Pages

Saturday, November 3, 2012

Saltwater Room (Part 5)

By: Travis

Habang nasa biyahe kami ay wala kaming kibuan. Gusto ko na sanang bumaba kasi awkward ang dating nang biglang basagin ni Xander ang katahimikan.

"Kamusta ka na? Kayo ni Aaron?"

"Ayos naman ako"

"Eh kayo?"

"Walang kami"

"Hindi naman ako pinanganak kahapon kaya wag mo na ko lokohin"

"Basta wag ka ngang tsismoso"

at natawa din sya sa sinabi ko at hindi na masyadong nagtanong.

Ilang saglit lang ay nasa Mall na kami, akala ko ay hihiwalay na si Xander pero sasama pala sya sa akin.

"Xander, salamat sa ride. Kita kits na lang"

"Wala naman akong pupuntahan dito, kaya sasama na lang ako sayo"

at umakbay sya

"Saan ba tayo pupunta?"

"Sa Bookstore may bibilhin lang ako"

at pumunta kami doon.

Konti lang ang tao nun kaya nung may makasalubong kami ay nakilala ko kaagad kung sino, si Aaron at kasama nya yung boyfriend nya. Hindi alam ni Aaron kung ngingitian ba nya ako o hindi at nung malapit na kami sa isa't isa ay napilitan syang ipakilala ako sa karelasyon nya.

"Babe Si Travis nga pala, at si Xander kaibigan nya"

nagulat ako sa tawagan nila in Public at napansin ko na medyo nakataas ang kilay nung karelasyon nya.

"Travis, Xander, Si Clyde nga pala"

at nakipag-shake hands sya sa amin. Napansin ko na parang mahadera si Clyde kaya hindi ko na lang masyado pinansin, tinignan nya ako mula ulo hanggang paa, malamang alam na nya ang tungkol sa dati namin ni Aaron. Ayokong isipin na isa akong threat sa kanya pero sa kinikilos nya yun ang nakikita ko.

"So you must be Travis, I would like to thank you for keeping my babe entertained, habang wala ako"

medyo sarcastic yun at halatang pang-iinsulto.

"Kung alam mo lang kung gaano ako kagaling mag-entertain"

at natawa ako sa sinabi ko bilang tugon sa pang iinsulto nya sa akin. Nahalata ni Xander yun at napansin ko na ngumiti din sya. Napansin ni Aaron na parang nagkakainitan na kami ni Clyde kaya bigla syang nagsalita.

"Punta kayo sa birthday ko sa Saturday sa Sofitel ang Venue ipapadala ko na lang yung invitation"

"Oo nga punta kayo"

ang plastik na dugtong ni Clyde.

"Sige titignan ko kung makakapunta kami, O Sige na may pupuntahan pa kasi kami, Nice meeting you Clyde"

"Nice meeting you, finally!"

pilit na pilit ang ngiti ni Clyde pero bale wala na sa akin kasi hindi naman sya importante sa akin at alam ko naman na inis sya sa akin kahit yun lang ang first time naming magkita.

"Ang galing mo Trav, marunong ka din pala sumagot"

ang sabi ni Xander.

"Syempre sino ba sya para ganunin ako"

At ngumiti lang sya sa akin.

Habang naglilibot kami sa Bookstore ay napansin kong panay ang tingin ni Xander sa mga gamit na pang-pinta.

"Nagpepaint ka ba? Parang hindi ko yun alam ah?"

"Dati pa nung bata pa ako, pero ngayon hindi na wala na kasing nagtuturo sa akin, wala na din akong gana, tara na"

at inaya na nya ako palayo. Alam ko na may pinaghuhugutan si Xander at may dahilan kung bakit hindi na nya ginagawa ang mga bagay na ginagawa naman nya dati. Naisip ko na siguro dahil sa pagiging mag isa lang nya sa bahay palagi ay nawalan na sya ng gana sa mga bagay na nagbibigay sa kanya ng saya.

Nung nagbabasa sya ng mga magazine ay sumaglit ako sa mga painting materials na tinitignan ni Xander. May kamahalan ang set nasa P1,650 ito. Naisip ko na pag-ipunan ito para manlang makapagbigay ako ng saya kay Xander. Tila nakalimutan ko na ang pagganti ko sa kanya ngayong parang mas nakikilala ko na ang tunay na Xander.

Nakahanap din ako ng panreregalo kay Aaron sa birthday nya isang The Little Prince Book na may colored illustration, matagal tagal na din kasing naghahanap si Aaron nun at kahit simple lang ang regalo ko sa kanya ay alam ko na magugustuhan nya pa din ito.

Pagkatapos namin sa Bookstore ay inaya ako ni Xander kumain.

"Tara kain tayo, sagot ko"

at umakbay ulit sya sa akin habang papunta kami sa gusto nyang kainan. Bale sa fine dining kami napunta

"Trav, order ka lang ng kahit ano dyan sa menu"

"Sige, pero mukhang wala akong alam dito na masarap kaya ikaw na lang ang umorder para sa akin"

at ganun nga ang ginawa nya. Habang naghihintay kami ng order namin ay nagkwekwento si Xander tungkol sa pinsan nyang si Raf at ang bagong girlfriend nito na kaibigan ko na si Zoey. Napapatitig ako sa kanya at narealize ko na napakaswerte ng magiging asawa nya, dahil sa gwapo sya siguradong magiging maganda at gwapo ang magiging mga anak nya. Sa puntong iyon natanong ko ang sarili ko kung babae ako, may pag asa kaya na magkagusto sa akin si Xander? Pero dahil sa ito ay daydreaming ay tinigil ko na at ilang sandali pa lang ay dumating na ang order namin.

Masayang kumain si Xander, puro paborito pala nya kasi ang mga inorder nya.

"Paborito ko talaga itong steak na 'to, the best talaga"

"Ah mahilig ka pala sa steak, madali lang lutuin yan"

"Sige, pupunta ako sa dorm mo, ipagluto mo nga ako"

"Yun lang pala eh. Makabawi man lang ako sayo sa pagiging chaperon mo sa akin ngayon"

at nagngitian kami.

Madami akong nalamang bagay bagay tungkol kay Xander nung araw na yun. Hindi ko alam kung bakit ganun sya ka-open sa akin, siguro nakuha ko na ang tiwala nya kaya ganun ang turing nya sa akin. Ayoko sanang mahulog kay Xander pero sa mga ginagawa nya mas lalo ko syang nagugustuhan na dapat ay hindi kasi alam kong wala naman itong patutunguhan.

Itutuloy..

2 comments:

  1. Meron pa bang may gusto ng continuation nito? I'd like to see more.

    ReplyDelete
  2. Asan na po ung next. ?? Kakabitin nmn hmp kilig to the bone na qo eh. Un nga lng wala ung nxt chap

    ReplyDelete

Read More Like This