Pages

Saturday, July 13, 2013

Chuck and Paul (Part 3)

By: Chuck

Dito na lang ba magtatapos ang lahat? Ang saya-saya ko pa bago ang gabing ito. Sinubukan kong tawagan si Chuck sa cellphone niya pero hindi niya iyon sinasagot. Hinintay ko siya doon hanggang sa mag-umaga ngunit hindi siya dumating. Nagpasya na lang akong umuwi samin at matulog buong maghapon. Lumipas ang maghapon, walang pasok kase kakatapos lang ng Foundation Day. Sobrang naiinip ako at gusto ko nang makausap si Chuck. Gusto kong magpaliwanag sa kanya. Susubukan kong sabihin sa kanya ang side ko. Kung hindi man siya maniwala, at least sinubukan kong isalba ang aking pag-ibig. Tinatawagan ko siya palagi pero out of coverage area lagi yung phone niya, or naka-off, talagang iniiwasan ang pagtawag ko.

Dumating ang lunes at pumunta ako ng maaga sa boarding house ni Chuck. Nakausap ko ang may-ari ng boarding house at nalaman kong hindi umuwi doon si Chuck simula pa nung sabado. Humingi ako ng duplicate at nakita kong andun pa ang mga gamit niya. Pumasok ako sa aking klase ngunit wala sa pag-aaral ang aking atensyon. Hinanap ko si Chuck sa mga kaklasi niya pero hindi daw siya pumasok. Lumipas ang dalawang araw at hindi pa rin siya pumapasok. Nag-aalala na ako, baka kase kung ano na ang nangyari sa kanya.

Maya’t-maya pa rin ang pagtawag ko sa kanya pero laging off ang phone niya. Makaraan ang isang linggo, hindi pa rin siya pumapasok. Nag-alala ako baka i-drop siya ng mga professors niya. Pumunta ako sa bahay nila. Di ko man magawang maibalik ang relasyon namin, pipilitin ko pa rin makapasok siya sa klase niya. Ayaw kong ako pa ang maging dahilan ng pagkakahinto niya ng pag-aaral. Pinapasok ako ng Tita niya sa salas at hinintay siyang bumaba mula sa kanyang kwarto, “Bakit nandito ka?”

Ngayon ko lang siya nakitang ganun ang ayos. Mukhang pinabayaan ang sarili. Nangilid agad ang mga luha ko, “Anong kelangan mo?” Tanong ulit niya.
“Pumasok ka na sa mga subjects mo, baka ma-drop ka.” Sabi ko at medio napayuko dahil sa tindi ng pagkakatitig niya sakin.
“Tingin ko, wala ka nang pakelam ano man ang mangyari sakin. Yan lang ba ang ipinunta mo dito?” Tanong niya na halatang walang balak maging pino man lang ang usapan naming dalawa.
“Gusto ko rin mag-sorry dahil dun sa nangyari.” Naiyak na talaga ako.
“Tapos?” Walang katono-tono ang boses niya.
“Hindi mo ba ako mapapatawad? Kahit ano gagawin ko. Matanggal lang yang galit mo sakin.” Humihikbi na ako habang nagsasalita.
“Sige, umalis ka na. wag kang mag-alala, papasok na ako bukas. Gaya ng dati, dun ka kakain at magi-istay sa boarding house ko.” Nag-angat ako ng tingin. Di makapaniwala sa mga sinabi niya. Di na ba siya galit sa akin? Back to normal nab a kami? “Sabi ko, pwede ka nang umalis.” At agad siyang tumalikod at bumalik sa taas, sa kanyang kwarto. Di ko alam kung dapat ba akong masaktan sa paraan ng pakikitungo niya sakin ngayon. Nagthank-you ako sa Tita niya at umalis na sa lugar na iyon.

Kinabukasan, sinubukan ko siyang tawagan pero naka-off pa rin ang phone niya. Nagpunta ako sa boarding house niya at nadatnan ko siyang nakaupo at nanunuod ng T.V. Ang lakas ng volume nun kaya medio nakakairita sa pandinig. Napakagulo ng bahay. Nagkalat ang mga newspapers at aklat. Nagkalat din ang mga wrappers ng candy. May maruming plato at baso na nakapatong sa study table. Ngayon ko lang nakita ang lugar na ‘to na ganito kadumi.
“Nandyan ka na pala.” Sabi niyang hindi man lang ako nilingon.
“Anong nangyari dito? Bat ang dumi?” Tanong ko habang nagsisimula nang magligpit ng mga nakakalat na gamit.
“Hindi na ako nakapaglinis kagabi, nakatulog kase ako kaagad. Linisin mo na lang at gagayak na ako.”

Nagsimula na akong maglinis ng bahay. Pumunta siya sa banyo para maligo. Hindi man lang niya ako tinanong kung may pasok ba ako bago niya ako pinaglinis. Di na ako papasok sa umaga para maasikaso ko ang paglilinis sa bahay. Ayos lang naman sakin. Para na rin 'to sa pagbawi ko sa kanya sa nagawa kong kasalanan. Sobrang thankful pa nga ako at tinanggap pa niya ako ulit. Buong umaga akong nag-ayos ng mga gamit sa bahay. Dumating siya ng bandang 11:30am para matulog. May dala siyang papel na parang scratch. Ibinaba niya iyon sa center table. Aktong mahihiga na siya ng sofa ng tinanong ko siya.

“Kumain ka na ba?”
“Oo, kumain na ako kasama ang mga kaibigan ko.” Hindi man lang niya ako tinanong kung kumain na ba ako. Hindi ko na lang pinansin at pumunta ako ng kwarto upang maligo at magbihis. Kakain na lang din ako sa 7-eleven. Kahit mag-isa. Papasok na din kasi ako sa mga afternoon classes ko. Paglabas ko ulit ng sala, nakaupo na siya sa sofa at binabasa ung mga papel na dala niya kanina.
“Paul, paki-type mo nga pala ‘to.” Utos na naman niya.
“Ano ba ‘to?” Tanong ko pagkakuha sa mga papel.
“Homework ko yan. Bukas ko na yan kailangan. Gamitin mo nalang yung computer diyan sa kwarto.” Nahiga ulit siya at tuluyan nang natulog. Bumalik ako sa kwarto para itabi yung mga papel. Mamaya na lang pagkatapos ng klase ko iyon aasikasuhin.

Pagkatapos ng mga klase ko, nagpunta na ako sa boarding house at tinrabaho ang homework ni Chuck. Ayos lang naman sakin. Hindi naman kasi ganun karami. Wala pa akong kaalam-alam na ito na pala ang simula ng lahat ng emotional burden ko. Ang simula ng halos araw-araw na kalungkutan. Buti na lang may jamming sessions kami every other day. Sa banda kasi, parang nawawala lahat ang mga problema ko. Oo nga pala, may isa kaming kabanda na super close sa akin. Si Ken. Lagi ko rin siyang nakakasama sa mga lakad. Siya rin ung nagtuturo sakin kapag hindi ako nakakapag-attend ng practice. Napakabait niya at open kami sa isa’t-isa. Sa kanya ko sinasabi mga problema ko at lagi naman siyang nagbibigay ng advice.

One day, kasama ko si Ken habang naglalakad sa tapat ng isang Church nang makita ko sina Chuck at Kristine na kumakain sa park na malapit doon. Nakita ako ni Kristine at tinawag ako. Di ko sila pinansin at patuloy pa rin kami sa paglalakad. Naintindihan naman ni Ken ang mga kinikilos ko. Of all the people, si Kristine pa ang napili niyang isama. Di ko naikaila sa aking sarili ang sakit na naramdaman ko sa aking dibdib. Hindi iyon ang huling beses na nakita ko sila na magkasama.

Kinabukasan naalala ko na malapit na nga pala ang birthday ni Chuck. Nagplano ako na ipagluto siya ng mga paborito niyang food. Pero, hindi naman talaga ako ganon kagaling magluto kaya humingi ako ng tulong sa best friend kong si Ken.

Two days after. Nalaman kong kasama na namin si Kiko sa banda, kusa daw siyang lumipat; at dahil magaling din naman siyang bassist ay agad siyang tinanggap ng aking mga kamyembro. Nasa auditorium kami nina Kiko at Ken. Nagpapractice kami ng mga kanta. Medyo gutom na ako noon kase kanina pa kami nagpapractice. Maya-maya lang ay nagkayayaan na kami na maglunch. Pababa na kami nina Ken ng hagdan nang makasalubong namin sina Chuck at Kristine. Tuloy-tuloy lang sila. Nagbaba ako ng tingin. Nang malapit na kami sa isa’t-isa, nag-angat ako ng paningin at nakita kong nakatitig si Chuck sakin. Nagmamadali akong bumaba habang hinila ni Ken. Nagpaka-martyr na naman ako. Sobrang sakit ng nararamdaman ko tuwing nakikita ko silang magksama. Di ko na lang pinahalata kay Ken na apektado ako.

Pagkatapos naming kumain ay bumalik na kami sa auditorium para ipagpatuloy ang practice. Nakasalubong ulit namin si Chuck at Kristine na mukhang masayang-masaya. Patay malisya na lang ako. Hindi ko na tinangka pang tignan sila.

The next day, nagulat ako nang sa practice namin ay kasama namin sila Chuck at Kristine. Nag-apply daw si Kristine para maging sub-vocalist namin, nagbackout din kasi yung isa naming sub-vocals dahil sa nakakaabala daw ang practice namin sa mga pag-aaral niya. Magaling din naman pala siya. Di nga ako makapagconcentrate sa pag-gigitara pag nakikita ko silang dalawa. Napaka-close yata talaga nila ngayon. Ayaw ko naman mag-isip ng iba.

After a few days, birthday na nga ni Chuck. Pumasok na siya sa school. Tinawagan ko naman si Ken para masimulan na namin ang pamimili at pagluluto. Wala nga pala akong pasok noon, buti na lang at absent si Mrs. Molina, birthday din daw ata ng anak niya. Si Ken naman ay hindi na pumasok sa dalawang subjects niya sa araw na yun. Before mag-5:00pm, tapos na kaming magluto at nakahanda na ang mga pagkain. Di ko na muna pinaalis si Ken at sinabihan ko na makisalo na rin sa handaan namin. Mga 6:00pm na dumating si Chuck. Sa salas muna nag-stay si Ken, naamoy ko si Chuck paglapit niya sakin, amoy alak. Agad ko siyang binati, “Happy Birthday!”

Ibinigay ko ang nakabalot na regalong binili ko kahapon. Silver bracelet yon. Tinanggap naman niya iyon at ipinatong sa mesa. Napansin niya ang mga nakahandang pagkain.
“Ano to?...” Tanong niya.
“Ah, niluto namin yan ni Ken. Birthday mo kasi. Tara, kain na tayo, sandali lang at tatawagin ko si Ken para sumalo na sa atin.” Papunta na ako sa kinaroroonan ni Ken nang bigla siyang magsalita.

“Kumain na ako. Kayo na lang kumain.” Aktong tatalikod siya nang ako naman ang nagsalita.
“Hindi mo man lang sinabi na kakain ka na pala sa labas.” May halong pagtatampo ang boses ko.
“Hindi ko sinabing hintayin mo pa akong kumain. Dapat masanay ka nang kumain nang hindi ako kasabay.” Napayuko na lang ako para maitago ang mga luhang unti-unting namumuo sa aking mga mata.
“Kung hindi kayo kakain, itago niyo na yang mga pagkain at baka langawin lang diyan sa mesa.” Tuloy-tuloy siyang tumalikod para pumunta sa kanyang kwarto. Naiyak na ako nang tuluyang pagkawala niya sa paningin ko. Agad naman akong dinamayan ni Ken.

Walang pagbabago ang mga pangyayari sa pagitan naming dalawa ni Chuck sa paglipas ng mga araw. Napaka-inconsiderate niya sa nararamdaman ko. Di ko akalaing sa piling niya, kung saan nakaranas ako ng sobrang saya at ligaya, mararanasan ko rin ang sobrang pasakit ng kalooban.

Sumunod na araw, nauna akong nakarating kay Chuck sa boarding house. Galing kami pareho sa practice. Agad siyang nahiga sa sofa. Mukhang pagod na pagod. “Gusto mo ng massage?” Tanong ko, para lang maiparamdam ko pa rin ang pagmamahal ko sakanya. Okay na sakin yung ginawa niya sakin kahapon. Siguro hindi lang talaga maganda ang mood niya.
“Yes, please.” Pinadapa ko siya sa sofa at minasahe.

The next day, nagpunta ulit ako sa boarding house para daanan si Chuck bago umuwi samin. Nakita ko siya na nakaupo sa gilid ng kama. Iniabot niya sakin ang isang manipis na aklat. “Paki-summarize naman ‘to.” Hindi man lang siya tumingin sakin habang iniabot niya sakin yun.
“Ano ‘to?” Tanong ko.
“Project ni Toffee.” Parang wala lang sa kanya habang sinasabi niya pati project ng kung sino mang hudas na Toffee na yun, sakin pa ipinagawa. Sobra na talaga yung ginagawa niya sakin. Hindi ako kumilos sa kinatatayuan ko. Matagal bago niya ako tinignan sa mata, “Nakalimutan mo na ba ang sinabi mo? Gagawin mo ang lahat mapatawad lang kita.” Natulala ako sa huli niyang sinabi. Parang tinamaan ako ng kidlat.

Tumalikod ako sa kanya upang itago ang mga luhang nag-uunahan sa pagbagsak sa aking mga pisngi. Binuksan ko ang computer niya at nagsimulang gawin ang book report na inutos niya sakin. Nanlalabo ang mga mata ko sa luha. Hindi ko halos mabasa ang mga letra ng aklat na iyon. Unti-unti naman luminaw ang aking isipan kung bakit ganito na lang ang pakikitungo sakin ni Chuck ngayon. Gusto lang niyang gantihan ako sa kasalanang inaakala niyang ginawa ko sa kanya. Gusto niya rin siguro akong pagmukhaing tanga. Akala niya kasi ginago ko talaga siya. Sobrang sakit talagang tanggapin na nagagawa niya akong saktan dahil lang sa mga pangyayaring hindi ko inasahang magaganap. Ayos lang naman sakin. Mahal ko siya, at kung sa ganitong paraan lang siya liligaya. Sana lang ay malaman niya na nagsisisi na ako sa mga nagawa ko sa kanya.

Another day, maaga akong nagpunta sa boarding house ni Chuck para asikasuhin siya. Pwede na talaga akong barilin sa Luneta sa ginagawa kong pagkaka-martyr. Naabutan ko siyang natutulog kaya naman ginising ko siya. Agad siyang pumasok sa banyo para maligo. Nagmamadali siya at baka mahuli siya. Agad ko siyang ipinaglabas ng uniform mula sa closet niya. Inilapag ko iyon sa kama. Napansin ko doon ang cellphone ni Chuck.
2 Messages Received.

Hindi ko ugaling pakialaman ang cellphone niya pero parang kinati ang mga daliri ko at nais kong malaman man lang kung sino ang sender ng mga unread messagees niya. Binuksan ko iyon at nakitang si Kristine pala ang nagtext sa kanya. Sumakit ang dibdib ko sa sandaling nakita ko ang pangalan ni Kristine. Magkatext sila. Hindi ko rin alam na nagpalit na pala siya ng number. Sun kami pareho dati pero Globe na si Chuck ngayon. Wala man lang siyang sinasabi sa akin. Di ko pa rin binuksan ang mga kararating lang na messages niya. Pero nakita kong maraming messages si Kristine sa inbox ni Chuck. Hindi ko napigilan ang sarili kong buksan ang iba doon.
First Message: Nasa bahay ka na ba? Nandyan ba si Paul?
Second Message: Talaga? Anong sabi nya? Umiyak ba?
Third Message: Ahahaha, Paul will be mad for sure!


-----------------------------------------
ITUTULOY :)

7 comments:

  1. haaay ang bigat sa pkiramdam . ang hirap ng ganyang Set up . pero muka nmang may mgandang mangyayari .. ilabas na ang part4 sinusubaybayan ko tlga to eh ..

    #LittleMonster

    ReplyDelete
  2. next chapter please

    ReplyDelete
  3. Next chapter na po please. :-)

    ReplyDelete
  4. Pakipost na po ung next chapter. Sinusubaybayan ko po kasi tong kwento. :D

    ReplyDelete
  5. Kakainis!!!!!! Bumigat ang damdamin ko ngayong araw! Nakikinig pamandin ako sa kanta ni aiza na anong nangyari sa ating dalawa...

    ReplyDelete
  6. i can't wait for the next chapter :) next chapter na pls

    ReplyDelete
  7. Putanginang kristine na yan. Jusko nakakabwiset ang aga aga, panira ng araw!!!!

    ReplyDelete

Read More Like This