By: thelustprince
Part 2 : (Ang Maginoong Pusakal)
Butil-butil na pawis, tila dyamanteng kumikinang sa kanyang noo at leeg ang bumubukal. Halos walang patid itong tumatagakatak upang basain ang kanyang unan. Pabaling-baling ang kanyang ulo. Nakakakuyom ang kanyang mga kamao sa gilid ng kanyang katawang nakahimlay sa kamang hinihigan. Humahakab din ang puting sando at brief sa maalindog na ukit ng kanyang katawan dahil sa basa ng pawis.
Impit ang kanyang mga ungol na walang pinagkaiba sa lumalasap ng ibayong ligaya at dumadanas ng masidhing sakit o paghihirap. Lumiliyad na tila umaabot sa rurok ng ligaya at nagkikisay ang mga binti at hitang ngangingintab sa basa ng pawis. Umaalog ang kama na kanyang hinihigan dahil sa kanyang pagpupumiglas na tila ibig kumawala sa pagkakagapos.
Nais nyang iabot ang kanyang kamay ngunit nakatayo lang sa kanyang paanan ang isang nilalang, lubos ang pagtataka kung bakit di ito kumikilos. Dama nyang nakatitig ito sa kanyang katawan kahit di sya sigurado kung ano ang talagang pakay sa kanya nito. Subalit bakit kakaiba ang hatid na kiliting dumadaloy sa kanyang dugo na tila sumesentro sa kanyang puso.
Hhaaaaaarrrrrggggggghhhhh…
Bigay todong ungol ang kumawala mula sa kanyang natutuyuang lalamunan. Napaliyad na dinama ang dulas at init ng bibig na biglang lumamon ng buo sa kanyang kahindigan.
Nanlalaki ang kanyang mga mata nang mapadilat. Pabalikwas na hinahabol ang hininga ng maramdamang may dumaloy na malamig na likido sa kanyang natutuyuang lalamunan.
“Gwaaaaaarrrkkhhhh!!!” ang pasukang pagbuga habang malakas ang tawanan sa paligid.
“Pucha naman pre, tulog ka ng tulog di pa tapos tong iniinom natin dito oh, bumangon ka jan! tagay mo isinuka mong tang ina ka! lagi ka kasi nagpipigil kaya sa pag tulog ka kumakantot ng kalibugan!” Habang hawak pa ang basong pinaglagyan ng ibinuhos na alak sa nakabuka nyang bibig habang nananaginip.
“Tangna ka pre, halos five minutes, ang haba ng video scandal mo oh! Hehehe!” habang pinapakita sa kanya ang kuha ng kanyang pangingisay sa kama.
“Tarantado ka! Di mo ba ko titigilan dyan sa kakakuha mo sakin, di ka pa ba nagsasawa, nkakailang volume kanaba ng video ko ha!” habang hawak pa ang kanyang leeg na sumakit dahil sa pagsuka.
“Di ko na nga mabilang pare sa dami, lahat nasa laptop ko, title ng folders ‘Panaginip ng Sikil na Libog ni Haring Burat’ heheheh!”
“Tang ina mo! Aminin mo pare, baklang bakla ka na saken no?”
Nagtawanan ng malakas ang tatlong lalaking hubad barong nakasalampak paikot sa ibabaw ng banig at nagtatagayan ng alak. Katabi naman nila ang kamang pag-dalawahan kung san naroon si Dale nang ito ay sumuka ng alak. May maliit na lamesang pangsulok sa kabilang gilid nito kung saan nakaupo si Emil kahaharap ng kanyang laptop.
“Ulul! Kahit gano ka pa ka-gwapo at ka-macho di kita papatulan pare kung bakla man ako. Pero dahil hindi tayo pwedeng mambabae dito, tangina kakantutin kita pare sabihin mo lang, ang puti at ang kinis mo eh! Haaaarrrggghhh!” ang kunwang nanggigigil na biro ni Emil at muling kinalikot ang laptop at nililipat ang video mula sa cell phone nya.
“E bakit lagi mo nga ako kinukunan tuwing nananaginip?” pangungulit nya ulit kay Emil na tila naghahagilap ng maisasagot.
“Pinagjajakolan ka nyan tol” Sabat ni Anton sabay lagok ng tagay na lalong nagpalakas ng tawanan nilang tatlo sa banig.
“Mga gago! Retirement raket natin toh, ibebenta natin sa mga bading o kaya ibenta natin sa quiapo para pagkakitaan. Panawid gutom din to mga ulol!” halatang pikon na si Emil.
“King ina ka! Pati retirement illegal padin? Gago, mayaman na tayo pag retire natin, yun nga lang tiyak na kulungan ang bagsak natin kaya di mo kailangan yang mga kabaklaang ideya mong bayot ka nga talaga!” singit ni omar na tila lalong nangaasar.
“Oo nga, wag ka na magkunwari dyan, e kaninang kinukunan mo sya ay mas madalas ang tutok cp mo sa nakausling burat sa brief nya e. At parang gusto mo nang susuhin ung ulong sinisipat mo pare!” gatong din ni Ashley sabay ng pagdila at pagsubo sa bunganga ng bote na tila isa itong burat habang nakatitig ng nakakalibog pang asar kay Emil.
“Bwahahaha! hindot ka Emil! Malamang naglalaway ka habang nagbibidyo ka! Sobrang tigas ba? Malake ba burat ni Dale? Ha? Habang tinititgan sya na kunwari naglalaway. Si Anton muli ang nagsalita.
“Mga putang ina kayo ah!!” ang pikong sigaw ni Emil, humangos na tinalon ang kama papunta sa banig. Mabilis na binunot ang baril mula sa likurang pantalon at itinutok sa tropa.
Nabigla si Dale, kilala nya kung gano magalit si Emil. Itutuloy nito ang mga bagay na nais gawin kapag nasa ilalim ng matinding galit.
“Woooo!! Sige! Sige! Putang ina ka iputok mo! Iputok mo gago!” halos sabay-sabay na hamon ng tatlo, sabay tutok din ng baril sa mukha ni Emil.
Lumalangitngit ang mga ngipin ni Emil sa gigil, nanalilisik din ang mga mata ng tatlo. Namumula sa galit ang kanilang mga mukha, galit na lalong pinasidhi ng alak na nainom nila. Handa sa anumang sandaling kalabitin ng isa man sa kanila ang gatilyo ng baril. Handa din silang kalimutan ang halos sampung taon nilang pagsasama bilang mga pusakal bukod pa sa mahabang panahong pinagsaluhan bilang magkakabarkada mula pa ng sila ay mga binatilyo pa.
“isang putok lang mga putang inang mga bayot kayo! Di kayo patatawarin ng boga ko mga gugngong kayo!” Matigas na dominanteng tinig ang nagmula sa kanilang likod.
Sa ganitong pagkakataon, batas ang mga salita ni Dale. Lalo na kung usapang boga, di lang mabubutas ang katawan mo kundi magugutay pa. Tanda pa nila dati sa pinakaunang salakay nila sa isang pawnshop upang holdapin. Bagito pa silang lahat. Tanging alak at droga ang kanilang sandata ng katapangan.
Lahat sila ay tulala kung pano inasinta ni Dale ang lumang abandonadong gasoline truck na nakahimpil sa gilid ng makipot ng kalsada.
Sumabog ito at sumirit ang apoy mula sa tangke na lumikha ng sunod-sunod na banggaan ng sasakyang nagdaraan upang matakasan ang sandamakmak na humahabol na pulis patrol car. Likas na buo ang loob at bihasa sa asintahan si Dale kung kaya nabuo ang respeto nila sa kanya.
*****
Ala una ng hapon, maluwag ang kalsada at payapa ang paligid ng isang di kalakihang shopping mall sa probinsyang iyon. Kilala itong pasyalan ng mga taong nkaaangat sa buhay dahil sa dami ng mga pagpipiliang tindahan ng mga mamahaling alahas dito.
Tatlong bihis mayaman na lalaki ang iniluwa ng isang magarang sasakyan at derechong pumasok ito sa isang tindahang malapit lamang sa main entrance ng mall. Halos sabay silang humugot sa kanilang kwelyo sa batok at sa isang iglap ay naisklob nila ng buo ang stockings sa kanilang ulo at mukha.
Malakas ang hiyawan nang iilang tao sa loob ng tindahang kanilang pinasok. Sa isang iglap rin ay napatahimik dahil kusang loob silang dumapa sa sahig at di makakilos sa takot.
Gamit ang martilyo, may estilong hinahataw ng isang lalaki ang mga eskaparateng de kandado. Sinisiguro na mababasag agad ito sa isang hatawan dahil sadyang matibay ang mga salaaming kinalalagyan ng mga mamahaling alahas.
Maliksi din naman itong sinusundan ng limas ng isang lalaking may dala ng maliit na sakong itim. Bihasa din ang pagdakma nito sa mga alahas kahit mahigpit na nakakabit ito sa kinalalagyang kahon o maneking itim na leeg hanggang balikat lamang.
Mabilis na bilang at aral ang kanilang mga kilos at hakbang. Hindi lahat ng eskaparate ay kanilang pinasadahan. Iyon lamang mga mamahalin ang kanilang kinukulimbat.
Bilang na bilang din nila ang bawat segundong dapat nilang ilagi sa loob ng tindahan.
Si Dale naman ay nakadipang hawak sa magkabilang kamay ang armalite at baril at malikot ang matang binabantayan ang mga taong nakadapa sa loob ng tindahan. Alistong syang nagbibigay babala habang tinututukan ng baril ang sinomang makitang kumikilos kahit bahagya lamang.
Sa labas ay malikot din ang kotse sa pagmaniobra katapat ng entrance ng mall. Malikot ito sa ginagawang pag atras at abante na tila first timer ang driver nito.
Kung sa labas tatanawin ang driver ay matatawa ang sinomang makakakita dahil tila bagito ito sa pag maniobra habang nagkakamot ng ulo. Kung ikaw ay susunod na magpapark ay di mo na aantayin bagkos ay hahanap ka nalang ng ibang pwesto. Di mo tuloy mapapansin ang nakawang nagaganap sa loob.
Kapansin-pansin din ang nakatayong lalaki sa likod ng guard na naka pwesto sa mall entrance. Tulad din nya ang porma ng damit na may hood at shades ng driver ng kotse. Kalmadong nakaupo lang ang guard habang inabutan ito ng yosi ng lalaki at sinindihan. Pagkatapos ay sya naman ang nagsindi ng yosi at nagpausok na tila walang kakaibang nagaganap sa paligid lalo na sa loob ng tindahah.
Pandalas ng hithit buga ng usok ang guard at ang lalaki. Di pa ngangangalahati ang stick ay biglang pinukpok ng lalaki ang guard sa ulo gamit ang kanyang baril. Humandusay ang guard sa semento at maliksi nyang tinakbo ang kotseng tumigil na sa pagatras abante.
Muli sa loob, wala pang dalawang minuto ay nalimas ang dapat na malimas pati ang perang laman ng kaha ng maliit na tindahang iyon.
Mabilis na binitawan ng lalaki ang kanyang martilyo, sabay takbong palabas ng tindahan at dumerecho sa likurang upuan ng kotseng kakatigil lamang sa pag atras-abante. Halos kasabay nya sa pag upo at nagkakabit ng seatbelt nya sa unahang upuan ng sasakyan ang lalaking pumukpok sa gwardya.
Pagkatapos ay mabilis na umatras ang getaway car upang itapat mismo sa entrada ng mall.
Saktong patalon na din sa likod na upuan ang lalaking may hawak na sakong itim ilang segundo lang ang pagitan nila sa lalaking bihasa sa martilyo.
Mabilis din ang kilos ni Dale, paatras ang malalaking hakbang na naglalakad ng nakadipa at nakatutok ang hawak na sandata sa mgkabilang kamay sa sinomang tapatan nito. Kahit ang mga tao sa kalapit na mga tindahan ay tulala din at di makakilos habang ang iba ay napadapa na lang sa sahig dahil sa labis na takot.
Patalong hinakbangan ni Dale ang nakahandusay na gwardya palabas ng mall. Tinumbok ang nakabukas na pinto ng likurang upuan ng kotse at pataob na lumundag sa kandungan ng naunang dalawang lalaki sa likurang upuan ng kotse.
Kasunod nito ang mabilis na pagharurot sa kahabaan ng maluwag na kalsada.
“Whoooaaaaahhhhh!” Sigawan sa loob ng heavily tinted na getaway car.
“Tangina tol, damang dama ko na umakyat sa leeg ko ang betlog ko sa sobrang kaba kahit nasa labas lang tayo nakatoka!” ang nangangatal na sabi ni Anton ng may hawak sa manibela. Sinabayan nya ito ng malakas na tawa at halatang nagpapagpag ng kaba sa dibdib.
“Oo nga tol, kinang inang yan, kahit panglimang salakay na natin to abot-abot padin ang ngatog ng tuhod ko! Mas dobleng kaba nga ang satin dahil di natin alam lagay ng tatlong mokong sa loob! Galing nyo mga kupal!” sabat naman ni Ashley na parehas ding nagtatahip ng kaba sa pagtawa ng malakas. Sya ang nagsilbing lookout.
“Mga gunggong na bahag ang kuluntoy nyong burat! Mabuti yang may kaba, ibig sabihin alam nyo pa kung ano ginagawa nyo at kung nasan kayo. Ang masama kung wala na kayo non, bara-bara na diskarte nyo at di na kayo makapag-isip!”
Ang pagsingit ni Dale sa likurang upuan ng kotse habang init na init na hinubad nya ang stockings sa mukha. Sumunod na din sa pagtangal ng kani-kanilang stockings ang dalawang katabi niya pati na din ang kanilang mga pang itaas na suit ay hinubad din nila at ti-shirt lang ang natira.
“Oo nga, at least ito yung pinakamabilis na salakay natin. Tangina wala pang limang minuto nakalayo na tayo sa mall at putang ina! Zero bullet tayo ngayon for the record!” Ang pagyayabang ni Emil habang tirik ang mata sa pag salat ng nakulimbat sa loob ng bitbit na sako.
“Oh, baka may sumabit sa palad mo ha? Tangina walang gulangan dito!” ang maangas na saway naman ni Omar na bihasa sa martilyo.
“Pare pinagbibintangan mo ba ko?” si Emil
“Biro lang tol, to naman, gusto mo chupain mo na lang ako?” si Omar
“Tara!” sabay nagningning ang mga mata mula sa panlilisik.
“Ulol! Malibog kang bayot ka talaga!”
“Sabi ko na magkakatuluyan kayong mga gago sa mga pinagagagawa nyong katarantaduhan eh! Tagay nalang tayo mga bayot” Si Dale habang binubuksan ang bote ng jose cuervo at tumunga dito ng deretso.
Masaya nilang pinagpasa-pasahan ang bote ng alak habang bumibiyahe.
Sa isang tagong kalye ay huminto sandali ang kanilang sasakyan at bumaba si Emil. Sa isang mabilis na kilos ay pinalitan nito ang plaka ng kanilang kotse.
Tuloy-tuloy lang ang napakahabang biyahe. Nakailang ikot na din ang bote ng alak. Malagihay na ang kwentuhan ng lima tanda ng unti-unting pagkalasing. Kamapante na silang lahat sa pagbaba ng tension ng nakaraan.
Sa puntong ito ay binabaybay na nila ang daan kung san wala nang masyadong kabahayan. Madamong bukid ang kabilaan ng kalsada ang kanilang tinatahak. At kapansin-pansing malamig na ang dampi ng hangin sa kanilang balat mula sa bukas na bintana ng sasakyan.
Papalubog na ang araw.
Tuloy padin ang tunggaan, halos maubos na muli ang laman ng pangalawang bote.
Sa muling pagtungga ni Anton, biglang bumara ito sa kanyang lalamunan at di naiwasang maibuga ang alak.
“Dale sa unahan!” sigaw nyang may gulat habang pinahid ng kanyang kamay ang bibig na may dampi ng alak ngunit listo padin itong nakatutok sa manibela.
Alertong hinugot ni Dale mula sa kanyang paanan ang baril at tinanaw ang itinuturo ni Anton.
Check point ang kanilang dadaanan mga limang daang metro mula sa kanilang sasakyan. Halatang alerto ang mga pulis na nakapaligid sa tatlong mobile partrol car na kanyang namataaan.
“Bwakanang ina! Naloko na, sabi ko na mali ang diskarte na ‘to! Nasa kabilang lagpas pa nila ang pwede nating lusutan, nalintikan tayo!” Dumura muna si Dale sa labas ng bintana.
“Ready ka sa manibela tol ha? Dating gawi tayo!” ang mabilis na diskarte ni Dale.
“Ako pa tol, bigla kayang nangati ang mga paa ko!” tugong mayabang naman ni Anton
Nagsipaghanda silang lahat, kanya-kanyang kasa ng baril. Pigil lahat ang hiningang inaantay ang takdang sandali. Kailangang tumbukin ng sasakyan ang mga pulis mismo na nakahilera sa unahan ng checkpoint na pawang armado din.
Halos kwarenta per ora lang ang bilis ng kanilang sasakyan, kasama ito sa plano. Kailangang relax lang ang dating nito sa mga pulis upang lansihin.
Hanggat maaari kasi ay ayaw nilang pumatay lalo na ng pulis. Hindi iyon kasama sa gameplan nila bilang mga pusakal. Pagnanakaw lang ang dapat na maging kaso nilang lima, yan ang kanilang sumpaan sa isa’t isa.
Halos isang daang metro nalang ang layo nila sa checkpoint.
Sinilip ni Anton sa front mirror ang mukha ni Dale, patangong nginitian naman sya nito.
“Putang inaaaaah! Heto na tooooh!” sigaw na may gigil ni Anton at biglang pinasikad ang sasakyan habang lalong umalisto sa hawak na baril ang apat.
Ang kwarenta biglang halos sitenta, at sa isang hatak pa pumalo agad sa syentobente.
Lumikha ito ng ingay langitngit ng gasgas ng gulong sa kalsada dulot ng biglaang mabilis na pag arangkada. Di pa kuntento si Anton at humugot ito ulet sa silinyador dahilan upang pumalo na ito ng halos sagad sa bilis.
Nagulantang ang nakahilerang mga pulis at sa sobrang bilis ng pangyayari ay di na nakuhang magpaputok. Nag uunahan silang nagtalunang parang mga dalag sa magkabilang gilid ng kalsada upang isalba ang kanilang mga katawan.
Tuloy-tuloy na pinadaplisan ng kanilang kotse ang isang nakaharang na patrol car. Kasunod na inararo ang nakaharang na pahalang na kahoy na may nakasulat na checkpoint. Malayang nakatagos ang kanilang kotse nang walang putukang naganap.
“Whooooooohaaaaaaaaaaaahhhh!” ang sigawan nilang lima sa loob ng sasakyan.
“Bwakanang ina ka tol! Halimaw ka talaga kumantot ng manibela!” ang papuri ni Dale habang nililingon ang pinanggalingang checkpoint.
Kita nya ang isang patrol car na nakatagilid sa kalsada. Kasunod ang mabilis na pag arangkada ng dalawa pang natitirang partrol car sa kanilang direksyon.
“Paksyeeeeeet! Eto na talaga to mga tol! KANTUTAN NA TOOOOOOH!!” sigaw ni Anton sa manibela sabay pindot sa car stereo at ubod lakas na tumugtog ito.
Tama walang laglagan
At sama-samang hanapin ang liwanag
At tayo’y magpapaalon sa isang daluyong
Na maghahatid sa atin
Sa isang mahabang panaginip
‘di na hihinto
Ang sabay-sabay na kantahan ng apat habang napapailing lang si Dale sa asta ng mga gagong kasama pero alisto padin sa umiinit na habulan.
Muli syang lumingon at tila napapalapit na ang distansya nila sa mga pulis sa kalsada.
Hanggang sa inabot sila at nagsimula nang paulanan ng bala ng apat na pulis na lulan nito.
Pa-zigzag na ang ginawang biglaang arangkada ni Anton. At halos mag kauntugan sila sa loob habang sumasabay padin sa kanta ng stereo.
Hindi na nagtataka ang mga pulis na hindi sila gumaganti ng putok. Tuwing headline kasi sa tabloid ay ito ang mababasa “Maginoong Pusakal, Sumalakay Ulit”. Kung gaganti man sila ng putok ay upang manindak o kaya patamaan ang parte ng katawang hindi nila ikamamatay. Ito ay upang maantala lamang ang paghabol sa kanila. At di rin naman talaga sila papatayin ng mga pulis dahil “capture alive” naman ang order sa kanila.
Mula sa angulo ng humahabol na patrol car. Nagliliparan sa ere patungo sa kanilang direksyon ang kung ano-anong mga bagay at sentrong tumatama ito sa windshield ng kanilang sasakyan. May pagkakataong sa mukha pa mismo ng pulis na nasa manibela tumatama ang mga ito.
Mga bote ng alak, lata, baso, bote ng asin, balat ng lemon, kutsara, tinidor pati sapatos, amerikana at kung ano-ano pa.
Tama walang laglagan
At sama-samang hanapin ang liwanag
At tayo’y magpapaalon sa isang daluyong
Na maghahatid sa atin
Sa isang mahabang panaginip
‘di na hihinto
Isang bote ang sentrong tumama sa windshield na ubod lakas, bahagyang nadiskaril ang takbo ng ng patrol car na sinamantala naman ng grupo.
“Kapit mga bayoooooooooottt!!!” sigaw ng nasa manibela.
At biglang dinagdagan ang bilis ng kanilang sasakyan. Lalong lumakas ang sigawan ng mga lasing na magbabarkada. Tila isang joy ride ang nagaganap.
‘wag kang bibitiw bigla
Pikit ang ‘yong mga mata
Higpitan lang ang ‘yong kapit
Maglalayag patungong langit
Maya-maya ay inabutan din sila kahit pano ng mga humahabol.
“Kanton! Kanton! Nakikita mo ba ang nakikita ko!?” si Ashley, natural na nagiging alaskador pag nalalasing habang nakatingin sa isang malaking poste.
“Oo gago hindi man kasing laki ng mga mata mo ang sakin, e mas malaki naman ang utak ko sayong gago ka! Anton ang pangalan ko hindi Kanton!” Sabay bigwas sa mukha ni Ashley.
“Tangina sakit non tarantado ka! Kumabig ka kaya pakanan hindot ka!” Sabay dakmang madiin ng kanyang kaliwang kamay sa harapang pantalon ni Anton.
“Putang ina kaaaaaaaaaaahhh!” sigaw sa sakit ni Anton at biglang kumabig pakanan.
Sa puntong ito ay nagitgit nila ang patrol car.
Tuloy-tuloy na bumanga padaplis ito sa malaking bakal na poste.
Isa, dalawa, at sa pangatlong ikot na parang turumpo ay dumausdos ito sa bukid na matubig.
“Whoooohaaaaaaaahhh!!!” patuloy ang kanilang kantahan.
Ating tinig, ating himig
Abot langit
Heto na tayo!
heto na tayo!
Lumingon ulit si Dale, papalapit na din ang isa pang patrol car. Ngayon pati sya ay napapakanta na din at nakikipadyak sa mga gunggong na kasama.
Nagmenor ang kanilang kotse, napatingin si Dale sa manibela, nginitian lang sya ni Anton at muling nag concentrate sa pagmamaneho.
Nagpapaputok na ang humahabol na patrol car mula sa driver’s seat nito.
Di pa din sila gumaganti ng putok.
Sa likurang upuan, nangangapa si Emil at Omar ng kung anong pwedeng maibato ngunit wala nang mahagilap. Ngingisi-ngisi lang si Dale habang pinapanood ang pagkataranta ng dalawang katabi.
Teka, kaya ba natin ‘to
Kung hindi na’y aakayin ka’t
Itatayo ‘yun-’yon
Kaya hanggang ngayon
Tuloy-tuloy, tuloy-tuloy, tuloy
Saglit na tumapat ang katabing bintana ni Dale sa sa driver’s seat ng patrol car.
Mag-isa lang ang pulis. Marahil sa pagmamadali sa pinanggalingang checkpoint ay naiwan ang iba kung kayamag-isa lang syang humahabol.
Saglit muli na nagtapat ang kanilang kotse, dito nagtama ang mga mata ni Dave at nang pulis. Tila saglit na nabatobalani ang isa’t isa sa kanilang titigan.
Nilingon nya saglit ang mga kasama sa loob, nakasuo na ulet sila ng stockings sa kani-kanilang mga mukha si Emil at Omar. Naka shades at nakasaklob naman ang hood ng jaket ng dalawa sa unahan.
Halata din ang pagpipigil ng kanilang pagtawa sa pag alog ng kanilang mga balikat dahil si Dale lang ang lantad ang mukha.
‘wag kang bibitiw bigla
Pikit ang ‘yong mga mata
Higpitan lang ang ‘yong kapit
Maglalayag patungong langit
Sa kabglaanan ay itinaas nya ang layalayan ng kanyang manipis na shirt at itinaklob sa kanyang mukha.
“Mga putang ina kayo!” ang simpleng naisigaw nalang ni Dale ng maisip na huli na upang magtakip pa sya ng mukha. Tuluyan nya nalang hinubad ang shirt na ipinagtaka ng apat.
Sumenyas si Dale kay Anton at mabilis na umarangkada ang kanilang kotse.
Bigla din ang arangkada ng patrol car at humabol. At kitang kita ni Dale ang akmang pagbunot ng baril ng pulis.
Patuloy padin ang kantahan sa loob ng kotse.
Ito na ang pagkakataon, iniladlad nya ang hinubad na shirt sa labas ng kanyang bintana. Patyempong binitawan nya ito at inilipad ng hangin at saktong tumakip sa mukha ng pulis kung kaya bahagyang naudlot nito ang balak na pagpapaputok.
“Anton! Kumantot ka naaaaaaah!!” sigaw ni Dale at biglang sumikad ang kotse.
Gumegewang gewang ang patrol car habang abalang inaalis ang nakasaklob sa mukha. Nang makabawi ay mabilis din itong pinasikad upang muling humabol.
Sa puntong ito nagpapaulan na sya ng bala at tinatarget ang kanilang gulong.
Tuloy padin ang paulit-ulit na tugtog sa stereo at sumasabay padin ang apat na gunggong.
Ating tinig, ating himig
Abot langit
Heto na tayo!
heto na tayo!
“Bwakanang ina! Pagod na ko, pumipikit na ang araw. Aabutin tayo ng curfew nito mga kunehong malilibog!” ang salitang pagago ni Dale habang nag unlock ng katabing pinto.
Pangiting kinindatan nya ang pagtataka ng dalawang katabi at biglang binuksan ang pintuan. Bagama’t di alam kung anong balak ay hinawakan ito ni Ashley upang hindi sumayaw sa hampas ng hangin.
Sa angulong tanaw sa gawi ng patrol car:
Nakita ng pulis ang pagbukas ng hulihang pinto sa kanang bahagi ng kotseng hinahabol.
Wala syang ideya sa magaganap.
Bigla ay nakita nyang lumawit ang matipunong hubad na katawan ng lalaki pahiga na halos sumayad sa kalsada ang likod nito. Saka nya palang napansin ang armalite na hawak nito.
Sa angulo naman ng kaganapan sa kotse nila Dale:
“Ayaw mo kaming tantanang hindot ka! Pinipilit mo ko! Psensyahan tayo!” Banas na salita ni Dale habang inuumang ang kanyang armalite.
“Kapitan nyo ko mga bayoooott!” ang sabay liyad ni Dale palabas ng pinto at inasinta ang humahabol na patrol car.
Labas na labas ang mga litid ni Dale sa leeg at noo dahil sa pag alalay sa kanyang punong katawan na wag mapasayad sa kalsada. Lumalabas din ang mga ugat sa kanyang mga braso at bisig habang hawak ang armalite. Hakab na hakab din sa pamimintog ang mga masel sa kanyang matigas na tiyan.
Niyakap ni Omar ang mga paa at binti ni Dale habang ang mga hita at bewang ay kapit-yapos naman ni Emil.
Halos nakakandong na ang pang ibabang katawan ni Dale sa kandungan ng dalawang gunggong.
Di nakaligtas sa mga mata ni Omar ang pagtitig ni Emil sa mga bitak ng masel sa tiyan ni Dale.
Bahagyang napatalon ang kotse dahil may nasagasaang bato. Muntik nilang mabitiwan si Dale kundi lang naagapang dakmain muli ng dalawa ang kanyang mga paa at bewang.
Saktong nagpaulan ng putok ang pulis.
Sa gulat ni Dale sa pagtalon ng kotse at sa putok ng baril ng humahabol na pulis.
“Bwakangina ka Anton ayusin mo naman ang kantot sa manibelaaah!” hirap na sigaw ni Dale dahil sa pagkakaliyad.
“Kayong dalawa, higpitan nyo ang kapit sa paa at bewang ko! Tang ina, ang hirap nitong ginagawa ko mga tarantado kayo!” banas na bulyaw ni Dale. Kumakamot lang sa ulo si Anton.
Humugot syang muli ng malalim na hangin upang makatiyempo.
Tinantya ang layo ng partrol car at ang direksyon ng takbo nito. Nang muli ay mapatalon ng mas malakas ang kotse dahil naman sa di nakita ni Anton mas malaking lubak sa kalsada.
“Puuuutanginaaahkaaaaaaaaaaaah! Burat ko yang kinakapitan mooooooooh!” sigaw ni Dale
At kahit bahagyang nayanig sa nangyari ay bumitiw padin ito ng pasirit ng armalite.
Nadale ang dalawang gulong sa unahan ng patrol car.
‘wag kang bibitiw bigla
‘wag kang bibitiw bigla
Higpitan lang ang ‘yong kapit
Maglalayag patungong langit
At natanaw pa ni Dale ang pagputok ng dalawang gulong sa unahan at ang pagsadsad sa kalsada ng patrol car.
Umikot din ito ng parang turumpo ng dalawang ulit at patagilid na sumadsad sa bukiring may kalaliman kumpara sa lebel ng gutter ng kalsada.
Ating tinig, ating himig
Abot langit
Heto na tayo! heto na tayo!
Sa sobrang pagod ay sa mabigat na napasandal si Dale at humihingal. Patuloy padin ang kantahan habang humahagikhik ang dalawang gunggong sa kanyang tabi.
Nilingon ni Dale ng matalim na tingin si Emil, ang dumakma ng kanyang burat, sabay sinampolan ito ng malakas na bigwas sa mukha.
Parang switch naman si Emil na napahinto sa pagkanta at nagpatigil din sa pagsabay pa ng tatlo sa kanta ng player.
“E nabigla ako sa pagtalon ng kotse tol, sorry di ko sinasadya. Si Anton ang sisihin mo.” Si Emil habang hinihimas ang makinis sa puti na pisnging may latay ng sampal ni Dale.
“E gago ka, alam mo namang ginto ang burat nato, may pinaglalaanan neto kaya hindot ka tigilan mo na kakapantasya mo dito kung ayaw mong yang burat mo mismo ang ipalamon ko ng buo sayo!” Banas na bulyaw ni Dale.
Sabay ang tawanang malakas ng tatlo habang himas padin ni Emil ang kanyang pisngi.
“Tangna ang sakit talaga Dale! Pero pucha nalibugan ako sa sampal mo huh! Sorry na pare! hehehehe…”
Pigil ang ngiting tugon ni Dale sa biro ni Emil.
“Tang ina Emil, baklang bakla ka na!” Alaska ni Ashley habang nililingon sya sa unahan.
“Ulol! Fuck you! Nagsalita ka dyan e ikaw tong bigay na bigay pag nalilibugan!” depensang pikon naman ni Emil.
“Itigil nyo na kasi yang kagaguhan nyo!” saway muli ni Dale at nagpatahimik sa lahat.
Tahimik na ang player. Ihip na lamang ng hangin at tunog ng makina ang ingay na naririnig.
Hinugot muli ni Omar ang bote ng alak at lumagok, muli ay nagpatuloy ang inuman…
Masyado nang mahaba ang araw, nakaramdam na si Dale ng pagod di lang sa katawan kundi sa mga hiwagang nagaganap na tumitimo sa kanyang isipan at damdamin.
Muling humugot ito ng malalim na hininga at inayos ang pagkakasandal sa upuan habang mabilis padin na umaandar ang kotse.
Matapos tanggihan ang alok na tagay ng alak ay ibinaling ang tingin sa labas ng bintana ngunit tila wala naman syang makita kundi pawang nakasisilaw na liwanag kahit dapit hapon na.
Pinagwalang bahala nya ang pangitaing yon dahil ibang hiwaga ang nais nyang pagtuunan.
Muling bumalik sa balintataw ang hiwaga ng engkwentro nya sa huling humabol na pulis. Nagmumuni-muni kung bakit tila naghinang panandalian ang kanilang mga titig.
“Binuhay ba ulet ni Anton ang player?” papikit na tanong ni Dale sa sarili at tuluyan nang nakatulog.
Kumibot ang kanyang labi na tila sangol na mahimbing ang tulog.
Walang laglagan, basta kumapit ka lang…
Wag kang bibitiw, higpitan lang ang kapit…
Tayong dalawa sa mahabang panaginip…
Pikit ang mata, maglalayag patungong langit…
Paulit-ulit ito sa balintataw ni Dale habang lumalalim ang kanyang tulog.
Maingay na ang mga kuliglig sa paligid nang sila ay muling huminto sa isang malaking puno. Mula sa makakapal na kugon ay hinawi ni Ashley ang isang tolda at tumambad ang isang SUV. Dito sila lumipat at doon din nila iiwanan ang ginamit na gateaway car na muling tinanggalan ng plaka ni Emil.
Nagpatuloy ang biyahe ng dobleng haba kesa nung kotse pa ang gamit nila.
Si Ashley na ang may hawak ng manibela hanggang sa narating din nila ang bagong hideout na malayo sa kabihasnan ng probinsyang iyon. Milya-milyang layo din mula sa tindahang kanilang sinalakay.
Gaya ng dati tuwing matatapos ang isang operasyon, magpapakalunod silang lahat sa espiritu alak at sa kanilang “kakaibang laro.”

Unti-unti nilang ibinababa ang kanilang mga kamay na may baril habang nililingon ang pinanggalingan ng makapangyarihang sigaw. At lahat sila at napadilat sa kanilang nakita.
Wala namang hawak na boga si Dale, bahagyang nakadipa lang itong hawak sa magkabilang kamay ay basong may lamang alak at bagong bukas na jose cuervo.
Ngunit hindi sa hawak ni Dale sila namangha. Nakatayo itong parang estatwa na Greek gods. Makisig ang kabuan ng katawang hubo’t hubad ang nasa kanilang harapan.
Si Emil, dilat na dilat!
Dahil sya ang direktang nakaharap ngayon sa maalindog na kahubdan ni Dale.
*****
[Ang kwentong ito bagaman kathang isip lamang ay nabuo ayon sa inspirasyon ng tunay na mga karanasan. Kung may kahalintulad man itong pangyayari, pangalan at lugar ay di sinasadya at nagkataon lamang. Paumanhin po sa mga mambabasa. All rights reserved (11-01-12).
Abangan… “Kabiyak ng Aking Tadyang” Part 3: Mga Alagad ng Kakaibang Laro

nice one mr author,, kakaexcite basahin kwento mo,, sana post mo na next chat..
ReplyDeleteakie
thanks akie ;-)
Deletemedyo matatapos na editing nalang,
busy lang kasi masyado. hehehe