Pages

Wednesday, September 4, 2013

Eng21 (Part 28)

By: Cedie

XXVIII. June 28, 2011

A date to remember and July 1, 2011 - Our first Date
Nang matapos ang aming muling pagsasama sa aming bahay, inamin ko kay Van na may nararamdaman ako sa kanya. Matapos ng aming ginawa sa aming kwarto ay nagmadali na siya umalis ng bahay dahil baka maabutan siya ng mama ko. Hinatid ko siya sa sakayan ng mga jeep at pumayag naman siya. Tinext ko siya pagkasakay niya ng jeep habang inaabot ko pa ng tanaw ang kanyang jeep na sinakyan, "magiingat ka Van ah, salamat sa pagpunta". Nagreply naman siya ng, "Salamat din ha." Naging madalas ang pagtetext namen ni Van at lalong nahuhulog ang loob ko sa kanya bawat araw na kame ay naguusap. Marami pa ang mga bagay na nalaman namen sa isa't isa at mas naging malapit din ang loob ni Jivan sa akin.

June 27, 2011 ang petsang iyon, nagtext siya nang mga kinahapunan at nagpapaalam na iinom daw sila ng mga kapatid niya sa kanilang bahay at may sasabihin daw siyang importante sa akin mamaya. Nagulat naman ako sa biglaan niyang text na ganun kaya sinabi ko na aantayin ko ang text niya. Nanood ako ng TV at hindi mapakali sa pagiisip sa kung ano ang maaring sabihin ni Van sa akin. Nagtext ako sa kanya na wag masyadong magpapakalasing, "Kaya ko naman kontrolin sarili ko at alam ko pa din naman yung sasabihin ko mamaya sayo kaya antayin mo na lang ako ah, hehehe", ang text na natanggap ko mula kay Jivan. Hindi na talaga ko mapakali kaya nilibang ko muna ang sarili ko para malimutan ang mga bagay na maaaring sabihin ni Jivan mamaya.
Inabot na ng 11pm at nagtext na si Van sa akin. "Tapos na kame uminom, natutulog na sila, kamusta?" Nagmadali ako ng tumunog ang aking cellphone at nabasa ko ang text ni Van. "Oh kamusta? Tibay mo sa alak ha, buti hindi ka pa lasing." "Konti lang naman ininom namen at mahina ang tama, kamusta ka na?" Nagtext lang kame ng kung ano ano sa mga nangyari buong araw at sa mga nangyari sa amin nang pilit kong isiningit ang kanina pang tumatakbo sa isip ko, ang mga sasabihin niya sa akin. "Teka Van, ano nga pala yung sasabihin mo sakin?", tanong ko. Nagulat ako sa reply niya dahil sa mga nilalaman nito, "Ah wala naman, gusto ko lang sabihin na pakiramdam ko mahal na din kita." Nagulat talaga ako at natuwa nang mabasa iyon pero sinigurado ko muna kung totoo ba yun o pinagtitripan lang ako ni Jivan. "Oh talaga? Lasing ka lang cguro kaya mo nasasabi yang mga bagay na ganyan." Ang naging sagot naman niya ay, "Ok bahala ka, nagsasabi naman ako ng totoo eh, wag na nga!" Natuwa ako lalo at nagreply ako sa text niya, "Oh sige na joke lang wag mo na bawiin hehe. Mahal din naman kita Van. So pano to, ibig sabihin, boyfriend mo na ko?" Natutuwa kong sinend ang message na iyon kay Van. Nang magreply naman siya ay, "Oo, ano pa ba? XD", sa mga oras na iyon ay halos gusto kong magtatalon sa tuwa sa mga nangyari. Kahit sa simpleng text lang naging kame ay masaya na ko dahil nararamdaman ko sa puso ko na mahal ko talaga ang taong ito na kahit sa sandaling panahon ko lang nakilala ay gusto ko na siyang alagaan at protektahan sa abot ng aking makakaya. "Teka, June 28 ngayon kaya ito ang magiging date kung kelan naging tayo, di ko kakalimutan to kahit kelan Van. Hayaan mo magiging mabuting boyfriend ako sayo Van, Iloveyou. XD". Sa mga panahong ito naramdaman ko ule kung paano ang magmahal at maging masaya. Si Jivan pala ang taong inaantay ko para manumbalik ang liwanag sa daan na tatahakin ko. "Iloveyou too." Ang mga naging reply ni Jivan sa akin. Napagusapan din namen kung ano ang magiging tawagan nameng dalawa ngayong kami na. Dito ko lang natanggap ng buong buo ang sarili ko bilang isang bisexual. Alam ko na mali sa paningin ng ibang tao ang aming relasyon pero handa kong suungin ang lahat para lang tumagal kame ni Van. Bata pa siya at bilang mas matanda ay kailangan ko siyang protektahan sa lahat ng aking makakaya. "Kuya na lang at bunso, at yung mahal ko", ang naging reply niya ng nagsuggest ako ng term of endearment na "Mahal ko". "Okay sige iyon na lang po mahal ko, hehehe." "Sige kuya, I love you po." Bago kami matulog ay nagpaalam muli kameng dalawa sa isa't isa at sinabing paguusapan pa ang mga bagay bagay tungkol sa aming dalawa kinabukasan.

"Goodmorning mahal ko, alam ko tulo laway ka pa hehe, antay ko na lang text mo mamaya, I love you." Tinext ko agad si Van pagkagising na pagkagising ko. Napansin din nila Mama nung araw na iyon ang pagiging masigla ko. Mula kasi nung mamatay ang aking bestfriend ay napakadalang ko na lamang na nakikitang ngumiti o nagyayaya na umalis sa bahay. "Aba anak anong meron bakit parang ang saya saya mo?", tanong ni Mama sa akin. "Ah wala naman po, gusto ko lang ienjoy yung araw habang bakasyon pa, malapit na yung trabaho ko diba kaya dapat sulitin ko na habang bakasyon pa." Naniwala naman sila sa akin at hinayaan na lamang ako nung araw na iyon. Mga tanghali na nang magtext si Jivan sa akin. "Kuya kagigising ko lang, kain ka na jan." "Sige po tapos text tayo mamaya." Matapos kumain ay napagusapan namen ang iba't ibang bagay. Nagpalitan kame ng facebook accounts at nagusap kame kung paano ba ang magiging setup namen bilang magkasintahan. Mas gusto ni Van na binebeybi siya kaya ako bilang boyfriend ay kailangan maging mapag alaga. Magkikita din kami twice or thrice a week para naman hindi namen mamiss ang isa't isa ng sobra. Pagkatapos nun ay pumayag naman kaming dalawa sa pinagusapan. Pareho kaming first time pumasok sa isang relationship kaya hindi din namen alam kung tama ba na may mga kasunduan pa ang isang relasyon. Kung ano ano pa ang napagusapan namen ni Van nong araw na iyon hanggang sa hindi namen namamalayan ang oras at inabot na pala kame ng gabi sa pagtetext.
Kinabukasan naman ay ang una naming chat sa facebook. Ito ang pinakaunang beses na nagchat kame sa facebook at natatawa lang kame sa mga "first time" na nangyayari sa amin. Masaya din palang pagtawanan ang mga moments na wala lang talaga kung tutuusin pero pwede mo siyang gawing memorable lalo na kapag kasama mo ang taong mahal mo sa mga pangyayaring ito sa buhay mo. Ang corny ko no?

Sumapit ang buwan ng Hulyo. Nangyari ang first date namen ni Van sa isang malaking mall sa Mandaluyong.

July 01, 2011 - First Date

Nagkita kame ni Van sa isang train station malapit sa mall na iyon. Bihis na bihis ako, polo shirt, pants at rubber shoes dahil sa unang pagkakataon yun na makikipagdate ako. Ang kaibahan nga lang ay hindi normal na date ito dahil pareho kaming lalake. Syempre walang flowers o chocolates na ibibigay sa kanya dahil para sa boy-girl relationship iyon kaya dinaan ko na lang sa porma para naman hindi ako nakakahiyang kasama. Magkatext kame nung hapon na iyon at dumating ako sa station ng tren ng 3:30pm. 30 minutes akong nag antay sa aking kasintahan. Isa yata yun sa ugali ni Jivan, ang pagiging late. Pero dahil mahal mo ang isang tao ay tatanggapin mo kahit ano pa siya. Napaisip tuloy ako bigla na kapag sinabi ko kaya ang totoo tungkol sa aking nakaraan ay tatanggapin pa ko ni Jivan? Iwinaglit ko muna sa isip ko ang bagay na yun dahil gusto kong maging perfect at memorable ang first date namen ni Van. Matapos ang 30 minuto ay dumating na nga si Van. Nakapants, t-shirt at jacket si Van at sapatos. Ang gwapo ng itsura niya kaya nawala lahat ng pagod ko sa pag aantay lalo na nang makita niya ko at ngumiti sa akin. Paglapit niya sa aking kinatatayuan ay nagsalita siya, "Sorry late ako", sabay ngiti ule sa akin. Bumulong naman ako sa kanya, "Oo nga eh, first date naten late ka", gumanti naman ako ng ngiti at nagsimula na kameng maglakad papunta sa mall. Kahit gustong gusto ko nang hawakan ang kanyang kamay ay alam kong hindi pwede kaya paminsan minsan ay sinasadya kong banggain ito ng aking kamay at nakukuha naman niya ang ibig kong sabihin dahil tumawa sya at ginaya niya din ng pasimple ang ginagawa ko. Habang naglalakad kame sa loob ng mall ay tinanong ko kung kumain na ba siya. "Hindi pa, nagugutom na nga ako eh." "Oh cge kain tayo, san mo gusto bunso?", tanong ko sa kanya. "Kahit saan na lang kuya, nakakahiya naman eh", sagot naman ni Van. Bumulong ako sa kanya, "Boyfriend mo ko kaya kahit saan ako bahala", syempre ako ang mas lalake at mas matanda sa aming dalawa kaya ayokong mapahiya kay Van at nakarating kame sa foodcourt ng mall at pinaupo ko lang siya sa vacant na upuan dun. "Diyan ka lang, ako nang bahala, ako na oorder para sa atin." Iniwan ko si Van sa upuan at pumila ko sa isang fastfood counter dun. Umorder ako ng pizza, spaghetti at kanin at fried chicken para sa aming dalawa. Habang inaantay ko ang order ay pinagmamasdan ko sa malayo si Van. Nakikita kong nagtetext siya. Biglang tumunog ang cellphone ko at nakita ko na siya ang nagtext. Pagbukas ko ng message ay akala ko na magpapabili siya ng ibang pagkain pero pagopen ng text niya ay "I love you" lang ang nakalagay. Natuwa ako sa nabasa ko at nagreply naman agad ako sa kanya. "I love you too bunso." Pagkakuha ko ng order namen ay bumalik na ko sa pwesto namen at umupo sa harapan niya para pagmasdan siyang kumain. "Tara kain na tayo, nagugutom na ko eh", bumili pa ako ng siomai para pandagdag sa kakainin namen dahil mahilig din akong kumain nun. Pagbalik ko ay nagsimula na kaming kumain. Habang kumakain kame ay nakangiti lang ako habang pinagmamasdan si Van. Masaya ako nung araw na iyon. Nagisip pa kami ng mga bagay na pwede nameng gawin para sa first date namen. Napagusapan din namen ang pagpapalit ng status namen sa facebook pati na din kung anong theme song ang babagay sa aming dalawa. Kahit mga napakaliliit na mga bagay ay naiisip namen sa first date namen.

Matapos nameng kumain ay nagpunta kami sa Comic Alley. Tumingin lang kame ng mga kung ano ano sa mga tinitinda doon at nakita niya ang mga collectibles ng One Piece, isa sa paborito niyang Anime. Matapos nun ay nagpunta na kame sa Timezone para maglaro ng arcade. Pagpasok namen dun ay nagpunta agad ako sa paborito kong machine, ang pick a prize. Yung tipong may bar na kailangang pumasok sa oblong na butas para maitulak yung laruan. Pagdating namen dun ay nakita agad ni Van si Chopper ng One Piece. Itinuro niya ito at agad ko namang sinubukan na kuhanin ito. Nakaapat na tries ata ako bago pumasok sa butas ung bar, pero pagpasok ay hindi naman ito naitulak kaya bumalik ang bar. Inulit ko pa ng isang beses at pumasok ule ung bar, pero hindi pa din naitulak yung laruan. Dahil sa inis ko ay tumawag na ako ng nagtatrabaho sa timezone para ireklamo ang nangyari. Sinabi naman nila sa amin na maghintay lang at kukuha daw sila ng ipapalit sa hindi naitulak na laruan. Matapos ang ilang minuto ay bumalik yung lalake at binigay sa amen si Luffy, yung bida sa One Piece. "Ay si Luffy!", parang isang batang musmos si Van habang sinasabi niya iyon at kinuha ko na nga sa lalaki ang binigay nitong premyo. Binigay ko naman kay Van ang laruan at inilagay nya agad ito sa bag niya. Umikot pa kame sa arcade at nagpunta din ng tom's world. Umupo lang kami dun para magbulungan ng mga simpleng salamat at Iloveyou sa isa't isa. Ansaya saya ko nung araw na iyon. Isa iyon sa mga pinakamasayang nangyari sa buhay ko. Iba pala talaga ang pakiramdam pag kasama mo ang taong mahal mo at masaya lang talaga kayong magkasama. Matapos ang araw na iyon ay inihatid ko muna si Van sa sakayan. Pareho lang naman kami ng station na sasakyan. Magkaiba lang ng way pabalik. Nagkapalit pa nga kame ng route, napunta siya sa north at ako naman ang pa south. Natawa na lang kame at halos ayaw pang magpaalam sa isa't isa nung gabing iyon. Habang nasa biyahe pauwi ay nagtext si Van sa akin, "Kuya salamat ha, masaya ako sa first date naten, mwa. XD", "Ako din bunso, salamat, yngatan mo si Luffy, siya ang remembrance ng first date naten, magingat ka sa paguwi ha, I love you". Natapos ang araw na iyon na may mga ngiti sa aking mukha..

Nangyari din ang unang pagtatalo namen ni Van nang dahil lang sa napakasimpleng bagay pagkalipas lamang ng dalawang araw. Ito ay dahil lamang sa status namen sa facebook na nauwi sa tampuhan.

July 03, 2011 - 1st LQ

(Chatting thru fb) (V = van and C = Ced)

V: kuya
sorry
wala na ko pantext e
C: nasan ka na nyan?
V: bahay po
C: I miss you bunso. :)
papalitan na ba naten status naten?
V: wag muna kuya.
C: bakit naman?
V: ayaw ko lang magpapansin.
C: hindi naman naten ilalagay kung sino ung karelasyon eh.
V: kahit na. wag na muna kuya.
C: ganun. ok cge.kala ko ok na usapan nung nagdate tayo.
V: hay.
C: di ako galit bunso. cge mukhang busy ka pa maglaro ka na muna jan.
V: okay. e anong sasabihin ko?
C: wala lang.
V: nasabi mo na gusto mong sabihin. wala naman ako masasabi.
C: okay cge, enjoy urself, continue playing.
V: pasensya ka na.
C: ok lang, akala ko lang kasi namiss mo ko.
V: *break na muna tayo*
C: BREAK! As in break?! ganon lang un sayo?!
ok cge break kung break. burahin mo na ko sa list mo.
ang sama mo!
V: anong masama dun? binreak ka lang masama na tingin mo saken?
C: haha, wala bang masama dun? wag ka na magmessage.
V: ?
C: Minahal kita pero ganyan ka!
V: ako na masama.
C: GRABE KA JIVAN!
ANONG GINAWA KO PARA MAKIPAGBREAK KA?
sana maisip mo yang ginawa mo saken
magpapakagago nlng ako
or mas ok mawala nlng
ganito pala ung pakiramdam
grabemahal mo ko.pero iniwan mo ko
V: walang nangyare
walang nagbago
ganito pa rin ako sayo.
C: eh bakit ka nakikipagbreak?
V: feeling ko kasi di ako worthy sayo
C: kahit ano ka pa, mahal kita. bakit mo naiisip yan?
V: miss lang kita kaya ako nakikipagbreak.
C: nyek, gago ka. miss na din kita.
wag ka ngang ganyan
magload tayo, pasahan kita ng kulang mo
sa text na lang po tayo magusap.
V: okay

Nagkaroon kame ng tampuhan at napagusapan namen sa text na magkikita kame at maguusap kinabukasan. Bago ko makatulog ay nangangamba ako sa kung ano ang mangyayari bukas.

Itutuloy..

*********************************************************************

5 comments:

  1. sana makahanap din ako ng kuya cedric hehe update agad

    ReplyDelete
  2. natawa naman ako. na miss lang break agad. hahaha pano na lang kaya ako. tanga,masokista at martir.

    sayang lang talaga si kiko. :(

    ReplyDelete
  3. Guys let's not cry over a spilled milk... at sa unang nagcomment ang pangalan niya ay cyrus edward ata un... wla namang nabanggit na cedric... natawa naman ako dun..

    CED you made me cry... until now while I am typing this message parang pasig river ang luha ko about KIKO.. thanks a lot for giving this site worth the time to visit


    ----IamSINNED®

    ReplyDelete

Read More Like This