Pages

Tuesday, July 30, 2013

Love Knows No End (Part 1)

By: Vaughn

Just to introduce myself. Just call me Vaughn (because it sounds like my real name). Anyway, I love writing since I was a kid. Pero ngayon ko lang naisipan magsulat.

Just for an intro. I’ve been in a relationship for 3 years and 2 months and broken-hearted for almost 2 years. 2 years of trying to cope up, to somehow move on. But I guess I haven’t managed to move on that much. But at least for now I’m ok.

Sorry for the long intro. This story I want to share with you, is more or less my story; a story of moving on, loving so much and somewhat letting go.

Nag-aral ako nang high school sa isang kilalang paaralan sa probinsya namin sa Bulacan. Malinaw pa sa akin yung mga unang taon ko sa high school. I was just an innocent student by then. Dahil nga sa grumaduate ako ng elementary bilang valedictorian, puro aral lang ang ginagawa ko. Nerd nga daw kumbaga. Kaya pagtungtong ko nang high school, hindi na ako nagulat noong mapunta ako sa pilot class/section. Hindi ko alam kung gwapo ako pero hindi rin ako pangit, dahil marami na rin naming mga nagkagusto sakin. Sabi nila, kahit daw nakasalamin ako ay napakaganda pa rin daw ng mga mata ko, dito raw malalaman mo na kung malungkot ba ako o masaya. Katataman lamang din naman ang tangkad ko. Mahilig akong kumanta, pero hindi ako marunong sumayaw. Hilig ko ring tumugtog ng violin.

Masaya ang mga unang araw, I met some friends. Pero yung pinakamemorable para sa akin, ang seatmates ko; si Jun at Xyryl. Medyo nagkakwentuhan na rin kami. Gaya ng inaasahan, achiever din sila sa kanikanilang elementary schools. Maganda si Xyryl, una pa lamang ay crush ko na siya. Si Jun, matangkad, parehas kaming chinito, maganda ang mga labi nya at dumadagdag ang singkit niyang mga mata sa features ng mukha nya; gwapo siya para sa akin.
Dumaan ang mga araw at naging malapit kami sa isa’t-isa. Naging best friend ko si Jun at naging girl friend ko si Xyryl. Marami kaming pinagsamahang tatlo. Sa panliligaw kay Xyryl, si Jun ang lagi kong kasama sa pagbili ng regalo, pagpaplano ng strategy at sa panunukso samin ay siya din ang pasimuno.

Sa pag-aaral ay competitive kaming tatlo. Matalino si Jun at Xyryl, lalo na sa Math subjects na pinakakinaayawan ko. Kaya naman tinuturuan nila ako doon. At ako naman sa mga science and language subjects. Sa ranking namin nang 1st grading: Top 6 si Xyryl, Top 3 si Jun at Top 2 naman ako.

Fourth month naming sa 1st year kakaiba ang mga kinikilos ni Jun, mababa ang kanyang mga quizzes at laging tulala at kung minsan ay natutulog sa klase. Pero hindi ko masyadong pinansin dahil lagi niyang sinasabi na okay lang naman siya. Pero isang araw absent siya at ang sinabi sa amin ng teacher namatay daw ang tatay dahil sa sakit sa puso, ngunit na-stroke daw muna ito ng ilang linggo. Dumalaw kami ni Xyryl sa burol, pero nabigla din kami sa balita. Sa pagkakita pa lamang sa amin ni Jun ay umagos na ang luha sa kanyang mga mata, yumakap siya sa akin.

Vaughn:     Bakit hindi mo sinabi sa amin?
Jun:         Dahil ayokong magalala pa kayo.
Vaughn:     Mas nakakalungkot na ngayon pa namin malalaman. Best friend mo ako, kaibigan mo kami.         Wag naman sanang ganun.
Jun:         Sorry na, sobrang lungkot bes. Hindi ko na alam ang gagawin.
Vaughn:    Sige iyak ka lang. Andito lang kami.
Xyryl:        Oo nga, makakayanan mo rin to. (Sabay group hug)

Nalaman kong patay na rin pala ang nanay ni Jun, mag-isa na lamang siya ngayon sa buhay dahil iisang anak lamang siya ng mga ito. Makikitira na lamang siya sa kanyang tita nasa kalapit-bahay at ito na rin marahil ang magtataguyod ng kanyang pag-aaral. Nang mga sandaling iyon, hindi ko alam ngunit tila may kumukurot sa puso ko. Para kumukuryente sa akin, tungkol kay Jun. Maaaring nakokonsensya ako dahil hindi ko manlang nagampanan ang pagiging best friend ko sa kanya. Pero maaari ding may mas mabigat pang dahilan. Basta ang alam ko lamang ngayon ay mas kailangan nya ako; taong makakausap niya at makakaramay sa oras na malulungkot siya at maiisip muli ang lahat nang nangyari.

Araw ng libing ay hindi ako pumasok upang masamahan si Jun. Hindi sumama sa akin si Xyryl sapagkat reporting schedule nya sa Araling Panlipunan nang araw na iyon. Sobrang nadudurog ang puso ko sa pag-iyak ni Jun at lalong tumindi ang pagkadurog nito nang humagulgol siya noong mga sandaling ibabaon na ang kabaong sa lupa.

Pagdating sa bahay nila, hindi pa rin tumigil ang paghagulgol ni Jun. Pumunta siya sa kwarto niya, sinabog ang mga gamit, sumisigaw, nagwawala, umiiyak. Sa mga sandaling iyon tumulo na rin ang mga luha ko, niyakap ko siya. Hindi ko alam ngunit habang yakap ko siya, ibinulong ko sa kanya ang mga katagang: Bes, hindi kita iiwan. Mamahalin kita, pramis yan!

At ang tanging naramdaman ko na lamang ay mahigpit niyang mga yakap sa akin…

Sobrang bibitinin ko po muna ang istoryang ito. Ngunit sana po ay magustuhan ninyo para ituloy ko pa.

Sa next chapter: Dodoblehin ko po ang haba para hindi kayo masyadong mabitin; I will tell you more about myself (if you’re interested) and I will expose some best parts of this story.

Salamat!

4 comments:

  1. ano kaya patutunguhan ng kwento? interesting sya!

    ReplyDelete
  2. muka namang interesting ang story m mr. author, pinapasbk m tloy ako, ehe next chapter na!

    drei05

    ReplyDelete
  3. bitin nga..hayyysss..

    ReplyDelete
  4. Even though may grammatical error, mas lamang pa rin ung ganda ng kwento. BITTER SWEET - this is how i describe the story. The fact na he was able to face and accept reality, IDOL KITA BRO!! God Bless you !! :)

    ReplyDelete

Read More Like This