Pages

Tuesday, July 30, 2013

Eng21 (Part 25)

By: Cedie

Pagkatapos ng Oath Taking namen ay nagpasya ako na magpahinga muna sana ng ilang buwan bago maghanap ng trabaho. Napagdesisyunan ko yun na magpahinga muna saglit sa lahat ng pressure na naidulot sa akin ng board exams. Kaya habang nasa bakasyon ako ay nagsimula na muli akong magsurf sa internet at magbrowse sa kung anu anong sites. Napunta ako sa isang site na puro fanfiction. Mga anime na ginagawan ng istorya ng kung sino-sino. Naaliw ako sa site na ito at nagbasa basa ng iba't ibang istorya...

Isang araw ay may tumawag sa akin na isang malaking kumpanya. Nagulat ako dahil hindi naman ako nag aapply ng trabaho sa kahit saan dahil nga gusto ko munang magpahinga. Pero nagulat nga ako nang tumawag ang kumpanya na ito sa akin. Alam ko na maganda naman ang kumpanya na ito at sinabi ng tumawag na nakuha daw nila ang pangalan ko sa isang referral. Naisip ko naman sa sarili ko na wala naman masama kung susubukan ko na ding mag apply nun kaya nagpaschedule ako ng interview para sa trabahong inooffer nila sa akin.

1 week pa bago sumapit ang interview ko at naaaliw pa din akong magbasa basa ng mga fanfictions sa Internet. Minsan ay may nakita din akong site na puro stories. Mga pinoy stories naman yon. Napunta ako sa site na iyon, ang Kwentong Malibog. Napabasa ako ng isa sa mga istorya dun at nadala ako ng kalibugan sa nabasa ko kaya nawala sa isip ko ang pagbabasa ng fanfiction at nagbabad naman ako sa pagbabasa sa KM.

Naging adik ako sa pagbabasa ng mga male sex stories sa site na iyon at dahil dun ay nakakatulog ako ng mga alas kwatro na ng madaling araw sa pagbabasa lang ng mga ito. Dumating ang araw ng interview, naka business casual attire ang porma ko papunta sa kumpanyang iyon. Pagdating ko doon ay hindi naman ako nagulat sa dami ng tao na nagaapply dun dahil isang malaking kumpanya nga naman iyon at maganda din ang career mo kapag natanggap ka doon. Kumuha ako ng online exam at nakapasa naman ako hanggang sa dumating ang interview. Naging totoo lang ako sa mga sagot ko sa nagtanong sa akin at pawang katotohanan lang ang mga sinabi ko. Matapos noon ay sinabi na mag antay na lang ako ng 1 to 2 weeks para sa resulta. Nagpasalamat ako sa interviewer at umuwi na ko pabalik sa aming bahay.

Matapos nun ay hindi pa din ako naghanap ng iba pang pag aapplyan. Nagtuloy pa din ako sa pagbabasa sa site na iyon at napansin ko na may chatbox din pala sa site na iyon. Napansin ko na mag aalastres na ng madaling araw nun at nakita kong may nagpost pa sa chatbox. Pinost niya ang kanyang cellphone number at may binanggit siyang username na pinagbibigyan niya ng number na iyon. Dahil sa hindi pa nga ako inaantok ay kinuha ko ang number na iyon at sinubukan kong itext at titignan ko kung gising pa siya o hindi na. "Hi there, still up?" , yan ang naging text ko sa kanya at nagulat naman ako ng may matanggap agad ako na reply sa kanya. Pagbukas ko ng message ay nabasa ko agad na itinatanong niya kung ako ba daw ung username na hinahanap niya kanina sa site na iyon. "Ah hindi ako iyon, pero kinuha ko lang number mo kasi wala akong makatext, buti nagreply ka. Ced nga pala here, 22 m mnila", nagreply naman siya ng "ARE YOU GAY? I HATE GAYS", nagulat at natawa ko sa reply niya. Sumagot naman ako, "Hindi ah, haha, I hate them too". Hanggang sa natanggap ko ang reply niya na, "Ok good, Hi Im Jivan, 19 m manila." Natuwa ako kahit papaano dahil mas bata siya sa akin at taga Maynila din. Doon nagsimula ang pagtetext namen sa mga oras na iyon. Kung ano ano lang din ang napagusapan namen ni Jivan, or Van for short, tungkol sa mga nagtext sa kanya nung umagang iyon. Sabi niya ay may tatlo siyang katext nun, niloko ko siya na sana ako na lang muna ang pagbalingan niya ng atensyon. Sa tingin ko naman ay sinunod niya iyon dahil mabilis naman siya magreply o sadyang tulog na lang talaga ang mga katext niya. Hindi ko alam pero parang may kakaiba na naman akong naramdaman kay Van habang katext ko siya. Inabot kame ng umaga at sabi ko naman ay pede na siyang matulog kung inaantok na siya. Sabi ko kasi ay bibili ako ng almusal ko dahil nagugutom na ako. Sabi naman niya na aantayin niya daw akong bumalik para makausap pa. Pumayag naman ako pero sinabi ko na kung tulog na siya pag nagtext ako ay okay lang din naman. Binilisan ko ang pagbili ng almusal at nagmotor na ko para mas mapabilis ang pagbili ko. Pagbalik ko sa bahay ay tinext ko agad siya. "Tol, gising ka pa ba?", mabilis ang reply nya na gising pa sya at hinihingi na niya ang fb account ko. Nung una ay nag aalinlangan pa ko na magbigay ng account dahil nga walang nakakaalam sa totoong pangalan ko at di ko talaga binibigay ang account ko sa kahit sino. Pero nagkaroon kame ng kasunduan na kahit anong mangyari ay magiging magkaibigan kami at hindi kame magsisiraan kahit mag away kameng dalawa. Natouched din ako dahil talagang inantay niya kong makabalik ng bahay. Kaya napagdesisyunan ko na din na makipagpalit ng facebook account sa kanya. Binigay niya din sa akin ang account niya hanggang sa dinalaw na kami ng antok at nagpaalam na matutulog na at magtetext na lang pag naglod na ule sa weekend. Naging toks ang tawagan namen bilang bagong magkaibigan at sinabi ko na sana ito ang simula ng isang pagkakaibigan na pangmatagalan. "Sige, tulog na ko, text na lang kita dis weekend pag nagkalod ako, goodnyt Ced", ang mga huling text na nabasa ko bago din ako makatulog.

Bago ko matulog ay isang pangalan ang tumatakbo sa aking isip ngayon, tila lumulutang ang aking isip at tulala lang ako habang iniisip ang pangalan na iyon...

Van... Napapikit ang mata ko hanggang sa tuluyan ng nakatulog..

Itutuloy..


********************************************************************************

3 comments:

  1. wow mukang tuloy tuloy na ang pag uupdate mo ah mr. author, buti ako ang unang nag comment hehe


    drei05

    ReplyDelete
  2. kaso nakakabitin kainis., ehe

    ReplyDelete

Read More Like This