. Nagkatinginan kami at sinabi ko, “Hindi pala ako malas at hindi nakakainis ang ulan.”
TO BE CONTINUED.Payong (Part 1) by JohnXXX
Tumingin ako sa aking relo: 10pm nap ala. Madilim na sa labas at patuloy pa rin ang pagpatak ng ulan. Mabuti na lang may payong akong dala. Nagpaalam na ako sa aking mga kaopisina at lumabas na.
Ako nga pala si John, 22, 5’10 ang height, maganda ang pangangatawan (naggygym kasi ako), at confident akong sabihin na may itsura ako. Isa akong computer engineer na nagtratrabaho sa isang kilalang kumpanya sa Makati bilang isang programmer. Nagovertime na naman ako dahil sa pagdedebug ng isang program. Araw-araw nasa harap ako ng computer. Ayos lang, mahal ko naman ang trabaho ko.
Kinuha ko ang payong ko mula sa bag. Medyo lumakas ang ulan kaysa kanina. Sana hindi na to lalo pang lumakas. Mula sa aking opisina, ilang minutong lakad lamang ay ang nasa condo na ako. Mag-isa lamang ako dun at ang condo na iyon ay katas ng iilang taon kong pagtratrabaho.
Lumakas pa lalo ang ulan. Nagpatuloy ako sa paglalakad kahit ramdam ko na ang pagkabasa ng aking mga sapatos at laylayan ng pantalon. Ang malas ko at nakakainis ang ulan.
Napagpasyahan kong huminto muna sa isang coffee shop na nadaanan ko. Bumili ako ng tinapay. Hindi naman kasi ako umiinom ng kape. Naghintay ako ng kaunti, tinatantya ko kung hihinto ba ang ulan o kahit papaano ay hihina ito.
Lumingon ako sa paligid nang may nakita akong isang lalaki na nahuli kong nakatingin sa akin. Mga ilang segundo rin bago ko inialis ang tingin ko sa kanya. Maamo ang kanyang mukha, matangos ang ilong, malinis na gupit, at matangkad. Gwapo. Nakasuot sya ng puting longsleeves at pantaloon at halata na maganda ang hubog ng kanyang katawan. Kumabog ang dibdib ko. Bakit nakatingin sa akin ang lalaking iyon?
Dahil lumalalim na ang gabi, umalis na ako ng coffee shop. Patawid na ako sa pedestrian lane nang may maramdaman akong umakbay sa akin at nagsabi, “Pre, pwede pasukob naman. Wala kasi akong payong.”
Kumabog muli ang dibdib ko. Tumingin ako sa kanya. Nagkatitigan kami. Ang mata nya sa mata ko. Ngumiti sya.
“Sige, ayos lang. Saan ka ba?” malugod kong sinabi.
Lalo syang ngumiti. “Malayo pa eh. Pwede bang makituloy ako sayo? Basang-basa na kasi ako.” Tinitigan ko ang kanyang mga labi habang nagsasalita sya. Maninipis at mapupulang labi. Mukhang masarap kagatin.
“Ha? Ganon ba. Sige, dyan lang naman ang condo ko.” Parang nagayumang sagot ko.
“Talaga? Salamat pre!” Lalong humigpit ang akbay nya sakin. Naramdaman ko ang matitipuno nyang braso na kumikiskis sa katawan ko. Basang-basa nga talaga sya at wala na rin akong pakielam kung mabasa rin ang suot ko dahil sa kanya.
“Ako nga pala si Aaron,” pakilala nya sa akin. Muli syang ngumiti, ngayon ay nakalabas ang mga ngipin. Maputi at pantay-pantay ito. Mukhang masarap halikan.
Ilang sandal rin bago ako nakabalik sa aking sarili. “John. Ako si John.”
“Salamat sa pagsukob sa akin, John. Siguro kung hindi ka dumaan kanina sa coffee shop na iyon, baka bukas pa ako nakaalis.” Dinikit nya ang kanyang katawan sa akin habang ako nakatitig lang sa kanya. Naramdaman ko ang kanyang matigas na utong na dumidikit sa aking braso. Wala syang tshirt na panloob. Bakat na bakat ang kanyang katawan. Patuloy kami sa paglalakad nang marating naming ang condo.
“Nandito na tayo.”
Lumingon si Aaron sa paligid. “Wow John, ang ganda naman sa tinutuluyan mo.”
Nginitian ko sya at pumasok kami sa elevator. Kaming dalawa lang ang naroon ng bigla nya akong hinalikan sa labi. “Salamat John,” sambit nya.
Kumabog na naman ang dibdib ko. Ang gwapong estranghero na ito ay hinalikan ako. Nanlaki ang mata ko sa ginawa nya habang sya naman ay nakangiti lamang. Tila nanunukso. Tila gusto pa.
Nasa 5th floor palang kami at sa 17th pa ang destinasyon naming. Lumapit syang muli sa akin. Alam kong wala naman ng masyadong sumasakay ng elevator ng gantong oras. Nilapit nya ang kanyang mukha sa aking mukha. Magkasingtangkad kami kaya saktong-sakto. Binuka nya ang kanyang mga labi at hinalikan na muli ako. Ngayon, mas senswal. Mas mainit. Torrid. Nakapikit lamang ako pero nang buksan ko ang aking mga mata, nakatitig pala sya sa akin. Lumaban na rin ako ng halik. Labi nya laban sa labi ko. Mapusok. Mainit. Masarap.
Niyakap nya ako. Hinawakan ang aking katawan. “Sa totoo lang John, may payong talaga ako. Pero nung nakita kitang dumaan sa coffee shop, sabi ko sa sarili ko, gusto kitang makilala.”
Para akong natunaw sa sinabi nya. Lumakas ang kabog ng dibdib ko.
Tumunog ang elevator at bumukas ang pinto. Nagkatinginan kami at sinabi ko, “Hindi pala ako malas at hindi nakakainis ang ulan.”
TO BE CONTINUED.

1 comment:

Read More Like This