Pages

Saturday, July 20, 2013

Anghel sa Lupa (Part 1)

By: Angelo

"I like the place" bulalas ko sa mga kaibigan kong sina Elaine at Cherry sabay hagod ng tingin sa bahay na uupahan ko, hindi maitago ang gusto sa mga mata. Bedspace lang sana ang balak kong kunin dahil kokonti lang ang perang nadala ko. Kahit na ibinigay sa akin ng aking ate ang kanyang ATM card kasama ang PIN nito, ay ayokong gumastos ng malaki dahil hindi ko pa gamay ang buhay maynila. Pinilit lamang ako nila Elaine na isang buong bahay na lang ang upahan tutal ay may pinsan itong si Cherry na naghahanap din ng
matitirhan dahil sa pagod itong magpabalik balik sa Pampanga at sa pinapasukan nitong Unibersidad sa may Pasig. Isa lang naman ang kwarto ng bahay kaya share kami ng pinsan ni Cherry na ayon sa kanila ang pangalan ay Seth.

Naglayas ako dahil ayoko ng maging kontrolado ng aking ama ang aking buhay. Ayoko mag aral ng Accountancy. Gusto ko mag aral ng European Languages. Kaya kailangan ko mag ipon para makapag aral ako.

Halos kumpleto na ang bahay mula sa kusina, sala, at kwarto. Sa tulong ng dalawa kong kaibigan ay naiayos namin ang aking mga gamit.
Makalipas ang ilang oras ay napag pasiyahn naming kumain sa bakanteng lote sa tapat ng bahay na ginawa naming munting gazeebo. Habang abala kaming tatlo sa pagsisilbi ng aming miryenda sa gazeebo, mula sa kawalan ay biglang nagsalita si Elaine. "Kilala mo ba yun Gelo?"

"Sino?"

Pasimpleng lumigon si Elaine sa direksyon ng pinto ng aking magiging kapit-bahay. "Wala munang lilingon, pero may lalake  na kanina ka pa tinitignan. He's definitely checking you out."

"Really? Is he hot?" excited na tanong ni Cherry.

"Mmm Sakto lang. You can look now, he's doing something. Wag kayong pahalata" Bulong ni Elaine

I rolled my eyes. Tingin ba ng kaibigan ko I'm a total idiot? Hindi naman ako isang retard na hindi marunong makipag socialize. Kahit papano ay may natutunan ako sa mga taong pasimple akong sinisipat. Yeah, sabi ng marami ako daw yung tipong kapag nakasalubong mo sa mall ay bibigyan mo ng "second look". Head turner kumbaga, mapa babae man o lalake.

Tumagilid ako ng kaunti patungo sa direksyon na sinabi ni Elaine. Pakunwari akong nagkamot ng batok. Sa sulok ng aking mata ay kita ko ang tinutukoy nito. The guy was immaculately bukod sa goatee nito na tila naligaw lamang.

"Yung mga ganoon ba yung type mo?" Si Cherry na sa aming pagkadismaya ay napakalakas ng boses at halata ang pagtingin sa lalake.

"Not bad, could use some shave" walang gana kong sagot.

"Yeah right, tsaka masyadong maputi" si Elaine.

"Ano bang gusto mo taong grasa? Ako type ko siya, kayo ano bang type niyo?" Si Cherry na naka plaster na yata ang ngiti para sa aking "cute" na kapit-bahay.

"Ako basta kamukha ni Piolo Pascual" Literal na nag vibrate si Elaine sa pagka kilig.

"Ako, gusto ko yung kayumanggi, matangkad, maganda yung katawan, yung may pagka bumbayin pero mukhang mabango" saad ko habang papasok sa loob upang kunin ang mga baso.

"Parang ganun ba?" Sabay nguso nito sa may lalakeng pababa ng kotse.

Since pumasok ako sa loob ay hindi ko agad nakita ang tinutukoy nito. Pero nakita ko ito ng malapit na ako sa pintuan. Tila tuloy itong larawan ng isang diyos ng mga griyego na naka frame. Saktong sakto sa aking pagkakalahad. Sobra pa nga dahil nakadagdag sa kagwapuhan nito ang light brown na mga mata na napapalibutan ng malalantik na pilik. Hindi ko inaasahang makakakita ako ng imahe ni Omar Borkan Al Gala sa Pilipinas. Mahihiya si Piolo Pascual na tumabi sa lalaking ito.

"Seth" Bulalas ni Elaine.


*****

Nahihilo ako dahil sa init na tumambad sa akin pagkalabas ko ng kotse. Hindi nakatulong na ang ibinigay na address sa akin ni Cherry ay mahirap hanapin, dahil masyadong malayo ang pagitan ng mga numero ng mga bahay sa magkabila ng kalsada. Mabuti na lang at nasaktuhan ko ang isang lalake na bumibili ng isang family sized soda sa may tindahan.

"Pre, paistorbo naman. Alam mo ba kung saan itong address na ito?" sabay abot ng papel na may address.

"Ahh ito ba? Diyan lang yan sa may kanto yan." tinuro nito ang isang maluwang na kalsada papasok mula sa main street.

"Sige salamat" sumakay akong muli sa aking sasakyan upang tunguhin ang sinabing lugar.

Mula roon ay madali ko ng nakita ang lugar lalo pa't kitang kita ko mula sa sasakyan ang kereng kong pinsan.

"Seth" Tawag sa akin ni Elaine, kaibigan ng pinsan kong si Cherry, habang pababa ako ng kotse. Matagal ko ng kilala si Elaine dahil madalas ako ang driver nila kapag namimili ang mga ito ng kung ano ano sa mall at ako naman ay walang pasok sa unibersidad.

Nakangiti kong sinalubong ang yakap ng dalawang babae. Napalis lang ang ngiti ko ng makita ko ang isang pigura, sa palagay ko ay ito na ang aking magiging kasama sa bahay.

Sa edad kong beinte uno ay ngayon lang ako nakakita ng lalakeng parang hinugot mula sa pahina ng isang mamahaling teen magazine. Tinalo pa ang mga modelo na kadalasan kong nakikita sa mga billboard sa EDSA. Mala labanos ang kulay nito, makinis, walang marka ng kahit anong peklat sa katawan. Mga 5'6" ang tangkad, swimmer type ang hubog ng katawan. Ang mukha ay tila hindi kilala ang tigyawat sa sobrang kinis at mamulamula ang mga labi, ang mga mata ay tila nagbabantang umiyak ano mang oras. Naka pambahay lang ito ngunit hindi maitago ang pagiging sopistikado. Kahit yata basahan ay mag mumukhang mamahaling damit kapag suot nito.

Para akong natulos sa aking kinatatayuan. Papalapit ang dahilan ng paninigas ng aking katawan at ng aking tarugo.

"H-hi Seth, ako nga pala si Angelo" alanganin itong nagpakilala sa kanya. Tila babasaging bagay na dapat ingatan.

Nagtimpi ako na abutin ang kanyang kamay at ipasok sa loob ng aking pantalon upang palayain ang nabuhayn kong alaga mula sa pagkakakulong nito.

Ipinilig ko ang aking ulo para burahin ang ideya.

"Shit" bakit naman ganito ang tumatakbo sa aking isipan. "Ilalagay ko lang tong mga gamit ko sa itaas" halos sa aking sarili na lamang.


*****

"Shit"

Nagpintig ang aking tenga. Teka ganoon kabastos yung magiging kasama ko sa bahay?!?


*****

Natapos ang pagkain namin na halos wala akong nagalaw sa aking pingan dahil sa tindi ng inis ko sa Seth na ito. Wala kaming imikang dalawa. Ni halos ayaw nga akong lingunin ng mokong. Alam ko ang aking sexual orientation at proud ako doon, pero hindi ako kasing loud ng iba sa kilos at anyo. Ni hindi mo malalamang attracted ako sa lalake kung hindi ko sasabihin sa'yo o di kaya naman ay malakas ang pang amoy mo. At ang alam ko ay naikwento na ako ni Cherry sa pinsan niyang ito kaya imposible na iyon ang maging problema niya sa akin. Sa sobrang okupado ng utak ko sa pagka inis sa Seth na ito ay hindi ko tuloy napansin ang pambubuska ng aking mga kaibigan sa bulgaran daw na paghanga sa akin ng lalake kong kapit bahay na patuloy ang pag daan sa tapat ng aking inuupahan.

Kinahapunan ay nagpaalam na rin ang dalawa kong kaibigan dahil may lakad pa ang mga ito.

Hindi ko alam kung paano aakto ngayong dalawa na lang kami sa bahay ng walang modong lalake.

Umakyat ako ng aming kwarto para kumuha ng pamalit ng damit dahil gusto kong maligo muna bago matulog. Ang mokong andun at nakahiga, nakapikit. Hindi ko alam kung tulog o gising basta andun lang ito at nakahiga. Malaya ko tuloy itong napag masdan. Ang gwapo talaga, kung kasing ganda sana ng panlabas yung ugali. Hayyy.


*****

Sa sumunod na mga araw ay naging aligaga kaming dalawa sa kani-kaniyang bagay. Siya, sa pag eenrol. Ako, sa bago kong trabaho. Sa edad na disiotso ay wala pa akong makuhang matinong trabaho bukod sa inalok sa akin ng aking ate.
Wala naman akong reklamo sa pagiging "assistant" sa boyfriend ng ate ko sa kaniyang antique shop. Halos wala nga akong ginagawa kundi pag aralan ang iba't ibang klase ng antigong bagay na naroon. Pakiramdam ko ginawa lang excuse ito ng ate ko para hindi ko matanggihan ang mga perang binibigay niya sa akin at para mapabantyan ako sa kaniyang boyfriend. Kung ganito lang lagi ay makakayanan kong pagsabayin ang pagtatrabaho at pag aaral. Determinado na akong mag aral sa susunod na semestre.

Tuwing uuwi ako sa bahay ay nagkukunwari na lang akong sobrang pagod para wala ng panahong tumambay pa sa sala at mikipag usap sa mokong na kasama ko. Pero sadyang mapag laro ang tadhana dahil ang off ko sa trabaho na Wed-Sun ay mga araw din na wala

siyang pasok sa school. Hanep. Gusto ko sanang magpapalit ng Rest Days kay Ben, bf ng kapatid ko, pero parang abuso na yata.

Isang Miyerkules, habang nag susurf ako sa internet ay bigla na lang siya sa aking lumapit.

"Uhm, pwede makigamit ng laptop mo? Nasira kasi yung sa akin. Bukas ko pa makukuha sa pagawaan. Kailangan ko na kasing matapos tong report ko ngayong araw"

Eto na yung chance kong makaganti! Pero parang masyado naman ata kung pagdadamutan ko siya.  Isa pa pinsan ito ng babaeng tumulong sa akin nung nangagailangan ako at bestfriend ko pa, si Cherry.

Nahalata yata ni mokong ang pagdadalawang isip ko "It's okay if you're not comfortable lending me your laptop. May computer shop naman diyan sa tapat."

"Nah, you can use me. . . I-I mean mine. . . no, my laptop" shit what's with this guy at nagkakaganito ako?

A smile broke Seth's lips.
Fuck don't smile galit pa ko sayo.

"Thanks and uhm sorry bout our first meeting" sabay talikod. "Idiot"

Wtf?!? after ko siyang pahiramin ng gamit sasabihan niya akong idiot?
para ka naman kasing tanga kanina, sabad ng isang bahagi ng utak ko.
But that's not an excuse para sabihan niya ako ng ganun.
Gusto ko na siyang sugurin kung hindi ko lamang naisip na wala akong laban sa laki ng katawan nito. Panigurado isang suntok lang nito ay knock out agad ako.

"Grrrrrrr"


*****

I've been thinking about my feelings towards my housemate. I'm straight as far as I know. Pero bakit masyado akong attracted kay Angelo? Alam kong out of this world ang mukha nung tao pero kahit na lalake pa rin yun. Maling makaramdam ako nito. Fuck.
Over the days na magkasama kami ay lagi ko nalang pinaglalabanan ang aking nararamdaman. Ilang beses kong pinigilan ang sarili kong magparaos gamit ang imahe niya.
That's it. Lust.
Kailangan matapos na to. Siguro kapag natikman ko na siya matatapos na ang kuryusidad ko.
Pero paano? Mukhang ayaw nga akong kausapin ng isang ito.

"Uhm, pwede makigamit ng laptop mo? Nasira kasi yung sa akin. Bukas ko pa makukuha sa pagawaan. Kailangan ko na kasing matapos tong report ko ngayong araw". Lie. Tapos ko na lahat ng school works at gumagana ng maayos ang notebook ko

Mukhang walang epekto. Halata yatang nagsisinungaling ako.

"It's okay if you're not comfortable lending me your laptop. May computer shop naman diyan sa tapat." Loser. Fuck wala na yatang pag asa.

"Nah, you can use me. . . I-I mean mine. . . no, my laptop" Nauutal nitong sabi. Medyo nag blush pa.

Damn, he's so cute. Couldn't help but smile.

Angelo frowned.

Oopps. Wrong move. Anong gagawin ko?

"Thanks and uhm sorry bout our first meeting"

That's it, dude? Lame. Naghuhumiyaw ang malaking parte ng utak ko to continue on with the conversation pero hindi na kaya ang tensyon ng katawan ko kaya awtomatikong naglakad paakyat sa kwarto. "Idiot"

*****

itutuloy . . .

5 comments:

  1. chapters should not left so hangin like this cause nakaka wala ng smile.. maganda sya na love story but can broke a smile at the end... read sa likod ng mga bato and you will see a true story yet every chapter is worth reading for. but so far your story is good.. just keep up but dont left it hangin..

    ReplyDelete
  2. Dude ok naman ang story, but sabi nga ni first commenter, dont leave it hang'n ang napapansin tuloy is yung twist ng kwento pero sablay, di maintindihan agad, sorry pero sa opinyon ko lang naman, all in all maganda ang story but try to fix it more, hope you can do better po. Di ako nangaaway ng writer, kasi kahit ako writer nagkakamali padin ako, news pa nga ginagawa ko eh. Pero kaya mo yan just dont leave it na parang stop here stop there. Alam ko may igaganda pa yung story mo po.


    ~Zeech

    ReplyDelete
  3. Ang ganda ng story i agree kay mr.zeezch pero thumbs up saa story mo can't wait for the next chapter

    ReplyDelete
  4. Sana araw araw may bagong story kasi halos lahat ng story dito nabasa ko na eh sa tingin ko mga 500-650 stories na ang nabasa ko sa 5 months kong pagsubaybay ng mga nakakalibog,nakakainspire,at nakakainlove na stories dito sa KM more power to this blog :)

    ReplyDelete
  5. baklang bakla ang narration ng istorya... not interesting, di ko na nga tinapos basahin (hhahahaaa) nakikibasa lang pala ako.... sori mga peeps(as people)...

    ReplyDelete

Read More Like This