By: Cedie
XII. Isang Sorpresa
Lumipas ang mga araw at linggo at dumating na naman ang finals ng unang semester. Pinaghandaan ng lahat ang exam na ito lalo na ng barkada. Matapos ang exam ay wala pa ding bumagsak sa kanila. Tuwang tuwa naman ang magkakaibigan at lalo na si Ced dahil hindi bumaba ang kanyang grades at mananatili pa din ang kanyang scholarship.
Malapit na ang birthday ni Kiko. Nagkausap usap ang magkakaibigan sa pamumuno ni Ced kung papaano sosorpresahin si Kiko sa kanyang nalalapit na kaarawan.Nagsimula na ang second sem at ilang linggo na lang ay sasapit na ang kaarawan ni Kiko. Nagkaroon sila ng plano na gaganapin ang birthday party niya sa sarili niyang bahay. May duplicate key naman kasi si Ced ng bahay ni Kiko kaya madaling madali nilang maisasagawa ang kanilang plano.
"Ganito ang plano naten, may pasok nung araw na yun diba, kaya may isang magyayaya saten kay Kiko na pumunta sa kung saan after ng klase. Pagkatapos nun ay yung iba naman ay sasama saken para pumunta sa bahay nila at maghanda ng pagkain at iba pang ihahanda.", paglalahad ni Ced sa kanyang mga kaibigan na tila excited na din sa mga mangyayari.
Pagkaplano ng lahat ay nagpanggap ang mga ito na parang wala silang napagusapan kapag kasama nila si Kiko at ang huli naman ay wala talagang kamalay malay sa nangyayari.
Sumapit ang araw ng birthday ni Kiko. Umaga nang magkakasama sila sa eskwelahan ay madami ang bumati sa kanyang mga kaklase at maging si Sir Paul. Madami naman ang nagtatanong kung saan ba ang handaan o kung may lakad ba daw mamaya. "Kiko pakanton ka naman!", sigaw ng isa sa mga lalaking kaklase nila. Matapos ang klase nila ay niyaya nito sina Ced na magpunta sa mall at ililibre niya daw dahil nga kaarawan niya, ngunit nagsinungaling si Ced at sinabi na may emergency daw na gagawin kaya hindi daw siya makakapunta. Maging ang iba na niyaya ni Kiko at nagdahilan din ng kung anu-ano at ang tanging pumayag na sumama sa kanya ay si Robert. Tila naging masama ang loob ni Kiko sa mga kaibigan niya dahil parang itinapat nila ang mga gagawin sa mismong araw ng kaarawan niya. Hindi niya alam na may binabalak ang kanyang mga kaibigan na sorpresahin siya mamaya paguwi niya sa bahay.
Tumuloy sa mall si Robert at Kiko habang pagkaalis naman ng dalawa ay mismong nagpunta na sila Ced sa bahay ni Kiko para makapagayos. Katext ni Ced si Robert na nagsisilbing tagapagbalita kung nasaan na ang dalawa at kung uuwi na. Matapos ang higit sa tatlong oras na pagluluto, pagaayos at paghahanda ng iba pang kailangan ay natapos na sila Ced. Si Ced ang nagluto ng spaghetti, sila Emily at Sarah naman ang naghanda ng cake, sina George at Jared naman ang naghanda ng mga gagamiting kasangkapan at nagayos ng lamesa na paglalagyan ng mga pagkain. Isang simpleng salo-salo lang naman ang inihanda ng mga kaibigan para kay Kiko. Biglang nakatanggap ng text si Ced mula kay Robert, "Prince,nagyaya si Kiko na uminom sa kanila, bumili kame ng alak at pauwi na kame dyan. Handa na ba lahat?" Nagreply naman si Ced, "Yeah, we're all ready." Sinabi ni Ced sa kanyang mga kasamahan na paparating na sina Kiko at pinatay nila ang ilaw sa bahay ni Kiko upang magmistulang walang pumasok sa bahay nila. Pagdating nina Kiko sa bahay nila ay madyo gabi na kaya madalim ang bahay, pagkabukas ng ilaw ni Kiko ay nakita niya ang mga pagkain at ang kanyang mga kaibigan at sabay sabay silang sumigaw ng "Surprise! Happy Birthday Kiks!", nagulat si Kiko at biglang natawa na lamang sa mga nangyari. Isa isa silang lumapit at bumati ng maligayang kaarawan kay Kiko at sinimulan na ang pagkain. Nang matapos na silang kumain ay binati ni Kiko ang handang spaghetti, "Ang sarap nung spaghetti, favorite ko pa naman yun, san niyo naorder to?" Natawa ang iba sa sinabi ni Kiko at sumagot naman si Jared, "hindi namen binili yan pre, si Ced mismo ang nagluto niyang spaghetti mo." Nagulat si Kiko at parang ayaw maniwala ngunit umamin din naman si Ced na siya ang nagluto nito. Natawa na lamang si Kiko at sinabing, "ang galing mo pala magluto, pwede ka nang mag asawa." Nagtawanan na lamang ang mga kasamahan nila sa pagkakabanggit ni Kiko dito.
Matapos ang kainan ay nagsimula nang magbigay sina Ced ng mga regalo para kay Kiko. Naunang magbigay sina Sarah at Emily ng damit. Naghati ang dalawa sa pagbili ng isang branded na polo shirt para kay Kiko. Sumunod namang nagbigay si George kay Kiko at binigyan niya ito ng boxer shorts na puro saging ang design. Nagtawanan ang mga ito sa regalo ng una kay Kiko. Binigyan ni Jared si Kiko ng sumbrero, si Robert naman ay nagbigay ng shades para daw pandagdag porma. Nang ilabas ni Ced ang regalo niya kay Kiko ay kinuha nito ang isang kahon mula sa kwarto ni Kiko at binigay sa binata. Pagbukas ni Kiko ng kahon ay nakita niya ang isang pares ng sapatos na Crocs. Nagulat ang lahat dahil alam nilang mahal yon, nagsalita si Ced, "Pinag-ipunan ko yan talaga, isinama ko yung lahat ng allowance ko ng isang buwan at may konting perang binigay ang ate ko sa akin kasi na maintain ko ule yung scholarship ko kaya nabili ko yan, binigay ko sayo yan kasi may napanood ako sa TV at sabi na great shoes will take you to great places tsaka para kahit di mo ko kasama eh suot suot mo yan at parang kasama mo pa rin ako kahit san ka magpunta." Napangit na lamang ang magkakaibigan sa paliwanag ni Ced sa kanyang regalo. Nagpasalamat si Kiko sa kanila at niyakap naman nito ang kanyang bespren sa sorpresang pinagplanuhan ng kanyang barkada para sa kanya. Nang matapos ang lahat lahat ay nagligpit na ang mga kasamahan ni Kiko ng mga pinagkainan at nagpasya ang lahat na magsiuwi na dahil may pasok pa sila kinabukasan. Nagpaalam na ang mga kasama ni Kiko at pinilit pa ni Kiko na ihatid sila ng mga bahay bahay ngunit hindi pumayag ang mga kaibigan nito at sinabing si Ced na lamang daw ang ihatid sapagkat ito naman daw ang pinakapagod sa kanilang lahat. Nang makaalis ang mga kaibigan nila ay inihatid ni Kiko si Ced paguwi.
"Bunso salamat sa lahat ah, akala ko nakalimutan mo na yung birthday ko eh", ang sabi ni Kiko. "Anu ka ba naman kuya Kiks, syempre naman hindi, ikaw pa na pinakamalapit saken, hinding hindi ko malilimutan yun", ang sagot ni Ced. "Alam mo ba Ced na ito ang isa sa pinakamasayang birthday ko, kasi nagkaroon ako ng mga mabubuting kaibigan at nagkaron ako ng bespren na tulad mo, mahal kita bunso", nakangiting sabi ni Kiko. Tila namula si Ced sa narinig, nakarating sila sa bahay ni Ced at tumigil ang kotse ni Kiko sa harapan ng bahay nila Ced. "Kuya Kiks salamat sa paghatid, may ibibigay pa pala ko sayo, nakalimutan ko tong isa ko pang regalo.", nakangiting sabi ni Ced. Sumagot naman si Kiko, "anu yun bunso?" Lumapit si Ced kay Kiko at nagwikang, "Happy Birthday Francois, I Love You Kuya", sinabi niya ang katagang ito at mabilis na hinalikan sa labi ang kanyang kaibigan at bumaba ng kotse. "Kitakits sa school bukas kuya, yngat sa paguwi", dugtong ni Ced. Isang ngiti naman ang namutawi sa mukha ni Kiko habang tinitignan ang kanyang bespren papasok ng kanilang bahay..
Itutuloy..
**********************************************************************************
Hi Guys, pasensya na medyo mabagal na ko makakapagpost dahil busy na din po ko sa work, Mahirap na kasi magpost ng number andaming makukulit. Salamat po sa pagfollow at pagsubaybay. Feel free to comment if I need to improve on something..
This is all based from a true story.. Names lang po ang binago ko to protect everyone's privacy.. ThankS!
***********************************************************************************

Wow,hands nmn ng kwento mo....sana mapost na agad ung kadunod....
ReplyDeleteWoW,, ang cute naman nang story.. I merely like it :)
ReplyDeletevery good to the author,, kasi naibahagi mo sa mga readers ang ganito ka cute na story.. post ka po uli ng next episode agad hehehehe :P
goodluck!!!
ayun na eh climax na eh hahaha kaso nabitin oh well next na please heheheheh :)
ReplyDeletehanggang ngayon kayo pa rin ba?
ReplyDeletenakaka excite na ung next chapter. sana ma post na as soon as possible. ahaha. :)
ReplyDeletepost na dali! ako tatapos sa work mo.hehehehhehe I am happy that you find someone that makes you happy....sana ako din, I envy you in a good way! Tinapos ko to basahin ng isang upuan lang kaseh may sense ang kwento, alam mo kung fake or not! Yung kwento mo consistent, its real, na I thought wala talagang ganito. will look forward sa next post mo. di mo kailangan to improve on something, for me lang. The story itself made the whole thing worth reading, kahit pa may typo errors,or kung meron man di ko ma remember. I was blown away by the story. Dami ko pa gusto i post..hmmmmm basta ang ganda ng story. Sana i feature to sa MMK. :D
ReplyDelete:)
ReplyDeleteAyun...ang ganda ng story...
ReplyDeleteParang hirap ako maniwala sa umpisa kac karamihan ng mga ngtetake ng engineering na lalake ay mga barako...
Engr. Kac ako...pero naisip ko pwede kac tulad ko naging bi na din ako after 24 yrs of my life na straight ako..ahahahah
Cj po name ko
nice chapter!
ReplyDelete