Pages

Saturday, November 3, 2012

Katulad ng Dati (Part 1)

By:Jeckos

Sino ba ang di nangarap na matagpuan ang taong magiging kabiyak ng ating buhay? At kung sakaling matagpuan mo siya, handa mo ba siyang ipaglaban? Paano mo ipadadama na mahal na mahal mo siya at hanggang kailan mo kayang magtiis ng sakit dahil alam mo ang katotohanang nabuhay ka sa maling katauhan?

Dati pa tinanggap ko na sa sarili ko na walang pangmatagalang relasyon ang dadaan sa buhay ko. Sapat na sa akin na ingatan ko ang mga taong itinuturing akong kaibigan. Masaya na ako at okey na sa akin ang ganon. Pero minsan talagang mapaglaro ang damdamin ng tao kasi kahit masaya ka na sa kung anong meron kayo pumipilit ang puso ng higit sa gusto ng ating isip. Hindi ko sinasadyang maramdaman na magselos ako sa GF ng taong itinuturing kong malapit na kaibigan. Selos na nagpapatunay sa totoo kong nadarama sa taong unang nagpatibok ng puso ko. Hindi ko sidasadyang maging mabait kay Haro at mapalapit sa kanya ng sobra.

Naalala ko pa hindi naman kami ganon kaclose dati, isa lamang siya sa mga makukulet na tropa na kasama sa masaya kong college life. Bakit kasi naging magkasama kami sa OJT? Sana hindi ako nasasaktan ng ganito. Bukod sa angat na physical features, masasabi ko na mabait naman siyang tao kaya ata mas lalo akong nahulog sa kanya. Kung pwede lang sanang ulitin ko ang summer na yon di ko hahayaan na magkasama kami at sana kahit kaibigan lang, okey kaming dalawa. Alam ko sa sarili ko na sobra pa sa kaibigan ang ipinakita ko sa kanya at palaging handang makinig sa mga hinaing nya sa buhay, handang sumakay sa mga trip nya, at handang pagbigyan ang mga drama at kabaliwan nya.
Alam kong kaibigan ko rin ang GF nya at inaamin kong nagseselos ako at nakikipagkompitensya kahit alam kong wala akong karapatan. Hindi ako tanga at alam ko naman kung saan yong tamang lugar para sa akin. Hindi na sana ako aasa pa! Bakit kasi nagwrowrong send siya palagi saying “MAHAL PO KITA” even though alam kong wrong send kasi alam kong nakikiagaw ako sa GF nya ng pakikipagtext kahit pa magkasama na kami 5 days a week. Hindi ko sana papansinin ang lahat ng yon pero minsan nagdududa na ako sa mga message na ipinapadala nya at nag iilusyon na sana para sa akin talaga ang lahat ng mga yon.

Pinipilit kong labanan ang nararamdaman ko para kay Haro pero alam kong mahal na mahal ko siya. Hindi ko inaasahan na magaganap ang isang bagay sa night swimming naming mga tropa. Itinext pa ako ng GF nya na bantayan ko daw si Haro kasi alam nya na malalasing iyon at kukulet ng sobra. At tinawag pa nya akong PARS kasi sabi niya if ever sila daw ni Haro magkatuluyan kukunin daw nila akong kumpare para sa panganay nila which is tinanggap ko naman. At nireplyan ko na “ok ako ng bahala”. At siyempre kagaya ng inaasahan nalasing karamihan sa mga tropa at siyempre kasama na don si Haro. Sa kulet nya nagpagulong gulong siya sa buhangin at nakipagsabuyan pa sa ibang tropa. Nung matapos ang trip nila lumapit siya sa akin. Nakita ko na punong puno siya ng buhangin sa mukha at sa ibang parte ng katawan. At pinagpagan ko siya at inalis ang mga buhangin sa kanyang mukha. Napansin nya na tinititigan ko siya at dahil don medyo napangite siya at may itinanong. Kasi sa totoo lang di ako nagsasawa na titigan sya tapos bigla kaming magtatawanan kapag napansin nya. Hindi ko inaasahan na tatanungin niya ako ng isang bagay na magpapabago ng lahat ng meron kami.
MAHAL MO BA AKO? Paulit ulit kong inaalala ang bawat kataga na binitiwan nya during that time. Inaamin ko kabado ako nong mga panahon na yon at di ko nasagot ang kanyang tanong which is inulit nya “MAHAL MO BA AKO BILANG KAIBIGAN MO? Sa pangalawang tanong singot ko siya ng “OO naman mahal ko lahat ang mga kaibigan ko” at sa totoo lang di ko inaasahan na mangyayari ang bagay na yon. Sinagot ko siya ng sobrang kaba at nahihiya na di kinayang tumitig sa kanya. Alam kong lasing siya that time at pinipilit kong kalimutan ang mga nangyari that night. Kinabukasan siyempre parang walang nangyari , normal lang ulet ang lahat.

Alam ng bestfriend at mga close friends ko na pupunta ako ng Japan pagkagraduate para magtrabaho don. And one time napag usapan namin ni Haro iyon sa text and asking if pwede siya sumama. Siyempre oo ang sabi ko. To make the story short balak naming dalawa na pumunta ng Japan para don magtrabaho. At siyempre naglalaro sa isip ko ang mga bagay na maaaring mangyari sa aming dalawa sa bansang yon. Natutuwa ako at naeexcite ng sobra. Iniisip ko na matutupad yata ang pangarap ko.

At sa pagtetext ulet namin one night hindi ko ulet inaasahan na maioopen nya ang nangyari sa night swimming namin. Grabe ang naramdaman ko non lalo nat sinabi nya na mahal ko daw siya. Honestly, parang mapapatumbling ako that time sa kaba at kilig. Parang gusto kong pabilisin ang araw para makagraduate na kami at makaalis na kami papuntang Japan. Even ang GF nya alam na pupunta kaming Japan at siyempre payag siya kasi ako naman daw ang kasama. Pero may guilt sa isip ko kasi alam ko kung ano ang totoo. Sa totoo lang ang bait bait ng GF nya at mahal na mahal si Haro. Alam kong mahal din siya ni Haro kasi nakikita ko na may something sa kanilang dalawa na kahit ako ay kinikilig ng may kasamang selos kapag pinagmamasdan sila. Nung mga panahon na yon aaminin ko na sobra sobra kong mahal si Haro.

Pero siguro talagang walang permanente sa mundo. Even though hindi nawawala ang sobra sobra kong pagmamahal sa unang taong nagpatibok ng puso ko , napagdisiyunan kong di na lang pumunta sa Japan. Nagalit siya at sinabing iniwan ko daw siya sa ere. Pero siyempre naging okey pa rin kami at parang nawala tampo niya sa akin. Idinidenay ko man sa sarili ko pero alam ko na may something na kay Haro at alam ko na mahal na ako ng taong mahal ko. Masarap ang feeling lalo nat magkasama kayong nagtatawanan at nagkukulitan at magkatext kapag gabi . Ewan ko ba talaga sa sarili ko kung bakit nagawa kong sirain kong ano man yong meron sa aming dalawa that time. Sobra akong nasasaktan sa mga gigawa ko sa kanya na parang blade na nahihiwa kaming dalawa sa sakit. Sinisisi ko ang sarili ko sa nangyari, bakit kasi nasa katauhan akong di para kay Haro? Naiiyak ako sa katotohanang walang FUTURE ang sa amin. Kahit dinadaya ko ang sarili ko na magiging okey lang ang lahat, pero sa huli alam ko na may kulang at palaging darating ang kulang na yon. Hindi ko hinayaan na pagbigyan ang sarili ko na subukang maranasan ang bugso ng damdamin sa piling ni Haro. Ayaw kong dumating ang panahon na kung kelan naibigay ko na ang lahat lahat ng pagmamahal sa kanya saka darating ang kulang na iniisip ko. Pinili kong masaktan kung kelan magsisimula palang ang lahat kasi alam kong di ko kakayanin ang magiging sakit kapag pinatagal ko pa. Sobrang sakit sa puso at isip at marami ring luha ang inilabas ko pero ganon talaga ang reyalidad ng buhay para sa akin. Alam kong maraming magbabago kay Haro at sa akin pero tatanggapin ko kasi choice ko yon at kailangan kong panindigan. Inaasahan ko na wala ng instant reply sa mga text ko sa kanya kahit minsan ang sakit sakit kasi umaasa ako na katulad pa rin siya ng dati. Umaasa ako na sana madagdagan pa ang mga messages nya na di ko binubura sa cellphone ko. Paulit ulit kong binabasa ang mga text nyang makukulet at umaasang magiging ganon ulet siya katulad ng dati. Kahit alam kong nasasaktan ako sa tuwing binabasa ko ang lahat ng yon pero di sumagi sa isip ko na burahin ang mga yon kasi iyon ang alaalang meron ako galing sa kanya. Sa ngayon strangers kami sa isat isa wala ng communication o mas magandang sabihing wala munang communication kasi di naman kami nagpalit ng number ng phone namin at friend pa rin kami sa FB pero di na kami katulad ng dati at alam kong marami ng nagbago.

Alam kong sobra sobra ko siyang mahal pero tinanggap ko na ring hindi pwedeng maging kami. Hindi ako naniniwala sa kasabihang “kung mahal mo ang isang tao dapat mo siyang pakawalan” Pinakawalan ko ang taong mahal ko dahil alam kong mas magiging masaya siya sa piling ng GF nya. Minsan di sapat ang pagmamahal para maging kayo ng taong mahal mo. Dapat isipin din natin ang magiging kapakanan nila sa piling natin. At dahil alam kong maraming magiging kulang sa piling ko mas pinili kong maging malungkot para mas maging buo ang magiging kasiyahan niya. Kahit ang totoo’y sobrang sakit! Sobra sobrang sakit!

At ang huling itinext ko sa kanya.

“Sorry sa lahat ng mga nagawa ko, alam kong kasalanan ko ang lahat! Hihintayin ko ang araw na magiging official ng MAGKUMPARE TAYO!”

At umaasa ako na sa araw na yon babalik ang pagiging magkaibigan naming dalawa, katulad ng dati.

8 comments:

  1. Shet ! Nice Story. kinilig ako na ewan. ang ganda !
    10/10

    ReplyDelete
  2. Wow! Nice story.... naka-relate ako......

    Huhuhu.... yan ang pagkakamali ko.....naalala ko tuloy yung sakit......
    Sana pala ganyan ang ginawa ko..... pero kasi nangyari na eh......

    Haay..... salamat sa kwento mo ah...... :-)

    ReplyDelete
  3. Ang ganda ng kwento mo... Nakakarelate ako.. Pero walang kalibugan.. Hahaha...
    Anyways, naiiyak ako kasi ganyan din nangyari sakin..
    Sobra ko syang minahal, sobra din akong nasaktan...

    ReplyDelete
  4. I can relate, though mine is a close friend sa office. One year pa lang cia sa office at ako ay mag nine years na sa company namin and yet naging close kami agad. He is set to marry next month and he requested me to be one of the groomsmen. I am falling for him but I am trying to resist my feelings. The best way is to lessen yun pagsabay namin dalawa sa mga activities at sa tingin ko effective. Masakit man pero mas tama itong ginagawa ko. Magwait na lang ako na maging official na magkumpare kami.

    ReplyDelete
  5. I love the story and I guess almost everyone can relate to it.


    Masakit pero I love this line, "mas pinili kong maging malungkot para mas maging buo ang magiging kasiyahan niya"

    Ang buhay bakla nga naman..

    ReplyDelete
    Replies
    1. panalo bakla,,hehehe,,what a word...hahahaha

      Delete
  6. mr author,,wala man kalibugan nanyari,pero sa sa totoo lng napaiyak ako sa kwento mo,ganyan din kasi nanyari sakin,pero ako natuloy sa lugar na usapan namin.pero sya hnd nakarating for some reasons,,at tanging mssgs lng nya sa inbox ko ang tanging ala ala ko sa knya..sabi nga nila,when it comes to love,you dont know what is right,and what is wrong..all we should do,is to accept what happened,,and learned from it....have a nice day...mr israel27...

    ReplyDelete
  7. Ito ang yunay na pagmamahal... Mas inuuna mo ang kapakanan ng mahal mo kaysa sa iyong narararamdaman. Saludo ako sa yo!

    ReplyDelete

Read More Like This