m2m site and everything in between, kwentong kalibugan, malilibog, malibog, gay stories, gay filipino stories, tagalog gay stories, top gay philippines website, top pinoy gay site, pinoy libog stories, manila gay, bisexual, bromance, bakla pinoy, gay pinoy, hot pinoy men, hot filipino men, man to man, sexy pinoy men, pinoy gay porn, pinoylgbt, pinoy homosexual, becky nights, philippines first gay blog, pantasya, pinoy tagalog gay story, tagalog gay story, bakla story, bading story,biggest pinoy gay blog, hot pinoys planet, asian, pinoy kaplogan, bear men, pinoy male discreet, men's secret, dude pinoy,malilibog pinoy tambayan, hot pinoy men,pinoy callboy, gay manila, gay ofw hangout, ofw hangout, pinoy tambayang, pinoy gay indie film, bisexual pinoys, tambayang lonely boys,mencircle, pinoy all male online community, kaplogan, star, barkada, pogay chatroom, that's my tomboy, pogay,pinoy gay porn, pinoy gay chat, kantutan stories, pinoy gay stories, pinoy m2m stories, kwentong kalibugan, pantasya stories, pantasya collection, tagalog gay stories, gay filipino stories, top pinoy gay site, pinoy libog stories, gay pinoy, bakla sites, bading sites, pinoy gay porn, pinoy gay, pinoy gay scandals, m2m pinoy, pinoy gay movies, pinoy gay indie,

Sunday, December 30, 2012

The Four Evangelists and a Saint (Part 6)

By: Yuan

Chapter 6: The Betrayal

Author's note: Sorry sa mga tagasubaybay ng kwento ko at ngayon lang ulet ako nagkaroon ng time para isulat ung 6th installment ng series. Marami kasing nangyari within the 6 months (almost) na nawala ako sa pagsusulat ng story ko. Not to prolong the agony, here is the next chapter. Enjoy!

Nang makita ko si John sa transient house ay nakahiga na ito sa kama n namin. Alam ko hindi pa siya tulog noon, pero nawalan ako ng lakas ng loob upang kausapin siya. I felt so vulnerable to confront him during that time. Para makaiwas sa conversation ay pinili kong lumabas ng silid at sa sofa ng sala na lang ako nagpalipas ng magdamag.

Kinabukasan ng pag-gising ko ay wala pa rin kaming kibuan ni John. Naaamoy na ng lahat ng mga kasama namin ang ambiance ng cold war sa pagitan namin ng "Deh" ko. Hanggang sa dumating ang oras na kailangan na naming umalis.

Sa pag-alis ay ganun pa rin ang trato namin sa isa't isa. Ngunit magkatabi kami sa bangkang sinakyan namin pabalik ng Batangas port. Sa pagkadami dami ba naman ng mga bangka na nasa Galera ay ang mismong bangka din namin ang may lulan sa nakahalikang babae ni John kagabi. At kung aabutin ka talaga ng malas ay kaharap pa namin siya!
Alam kong namumula na ang mga tenga ko noon dahil sa galit pero di ko ito alintana dahil ayaw kong makita ni John na apektado ako sa babaeng yun! Dahil sa mahaba ang byahe sa dagat ay halos nakatulog ang karamihan ng mga pasahero sa bangka. At isa nga ay ang babaeng nasa harap namin ni John. Sa kanyang pagkakahimbing ay biglang tumulo ang laway niya (you may find it gross, pero yung pagtulo ng laway ay yung tipong naghibla ito habang pumapatak). Napatingin ako kay John nakita din pala niya ang tagpong iyon, at napatingin din siya sa akin. Sa sandaling iyon ay nagkatitigan kami ng boyfriend ko at bigla na lang kaming nagkatawanan. Bigla niya akong niyakap at bumulong "Deh, sorry." At ako man ay nag-sorry din sa kanya. "Bati na tayo?" tanong niya at sinagot ko lamang siya ng tango. Kahit nagkapatawaran na kami ng "Deh" ko ay alam ko sa sarili ko na may malaking pagbabago ang magaganap sa relasyon namin. I know for a fact that I'll be more reluctant and hesitant. Mas magiging protekatado na ako sa aking sarili dahil sa alam ko na kaya pala niya akong masaktan kahit na anong oras na naisin niya.

Sa Batangas port ay agad kaming nakakuha ng bus pabalik ng Cubao upang doon naman ay makasakay ng bus pabalik ng Pampanga. Bago umalis ang bus ay nagpaalam muna si John upang umihi. Mula sa bintana ng bus ay sinundan ko siya ng tingin. At ng pabalik na siya ay nakita ko siya na hinarang at kinausap ng babaeng kahalikan niya kagabi. Pagdating ni John sa upuan niya sa tabi ko ay agad ko siyang tinanong kung ano ang pinag-usapan nila ng bruhang iyon. "She was asking for my number and I decline to give it to her" sagot niya na kinagat ko naman. Nakabalik kami sa aming probinsiya at nagpatuloy ang relasyon namin ni John at balik sa normal naming buhay. Siya nagtatrabaho at ako ay nag-aaral.

Dumating ang 4th year ko sa college at mas lalo akong naging busy sa school activities ko. Lalo na at naghahabol ako for latin honors, talagang halos puspusan ang ginawa kong pagfofocus sa pag-aaral. Idagdag pa na nanging VP ako ng aming organisasyon sa aming kurso. Dumating ang oras na halos di na kami nagkikita ni John sa bahay maliban na lang sa pagtulog.

Nung mga panahon na iyon ay napapadalas din ang pag-uwi ni John sa Bulacan. Ang paliwanag niya sa akin ay may sakit daw na malubha ang mommy niya. Agad akong nagpresinta na pumunta din sa kanila upang madalaw man lang ang kanyang ina. Ngunit sa tuwing nagpupumilit akong sumama sa kanya sa Bulacan ay pilit pa rin niya akong hindi isinasama. Nagleave si John sa kanyang trabaho for 2 weeks upang maalagaan daw at mabantayan ng mabuti ang kanyang mommy. Hindi ko siya pinigilan kahit alam kong mahihirapan ako dahil nakasanayan ko na na lagi siyang katabi kapag natutulog. Hindi kasi ako yung tao na makikipag kumpitensiya sa atensiyon at oras ng taong mahal ko kapag ang kalaban ko ay ang pamilya niya.

Sa mga panahong iyon ay ginawa ko na ring abalahin ang sarili ko sa organization namin. Dito pumasok sa eksena si Mark (Mark Ryan to be exact). Co-officer ko siya sa organization, blockmate sa school at ka-member sa dance group namin. Mula nung 1st year college ay kilala ko na siya. Kaibigan at maraming girls (and gays alike) ang nagkakagusto sa kanya. "Campus hearthrobe", "dancefloor cutie", "chinito with a killer smile" kung bansagan siya ng ibang students at instructors namin. Siya ay medyo maputi, matangkad (around 5'11"), at maganda ang pangangatawan dahil sa pagbubuhat ng weights. Ang madalas na ipinapawangis sa kanya ay si Vaness Wu ng F4 dati. Naging close kami ni Mark at sa closeness namin ay naikwento ko na rin pati ang gender identity ko. At wala naman nagbago sa pakikitungo niya sa akin kahit alam niya ang katotohanan sa katauhan ko. Naikwento ko rin sa kanya ang situation namin ni John. At may naparealize sakin si Mark na lubhang kinabahala at pinag-isipan ko habang magkalayo kami ng boyfriend ko. "Sa anong dahilan kung bakit ayaw ka niyang isama sa bahay nila sa Bulacan? Baka may itinatago siya sayo?".

Doon ay nagsimula na rin ako magduda kay John. Alam kong mali na pagdudahan siya at naging simula ito ng madalas naming pag-aaway. "Deh ang gusto ko lang makilala ang family mo!" yan ang lagi kong katwiran sa tuwing nabobrought up ang mga reason kung bakit gusto ko pumunta ng Bulacan, sa bahay nila. At lagi naman nauuwi sa pagtatalo at pagwo-walk out niya at pag-uwi niya sa Bulacan. Sa mga panahong on the rocks kami ni John ay si Mark ang aking naging sandalan. Sa kanya ako umiiyak kapag hindi ko na kaya. Sa kanya ako humihingi ng advice sa halos lahat na ng problema ko.

Until one day, while John is in their house in Bulacan, naghalungkat ako ng mga gamit niya sa bahay namin. Boom! I saw his complete mailing address on one of his documents. I don't know what came into me at nagpaka-detective conan ako during that time. All I know is that pupuntahan ko siya sa bahay nila. Yun ang gusto ko gawin at yun nga ang ginawa ko. I beg to my mom na pahiramin ako ng car pero minalas ata ako at hindi ako pinahiram. "Sign ba ito? Na huwag ko na lang ituloy?"

Biglang pumasok sa isip ko na may kotse nga pala si Mark. Agad ko siyang tinawagan at sinabi ang mga balak kong gawin. And I asked him if he could lend me his car. To my shock, hindi siya pumayag na ipahiram ang kotse niya bagkus ay ipagdadrive daw niya ako basta ako daw magpa-gas. Biniro ko pa siya na wala lang siyang tiwala sa akin na ipahiram yung sasakyan niya. And then everything is settled. Pupuntahan namin ang bahay ni John on a Sunday para wala kaming pasok.

On that day, I acted normal sa text ko kay John. The normal morning greetings. The normal anong ginagawa mo thingy. At kung ano ano pang messages para di siya makahalata na I'm gonna surprise him na bibisitahin ko siya sa bahay nila sa Bulacan.

On the way ay si Mark nga ang nagdrive. Usual kwentuhan until I told him that I'm nervous on what I'm going to do. Bigla niyang tinanggal ang kamay niya sa pagkakahawak sa kambyo ng kotse at hinawakan ang kaliwang kamay ko. "You'll be alright, andito lang ako.". Mga simpleng katagang nagpapanatag sa akin.

Madali naman naming natunton ang bahay nila John at nang nasa harap na ako ng gate ay nagdoorbell ako. Isang babae na nasa mga edad 23-25 ang lumabas at may dalang sanggol na parang kapapanganak pa lamang ang lumabas at tinanong kung sinong hanap ko. "Good morning miss, ahmmm.. Andiyan po ba si John?" tanong ko. "Ay wala siya kakaalis lang, pumunta ng grocery. Sino po ba sila at ano kailangan nila?." pagsagot at pabalik niyang tanong sa akin. "Ay ako po pala si Yuan, kaibigan po ni John sa Pampanga. Matatagalan po kaya yung pagbalik niya?" pabalik ko namang tanong sa kanya. "Ah ikaw pala si Yuan, kung gusto mo sa loob mo na hintayin yung mister ko, tawagin mo na rin yung kasama mo sa kotse ng maipaghanda ko man lang kayo ng maiinom sa loob" sagot niya na kinabigla ko. "Mister niyo po si John? Asawa niya po kayo?" naguguluhan kong tanong habang papasok kami sa bahay nila. "Actually, di pa kami kasal, nauna pa nga itong baby namin (sabay muestra sa sanggol na hawak niya) pero may plano na rin kaming magpakasal. Nakapamanhinkan na rin naman yung pamilya ni John sa amin."

Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko noon. Parang tumigil ang mundo ko sa pag-ikot o gusto kong tumigil na lamang ang mundo ko sa pag-ikot? Gumawa ako ng dahilan upang makaalis at sinabi na lamang sa babae na pakisabihan na lamang si John na napadaan ako sa kanila.

Alam ko habang pabalik ako sa kotse ni Mark ay nagpipigil ang mga mata ko na magpakawala ng masaganang luha. Ayaw kong makita ng asawa ni John na umiiyak ako. Pag pasok ko ng kotse ay sinabihan ko sa Mark na uuwi na kami. Nang paharurutin ni Mark ang kotse niya ay sabay din sa paghagulgol ko sa loob ng kotse niya.

Hanggang dito na lang muna po yung kwento ko. Sana nagustuhan niyo at I'll wait for the comments of the readers. Good or bad, I will take them positively esp. yung constructive criticisms. Thank you sa pagbabasa and di ko na po patatagalin ang 7th installment ng kwento.

9 comments:

  1. Ang sakit :( .. Sana ma-publish na iyong part 7..

    ReplyDelete
  2. Ouch! Ramdam ko pti ako apektado na! Cant wait to have d next chapter! Kudos s author!

    ReplyDelete
  3. love story mo talaga ito yuan?!
    magparamdam ka sa amin pre!
    hahahahaha!....

    ayan! alam nilang close tayong dalawa!
    busy ka kasi sa pagpapayaman sa pampanga...
    hahahahaha!....

    happy new year yuannnnnnnnnnnnnn!!!!
    ~true!

    ReplyDelete
  4. Wow,kuwentong pag-ibug nga naman....
    Di na aq mkapag-antay sa kasunod nito......

    ReplyDelete
  5. ahhhhhh.....it hurts,sinaksak na inikot ikot pa ang kutsilyo habang nakabaon,sakit no!
    sorry co readers it's just what i feel after i've read it.

    ReplyDelete
  6. isa lang ang inisip ko nung pumasok ako sa relation ng the same sex... darating ang panahon na ag lalaki hahanap at hahanap yan ng magbibigay sa knila ng anak...
    isa lng naging motto ko... ipagpalit mo na ko sa babae hwag lang sa kapwa lalaki...

    kahit wala na kami nung bestfriend ko...ninang este ninong nman ako ng anak nya... masaya na ko dun... at least babae pa din nakatuluyan nia...

    to the author hwg k masyado masaktan sa natuklasan u na babae ang ipinalit sau...mas masakit if tulad mo din lalaki ang ipinalit sau

    ReplyDelete
  7. korek tsaka rare na tlga yung nagtatagal ng matagal sobra infact khit mtagal na kayo my times parin na maghahanap ka ng kalandian mo khit mahal na mahal mo yung mahal mo.... which is normal nman khit sa opposite sex. hay sana wag matulad sakin yang 4 yrs ko. til now we're happy

    ReplyDelete
  8. Kawawang yuan....hahahahahahahaha pero ganyan talaga an buhay may pintong ngsa2ra at sa sa kabila naman ay may pintong mgbu2kas...p.s hintayin mo ang mga bintana ang mgbukas,hahahahaha....nice story!
    -apoynakidlat

    ReplyDelete

Read More Like This