Pages

Tuesday, July 30, 2013

Chuck and Paul (Part 5)

By: Chuck

Nagising ako nang dahil sa alarm ng cellphone ko. 4:30am. Dapat na akong umalis. Baka kasi pag nagpaabot pa ako ng liwanag ay makita pa niya ang pag-alis ko. Dahan-dahan akong bumangon. Maingat ang aking mga kilos dahil ayaw kong magising si Chuck. Nagpunta ako sa sala at tinawagan ko si Ken para magkita kami. Sa kanila muna talaga ako tutuloy habang hindi pa tapos ang mga projects at journals namin kay Mrs. Molina. Matapos kong makausap si Ken ay bumalik ako sa kwarto para kunin ang mga gamit ko sa ilalim ng kama.

Papalabas na ako ng pinto ng nakaramdam na naman ako ng sobrang kalungkutan. Muli kong sinulyapan si Chuck. Napakalalim ng tulog. Hindi ko napigilang lapitan siya at mag-iwan ng isang marahang halik sa kanyang kanang pisngi. Aalis ako dahil kailangan. Tumutulo na naman ang aking mga luha habang nililisan ko ang lugar na iyon.

Pagka-ayos ko ng aking mga gamit sa kwarto ni Ken, nagpaalam na ako sakanya dahil kailangan kong pumunta sa school para mag-resign na sa banda. Naintindihan naman ako ni Ken kung bakit kinakailangan ko pang i-quit ang pagi-gitara ko. Agad kong tinungo ang auditorium para kausapin ang mga ka-banda ko. Tinanong nila ako kung bakit ako magqu-quit. Sinabi ko na lang na personal problems ang dahilan. Pumunta din ako sa locker rooms nang marinig ko ang boses ni Chuck at Kiko. Parang nag-aaway na naman ang mga mokong. Hindi muna ako lumabas para hindi nila ako makita, lalung-lalo na si Chuck. Galing din pala si Chuck sa mga ka-banda ko at malamang ay nasabi na nila sa kanya ang ginawa kong pagqu-quit.

“Nasan si Paul?”! Tanong ni Chuck kay Kiko. Galit na galit ang itsura.
“So umalis na pala sayo si Paul. Natauhan na rin pala siya.” Sagot naman ni Kiko.
“Alam kong alam ko kung nasan si Paul kaya mabuti pang sabihin mo na!”

“Hindi ko alam. At sana kung nasaan man siya, hindi mo na siya makita pa. Wala ka kasing kwenta!” Bulyaw ni Kiko kay Chuck.
Agad na sinuntok ni Chuck ang kausap sa mukha. Napaupo agad ito sa sahig.
“Ikaw ang gusto ni Paul kaya sigurado akong itinatago mo lang siya!” Sigaw ulit ni Chuck. Humihingal silang pareho.

“Sana nga ay tama ang sinasabi mo, dahil kahit kelan, hindi ako minahal ni Paul. Ikaw itong tatanga-tanga na hindi nalalamang ikaw lang minahal niya simula pa nung umpisa.” Mahabang sagot ni Kiko habang nakaupo pa rin. Umiling-iling pa si Kiko habang tumatawa. “Mabuti nga sayo at nilayasan ka na niya. Matagal na niyang dapat ginawa iyon!” Pagkarinig niyon ay patakbong umalis si Chuck.

Hinintay ko munang makaalis si Kiko bago ako lumabas ng locker room. Hindi ko maisip kung ano pa ang kailangan ni Chuck sakin. Bakit kailangan pa niya akong hanapin. Dahil ba sa pag nawala ako wala rin siyang katulong sa bahay? Wala na rin siyang mapaglalaruan? Wala nang aapihin? Wala nang sasaktan? Nakakainis talaga siya. Hinding-hindi na ako lalapit pa sa kanya. Hanggang dito na lang talaga kami. Hindi ko na siya hahayaan pang masaktan ako.

Pagkauwi ko, sinabihan ko si Ken na huwag sabihin kay Chuck na sa bahay niya ako tumutuloy. Um-oo naman siya kaya hindi ako natunton ni Chuck hanggang sa natapos ko ang mga projects at journals. Okay naman ako ngayon pero hindi ko pa rin mapigilan ang maging malungkot sa tuwing maaalala ko yung past namin ni Chuck. Siguro ay si Kristine na ang kasama niya ngayon sa boarding house niya. Syempre, sa hilatsa ng mukha ni Kristine na yun ay hinding-hindi niya palalampasin ang pagkakataon. Matagal na niya ring gusto si Chuck at ito na ang opportunity niya para mapasakanya si Chuck.

“Paul, alam mo lagi ka na lang mukhang malungkot. Ano ka ba, kalimutan mo na siya no.” Sabi ng kaibigan kong si Ken kinabukasan.
“Oo nga, pero hindi naman agad-agad nakakalimutan ko yun no. Bigyan mo lang ako ng ilang araw at back to normal na ulit ako, promise.” Sabi ko sa kanya.
“Good. Ganyan dapat. Hehehe.”
“Ganyan dapat ka pang nalalaman diyan, batukan kita diyan eh.” Si Ken talaga, maaasahan mo lagi pag may problema ka. Papasayahin ka pag nalulungkot at makiki-join sa saya mo pag masaya ka. The best talaga.

Tamang-tama naman at end na ng semester kaya hindi na talaga kami nagkita ni Chuck hanggang sa mag-sem break. Nagpalit na rin ako ng cellphone number para hindi ako matawagan ni Chuck. Well, kung may balak pa siyang i-contact ako. Si Ken lang ang nakakaalam ng number ko at ang mga kabanda ko.

Pero sinabi sakin ni Ken na nakuha ni Kiko ang number ko nang hiramin nito ang cellphone niya. Kaya naman nakakatext ko rin ngayon si Kiko. Inubos ko ang aking oras sa mga textmates at callmates. At si Kiko panay ang sabi niya na siya na lang daw ang boyfriend ko. Kainis, ang ganda ko ba para maadik sakin ang lalaking ‘to? Sa totoo lang, wala ka nang hahanapin pa kay Kiko, gwapo na, super bait pa. Lalo pa kaming naging close dahil nga sa lagi kaming magkatext at magkausap sa phone. Nung pasukan, kami agad ni Kiko ang magkadikit. Magkasabay sa pagkain at pag-uwi. Masaya naman talaga siyang kasama pero wala pa rin talagang namamagitan saming dalawa. Ewan ko, pero parang medyo nahuhulog na ang loob ko sa kanya or guni-guni ko lang yun? Hindi ko alam eh. Iba pa rin kasi ung naramdaman ko kay Chuck kesa sa nafi-feel ko kay Kiko.

Panay pa rin ang bonding namin nina Ken at Kiko. Nalaman ko rin na hindi pala tumutuloy si Kristine sa boarding house ni Chuck. Medyo gumanda na ang pakiramdam ko nang malaman ko yun. Pero that doesn’t mean na babalik na ako sa kanya. Lelong niya no. Enough is enough. Tama na yung mga pinagbayaran ko sa kanya. At isa pa, parang wala na rin naman siyang pakialam sakin eh. Bakit ako magpapakatanga na bumalik pa sa kanya? Mas masaya yung ganito. Simple, walang problema, walang sama ng loob. Iba talaga pag single. Sarili lang ang iniisip. Ayaw ko na ng complicated na mga situations.

Sa paglipas ng mga araw, masasabi kong nakapag-move on na ako. Yes, lagi ko pa ring naiisip ang kolokoy na yun. Si Chuck, sino pa ba? Pero hindi na dumadating sa point na napapaluha ako. No more tears. Sa totoo lang, parang naiinis pa nga ako sa kanya ngayon dahil sa mga pinagagawa niya sakin noon. Asar talaga ako kay Chuck ngayon. Hindi ko man lang mai-elaborate kung bakit.

Aral at libot lang ang inatupag namin ni Ken. Tapos napapadalas din ang hang-out namin ni Kiko. Sa bilyaran, sa canteen, sa skate part at sa kung saan-saan pa. Naging regular na rin ung paglabas-labas namin. Ewan ko kung date ang tawag dun. Pero unti-unti ko na talagang nae-enjoy ang company niya. Very vocal pa rin naman ako kay Ken. Alam niya ang lahat ng nangyayari sakin. Very happy naman siya para sakin. Natutuwa daw siya at ngayon ay nagiging masaya na ulit ako. Minsang magkasama kami ni Ken sa library ay nabanggit niya sakin si Chuck.
“Uy, alam mo, nakita ko si Chuck kahapon. Mukhang kawawa nga eh. Kinumusta ka niya sakin.” Biglang nag-iba ang timpla ko. Hindi na lang ako sumagot sa sinabi niya. Medyo matagal ang lumipas na oras bago siya nagsalita ulit.
“Hoy Paul, talaga bang gusto mo yang si Kiko? Baka naman pagsisihan mo na naman yan?”
“Wala akong sinasabing mahal ko na si Kiko.” Seryoso ako nyan. “Ang sinasabi ko lang sayo is, masaya kami pag magkasama. Yun lang.” Nagpatuloy ako sa pagbabasa ng reviewer ko.

“So mahal mo pa si Chuck?” Walang patumanggang taong ng bespreng pang-asar. Natahimik na naman ako. As usual, hindi ko na naman alam ang dapat sabihin. “Kung ganun pa lang mahal mo pa rin si Chuck, dapat siguro ay hindi ka mag-pretend na ni-inlove ka na kay Kiko.”
“Hindi ako nagpe-pretend no. Ayaw ko na kay Chuck at wala pang namamagitan samin ni Kiko.” Sagot ko sa kaibigan. Pero parang ayaw pa ring tumigil ng bruha na para bang bida ako sa commercial ng Safeguard! As in siya ung conscience ko.
“Ayaw mo lang na makasama ulit si Chuck pero hindi ibig sabihin noon ay hindi mo na rin siya mahal.
“Ken, ang pagkaka-alam ko, Biology ang course mo, hindi Psychology. Kaya tigil-tigilan mo na yang mga pinagsasasabi mo. Para kang ewan.”
“Ewan tayong dalawa. Tanga. Huwag mong gawing panakip-butas si Kiko. Baka ikaw din ang masaktan at pagsisihan mo na naman yan sa bandang huli.”
“Hindi ko siya ginagawang panakip-butas. At pwede ba, tigilan na natin ang usapang ‘to. Kailangan ko pang aralin ang mga lessons ko.” Sabay tayo at lipat ng mesa.

Kinabukasan, nagkita na naman kami ni Ken paglabas ko ng main gate ng school.
“Parang may lakad ah. Saan na naman kayo magkikita ni Kiko niyan?”
“Diyan sa Skate Park. Tara, sama ka.” Sabi ko.
“Hindi wag na. Napagod ako kanina at gusto ko nang umuwi para matulog. Sige, enjoy na lang kayong dalawa.” At tumalikod na siya sakin.
Nagtuloy-tuloy ako hanggang sa sakayan ng tricycle at nagpahatid sa Skate park. Nandun na si Kiko at nakaupo na siya sa isa sa mga mesa. Umorder kami ng shawarma on rice saka fries at coke. Masaya kaming nagkukwentuhan nang makita ko si Chuck na papalapit. Shet, pagkakita ko sa kanya, narealize ko na kaagad ko gaano ko siya na-miss. Wala siyang kasama at nagtuloy-tuloy sa isang mesa at doon naupo. Maya-maya ay umorder din siya ng sarili niyang pagkain. Hindi man lang niya ako tinatapunan ng tingin kaya hindi ko na lang siya pinansin. Parang nakahalata naman si Kiko kaya tinanong niya ako.
“Okay ka lang?” Hindi ko pala naitago ang nararamdaman ko sa paningin ni Kiko.
“Uh, yes. Ayos lang ako.” Nagpatuloy kami sa pagkain. Parang nawala ang saya namin ni Kiko kanina. Pinilit kong kalmahin ang sarili ko para hindi mawala ang composure ko. Hanggang sa matapos na namin ni Kiko ang pagkain. Nagprisinta siyang ihatid na ako sa sakayan pauwi. Pumayag naman ako.

Tumayo kami ni Kiko at nadaanan namin si Chuck na nakatitig sa pagkaing hindi pa man lang niya nagagalaw. Natuloy-tuloy kami ni Kiko sa paglalakad hanggang sa makarating na kami sa sakayan ng jeep. Nagpaalaman na kami ni Kiko sa isa’t-isa. Hindi ko alam kung ano itong nararamdaman ko. Iba pa rin talaga ang nararamdaman ko pagdating kay Chuck. Mahal ko pa rin siya.

Sumunod na araw, kasama ko na naman si Ken at sabay na nagpunta sa library. Nagpapatulong siya sa kanyang assignment. Nagtutulungan naman kami, kahit papano. Habang nagsusulat ay sinabi ko sa kanya na nagkita kami ni Chuck sa Skate Park kahapon.
“Talaga?! Anong nangyari?” Tanong ni Ken.
“Wala, hindi niya ako pinansin eh, siguro dahil kasama ko si Kiko or talagang wala na kami.” Sabi ko sa mahinang boses. Nasa library kasi kami at bawal mag-ingay.
“Uh, baka naman nagkataon lang yung pagkikita niyo?”
“Siguro nga.”
“Kase naman masyadong public yung pinupuntahan niyo ni Kiko pag nade-date kayo eh.
“Hindi kami nagde-date no. Nagkaayaan lang kaming sabay kumain bago umuwi kahapon.”
“May lakad ka na naman ba mamaya?” Tanong ni Ken habang nakatulala pa rin ako, malalim kase ang iniisip ko.
“Huh? Ah eh, magja-jollibee lang kami mamaya ni Kiko.”
“Sus, yan ba ang hindi date? Eh panay kaya ang labas niyo. Nag-eenjoy ka naman ba?”
“Okay lang naman, masaya.”
“Sigurado ka ha?”
“Naku, nagsisimula ka na naman.”

Pagdating ng uwian, nagpunta na ako sa Jollibee. Wala pa doon si Kiko nang dumating ako. Umupo ako sa isang bakanteng mesa na pang-dalawahan. Nagtext ako kay Kiko na hinihintay ko siya sa second floor ng Jollibee. Nag-textback naman siya at sinabing hintayin ko siya for 10 minutes. Hindi muna ako umorder. Hihintayin ko muna si Kiko. Nagulat na lang ako nang makita ko si Chuck na papalapit sa kasunod na mesang kinauupuan ko. Nagbaba ako ng tingin at kunwari ay nagte-text sa cellphone. Ibinaba niya ang kanyang bag sa ibaba ng mesa at muling bumaba ng ground floor. Pagbalik ni Chuck ay may dala na siyang tray ng pagkain. Mukhang kakain na naman siyang mag-isa. Pang-isang tao lang kasi ung inorder niyang food. Nagsimula siyang kumain. Magkaharap kami, may dalawang mesang nakapagitan saming dalawa. Parang hindi man lang niya ako napansin tulad kahapon. Pinilit kong huwag siyang tingnan hanggang sa dumating na si Kiko at umorder na kami. Tulad kahapon, wala rin kaming imikan ni Kiko at dahil yun sa pesteng si Chuck. Kainis talaga. Nag-aya tuloy si Kiko na ihatid ako agad pagkakain namin.

Nang mga sumunod na araw, lalong napadalas ang paglabas-labas namin ni Kiko. Mas napalapit ang loob ko sakanya at medyo nalilito na ako sa kung gusto ko na ba siyang maging boyfriend or what. Mabait naman kasi talaga siya at masarap kasama. Laging jolly at laging may bagong jokes. Napaka-thoughtful pa niya. Hindi siya nakakalimot na kumustahin ako kahit sa text lang. Hindi naman talaga mahirap mahalin si Kiko. Pero dahil nga sa kagagaling ko lang sa isang relationship, parang hindi pa ako handa para mag-entertain agad ng kasunod.

Sa mga paglabas namin ni Kiko ay lagi namang nagkakataon na nagkikita kami ni Chuck. Para bang natutunugan niya kami kung saan ba ang mga lakad naming.

One day, kasama ko si Kiko sa school canteen. Sabay kaming nagla-lunch.
“Oo nga pla. Ipinatatawag ka ng mga kabanda natin sa auditorium mamaya.” Sabi ni Kiko.
“Kung pababalikin lang nila ako sa banda, pakisabi na lang na wala na talaga akong balak na bumalik.” Sagot ko.
“Kung nag-aalala ka tungkol kay Chuck, nag-resign na rin siya sa banda.” Nagulat ako sa sinabi niya pero hindi ko iyon ipinahalata. Ayaw kong malaman ni Kiko na may feelings pa ako para kay Chuck. “Wala kasing guitarist para sa concert namin next month. Baka naman daw pwedeng tumugtog ka for the last time.”
“Ewan ko lang din.” Sabi ko habang nagpupunas ng panyo sa bibig.
“Please…” Sabi ni Kiko. Shet, paawa ang mukha ng loko. Gusto niya talaga akong patugtugin sa concert.
“Sige na, tutugtog na.” Sagot ko na lang. Gustong-gusto ko talagang tumugtog. Napapayag na rin ako ni Kiko kasi wala na rin naman si Chuck sa banda. Napaisip ako kung bakit nag-quit din siya. Masayang-masaya naman si Kiko sa pag-oo ko.

Two days after, inaya ko si Ken na manuod ng sine pero tumanggi na naman ang gago. Bwiset talaga yun. Ayaw na yatang dumikit-dikit sakin kaya naman si Kiko na naman ang naaya ko. Agad naman siyang pumayag at nagpunta kami sa Robinson’s para doon manuod ng movie. Nasa may Balibago na kami ng magtext si Ken.
“Hoy Paul, san ka manood ng sine? Sama ko.” Agad naman akong nagreply.
“Baliw ka kasi, inaaya na kita kanina eh. Robinson’s kami.”
“Ai, kasama mo na naman si Kiko? Wag na lang pala, out of place lang me dyan.”
“Hala, sunod kana dito.”
“Ayaw.”

Nakakainis talaga yang Ken na yan. Napakaraming arte sa katawan. Kaloka. Masaya naman ang naging panonood namin ni Kiko. Puro kulitan at kilitian. Pagkatapos ng movie ay lumabas na kami at naglakad-lakad sa loob ng mall. And guess what, andun na naman ang lintek na si Chuck. Nakita ko siyang kinakausap ang saleslady ng mga slippers. Nagtataka na ako. Hindi ko na alam kung paanong nagkakataon na nagkakatagpo kami sa iisang lugar. Parang hindi naman niya kami napapansin kaya binalewala ko na lang din ang presence niya. Nagpatuloy lang kami sa paglilibot hanggang sa napagpasyahan naming umuwi na.

Minsan namang nasa isang computer shop kami ni Kiko ay nakita na naman namin si Chuck. Naiinis na talaga ako sa pagsunod-sunod niya samin. Hindi man niya aminin, alam kong hindi nagkakataon lang na lagi siyang sumusulpot sa mga lugar kung nasaan kami ni Kiko.
“Nandyan na naman siya.” Sabi sa akin ni Kiko. Nakaupo kami nun nang magkatabi. Umupo si Chuck sa katabing computer. Sa sobrang inis ko ay hindi ko napigilan ang aking sarili.
“Hayaan mo nga siya at wala lang yang magawang matino sa buhay.” Sabi ko, sinigurado kong maririnig niya iyon. Nakakaasar na talaga siya. Hindi ko malaman kung ano ba ang gusto niyang palabasin or talagang nang-iinis lang siya. Hindi naman ako pinansin ng walang hiyang si Chuck. Nagpatuloy lang siya sa pagta-type sa keyboard at ang lalo ko pang ikina-inis ay nang magsuot pa siya ng earphones pagkarinig niya sa sinabi ko! Peste talaga.

Nasundan pa nang nasundan ang pagbuntot samin ni Chuck. Lagi na lang siyang ume-eksena sa mga lakad namin ni Kiko. Minsan ay nagpunta kami ni Kiko sa El Potro, at hindi na ako nagulat nang makita ko si Chuck na pababa ng hagdan at pumwesto ng upo sa sulok ng warehose. Enjoy na sana namin ni Kiko ang pagpunta namin doon dahil sa magaling ang bandang tumutugtog. Kaya lang panira na naman ang presence ng tarantadong si Chuck. Sa inis ko ay hindi ako napigilan ni Kiko na paringgan si Chuck.

“As usual, nandito na naman siya. Panira ng gabi.” Sabi kong may pagka-mataray ang tono. As usual din, hindi na naman ako pinansin ni Chuck. Lalong tumindi ang asar na nararamdaman ko. Tumataas na naman ang blood pressure ko. Sa inis ko, tumayo ako at lumapit sa kinauupuang mesa ni Chuck. Naupo ako sa upuang nakaharap sa kanya at ibinaba ang mga kamay ko sa ibabaw ng mesa.
“Ano pa bang gusto mo? Kung wala ka nang kailangan sakin, pwede ba, tigil-tigilan mo na ang pagsunod-sunod samin. Nakakawala ka ng gana. Para kang aso.” Galit nag alit ako habang sinasabi ko ang mga katagang ito.

-------------------------------
ITUTULOY :)

11 comments:

  1. more tagal toh inabangan

    ReplyDelete
  2. nakakaexcite ang story :D post po agad ang next chapter pls

    ReplyDelete
  3. I really really love this story...wait ako sa next na page...

    ReplyDelete
  4. Ang ganda ng storia kaso kakainis for sure mag bibilang nanaman ako ng mga araw bago mag labas ng karogtong ng storiang ito. Pls. Chuck ang kasunod... banoy

    ReplyDelete
  5. next part please. :))

    ReplyDelete
  6. ganda. for sure ang tagal nanaman ng next part si author talaga gustong my pinapasabik.

    ReplyDelete
  7. sundan agad.. ganda ng kwento mo.

    ReplyDelete
  8. Grabe ah. After the SA LIKOD NG MGA BATO, ito lang ulit ang storyang inaabangan ko. Lagi kong chinicheck ang blog na ito kung may update na ba. Ba't kasi ambagal ng update?

    HMMP!

    ReplyDelete
  9. ARGH! bitin HAHAHAHA

    ReplyDelete
  10. part 6 na po agad pls :)

    - asher

    ReplyDelete
  11. Wow alam ko lahat ng mga lugar na nasa kuwento.. ahahaha...

    ReplyDelete

Read More Like This