Pages

Sunday, September 22, 2013

The Elements, Legend Begins (Part 11)

By: Neji Hyuuga

Vino Foret

Edad:  Unknown

Kasarian:  Male

Katungkulan:  Prinsipe ng Altare

Bansa:  Domina

Lunan:  Enchanted Forrest of Altare Kingdom

Lakas:  Wind Enchanment

==================================
                   Ilang sandali pa'y narating nilang tatlo ang plaza ng Arjona. Mula sa kinalalagyan nila'y abot-tanaw nila ang nagkakagulong mga tao sa harap ng bakurang-bakal ng alkalde. Hinanap agad ng mga mata ni Andrei kung nasaan ang kanyang ina. Palinga-linga silang tatlo sa paligid. Lumapit pa sila sa kumpulan ng mga taong-bayan.
                   "Marta, marahil ay hindi ako naging karapat-dapat na naging pinuno ng bayang ito." nalulungkot na tinig ng isang babae. "Kung nabubuhay lamang si ama ay hindi mangyayari ang kaguluhang ito." habang minamasdan ang nagkakagulong mga tao sa labas ng bakuran ng kanilang mansyon at siya ring nagsisilbing tanggapan ng pinuno ng bayang iyon.

                    "Wag nyo pong sabihin ang ganyan, Lady Theresa." suweto ng matabang babae na nagsisilbing tagapagbantay ng babae.

  "Ngunit, hindi mo ba nakikita ang mga mamamayan na nagkakagulo sa labas. Hindi ko magawang maprotektahan sila...."

                    "Pero Lady Theresa..."

                    "Tama ang alkalde, hindi ito mangyayari kung naging mahusay lamang siyang pinuno ng bayan ito."

                    "Huh?!" naudlot ang kanilang pag-uusap ng biglang sumabad sa usapan ang isang lalaki mula sa may pintuan ng silid-tanggapan ng alkalde.

                    "At sino ka para magsalita ng ganyan kay Lady Theresa!" nagngangalit na wika ni Marta sa bagong dating na lalaki. Nanlilisik ang mga mata nito habang kuyom ang mga kamao na hinarap ang lalaki. "Isa kang walang galing na tauhan ng mansyon! Dapat sa iyo'y maturuan ng leks-...!" aktong lalapit ito sa lalaki ng biglang naghubad ng sout ang huli. Kung noong una'y nakadamit ito na uniporme na mga naninilbihan sa bahay ng mga Hernandez, ngayon ay isa na itong upahang-mamamtay tao. Mula sa kawalan ay bigla na ring nagsisulputan ang mga armadong nilalang na kulay itim ang pananamit. Halos mata lamang ang maaanig mo sa mga ito dahil balot na balot ito ng mga sout na saplot.

                    Nahintakutan ang dalawang babae. Agad na napaatras ang matabang babae saka yumakap ng mahigpit sa kanyang amo. "Si-sino kayo at anong kailangan nyo!" natatakot man ay nagawa nitong magsalita.
                    "Nasaan na ang tapang mo?!"nanlilisik ang mga matang tumingin ito sa katulong na kanina'y handang magparusa sa kanya dahil sa ginawa niyang pang-iinsulto sa amo nito.

                    "Amo! Tapusin na natin ang mga yan! Habang abala pa sa pagwewelga ang mga tao sa labas." wika ng isa.

                    "Hindi tayo mapagbibintangan sa oras na patayin natin sila." sabad naman ng isa pa.

                    "Isa pa, ang utos sa atin ay iligpit lahat ng mga maaaring humadlang sa mga plano ng pinuno."
                    "Wag kayong mainip, pasasaan ba't doon din hahantong ang lahat ng ito." sawata ng lalaki sa mg atuhan niya. "Mamamatay kayo ng walang makakaalam sa kung sino ang may kagagawan ng inyong kamatayan. Matutwa sa amin ang konseho ng kaharian ng Fiore sa oras na mawala ang lahat ng mga balakid." hindi na nito napigilan ang mga sasabihin.

                    "Amo!"

                    Bago pa mapagtanto ang mga bagay-bagay. Natutop na lamang ng lalaki ang bibig ng malaman niya na nakapagbigay siya ng isang impormasyon na wala dapat makakaalam. Lalo na ang mga taong katulad ni Lady Theresa.

                    Nagimbal si Lady Theresa sa kanyang mga naririnig. Naririto ang mga taong ito dahil utos ng isa sa mga pinuno ng konseho ng kaharian ng Fiore. Ano ngayon ang gagawin nila. Wala silang laban sa mga nilalang na ito. Ngunit kailangan niyang maging matatag. Isa lang ang ibig sabihin ng ga sinabi ng mga masasamang loob na ito. May namumuong pag-aaklas ang ilang matataas na opisyal ng konseho laban sa reyna. Isa pa, kung meron ngang nagtatangka sa buhay ng reyna bilang isa sa mga tapat na naglilingkod sa kanya ay kailangan niyang gumawa ng paraan upang mabalaan ito. Bilang isa rin sa bumubuo ng konseho, kailangan niyang gumawa ng paraan na mapigilan ang anumang masamang balakin ng mga ito. Kahit malalim ang naging pag-iisip ni lady Theresa, agad na tumawag ng pansin niya ang mga mumunting pagkilos  ng mga anino sa loob ng malaking tokador mula sa kinaroroonan nilang dalawa. Isa iyong lihim na lagusan patungo sa isang sekretong silid na magsisilbing taguan at dibersyon upang makatakas sila sa oras ng kagipitan. Subalit hindi niya iyon magagawa sa ngayon dahil isang maling kilos at malalagutan sila ng hininga sa mga taong nakapaligid sa kanila. Maingay pa rin ang mga taongbayan na nagwewelga sa labas ng kanilang mansyon. Hindi batid na namimilegro ang buhay ng mga nasa loob.

                   "Hindi ko makita ang inay." wika ni Rupert matapos ang ilang minuto ring paghahanap sa kumpulan ng mga taong nagwewelga.

                   "Asan na kaya siya."

                   "Hijo?" wika ng isang babae mula sa likuran.

               "Inay" sabay na wika ng dalawa. Agad na niyakap ng dalawa ang matandang babae. Bakas sa mukha ng mga ito ang naibsang pag-aalala.

                   "Mabuti naman at maayos ang kalagayan nyo." si Andrei.

                   "Ano bang sinasabi mo, bata ka?" nagtatakang tanong ng babae.

                   "Ang sabi po kasi sa amin ng matandang lalaki na kapitbahay nyo ay may kaguluhan dito sa plaza." sabad ni Vino habang nakatuntong sa balikat ni Andrei. "At nalagay sa panganib ang buhay ninyo. Hindi po ba?"

                   "Isang lambana, nakakatuwa naman." papuri ng babae sa maliit na nilalang. "Ano kamo, kaguluhan? Panganib....pero mabuti ang kalagayan ko, naki-usyuso lamang ako subalit hindi ako nakisali. Ako man ay nalulungkot sa mga nangyayari subalit hindi para sisihin ko ang butihing si Lady Theresa. Alam kong hindi niya kagustuhan ang mga nangyayari at handa siyang ipagtangol ang kanyang mga nasasakupan." mahabang wika nito pabor sa butihing alkalde. "Isa pa sinong matanda?" nagtatakang tanong ng babae.
                   "Si Tandang Emong po." sabad naman ni Rupert.

                   "Ha! Si Emong ba kamo..." gulat na gulat at naguguluhang saad ng babae sa tinuran ni Rupert. "Subalit, katulad ng ama nyo ay namatay si Emong nung sumalakay sa atin ang mga masasamang nilalang." salaysay ng babae. "Kaya, papaanong makikita ninyo siya, saka tanging ang welga na yan sa harapan ng bakuran ng mga Hernandez ang sinasabi ninyong kaguluhan. Nakikinood lamang ako at hindi

                    Laking gulat ng tatlo ng marinig ang sinabi sa kanila ng kanilang ina. Kitang-kita kasi nila ang matandang lalaki na naghatid sa kanila ng balita ukol sa kalagayan ng kanilang ina. Subalit narito at sinasabi ng kanilang ina na namatay din ang una kasabay ng kanilang ama ng sumalakay ang mga masasamang nilalang sa kanila. Sino ngayon ang matandang iyon na nag-anyong Tandang Emong? Labis-labis na pagtataka ang bumabakas ngayon sa mukha ng tatlo. Bukod pa sa namumuong pag-aalala sa kalagayan ng batang lalaki na si Popoy.
                    "Si Popoy!"

                     Bago pa man makahuma sa pag-alala sa maaaring mangyari kay Popoy. Sunod-sunod na nakakabinging pagsabog mula sa mansyon ng alkalde ang gumulantang sa kanila. Nagsigawan ang mga taong nagwewelga doon at isa-isang nagsitakbuhan sa iba't ibang direksyon upang makalayo at mailigtas ang kani-kanilang sarili.

                   "Ano yon?!" gulat na tanong ni Andrei.

                   Mula sa kinaroroonan nila'y makikita ang malaking apoy na tumutupok sa gawing kaliwa ng malaking mansyon ng alkalde. Sa kanang bahagi naman ay namataan nila ang papalabas na babae habang yaka-yakap ng isa pang matabang babae. Sa likuran naman ng mga ito ay mga  naka-itim na sout na mga nilalang.

                   "Mga ninja!" si Rupert na agad nakilala ang kasuotan ng mga lalaki.

                   "Si Lady Theresa." wika naman ng matandang babae. Mangiyak-ngiyak ito ng makita ang butihing alkalde.
                   "Inay...dito lang kayo." wika ni Andrei, nilingunan niya ang dalawa saka mabilis na patakbong tinungo ang kinaroroonan ng alkalde
                    Samantala...

                    "Hindi ka madala sa paki-usap, Lady Theresa!" nangangalit na wika ng nagsisilbing pinuno ng mga masasamang loob.

                    "Kahit kailan hindi sasang-ayon sa inyo si Lady Theresa." singhal ng matabang babae.

                    "Manahimik ka, taba!" sawata ng isang ninja saka isang sampal ang pinakawalan nito. Duguan ang labi ng babae na walang malay itong bumagsak sa semento.

                    "Mamamatay ang sinumang hahadlang sa kagustuhan namin. Kaya kung magmamatigas ka pa Lady Theresa.."bahagyang lumapit ang lalaki sa kinaroroonan ng alkalde. " Isa na lang ang kailangan naming gawin sa iyo. Ang paslangin ka!" sabay hawak sa baba ng alkalde kasunod ang panlilisik ng mga mata.
                    "Bitiwan mo akooo!" ubod-lakas na itinulak ni Lady Theresa ang lalaki palayo sa kanya dahilan upang pareho silang mawalan ng balanse. Napaatras ang lalaki subalit si Lady Theresa na kasalukuyang nasa dulo na ng veranda...

                    "Aaaaaaahhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhh!" sigaw ng babae na mabilis ang pagkahulog mula sa veranda.

                     "Eeeeeeeeeeeeeeeekkkkkkkkkkkkkk" halos sigawan ng mga mamamayan na nakakasaksi sa nagaganap.

                     Mula naman sa grupo ng huli.

                     "Si Lady Theresa...!" wika ni Vino ng makita ang babae na nahuhulog mula sa veranda.

                     "Grr!...hindi ako aabot!" sambit ni Rupert na tumatakbong papalapit sa alkalde habang gumagawa ng mga hand signs para sa kanyang technique.

                      Patuloy pa rin ang pagbulusok ng babae. Nang walang anu-ano'y isang anino ang mabilis na sumaklolo. Agad nitong sinalo ang babae saka bahagyang ilinayo ang biktima sa kinaroroonan ng mga masasamang loob. Napahinto sila Andrei sa nakita, nagulat man ay lubos silang nagpapasalamat sa sumagip sa butihing alkalde. Samantalang ang mga masasamang loob, nagulat man sa bilis ng pangyayari ay nagtiim ang mga bagang sa kung sinumang nakapagligtas sa babae na mamaaring nagnanais sumalungat at sumisira sa kanilang plano. 

                      Habang kasalukuyang nagtataka ang mga mamamayan ng Arjona, patuloy naman ang ginagawang pananamantala si Zakhar sa matipunong katawan ni Stefan. Unti-unti na ring nadadarang at nag-iinit sa sarap na nadarama ang makisig na Pyrus Knights sa ginagawang paghalik at pagdila ng necromancer sa buo niyang katawan. Husto ng natanggal ng lalaki ang lahat ng kanyang balute pati na rin ang mga piraso ng tela na bumabalot at tumatakip sa matipunong katawan niya. Wala namang pagsidlan ang tuwang nadarama ni Zakhar ng mga sandaling iyon. Bihag niya ang isang makisig na Pyrus Knight na unti-unti na rin na-iinit. Batid iyon ni Zakhar dahil sa unti-unting tumitigas nitong kargada. Patuloy lamang ang paghalik at pagdila niya sa kabuuan ni Stefan habang ang isang kamay ay malayang nilalaro ang nabubuhay na nitong alaga

                      "Mmmmmhhhhhh" ungol ng dalawa.

1 comment:

Read More Like This