Pages

Saturday, July 20, 2013

Chuck and Paul (Part 4)

By: Chuck

Ibinaba ko na ang cellphone ni Chuck sa kama. Mabigat na naman ang kalooban ko. Lumabas si Chuck sa banyo at nagbihis. Tumayo naman ako para ayusin ang pinag-bihisan niya. Matagal siyang hindi kumikilos sa pagkakaupo at nakatitig lang sa cellphone.
“Baka male-late ka na nyan. Bilisan mo ng gumayak” sabi ko.
“Ginalaw mo ba ‘tong cellphone ko?”
“Ah, eh, tinignan ko lang kung sino yung nagtext sayo.” Sabi ko habang nagkunwaring walang namuong tensyon sa pagitan naming dalawa. Tumalikod ako para dalhin yung mga pinagbihisan niya sa lalagyan ng maruruming damit.

“Sino may sabi sayong pwede mong galawin ang cellphone ko at basahin ang mga messages ko?” Nagtaas na siya ng boses. Tumayo siya at hinarap ako. Napayuko lang ako upang iwasan ang matalim niyang tingin.
“Wala naman sigurong masama kung aalamin ko kung sino ang nakatext mo. Boyfriend kita.” Nautal pa ako sa pagsasalita. Hindi ko kasi alam kung boyfriend ko pa siya.
“Ayaw ko nang maulit ‘to.” Sabi niya sabay talikod. Nagpagtuloy siya sa pagbihis at kinuha ang school bag bago lumabas ng kwarto. Pag-iyak na lamang ang nagawa ko.

Another day, nagpunta ako sa auditorium para magpractice. Naabutan ko dun sina Kiko, Kristine at Chuck. Actually, alam na namin ang kantang ‘to. Polishing na lang ang kailangan. Medio nagiging close na kami ni Kiko this time, parang wala na lang sakin ang ginawa niya dati. Masaya naman siya kausap eh. Magaling siya sa bass at enjoy. Iniiwasan ko na lang na mapadako ang tingin ko sa sweet na sweet na sina Chuck at Kristine.

Sumunod na araw, sa boarding house ni Chuck. Kasama ko si Ken habang nagre-review kami para sa exam namin bukas. Dumating si Chuck. Kasama niya ang mga kaibigan niya, at ikinagulat ko nang todo ay nang makita ko rin si Kristine. May dala silang alak at pulutan. Agad na pumunta ang lahat ng kasama ni Chuck sa likod ng bahay para doon magset-up ng pwesto nila para sa inuman. Tumuloy naman si Chuck sa kusina. Tinawag niya ako at pinaghanda ng mga gagamitin nila para sa pag-iinuman. Ibinigay niya sakin ang isang bote ng alak para ilagay iyon sa isang pitchel. Dinala ko iyon sa likod ng bahay. Gusto akong tulungan ni Ken pero sabi ko na kaya ko na ‘to. Pinatawag ako ni Chuck sa pinakamalapit na kainan para magpa-deliver ng pagkain. Napaka-ingay nila habang nag-iinuman. Inilabas ni Chuck ang CD player para may music sila. Nandoon lang ako sa kusina para kung kakailanganin nila ng kung ano, ako na ang magbibigay sa kanila.
“Napaka-maasikaso naman ni Paul, ang sweet mo talaga sa kanya.” Narinig kong sabi ni Kristine. Alam kong gusto niya lang akong inisin. Di ko na lang siya pinagtutuunan ng pansin.

“Alam na ba niya, Chuck?” Tanong naman ng isa pa nilang kasama. Si Toffee. Kilala ko na siya ngayon. Medyo napapadalas na kasi ang punta ni Toffee sa boarding house nitong mga nakalipas na araw.
“Anong sinasabi mo diyan? Uminom ka na nga lang diyan.” Sagot naman ni Chuck. Agad akong pumasok ng bahay dahil dumating na ang pinadeliver ko. Agad ko iyong inihanda para sa mga nag-iinuman. Naglabas din ako ng mga baso para na rin magamit nila. Papalabas na ako nang marinig ko na lalong napalakas ang sigawan nila. Nagtuloy-tuloy lang ako sa paglalakad. Gusto ko na puntahan si Ken. Nakakahiya kasi sa kanya, iniwan ko siya sa loob ng bahay. Malapit na ako sa mga nag-iinuman nang makita ko ang pinakamasakit na tagpo ng aking buhay. Nakatayo sina Chuck at Kristine habang naghahalikan. Parang wala lang sa kanila ang ginagawa nila. Nagkakantyawan ang kanilang mga kainuman. Hindi ko kinaya ang nakita ko. Nanginig ang aking kamay mula sa pagkakahawak ko ng tray. Agad ko iyong nabitawan at nalaglag sa semento at lumikha ng malakas na ingay ang pagkabasag ng mga baso. Nakita ko na napapikit ng mariin si Chuck pagkarinig ng mga nabasag.
“Ano ba yan?! Ang laki-laki mo na, nakakabasag ka pa ng mga gamit!” Sigaw sakin ni Chuck habang umupo ako para ligpitin ang mga naibagsak ko. Tumahimik silang lahat habang nakaupo ako doon. Nakibibinging katahimikan.

Tumutulo na ang luha ko sa halo-halong emosyon. Napakabigat ng pakiramdam ko. Binasag ng boses ni Kristine ang katahimikan.
“A real loser. That’s what you are Paul.” Sinundan pa niya iyon ng malakas na pagtawa. Hindi ko na lang siya pinansin. Wala yung sinabi niyang yun sakin kumpara sa nakita kong paghahalikan nila ni Chuck. May humawak sa braso ko at pinilit ako patayuin. Di ko na nagawa pang kilalanin kung sino iyon. Dinala niya ako sa sala ng boarding house. Pinaupo niya ako sa sofa at binigyan ng baso ng tubig. Medyo nahimasmasan ako sa pagkakainom ng tubig. Si Ken pala.

“Paul, bakit mo hinahayaang gawin ni Chuck sayo ang lahat ng iyan? Maawa ka naman sa sarili mo!” Yumakap ako kay Ken sa sobrang sakit ng nararamdaman ko at paghagulgol.
“Well, ano ka ngayon ha, Paul?” Narinig kong sabi ni Kristine habang papalapit sa amin ni Ken. “Nakakalungkot naman ang nangyayari sayo, friend. Dapat kasi, hindi mo na ako kinalaban noon.”
“Ano pa bang kailangan mo!” Tanong ko, nagtitimpi lang ako para hindi mapatulan ang isang walang kwentang tao na katulad niya.
“Ikaw ang may kailangan, kailangan mo nang maghanda para umalis sa lugar na ito.” Napatingin ako sa mga mata ni Kristine. “Sa napapansin mo, hindi ka na siguro dapat pang magtagal dito. Di ka kailangan ni Chuck. Ako na ang papalit sayo dito.” Nakataas ang noo niya habang sinasabi ang mga salitang iyon.
“Anong ibig mong sabihin?” Tanong ko, takot sa maari niyang isagot sa akin.
“Mag-impake ka na. Sinabihan ako ni Chuck na dito na mag-stay.”

Ngayon alam ko na, naalala ko yung text ni Kristine kay Chuck, “Ahaha! Paul will be mad for sure! Kawawa naman siya.” Hindi ko pa matanggap ang katapusan ng lahat ng ito.

The next day, pumunta ako sa boarding house. Alam kong wala si Chuck dun kasi may klasi siya nang time na yun. Inayos ko na ang mga gamit ko at nagsimulang ilagay iyon sa malaking bag na dala ko. Nagpasya na akong umalis. Pagka-impake ko, itinago ko muna ang bag sa ilalim ng kama para hindi makita ni Chuck. Ayaw kong malaman niya na aalis na ako ngayon. Bumalik ako sa school para magpractice ng kanta. Nakausap ko si Ken. Sinabi ko sa kanya ang balak ko. Sinuportahan naman niya ang aking desisyon. Dapat daw noon ko pa ginawa yon. Gabi nga pala ako makakauwi nun dahil sa mga projects at journals na ginagawa namin kay Mrs. Molina, ilang linggo rin akong hindi makakauwi samin. Pero since aalis na nga ako sa bahay na lang nina Ken ako makikitulog. Payag naman siya.
“Sige, pagkaalis mo sa boarding house text mo lang ako. Sabay na tayong umuwi samin.” Sabi ni Ken. Ang laki na talaga ng utang ng loob ko sa kanya.

Inisip kong pagbigyan ang sarili kong makasama siya nang isang gabi pa bago ako umalis nang tuluyan. Naligo siya habang namimili ako ng damit na isusuot. Nagmamadali akong mamili ng damit na nasa bag kong nasa ilalim ng kama. Paglabas niya, tumapat agad siya sa salamin at nag-ayos ng buhok. Ako naman ang naligo. Habang naliligo, iniisip kong sana ay maging maganda ang aking gabi. Ito na kasi ang huli. Paglabas ko ng banyo, nakita ko siyang nakabihis na, nakaupo sa kama at nakatulala. Naupo ako sa tapat ng salamin at nag-ayos ng sarili. Napansin kong nakatingin siya sakin, parang may gustong sabihin. Tumayo at humarap sakanya.
“Anong nangyari sa’yo? May problema ba?” Tanong ko. Nakatingin parin siya sakin.
“Ah… Wala.” At nagsimula na siyang magsuot ng sapatos.

Kumain muna kami sa McDo. Wala pa rin siyang imik. Tuwing titingin siya, sinusuklian ko siya ng tipid na ngiti. Masaya ako ngayon kasi hindi kami nag-aaway. Okay na talagang umalis ako sa kanya bukas. Sumakay kami ng tricycle papuntang school. Sa covered court gaganapin ang College Night. Bago kami bababa ng sasakyan, bigla siyang nagtanong.
“Aalis ka ba?” Hindi man lang siya nakatingin sa akin. Pero mukha siyang malungkot.
“Huh?”
“Uh, wala. Manong diyan na lang po sa gate.”
Kinabahan ako habang bumaba ng tricycle, nakita kaya niya ung mga bag ko sa ilalim ng kama? Pero bakit siya malungkot? Wala rin akong balak pumunta ng College Night pero niyaya lang ako nitong si Chuck dahil wala daw siyang partner, may pasok si Kristine.

Pumunta agad kami sa covered court. Sinalubong kami ng tugtugan at masasayang estudyante. Sandali kaming naghiwalay ni Chuck dahil bigla na lang kaming sinalubong ng grupo ng mga tao. May biglang umakbay sakin. Si Kiko. Nasulyapan ko si Chuck habang nagpupumilit naman kumapit sa braso niya si Krstine. Syempre, mawawala ba naman ang demonyitang bruha na yun. Magkakabit ang paningin namin ni Chuck habang papalayo siya. Kumuha ako ng wine sa tray ng nagdaang waiter. Kumalas ako sa pagkaka-akbay ni Kiko. Umikot-ikot ako upang maghanap ng mauupuan. Nakita ko si Kiko na papalapit sa mesa ko. Umupo siya sa harapan ko.

“Kumusta?” Tanong niya sa akin.
“Ayos lang, sinong kasama mo?”
“Kasama ko kanina si Toffee, kaya lang biglang nawala. Mukhang nag-iisa ka yata? Nasaan si Chuck?”
“Pumunta dun sa gitna, kasama si Kristine.” Wala akong emosyon habang nagsasalita. Naubos ko ang wine sa baso ko at humingi pa sa papalapit na waiter.
“Mukhang maglalasing ka ha, sige, sasamahan kita.”
Nagulat ako dahil hindi ko na maramamdamang galit ako kay Kiko. Kahit na kasali siya sa naging dahilan kung bakit kumplikado na ang relasyon namin ni Chuck.
“Paul, sorry pala sa mga nagawa ko sayo. Di ko sinasadya. Di ko inakalang hahantong sa ganito ang lahat.”

Nag-angat ako ng tingin para tignan siya sa mga mata. Nakita ko ang sincerity niya sa mga sinabi niya.
“Wala yun, nangyari na eh. Pero nahihirapan na talaga akong maibalik yung dating kami ni Chuck.”
“Salamat at pinatawad mo ako. Oo nga pala, matagal na kitang gusto, hindi ko lang masabi sayo.”
Nagulat ako sa sinabi niya. Hindi ako nagsalita. Wala akong maisip na sabihin.
“Bakit natahimik ka diyan. Baka hindi ka naniniwala sakin?”
Nagpatuloy lang ako sa pagtitig sa kanya. Sa totoo lang wala akong naramdaman kahit konting saya nang malaman kong gusto pala ako ni Kiko.
“Ang totoo niyan, ang cute ng personality mo. Simple pero may dating.”
Medyo nakaramdam ako ng konting hiya sa sinabi niya, hindi ko alam kung nambobola lang siya.

Nagkwentuhan lang kami ni Kiko habang nag-iinuman. Medio nainip na ako at gusto ko ng umuwi. Hindi man lang ako binalikan ni Chuck. May dalawang oras na kami ni Kiko sa mesa at medyo nahihilo na ako dahil sa iniinom namin.
“Tama na kaya yan, baka hindi mo na kaya.” Sabi ni Kiko. “Bakit ka pumapayag na ginaganyan ka ni Chuck?” Tanong pa niya. Napayuko ako at tuloy-tuloy naming dumaloy ang mga luha ko. Masyado na akong nasasaktan. Tumabi si Kiko sakin at hinagod ang likod ko. “Basta kung hindi mo na kayang pakisamahan siya, andito lang ako.”

Nanghihinayang talaga ako sa lalaking ito. Masaya na akong may isang katulad niya na masasabi kong kaibigan ko.
“Sayaw tayo sa gitna.” Aya niya sakin.
Ngayon ay tumutugtog ang isang sweet na kanta. Nakita kong nagsasayaw sina Chuck at Kristine. Nakakapit si Kristine sa batok ng hinayupak. Sobrang naiinis na ako kaya sumama na ako kay Kiko sa gitna para sumayaw. Ang lintek na Kiko naman ay sa tabi pa nina Chuck at Kristine pumwesto! Pinilit kong wag mapatingin sa gawi nila Chuck habang nagsasayaw kami ni Kiko. Maya-maya lang ay nagkakatinginan kami ng kasayaw ko.

“Pag ayaw mo na kay Chuck, sabihin mo agad sakin ha.” Sabi ni Kiko. Hindi ako sumagot, di ko alam ang dapat kong sabihin. Mga dalawang songs na ring nag nasasayaw namin ni Kiko nang biglang lumapit si Chuck samin dalawa.
“Pwede bang makasayaw ang boyfriend ko?” Matigas na boses niya habang nagsasalita.
“Sure.” Sabay abot ng kamay ko kay Chuck. Pinisil ni Kiko ang kamay ko at agad tumalikod saming dalawa. Humawak si Chuck sa waist ko. Napilitan naman akong ipatong ang mga kamay ko sa balikat niya. Nagsimula kaming magsayaw pero nakayuko lang ako. Ayokong magtama ang aming mga paningin.

“Sino ang may sabing pwede kang makipagsayaw kung kani-kanino?” Hindi ako sumagot. Sumosobra na talaga siya at baka maubusan ako ng pasensya. Pinipigilan ko ang sarili ko para hind imaging emosyonal.
“Huwag kang magsasayaw kung hindi rin lang ako ang kapareha mo.” Hindi pa rin ako umimik. Sobrang unfair ang niyang magyari. Nakikipagsayaw siya kani-kanina lang kay Kristine, tapos bawal akong makipagsayaw kahit na kanino? Hinayaan ko na lang siya sa gusto niya. Gusto ko talagang maayos ang paghihiwalay namin. Huling gabi ko na 'tong kasama siya at ayaw kong masira ito nang dahil lang sa isang away.

Sweet pa rin ang music. Parang ang sarap ng feeling kapag in-love ka at mga ganitong kanta ang pinakikinggan mo. Pero iba iyon sa nararamdaman ko. Masakit para sa aking makinig ng love songs dahil sa nalalapit namin paghihiwalay ni Chuck. Tumugtog ang isang kantang nagpabigay sa aking damdamin.

[Minsan Lang Kita Iibigin by Juris Fernandez]

[Mahal, pangako sayo, hindi magbabago
Ikaw lang ang iibigin ko
Kahit ikaw ay lumayo
At masaktan ako
Asahan na di maglalaho]

Kainis naman yung song. Pang-asar, parang nananadya. Iniiwas ko ang tingin ko sa kanya. Baka kasi bigla akong maiyak. Naramdaman kong medyo humigpit ang hawak ni Chuck sa bewang ko.

[Ang pag-ibig ko’y alay sayo lamang
Kung kaya giliw dapat mong malaman,

Minsan lang kita iibigin,
Minsan lang kita mamahalin,
Ang pagmamahal sayo’y walang hangganan
Dahil ang minsan ay magpakailanman.]

“Huwag kang aalis.” Narinig kong sabi niya. Napatingin ako sa mukha niya pero wala siyang kaemo-emosyon. Hindi ko tuloy masiguro kung sinabi niya talaga iyon. Nagbawi ulit ako ng paningin at pinagmasdan ang mga makukulay na ilaw na paikot-ikot sa mga nagsasayaw.

[Minsan, lamang sa buhay ko
Ang sang katulad mo,
Ako rin ba’y iniibig mo
Dinggin, puso’y sumasamo
Sinusumpa sayo,
Ikaw ang tanging dalangin ko.]

Nagpatuloy lang kami sa pagsasayaw. Marahang umiikot sa dance floor. Lalong bumibigat ang pakiramdam ko nang dahil sa kanta. Lumalim ang aking mga paghinga, tanda ng nagsisimulang pag-iyak.

[Ang pag-ibig ko’y alay sayo lamang
Kung kaya giliw dapat mong malaman,

Minsan lang kita iibigin,
Minsan lang kita mamahalin,
Ang pagmamahal sayo’y walang hangganan
Dahil ang minsan ay magpakailanman.]

Niyakap na ako ni Chuck. Naitago ko ang aking mga luha sa kanyang paningin. Inihilig ko ang aking ulo sa kanyang mga balikat at hinayaang tumulo ang mga luha ko.

[Ang pag-ibig ko’y alay sayo lamang
Kung kaya giliw dapat mong malaman.

Minsan lang kita iibigin,
Minsan lang kita mamahalin,
Ang pagmamahal sayo’y walang hangganan
Dahil ang minsan ay magpakailanman.]

Pinilit kong itago sa kanyan aking pagluha. Kinalma ko ang aking sarili. Ito na ang aming huling gabi. Ang huling gabing magkasama kami.

[Minsan lang kita iibigin.]

Nanatiling nakahilig ang aking ulo sa kanyang balikat. Nagtuloy-tuloy ang aking pag-iyak hanggang sa nabasa ang kanyang polo. Hinawakan niya ang aking mga pisngi at hinarap ang aking mukha sa kanya. Nakita niya ang aking mga mata na basang-basa sa mga luha.

Pinunasan niya ng kanyang mga daliri ang aking pisngi. Nahirapan akong basahin ang kanyang nararamdaman nang mga sandaling iyon.

Nanatili ang aming pagtitinginan. Hindi ko na muli pang makikita ang mukha niyang malapitan simula bukas. Mami-miss ko siya nang sobra, hindi ko man aminin sa sarili ko. Hindi ko na naman napigil ang mapaiyak. Unti-unting bumaba ang kanyang mukha papalapit sa akin. Hinalikan niya ako sa mga labi.

[Minsa lang kita iibigin.]

Lumipas ang gabi at sabay na kaming umuwi ni Chuck sa boarding house. Medyo mabigat ang pakiramdam ko at hindi na ako komportable kaya naman nagtuloy-tuloy ako sa banyo para maligo. Medyo nakainom ako kanina at talagang nahihilo ako. Naiwan si Chuck na nakaupo sa salas. Matagal din bago ako lumabas ng banyo. Presko na ang pakiramdam ko at gustong-gusto ko nang matulog. Wala pa rin si Chuck sa kwarto nang humiga ako sa kama. Itinabi ko sa aking unan ang aking cellphone na ini-alarm ko nang 4:30am. Bukas na talaga ako aalis at pipilitin nang wag magpakita kay Chuck. Maaga akong gigising para hindi na niya ako makitang umalis. Well, hindi naman niya ako siguro pipigilan kung makikita niya ako. Sa house nalang nina Ken ako tutuloy. Hindi na muna ako uuwi sa bahay hanggang hindi ko pa natatapos ang mga projects at journals.

Marami pa akong aasikasuhin bukas tulad ng pagre-resign sa banda namin kaya kelangan kong matulog na. Magre-resign na talaga ako, hindi dahil sa ayaw ko nang tumugtog. Kelangan lang. Para tuluyan ko nang maiwasan si Chuck. Matagal na akong nakahiga pero hindi pa rin ako dinadalaw ng antok. Sobrang nalulungkot ako. Sobrang hirap umalis sa tabi ng taong napakahalaga sayo. Nagtataka na ako kung bakit hindi pa rin pumapasok si Chuck sa kwarto. Lumabas ako para puntahan siya sa salas. Nakita ko si Chuck na nakadukdok sa center table. Hawak pa niya ang isang baso na may lamang alak. Halos kalahati na lamang ang laman ng binuksan niyang bote ng alak. Itinuloy pala niya ang kanyang pag-iinom. Nakakaawa ang kanyang itsura sa pwesto niyang iyon kaya naman pinilit ko siyang ginising pero sobrang lalim na ng kanyang tulog. Wala akong choice kundi ang akayin sa papasok sa kwarto. Iniakbay ko ang kanyang braso sa aking balikat at inalalayan siyang maglakad. Sobrang hirap kasi ang bigat niya. At di hamak na mas malaki siya sakin.

Masarap na ang tulog niya. Maya’t-maya maririnig ko ang mahina niyang paghilik. Dahil na rin siguro sa sobrang pagod at pagkalasing. Maraming gumugulo sa aking isip. At di katagalan ay nakatulog na rin ako. Magkatabi kaming natulog. Walang away. Walang gulo.

-----------------------------------------
ITUTULOY :)

23 comments:

  1. Nicely done. sad, but sweet. :)

    ReplyDelete
  2. It's so complicated nmn ng lovestory schoolmate...hope maayos na c paul and chuck

    ReplyDelete
  3. Next part please. Sobrang nakakabitin po. :)

    ReplyDelete
  4. next part please... mas maganda yung ganitong storya na hindi puro sex,,sarap basahin..

    ReplyDelete
  5. pinabasa Lang sakin to' ngustuhan ko nman :)) nka2inLove haha.. Ako kaya mag ka2rood ng ganitong Love!? Sana :))

    ReplyDelete
  6. upload na agad yung kasunod... next week na naman ma upload....

    ReplyDelete
  7. sana ma post agad ang next part super kileg talaga ito!!!:)

    ReplyDelete
  8. grabe... ang gnda tlga nito... napaiyak mo ko dun mr. author ha..... :)

    ReplyDelete
  9. whewwwww .... sarap ibigin ang katulad ni Chuck basta tapatan mo lang konti yung pagka brusko nya hehehe huwag kasi maging martyr

    ReplyDelete
  10. I hope maging ok clang dalawa sa huli.... next part na agad pls... :) nakakainspired tong kwento ito... kakaiyak,kakakilig,kakainis (ung kristine) sarap sabunutan...


    next part na pls...
    -Teun

    ReplyDelete
  11. Two thumb ups ako dito sa Kwentong to.Bibigay rin pala si Chuck.Kahit papaano mahal niya parin si Paul.Or baka niloloko niya lang uli si Paul para may mautusan siya?
    SHET!Kung ano ano naiisip ko na kasunod ma mangyayari.
    Ilabas na yang kasunod!

    ReplyDelete
  12. ang ganda ng story next chapter na please

    ReplyDelete
  13. Ang masasabi ko lang. F*CK YOU KRISTINE, YOU'RE A B*TCH! HAHA

    ReplyDelete
  14. kakaiyak.. i2 ung best storY na nbsa ka... Wlang hl0ng lib0g.. saludo ako xau auth0r..

    nxt part plz???

    ReplyDelete
  15. Wow amazing. . .nxt part plzzzzzzzzz asap.

    ReplyDelete
  16. Good Job mr author :) very well said :) well done :) next part please :) ang ganda talaga :) kinikilig ako :* i hope na one day mangyari yan sa akin :) next chapter please :* THUMBS UP :*

    ReplyDelete
  17. kailan ma post ang next chapter nito?grabi ang sarap basahin nakakakilig :)

    ReplyDelete
  18. haixts tagal nmam ng next part...

    gusto ko maging friend c paul...

    ganda ng story mo friend lahat na yata ng emosyon ng storya binibigyan mo ng katwiran.

    good job author

    ReplyDelete
  19. pRAng gusto ko tulog isulat ung love story nmin ng mahal ko.mmmp death nlng mkakApaghiwalay samin..

    ReplyDelete
  20. Grabe... Ang gandang story... Nakarelate aqoh kcganyan din ang pinagdadaanan koh sa boyfriend ko...
    kailan ulet ang next chapter


    ReplyDelete
    Replies
    1. gud eve author and all readers new commers po ako na bumabasa ng blog. straight po ako....matanong kulang po kung may part 5 na po ba to? di ko po kc makita ee,nagustuhan ko kc ung story kaya gusto ko tapusin.pa help sa mga pusong mamon dito.

      Delete
    2. kung straight ka bkt nndto ka sa blog nato??? kakaiba ka dre

      Delete
  21. I havevread this story sa PHR. One of my most favorite stories. I am always moved kapag binabasa ko ang kwento no matter how many times kong inuulit ulit. And this version is even better kasi nakakarelate ako sahil same sex ang mga bida. :)

    ReplyDelete

Read More Like This