Pages

Sunday, November 18, 2012

Kabiyak ng Aking Tadyang (Part 1)

By: thelustprince

Fiction

Part 1 : (Ang Mandirigma sa Ilang)

Dama nya ang pangangalog ng tuhod at labis na hingal sa napakahabang pagtakbo. Buo ang loob na habulin  ang  lalaki kahit pa masikip at napakaadilim ng kalyeng kanilang dinadaanan sa looban ng squater’s compound. Sa isip nya, ganun na ba kalalim ang gabi kung kaya walang ibang tao sa paligid.

Wala syang mahingan ng tulong.

Tangan ng lalaking iyon ang isang mahalagang bagay na kanyang pag-aari.

Kumaliwa ang lalaki at patuloy sa mabilis na pagtakbo. Nakasuot ito ng itim na maong na pantalon at sleeveless hoody jacket na may hood. Humugot sya ng malalim na hininga at muling tinulinan ang pagtakbo upang di ito mawala sa kanyang paningin,

Pumasok ang lalaki sa isang pintuan ng isang barung-barong at sumunod din sya sa loob.

Malamig ang alimuom na kanyang nalanghap sa loob ng silid.
Kinakabahan man ay pilit nyang iminumulat ng malaki ang kanyang mga mata upang makaapuhap ng kahit na konting liwanag man lang.

Dahil sa sobrang pagod sa ginawang pagtakbo ay napatukod ang mga kamay sa kanyang mga tuhod. Sa pagkakayuko ay unti-unting tumagaktak ang pawis sa kanyang mukha at tumulo sa sahig. Narmadaman nya ang mabilis na pagakyat ng dugo sa kanyang ulo. Dinig na dinig nya ang pagtambol ng kanyang puso.

Saglit nyang itinigil ang paghinga upang kontrolin ang tyempo ng pagbuga ng hangin.

Subalit nakadinig pa din sya ng hingal. Kung kaya halos sabay ng pag angat ng kanyang mukha ay ang pag atras nya ng ilang hakbang.

Nakabawi na ang kanyang mata, naaninag nya ang isang anino sa dulong bahagi ng silid.

Ang lalaking hinahabol nya,

Pasalampak na nakaupo at halatang pagod sa pagkakabuka ng kanyang mga hita. Nakasampay ang mga braso sa sandalan ng sofa.  Tangan-tangan nito sa kaliwang kamay ang bagay na kanyang binabawi.

Tinangka nya itong lapitan upang kunin ang pakay ngunit hindi nya maikilos ang mga paa sa kinatatyuan. At sa di maipaliwanag na dahilan ay napatitig sya sa kabuuang anyo ng lalaki sa dilim. 

Nakabukas ang jaket, lantad ang pangingintab sa pawis ng maputi at makinis na balat. Ang makisig na hulma ng mapipintog na dibdib. Ang matipunong mga braso at bisig.

Bigo syang maaninag ang mukha nito dahil sa pagkakasaklob ng hood ng jacket sa kanyang ulo. Tanging ang mapupulang labi lang na tila basa sa pangingintab ang kanyang naaninag.

Tumayo ang misteryosong lalaki at humakbang palapit sa kanya at yumakap.

Wala sa sariling napapikit ng mariin ang kanyang mga mata nang masamyo ang singaw ng balat ng lalaki. Tumututol ang kanyang damdamin kung kaya di sya gumanti ng yakap.

Sa kabila nito ay dama nya ang paglapat ng matigas na dibdib ng lalaki sa kanyang katawan.

Nagtulay ang init na parang kuryente sa suot nyang white shirt na humahakab sa kanyang balat dahil sa basa ng pawis. Halos sabay ang pagtambol ng kanilang dibdib sa pagkakadikit.

Matagal ang tagpong iyon…

Sa pagdilat nya ay halos magdampi naman ang kanilang mga labi.

Naamoy nya ang hininga ng lalaki at nanunuot ito sa kanyang katinuan.

Muli syang napapikit… mariin… nananabik sa susunod na magaganap…

*****

“Tarantado ka! Pinagsamanatalahan mo ang kainosentehan ng anak ko! Sya pa ang nagtatrabaho para sayo hayop ka! Mabubulok ka ngayon sa bilanguan gago kang kidnaper ka!” Sigaw sa matinding galit ng isang babae. Hinahalibas ng sampal, kalmot, suntok at sipa ang isang lalaking nakaposas.

“Misis maupo muna kayo. Mamaya po ay bibigyan ko kayo ng pagkakataong hatawin sya hangang sa mapagod kayo. Sya po muna ang kukunan ng statement.” Awat ng isang pulis habang idinudulog ang babae sa bangko, kahaharap ang suspek sa harap ng lamesa ng imbestigador.

“Katorse palang pala itong biktima mo boy?” Ngising tanong sarkastiko ng imbestigador sabay lingon sa duguang suspek na halos di na makilala ang mukha.

“Ang anak nya po sir! Sya po ang nagkusang tumira sa bahay ko sir! Sya po ang mapilit, alam ko po menor de edad pa sya sir!  Pero mahal ko po sya kaya pumayag na din ako. Di ba Jonas, sabihin mo sa kanila, mahal mo din ako diba?” Maamong tupang nilingon nya ang binatilyong umiiyak katabi ng ina.

“Chief!  may responde tayo, may hostage taking na nagaganap po ngayon sa malapit na mall dito satin!” Hangos na sigaw ng pulis mula sa pintuan ng presinto.

*****

“Sir, bakit po kayo ang nadatnan kong nakaupo sa desk kanina para mag blotter?” habang mabilis na minamaneho ang patrol car katabi ng isa pang police escort.

“Nakakainip kasi tumambay sa area nyo kaya nagpresinta ako. Nag hang ang computer ko kaya lumabas nalang ako sa opisina para malibang.” Tugon ng Chief mula sa passenger’s seat katabi din ng isa pang escort.

“Napaka low profile nyo talaga sir kahit pa sikat kayong hepe. Pasalamat nga po kami at sa amin kayo na-assign, madali pa kayong lapitan at kausap kaya suportado ka po naming lahat.”

“Salamat Lt. Santos” Ang matipid na tugon ni Chief na tila balisa.

Habang nagiisip tungkol sa rerespondehang hostage taking ay pinabuksan ni hepe ang radio ng patrol car. Inayos ang kanyang pagkakasandal at marahang hinaplos ng paulit ulit ang kanyang baba ng kaliwang kamay.

Nagkatinginan na lamang ang tatlong pulis, kilala na nila ang kanilang hepe sa ganitong mga pagkakataon. Hindi sya dapat maistorbo kapag nag-iisip.

“Gaano nyo po kakilala ang hostage taker?” tanong ng reporter mula sa radyo.

“Mabait naman po yan, halos sampung taon na kaming magkaibigan, ngayon ko lang ho sya nakitang magalit ng ganyan.” Malamyang tugon ng may edad na bakla sa reporter.

“Kaano-ano nya po ba ang hostage?” tanong muli ng reporter.

“Dyowa nya po yun, gusto na kasing makipaghiwalay sa kanya dahil magpapakasal na daw sa nabuntis nyang kaklase. Nagtalo sila ng nagtalo, ayun ang gagang bakla naghurumentado at di namin alam kung san nya nakuha ang granadang hawak nya.” Maluha-luhang tugon habang nanginginig na parang dalagitang birhen.

“Bakla na naman? Kabaklaan na naman?.. tsk!” ang wala sa sariling nasabi ni Chief sa kanyang sarili, habang unti-unting humina at nawala ang audio ng radio sa kanyang pandinig.

“Napakarami na nga ng ganyan ngayon sir. Triple yata kung magreproduce. Di naman sila nagbubuntis!” Sarkastkong tugon ni Lt. Santos, ngunit tila hindi na sya narinig ng kanyang hepe.

*****

Isang malakas na suntok sa sikmura ang dumapo. Sinundan ito ng pag bayo ng siko sa kaliwang balikat! At sa huli ay malakas na suntok sa dibdib ang nagpabuwal sa kanyang katawan. Halos mapugto ang kanyang hininga habang namimilipit sa sakit.

Latag na latag ang kanyang katawan sa sahig. Bagaman nabawi nito ang pamimilipit, tila bibitaw naman ang kanyang ulirat.

Naramdaman nya ang yabag ng mga paa na pinagitnaan ang kanyang ulo. Nahihilong tumingala sya sa lalaki habang nakahandusay sa sahig. Hindi nya pa din maaninag amg mukha nito.

At bago tuluyang tumakas ang kanyang malay ay nasulyapan nyang bukas ang zipper ng jeans ng misteryosong lalaki. Malinaw nyang nakita ang nakadungaw na mahabang kahindigan ng lalaki.

Nag-uumigting ang mga ugat. Kumikiwal na parang may buhay. Kumikinang ang malinaw na likidong tumutulo mula sa dulong butas. Tumutulay ng sagana ang katas sa kahabaan ng kahindigan ng lalaki, naiipon na parang butil ng hamog sa dahon at sentrong pumapatak sa kanyang tuyuang mga labi.

*****

Nagulat na lamang sya nang biglang bumukas sa gawi nya ang pintuan ng patrol car.

“Sir narito na po tayo sa lugar ng hostage.” Ang mahinahong paalala ni Lt. Santos.

Biglang nagtakbuhan ang mga reporters, kanya-kanyang focus ng video at camera flashes sa kanyang pagbaba mula sa patrol car. Maliksing bumakod naman ang mga tao nya sa kanya at itinawid hangang sa police line kung saan sinalubong naman sya ng isang SWAT member.

“At dumating na nga po dito si Chief Superintendent Xavier upang pangunahan po ang negosasyon sa suspect. Kung atin pong matatandaan mga tagapanood na limang kaso na ang napagtagumpayan ni Chief Xavier sa kabuuan ng kanyang serbisyo bilang isang magiting na pulis. Maituturing syang bihasa o eksperto sa mga ganitong uri ng krisis. At ngayon nga ay ah….

*****

Hindi na nasorpresa ang hepe  nang pumasok ito sa presinto matapos ang ilang araw na leave. Nakahanay ang kanyang mga tao at matikas na nakasaludo sa kanya. Isa-isa nya munang tinitigan ang hanay bago ibinalik sakanila ang mas matikas na saludo.

Ito ang naging hudyat.

Dalawang tunog ng bumukas na champaign ang sumunod na tagpo. Malakas na palakpakan at pagbati ang tinanggap nya mula sa mga tauhan. Masayang kinakamayan at niyayakap ng buong pangkat ang kanilang magiting na hepe!

“Mraming salamat sa inyo, ang ginawa ko ay kaya nyo ring gawin. Apat lang naman ang dapat nyong tandaan,  katatagan ng loob, kadalisayan ng puso, paninindigang malaya at pananalig sa Dios, lahat para sa bayan.”

“Mabuhay si hepe! Mabuhay si Chief Dante A. Xavier!

“Nasan ang pagkain? Wag nyo sabihing iinom lang tayo ng champaigne mga tomador kayo!”

Nagpatuloy ang kasiyahan, nang ng maalala ni Dante na may naiwan syang report na dapat tapusin nung mag hang ang kanyang desktop.

Akma na syang papasok sa kanyang opisina nang mapalingon sa kulungang nasa kaliwang sulok ng kanilang station. Nakatayo sa likod ng mga rehas ang lalaking naireklamo ng kidnapping at pangmomolestya ng isang menor de edad.

Padipang nakahawak sa rehas at nakasampay sa kanyang balikat ang t-shirt na sa tingin nya ay di pa napapalitan ilang araw mula nang maikulong ito. Sa likod nya ay ang tatlo pang preso na abala sa kung anomang pinagkakaabalahan.

Blangko ang emosyong nakatitig ang lalaki sa kanya ng magtama ang kanilang mga mata. Napansin ni Dante ang nakasilip na tattoo ng lalaki sa ilalim ng sinturera ng maong pants. Nakapwesto ang tattoo sa bandang kaliwa ng puson sa ibabang bahagi nito. Di nya masyadong makita ang hugis ngunit hinala nya ay isa itong alakdan.

Nakatitig padin sa kanya ang preso ng muli nyang balikan ito ng sulyap. Yumuko ito at kusang ikinubli ng kanyang buhok ang kanyang mukha.     

“Santos!"

“Yes Sir!”

Ibigay nyo ang isang box ng pizza sa kanila, samahan mo na din ng tubig, mukhang gutom na ang mga yan.

*****

Saglit na natigilan si Dante sa harap ng kanyang computer. Waring inaalala ang mga nakakapagod na kaganapan ng mga nakaraang araw. Humugot ng malalim na hininga bago pinindot ang buton upang mag start ang computer.

Marami na syang nagagawa ng mapansin ang isang word file na walang title. Inisip na baka nakaligtaan nyang lagyan kung kaya binuksan nya ito.

Ang lalaki ng font ng mga salitang bumubuo sa isang maiksing talata ang kanyang nabasa.

“Bawat tao anuman ang kalagayan sa buhay,

Ay may nakalaang kaakbay sa paglalakbay.

Isang taong akma sa panlasa at pandama,

Magbubukas ng bagong daan ng kamalayan,

Kasamang lalasap ng luwalhating walang kapantay…"

Nailing at natawa lang si Dante, bagamat nagtataka kung paano napunta sa folder nya ang file na yun ay di sya nag atubiling i-click ang delete botton at itunuloy ang ginagawa.

“Rich!” si Lt Santos ang kanyang tinawag. Richard B. Santos kasi ang kanyang buong pangalan.

“O bakit Dax?” tugon naman ni Santos. Initial ang nakasanayan nyang tawag kay Dante.

Kaswal lang kung mag usap ang dalawa kapag sila lang ang nagkakarinigan.

“May iba pa bang gumamit ng computer ko.”

“Ako ang huli, diba pinatingnan mo sakin dahil nag hang kamo? Pero wala naman akong nakitang diperensya kaya nilog-out ko nalang yan.”

“Ganon ba?” ang matipid uling tugon ni Dante sa kausap habang nakatitig sa monitor.

*****

Malinaw ang kanyang isip, at lalong alam nya na gising sya, ngunit anomang gawin ay di sya makadilat dahil may piring ang kanyang mga mata.

Nakadama sya ng pananakit ng kalamnan lalo na sa sikmura at balikat.

Sapat na dahilan upang muling bumalik at malaala ang lahat ng naganap bago sya napadpad sa napakadilim na silid na iyon.

Malamig ang sahig ng madilim na silid. Dama ito ng balat ng kanyang katawang nakalatag ng hubo’t hubad. Ngunit hindi sya makagalaw, nakadipa ang kanyang dalawang kamay, nakabuka rin ang kanyang mga paa at hindi nya maikilos ang mga ito dahil sa pagkakagapos.

Muling bumalik ang takot sa  kanyang isip. Kinakausap ang sarili kung ito na ba ang kanyang katapusan. Wala syang kalaban-laban. Kumbaga sa chess, mate na sya kanina pa.

Matagal syang nag antay sa kung anoman, torture ito para sa kanya.

Nang biglang may magaspang na palad ang humapas ng ubod lakas sa kanyang tiyan. Sa puntong ito ay wala syang ibang magagawa kundi ang humiyaw sa sakit. Dahil kahit ang mga gapos sa kanyang mga kamay at paa ay nagdamot upang mabigyan sya ng layang mamilipit.

Mula sa pagkakalapat ng mabigat na palad sa kanyang tiyan ay unti unting kumilos ang mga daliri nito. Marahang tila tumtipa sa piyano at banayad na sumasayad ang bawat dulo ng mga daliri sa ibabaw ng kanyang tiyan. Paminsan ay humahagod ito ng marahan at magaan.

Ayaw mang isipin ngunit tila malinaw sa galaw ng mga daliri at pangahas na palad na may iba itong layunin sa mga kilos nito.

Katahimikan…

Muli ay kinabahan sa kung anong susunod na sakit ang dadapo sa kanyang balat. Lalong napapapikit ng mariin ang kanyang mga mata kahit alam nyang nasa ilalaim ito ng piring. Walang iabang maisip gawin kundi abangan ang sunsunod na magaganap.

Napakislot ang kanyang tyan nang maramdamang may daliring naglulumikot sa kanyang pusod. Marahang nagpapaikot-ikot ang dulo sa gilid ng butas at sumusungkal

Naging dalawa ang daliri, binabaybay naman nito ng marahan ang bawat pagitan ng tila mga hugis pandesal na masel sa kanyang tiyan.

Sa puntong ito ay kusang umaayon ang galaw ng kanyang tyan sa hagod ng mga daliri ng pangahas. Patuloy na bumaybay ang dalawang daliri sa pagitan ng kanyang dibdib. Tumulay hanggang sa kanyang leeg na kusang kumislot dahil sa paglunok ng laway.

Bumalik ang hagod ng daliri sa kanyang dibdib, dumami na ito, tila sabayang tinitipa na parang gitara ang natural na pagkakausli ng kanyang mga utong.

Lumalalim na ang hininga. Gusto nya nang umungol dahil sa nararamndamang sensasyon. Ngunit tutol padin ang isip kung kaya kinagat nya na lamang kanyang labi.

Nanunukso, ito ang nasa isip nya, ngunit nagtatakang lalaki din ang may ari ng mga palad na yon. Buo sa isip nyang hindi sya dapat maapektohan ng bawat hagod. Dahil alam nya sa sariling sa babae lang sya dapat talaban ng libog. Ngunit nagsisimula na syang labasan ng pawis.

Gusto nya nang makawala at makatakas bago pa man sya ipagkanulo ng kanyang laman.

Dumudugo na din ang kanyang labi dahil lalong dumidiin ang kanyang kagat.

Halos humulagpos kasi ang ungol sa kanyang bibig, tila di nya na kaya mapigilan, tinutunaw na ang kanyang lakas, nanunuot na sa kaloob-looban.

Paliyad na umangat sa hangin ang kanyang likod… nakakaramdam na sya ng kiliti…

Madulas at mainit na dila ang sumunod na sumayad sa kanyang dibdib. Marubdob itong sumusungkal sa kanyang utong. Bawat pagdila ay tila karayom ng sarap na tumatagos sa kanyang mga ugat at tumutulay papunta sa puson. Kasabay ng marahang paglapirot naman sa kabilang korona. Lalong umusli sa tigas ang kanyang mga utong.

Hhuuuuunnggghhhhh….

Impit na ungol ang tuluyang kumawala sa sabayang mariin na pagsupsop sa kanyang utong at madiing paglapirot naman sa kabila ang pinalasap sa kanya ng pangahas.

Hhaaaaaarrrrrggggggghhhhh…

Bigay todong ungol na ang kumawala mula sa kanyang natutuyuang lalamunan. Napaliyad na dinama ang dulas at init ng bibig na biglang lumamon ng buo sa kanyang kahindigan.

****
Abangan…

2 comments:

  1. Anong kinalaman ni john martin sa kwentong ito?

    ReplyDelete
  2. hahaha! yun nga din ang pinagtataka ko. Mabuti na lamang at deleteed na ni moderator. Muntik na tuloy makagulo sa potential ng kwento. ;-)
    Sino nga ba yung john martin? random question lang, no offense po. hehehehe

    ReplyDelete

Read More Like This