Pages

Wednesday, July 24, 2013

Eng21 (Part 24)

By: Cedie

XXIV. Si Aaron

Nagsimula ang review namen for the board exams. April 2011 ang board exam at napagusapan naming apat, nina Sarah, Emily at Jared na magseseryoso kami para maging ganap na mga engineers. Sa mga unang buwan ng review namen ay pansamantalang natigil ang pagdalaw ko sa mga internet sites at sa pakikipagchat ko sa kung sino sino pero paminsan minsan ay napapadalaw ako sa Uzzap. Naging madalas ang pagrereview ko at naging seryoso din naman ang aking tatlong kaibigan sa pagrerebyu para sa board exam. Sumapit ang December 2010, 4 months before the board ay sinabi sa amin ng isa sa mga reviewers namen sa review center na iyon, "Wag masyadong seryosohin ang pagrerebyu, bigyan niyo ng time ang sarili niyo na magrelax kahit papaano", ang mga salita na yan ang bumuhay muli sa utak ko. In short, namisinterpret ko ang sinabi ng professor naming iyon at nagsimula uli akong magchat at magpuyat sa Uzzap. Dito ay may makikilala na naman akong isang tao, na hindi ko inaasahang magiging parte ng istorya ko.

December 27, 2010 ang petsang iyon, dalawang araw matapos ang Pasko at nagchachat ako sa isang room sa Uzzap. Katulad ng dati, sa chatroom na iyon ay wala kang makikitang pinaguusapan kundi puro kalibugan, sex, meet ups at kung ano ano pa. Matapos ang ilang minuto ng pagbabasa at pagmomonitor ko sa mga naguusap sa room ay may pumasok na chatter. Nagmessage siya na naghahanap siya ng kaibigan at katrip at the same time. Ito ang pumukaw ng aking atensyon lalo na ng binigay niya ang kanyang ASL (age, sex, location) at ang kanyang stats (description). "Hi 22 m manda hir, 6'1 hyt moreno", lalo akong naging curious sa taong ito dahil sa mas matangkad siya sa akin at mukhang may sense siya kausap. Kaya sinimulan kong kausapin siya sa chatroom. Mabait naman siyang kausap at nagtrade kame ng numbers. Pagkatapos nun ay hindi na muna ule ako bumalik ng Uzzap.

Sumapit ang New Year at nagkaroon ako ng isang panibagong wish. "Sana matagpuan ko na ang taong magpapahalaga sa akin at ang taong matagal ko nang hinahanap", ang sabi nila kapag nagwish ka tuwing bagong taon ay may chance na matupad iyon kasabay ng pagtupad mo sa iyong new year's resolution. Matapos sumapit ang bagong taon ay natulog na ako. Pagkagising ko, 01-01-11, January 1 ng taong 2011. Naisip ko na isang panibagong taon na naman ang haharapin ko ng malungkot dahil wala na ang aking pinakamatalik na kaibigan at hanggang ngayon ay isang sikreto pa din sa aking mga kaibigan at sa aking pamilya ang ibang mga nangyari sa akin. Tanghali na at biglang tumunog ang aking phone. "Hi, si 6tripper to, Ced ikaw ba yan?", nagulat ako at matapos ang isang linggo ng palitan namen ng numbers ay ngayon lang siya nagtext. "Ou ako to, kamusta na pre? Happy new year", ang reply ko, "Happy new year din naman, sorry busy lang kaya ngayon lang nakatext", doon nagsimula ang pagtetext namen maghapon at pagkakakilala ng kaunti tungkol sa isa't isa.
Siya si Aaron, 22 years old na siya, isang taon ang tanda niya sa akin. May taas nga daw siya na 6'1 at may pagkamoreno. Nagpakilala din naman ako sa kanya at tumagal ang paguusap namen sa text hanggang sa nagyaya siya na dumalaw daw ako sa kanila kung gusto ko daw. Sa mga oras na ito ay naisip ko na magpunta hindi lang para sa trip kundi dahil naging palagay ang loob ko kay Aaron dahil mabait din naman siya at marami kaming mga bagay bagay na napagusapan. Pumayag ako na makipagkita bukas sa kanya dahil babalik siya mula sa kanilang probinsya pabalik dito sa Manila kinabukasan kaya magkikita na lang kami sa isang lugar malapit sa kanila at sabay na kaming pupunta sa isang apartment na inuupahan niya sa Mandaluyong. Nagtext kame buong araw hanggang sumapit na ang gabi, "See you tomorrow pre, hope we cud be gr8 frends", yun ang huling text ko sa kanya bago ako makatulog ng araw na iyon. Paggising ko ay excited akong bumangon nung araw na iyon. Hindi ko mawari ang nararamdaman na parang ngayon lang ako makikipagmeet at makikipagkaibigan sa isang taong hindi ko naman kilala pa masyado at nakilala ko lang talaga sa isang buong araw ng pagtetext. Naligo ako at nagbihis ng medyo maporma, ou medyo naging maporma na ko ng kaunti dahil graduate na ko nang mga panahon na ito kaya nahilig na din ako bumili ng mga damit at pants. Nagtext na si Aaron at sinabing nasa biahe na siya at in an hour ay nandun na siya sa meeting point namen. Umalis na din ako ng bahay at nagpaalam sa aking Mama na may pupuntahan lang akong kaibigan.

Malapit na ko sa meeting place namen at ganun din naman siya, hindi ko na itinanong kung anong suot niya dahil alam ko na pag may nakita naman akong matangkad dun ay malamang siya na yun, di naman gaano masyadong madaming tao dun kaya sabi ko ay madali ko siyang makikita. Bago pa man ako makababa ng jeep na aking sinasakyan ay nagtext siya at sinabi niya na nandun na daw siya sa meeting place namen. Ako naman ay sumagot agad na malapit na din akong bumaba. Pagkababa ko ay may nakita na nga akong isang matangkad na lalaki na nakashades. Patingin niya sa akin ay nakangiti na din siya, siguro naisip niya din na ako yung kausap niya kagabe. "Ang bilis din ng biyahe mo ah, nauna ka pa sa akin", sambit ko habang nagaantay kame ng jeep papunta sa apartment nila. "Ou nga eh, wala naman kasing trapik kaya mabilis din ako, matangkad ka din naman pala eh. Ayan na yung jeep tara sakay na tayo." Nakangiti si Aaron, sa aming paguusap ay parang matagal na kaming magkaibigan, bigla akong may ibang naramdaman sa mga sandaling iyon. Pagdating namen sa kanila ay nagpahinga muna kame at nagkuwentuhan pa ng mga bagay bagay tungkol sa mga sarili namen. Accounting graduate si Aaron, pero hindi siya nagtake ng board exam nila para maging CPA dahil dumiretso na agad siyang magtrabaho. Nagkwento din ako tungkol sa sarili ko at nagtanong din naman siya ng mga bagay bagay about sa personal life ko. Nagulat din ako sa sarili ko nang naikwento ko sa kanya si Kiko. Hanggang sa maluha ako ng kaunti at pinakita ko yung piktyur ng bestfriend ko sa kanya. Napaiyak ako at lumapit siya sa akin at niyakap ako. Napahilig ako sa kanya hanggang sa magtapat ang mga mukha namen. Hindi ko alam kung anong nagtulak sa akin pero hinalikan ko siya sa kanyang mga labi at gumanti din naman siya ng halik. Sandali lang ang halik na iyon at pagtapos nun ay ngumiti siya sa akin at ganun din naman ako sa kanya.

Nagsimula namen pagkwentuhan ang mga naging trippings namen, hindi niya first time makipagtrip, pero sabi niya first time daw niyang makahalikan ang isang lalaki kaya kahit papano ay nahiya naman ako. Matured mag isip si Aaron. Malayong malayo siya sa pagiisip ko. Sa edad niyang iyon ay seryoso na siya sa kanyang buhay at career oriented siya. Nagtatrabaho siya sa isang kilala kumpanya ng gadgets sa Makati. Napunta sa kung saan saan ang pinaguusapan namen hanggang sa nagsimula na nga na magkuwentuhan kameng muli sa sexperiences namen. Nagkwento siya sa mga experiences niya at tinanong ko din kung gagawin ba namen yun ngayon. Hindi naman siya tumanggi at sinabi niyang okay lang naman sa kanya kung magtrip kame o hindi.

At iyon na nga ang nangyari. Nagsimula kameng magtanggal ng aming mga damit at isang kakaibang trip ang nangyari sa amin. Nagexperiment kame, nasubukan ko nuon ang "first time" na mga ginawa namen. Walang pandidiri or kahit anong kakaibang iniisip nung ginawa namen ang mga bagay na iyon. Natapos ang trip ng pareho kameng nakaraos sa libog namen at matapos nun ay nagusap pa din kame. Tinanong ko siya ng diretso kung nakikipagrelasyon siya sa kapwa niya lalake. Naramdaman ko kasi na parang may kakaiba kong nararamdaman kay Aaron. Pero sinabi niya agad sa akin na wala siyang balak makipagrelasyon sa guys at di niya tanggap ang sarili niya bilang Bisexual kaya sinasabi niya na tripper lang siya. Nang marinig ko lahat ng ito sa kanyang bibig ay parang nawala ang pag asa na maging mas malalim ang relasyon namen ni Aaron. Ngunit nung sinabi niya sa akin na mas ok sa kanya na maging buddy kame kesa makipagrelasyon ay naging ok na din naman sa akin. Magmula nung araw na iyon ay hindi na pre ang naging tawagan namen. Nagkaroon na ko ng isang bagong kaibigan, si Buds (Buddy na pinaikli). Yan ang naging tawagan namen hanggang ngayon. Nung mga unang linggo ay may nararamdaman pa din ako sa kanya pero nung tumagal ay parang nakatatandang kuya na lang din ang tingin ko sa kanya. Naulit pa ng isang beses ang pagtitrip namen at pagkatapos nito ay nawalan kami ng connection dahil sa pagiging sobrang busy niya sa trabaho.

Nang dahil sa mga nangyari, nagbalik muli ako sa pagrerebyu at dumating ang board exam. Pumasa ako sa board exam ngunit sa kasamaang palad ay ako lang sa barkada ang pumasa. Bumagsak sila, magkahalong saya at tuwa din naman ang naramdaman ko nung oath taking ng mga new engineers. Isa na kong ganap na engineer at natupad ko na ang pangarap nameng dalawa ni Kiko. Malungkot din ako dahil bumagsak naman ang mga malalapit kong kaibigan. Pagtapos ng board exam ay halos nawalan din kame ng communication ng barkada kaya naging mas malungkot ako. Hindi ko alam na sa mga mangyayaring ito ay may mas malaki pang dadating. Tungkol sa hiling ko nung January 1, 2011. Hindi ko alam na makikilala ko siya ng di sinasadya. Dito na talaga magsisimula ang kwento ko, sa dahilan kung bakit ko isinulat ang blog na ito. Sa isang taong nakilala ko na babago sa lahat ng mga nangyari sa buhay ko. Magsisimula na ang kwento tungkol sa taong mamahalin ko ng totoo at ng buong buhay ko - - - si Jivan..

Abangan..
************************************************************************************

4 comments:

  1. wow kala ko di ka na maguupdate lols ako una nakabasa, yes! ilang weeks ko din to hinintay.

    may buddy din pala ko at buds din ang tawag ko sa kanya, pero di kami nagtitrip ha.

    next chapter na po sir cedie please.

    ReplyDelete
  2. nauna ka lang nag comment adik! hehe, atleast ako pangalawa ahaha, tagal din nag update, sana tuloy tuloy na, tnx mr. author

    ReplyDelete
    Replies
    1. first time ko mauna magcomment eh. hahaha

      Delete
  3. I read all the parts of your story in one night. I still can't get over sa pagkamatay ni Kiks. :'( Iniyakan ko ng todo todo yun kasi tuloy tuloy nga pagbasa ko and nadala mo'ko Ced sa kwento ng buhay mo. This story is an inspiration and I'm glad that it looks like something good is gonna happen. Kudos! And God bless you Ced. NEXT PART PLEASE!

    P.S.

    I wonder kung tago-tago mo pa Ced yung friendship ring niyo ni Kiko? (Oh God... I'm still teary-eyed while typing this) :'( And I also wonder if you ever knew kung ano sana yung surprise/pasalubong sayo ni Kiks nun. :'(

    -Mart, 21, from Cavite

    ReplyDelete

Read More Like This