Pages

Wednesday, November 14, 2012

Saltwater Room (Part 6)

By: Travis

Pagkatapos namin kumain ay nag-aya si Xander na manood ng sine.

"Nood tayo ng sine, Trav"

"Wag muna ngayon may gagawin pa kasi akong paperworks"

"Next time ha? Ano uwi na tayo?"

"Ako gusto ko na sanang umuwi, ikaw baka may pupuntahan ka pa?"

"Wala naman, actually gusto kong makapunta sa dorm mo, diba solo mo lang yung kwarto?"

"Oo solo ko, maliit lang yun"

"Ayos nga yun may sarili kang place"

at pumunta na kami sa Parking Lot.

Habang papunta ng dorm napansin ko na nirerenovate ang Park na malapit sa dorm. Masukal ito at walang maayos na upuan dati pero ngayon inaayos na at meron na din akong pwedeng pagtambayan pag buryong buryo na ko sa dorm.
Nang makarating kami sa dorm ay pinapasok ko sya.

"Xander, pasensya ka na sa dorm ko, maliit lang to."

"Wala sakin to, hindi naman ako maarte"

"Gusto mo manood ng tv buksan mo na lang maliligo lang ako"

at tinignan nya isa isa yung mga DVD ko sa rack.

"Bilisan mo maligo Trav, nood tayo ng DVD, tsaka pwede din bang makiligo pagkatapos mo?"

"Oo naman kaya lang may baon ka bang damit o kahit underwear?"

"Meron ako sa kotse, kunin ko muna"

at kinuha nya ang gamit nya sa bag. Pagbalik nya may dala syang bag na hindi ko naman napansin na nasa loob ng kotse, malamang sa compartment yun nakalagay at for emergency nya yun.

Pagkatapos ko maligo ay sumunod na sya, nakaboxers lang sya nung lumabas ng banyo.

"O bakit nakaboxers ka lang? Magdamit ka"

"Bakit naaakit ka nanaman ba sa akin?"

at nginitian nya ako na tila nang-aakit.

"Asa ka naman!"

"Diba eto lang naman ang suot ko pag natutulog ako, at ngayon dito ako makikitulog sayo, ayoko muna umuwi wala naman si Raf sa bahay"

"Sige ayos lang naman sa akin pero sana nagsabi ka para nakabili man lang ako ng pagkain"

"Wag mo na intindihin yun at ako na ang bahala dyan"

at inaya na nya ko maupo sa sofa. Sya na mismo ang nag on ng DVD player at kahit na nakakatakot yung sinalang nya ay nagtapang tapangan na lang ako kasi panigurado ay pagtatawanan nya ako pag nakita nyang natatakot ako. Ilang saglit pa ay may biglang kumatok sa pinto.

"Ay shit!" ang sigaw ko at tawa ng tawa si Xander kasi nagulat ako sa may kumakatok. Tumayo si Xander at pinagbuksan ang kumakatok at nagpadeliver sya ng pagkain.

Nag order sya ng sa fastfood, hindi ako masyadong kumain kasi simula nung pumayat ako ay naging maingat na din ako sa mga kinakain ko, ayoko na kasing bumalik sa dati kong hugis na bilugan. Kitang kita ko naman na nag eenjoy si Xander sa pinapanood namin. Ilang saglit pa ay nakatulog na pala ako sa sofa, nang matapos ang pinapanood namin ay nagising ako habang buhat ni Xander papuntang kama ko. Hindi ako nagpahalatang nagising kasi gusto ko din ang ginagawa nyang pagbuhat sa akin. Hindi sya nahirapan sa akin sa pagbuhat. Nang mailapag nya ako sa kama ay nakiramdam ako at napansin kong bumalik sya sa sofa at dun natulog. Gumising na ako para siya ang patulugin ko sa kama. Halatang hindi kasya si Xander sa sofa dahil sa matangkad siya.

"Xander, dun ka na sa kama wag ka dyan sa sofa hindi ka kasya mahaba ka, tsaka bisita kita"

"Ayos na ko dito sige na tulog ka na"

"Sige na Xander wag na makulit dun ka na, pag di ka tumayo dyan di ako aalis dito"

"Sige na nga para matahimik ka tabi na tayo, o ayan masaya ka na nyan panigurado"

at tumayo na sya at hinila ako papuntang kama at nahiga kami. Kinakabahan ako sa maaring mangyari pero hindi ko na lang inisip yun at tumalikod na lang sa kanya at nakatulog na din ako.

Kinabukasan ay maaga akong nagising, may mabigat na nakadantay sa hita ko, yun pala hita ni Xander. Bigla akong napatingin sa kanya at nasabi ko sa sarili ko na kung ganyan lang kagwapo ang lagi mong makikita tuwing umaga ay isang blessing talaga. Tumayo na ako at nagluto ng breakfast. Hotdog at Itlog lang ang naprepare ko at hinintay ko magising si Xander para sabay kaming kumain.

Habang kumakain kami ay biglang nagkwento si Xander.

"Namiss ko 'to yung nag aalmusal ng may kasama, simula nang maghiwalay ang mga magulang ko lagi na lang ako mag isa kumakain, buti na nga lang andun si Raf sa bahay kahit papaano may kasama na ako"

At nakita ko sa mukha nya ang lungkot ng nag iisa sa buhay.

"Wala ka bang kapatid?"

"Meron, sa mother's side tsaka sa daddy ko kaya lang hindi kami ganun ka-close. May sari-sariling pamilya na ang mga magulang ko, nagpapadala na lang sila ng allowance sa akin"

"Ah ganun ba, andito naman kami ng mga kaibigan mo, pag nag iisa ka lang sa inyo at nalulungkot ka puntahan mo lang kami"

"Salamat Trav"

at nginitian nya ako. Ngayon ko lang naintindihan kung bakit ganon si Xander dati, ang pagiging salbahe nya ay may pinaghuhugutan pala. At ngayong mas nakikilala ko na sya ay mas lalo ko syang gustong mapasaya, gusto ko iparamdam sa kanya na may kasama sya at may pamilya sya sa piling ko.

Itutuloy..

5 comments:

  1. bitin na naman ako.. update please..

    ReplyDelete
  2. Ganda ng story..sana habaan pa at bilisan ang pagupload :-)

    ReplyDelete
  3. uodate na agad kabitin eh! lol agad agad ...

    ReplyDelete
  4. your story is so good..sana madugtungan na agad :)

    ReplyDelete
  5. Galing kwento mo trav... kakainlove kayo ni Xander... eto ung masarap basahin.... haaaaaaaay...

    ReplyDelete

Read More Like This